Condo Boys (A Journey to Reme...

By xxxRavenJadexxx

1.3M 30.2K 3.5K

Condo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of f... More

Prologue (Letter)
Chapter 1: Hany
Chapter 2: Da Moves
Chapter 3: Mall
Chapter 4: First Kiss
Chapter 5: The Three Idiots
Not an Update
Chapter 6: Condo Boys
Chapter 7: Cook
Chapter 8: Secret
Chapter 9: Fight
Chapter 10: Chiqui
Chapter 11: The Food
Author's Note
Chapter 12.1: The Gathering
Chapter 12.2: The Gathering
Chapter 12.3
Chapter 12.4
Chapter 13.1: Show
Chapter 14: Broken
Chapter 15: Home
Chapter 16: It's not a Kiss!
Author's Note
Chapter 17: The Revenge
Chapter 18: The Confession
Announcement!!!
Chapter 20: Wrist Watch
Chapter 21.1: BDay
Commercial Break!
Chapter 21.2: Bday
Chapter 22: Jelly
Chapter 23: CIA
Chapter 24: Shade of a Doubt
Chapter 25: The Contract
Chapter 26: It starts..
Chapter 27: I'm at you're back!
Chapter 28: Love is Blind
Not an Update
Chapter 29: It Means Nothing
Chapter 30: Get Away
Chapter 31: Gone
Chapter 32: Dead Man Walking
Chapter 33: Let Him Go
Chapter 34: Walk Away
Chapter 35: Arken
Chapter 36: Clarity
Author's Note
Chapter 37: White Box
Another Author's Note
Chapter 38: The End Part 1 (Learning to Breathe)
Chapter 39: The End Part 2 (Before It's too late)
Chapter 40: The End Part 3 (I Can't See You Anymore)
Author's Note: Thank You!
Chapter 41: The End Finale (Leave the Memories Alone)
Author's Note: Final Message
Final Author's Note: Trivia (Love knows no Time)
TRIVIA plus KEN'S POV (Special)

Chapter 13.2

22.3K 579 27
By xxxRavenJadexxx

Vote and comment please.....

Nawala tuloy ako sa sasabihin ko. Eto naman kaseng Roberto at Ken na 'to, BF means Boyfriend not Best Friend. Best Friend should be abbreviated as BFF, dapat may kasamang isang F para Best Friend Forever. Siguro hindi uso sa dalawang ito ang Forever kaya instead of BFF e BF lang ang sinabi for Best Friend?

Ken didn't disappoint me. Kahit almost ready na ang iba for preparations e iti-nour pa rin niya ako most specially sa mga places wherein there's a lot of girl models. May nakita rin akong mga artista na endorser ng clothing line na ang gaganda pala sa personal. Andun sina Karylle, Kim, at my super crush na si Jessy Mendiola. Jessy was so hot damn gorgeous pero alam kong hindi siya magbibiikini for the show and that broke my heart. I also loved seeing beautiful faces na karamiha'y medyo familiar na ako dahil nakikita ko na sila sa mga Print Ads and Billboards maging sa mga commercials.

Fifteen minutes before the start of the show e nagkaguluhan na dahil kailangan nang mag line up ng mga models. Ken will appear in the first batch of acts wherein they'll walk naked takip-takip lang ang mga putotoy nila. I saw fifteen drop dead gorgeous men from different age brackets na ready na to go outside and face the soon to be screaming audience. Other than the artists, nagpunta ang mga tao dito para makakita ng mga hubad na katawan kaya I'm expecting for their sex-starved scream.

I decided to sit in front sa may VIP section, thank you sa powers ni Ken, at mapapanood ko nang harapan ang buong show. Fans were shrieking when lights turned off and turned on back again. A group of male models had walked covering their privates using their hands. Isa-isa silang naglakad while showing their well-built body and flawless butts. Kahit hindi pa artista ang rumarampa e tilian na ang mga fans na babae pati mga bakla all over MOA. Ken was the youngest among those models na naked rin though hindi lang halata sa hitsura niya na bata palang siya. He looked like 20-ish dahil medyo mature ang mukha niya with a pretty face.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kong confident si Ken na rumarampa takip-takip ang manhood niya. I never thought he could do this kind of assignment na paghubarin in front of thousands of people. Ako nga lang e hindi ko kakayanin ang lumagay sa sitwasyon niya dahil medyo conservative akong tao. Conservative in acts, but not in mind though. Patago ang pagiging liberated ko.

It took 50 minutes bago nasundan ang next appearance ni Ken. He's now wearing his glossy red thong na masyadong revealing ang dating. I dunno pero pansin kong masyadong malaki ang buldge ngayon ng loko. Sinadya niya kayang patigasin ang 'ano' niya or he used bimpo pampakapal? Good to know maraming nag-cheer sa kanya kahit hindi naman siya artista. He's familiar as a print ad and ramp model gaya ni Andrea kaya medyo namumukhaan din siya ng mga tao. Grabe 'tong si Ken magbuwis buhay, talo pa ang ibang mga senior models sa lakas ng dating at sex appeal. 

I anticipated din ang pagrampa ni Jessy Mendiola which unfortunately e Skinny Jeans lang ang suot with medyo maluwang na shirt. Mabuti na lang maganda at sexy pa rin siya with that kill joy outfit. She's actually one of my fantasies  dahil sobrang lakas ng sex appeal ng dilag na 'to. Nakaka "L" ang alindog niya. I fantasized myself to be her boyfriend pero alam kong hanggang imagine na lang ako.

Parang si Ken at Jessy lang ang natandaan ko sa buong Fashion Show. Naka focus lang kase ang attention ko sa kanilang dalawa including those girls who paraded their bikinis. Ken decided na hindi na siya mag aappear sa final part dahil he'll be a decoration na lang sa finale. Tinawagan niya ako sa Phone to confirm na uuwi na kami dahil medyo sumama ang pakiramdam niya.

"Ayos ka lang Pre?" I asked when I heard him a bit shaky over the phone.

"Kaya pa naman. Buti nga hindi ako nagcollapse sa stage kung hindi... nakakahiya," he said in a trembling voice.

"Okay, kita na lang tayo sa labas."

"K"

Nagkita kami ni Ken outside the venue. Kumikislap pa rin ang mukha niya because of the glitters all around it 'pag tinatamaan ito ng liwanag.

"You did good Bro. Hayop ka ang angas mo ah?" masigabong sabi ko sa kanya at tinapik ko ang kaliwang braso niya to give my appreciation. He flashed a clumsy smile na tila may dinaramdam. "Teka Ken. Ayos ka lang ba?"

"Thanks Arjay. Okay na ako. I took my medicine kanina," he smiled unconvincingly.

"True? Baka mamaya mahimatay ka sa daan. I can't lift you, mas mabigat ka pa sa  'kin," I jokingly said while giving him a friendly smile.

"Yung migraine ko kase pasaway. Atsaka konti lang ang tulog ko kagabi sabayan pa ng hang-over kaya siguro ganun. Very normal," kibit balikat niya.

Hindi ko na rin masyadong inintindi ang medyo matamlay niyang kundisyon. Maging ako'y medyo hindi maganda ang pakiramdam dahil may hang over din ako at konti lang ang naitulog. Nakakaramdam din ako ng episodic headache na tingin ko'y after effect lang ng hang-over.

We took a Taxi pauwi sa Condo. Muntik pa naming makaaway ang isang Taxi Driver dahil kinontratahan kami agad-agad ng 300 pesos kahit hindi pa naman umaandar ang metro, kapal lang ng mukha. 

Sa loob ng Taxi, pansin ko na medyo tahimik si Ken na halos hindi mo makausap. Ako pa naman e isang klaseng taong hindi ka kakausapin if you don't initiate a talk to start with. Medyo nagulat na lang ako nang bigla niyang ihilig ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.

"Arjay favour naman. Paki hilot ng ulo ko dito sa gilid," referring to a part of his head malapit sa corner ng kanyang eyes. I immediately granted his request and stroked circularly my fingers para hilutin ang masakit niyang ulo.

"Masakit pa ba Ken? Uminom ka ba ulit ng gamot?" 

"I did Parekoy, kailangan lang orasan," he said. "Pawala na, medyo humihilab lang ng konti."

Problem ni Ken ang migraine attack kaya he told me about something that could lead to brain cancer kapag hindi naremedyuhan. Nakakatakot lang isipin pero sana'y hindi naman magresort sa ganung kalalang situation.

I focused massaging his head para makaramdam siya ng comfort sa nararamdamn niya kirot.

"Sige pa Parekoy," he whispered. "Salamat Arjay, you're the best dude!" sabi niyang pautal na tila paantok. Yung glitters sa face niya e napupunta na sa mga daliri ko because of the stroke that I'm doing.

Wala pang isang oras, nakabalik na rin kami ng Condo. Before going to our room e tiningnan ko muna ang dalawang ungas sa kanilang kwarto at kumportable na silang nahihimbing kaya't hindi na namin sila ginising sa pagtulog.

"I forgot. Kumain ka na ba Ken?"

"Di pa nga e. Parang nakalimutan ko na dahil sobrang busy ako kanina," he said while lazily sitting in the sofa.

Diretso kaagad ako ng Ref to check kung may pagkain pa. Mabuti na lang at meron pang tirang Pizza mula kagabi kaya iyon ang pinainit ko. I haven't eaten yet that much kaya gutom na rin ako.

Ken was so silent. He's not acting like he used to be dahil napakabibo niya naturally. Aside from his migraine, alam kong may iba pa siyang nararamdamang sakit mula sa kanyang katawan, and one of those might be over fatigue. Nag-gym pa pala ang loko para lang dagdagan ang malapandesal niyang abs just for the underwear show.

Sakto. I'm on my way para tabihan siya at pagsaluhan namin ang pizza nang bigla siyang masuka.

"Finished...." I said turning to Ken.

"Erghhhhhhhhhhhh" tunog ng pagsuka niya. Medyo nagulat ako at sobrang timing lang ng pag-vomit niya sa pagkain namin.

Nagkalat ang pinagsukahan niya sa lapag. Madali kong ibinaba ang plate na merong pizza at kumuha ako ng basin pansalo ng suka niya. Nagsuka siya about thrice with that kind of motion na kulang na lang e ilabas niya pati bituka niya. I tapped his back para makaramdam siya ng comfort.

After that blow, nasundan pa ito ng isa pang medyo kadiri na moment. Bigla siyang naihi sa pants niya na halos maglawa sa floor.

"What The F?" I murmured.

 Dumampot ako ng basahan at dinakot ko muna ang particles ng suka niyang nagkalat sa sahig at inilagay ko ito sa basin. Kahit nandidiri ako e pinalagpas ko muna ito dahil wala namang gagawa nito kundi ako lang.

"Sorry Arjay. S-sorry....." I noticed him crying at nagmadali siyang pumunta ng banyo. Lalo tuloy nagkalat ang ihi at pinagsukahan niya at kailangan ko pang punasan ang bawat yapak na ginawa niya from here papunta sa Comfort Room.

Medyo naawa ako sa situation niya ngayon. He put a great effort for this day para sa Fashion Show pero ang ending e tila magkakasakit ata siya. Poor Ken.

Nilinis ko ang pinagdumihan niya. Naglagay ako ng disinfectant para hindi mangamoy ang bahay at hindi manikit ang dumi. Medyo problemado lang ako sa sofa na napag-ihian niya dahil mangangamoy iyon kung hindi maarawan o malinisang mabuti. It took me fifteen minutes to clean up the mess and after that, tumungo ako sa CR kung saan nandoon si Ken. Naririnig ko ang pagbagsak ng tubig galing sa shower kaya't tingin ko'y naglilinis na siya ng sarili.

"Ken?!" I said knocking the semi-opened door of the comfort room. "Ken?"

Hindi siya sumasagot kaya pumasok na lang ako ng banyo. Napansin kong nakatodo ang pagbukas ng shower while he's sitting sa lapag. He's naked at yung mga mata niya'y nakatingin sa dingding ng banyo. I immediately turned off the shower at nilapitan siya.

"Ken are you okay?" I'm worried.

"Sorry Arjay. Medyo nanghihina lang ako," sabi niyang tila wala nang lakas. I've noticed na putlang putla siya at nang mahawakan ko ang katawan niya, nakaramdam ako ng init na tila napaso ang balat ng kumukulong takure. Nung nasa taxi kami'y hindi naman siya ganito kainit pero nang makauwi'y nagbago na ang temperature ng katawan niya.

"Pare may lagnat ka?!" 

Kumuha ako ng tuwalya para punasan ang katawan niya at inalalayan siyang tumayo. 

"Punta kita ng Ospital," I volunteered.

"Hindi na Arjay. Lagnat lang 'to. Iiinom ko lang to ng gamot."

"Para ma-check natin kung anong klaseng lagnat 'yan," I insist akay akay siya palabas ng banyo. 

"No need. Ganito talaga ako Arjay. This is me, and I'm sorry for that."

"This is me ka diyan? Kailangan na nating pumunta ng Ospital."

"No. Bigyan mo na lang ako ng gamot para sa lagnat. Simpleng fever lang 'to Bro," pagpupumilit niya.

Inalalayan ko siyang makaupo sa gilid ng kama niya. I dressed him carefully.

"Paano 'yung ulo mo? Masakit pa ba?" I asked while dressing him with his shirt. Sinuotan ko rin siya ng Jacket to make him comfortable dahil nagchichill na siya sa lamig.

"Hindi na masakit. Lagnat na lang 'to Arjay," he reasoned out. Pasyenteng pasyente ang dating niya dahil from head to toe e nanginginig siya. Sinuotan ko rin siya ng pajama pati ng medyas pangontra lamig. After I dressed him, kumuha ako ng paracetamol at pinainom ito sa kanya.

"O eto inumin mo," abot ko sa kanya sa gamot.

"Thanks Bro!" Hindi niya mahawakan ang baso nang maigi dahil sa pagnginig ng kamay niya kaya inilalayan ko siya upang inumin ang gamot.

"Hindi ka ba sinisipon?" tanong ko habang umuupo sa tabi niya. Nararamdaman ko rin ang init sa katawan niya kahit naka jacket pa siya. He tried to smile kahit ganun na 'yung condition niya.

"Parang trangkaso Pre."

Nang sinabi niyang trangkaso e bigla akong napadistansya ng pagkakaupo sa kanya na aktong nagbibiro lang. "Paano na 'yan Ken? May virus ka na? Ikaw ang unang infected?"

"Hayaan mo, magkakaroon ka rin nito," pagbibiro niya.

"Thank you na lang!" I smiled.

Tumayo ako at kumuha ulit ng gamot for flu. Ibinigay ko ito sa kanya at pinainom. After niyang mag take ng medicines, humiga na siya para matulog. Ako nama'y dahil sa concern sa aking bagong kaibigan, kumuha ako ng bimpo at ice cubes sa Ref para pahupain ang kanyang lagnat. Pinunas punasan ko rin ang katawan niya na nuo'y sing init ng kumukulong tubig ang temperature.

"Thank you Arjay. Galing mo talaga Parekoy," he said habang pinupunasan ko siya. I folded the towel at inilagay ito sa kanyang forehead.

"Pagaling ka Ken. May exam tayo bukas kay Ms. Macasaet kaya dapat alive and kicking ka na bukas."

"Ambilis ko namang gumaling kung ganun? Pare may request ako sayo bukas para mabilis akong gumaling," pautal niyang sabi while nanginginig.

"Ano 'yun?"

"Magluto ka ng may sabaw, 'yung sinigang. Masarap kang magluto nun e. Okay ba Parekoy?"

I smiled back to give him an assurance na I'll grant his simple request. "Sure?! Bukas pagluluto kita ng sinigang para gumaling ka na."

I saw him pulling up a forced smile dahil sa kundisyon nito. "Pare may isa pa akong request."

"Ano 'yun?"

"Pwede dito ka na lang matulog sa tabi ko?"

"Hala? Paano kung mahawa ako?" 

"Mahahawahan lang kita kung maghahalikan tayo, di naman e," pagbiro niyang muli. Mapagbiro pa rin talaga itong si Ken kahit may sakit na.

"Ba't gusto mo kong katabi? Takot ka no?"

"Gusto ko ng Body Heat. 'Pag may sakit ako tinatabihan ako ni Mommy tsaka niyayakap. Okay lang ba na gawin mo 'yun?"

"Ang yakapin kita?" 

"Hindi. Tabihan mo lang ako. Okay lang kung gusto mo kong yakapin bahala ka."

"No way dude. Sige tabihan na lang kita."

"Salamat Parekoy."

"Siya nga pala, kumain ka muna pala," bigla kong naalala ang ininit kong pizza.

"Wala akong gana Arjay. Bukas na lang, sa sinigang mo. Dun ako babawi. Ikaw na lang muna ang kumain."

"Ayaw mo talaga? Sige bahala ka uubusin ko na 'yung pizza," I said hungrily.

Pumunta muna ako ng kusina upang kumain dahil kanina pa rin ako gutom na gutom. Hindi ko na siya tinirahan since wala na rin naman siyang gana. Grabe lang, ilang araw pa lang kami sa Condo na 'to e ang dami ko nang nadidiskubre kay Ken na hindi ko naman ineexpect. Habang tumatagal e nakikita ko 'yung soft spot niya pati 'yung mga kalokohan niya na medyo interesting. Medyo napapa smile na lang ako sa kawalan dahil may namumuo sa 'king isipan na magiging mabuti ko siyang kaibigan. Gustong gusto ko 'yung attitude niya kaya tingin ko'y magkakasundo kami nang matagal.

After kong kumain, I did my before sleep routine at pumunta sa 'king kama upang matulog. Bigla kong naalala na gusto palang magpatabi ni Ken kaya agad ko siyang tinabihan sa kanyang kama. Nakatagilid siya sa paghiga facing the wall, dahan-dahan lang ako nung humiga sa kama niya pero parang naramdaman niya ang paghiga ko.

"Thank you Pareng Arjay. Salamat Pare sa pag-asikaso,"  I heard him say it. Hindi ko na siya sinagot pero napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.7K 54
[COMPLETED] Paano kaya pakikisamahan ni Blake ang ubod ng manyakis niyang karoommate na si Sehun? Let's find out.
14.7K 784 13
Ang tanging misyon ni Casey ay ang hanapin ang nawawala niyang tatay sa kabilang mundo kung saan nabili ng kanyang pamilya ang isa sa pinakakilalang...
490K 19.1K 50
-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan...
361K 7.3K 36
Masyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matulo...