Art Like Scars

By jaem-ii

9.7K 685 201

WATTYS 2021 SHORTLIST Curious by the sudden change of his former childhood friend, Vale tries to see through... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Playlist

Chapter 11

221 21 5
By jaem-ii

Art Like Scars

•••

Pagkatapos kong marinig lahat ng hinaing ni Jean tungkol sa Dumangan ay nag-isip akong mabuti kung paano ko maaalis ang hindi n’ya magandang pakiramdam sa lugar na ‘to. Sisiguraduhin kong mamahalin n’ya ulit ang Dumangan.

Kaya una, kailangan n’yang maramdaman na parte s’ya, na hindi s’ya kakaiba. Hindi ko s’ya babaguhin, pero kailangan s’yang tanggapin ng mga tao kung ano s’ya. Walang mali kay Jean, papatunayan ko ‘yon sa lahat.

Pangalawa, kailangan n’yang magkaroon ng kaibigan. Hindi pa sapat na ako lang, baka may ibang tao na mas magiging komportable s’yang kasama, o kausap. Labasan ng mga problema n’ya, mas mabuti iyon.

Pangatlo at panghuli, kailangan n’yang lumahok sa mga bagay. At dahil parte ako ng student council, mas madali itong unahin. May tiwala ako sa sarili ko na kaya kong matupad ang mga plano ko, at magsisimula ito ngayong araw na mismo. 

Dahil intramurals na, ang mga estudyante at mga kalahok sa mga palaro ay abala. Ang mga lalaban sa palarong magaganap ay nagsasanay, habang ang klase naman ay nandirito ngayon sa classroom para pagplanuhan ang gagawing pagsuporta. Malaking bagay raw pala ito ayon kay Earl, at kadalasan ay may namumuno pa para sa cheering team ng klase. Iba’t ibang pakulo ang ginagawa ng mga cheering team bawat section.

Napatingin ako sa harapan ng klase kung saan si Dani, ang presidente ng klase.

“Sino ang may balak na maging leader para sa cheering team ng klase?” tanong nito habang nakapatong ang dalawa n’yang kamay sa lamesa na ginagamit ng mga guro.

Siniko ako ni Earl. “Ikaw na, pre,” pilit nito.

Sinimangutan ko ‘to. “Baka nakakalimutan mo na ako ang kanang kamay mo sa student council, marami pa tayong kailangang gawin para sa foundation week,” paalala ko sa kan'ya. 

Napa-awang nang bahagya ang bibig ni Earl atsaka tumango. “Oo nga pala, nawala sa isip ko.”

“Wala? Walang may gusto?” patuloy na pagtatanong ni Dani nang walang sumagot sa kan'ya. Katahimikan ang nanaig sa klase.

Gusto ko sanang sabihin kay Dani na wala, wala talagang may gusto. Sa susunod na linggo na ang foundation week kung saan ang iba naman ay nakatalaga para sa booth. Ang iba naman ay paniguradong walang pakialam. 

Nagtaas ako ng kamay at nang makita ni Dani iyon ay bumilog ang mga mata nito. 

"Ikaw, Vale?" may sigla sa tonong banggit n'ya. 

"Hindi ako… pero may alam ko kung sino ang pwede," sagot ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo sa kinauupuan ko para tumungo kung nasaan si Dani. 

Humarap ako sa klase at nagbigay ng maliit na ngiti. "Si Jean. Pwedeng s'ya ang maging leader para sa cheering team ng klase, tutal walang may gustong mag volunteer, suhestiyon ko na s'ya na lang."

Lumipad ang mga tingin ko sa gawi ni Jean, at hindi na 'ko nagtaka pa nang makita ang matatalim n'yang tingin. Hindi ito nagmamakaawa, kundi galit na galit ito sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya para idiretso ulit ang tingin ko sa klase. 

"Wala namang tutol 'di ba?" pahabol ko. 

Katahimikan lang ang sumagot ulit sa'kin, naramdaman ko ang paglapit ni Dani sa fawi ko at ang paghawak nito sa manggas ng polo ko. 

"Sigurado ka ba d'yan?" pabulong n'yang tanong habang nakataas ang isang kilay. Bakas sa mukha n'ya ang pagkalito. 

Tumango ako. "Oo naman," mayabang kong sagot.

May tiwala ako kay Jean, isa pa, tutulungan ko s'ya. Isa lang 'to sa paraan para mapalapit s'ya sa ibang tao, magandang simulan iyon sa pamamagitan ng klase namin.

"Okay, ayos na," anunsyo ko at pinaglapat ang kamay ko. Dumaplis ulit ang tingin ko kay Jean at nakita ang nakabusangot n'ya pa rin na mukha sa'kin, bumubulong bulong pa 'to. 

Bumalik na rin ako sa upuan ko, naaninag ko na nilingon ako ni Jean. Tinaas ko ang dalawang kilay ko para magkunwaring nagtatanong kung bakit s'ya nakatingin sa akin. Bumuntong hininga s'ya at napairap na lamang bago humarap ulit. 

Nagpatuloy si Dani para magtalaga kung sino ang makakasama ni Jean para pagplanuhan ang gagawing cheering, ang balak ata ay gumawa ng section banner. 

Karamihan naman ng makakasama ni Jean ay babae kaya panatag ako. 

Nang dumating ang lunch ay nagsi-alisan na ang iba naming kaklase para tumungo sa canteen. Pinauna ko na si Earl dahil hinahanap ko pa ang pitaka ko na mukhang nawawala. 

Kinapkap ko ang bulsa ko, pero wala rin doon. Napapingon ako sa pwesto ng upuan ko kaso lang wala talaga akong makita.

Nagitla na lamang ako nang may padabog na bagay na biglang dumapo sa lamesa ko, bumilog ang mga mata ko nang makitang ang pitaka ko. Hahablutin ko na sana, kaso lang ay biglang may humablot na iba.

Pagka-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Jean na nakahalukipkip, busangot pa rin ang mukha n'ya.

"Uy, salamat. Nahanap mo," kaswal na sabi ko na may kasamang ngiti. Inilahad ko ang isa kong palad para hingin ang pitaka ko na nasa kamay n'ya.

"Akala mo ba natutuwa ako sa'yo?" masungit n'yang tanong na nagpapawi sa maliit na ngiti ko. Dumiretso ang mga labi ko, at sumeryoso rin ang tingin ko. 

Tumayo ako para harapin s'ya, tila lumambot ng kaunti ang eskpresyon n'ya at umatras para may distansya kami. 

Huminga ako nang malalim bago hawakan ang magkabilang braso n'ya. Nagitla s'ya sa ginawa ko kaya naman napakunot ang noo n'ya.

"Jean… kailangan ka ng klase," giit ko na nagpagulo lalo sa ekspresyon n'ya. 

Marahas n'yang inalis ang dalawang kamay ko. "Ayoko, tsaka mukha ba'ng mapapasunod ko ang iba? Lalo na't-"

"Shhh," pigil ko sa kan'ya. "Abala ang lahat, 'yung iba nakatoka na sa booth, 'yung iba naman sa palaro, tsaka may nagreklamo ba? Wala naman. May tiwala sila sa'yo, kami," sambit ko para mapanatag ang loob n'ya.

Tinitigan lang ako ni Jean at hindi na sumagot pa. Mukhang naliwanagan naman s'ya na hindi ko s'ya pinagtitrip-an lang.

"Okay?" tanong ko rito.

Umiling s'ya at inabot na sa wakas ang pitaka ko. Lumakad na s'ya paalis, habang sinundan ko naman s'ya ng tingin. 

Bigla kong naalala na lunch pala kaya binilisan ko ang lakad para humabol kay Jean.

"Sandali, Jean. Sabay tayo!"

••

Mas naging abala ang klase ng mga sumunod na araw. Ako, kasama ng student council ay abala naman para sa foundation week na sa susunod na linggo rin gaganapin. Tuloy na ayon kay Earl ang pagrerenta ng perya, mukhang  mas masaya tuloy ang selebrasyon.

Kahit na abala ako sa mga gawain ko ay sinisigurado kong okay lang si Jean, tutal ako naman ang nagtalaga sa kan'ya para sa posisyon n'ya sa cheering team. 

Sa kasalukuyan, wala namang problema. Sumusunod naman sa kan'ya ang mga kaklase namin, at mukhang maayos naman ang lagay nila. 

Habang lumalakad ako papasok ng building ng 3rd year at 4th year dahil lumusot ako paalis sa meeting naming student council para patagong bumili ng pagkain sa canteen, ay nakita ko si Jean at iba naming kaklase na nasa labas ng building malapit sa field. May nakalatag na mga dyaryo sa sahig, malaking dilaw na tela, pati na rin ang iba't ibang kulay ng pintura. Mukhang ginagawa na nila ang banner ng section namin.

Tumigil ako sa paglalakad para lang obserbahan sila, sa pagkakataong 'to ay malumanay ang ekspresyon ni Jean. Mukhang magaan ang awra n'ya, maaliwalas ang mukha n'ya.

Maya-maya lamang ay biglang nagtawanan ang iba n'yang kasama, naipunas kasi ni Stella sa blouse n'ya ang pulang pintura. Ngumawa ang babae, habang nagtatawanan pa rin ang iba. Ang susunod na lang na nangyari ay naglaro na sila ng pintura. Hangga't pati si Jean, mukhang aksidenteng naisama nila sa kulitan.

Nanlaki ang mga mata ko nang malagyan ng asul na pintura ang buhok ni Jean. Lalapitan ko na sana 'to, kaso lang ay nagtawanan lalo ang iba n'yang kasama, na kahit s'ya hindi n'ya na rin napigilan. 

May saya sa loob ko na unti-unting lumalago nang makita ko ang mga ngiti na Jean na ultimo ang mga mata n'ya ay mukhang masaya rin.

Sabi ko na, mailap man s'ya—kaya n'ya pa rin makipagkaibigan. Natitigilan lamang s'ya dahil sa tingin sa kan'ya ng iba.

Napatingin ako sa kaliwa ko nang may maramdaman akong lumapit sa'kin. Gulat ko na lang nang biglang sumipot si Earl, siguro ay hinahanap na ako nito kanina pa. Napansin ko na nakapako ang tingin n'ya sa gawi rin nila Jean.

"Ngayon ko na lang ulit s'ya nakita na tumawa nang ganyan," kwento nito.

Bumalik ang mga tingin ko kay Jean at hindi mapigilang mahawa sa mga ngiti nito. Napansin n'ya sigurong nakatingin kami sa kan'ya kaya dumapo rin ang mga mata n'ya sa'min. Mukhang nagtatanong ang mga mata n'ya kung bakit ko s'ya pinagmamasdan, kaya lalo kong linawakan ang mga ngiti ko bilang sagot sa kan'ya.

Tumawa na lang si Jean sa ginawa ko, ngunit nagulat na lang ako nang mapang-asar na binelatan n'ya 'ko katulad noong ginagawa n'ya noong bata kami 'pag iniinis n'ya 'ko. 

Parang sumikat ang araw sa direksyon ni Jean; mistula ba na may magandang liwanag na nagpasilaw sa kan'ya, at tanging sa kan'ya lamang nang bigyan n'ya 'ko nang malapad n'yang ngiti. 

•••

Continue Reading

You'll Also Like

21K 1.1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
1M 81.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
25.5K 903 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
523K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...