To Love Again

By MelancholyofMaryey

51.7K 1.9K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... More

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 26

673 31 1
By MelancholyofMaryey

Wednesday October 27th

Nagmamadali akong lumabas ng opisina pagtuntong ng alas tres na hapon. Binigyan kasi ako ng listahan ni kelsey ng mga dapat dalhin ko para sa outing. Kailangan ko na magayos ng gamit dahil bukas ng gabi na ang flight namin papunta siargao Island. Halos limang araw kami doon kaya naman dapat icheck ko yung mga gamit ko mabuti mahirap na may nakalimutan ako.

Mabilis akong nakauwe sa bahay at dumiretso na sa kwarto para mag impake. Hindi ko na nagawang tawagan si kelsey para sabihan siyang nakauwe na ako.

Kinuha ko ang malaking duffel bag ko at isa isang nilagay ang mga gagamitin kong damit para sa limang araw. Chineck ko din yun listahan binigay sa akin ni kelsey para wala akong makalimutan. Tumayo ako saglit para sagutin yung tumatawag.

" Hello?" mabagal kong pagsasalita

" Hey" sabi sa kabilang linya

Nagulat pa ako ng malaman si kelsey pala yun tumawag.

" nasaan ka?" tanong nito sa akin

Nakalimutan ko nga pala siyang tawagan nakauwe na ako.

" Nasa bahay na sorry hindi ako nakatawag agad nagaayos na ako ng gamit"

" okay do you want me to help you?" Tanong nito sa akin

" Hindi na sa tingin ko naman okay na yun gamit ko. Saka tinignan ko yun listahan mo okay na siguro yun" sagot ko dito. Ayoko na din kasi siyang abalahin pa.

" hmmm seems like you don't want me to help you" malambing na sambit nito. Tinabi ko muna yun bag na inaayos ko at saka naupo sa kama

" Hindi naman sa ganoon ayoko lang magpunta kapa dito at maabala." paliwanag ko sa kanya

" Just make sure na wala kang naiwan okay?" bilin niyang muli sa akin

" yeah okay na lahat wag kana magalala pa." sabi ko dito

" ano nga palang ginagawa mo? Tanong ko ulit sa kanya

" nothing important" maikling sagot nito. Kagabi ko lang siya huli nakita pero na mimiss ko na agad siya hay control your horses alexandra sabi ko sa sarili

Nasa gitna ako ng pakikipagusap ng nagsalita ulit siya.

" Are you still there? Or you're talking to yourself again?" naniniguradong tanong nito sa akin dahil ang tahimik ng paligid ay naririnig ko na nakikinig siya ng music ngayon. Bigla lang ako may naalala dahil dito.

" Andito pa ko saka bakit ko naman kakausapin yun sarili ko? Nga pala kelsey may gusto sana akong itanong sayo eh" nahihiya ko pang sabi.

" Hmm come on spill it"

Pero naisip ko din na mas okay kung maguusap kami ng personal about it.

"Ay wag na lang pala pagusapan na lang natin kapag nagkita tayo"

" Okay" tipid na sagot ulit nito. Hindi man lang nagpilit.

" Sige na baka may gagawin ka pa magpeprepare nako ng hapunan, see you tomorrow kels" paalam ko dito

" yeah see you bye" then she drop the call.

Bumaba na ako sa kusina para nga magluto, balak ko din matulog ng maaga ngayon para maganda ang mood ko bukas.

Matapos ko gawin lahat ang mga gawain ko ay umakyat na ulit ako sa kwarto at nagpalit ng pangtulog.

Nag message lang ako kay kelsey ng goodnight at natulog na nga ako.

Dumating ang Thursday at tulad ng inaasahan ay tambak ang trabahong dapat kong tapusin. Matagal din kaming magsasara kaya naman dapat lang na sulitin namin ang working hours ngayon lalo na at naka leave pa ako bukas. Hindi ko na nga nahawakan ang phone ko. Hangang lunch time na. Inaya lang ako ni erika na kumaen kung hindi ay baka hindi ko din namalayan ang oras.

Lumabas kami sa isang restaurant malapit sa port at don na nagpasyang kumaen kasama din ang iba pang tropa. Ang saya lang ng trabaho namin kahit naka kastress ay hindi namin ito dinadamdam dahil kasama namin ang isat isa.

After kumaen at kaunting kwentuhan ay bumalik na kami sa opisina. And us usual ay inayos ko na lahat ng paper works at report ko. Sinigurado kong maayos ito lahat.

Malapit na ang uwian ng maalala kong may girlfriend na nga pala ako. Mabilis kong kinuha ang phone ko at labis ang gulat ng makitang may 10 missed calls doon at lahat yun ay si kelsey. Madami din mga text messages don. Kaya naman pagdating ng alas tres ng hapon ay agad ko itong tinawagan pero nakaka ilang ring na ako ay hindi niya ito sinasagot. Siguro ay busy na siya. Nagtext na lang ako sa kanya na pauwe na ako ng bahay. At nagdrive na nga ako pauwe.

Malapit na ako sa bahay ng tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tinignan pero si raine lang pala ang nagmessage.

Rierie see u na lang mamaya kala doc ha. 😘
Sent 3:49 pm

Hindi ko na ito nireplyan at nagmadali na ako papasok ng subdivision. Usapan kasi namin ni kelsey na ako na ang susundo sa kanya sa condo ng 5pm. Maaga pa naman kaya may oras pa akong magbihis at iayos yun mga dadalhin kong gamit.

Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna ako saglit. Mag aala kwarto na at kailangan  ko ng maligo. Tinawagan ko ulit si kelsey pero hindi pa din niya ito sinasagot. Kaya naman pumasok na ako sa banyo at mabilis na naligo, after ay nagbihis na ako ng damit pang alis. At nilagay ko na ang duffel bag ko sa kotse. Kailangan ko ng magmadali dahil ayokong ma late sa oras ng usapan namin dalawa.

Nagtagal pa ako ng 30 minutes kaya naman nagmamadali akong nagdrive paalis ng bahay tiyak na malalate na ako. Nagtext lang ako sa kanya na papunta na ako dahil kanina ko pa siya hindi ma contact.

Nang dumating ako sa unit niya ay past 5pm na. Kumatok muna ako sa pinto. Pero walang lumalabas kaya naman nagtext ako sa kanya. Sinubukan ko ulit kumatok mabuti na lang at lumabas na siya.

" You're late" tanging sabi nito sa akin. At pumasok na siya sa loob kahit hindi pa ako nakakapag salita. Hindi pa siya nakabihis at sa tingin ko ay kagagaling lang niyang shower. Dumiretso na siyang kwarto niya. Ako naman ay naupo na lang sa sofa habang hinihintay siya.

Medyo matagal ako naghintay dito sa labas at naiinip na ako. More than 30 minutes na siya sa loob at hindi pa din lumalabas. Ganyan ba talaga siya katagal magbihis?

Tumayo na ako at tumingin sa glass window. May sunset na. At madaming naglalakad sa labas. Nagpaikot ikot pa ako dito sa kabuuan ng condo niya ng sa wakas ay lumabas na din siya.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. She just wear a high waisted jean at blue halter blouse pero bakit kaya inabot siya ng isang oras sa loob? Tapos ako ay nalate lang ng ilang minuto dahil sa trapik ay sinita na niya agad ako. Life is unfair!

Napakamot na lang ako ng ulo ng irapan niya ako. Oh what did i do now?

" Can you help me with my bags? " narinig kong sabi niya. Kaya naman sumunod na ako papasok sa kanyang kwarto. This is the very 1st time na nakapasok ako dito. Ang sabi niya kasi ay bawal ako dito at hindi siya nagpapasok ng kahit na sino sa kwarto niya. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng paligid. Malinis at organize lahat. Ang kulay nito ay combination of lavender and old rose. Amoy rose at vanilla din ang kwarto niya. Ang bango parang gusto ko na lang matulog dito. Na putol ang paglalakbay ng mata ko ibaba niya ang dalawa malaking bags sa harapan ko.

" Let's go, next time mo na lang ituloy yan daydream mo" sabi nito at lumabas na ng kwarto. Lagi na lang ako naiiwan at naghahabol sa kanya. Teka isang buwan ba siyang mag sstay don? Bakit ang dami niyang dala? Bukod sa 2 bags na bitbit ko ay isang pouch lang ang dala niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil malakas naman ang katawan ko.

Dapat pala ay sa taas na ako nag park kung alam ko lang na madami siyang bitbit. Sumakay na kami ng elevator at pinidot niya ang ground floor level. Umusod ako sa kanya dahil madami ang sumasakay kada bababa kami sa mga floors. Nang dumating kami sa lobby ay nauna na akong maglakad sa kanya. Nilagay ko muna yun bag niya sa likod ng sasakyan at saka siya pinagbuksan ng pinto ng passenger seat. Pagkatapos ay pumasok na din ako.

" Ituro mo na lang sakin yun daan" sambit ko sa kanya. Tumango lang siya at gumamit ng phone. Hindi ko pa kasi alam yun lugar ni isabelle. Ang usapan kasi ay doon kami mag sstay for the night. Actually bukas pa talaga ng umaga ng 5am ang flight namin to siargao. Hindi ko alam kung bakit ngayon palang ay kailangan na namin magpunta doon. Hindi naman kasi ako nakikisali sa usapan nila.

" why you didn't answer my calls earlier?" tanong nito sa akin matapos magkalikot sa cellphone niya.

I cleared my throat bago sumagot.

" Ano kasi naka silent yung phone ko hindi ko napansin na tumatawag ka pala" sagot ko dito nang hindi makatingin.

" You didn't check your phone even on breaktime?" usisa ulit nito

" Ano kasi eh, nagmamadali akong kumaen kaya hindi ko na din na-napansin" kabadong sagot ko dito.

Nakalimutan ko talagang hindi na nga pala ako single ngayon yun ang totoo. Medyo naguguilty din ako kaya hindi ko siya matignan ng diretso although sa gilid ng mata ko ay alam kong nakatitig siya sa akin at inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.

Iling Iling lang siya at hindi na nagtanong pa.

" Turn left sa makati ave. Tapos yun unang building sa right corner don tayo" turo niya sa akin.

Nang makahanap ng parking ay lumabas na ako agad. Buti na lang ay may naka reserved na parking for us. Sa tingin ko ay nandito na ang iba dahil sa mga sasakyan nakaparada dito. Malamang ay kami na lang ang wala sa grupo.

" Iiwan ba natin yun bags dito?" tanong ko sa kanya

" Just get some extra clothes pampalit" sagot nito

" Eh ikaw?" tanong ko ulit

" No, manghihiram na lang ako kay isa ng pangtulog" sagot ulit niya sa akin. May itatanong pa sana ako ngunit may kausap na siya sa phone niya.

Mabuti na lang at may extra paperbag sa kotse kaya kinuha ko ito at nilagay yun damit ko pampalit. Kakainis bakit kasi kailangan pa maki sleepover ang hassle tuloy.

" Are you done? Halika na mag didinner na daw" aya niya sa akin kaya naman sumunod na ako dito.

After namin lumabas sa elevator ay naglakad kami saglit sa hallway at huminto na. Nag enter siya ng passcode dito at bumukas ang pinto. Mukhang alam nila ang code ng isat isa.

Pagpasok namin sa unit ay sinalubong na kami ng mga kaibigan niya. Si Lisa, raine, anne, gigi at si doc navarro. Nagbesohan sila sa isat isa. Kumaway lang ako sa mga ito at nagbigay ng simpleng ngiti. Nasa adjustment period pa din ako ng pakikisalamuha sa kanila.

Nang maiayos ang gamit ay dumiretso na kami sa dining table para maagang magdinner. Habang kumakaen ay nagkwekwentuhan lang sila ng kung ano ano na hindi ko naman maintindhan, dahil kung hindi brand ng damit, undergarments, make up ay mga chismis sa mga model at artista ang kanilang pinauusapan na wala sa interest ko.

Mabuti na lang at nandito sa raine na kumakausap sa akin. Nasa right ko kasi siya nakaupo. Sa left ko naman ay si kelsey na lagi kong nasisiko dahil left handed ako hahaha.

Matapos ang hapunan ay dumiretso kaming lahat sa malaking couch at doon tumambay. Matapos ang ilang minutong kwentuhan ay naglabas na si raine ng alak mukhang balak pa nilang maginuman ngayon. Akala ko naman ay matutulog kami ng maaga para sa biyahe bukas, iba talaga ang lifestyle ng mga mayayaman.

Kasalukuyan akong naglalaro ng mobile legends ng kuhanin ni Isabelle ng aking attention. Sa lahat kasi ng nandito ay eto palang ang pangalawang pagkikita namin. Mukha naman siyang mabait dahil sa maamo ang kanyang mukha.

" So Rie congratulations on passing the courting stage." nakangiting bati nito sa akin. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya ng nagtataka. Lahat tuloy sila ay napatingin na din sa amin. At nagkakantyawan.

" Yeah at long last someone's got Kelsey's taste huh" hirit din ni Anne. Kaya naman lalong nag ingay ang grupo nanatiling tahimik lang ako dahil hindi ko pa alam ang irereak ko. Napatingin lang ako kay kelsey na nakangiti lang din.

" Share mo naman your journey for over how many months nga?" sabi naman ni Gigi.

" Im just daydreaming for 9 months then nalaman ko na lang na totoo na pala" kwento ko sabay tawa. Na lalong nagpaingay sa kanila.

" Sungit niya no?" sabi pa ni isabelle sabay turo kay kelsey. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon na kinatawa niya. Kaya naman kinurot ako ni kelsey sa aking tiyan.

" aray!" pagsalag ko sa kurot niya. At nagpahalakhak sa lahat.

Ang isang bote ng alak ngayon ay nadagdagan ng tatlo pang bote. Pakiramdam ko ay lahat ay tipsy na kaya nagdesisyon silang magpahinga na at baka malate pa daw kami sa flight for tomorrow. Tumingin ako sa phone ko at nakita kong mag aalas onse na ng hating gabi. Matapos maglinis ng sarili ay nag kanya kanyan ng higa ang bawat isa.

Sa condo ni isabelle ay may tatlong kwarto. Isang master bedroom at dalawang guest room. Pito kaming lahat kaya si Anne ay sumama sa amin sa guest room. Malaki naman ang kama kaso lang ang awkward ng pakiramdam ko na tabi tabi kaming tatlo dito. Ako, si kelsey at si anne. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto.

" What tatayo ka na lang ba diyan?" Tanong sa akin ni kelsey.

" san ako?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

Natawa naman si anne sa tanong kong iyon.

" Is this the first time na you sleep together?" nakangiting tanong niya.

Hindi pa ako nakaka sagot kaya si kelsey na yun sumagot sa tanong niya.

" Don't ask her those questions with obvious answer anne" sabi nito dito.

" Come on alex sleep here." turo nito sa tabi niya. Siya ang nasa gitna, sa right niya si anne at ako naman ay sa left.

Nahihiya man ay nahiga na ako sa kama at pumikit na pero mukhang hindi ako makakatulog sa bilis ng tibok ng aking puso. Feeling ko ay lalabas ito ng aking dibdib. Shit naman rie matulog kana. Lalo akong kinabahan ng tumagilid siya sa harap ko kaya naman nararamdaman ko ang hininga niyang tumatama sa bandang leeg ko.

Bakit ba parang ang init init dagdag mo pa ang alak sa aking sistema. Wala na hindi na talaga ako makakatulog nito. Pabaling baling ako ng higa.

" why aren't you sleeping? Omygod alex wag kang malikot!" bulong nito sa akin

Pero hindi kasi ako mapakali. Paano ko ba sasabihin sa kanya yun?

" Matulog ka na" sabi niya ulit sa akin

" Hindi ako makatulog" mahina kong sagot sa kanya kaya naman nagkatitigan kami.

Oh god have mercy on me. Bakit ba napaka lapit niya sa akin? Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan siya. Kasama pa naman namin si anne sa kama at talagang nakakahiya kung may gagawain akong hindi kanais nais dito.

" Close your eyes and don't think of anything, goodnight" bulong niya sa akin at saka nilagay ang kamay sa tiyan ko.

Nanigas ako dahil sa ginawa niya. Libo libong boltahe na naman ng kuryente ang dumaloy sa aking mga ugat. Bakit ba ganito lagi ang nararamdaman ko sa twing magkaka lapit ang aming katawan. Hinayaan ko na lang ma relax ang aking katawan at pinilit na matulog na.






















Continue Reading

You'll Also Like

Teased Of Us By .

Teen Fiction

317K 14.4K 42
Highest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she...
716K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
286K 22.1K 55
Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing kaharap kita. Minsan na...
246K 1.7K 5
She's strict . She's hot . She's my Professor and I secretly love her . _Farra Anica Feroso