To Love Again

MelancholyofMaryey

51.6K 1.9K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... Еще

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 28

628 28 1
MelancholyofMaryey


Alas dos na ng tanghali ng mag desisyon kaming bumalik na sa hotel room. Naghiwa hiwalay lang kami ng pumasok sa kanya kanyang room ang bawat isa.

Pinauna na akong magbanlaw ni kesley kaya naman sinunuod ko na ito. Kumuha lang ako ng damit na pamalit at naligo na.

Lumabas ako ng banyo nang nakabihis na. Naagaw ng tumututug na stereo ang aking atensyon sa aking palagay ay mahilig si kelsey sa music dahil palagi ko siyang nakikitang nakikinig nito. Nang mapansin niya ako ay siya naman ang pumasok at naligo na din.

Dahil sa pagod ay ramdam ko na ang pagbigat ng aking mga mata. Mabilis naman natuyo ang aking buhok dahil maikli lang ito. Kaya hinawi ko ang floor to ceiling na kurtina para dumilim sa buong kwarto. Nahiga ako sa kama at pumikit na wala naman usapan na lalabas kami mamaya para sa merienda kaya malaya akong mag pahinga at hindi na nagalarm. Madali naman akong nakatulog.

Naalimpungatan ako sa pagbaba ng kama. Dinilat ko ang isang mata ko at nakita kong nahiga din sa tabi ko si kelsey. Ngunit sa sobrang antok ko ay tuluyan na akong dinuyan nito sa mahimbing na pagkakatulog.

Nang magising ako ay pakiramdam ko ay na full battery ako. Sarap talaga matulog sa tanghali. Hindi pa ako dumidilat pero alam kong katabi ko pa din ang diyosa ng aking buhay. Naamoy ko ang kanyang pabango na lubhang nakakaakit. Bakit pati ginamit niyang shampoo at sabon ay naamoy ng aking ilong?

Narinig kong may kausap ito sa kanyang cellphone pero nanatili lang akong nakapikit. Mukhang kausap nito ang kanyang ina. Kesley has a soft voice. May pag ka slang siya kung magtagalog pero fluent naman ito. Madami pa akong hindi alam lalo na sa personal niyang buhay pero nasabi niya sa akin dati na nasa states ang kanyang mom. At ang kanyang ama naman ay pumanaw na. Nagiisa lang siyang anak kaya parang nasanay na siyang magisa. Parang nakakalungkot mabuhay ng mag isa.

Tapos na siyang makipagusap ng nagpasya akong idilat ang aking mga mata at saktong nakatingin din pala siya sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi. Nahuli ko kasi siyang nakangiti at nakatingin sa akin. Hindi naman niya binawi ang mga titig sa akin pero napawi ang ngiti doon at napalitan ng pagka poker face niya. Sometimes im wondering kung ano ang iniisip niya sa ganitong pagkakataon.

Nasa ganito kaming posisyon ng magsalita siya.

" Let's talk" sabi niya sa akin

Napalunok lang ako ng laway dahil magkaharap kami ngayon at naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Parang gusto ko na lang pumikit tuloy.

" alex!" paguulit nito sa akin

" tungkol saan? " tanong ko sa kanya

" about everything, you know that we're already in a relationship right?"

Tumango na lang ako at hinintay ulit siyang magsalita.

" Madami ako sasabihin kaya makinig ka alex. Tigilan mo yang pagiging tulala mo pwede ba? "naiinis na naman sya

" nakikinig ako hindi ako tulala ano ba gusto mong sabihin about rules na naman ba yan? " naguumpisa na din akong mainis.

" yes it's about rules that you should follow. And also my mom. "she pause

" Anong meron? "tanong ko ulit

" Uuwi siya sa Christmas and she wants to meet you" seryoso niyang sabi sa akin. Nakatitig ako sa bawat pag galaw ng bibig niya.

Pinalo niya ako sa braso.

" Hey are you listening?"

" Yes bakit sinabi mo ba sa mommy mo yung tungkol sa atin"

" Yes of course she have to know it"

Tango tango lang ako at nagisip pero matagal pa naman yun kaya hindi ko muna dapat ito problemahin.

" what about the rules? Aalisin mo na ba yun? Pag kompirma ko sa kanya pero umiling siya. Nagpout lang ako at dissapointed.

" Ibig sabihin ba bawal pa din ako magpunta sa condo ? Bawal pa din kitang hawakan? Bawal kita kausapin kung kelan ko gusto at bawal kitang tawagin sa paraang gusto ko?" malungkot kong pahayag sa kanya.

" You can go to my place alex you knew that. What im telling you is stop getting drank and sleepover at my place. And you already touched me even if you're not allowed to so what's the difference now? You're also calling me in my phone. Is there any rules you followed? " tanong nito sa akin.

" and you can call me with any endearment you want. That's your call. " pahabol niya pa.

Sa dami ng sinabi niya ay parang na overwhelmed ako at hindi alam ang sa isasagot dito. Napangiti na lang ako sa saya sa mga narinig ko. Ngayon pa lang nag sync in sa utak ko yun.

" Ano gusto mo itawag ko sayo? " tanong ko dito

" Para kang bata" sagot niya lang.

" Baby? Babe, Loves? Or hon" inirapan lang ako nito. Kaya naman kinulit ko siya.

" Bakit ang sungit mo sa akin ha?" tanong ko dito

" You looked stupid kasi" prangka niya sagot sa akin.

" Aray naman aba" reklamo ko dito kaya tawa siya ng tawa.

" saya mo talaga kapag nilalait mo ko eh" paawa kong sabi.

" excuse me hindi kita nalalait. Mukha ka naman talagang tanga, look alam kong maganda ako at patay na patay ka sakin but don't make it too obvious baby" she's too blunt.

Napahawak ako sa puso ko sa mga sinabi niya. Pero hindi siya naapektuhan sa pag arte ko. At lalo pang dinagdagan ang mga sinabi niya.

Bulong bulong na lang ako sa inis.

" What are you saying?" tanong nito sa akin

" Wala po senyorita" sarcastic kong sagot sa kanya.

Bumangon na ako sa kama sa inis sa kanya.

" San ka pupunta?" tanong niya sa akin.

" Lalabas ako mangbabae" sagot ko dito pero mukhang naging tigre siya ngayon, at sumingkit ang kanyang mga mata.

" Subukan mo lang alex" maikling at seryosong sabi niya.

Iniwan ko siya don na nakahiga at nagpunta sa maliit na kitchen para kumuha ng tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko kay kelsey. Bukod sa na nonose bleed ako kapag kausap ko siya ay nauubusan ako ng hangin.

Bumalik ako sa malapit sa kama at sumilip sa labas ang ganda sa labas golden sunset. Mula dito ay kita kita ko ang mga tao sa labas. Ang dami nila lalo na yung mga foreigners. Napaka gandang tanawin lalo na ng lumipat ang tingin ko kay kelsey. Nakatayo na rin siya at nakatingin din sa labas. Kaya naisip kong ayain siyang lumabas at maglakad lakad.

" babe you want to go out?" tanong ko dito

Siya naman ay parang nagulat sa tinawag ko sa kanya pero mabilis din nakabawi.

" I'll just change clothes first" sagot nito.

Tumango lang ako at naghintay dito sa kama. Nakabihis naman na kasi ako kaya hindi na ako magpapalit. Sa tingin ko naman ay maayos naman yun itsura ko hindi naman siguro nakakahiyang itabi sa kanya.

Nakasuot kasi ako ng puting long-sleeved na gusot gusot naka bra ako sa panloob. Tapos ay puting maong shorts. Nagsuot lang din ako ng slippers.

" Okay ba yun itsura ko?" tanong ko sa kanya ng lumabas siya ng banyo. Nakadress kasi siya ngayon ng maiksi. Well wala nman damit na hindi bagay sa kanya kahit siguro sako ay pwede.

" mukha ka naman tao okay na yan" diretsong sagot niya sa tanong ko. Nakakainis talaga siya.

" Halika na nga!"

Inis kong sabi sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Total sabi niya kanina ay ginagawa ko naman daw ang gusto kahit pagbawalan niya ako ay sasamantalahin ko na. Kahit nanlalamig yun kamay ko ay isinalikop ko ito sa kanyang malabot na kamay. Kahit ngayon lang ay mafeel kong girlfriend ko nga siya. Parang wala lang na naglakad siya kasabay ako. Lumabas na kami ng hotel.

" Dapat pala nagdala ako ng camera" sabi ko sa kanya.

" Why?"

" Para makunan kita, ganda ng sunset oh" turo ko sa papalubog na araw.

" Yeah it's beautiful indeed" pagsangayon niya pero ng tumingin ako sa kanya ay sa akin naman siya nakaharap.

Sa mga oras na ito ay wala akong gustong gawin kundi ikulong siya sa aking mga braso at halikan siya. Ngunit wala pa akong lakas ng loob gawin yun ngayon baka bukas pwede na. Natawa ako sa aking iniisip.

" you looked like stupid tigilan mo nga yan pakikipagtalo sa isip mo" sita nito sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Naupo kami sa buhangin sa ilalim ng puno ng niyog. Dito kasi maunti lng ang tao.

" am i really easy to read?" tanong ko dito. Hawak ko pa din ang kamay niya at pinalalaruan ito.

" I don't know maybe" sagot niya sa akin na hindi sigurado.

" Pero ikaw hindi kita mabasa" pagopen up ko dito

" Hindi naman kasi ako book for you to read alex" sinungitan ko ito. Kaya naman ngumiti siya lalo dahilan para makita ko yun super liit niyang dimple pero malalim. Ang cute.

"Teka bakit naging alex na yun tawag mo sakin?" tanong ko dito.

" i will call you anything i want to alex" pagtapos nito sa topic na yun.

" okay alex then Baby" at saka ito kinindatan.

Madilim na ang paligid ng tumayo kami at nagpasyang bumalik na sa loob ng hotel wala kasi kaming dalang phone kaya baka hinahanap na nila kami.

" your mom mabait ba siya?" tanong ko sa kanya

" Of course she's my mom" sagot nito. Parang wala na akong tinanong dito na sinagot niya ng maayos.

" may mga nanay kayang salbahe" balik ko dito. Natawa lang siya sa sinabi ko.

Nang makarating kami sa loob ay nakita namin sila anne na palabas na din.

" Hey girls san kayo galing kanina pa namin kayo hinahanap" sabay lapit nito kay kelsey.

" We just walk sa beach and catch the sunset" sagot nito dito.

Ngumiti lang ito at nag aya ng maghanap ng makakainan. Lumabas na kami ng hotel at naglakad sa kabilang bahagi ng beach kasama ang buong grupo.

" Gees parang lalong dumami yun tao" sabi ni gigi

" Yeah oo nga parang ang barbaric na din dito" sabi naman ni kelsey

" Next time sa palawan na lang tayo yun medyo private like amanpulo" suggest naman ni Lisa.

" yeah right babe" sangayon ni raine dito.

" Or kahit yun sa resort nyo na lang magpinsan" sabi naman ni isabelle kay kelsey at lisa.

Sumangayon naman silang lahat. Ako ay nakikinig lang sa kanila. Medyo malayo na kami sa hotel namin at pakonti na ang tao. Mukhang malayo na ang nalakad namin ng hindi namamalayan dahil sa kadaldalan nila. Kaya naman ng humangin ng malakas ay nagsigawan sila na akala mo nakakita ng multo. Madilim na din kasi sa lugar na ito. At puro puno ng niyog na lang ang makikita sa paligid.

" wala ng tao dito katulad ng gusto nyo pero baka multo marami" biro ko kaya naman lahat sila ay natakot lalo.

Naramdaman ko naman ang pag hawak ni kelsey sa aking braso. Siguro ay natatakot na din siya sobrang dilim sa paligid. Wala pa naman kaming dalang phone pareho.

" Guys i think kailangan na natin bumalik" suggest ko sa kanila.

" oo nga sige mauna ka maglakad Rie" sabi ni anne na mukhang pinaka matatakutin sa lahat. Kaya naman nagsimula na akong bumalik.

" wait lang wala tayo ilaw paunahin mo sila" bulong sakin ni kelsey

" okay lang yan nakikita ko pa naman yun daan bilisan na lang natin" sabi ko dito.

Sumunod naman ito pero lalong yumakap sa akin. Kailangan ko lang pala takutin ito para bumait. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.

Unti unti ay dumami na ang ilaw at nakabalik na kami kung san kami nanggaling kanina. Lahat sila ay tuwang tuwa sa mga pinag gagawa nila. Pumasok kami sa isang bar restaurant at doon na nagpasyang kumaen.

Parang isang raggae disco bar itong napasukan namin. Noong una ay kaunit pa lang ang tao dito ngunit para habang lumalalim ang gabi ay pakapal na ng pakapal ang tao sa paligid.

Matapos kumaen ay napagkasunduan magtagal pa kami dito. Kaya naman pala madaming tao dito ay masarap ang pagkaen at maganda din yun loob ng bar. Presko pati musika ay maganda din. Mag live band kasi ngayon dahil friday night. Namiss ko tuloy yun mga naging kabanda ko dati.

Lumapit na ang waiter at kinuha ang order namin. Si raine na ang umorder ng pangalan ng alak na aming iinumin. It's her forte ika nga nila.

Hindi rin nagtagal ay dumating na nga ang ibat ibang kulay ng inumin na nasa aming harapan.

" are we going wasted tonight?" si gigi

" Yeah its my treat ubusin natin stock nila" sabi ni raine

At tumugtog na nga ang mga reggae song ng big mountains.

Mukhang mapapasubo ako sa inuman dito ah buti na lang at mahaba ang tinulog ko kanina at gumanda ang mood ng katawan ko. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya naman hindi ako gaanong nagaalala.

" Okay let's enjoy the night" sabi ni isabelle

" Cheers" sabi lisa at nagtaas kaming lahat ng baso.

" wait let's play again later huh" singit ulit ni raine

At lahat naman ay sumangayon.

" What game?" bulong kong tanong kay kelsey.

" The never ending truth or dare and never have i ever" sagot nito.

" hey rie alam mo ba na sa truth or dare ka unang nakita ni kelsey?" bulalas ni raine sa malakas ng boses.

Ako naman ay napanganga at hindi makapaniwala.

" teka kelan yun?" tanong ko dito

Lahat naman sila ay nakangiti at parang alam na yun story na to.

" hindi pa ba niya nakwento sayo? " tanong naman ni raine sa akin

Iling lang ang sinagot ko dito.

Tinignan ko si kelsey na masamang nakatingin kay raine na parang nagbabanta.

" haha siya na lang tanungin mo baka mamaya may lumipad na bote dito" nagtatago pa siya sa likod ni Lisa habang nagsasalita.

Nakakailang bote na kami ng margarita at tequila ng tumayo si anne, lisa, gigi at kelsey at mukhang pupunta sa cr.

Naiwan kami ni isabelle at raine dito na agad naman tumabi sa akin na may tinuturo. Babae na naman malamang.

" isa look oh" turo nito kay isabelle

" type mo?" tanong nito kay raine

" hmmm pwede na" sagot naman nito.

" wait lang dude ha" at tumayo na nga ito at iniwan kami ni isabelle dito.

Mukhang pati si isabelle ay katulad din ni raine feeling ko.

Nang bumalik si raine ay may kasama na nga itong dalawang magandang blonde na babae. Mukha itong mga model sa tindig nito. Naupo ito sa tabi ni isabelle at nagpakilala.

" hey rie" tawag sakin ni raine dahil tinitignan ko lang silang dalawa grabe lakas ng loob nilang magpaupo ng ibang babae samantalang nasa cr lang yun girlfriends nila. Tsssk

" oh?" takang tanong ko. Ipinakilala din niya ako sa dalawa at pilit na binigyan ko ito ng ngiti.

" oorder lang kami ni isabelle ha ikaw muna bahala dito sabi niya sa akin" at umalis sila kasama yun dalawa. What the hell!

Sakto naman na dumating na yun mga babaeng galing cr. At hinahanap yun dalawa.

Unang nagtanong si anne.

" where's isa and raine? Tanong nito sa akin

" oorder daw sila" maikli kong sagot.

Nakakainis pati ako nadadamay sa kasinungalingan nilang dalawa.

" anong oorderin nila?" bulong na tanong sakin ni kelsey.

" hindi ko alam. Baka alak" sagot ko dito na hindi makatingin.

Alam kong alam niya na nagsisinungaling ako mabuti na lang na hindi na siya nagtanong pa muli.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Tinignan ko siya ng kunin niya ang isa kong kamay at hinawakan ito.

" what's wrong?" tanong ko dito. Ngayon ay malaya kong nababasa sa mga mata ang lungkot at takot. Pero bakit?

" im just worried you might be like them" sagot nito sa akin, binitiwan ang kamay ko at napahilamos ng mukha.

Magloloko ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko siya nabigyan ng sagot sa kanyang binitiwang salita. Ayoko din naman magsalita ng tapos. Lalo ang mangako tapos hindi ko naman pala kayang panindigan.

Halos 30 minutes ang lumipas ng bumalik ang dalawa. May dala silang pagkain. Naupo sila sa kanilang pwesto na parang walang nangyari.

Halo halo na ang iniinum namin ngayon at sa tingin ko ay may tama na iba sa kanila. Si lisa at kelsey ay tumigil na sa paginum. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ang mga kaibigan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kaya siguro siya sobrang selosa ay dahil na rin sa mga kaibigan niya. Possessiveness. At trust issues.

Nagpaalam ako sa kanyang gagamit ako ng banyo, tumango lang siya. Tumayo na ako at umalis na.

Pakiramdam ko ay nassuffocate ako sa loob kaya naman lumabas ako ng bar na iyon. Sumasakit ang ulo ko sa nalaman ko kanina. Paano nila nagagawang lokohin ang mga girlfriends nila? Oo ngat hindi naman bago sa paningin ko ang ganitong gawain ay hindi lang ako makapaniwala. Lalo na si isabelle na parang hindi gagawa ng masama. Nakakaloka.

Sa sobrang pagiisip ko ay napabili ako ng yosi sa tindahan. Dati pa naman ako nagssmoke pero social smoker lang ako or kung minsan kapag nasstress tulad ngayon. Tumambay muna ako sa labas at inubos ang sigarilyo. Nagpahangin ako saka pumasok sa loob at bumalik sa pwesto ko.



























Продолжить чтение

Вам также понравится

SINCE NINE Book 2: Reunited Infinity™

Любовные романы

127K 6.4K 30
Matapos nakawin ni Ramcel ang first kiss ni Victoria, hindi na nagkita pa ang dalawa. To Victoria's disappointment, hindi nagparamdam sa kanya ang ma...
South Boys #5: Crazy Stranger Jamille Fumah

Любовные романы

2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
Game Over beeyotch

Любовные романы

706K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...