To Love Again

Bởi MelancholyofMaryey

54K 2K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... Xem Thêm

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 13

729 37 8
Bởi MelancholyofMaryey

It's monday morning, wala akong pasok dahil holiday today. Hindi ko alam kung anong meron basta walang pasok ngayon at masaya ako.

Napagkasunduan namin ni jeff na sasamahan nya ako today para kunin na yung bagong sasakyan ko sa casa. I'm so excited dahil sa wakas ay magkaka service na ako, hindi ko na need magcommute at magbook sa grab.

It's one of my dream come true.

Sinundo ako ni jeff dito sa labas ng gate namin, hindi ko pala nasabi last time na may pinopormahan na si Jeff at masaya ako for him.
Mukhang seryoso siya this time dahil madami akong changes na nakikita sa kanya. Madalang na siyang malate sa trabaho, hindi na siya tambay sa bar at mukha siyang inspired. Ang nagagawa nga naman ng pag ibig.

Kadadating lang namin sa dito sa Ford at nauna na akong bumaba ng sasakyan.

"Tol super excited ah" sigaw nya sa akin.

"Haha oo naman first time eh." sagot ko naman sa kanya.

Pagdating namin sa loob ay sinalubong ulit kami ni ate girl na maganda upang iassist kame papasok sa kanilang watehouse. Andon kasi yun sasakyan ko. Last time kasi ay hindi pa ako sure at wala din stock nun kulay sakto naman na dumating na ito. Isang color black na Ford Raptor. Sobrang ganda nya sa mga mata ko. May bago na akong tatawaging baby 🖤.

Pagkatapos kong magfillup ng forms at magbayad ay agad akong sumakay upang idrive test ito. Ang ganda,sarap iporma neto. Sobrang saya ko talaga.

Pagkatapos kong icheck lahat ay pwede ko na itong iuwe, siyempre pwede ko na itong idrive dahil marunong naman na akong magmaneho. Medyo nakakapanibago lang yun taas niya pero overall, smooth.

Nagpasalamat muna ako kay tol jeff bago kami maghiwalay dahil pupuntahan pa nya ang kanyang nililigawan.

Ako naman ay dumiretso na sa apartment. Kahit naman excited na  ay hindi naman ako sabik na sabik umalis. May kailangan pa din kasi akong asikasuhin para naman sa bago kong lilipatan na bahay.

Pagdating ko sa bahay ay inayos ko lang ang parada ng aking sasakyan at pumasok na. Ala una na pala ng tanghali kaya pala inaantok na ako at nakaramdam na ng gutom. Magoorder na lang siguro ako ng lunch ko. Hindi na kasi kami nakakain kanina dahil sa pagmamadali.

Pagpasok ko ng bahay ay may tumatawag sa phone ko kaya naman sinagot ko agad ito. Tungkol pala sa kontrata ng bahay at mga documents din na kailangan kong ipasa. Once daw kasi na makumpleto ko na yon ay pwedeng pwede na ako lumipat. Kaso madami pa din akong kailangan bilhin at ipagawa. Kailangan ko pa din humanap kung saan ako makakabili ng mga furniture na babagay sa design ng bahay ko kasama na din ang mga appliances. Sana ay may matira pa sa ipon ko kung sakali.

Willing naman si jeff na pahiramin muna ako kaso ay tinangihan ko na ito dahil sobrang laki na ng naitulong niya sa akin, pwede ko naman sigurong unti untiin ang pagbili ng mga gamit para don. Ang mahalaga naman ay matutulugan at magagamit ko lang sa araw araw.

Habang kumakain ay bigla kong naalalang tignan kung nag seen na ba si kelsey sa msg ko sa kanya kagabi. Binuksan ko ang fb ko at nagpunta sa msgs. Hinanap ko ang kanyang pangalan saka ko ito binuksan. Hindi pa niya sini-seen. Baka busy siya pero wala naman pasok today. Kausap ko ang sarili ko.

Tapos na akong kumaen at nakapag wash na din ako ng plates. Balak kong matulog muna at magpahinga. Kaya naman nahiga na ako sa aking kama. Nakatitig lang ako sa kisame at nagiisip. Na mimiss ko na si Cath, kamusta na kaya sya? Ang tagal na din pala ng nakalipas. Dinama ko ang aking puso, feeling ko naman ay naka move on na ako sa kanya at  mukhang handa na din naman ako kung sakaling muli kaming magkikita.

Kinuha ko ulit ang phone ko at binuksan ang messenger, balak kong kulitin si kelsey ngayon haha. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero masaya akong makausap at makita  siya siguro ay saka ko na lang aalamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nagcocompose pa lang ako ng message nang makita kong active now yun status niya. Hala lalo akong na excite.

                                               👋
                                       sent 2:13 pm

                                       Hello kelsey        kamusta?
                                       sent 2:14 pm

                                        Busy ka ba?
                                       sent 2:15 pm

Nagpunta ako sa profile nya saka ko pinindot ang add friend button. Hindi ko naman siya kaharap kaya malakas ang loob ko. Bumalik ulit ako sa messenger, chinek ko if na seen na nya. At sa wakan seen na nga.

Typing message....

Nakangiti lang ako ngayon habang naghihintay ng reply niya. Typing pa lang pero kinikilig na ko jusko malala na talaga itong tama ko.

Dami mong time no?
sent 2:25pm

                                 Madami akong time para sayo. 😁😁
                                   sent 2:26pm

Seen.

                                  Nasa work ka ba?
                                      sent 2:27pm

Typing......
 

Grabe ang tagal ng typing. Inaantok na ako maghintay kaya bumangon muna ako, plano kong magkape para mawala ang antok ko. Hahaha

                      Nobela ba yan ma'am? 😂
                          seen 2:38 pm

Umiinum na ako ng kape ngayon. Busy kaya siya? Mukhang hindi na sya magrereply dahil seen lang siya.

Slr. Driving
sent 2:43pm

                               San ka punta?
                               seen 2:44pm

Why?
                                    Sama ako 😳

Coffee
                                      Saan?

greenbelt 5 gf.

                                      Otw. 😊

K.
sent 2:52pm

Nagmamadali akong nagpunta sa banyo at naligo. Kahit nagkape na ako ay hindi na ako nag dalawang isip pa. Hindi dapat pinapalagpas ang mga opportunities na ganito.

Mabilis lang ako naligo at nagbihis na ako agad. Nagsuot ako  ng kulay faded blue jeans , white v neck shirt at sneakers. Nagsuklay lang ako at nagmamadaling lumabas. Iiling iling naman na bumalik ulit ako ng bahay dahil may kotse na nga pala ako. Kailangan kong magmadali dahil hindi malapit ang makati sa manila. Hayss nagagawa nga naman ng landi. Hahaha

Nagsend ulit ako ng msg sa kanya sa messenger na malapit na ako. Sana ay  hindi ako matrapik at sana din ay hindi nya ako pinag ttripan lang.

Pinaharurot ko na ang bago kong sasakyan. Parang may kung ano sa katawan ko ngayon at excited na excited ako. Daig ko pa ang naka 5 baso ng kape dahil gising na gising ang diwa ko samantalang antok na antok ako kanina haha.

3:15 na ang oras kung titignan ay halos nasa isang oras dapat ang biyahe ko pero dahil sa swerte ako today ay wala masyadong trapik, wala din kasing klase ngayon.

Ng makahanap ako ng parking ay nagmamadali akong bumaba. Tinignan ko lang saglit ang mukha ko sa salamin at umalis na. Saglit ko lang naman hinanap kung nasan ang coffee shop na sinasabi nya.

Pumasok na ako sa entrance at hinanap ng mga mata ko si kelsey, mabuti naman at nakita ko agad siya sa gilid malapit lang sa counter. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi nya alam na dumating na ako. Naglalaptop lang siya ngayon at biglang ngcheck ng cp. Kaya naman nagmadali na akong lumapit sa upuan nya.

"Hello" hingal kong sabi.

Halata naman ang gulat sa reaksyon ng kanyang mukha at mata. Parang hindi makapaniwala na seryoso akong pupunta dito. Aba basta sa kanya kahit sa dulo pa ng pinas yan ay pupuntahan ko siya hahaha.

"Can i seat here?" magalang kong tanong sa kanya dahil hindi niya na ako pinansin pa.

"I though you're not coming, you looked like you run in marathon?"

" haha nagmamadali kasi ako sorry ang tagal ko" sabi ko sa kanya.

" it's okay" sabi nito pero ang mga mata ay nasa laptop pa rin.

Napansin ko naman na hindi pa din siya nakaka order kaya nagtanong na ako sa kanya.

" What do you want to eat?" order na ako sabi ko sa kanya.

" maybe I'll go with a white chocolate mocha at 1 slice of salted chocolate cake." sagot nito habang nag-iisip.

Tumango na lang ako at saka dumiretso sa counter. Buti at walang masyadong tao dito. Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa at buti na lang talaga ay hindi ko ito nakalimutan kung hindi ay kahiya hiya talaga itong 1st ever date namin hahaha. Asa ka Rie sagot naman ng inner self kong kontrabida.

Pagkatapos kong makuha yun order ko ay nagpunta ako ulit sa aming pwesto. Dahan dahan kong inilapag yun mga orders at binigay sa kanya. Siya naman ay nakatingin lang sa akin. Nakatitig pala, para syang nagoobserve. Nakakailang.

" bakit? tanong ko dito dahil naiilang na ako sa mga titig nya.

" nothing i just remembered something " iling na sagot niya.

Inihinto at nilagay na niya ang laptop sa bag at nagsimulang sumubo ng cake. Iniwas ko na lang ang mata ko sa kanya. Ayoko naman titigan siya habang kumakaen baka pag-isipan na naman nya ako ng masama. Inenjoy ko na lang ang pagkakape kahit pangatlong kape ko na to ngayong araw. Siguradong hindi na ako makakatulog mamayang gabi sa dami ng caffeine intake ko.

Mukhang nainip na rin siya at nagsimula ng magsalita.

" Are you from here?" panimula nya

" Ah hindi, I'm from manila malapit sa ust." sagot ko naman sa kanya na umiiwas pa din ng tingin. Hindi kasi ako mapakali na nakatitig siya sa akin ngayon. Parang may binabasa sya sa akin. Nakakailang.

" Galing ka manila pero ambilis mo nakadating" may pagka slang na pagkakasabi nya. Ang cute nya magtagalog.

"Ganon talaga malakas ka sakin eh" pabiro kong sagot dito.

Inirapan lang ako nito. Kaya naman napalakas ang pagtawa ko.

"Happy much eh?" tanong ulit neto. Actually kahit iniirapan at sinusungitan nya ako ay masaya pa din ako kasi naguusap na kami. May nakikita na akong progress sa aming dalawa.

" Oo happy ako" sagot ko na may kasama pang kindat. Ang landi ko pota.

Hindi naman siya sumagot dahil gamit nya ang kanyang phone. Kaya naman nagtanong na lang ulit ako.

" Kakauwi mo lang ba from work?"

Itinigil nya ang ang pag ccp at sinagot ako. Good manners diba

" No, I've no class today. "

So instructor nga talaga siya.

" ah holiday nga pala kase no" natawa ako sa sarili kong tanong.

" Wala talaga akong class kapag monday."

" ah freelance ka lang?" tanong ko ulit kelangan kong pahabain ang usapan namin.

"Yes. Ayokong magfull time. Anyway how much is my food? " 

Nako mukhang aalis na sya ah.

" Okay na yan it's on me."

" No i don't accept anything from strangers" naglalabas na siya ng pera sa wallet nya kaya naman agad akong umiling.

" aray strangers talaga hindi ba pwedeng friends na tayo?" kunware nagpapaawa ko dito.

" No, i don't want to be friends with you" prangkang sabi nito.

Nalungkot naman ako sa sinagot nito, hindi ko maitatago iyon dahil madali lang mabasa yun sa aking mga mata.

" Sige alam ko naman hindi mo ako gusto. Pero hindi ko pa din pababayaran yan sayo". Dire diretsong sagot ko dito. Para tuloy akong maiiyak. Sobrang prangka nya wala man lang preno eh.

" Okay, thank you for the food. I have to go now".

Patayo na siya ng biglang may lumapit na lalaking matangkad at malaki ang katawan. Para siyang gorilla dahil sa dami ng balbas nya sa mukha.

"Kelsey, wow you're just here lang pala, i been looking for you ah." sabi nito sa magandang dalaga na walang emosyon sa mukha.

" Gerald hi" tipid na sagot nito dito at napatingin sa akin. Mukhang kelangan ko na umalis.

" uhmm kelsey mauna na--

" ah gerald excuse qs but we have to go" she cutted me. Nagulat na lang ako sa sinabi nya.

" ah ganon ba sige sunod na lang ako sa condo mo ha" sagot naman ng lalaki sa kanya

" But she's coming with me. We have important things to do"  sagot nito at bigla na lang akong hinatak paalis.

Gulat na napasunod na lang ako dito habang hawak nya ang aking mga kamay. Na co conscious naman ako dahil hindi ko alam baka mamaya ay pawis na ang mga kamay ko.

"Teka san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makalabas na kami ng kapihan.

" Don't ask just go. I need to get rid of him. He's so annoying." Hawak pa din nya ang aking mga kamay.

Nakita ko naman nakasunod pa din ang lalaki na nakakunot ang noo.

" Kesley hatid ko na kayo" pangungulit neto

" No gerald i had my car with me we really need to go bye" lalo siyang nagmadali lakad takbo na kami ng dumating sa kotse nyang naka park.

" Teka lang, pano yung sasakyan ko?" tanong ko dito.

" Just get it later. Okay?" sagot nito na mukhang naiirita na.

Tinignan ko lang siyang sumakay sa sasakyan niya habang nakatayo pa din ako.

" Hey come on! Sakay na." nagmamadaling sabi nito.

Naiinis na sumakay na ako. Hindi man lang marunong mag please tong babae na to.































Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
25.5K 1.3K 29
If the silent heart voiced out, what happens? P.S: This is a girl to girl love story. This story confuses me. Lol.
8.6K 426 39
Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dahilan din para di niya mahalin ang dalaga...
14.3K 1K 66
Mature content for +17 only she hates everything about her life. her very existence who she is and where she came from. she tried to live a life oppo...