When I First Met You

By JFstories

2M 135K 35.1K

You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shatt... More

SIMULA
CROSS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXIX-2
Kabanata XXX
Huling Kabanata
Epilogo
WHEN I FIRST MET YOU
BOOK
VOX

Kabanata V

43.3K 3.4K 626
By JFstories

BAHALA KA.


Huli na para magsisi ako sa sinabi ko kay Cross. Dinala niya na nga ako rito sa condo niya. Malay ko bang dito niya ako dadalhin? Bigla niya na lang raw kasing naisipang umuwi dahil nainitan siya sa araw. As if naman nagbilad siya sa araw e hindi naman. Napaka-OA niya lang talaga.


Nakarating ako rito sa breathtaking building ng Euria Tower here in QC. Isa itong building na kamukha ng Shanghai Tower. Mas bongga lang ito dahil gold ang mga haligi na katulad naman ng City of Dreams Manila. Meron itong one hundred floors at ang rooftop ay resort. 


Gusto kong magpabili kay Dad ng unit dito pag graduate ko. Hindi ko akalaing may nag-e-exist na ganito kagandang condo building sa QC. Sabi ni Cross, kagagawa lang raw nito kaya siguro ngayon ko lang nakita.


I wonder kung paano na-afford ni Cross na kumuha ng unit dito. Sigurado naman kasi na kahit ang pinakamaliit na suite dito ay ginto ang halaga. But to my shock, hindi lang isang maliit na suite ang place ni Cross sa building na ito. He owned a big suite here.


Ang laki ng place niya. Nasa mataas na floor pa. Pero hindi iyon ang pinaka-iintindi ko sa mga oras na ito. I was more focused to the thought na kami lang dalawa rito sa ngayon sa place niya. Imagine? Ako, si Embry Maceda na NBSB ay nasa pamamahay ng isang lalaki.


I wanted to leave, but I had no choice. Wala akong ibang mapupuntahan. Wala rin akong phone at pera. Isa pa, gutom na ako.


Pero ang gutom ko ay biglang na-convert into "uhaw" nang pagkapasok na pagkapasok namin dito sa condo niya ay naghubad agad siya ng suot na shirt, na kesyo naiinitan daw siya? Like hello? Paanong mainit e ang lakas-lakas kaya ng AC niya? Ano? Manhid ba siya?


Manhid nga yata siya dahil ni hindi niya man lang napapansing halos hindi na ako humihinga rito sa kinatatayuan ko. Palakad-lakad siya sa haparan ko habang topless, showing his broad chest and shoulders, eight pack abs ang perfect V-line. Sobrang nakakainis. 


Ayaw ko siyang tingnan lalo na at kulay pink iyong nipples niya.


"Hey, wala ka bang balak umupo?" tanong niya sa akin dahil nakatayo pa rin ako habang nakasandal sa dingding.


"Seryoso ka?!" angil ko. "Saan ako uupo, ha? Sa sahig?!"


Wala naman kasi siyang sofa o maski upuan man lang. Ano bang kalseng condo ito? Ang laki-laki pero ni wala man lang kagamit-gamit kahit isang pirasong picture frame.


Ang condo niya na yata ang pinaka-weird na condo ever. Bukod kasi sa walang gamit ay ang dilim-dilim pa. Kulay black ba naman ang dingding, kisame at maging ang carpet sa sahig. May takip pang makakapal na black curtains ang glass walls kaya lalong madilim. May ilaw naman siya, ang kaso ay yellow lights kaya kanina pa ako naduduling.


Hindi niya ba alam na mukha siyang kumikinang na fresh meat sa palengke dahil sa effects ng yellow lights niya?


"Yeah, why not?" inosenteng balik niya sa akin. "Can't you sit on the carpet?"


"No, thank you!" Inirapan ko siya.


"Malinis 'yan," nangingiting sabi niya.


Bakit kailangang ngumiti, ha? Sobrang nakakainis na talaga ang lalaking ito! Topless na nga, ngumingiti pa!


Pumunta siya sa open kitchen na katulad ng sala niya ay wala ring kagamit-gamit maliban sa maliit na ref. Kumuha siya ng mineral water bottle sa loob at binuksan. Ininom niya ang kalahating laman at ipinaligo sa kanyang ulo ang natira.


Ano ba itong lalaking ito? Todo ang AC 'tapos naligo pa siya ng cold water mula sa ref? Parang nadaplisan lang siya nang kaunti ng araw kanina, init na init na agad siya?


Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Hindi ako sanay nang naaarawan, that's why."


"Ha?" Napaawang ang mga labi ko. Napalakas ba ang pagkakasabi ko?


"I have a laptop in my room. Do you want to borrow it?"


Mabilis akong tumango sa alok niya. At least hindi na ako maiinip.


Pumasok siya sa pinto na nasa gawing kanan ng condo. Dahil hindi niya isinara ang pinto sa pagpasok ay malaya akong nakasilip sa loob nito. And to my surprise, wala ring kagamit-gamit sa loob maliban sa nag-iisang color back queen size bed. Itim din ang lahat ng nasa loob ng kwarto niya.


Paglabas niya at bitbit niya na ang manipis na Mac laptop. Inabot niya iyon sa akin. "Here."


Pagkatanggap ko sa laptop ay sumalampak agad ako sa carpeted na sahig ng malawak niyang condo. "Thanks!"


Okay naman pala sa sahig. Mukhang malinis ang carpet at mabango rin. Nagsimula na akong mag-browse sa Internet hanggang sa nakalimot na ako sa gutom at oras. 


Ang buong pag-i-Internet ko ay ibinuhos ko sa pag-i-stalk kay Deserri na naka-engaged na sa profile ng dad ko. Sobra ba silang hindi makapaghintay? Hindi pa nga anulled sina Dad at Mudra, engaged na agad ang status nilang dalawa?


Nag-scroll ako sa timeline ni Deserri since hindi naka-private ang profile niya. Parang piniga ang puso ko nang makita ang naka-post niyang photo with Dad. Ang saya-saya nila sa selfie na ito habang magkayakap sila sa veranda. This photo was posted a minute ago.


Paanong nakuha ni Dad na ngumiti sa photo na ito knowing na lumayas ako? Hindi man lang ba siya nag-aalala para sa akin? Hindi niya man lang ba ako naisip na hanapin?


"Who's she?"


Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Cross.


Paglingon ko sa aking gilid ay katabi ko na pala siya sa carpet. Naka-squat siya at nakikitingin sa tinitingnan ko. Nacurious siguro siya dahil kanina pa ako nakatitig sa photo na ito ni Dad at ni Desirre.


"She's the mistress," I answered.


Tuluyan na siyang tumabi sa akin sa carpet. Pasalampak siyang umupo sa tabi ko. Pasimple naman akong napaurong dahil napadikit sa akin ang hubad niyang balikat. Wala lang, nakaka-eskandalo lang.


Nang bumalik ako sa kotse niya kanina ay nagkabati na kami. Hindi niya na ako inaasar. In fact, ang bait niya habang buma-byahe kami, hayun hindi ko tuloy namalayang nakapag-kwento na ako sa kanya. Ikinwento ko ang lahat sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya dahil wala siyang imik habang nagkukwento ako. Wala man lang siyang payo sa akin pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob. Pero okay na rin, kasi gumaan ang pakiramdam ko matapos kong magkwento kanina.


"Hindi ka pa ba uuwi?" mayamaya ay tanong niya.


Napailing agad ako. "I can't go home."


"You have to." Sinulyapan niya ang photo nina Dad at Deserri sa screen ng laptop. "Malamang hinahanap ka na niyang erpat mo ngayon."


"Mukha bang hinahanap niya ako?" Itinuro ko ang photo sa screen. "This photo was posted five minutes ago."


"Still, you have to go home. Alangan namang mag-stay ka rito sa condo ko. Ibu-book na kita ng Grab, okay?"


"Ayaw!" Napanguso ako.


Narinig kong napabuntong-hininga siya. Hindi ko rin siya masisisi kung mainip siya. Ang boring ko naman kasing kasama. 'Tapos obvious na hindi pa ako naliligo. Naka-pajama pa nga ako. Pero kahit na, no? Bakit niya ako dinala rito sa condo niya kung pauuwiin niya rin agad ako? Ang labo!


"Why are you doing this?" mayamaya ay tahimik na wika niya. "Bakit ka nagrerebelde?" Napakamot siya.


"Pagre-rebelde ba ang ginagawa ko?" Lumabi ako sa tanong niya. "Nag-aalala lang ako para kay Dad. Narinig mo naman ang kwento ko kanina, di ba? Malakas ang kutob ko na manloloko iyong Deserri na iyon. Natatakot lang ako na masaktan sa huli si Dad."


Hindi lang si Dad ang inaalala ko, kung hindi pati si Mudra. Dahil nasasaktan ngayon ang stepmom ko dahil sa padalos-dalos na desisyon ni Dad. Ang gusto ko lang naman ay magkaayos sila. Hindi man sila ang magkatuluyan sa huli, sana ay maghiwalay sila nang matiwasay. Ang gusto ko rin ay ang maging maliwanag ang isip ni Dad sa mga bagay-bagay.


"Are you hungry?"


Napangisi ako sa tanong niya. "Manlilibre ka?"


Nagusot ang matangos niyang ilong. "Charge sa utang mo sa akin."


"Kuripot!" Natawa ako pero pumayag na rin. Gutom na kasi talaga ako.


Um-order siya ng softdrinks and BBQ chicken wings online. Iyon ang pinapak namin habang ini-stalk namin ang FB account ni Deserri. Gabi na nang magsawa at huminto kami.


Topless pa rin pala siya kahit mas malakas at mas malamig na ang AC ngayon. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang matinding lamig. Naka-jeans lang siya at painom-inom pa ng cold water mula sa mineral bottle, samantalang ako rito ay nakabaluktot na sa pagkakaupo.


"Hoy babae, pwede ka na sigurong umuwi?" Nilingon niya ako matapos isara ang laptop. "Nakakain at nakapag-Internet ka na. Siguro naman maligaya ka na."


"Hindi nga ako pwedeng umuwi sa amin." Nag-iinat na tiningnan ko siya. "Lumayas ako, di ba? Kung uuwi ako, para ko na ring sinabi kay Dad na tanggap ko nang maging new mommy ang kabit niya."


Tinaasan niya ako ng kilay. "So saan ka pupunta niyan kung ayaw mong umuwi?"


Napayuko ako nang ilang minuto bago nag-angat ng paningin. Tininngala ko siya at sinalubong ko ang kanyang kulay luntiang mga mata. "May gusto ka ba sa akin?"


Napakurap siya bigla. "What the hell are you talking about?"


Kumibot-kibot ang nguso ko. "Do you desire me?"


Napatingin siya sa suot kong damit, sa kulay baby pink kong partner pajama na ang print ay Hello Kitty.


Halos magbuhol ang itim na itim at makakapal na kilay ni Cross nang balikan niya ng tingin ang aking mukha. "Of course not! I've got a lot of girlfriends that are way better than you. Most of them are models. Ang iba pa nga ay foreigners. Pinagsasabay-sabay ko sila since okay lang naman sa kanila."


"So you don't desire me?"


"No! You're not my type–"


"Good!" putol ko sa pagsasalita niya.


"What?" Naguguluhang napatitig siya sa akin.


Malawak na ngumiti ako sa kanya. "Dito muna ako titira sa condo mo."


"Are you out of your mind?!" Para siyang namroblema bigla. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang cute.


"Listen, hindi mo ako type at hindi rin kita type," simula ko. "So meaning, safe tayo sa isa't-isa. Gets? Kaya I've decided na itong condo mo ang perfect place para sa akin."


Mariing napapikit siya. "No!"


"Why no?" maang namang tanong ko. "Hindi naman ako magpapasaway rito, ah? Dito ako sa sala mag-stay at matutulog para hindi kita maistorbo. Kung gusto mo, ipaglilinis pa kita at ipagluluto. Thought hindi nga lang ako marunong maglinis at magluto."


"Hindi pwede." Napatayo na siya at napahagod ng mga daliri sa kanyang buhok. Mukhang nai-stress siya sa akin. Pero hindi naman siya mukhang stressed. In fact, fresh pa rin ang itsura niya.


Tumayo na rin ako. "Please? Ampunin mo muna ako. Hindi naman ako magtatagal dito. I promise you, hindi ako magiging pabigat dito. Magiging mabuting housemate ako. Kung gawain mong mag-uwi ng girls, you can still do that. I won't mind."


Itinulak niya ang noo ko gamit ang kanyang mahabang hintuturo. "Hindi nga sabi pwede."


"Why nga?!" yamot kong tanong.


"Because..." Lumikot ang berde niyang mga mata. "You're a stranger."


Napapadyak ako. "Hindi naman ako magnanakaw. Hindi rin ako mamamatay-tao!"


"You really can't stay here, Embry." Umiling siya.


"Makikitulog lang at makikitira ng ilang araw, what's wrong with that?" Napahalukipkip na ako. "Tell me!"


"I can't tell you." Tumalikod siya sa akin.


Hinila ko siya sa kamay para mapaharap ulit sa akin. "Come on! Just tell me para manahimik na ako! Ano? May GF ka bang selosa? Pwede mo naman sigurong sabihing kamag-anak mo ako, katulong o kaya ghost!"


"I told you, you can't stay here. That's final."


Napapalatak ako. "Siguro may pinatay ka rito at nakatago rito ang bangkay, ano?!"


Nagsalubong ang mga kilay niya.


"Are you a psycho killer?!"


"Oh, dang!" Nasampal niya ang kanyang noo.


"Bakit nga bawal ako makituloy rito?!" pangungulit ko. Aba, hindi niya kilala ang kakulitan ko. Consistent 'to!


Matagal siyang hindi nakasagot.


"Come on, tell me!"


Napabuga muna siya ng hangin bago siya sumagot. "Because I'm a vampire."


Napatitig muna ako sa kanya bago ako napabulalas ng halakhak. "Vampire? Utot mo!"


Sumimangot siya sa akin.


Ako naman ay natatawa pa rin. Bakit ba feel na feel niyang sabihing vampire siya? Oo na saksakan siya ng kinis at gwapo. Oo na masyado siyang perpekto in physical. Oo na papasa na siyang vampire, pero hindi ako tanga para maniwalang vampire nga siya. Walang vampire na scammer, no!


"Fine..." sabi ko na lang para sakyan siya. "So ano naman kung vampire ka, ha?"


"I don't sleep."


"So?"


"Hindi ka ba natatakot?" Pinungayan niya ako ng kanyang luntiang mga mata. "I might bite your neck and suck your precious blood."


"Rawr!" pangungutya ko sa kanya. "Wolf naman ako!"


Humugot siya ng cellphone at nagtipa. "I'm booking you a car."


"No, please!" awat ko sa kaya. "Fine, naniniwala na ako sa vampire ka."


"You really need to go home." Seryoso ang kanyang mukha habang nakatutok sa screen ng phone na hawak.


"Please..." pagmamakaawa ko. Humawak pa ako sa kanyang matigas na braso. "Never ka bang nakaranas ng family issue? Never ka bang nasaktan ng mga magulang mo? Kasi ako, nasaktan nila ako. Ang sakit-sakit, Cross..." Hindi ako nahirapang magpaawa sa kanya dahil totoo namang nasasaktan ako ngayon. Kusang nangilid ang mga luha sa mga mata ko.


Natigilan naman siya nang makita na may mga luha ako.


"Cross, please..." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang braso. "I'm begging you, I don't wanna go home..."


Yamot siyang tumitig sa akin bago siya napahilot sa kanyang sentido. "Fine!"


Pumatak na ang mga luha sa aking pisngi. "What do you mean fine?" Napabitiw ako sa kanya.


"Fine. You can stay here." Umiwas siya ng tingin sa akin. "Now, wipe your tears," pagkasabi'y tinalikuran niya na ako.


JF 

Continue Reading

You'll Also Like

15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
9.2K 130 19
May mga bagay na nakasanayan mo nang andiyan, kaya hindi mo na gaanong nakikita ang halaga. Familiarity breeds contempt, sabi pa nga. Pero paano kung...
3.2K 118 31
Beatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pan...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...