Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.2K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 13

49.4K 1.3K 197
By elisestrella

MAAGA kaming dumating ni Meredith sa opisina kinabukasan. Video conference ang meeting kaya naka-long sleeves ako pero naka-jeans at Vans. Hindi naman kita ang legs ko sa camera. Kung nag-shorts ako, walang kaso 'yun. Baduy lang pero walang kaso. May dala rin akong kurbata pero hindi ko 'yun sinuot. Mamaya na bago namin kailangang sumali sa conference.

"Sana sandali lang 'tong meeting na 'to," sabi ni Meredith habang inaayos ang mesa niya. "Ayoko namang buong araw tayong nakatunganga rito. Ang ganda ng araw sa labas eh, 'tapos iisipin mo pang Saturday ngayon. So sad."

Lumingon ako sa bintana habang itinutulak ang isang silya papunta sa table niya. Ang ganda nga ng araw sa labas. 'Yung klase ng araw na gusto mo kung pupunta ka sa beach.

"Ano nga pala 'yung balak mo dapat para ngayon?" tanong niya nang marating ko ang mesa. Tumayo siya at hinila palapit sa silya niya ang upuan ko. Nakapag-decide kasi kaming magkatabi na lang kami sa conference imbis na doon pa ako sa table ko.

"Doon sana sa resort ng pamilya ng mommy ko sa Laguna," sabi ko. "Pakakainin sana kita saka kung gusto mong mag-swim."

Lumabi si Meredith at gaya ng ginawa ko, lumingon siya sa bintana at nagmukhang parang batang inagawan ng kendi. Napangisi ako. "Di bale na, next week na lang kung wala nang aberya," pang-aalo ko.

"P'wedeng mag-overnight d'un?" tanong niya.

Kinabahan ako na na-excite. Gusto ko sana 'yung i-suggest kaya lang baka naman hindi pa kami ganoon ka-close para mag-aya ako ng overnight. Oo na, sige na. Dati tatlong araw ko pa lang kilala ang babae, na-aaya ko nang mag-overnight. Gan'un ka-iba itong boss ko. Gan'un ako kabagal sa kanya, anak ng te-Teng brothers.

"Oo naman. May mga villa d'un," sabi ko.

"Tingnan natin kung paano tatakbo ang linggong 'to," sabi niya. "Depende sa stress level natin. Kung by the end of the week gusto kong mangagat, sige, overnight tayo."

Hindi ko na naman napigilan ang ngisi. "Aba, ma'am, wala yata sa job description ko ang maging chew toy mo."

"Sira! Hindi ikaw ang kakagatin ko!" tawa niya.

"Tsk, akala ko ako na eh." Sayang. I volunteer as tribute pa naman.

Natatawa niyang kinunot ang ilong niya. "Teka, nasaan ang tie mo?"

Hinila ko ang kurbata mula sa bulsa sa likod ng pantalon ko. Pero bago ko iyon mailagay sa leeg ko, kinuha iyon ni Meredith. Sumenyas siya at isinandal ko ang mga balakang ko sa mesa niya. Parang may rock band sa likod ng rib cage ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Akala mo kung ano'ng nangyayari sa kaba ko eh nilalagay lang naman niya sa leeg ko 'yung kurbata.

The backs of her fingers rested against my chest as she expertly tied the dark blue necktie. Hindi ko alam kung napapansin niyang nakatayo na siya sa pagitan ng mga tuhod ko o na halos ma-ukit na ng mga daliri ko 'yung gilid ng mesa niya sa higpit ng pagkakakapit ko d'un. Hinihipan ng hininga ko ang bangs niya. Gan'un kami kalapit sa isa't isa. Buti na lang at fresh breath ako kundi nakakahiya naman. At least di ko kailangang manghingi ng Tic Tacs kay Craig.

I need to say something. "Ah, ang galing mong magtali ng kurbata." WTF? May masabi lang? Nag-angat ng paningin si Meredith at tiningnan ako nang mapagtanong. "Ah, eh, si Liz kasi hindi marunong."

Nakita kong naningkit si Meredith nang mabanggit ko ang pangalan ni Liz bago niya pabiglang hinila ang kurbata at sinikipan ang pagkakabuhol niyon. Doon mimso sa ilalim ng Adam's apple ko.

"Ehek!" sabi ko, or at least sinubukan kong sabihin dahil hindi ako makahinga.

"Ay, sorry," sabi ng sadista kong boss kahit pa parang hindi naman siya sorry talaga. "Masikip ba?"

"Inde."

Hinila niya paluwag ang kurbata at idinaan ko ang daliri ko sa pagitan ng kuwelyo ng polo ko at ng balat ko. Baka nagkaroon ng rope burns ang leeg ko eh. Pinanood kong ayusin ni Meredith ang kurbata at kuwelyo ko. Nakasimangot na naman siya. Naghintay akong bitawan niya iyon bago ako nangahas na manukso.

"One of these days, aaminin mo ring nagseselos ka kay Liz."

Naupo si Meredith sa swivel chair niya at inabot ang headset na gagamitin niya. "Ba't ako magseselos kay Liz?" suplada niyang tanong. "Baka kay Gianna pa kasi siya ang girlfriend ni Craig."

Ako naman ang sumimangot at padabog na naupo sa tabi niya. "Kung may kurbata ka lang, sisikipan ko rin 'yun," bulong ko.

"Ano 'yun?"

"Wala, ma'am," sabi ko bago kinuha ang sarili kong headset. "Ma-le-late na tayo o!"

THE MEETING took two hours and thirty minutes.

Ipinakilala niya ako kanina sa mga ka-meeting naming mga Amerikano na naka-base sa New York. Mga mababait naman, nag-apologize na iniistorbo nila kami nang Sabado ng umaga. Gayunpaman, medyo OA lang sila dahil nagpa-meeting nang ura-urada dahil lang sa ilang bagay na madali namang ayusin.

Nang matapos iyon, isinara ni Meredith ang screen, hinila paalis ang headset at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Hay, salamat!" sabi niya, nag-iinat. "Medyo drama king din ang mga Kanong 'to eh. 'Yun lang ang kailangan, magpapa-meeting pa." Hinarap niya ako, ngumiti. "Saan na tayo ngayon?"

Sumulyap ako sa relo ko. Quarter to eleven pa lang. P'wede pa sana kaming magpunta ng Laguna kaya lang na-open na niya 'yung posibilidad na p'wede kaming mag-overnight sa susunod na weekend. Mas gusto ko na 'yun kaysa kung ngayon ko siya dalhin d'un. Baka kapag matuloy kami ngayon, hindi na kami mag-overnight sa susunod. Ganyan talaga. Kailangan mong i-weigh ang pros and cons.

"Gusto mong kumain? P'wede naman tayong mag-lunch," sabi ko. P'wede naman? Pa-cool pa kunyari.

Dahil matagal niya akong pinagmasdan, parang medyo na-conscious ako. Mapagtanong ko rin siyang tiningnan.

"Gusto kitang ipagluto," bigla niyang sabi. "Gutom ka na ba? O kaya mo pang maghintay?"

Naunahan akong sumagot ng tiyan ko. Bago ko pa mabukas ang bibig ko eh bumirit na ang lintik na parang leon sa savannah na ilang linggo nang hindi nakakahuli ng gazelle o zebra.

Tumawa si Meredith. "Okay. Lunch muna tayo," sabi niya. "Ipagluluto na lang kita ng dinner."

Aba, mas maganda pala! Akalain mong aabutin kami ng dinner na magkasama? At utang ko ang lahat sa tiyan kong masiba.

"Pasensiya na, ma'am," nahihiya ko pa kunyaring saad. "Hindi kasi ako nag-breakfast."

"Sige. Kumain na tayo 'tapos mag-grocery tayo. Bili tayo ng lulutuin ko mamaya."

Binalingan niya ulit ang computer niya at nagsimulang mag-shutdown.

"Okay lang ba kung sa bahay tayo ni Kuya?" bigla kong tanong at nilingon niya ako. "I mean, d'un mo na lang ako ipagluto? May kalan naman si Kuya saka may mga gamit. Hindi ko alam kung bakit kasi hindi naman siya nagluluto, pero kumpleto naman 'yung kusina niya."

Saglit na nag-isip si Meredith, nasa keyboard pa rin ang mga daliri. "May oven ba siya?"

"'Yun 'yung nasa ilalim ng kalan na mukhang cabinet di ba?" nakangisi kong biro.

Tumawa siya. "Opo, 'yun 'yung oven."

"Meron."

"Okay," sabi niya bago muling hinarap ang computer, pero mabilis niya akong tiningnan ulit. "Ba't ayaw mo sa bahay namin?"

Napakamot ako ng batok. "Eh kasi nakakahiya naman sa mga magulang mo. Makikita nilang ipinagluluto mo ako."

"Ano naman ang masama d'un?" natatawa niyang tanong.

Actually, gusto kong sa condo ni Kuya kasi mas komportable ako d'un, malamang. Makaka-chansing ba ako sa kanya habang nagluluto siya kung nasa kusina rin ang tatay niya? Siyempre hindi di ba? Saka marami silang kasambahay. Kung sa condo, masosolo ko siya kahit hanggang sa pagdating ni Kuya na, hopefully, ay alas dos pa ng madaling araw.

"Eh... basta, mahihiya kasi ako. Makikita nilang nanonood lang ako habang ipinagluluto mo ako. Baka isipin ng tatay mo, ang kapal ko naman."

"Sus, hindi 'yun! 'Yun din kaya ang role niya sa kusina. Naka-upo siya sa counter, nagtatanong kay Mommy kung luto na 'yung pagkain."

"Aba, magkakasundo pala kami ni Daddy... mo," habol ko bago niya mahalatang nakiki-daddy ako sa tatay niya.

Nag-click siya pasara ng mga windows sa screen. "Di ba nga, magaan kaagad ang loob niya sa 'yo n'ung una ka niyang nakilala? I'm sure magkakasundo kayo n'un. Lalo na kapag magkasama kayong nangungulit kung kakain na ba."

At ang ganda lang ng idea na 'yun ano? Magkatabi kami ni future biyenan sa kusina habang naghihintay ng pagkain mula sa mga asawa namin?

Pero siyempre naman kung mag-asawa na kami ni Meredith, balak ko namang hindi mamiyenan. Bubukod kami. Ibibili ko siya ng sarili naming bahay.

Haaaay, ang sarap mangarap.

SA SM Aura kami nagpunta ni Meredith para kumain at mag-grocery. Nakipag-unahan siyang magbayad ng lunch matapos naming kumain sa isang Thai restaurant. Pero dahil mukhang tradisyonal ang waiter namin, nakangiti niyang tinanggap ang credit card ko nang papiliin namin siya at hindi ang kay Meredith.

"Ikaw na nga ang magluluto mamaya, ikaw pa pagbabayarin ko ng lunch," sabi ko sa kanya habang magkaholding-hands na naman kaming naglalakad patungo sa grocery.

Kung akala mo nababanggit ko lang na magka-holding hands kami, hindi 'yun lang. Nababanggit ko 'yung bawat pagkakataon kasi ninanamnam ko 'yun. Hindi sa gusto ko lang ipagmalaki (kahit totoo 'yun) o ipangalandakan (na totoo rin naman) na nahahawakan ko ang kamay ni Meredith. Special kasi sa 'kin 'yung moment na 'yun kaya lagi kong pinupuna. Lalo na ngayon, 'yung porma kasi namin ay 'yung porma namin n'ung nagpaalam kami kay Liz, holding hands na nakahawak pa siya sa bisig ko na parang mag-boyfriend na kami talaga.

O, huwag ka nang magpanggap. Sigurado ko namang binibilang mo rin ang bawat sandaling dumampi ang braso ng crush mo sa braso mo eh, kunyari pa 'to!

"Ano'ng gusto mong kainin mamaya?"

Dahil sigurado kong masasampal ako kapag sinabi kong siya (bastos!), nagpanggap na lang akong nag-iisip.

"Beef, chicken, pork, fish?" pagsa-suggest niya.

"Nakatikim na ako ng beef dish mo. Pork naman kaya?"

Saglit siyang nag-isip. "Gusto mo ng slow-roasted pork with crispy crackling, garlic roast vegetables and gravy?"

"'Yun! Gusto ko 'yun!" masaya kong sabi. "Ano ba 'yun?"

Tumawa siya at kinurot ako sa tagiliran. "Para siyang lechon, basically, saka may roasted potatoes, carrots, gan'un."

"Sige!" excited kong sabi. Sa totoo lang kung sinabi naman niyang fish ball ang ulam namin mamaya, malamang excited pa rin ako. Kahit pritong itlog lang ang alam niyang lutuin, ma-e-excite pa rin ako. "Madali lang ba 'yung lutuin?"

"Matagal. Mga seven hours."

"Ano?!" bulalas ko, napatingin sa kanya.

"Iiwan lang natin siya sa oven," paniniguro niya. "Hindi ko kailangang magtrabaho ng six hours. Maghihiwa lang ako ng mga gulay. Kaya kailangan mo akong i-entertain ng six hours kasi wala tayong gagawin habang nag-ro-roast siya sa oven."

Ayus! Six hours ng bonding time! "Entertain? Sige, ano'ng gusto mo? Concert? Dance number?"

Muntik akong matalisod nang sumagot siya. "Strip tease?"

"Aba, ma'am! Dapat napakasarap ng roast pork mo para katawan ko ang maging kabayaran!"

"Ay, naku! Kapag matikman mo 'yun, baka daigin mo ang cast ng Magic Mike sa kakasayaw para sa 'kin."

Malakas akong tumawa. "Next time na lang 'yun. Baka abutan tayo ng kuya ko mamaya. Nakakahiya namang abutan niya akong nagsasasayaw sa kusina niya habang naka-thong."

Napapikit si Meredith at tumawa na rin habang mabilis na umiiling. "Ayaw! Ang mental image!"

Tumatawa ko siyang inakbayan at pinisil ang balikat niya. Ganoon pa rin ang porma namin nang makarating kami sa supermarket.

O ha! Hindi lang kamay ha! Nakaka-akbay na rin ako.

Pumasok kami sa grocery at nakita ko kung ano'ng magiging hitsura namin kung sakaling matupad ang pangarap ko at kami nga ang magkatuluyan. Magiging weekly habit namin itong mag-grocery at susunod-sunod lang ako sa kanya habang nagtutulak ng cart, nagsa-suggest ng gusto kong ulam sa isang buong linggo.

Pasensiya na, active ang imagination ko. Anong chapter ka na o, di mo pa ba nahahalata 'yun?

At nang magbabayad na kami, nag-unahan ulit kaming mag-abot ng credit card. Siguro dahil peminista naman 'yung cashier at naniniwalang dapat fair ang gastos ng babae at lalaki, credit card naman ni Meredith ang kinuha niya nang papiliin namin siya.

"Alam mo," sabi ni Meredith nang mailagay namin sa kotse ang mga grocery. "Hindi mo naman ako kailangang laging ilibre kapag lalabas tayo. I mean, ngayon kasi, empleyado kita. So mas malaki ang sweldo ko sa 'yo." Agad niya akong tiningala pagkatapos niyang sabihin iyon. "I hope hindi mo 'yun i-consider na insulto. Hindi ko sinasabing mas mayaman ako sa 'yo or anything, pero kasi nga—"

"Shh," sabi ko lang, natatawa. She looked so flustered, I just wanted to bend down and kiss her. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. "One, naniniwala naman ako sa equality. Sanay lang talaga akong ako ang nagbabayad para sa date." Oo na, dinerecho ko nang kino-consider kong date ang paglabas-labas namin. Eh hindi naman niya kinontra.

"Second, mas mayaman ka naman talaga sa 'kin," sabi kong kinukurot ang ilong niya. "Kahit makuha ko ang mana ko ngayon din, mas mayaman ka pa rin sa 'kin. I don't find that insulting. Secure naman ako sa pagkalalaki ko. Hindi naman 'yun mababawasan kung mas maraming laman ang wallet mo kaysa sa 'kin o mas mataas ang credit limit mo."

She smiled. "I had to say something. May mga lalaki kasing intimidated sa 'kin dahil alam nila hanggang sa huling sentimo kung magkano ang mga Balajadia."

Pinagmasdan ko siya, pagkatapos, inipit ko sa likod ng isa niyang tainga ang buhok niya. "Alam mo, honestly, bihira kong maisip na mayaman ka. Alam ko naman 'yun pero kasi ang simple mo lang. Walang ka-ere-ere, walang yabang sa katawan. You make people comfortable with you which is why I love being with you."

Sa sobrang comfortable, hinahaplos ko na ng hinlalaki ang pisngi niya habang nasa gitna kami ng parking lot at sinasabi ang mga bagay na dapat ay inaamin ko lang habang nagsasayaw kami sa ilalim ng full moon habang tumutugtog ang mga violins.

Maling lugar na naman, Montesines! Maling timing! Anakng—

Ngumiti sa 'kin si Meredith then she got into the car. Isinara ko ang pinto nang makasakay siya at naglakad ako patungo sa driver's side.

I have the rest of the day to kiss her. Kung hindi ko pa magawa 'yun ngayong araw, ay, sos, ewan ko na lang. 

Continue Reading

You'll Also Like

120K 2K 23
[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal n...
3.5M 89.3K 52
Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahan...
14.1M 71.4K 52
A/N: This story has been published that's why it's not available here. Thank you! Teaser lang po ang inyong mababasa. "Im pregnant. " Mula sa pagka...
503K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro