Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

122K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 5

2.6K 74 2
By jhelly_star

Kabanata 5

Name

--

"How about this girl? Unfair naman yata kung magulang ko lang ang ipapatawag," si Elizabeth pero halatang kabado na sa pagdating ng lolo ko.

Kabado siya hindi dahil mapapagalitan siya, kabado siya dahil magkikita kami ng lolo ko. Ng lolo ko.

Nag angat ako ng tingin kay Elizabeth. Nakatitig siya sa akin at kahit anong gawin niyang pagpapataray sa kanyang itsura ay lumalabas ang kaba sa kanyang mga mata.

"Uh... Ms. Juarez doesn't have a parents anymore. But we can call your legal guardian, right, Ms. Juarez?" bumaling sa akin ang Dean.

The legal guardian I put in was Aling Evelyn. She agreed with it because she understood me. I cannot enter this school without a legal guardian.

Siguradong maaabala ko si tita Evelyn kapag tinawagan siya rito. But I knew I had no choice. She has to come here.

"Opo, Dean..." sagot ko.

Tinawagan nila si tita Evelyn. I'm still very nervous about the arrival of Theodore Agravante. But other than that, I’m also excited. I don’t know what my reaction will be when I see him. Siya kaya? Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita ako?

Halos matawa ako sa sarili ko. Ano naman ang inaasahan mong magiging reaksyon niya, Cassandra? Inaway mo ang tinuturing niyang apo. Siguradong magagalit siya sayo.

But I'm not doing anything wrong. Elizabeth bumped into me that's why her dress was soaked in my water! I didn’t mean everything that happened. Binabaliktad lang ako ng babaeng ito!

But according to what I researched, he is very strict and never smiles unless he has business partners or family in front of him. Ang sabi hindi ganon kaganda ang ugali niya pero... lolo ko siya. Kahit kaunti ba, hindi niya mararamdaman na apo niya ako?

Lahat ng pag asang nasa puso ko ay parang gumuho nang napagtantong baka nga magalit lang siya sa akin. Hindi niya mararamdaman na apo niya ako sa isang tingin lang. Ang lukso ng dugo na sinasabi nila ay siguro para sa mga magulang lang. Hinding hindi niya iyon mararamdaman. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba talaga 'yon o hindi.

At mga magulang... I want to meet them too. Pauline and Marvino Agravante are their names. I want to see them too. I've wanted to see them for a long time but I don't have the courage to go to them yet. Kahit matapang ako sa panlabas, hindi ko maitatanggi ang takot sa puso ko na baka hindi nila ako paniwalaan. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanila na anak nila ako ay kung ano anong masasakit na salita lang ang sabihin nila. Iyon ang isang bagay na hinding hindi ko makakaya.

"Ms. Lacaste, Senyor Theodore Agravante is here," anunsyo ng sekretarya ng Dean.

Parang sasabog ang puso ko sa kaba at bilis ng kalabog nito. Tumayo sina Michelle, Johanna at Louissa Agravante bilang pagsalubong sa kanilang lolo. Ganon na rin si Elizabeth na halata pa rin ang kaba sa mukha. Bahagya na siyang namumutla.

Ako hindi ko alam kung tatayo rin ba ako para magbigay galang sa matandang Agravante ngunit nanatili lamang ako sa upuan ko, hindi alam ang gagawin.

Tumayo rin ang Dean at sabay sabay nilang pinanood ang pagpasok ng kagalang galang at istriktong si Theodore Agravante. My heart pounded even more with so much nervousness! Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa sa kanya.

Wearing a suit and tie, Theodore Agravante walked over without looking at my way. Ang mga apo niya lamang sa gilid ang nilingunan niya.

He looks more strict in person. He looks scary in the picture but he's more scary in person! Magkakasalubong ang kanyang dalawang kilay at hindi manlang ngumiti sa kanyang mga apo. Pero doon lamang nanatili ang kanyang paningin. Hindi niya ako tinignan, o kahit sinulyapan manlang.

"Lolo," si Louissa.

Lumapit ang mga pinsan ko sa kanya at magalang na nagmano. Tinanggap niya iyon. Pati ang kamay ni Elizabeth, nakita ko kung paano niya tinanggap.

"Please take a sit, Senyor Theodore," anang Dean.

Hindi naupo si Theodore Agravante. Nanatili ang mga mata niya sa kanyang mga apo.

"Why are you all here?" pati ang kanyang boses, nakakapangilabot at halatang istrikto.

"Sumama kami rito, lolo, dahil nakita ni Mina ang nangyari. Elizabeth started the fight," matapang na sagot ni Louissa Agravante.

Bahagya akong nagulat at napatingin kay Michelle Agravante who's standing next to Johanna. She also glanced at me and smiled a little but she also immediately took her eyes off me.

Nakita niya ang nangyari? Bakit hindi siya nagsasalita kanina?

Kung ganon mapapatunayan ba sa lolo ko na wala akong kasalanan? He won't be mad at me anymore?

"What? Anong nakita mo?" si Elizabeth kay Michelle.

"I saw it, Eli. Sinadya mo siyang bungguin," matapang rin na sinabi ni Michelle kahit napaka rahan ng boses.

"No! That's not true! Lolo, don't listen to them! Binuhusan ako ng tubig ng babaeng yan!" si Elizabeth at tinuro ako.

Ang lakas rin talaga ng loob ng babaeng to. Huling huli na nga, tumatanggi pa. Manang mana sa kanyang ina.

Nakita kong sinulyapan ako ni Theodore Agravante ngunit ang mga mata ko ay na kay Elizabeth. Agad ko siyang tinignan pero wala na ang paningin niya sa akin at naupo na sa tabi ni Elizabeth. Parang may bumagsak na kung ano sa puso ko. He just glanced at me. Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin. My heart ached even more because I was right... he wouldn't feel anything.

Nagbaba ako ng tingin.

"Okay..." ang Dean. "Papunta na ang guardian mo, Ms. Juarez, pero sa tingin ko hindi na natin siya kailangang ipatawag. Now that someone has seen what happened, we can easily fix it."

"What? Paniniwalaan niyo siya kesa sa akin? She poured her water on me, Dean! Lolo, do something to this, please..." bumaling si Elizabeth kay Theodore Agravante at nagmamaka awa siyang tinignan.

Tinignan ko si Theodore Agravante. Nakasandal lang siya sa upuan at nakahalukipkip. He turned to Michelle Agravante and Michelle quickly stood up, as if she already knew that look from her grandfather.

"Tell me what happened," he commanded.

Tumango si Michelle. "Naglalakad papunta sa amin si Eli, lolo, nang sadya niyang bungguin si Cassandra na tahimik na naglalakad. I saw it on my own eyes. Hindi ako pwedeng magkamali."

Binalingan niya si Elizabeth na hindi na makapag salita ngayon.

"Pinsan kita, Eli, pero sa pagkakataong ito, ikaw ang mali."

"Binuhusan niya ako ng tubig!" hindi pa rin siya sumusuko.

"Binunggo mo ako kaya natapon sayo ang tubig ko. Kasalanan mo kung bakit ka natapunan!" hindi ko na napigilan.

Namimilog ang mga matang bumaling sa akin si Elizabeth. "How dare you shout at me!"

"How dare you shout at me too!"

"Stop!" parang kulog ang boses ng matandang Agravante.

Natahimik kaming dalawa. Nakaramdam ako ng kaunting takot at parang umurong lahat ng tapang ko. Lalo na nang bumaling sa akin ang matandang Agravante.

"You! Who are you? How dare you--!" natigil ang matanda.

Mabilis ang paghinga ko habang tinitignan si Theodore Agravante. Natigil siya sa pagsasalita at hindi ko alam kung bakit ganon ang nangyari. Ngayon sa akin na nakatutok ang mga mata niya. Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at ang pagkunot ng noo. Halos atakihin ako sa sobrang kaba.

Elizabeth smirked as if she had won just because Theodore Agravante shouted at me. Pero hindi ko siya binalingan. I just stared at my grandfather who was also staring at me. Parang ilang beses na pinisil ang puso ko sa sakit.

Alam ko naman na wala talaga siyang mararamdaman sa akin. Umasa lang ako na baka meron kahit kaunti. Pero alam kong wala talaga. Apo niya ako pero ang lukso ng dugo na sinasabi nila ay hindi totoo. Walang katotohanan ang mga iyon. Kaya kahit kailan, hanggat hindi ko sinasabi ang totoo, wala siyang mararamdaman para sa akin. Hindi niya mararamdaman na ako ang tunay niyang apo.

Naisip ko tuloy na ngayong sobra na akong nasasaktan dahil sa lolo ko, paano pa kaya sa tunay kong mga magulang? Pakiramdam ko bibigay na ako. Hindi ko makakayang tanggapin ang mga masasakit na salitang ibabato nila sa akin.

"Senyor, please calm down. We can fix this without shouting," ang Dean.

Mabilis ang paghinga ng matanda pero bahagya na siyang kumalma ngayon. Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang may nakita siyang nakakagulat. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

I looked down at my fingers because I'm afraid he would say hurtful words to me.

"Lolo, I want her to leave in this school. I know naniniwala ka sa akin. Kaya paalisin mo na siya rito," si Elizabeth.

Handa akong umalis kung paaalisin nga nila ako rito. I will never force myself here. I can just move to another school if I really need to leave. Alam ko namang paniniwalaan niya si Elizabeth dahil siya ang tinuturing niyang apo. Kahit pa siya ang mali.

"Ikaw..." ang boses ng matanda.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Titig na titig pa rin siya sa akin. My heart pounded and I'm already ready for the hurtful words he would say.

"What's your name?" para akong nabingi nang tanungin niya iyon.

My heart skipped a beat. Nang muli namang tumibok ay sobrang sumakit. I didn’t expect him to ask that! All I expected were hurtful words, the belittling and his expulsion of me from this school. I was ready for all that so I was shocked that he asked that!

Pero kahit ganon, sinubukan ko pa ring magsalita nang matapang.

"C-Casaandra Juarez p-po..." but I don't think I can be brave now that my heart is hurting so much.

"Lolo?" kumunot ang noo ni Elizabeth pero nakita ko ang pagdaan ng kaba sa kanyang mga mata.

"Cassandra..." tumindig ang balahibo ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Lolo, what's wrong? B-Bakit mo tinatanong ang pangalan niya?" si Elizabeth ulit.

Kumunot rin ang noo nina Michelle at Johanna Agravante dahil sa pagtataka. Seryoso lang naman si Louissa habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa kanyang lolo.

"Are you a transferee here?" Theodore Agravante asked me seriously.

Mas lalo akong kinabahan.

"O-Opo. Scholar po ako rito..."

Tumango tango siya at ilang sandali pa akong tinitigan. I wanted to hope he felt something for me but I knew I was just hoping. Hinding hindi mangyayari iyon.

Nagbaba ako ng tingin.

"Mina already said the truth. She saw what happened. Eli, ikaw ang may kasalanan," anang matanda, kailanman hindi ko inasahan iyon.

"W-What? P-Pero, lolo..."

"Magkakaroon ba ng record ang apo ko?" si Theodore sa Dean.

"Yes, Senyor."

"How about this girl?" muli akong binalingan ng matandang Agravante.

"No. Wala siyang kasalanan. Don't worry, Ms. Juarez. Your scholar will remain and you will not leave this school."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso. Sobra sobra ang pasasalamat ko.

Nilingon ko si Senyor Theodore at hindi ko alam kung sa kanya ba dapat ako magpapasalamat pero sinabi ko pa rin.

"M-Maraming salamat po, Senyor..."

Malamig siyang tumango sa akin pero muling nagtagal ang titig. Nag iwas rin naman siya ng tingin sa huli at tumayo na. Tumayo na rin ang tatlong Agravante sa likuran. Nanatiling nakaupo si Elizabeth, hindi makapaniwala sa nangyari.

"Thank you for coming here, lolo. I know you're busy so I'm so sorry," si Louissa Agravante.

"It's okay," malamig niyang sagot. "Is Loreleil will not be home yet?"

"Yes. She said she'll stay there until she graduate."

Theodore Agravante sighed heavily and shook his head. "Your sister is really stubborn."

Nagkibit ng balikat si Louissa. "She hates it here."

Bumaling ang matanda kay Elizabeth. "Go back to your class. Wag na wag mo nang uulitin ito."

"Y-Yes, lolo..." halatang takot si Elizabeth sa lolo ko.

Naglakad na sila palabas pagkatapos noon kaya hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag usapan. Elizabeth and I were left alone in the office. Our Dean sighed and leaned towards the table.

"I hope you two will be alright soon. Ms. Juarez, I want you not to get into trouble because you may lose your scholar and you will not be able to study here anymore."

"Yes, Dean..."

Iritadong tumayo si Elizabeth. "As if we'll get along," umirap siya at umalis na rin ng opisina.

Sinundan ko siya ng tingin. Padabog niyang sinarado ang pintuan. Bumuntong hininga nalang ako nang nakalabas siya.

"I'm so sorry about that, Ms. Juarez. Mas mabuti pang umiwas ka nalang sa kanya," ang Dean.

"Opo, Dean..."

Matamlay ako nang nakalabas. Sinalubong agad ako ni Audrey na nag aalala ang mukha.

"Ano? Ayos ka lang ba? Si Theodore Agravante ang pumunta kanina, ah! My gosh! Alam mo bang kabadong kabado ako para sayo?"

Maliit lang akong ngumiti. "I'm fine."

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Natigil lang nang lapitan ako ni tita Evelyn na tinawagan kanina ng Dean. Sinalubong ko rin siya at halos ma-guilty ako.

"Cassandra! Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" sunod sunod niyang tanong.

"Ayos lang po ako. Pasensya na po. Okay na ang lahat. Hindi na po dapat kayo papapuntahin."

"Ganon ba? Naku! Ayos lang iyon. Ayos ka lang ba talaga? Sino ba ang umaway sayo, ha?"

"Kaunting away lang po. Sige na po. Ayos lang ako. Pasensya na po sa abala."

"Sigurado ka?"

"Opo..."

Umalis siya kalaunan. Guilty'ng guilty ako na nagpunta pa siya rito. Baka may ginagawa pa siya sa bahay niya at naabala ko pa. Malalim akong bumuntong hininga.

Audrey was worried about me but she didn't ask any more questions because maybe she felt that I didn't want to tell what happened yet. I still don't want to tell her what's going on in my life. Hindi pa ako handang sabihin iyon kahit kanino.

Patapos na ang lunch kaya nagtungo ako sa locker ko para kuhanin ang kailangan na libro para sa susunod na klase. Medyo matamlay pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ako ganon pero siguro, masyado akong naging emosyonal nang nakita ang lolo ko. Hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko.

Pero nagpapasalamat ako dahil wala siyang kinampihan sa amin. Kahit tinuturing niyang apo si Elizabeth ay hindi niya pa rin ito hinayaan na makatakas sa kasalanan niya. Masaya ako kahit papaano.

Siguro nga istrikto siyang tao, pero nararamdaman ko na mabait siya. Mabait siyang lolo.

Nilo-lock ko ang locker ko nang nakita ko si Brandon na naglalakad sa may gilid. Napatingin ako sa kanya. His serious eyes were immediately on me.

Ano na naman ang ginagawa niya rito? Ang layo ng college building sa building namin, ah? O baka naman pinuntahan niya lang ulit ang kapatid niya?

"I heard what happened. Are you alright?" bungad niya.

Alam ko agad ang ibig niyang sabihin. Hindi ko inasahan iyon. Tinapos ko ang ginagawa at humarap sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Kalat na ang nangyari sa buong school. Ayos ka lang ba?" muli niyang tanong.

Kalat na sa buong school? I can't believe this.

Tumango ako. "Ayos lang ako."

He sighed. "Scholar ka, diba? Naapektuhan ba 'yon dahil sa nangyari na 'to?"

"Hindi naman. Hindi ko iyon kasalanan. Sinadya akong bungguin ni Elizabeth at nakita iyon ni Michelle Agravante kaya hindi ako matatanggal sa school."

His jaw clenched and he nodded slowly. Gusto kong malaman ang iniisip niya pero hindi na ako nagtanong. Mukha siyang galit o ano. Pero hindi na talaga ako nagtanong.

"Mauuna na ako. Magsisimula na ang klase ko," paalam ko.

Marahan siyang tumango. "Okay. Take care."

Tumango ako at tumalikod na. Pero bago pa ako maka alis, nagsalita na siya at hindi ko inasahan ang sinabi niya.

"Can I get your number, Cassandra?"

Natigil ako sa paglalakas at napaharap sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin pero nakita ko ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kanyang malaking adams apple.

Again, for some unknown reason, my heart suddenly pounded.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
10.5K 247 34
It may be as clichΓ© as it is but in this current society, many people fall inlove with their best friends. Isa na ako roon. Ang hirap pala itago ang...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...