To Love Again

By MelancholyofMaryey

51.7K 1.9K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... More

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 30

726 29 1
By MelancholyofMaryey

Monday night na ngayon at ang bilis lang ng panahon. Bukas ay pabalik na kami ng manila.

Buong weekend ay sinulit namin sa pamamasyal at pagkain ng kung ano ano pakiramdam ko nga ay nadagdagan ako ng timbang.

Nandito kami ngayon sa hotel room at inaayos na ang mga gamit namin para bukas. Hangang ngayon ay sariwa pa din ang nangyari sa amin ni kelsey actually panaginip ko pala. At after ng halikan namin sa bar nuong friday night ay hindi na ito nasundan. Sinermunan pa nga niya ako kinabukasan non na hindi na daw ito mauulit pa kesyo bago pa lang daw kami at kung ano ano pa. At sinabi pa niyang wag ko na daw siyang hahawakan pa maliban sa kanyang mga kamay. Grabe noh. Hangang panaginip na lang ata talaga ako.

Pero kahit ganoon ay masasabi kong naging masaya ang vacation namin na ito. Lalo ko pang nakilala ang mga kaibigan niya at napalapit na rin ako sa mga ito. Unti unti ay kaya ko nang sakyan ang mga trip nila sa buhay.

Handa na akong matulog kaya naman umakyat na ako sa kama. Si kelsey naman ay nasa banyo pa at naliligo.

Dilat na dilat ang mga mata ko ng makita ko siyang lumabas ng shower room. Nakatapis lang siya ng towel at tumutulo pa ang basang buhok. Tila naman naging miscroscope ang aking paningin na tila pati pag agos ng tubig mula sa kanyang buhok papunta sa mukha na tumulo sa kanyang clevage. Sana tubig na lang ako. Haha Napalunok ako at namula. Gustuhin ko man umiwas ng tingin ay hindi ko magawa. Kung bakit kasi hindi pa siya agad nagbihis sa loob.

Gusto niya ba talaga akong akitin? Nakakainis.
Mayron naman robe sa loob ni cr.

Gusto ata niya talaga ako magdusa.

Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay inirapan niya ako. Narinig ko pa ang huli niyang sinabi bago siya tumalikod at kumuha ng pang tulog.

" manyak"

Isa siyang tukso. Tumalikod na din ako sa kanya at nagbalot ng comforter matutulog na lang ako kesa mabitin sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi naman ako dalawin ng antok kaya naman bumalikwas ako at kinuha ang phone ko. Si kelsey naman ay tapos ng magpatuyo ng buhok kaya naman umakyat na siyang kama at pinatay ang ilaw.

Naglaro na lang ako ng mobile legends. At hindi ko na namalayan ang oras. Nabigla pa nga ako ng lumapit ang mukha niya dahil sinilip niya kung ano ang aking ginagawa.

Halos magkadikit na ang aming mga labi ng lumingon ako sa kanya.

" Aren't you going to sleep? Maaga ang flight natin tomorrow"

Dali dali akong umusod at halos mahulog ako sa kama sa aking ginawa. Kailangan kong dumistansya sa kanya para mapigilan ko ang aking sarili. Hindi ako maaring mahulog sa tukso.

" Matutulog na ako" at saka ko tinago ang phone sa bedside table.

Siya naman ay parang wala lang na bumalik sa pagtulog. Pinilit ko na lang pumikit at huwag na magisip pa. Dito na ako inakay ng antok.

7am pa lang ay nakalapag na kami sa Airport sa manila. Bukas ay back to reality na naman ako. Back to work.

Kumaen muna kami ng breakfast at nagpasya ng bumalik sa kanya kanya namin bahay.

Kasalukuyan akong nagdadrive pa quezon city para ihatid si kelsey sa kanyang condo. Hindi na ako umakyat sa parking sa itaas.

" Bye babe" sabi ko dito matapos kong maipark ang sasakyan sa tapat ng entrance lobby ng building hindi kasi siya sa akin nakaharap kungdi sa phone nito na kanina niya pa hawak.

" bye" maikli niyang sagot sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang inaasal.

" what's with that face?" tanong niya kaagad sa akin siguro ay nabasa niya ang pagkainis ko.

" nothing" walang emosyon kong sabi at bumaba na ng sasakyan. Binuksan ko ang pintuan para makalabas na siya. Kinuha ko ang bags sa likod at naglakad na papasok ng building.

Nang makapasok sa elevator ay may isang babaeng bumati sa kanya. Maganda siya at kaakit akit. Pero mukhang mapaglaro.

" hi kelsey goodmorning" sabi nito ng nakangiti. Niginitian din niya ito at binati pabalik.

" is she your friend? i noticed she comes here often" turo sa akin ng babae at sumilay ang kakaibang ngiti.

" No, she's not my friend" sagot naman ni kelsey dito.

" ohhh i though she's new to your circle"

" yeah she is. She is my girlfriend" sagot niya na nagpatigil sa maarteng babae. Tumunog na ang bell sa 8th floor kaya naman nagpaalam na siya sa babae.

Naglakad na kami  papunta sa unit niya at pumasok sa loob nito. Inilapag ko na ang bag niya. Umupo muna ako sa sofa at nagpahinga. Nakakapagod din ang trapik. Matagal pa ang naging biyahe namin from pasay to qc kesa sa oras sa eroplano.

Naglapag naman siya ng baso na may tubig sa harap ko. At umupo sa aking tabi.

" tired?" tanong niya sa akin. Nginitian ko lamang siya. Ganda niya kasi. Nakakakilig.

" Who is she" tanong ko sa kanya. Nakuha naman niya agad na tinutukoy ko.

" She's Shiela ka blockmates ko siya in college why you're asking? Are you interested with her? "

Napailing ako sa tanong niya.

" She's pretty and sexy. And she's a flirt, don't go near her". Utos niya sa akin.

" Okay" tangi kong naisagot sa kanya. Wala naman kasi akong balak makipaglapit don sa babaeng iyon.

" avoid her alex" paalala niya muli.

" Yes babe you don't have to worry sayo lang ako" biro ko pa sa kanya. Inikutan lang ako nito ng mata sa sinabi ko.

" siya nga pala uuwi na ako" sabi ko dito at tumayo na. Kailangan na din namin magpahinga. We both have work tomorrow.

Naglakad na ako sa pintuan at binuksan ito. Siya naman ay nakasunod lang sa akin.

" call me when you get home"

Tinanguan ko ito at lumabas na building.

Nagdrive na ako pauwe ng bahay. At binaba ang bag ko. Matapos kong magbihis ay nahiga agad ako sa kama habang tinatawagan si kelsey. Nakailang ring na ay hindi niya ito sinasagot. Busy ba siya? Nilapag ko na ang phone at pumikit. Antok na din kasi ako. At di ko namalayan nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay hapon na at gutom na ako. Nakalimutan ko ng hawakan ang phone ko dahil abala ako sa pagluluto.

Actually merienda time na nga ngayon. Pagkatapos kong kumaen at umakyat na ako ulit sa kwarto. Saka ko lang napansin umiilaw ang notification ng cp ko. Saka ko lang naalala si kelsey.

Inopen ko ito at gulat sa dami ng missed call at text from her. Patay ako nito.

I decided to call her now.

" hello" panimula ko dito pero tahimik lang sa kabilang linya. Hindi siya sumasagot.

" Im sorry nakatulog ako kanina, tinawagan kita pero hindi mo na sagot eh" paliwanag ko pero buntong hininga lang ang naging sagot nito. After nuon ay pinatay na nito ang tawag. Yari talaga ako nito.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi na nito sinagot ang tawag ko. After ilang try ay wala pa din. Hanggang sa pinatay ko na ulit ang phone ko.

Natapos ang araw at hindi ko na siya nakausap pa.


"Vacation's over comeon rie back to earth" pang aasar sakin ni erika

Tulala lang kasi ako buong araw. Matatapos na ang araw na ito pero hindi ko pa din nakakausap si kelsey. Mukhang nagtampo talaga siya sa akin hayss. Nakailang text at tawag na ako sa kanya ay wala man lang response akong natatanggap.

Siguro ay busy din siya sa trabaho kahit kasi sembreak ay may paperworks din siyang kailangan tapusin. Pero sana naman ay iupdate niya din ako.

Natapos ang oras ng trabaho ko at nakauwe na ako ng bahay. Nakakabagot. Matapos kong magbihis ay bumaba ako at nagtimpla ng kape. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon dati naman ay sanay na akong magisa at hindi naiinip ng ganito pero mula ng makilala ko si kelsey ay parang nagbago na lahat. Hindi ako tatagal na hindi man lang siya makausap ng kahit saglit lang.

Nagbukas ako ng radyo at nakinig na lang ng musika. Naalala ko nga pala na magkikita kami ng mga naging ka banda ko dati. Isa din sila sa tumulong sa akin para mabilis gumaling sa depression ko. Naalala ko ang nakalipas nun mga panahon gusto ko na lang mawala sa mundo na ito. Totoo ngang tatawanan mo na lang ang mga bagay na ginawa mo dati. I changed a lot. Parang biglang naging ibang tao nga ako bigla o baka naman ito talaga ako kasi dati kahit masaya ako ay parang may kulang pa din sa aking pagkatao siguro nga ay ito talaga ang mundo ko.

Tumugtog ang isa sa paborito kong tugtugin. Bumalik ako sa unang pagkakataon na nakita ko si kesley. Nag flashback lahat ng nangyari sa amin kung paano kami nagkakilala at kung paano niya ako sungitan dati. Nakakatawa lang kung paano niya ako tawagin stupid.

Hawakan mo ang aking kamay
At tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mo'ng unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa
Tapos na ang paghihintay, nandito ka na
At oras ay naiinip, magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y 'di na tatanda
Ligayang noo'y nasa huli
Sambit na nang iyong mga labi
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Nagkita rin ang ating landas
Wala nang iba akong hinihiling kung 'di ika'y pagmasdan
Mundo ko ay 'yong niyanig
Oh, ano'ng ligayang ika'y sumama sa akin
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh, kay tagal kitang…

Parang isang panaginip lang talaga lahat yung dating pangarap ko lang ngayon ay girlfriend ko na. Sino ang magaakala nito. Nakaramdam ako ng lungkot. 24 hour's na kaming hindi naguusap. Ang huling message niya sa akin ay wag ko daw muna siyang kulitin. Haysss gustuhin ko man siyang puntahan ay tiyak na magagalit lang siya sa akin.

Inabot na ako ng gabi sa pagiisip. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero wala pa din sagot. Nagiwan lang ulit ako ng msg sa kanya at nagpaalam ako na bukas ay pupuntahan ko ang dati kong  kabanda. Natulog na ako ng gabing iyon.

Lumipas ang ilang araw pa. Ganito pa din ang nangyari. Tatlong araw  ko nang hindi siya nakakausap. Kaya naman lumabas ako at nagpasyang puntahan siya sa condo niya.

Papasok na ako ng lobby nang makasabay ko sa paglalakad yun babaeng nakita ko dati sa elevator. Nakalimutan ko na nga ang pangalan nito. Iiwas na sana ako at liliko ng makita niya ako.

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako ng diretso. Pero hinabol niya pa din ako. Anong problema niya?

" hey" bati nito sa akin. I dont want to be rude kaya naman huminto ako at hinarap siya. Well maganda talaga siya lalo na kapag malapit. Tila naman napansin niya ang pagtitig ko sa kanya kaya nagpakilala ulit siya.

" im shiela fernandez" sabay abot ng kamay nito sa akin. Tinanggap ko naman ito.

"alexandra" tipid kong sabi at bibitawan na sana ang kamay niya pero lalo pa niya itong hinigpitan.

" nice name" sabay kindat nito sa akin. Halos makalimutan ko na kung bakit ako nandito kaya naman kinuha ko na ang kamay ko sa kanya.

Nagpaalam ako dito at naglakad na papasok ng elevator pero nakasunod pa din siya sa akin. Ano ang magagawa ko eh dito din yun unit niya. Hays

At kung minamalas ka nga naman ay na puno pa ng tao ang elevator kaya nagkadikit kami ng babaeng ito. May kakaiba akong pakiramdam sa kanya kaya gusto kong umiwas na hanggang maaga pa. I don't want to fall into temptation.

Parang ang tagal ng pagakyat nito. Ng sa wakas ay bumukas na ang pinto. Lalabas na sana ako ng bigla siyang magsalita

" see you again alex" at sumara na ang pinto ng elevator. Ako naman ay naglakad na sa unit ni kelsey.

Nag doorbell ako. Kinakabahan ako sana naman ay pagbuksan niya ako ng pinto.

Nagdoorbell ulit ako pero walang lumalabas. Teka umalis ba siya? Naghintay ulit ako ng ilang minuto at nagtry ulit hanggang sa bumukas na ang pinto at nasa harapan ko na ang babaeng miss na miss ko.

Pero parang hindi niya ako namiss. Poker face lang siya at nanatili sa harap ng pintuan at mukhang walang balak na papasukin ako sa loob.

" what!" singhal niya sa akin.

" hindi mo ba ako papasukin?"

" anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong nito sa akin.

Tumingin ako sa paligid mabuti na lamang at walang ibang tao.

" dinadalaw ka"

" wala akong sakit"

" babe naman i miss you" pagsusumamo ko dito. Sana naman ay lumambot na ang puso nito. Pero wala pa din pagbabago sa expression ng mukha nya.

" im sorry. hindi ko naman sinasadyang makatulog eh"

Napatingin siya sa taong dumaan. Pinagtitinginan kami kaya naman iniwan na niya ako doon at pumasok sa loob. Hindi niya sinara ang pinto kaya naman pumasok na ako doon.

Nakaupo siya ngayon at nakaharap sa laptop niya. Naupo na lang ako sa tabi nito at hindi pa din ako pinapansin.

Mukhang nabago un position ng upuan dito. Itataas ko sana un paa ko sa maliit na table na hinampas niya ako. Gulat akong napatingin sa kanya.

" hindi yan patungan ng paa!" naka crossarms at mataray na sabi nito sa akin.

Init ng ulo. Bulong ko sa sarili ko. Parang hindi ko girlfriend yun kasama ko ngayon. Parang lahat ay bumalik sa umpisa kung dati ay masungit siya parang mas dumoble pa ngayon. Napakamot na lang ng ulo.

" How's your week?"

" all is well  until you came here" flat pa rin sabi niya.

Lalo lang ako nalungkot sa sinabi niya. Buti na lang at nagbaon ako ng madaming pasensya.

" patawarin mo na ako" hahawakan ko sana ang kamay nito pero mabilis niya itong iniwas. I felt hurt. Nakatulog lang ako ay parang may malaking kasalanan na akong ginawa.

Mukha naman napansin niya iyon kaya medyo nagbago ang expression niya. Kalmado na siya ngayon pero hindi pa din nagsasalita.

Tumunog ang doorbell kaya naman napatingin kami doon parehas. Tatayo na sana siya ng sinabi kong ako na.

Patayo na ako ng hindi sinasadyang napatid ako sa paa niya kaya naman wintik na akong masubsob sa semento. Tinulungan niya akong tumayo at ngayon ay siya pa ang galit. Hindi na natuloy ang pagbubukas ko ng pinto dahil hindi naman na ito tumunog pa.

" mygod alex you should be careful nextime!" see siya pa yun galit

" yun paa mo kasi"

" idilat mo yan mata mo gees!" pagsusungit na naman nito.

Tumahimik ako sa sinabi nito.

Tumikhim siya at nagsalita muli

" when did you change you perfume?" tanong nito sa akin.

Ngayon ay nakatitig ito hindi tingin lang at naghihintay ng magiging sagot ko. Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako nagpabango ngayon.

" Hindi naman ako nagpabango ah" inosenteng sabi ko

Sinamaan ako nito ng tingin. Kaya inamoy ko ang sarili ko. Hindi pa ako nakakaharap sa kanya ay naramdaman ko ng may tumamang unan sa mukha ko.

" aray ano ba!" reklamo ko sa kanya.
Lalo pa siyang nagalit sakin at pinaghahampas ako ng unan. Lumayo ako sa kanya para maiwasan ang mga palo nito.

" babe ano ba anong nangyayari sayo?" inosente kong tanong dito.

Pero tumayo ito ngayon at nagpunta sa pintuan ng condo niya. Binuksan niya ito.

" Get out now!" galit na sigaw niya sa akin. Wala na akong nagawa dahil galit na talaga siya.

Bagsak ang balikat na umuwe ako ng bahay buong akala ko ay magiging maayos na kami pero mas lalo pa atang lumala yun galit niya sa akin shit.
































Continue Reading

You'll Also Like

138K 6.3K 44
SHE likes HIM. HIM likes HER. HER likes... What would happen if SHE accidentally cast the spell on someone else instead of HIM? And that someone else...
127K 6.4K 30
Matapos nakawin ni Ramcel ang first kiss ni Victoria, hindi na nagkita pa ang dalawa. To Victoria's disappointment, hindi nagparamdam sa kanya ang ma...
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...