Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

134K 3.2K 309

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 8

2.8K 70 0
By jhelly_star

Kabanata 8

Boyfriend

--

Hindi ako pinilit ni Audrey na magtungo agad sa mga Agravante. Para sa kanya, ako dapat ang magdesisyon non. Hindi pa ako handa kaya napag desisyunan kong wag na munang pumunta. I need to prepare myself first. At isa pa, malaki ang posibilidad na hindi nila ako paniwalaan. Kailangan ko talagang maging handa sa mga sasabihin nila.

"I really can't believe you're an Agravante. At hindi rin ako makapaniwala na peke ang babaeng matagal na naming kinikilalang Agravante!" si Audrey habang kumakain kami sa field.

Ilang linggo na ang nakalipas, at hindi pa rin ako handa. Hindi ko alam kung magiging handa pa ba ako. Pilit ko pang hinahanap ang tapang na meron ako. Tila nawala iyon nang naisip ko ang mga masasakit na salitang matatanggap ko.

Wala namang nangyaring maganda sa mga araw ko noong nakaraan. My grades are still good. I still always see the Agravantes but there's no more interaction between us. Brandon... is always texting. Nirereplyan ko naman kahit papaano dahil... magkaibigan naman na kami.

"I still don't know if I can face them. They are too high to reach..." sambit ko.

"They are your family. Hindi man sila maniwala sayo kapag sinabi mo na ang totoo, sigurado akong paniniwalaan ka rin nila kalaunan."

"Pero hindi naman nila alam na pamilya nila ako."

"Hindi kailanman nanaig ang kasinungalingan sa katotohanan."

Napatingin ako kay Audrey. She smiled.

"Lalabas rin ang totoo. At sigurado akong iyon ang mananaig."

Malungkot akong ngumiti. "Thank you. Kung hindi dahil sayo baka nawalan na ako ng pag asa."

"Sus! Ikaw? Mawawalan ng pag asa? Hindi ako naniniwala. I couldn't even imagine that happening. You are too brave to give up."

Natawa ako. She's right. But I still knew in myself that I was slowly losing hope. Mabuti nalang talaga nandito siya para palakasin ang loob ko.

Nagulat ako nang natanaw ko si Arjun na palapit. Okay na kami noong isang linggo pa. He was sorry for what he said to me and I was sorry too. I know what I told him was wrong. Masyado lang talagang masama ang pakiramdam ko noong araw na iyon.

He smiled. Ngumiti rin ako. Nilingon ni Audrey ang nginingitian ko at doon ko lang naalala na hindi ko pa nga pala siya napapakilala kay Arjun.

"Arjun. Upo ka," alok ko nang nakalapit siya.

Tumango siya at sinulyapan ang kasama ko. Tapos nilingon niya ako at alam ko na agad kung anong gusto niyang malaman.

"Siya si Audrey, Arjun, yung sinasabi kong kaibigan ko. Audrey, si Arjun, kapitbahay at kaibigan ko," pakilala ko.

"Hi," maliit na ngumiti si Audrey tiningnan mula ulo hanggang paa ni Arjun.

"Hi. Nice to meet you," si Arjun naman.

Audrey smiled a little again and didn't add to it. Magkaharap kami ni Audrey habang nasa gilid namin nakaupo si Arjun.

Nilingon ako ni Audrey.

"By the way, I'll go to your store again later. I'm very bored at home, I always had no one to talk to."

Tumango ako. "Okay."

Nilingon ko si Arjun na hindi na kinausap pa ni Audrey. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil halatang hindi interesado si Audrey sa kanya. Itong babaeng to talaga. Kapag talaga hindi niya gusto, hindi niya gusto.

"Ano nga palang ginagawa mo rito, Arjun? Wala kang klase?" tanong ko.

"Ah, oo. Mamaya pa ang klase ko. Nagpunta ako rito dahil baka nandito ka at nandito ka nga. Break time niyo?"

"Yup. Mamaya pa rin ang klase namin."

"Mmm," he nodded and glance at Audrey.

Audrey was just quietly eating bread while reading her book. Hindi na niya talaga kinausap si Arjun. I thought she would be as friendly to him like how she was very friendly to me but it looks like I was wrong.

"Audrey, college na si Arjun. He's good at math," sabi ko dahil paborito rin niyang subject ang math.

Baka sakali lang na pansinin na niya si Arjun pag sinabi ko iyon.

"Mmm. That's nice," ngumiti si Audrey kay Arjun pero binalik rin agad ang tingin sa libro niya.

Pero mukhang nagkamali ako.

Gusto kong irapan si Audrey dahil sa ilang linggo naming magkasama, nakilala ko na siya. Mabait siya at friendly. Hindi siya tumitingin sa estado ng mga tao. Pero minsan may pagka masungit siya. Kapag ayaw niya sa isang tao, ayaw niya talaga. Kahit pa hindi niya pa nakikilala ng lubusan.

"Ah, siya nga pala. Gusto kong sumabay sayo sa lunch mamaya. Pupunta ako sa cafeteria ng mga high school," si Arjun nang hindi na talaga nagsalita si Audrey.

"Oh? Sure! Kasabay ko rin si Audrey na kumain."

Nilingon ko si Audrey.

"Is that okay with you, Audrey?"

"Oo naman," tango niya habang hindi kami tinitignan.

Tsk. This girl.

"That's great! Anyway, what are you doing?" tanong ni Arjun at sumulyap sa notes ko.

"Just reading. Masyado pa kasing maaga kaya walang magawa."

"Mmm. Kung ganon dito ka na talaga lagi kapag maaga kang pumapasok."

"Maaga naman ako palaging pumapasok."

"Dito na rin pala ako kapag maaga ako. Wala rin kasi ako maayadong kasama sa building namin. Okay lang ba?" sumulyap siya kay Audrey.

"Oo naman," tango ko.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Audrey.

"Sabay na rin tayong umuwi palagi. Naglalakad ka lang, hindi ba?" si Arjun ulit.

"Oo pero mas maaga ang uwi namin kesa sainyo, diba? Hindi ako makakasabay sayo. May mga trabaho pa ako."

"Ah, oo nga pala. Kung ganon pwede bang sabay nalang tayong pumasok palagi?"

Hindi na kami nakakapag sabay masyado ngayon dahil maaga talaga akong pumapasok.

"Sure! Pero palagi akong maaga?"

"Okay lang! Kaya ko namang gumising ng maaga," he smiled.

"You sure? Hindi ka ba mapupuyat? Ayos lang naman kung hindi ka na sumabay. Sigurado akong marami kang ginagawang homeworks kapag gabi."

"Hindi. Ayos lang, Sandra. Tsaka kailangan ko ring mag review ng marami kaya maaga na akong papasok simula bukas..." muli siyang sumulyap kay Audrey.

"Oh. Okay. Ikaw ang bahala."

Ilang sandali pa kaming nag usap ni Arjun tungkol sa kung ano ano. Minsan sinasali ko si Audrey sa usapan kaya lang masyado siyang busy sa pagbabasa sa libro niya o sinasadya niya lang talaga iyon. Ewan ko ba sa kanya. Ayaw niyang makisali sa usapan namin.

Hanggang sa sinarado niya ang aklat niya at nagligpit na ng gamit. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang malapit nang mag time. Nalibang ako masyado sa usapan namin ni Arjun.

"Tara na, Cassandra. Male-late na tayo," si Audrey.

"Oo nga pala. Malapit na ang klase namin."

Bumaling ako kay Arjun.

"Mauna na kami, Arjun. Kita nalang tayo mamaya," sabi ko at nagligpit na rin ng gamit.

"Sige. Babalik na rin ako," nagligpit na rin siya ng mga gamit niya.

Tumango ako at pagkatapos naming magligpit ng mga gamit, nagpaalam na kami sa isa't isa. Audrey said goodbye to him but was still cold. I can't really guess why she's like that to Arjun. Ang alam ko lang ganyan talaga ang ugali niya.

"Bakit ganon ka kay Arjun?" tanong ko na habang naglalakad pabalik sa building namin.

"What?" inosente niya pang tanong.

"Tss. Why are you so cold to him?"

"Hindi, ah. Busy lang talaga ako sa pagbabasa."

I looked at her in a suspecious way. Tinignan niya rin ako at pinanlakihan ng mga mata.

"Totoo!" anya.

"Tss. Kung ayaw mo sa kanya, pwede mo namang sabihin nalang."

"Bakit ko naman siya aayawan? Medyo hindi ko lang siya... gusto."

Inamin rin.

"Ayaw mo nga sa kanya kung ganon," sabi ko.

"Hindi naman sa ganon. Parang... kaunti lang. Ewan ko. Basta."

Umiling ako sa kanya at hindi na nagsalita pa. Nagsimula ang unang klase namin at maayos naman iyon. Medyo marami na rin ang nakikipag kaibigan sa akin pero si Audrey pa rin ang sinasamahan ko. I'm happy that a lot of people want to be friends with me but I don't want too many friends. Especially since I know others are just friendly with me because of my high grades. I hate people like that.

Lunch when our professor ordered me to bring a folder to a professor in the college building. Gusto akong samahan ni Audrey pero pinauna ko na siya sa cafeteria dahil alam kong gutom na siya. Hindi naman na siya nagprotesta pa.

Papunta ako sa sinasabing professor nang natigil sa paglalakad. I saw on a bulletin board the picture of the familiar woman. It was framed and placed on one side of the bulletin board and on the other side was a picture of my grandfather, Theodore Agravante.

I faced the picture of Georgina Agravante and stared at it carefully. Medyo bata pa siya roon at maganda ang pagkakangiti. Naalala ko ang mukha ko sa salamin kapag nakangiti. We have the same smile. Bahagyang kumirot ang puso ko. Hindi ko magawang ialis ang titig ko roon.

According to my research, she died six years ago. Nakakalungkot na hindi ko manlang siya naabutan. Hindi ko manlang nakita sa personal ang mukha niya. Hindi ko manlang siya nakausap. Hindi ko manlang siya nakilala.

Hindi ko alam kung alam na ba niya ngayon na ako ang tunay niyang apo pero gusto kong sabihin na... ako ang tunay niyong apo, lola. Ako si Nirvanna Elizabeth Agravante.

Wherever you are, if you already know the truth, I hope you will guide me. I hope you will accompany me in saying the truth to the Agravantes and I hope that by the time I get hurt, you will hug me very tightly.

I love you... my grandmother.

"Cassandra?"

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa picture ni Georgina Agravante. Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Brandon. Doon ko lang nakita na bahagya na palang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Nag iwas ako sandali ng tingin sa kanya at tumikhim.

"Are you okay?" he asked and walk towards me.

Hinarap ko siya nang bahagyang naalis ang tubig sa mga mata. Nakita ko ang pagtingin niya sa picture na tinitignan ko kanina at pagkatapos tinignan ako.

"Oo. Uh... anong ginagawa mo rito?" pag iiba ko ng usapan.

"This is my building," he said while looking at me seriously.

"Oh. You're an engineering student?"

Obviously.

"Yes."

Tumango tango ako.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Nautusan lang ako rito. Ibibigay ko itong folder kay Mrs. Reyes," pinakita ko ang dalang folder.

Marami pang student ang nasa building. Yung iba nagtitinginan sa amin pero hindi ko na pinapansin. Alam ko naman na dahil lang kay Brandon kaya ganyan sila makatingin. He's handsome and famous here. Talaga palang kapag maganda at gwapo ka, o kapag mayaman ka, sisikat at sisikat ka.

"I know her room. Samahan na kita?" alok niya.

"Ah, hindi na! I also know her classroom. Maybe she's still there. Kapag wala siya roon, pupuntahan ko nalang siya sa office niya."

"I'm sure she's still in her classroom. You sure you're okay alone?"

"Yeah. Tsaka... uh... baka maka abala pa ako. It's already lunch time. Bumaba ka nalang at kumain."

Umiling siya. "It's fine with me. Sandali lang naman."

Nagkatinginan kami. Ilang sandali akong hindi nakapag salita.

"You sure?" I asked.

He nodded and smiled. I sighed and nodded.

"Ikaw ang bahala..."

Nauna na akong naglakad sa kanya. But before I could pass him, I saw a small smile appear on his lips. My heart pounded but I ignored it. Sumunod siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Why are you staring at that picture earlier?" tanong ni Brandon habang naglalakad kami.

Bahagya akong kinabahan.

"Nothing. Uh... I just find her... beautiful," nagkibit ako ng balikat para hindi masyadong halata.

"Mmm. She's Georgina Agravante. She's the wife of Theodore Agravante who owns this school," he explained.

Tumango ako. "I know..."

"But you looked sad while staring at her. Is there something wrong?"

Bahagya akong nagulat pero kinabahan sa sinabi niya. Tumikhim ako at umiling.

"Wala naman. My eyes are just really like that when I'm staring at someone," palusot ko.

Tinitigan niya ako. Nag iwas agad ako ng tingin. Tumango naman siya kalaunan pero nakatitig pa rin sa akin.

"By the way, is that really your boyfriend?" tanong niya, nakahinga ako ng maluwag dahil iniba niya ang usapan.

But... what? Boyfriend? We're here again?

Nilingon ko siya at kunot noong tinignan. "What boyfriend again?"

"I saw you earlier with him."

Hindi ba talaga siya titigil rito? Does he really want to know? Ano bang mapapala niya kapag nalaman niya ang sagot ko roon?

"Arjun?" nagtanong pa ako kahit sigurado naman akong si Arjun ang tinutukoy niya.

His eyes darkened when I mentioned Arjun's name. My heart was beating so fast again. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"You said we're friends? Why you don't want to tell me if he's your boyfriend? Friends tells secrets to each other, right?"

Gusto kong matawa roon. Fine. Kung gusto niya talagang malaman.

"He's not my boyfriend, alright. Bakit ba gustong gusto mong malaman? Ano bang mapapala mo sa isasagot ko?" baling ko sa kanya.

Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Nagkatinginan kami. Kumunot ang noo ko habang nakita ko naman ang pag angat ng gilid ng labi niya.

"He's not your boyfriend?" he asked again as if he wants to make sure.

Pero nandoon pa rin ang isang maliit na ngiti sa labi.

"Oo nga. Anong bang meron roon, ha? Bakit gustong gusto mong malaman?"

"Nothing. We're friends so I want to know your secrets."

"I'm not that kind of friend who will tell all my secrets to you."

Ngumuso siya at hindi na nagsalita. May maliit pa rin na ngiti sa kanyang labi na tinatago gamit ang pag nguso. Nakikita ko naman kahit anong tago niya. Nag iwas ako ng tingin at umiling sa sarili dahil nangingiti na rin.

Tama nga si Brandon. Nandoon pa rin si Mrs. Reyes at may mga inaayos pa. Binigay ko ang folder kay Mrs. Reyes. Pagkatapos noon ay sabay na kaming bumaba.

"You're gonna eat lunch now?" tanong ni Brandon habang naglalakad.

"Yeah. Ikaw din?"

"Yup. Nasaan nga pala ang kaibigan mo?"

"Si Audrey? Pinauna ko na siya sa cafeteria. Nagugutom na rin kasi siya."

Tumango siya.

"Ikaw? Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Hindi mo na dapat ako sinamahan dito."

"It's okay. Pwede pa naman akong humabol sa kanila roon."

"Pero kaunti nalang ang oras mo para kumain."

"Nope. Maya maya pa ang susunod kong klase kaya makakakain pa ako."

Tumango tango ako.

"So... that boy is not your boyfriend?"

Nilingon ko si Brandon dahil iyan na naman siya. Sinabi ko na sa kanya iyon kanina, hindi ba?

He chuckled when he saw my annoyed face.

"I'm just making sure. You two looks close so..."

"He's not my boyfriend, uulit ulitin ko pa ba? Naging kaibigan ko lang siya noong lumipat ako sa barangay nila."

"Oh, so you two are neighbors, huh?" I heard a slight of sarcasm in his voice.

Nilingon ko siya. "Oo... Bakit?"

"Nothing," nag iwas siya ng tingin.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya ng ilang sandali pero binalewala nalang iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad. May mga students pa rin na nakatingin sa amin. Nagbubulungan sila pero hindi ko nalang pinapansin.

"Saan ka ba galing na lugar bago ka napunta rito?" tanong ni Brandon maya maya.

"I'm from Cagayan de Oro," simple kong sagot.

"That's far. Bakit ka pumunta rito?"

He's my friend but I can't tell him about my life. Okay nang si Audrey nalang ang nakaka alam.

"Just to study. Mas gusto ko rito. Tsaka marami rin kasing oportunidad sa Maynila."

"Ano bang gusto mong kunin na course kapag nag college ka na?"

Nag isip ako sandali. Sa totoo lang hindi ko pa iyan napag iisipan. Pero syempre kahit papaano may gusto akong gawin. At sigurado akong iyon ang gusto kong gawin paglaki ko.

"Siguro business," sagot ko.

The edge of his lips rose. "Business? That's great."

"Uh-huh. Ikaw? Bakit engineering ang kinuha mo?"

Hindi ko alam kung bakit curious ako roon.

"That's just the one I love to do in the future. My father is an engineer too."

Oh. That explained it.

Pababa na kami nang hagdan nang may tumawag sa kanya.

"Brandon--!" natigil ang masayang pagtawag ni Elizabeth nang nakita niyang kasama ako ni Brandon.

"Eli," biglang lumamig ang tinig ni Brandon.

"Uh, excuse me? Why are you with her?" nakataas ang kilay niyang tanong at lumapit sa amin.

Nasa may hagdan na kami, nakababa na. Humalukipkip si Elizabeth at tinignan ako mula ulo hanggang paa, may pang iinsulto sa mga mata niya.

Huminga ako ng malalim at pagod siyang tinignan. Talagang kahit saan sumusulpot siya. Bakit kaya siya nandito? Para kay Brandon? Mukhang close sila, huh?

"What are you doing here?" tanong ni Brandon, hindi sinagot ang tanong sa kanya ni Elizabeth.

"I'm here for you. You are not with your friends so I was looking for you here. Pero bakit kasama mo ang babaeng iyan?" iritado niya agad tanong.

"Sinamahan ko siya, Eli. Bakit mo ako hinahanap?"

"Sinamahan mo siya? Saan? At bakit mo siya sinasamahan? Have you forgotten that Issa got mad at me because of that girl?"

"Eli," nagbabanta ang tinig ni Brandon at lumapit na sa kanya.

"What? Totoo naman, eh! Kaya bakit mo pa rin siya sinasamahan? At ikaw naman!" baling niya sa akin. "Bakit sama ka nang sama sa kanya? Ano? Pati ba ito kinaiinggitan mo sa akin kaya kinukuha mo na rin?"

"I said stop it, Eli! Ako ang sumama sa kanya at wala siyang ginagawang masama," mariing sinabi ni Brandon.

"Oh, really? O baka naman--"

"Wag kang mag alala, hindi ko aagawin ang boyfriend mo," hindi ko na napigilan.

Natigil siya at napatingin sa akin.

"Cassandra," si Brandon.

"Siya ang sumama sa akin kaya wag na wag mo akong magawang sabihan ng kung ano. Nananahimik ako rito kaya kung ano man ang nangyayari sainyong dalawa, wag niyo akong idamay. Wala akong panahon sainyo," sambit ko at naglakad na paalis.

"Cassandra!" paghabol ni Brandon pero pinigilan siya ni Elizabeth.

"Susundan mo siya? Ako ang nililigawan mo, Brandon, pero bakit siya palagi ang kinakampihan mo?!"

Nagtiim bagang ako at mas lalo pang naglakad nang mabilis. Ayoko nang marinig pa ang iba pa nilang sasabihin.

Nililigawan? Nililigawan niya si Elizabeth? Really? Nililigawan niya?

Eh, ano bang pakialam ko? Bakit ako naiinis? Edi nililigawan niya! I don't care about them. Gulo lang ang dala nila kaya mas mabuti pang lumayo nalang ako. I'm just wasting time!

Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 1.2K 20
Dahil sa naudlot na plano ni Meleena. Binigyan niya ng kakaibang sumpa ang isa sa mga tatlong anak ni Winston Miranda. Ang batang isinumpa ni Meleena...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson