Her Lockdown Possession

By aizzienn

11.4K 397 95

NANG DAHIL SA COVID #3: Lockdown Dahil sa isang milyong suhol, nagawang dalhin ni Ginger si Rhioz sa bukiring... More

Her Lockdown Possession
Ciao!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 05

521 24 1
By aizzienn


"Tatanga-tanga ka kasi. You're paying the price of your own actions."

Napairap ako sa kawalan. Hawak ko ang bulak na nakapasang sa ilong ko habang dinadampi naman ni Rhioz ang yelo sa bandang itaas, yung bang may buto? Sabi ko masakit don, pero ang totoo kanina pa nawala ang sakit. Duda kasi ako na hindi lang ang aksidente ang dahilan ba't ako nag-nosebleed, kailangan ko ng coverup. Pero buti na lang talaga hindi nadamage o humilig o kaya napiga ilong ko sa nangyari. Kinaawaan ako ng Diyos! Eh kasi itong ilong ko lang ang meron ako. Ito ang uri ng ilong na pwedeng isangla. Yes, perfect ang shape at tangos nitong ilong ko. Legit yan. Walang papalag.

"If the bleeding stops clean the insides with cotton buds." Maingat nyang linigpit ang first aid pero nag-iwan sya ng apat na cotton buds.

"Ha? Eh nagkasugat-sugat kamay ko, oh. Ikaw na lang kaya?" Pangisi-ngisi kong sabi. Nahinto sya sa ginagawa at dahan-dahang luminga sa 'kin. Ano'ng drama na naman kaya yan?

"Pag may nahapit akong kulangot wag mo 'kong sisisihin sa kahihiyang tatamuhin mo."

"Nye-nye-nye." Pang-aasar ko sa kaniya. Oo na! Nakakainis. Kasalanan nya lahat ng 'to eh. Dahil hindi ako tatakbo para hanapin sya kung 'di sya umalis ng maaga para mag-sibak ng kahoy.

Pero sulit din ang nangyari kasi biruin mo, ginamot nya ko! Bait! Tapos nakita ko ang katawan nya sa malapitan na parang yung sa mga nakita ko lang sa magazine. Super sulit diba?

Inawan ako ni Rhioz na nakaupo sa hagdan at ang first aid ay nasa tabi ko. Kala ko ba ibabalik nya sa loob? San naman kaya papunta ang lalaking yun? Aalis na naman at hahanapin ko na naman. Pero hinayaan ko na. Mababagot lang yun dito at hindi kami pwedeng magsama ng matagal dahil alam nyo na kung san yun tutungo. We need space. Char.

"Ginger, nabalitaan naming may pogi ka rawng kasama pagdating mo."

"Wag madamot uy, pakilala mo naman kami."

"May sakit yun wag na baka mahawa kayo." Tipid kong sagot sa mga babaeng kasama kong naglalaba sa batis. Pawang mga dalaga lamang ang nandito. Ilan sa kanila hindi ko naman kilala, narinig lang na may pogi akong tinatago amfeeling close na agad. Buti nga't maagang naligo si Rhioz kanina kaya di nila naabutan. Kaso susunduin nya 'ko dito maya-maya dahil sya ang magdadala ng mga nilabhan ko. Sya malakas e. Ambigat kaya nito!

"Ha? Mukhang normal naman sya e." Pamimilit ni Gena na pinaka-bata sa 'min dito. Anak sya ng may-ari nung bukuhan na ninakawan ni Rhioz.

"May pagtitipon sa baryo mamayang gabi, Ginger. Ilang araw fiesta na dito sa 'tin. Isama mo yung kaibigan mo, sure ako na iwewelcome sya dun!" Si Sabel na kaedad ko lang.

"Oo nga naman, sige na Ginger!" Si feeling close 1. Pinsan ko raw sya pero 'di ko na maalala kung sang part kami naging mag-pinsan.

Natigil ako sa pagkuskos at napa-isip.

"Punta kayo ng maaga. May munting salo-salo kasi na inambag-ambagan ng lahat. Pati tsong mo may ambag din." Si Karyl na pinsan ko din at may pinakamalaking dede. Anlaki pramis.

"Si tsong? 'Di nya nabanggit sa 'kin 'to. Teka, para saan ba talaga yang pagtitipon na yan? Akala ko ba bawal pa yang mga ganyan ngayon?" Tsaka dapat nga naka-home quarantine kami ni Rhioz ngayon, kaso wala namang nag-sabi sa 'min.

"Duh? Nakalimutan mo? Dasal pasasalamat at pagtanggap sa patron. Tatlong araw na lang bago mag-fiesta Ginger!" Si Mariz na kababata ko. "Ngayong alam mo na, sama kayo mamaya!"

Napantig ang tenga ko.. fiesta? Ba't 'di ko naalala? Pag fiesta kasi, isa lang ibig sabihin.. may mga politikong dadalo o bibisita at maraming uuwi. Ba't walang nakapag-sabi sa 'kin?

"Okay ka lang Ginger? Natulala ka bigla."

"Huh?" Nabalik ako sa huwisyo at isa-isa kong tiningnan ang mga babaeng nakapalibot na pala ngayon sa 'kin. "O-oo, okay lang. At pwede ba? Anlaki nitong batis! Magsikalat nga kayo!"

Dalawang oras ang ginugol ko sa paglalaba. Nang matapos akong maligo ay saka naman dumating si Rhioz, dinig ko ang bulungan ng malalanding kababaihan sa paligid pero dahil inborn ang kasungitan ni Rhioz ay dedma lang sila at umalis agad ang lalaki na wala ni isang salita.

"Wag n'yong gustuhin yun. Pagsisisihan nyo." Tatawa-tawang bulong ko sa kanila. 'Di pa kasi nakakalayo si Rhioz, baka marinig.

"Baka nahihiya lang. Tsaka tingnan nyo nga 'tong suot natin! Ang yagit tingnan." Si Iloida na kahit ano'ng suotin eh yagit pa rin.

"Isusuot ko talaga bago kong mga damit mamaya. Isama mo yung si pogi, Ginger ah?" Si feeling close number 2. Basahan na lang isuot mo besh.

Pagka-uwi ko ay nagtungo agad ako kila auntie. Nadaanan ko si Rhioz na binato ang mga manok sa maisan pero wala akong ganang pansinin sya kaya linampasan ko lang. Pagkarating ko kila auntie ay tamang-tama na nadatnan ko syang nagluluto ng bebenca at bico para mamaya ata. Tinampal nya kamay ko nung akmang kukuha sana ako ng isa.

"Isama mo yung alaga mo. Maganda yun ng mapasyal mo naman sya sa baryo."

"Naku auntie, walang interes yun sa paligid. Tsaka ang daming nagkakagusto sa kaniyang babae dun, baka kuyugin ng mga kalalakihan yan." Nag-aala cannibal pa naman ang mga lalaki dito pag may umaagaw sa atensiyon ng mga babae. "Isang linggo lang kami dito kaya 'di na kailangan yan."

"Eh ano'ng gusto mo? Mabulok sya sa kubo? Ilang araw nga lang kaya sulitin nyo! Nasa'n ba utak mo ha? Nasa pwet?" Asik nya. Sumimangot ako. Gusto ko sanang manatili lang dito buong linggo.

"Alam ko namang may ibang rason kung bakit ganiyan ang inaakto mo." Huminga ng malalim si auntie at hinarap ako. "Matagal na yun, sigurado akong hindi na babalik si—

"Oo na, pupunta na." Tumayo at lumabas ako sa kusina. Babalik na 'ko sa kubo para maghanda at para na rin masabihan ko si Rhioz.

"Magdala kayo ng face mask, okay?" Pahabol na sigaw ni auntie. Tumango ako at lalabas na sana, ngunit may nahapit ang paningin ko sa sala na nagpatigil sa 'kin.

"Auntie, ginagamit pa ni tsong itong tirador nya?" Wala si tsong dito may nilakad daw sa baryo kasi kagawad nga pala yun at sinama si Mai.

"Mukhang 'di na ata. Bakit?"

"Hmm.. wala naman. Hihiramin ko lang." Ngimisi ako saka kinuha ang tirador na nakasabit sa dingding. Pakanta-kanta akong lumabas ng bahay hanggang sa dumating na ako sa burol. Nakita ko agad si Rhioz na nakaupo pa rin sa malaking bato habang binabato pa rin ng mga manok

"Psst! May regalo ako sa 'yo." Nang lumigon siya sa'kin ay agad kong hinagis ang tirador na nasalo naman nya. Pinagkatitigan nya iyon sandali saka salubong ang kilay na nagtaas ng tingin sa 'kin.

"What d'you want me to do with this?"

"Uhm, itira sa mais? Gagu, common sense uy! Malamang sa manok mo itira!"

"Do you really have to shout?" Irita naman nyang sagot saka bininat-binat ang tirador habang naka-pikit pa ang isang mata.

"Oo!" Pinag-krus ko ang mga braso at pinanuod syang pumulot ng bato saka dahan-dahang bininat ang goma. Inasinta nya ang mga manok at nang bitiwan nya ang balahan..

"Savage!" Sigaw ko. Natawa ako nang magliparang ang mga manok sa kung saan-saang direksiyon na para bang mga adik na naraid. Ang dami eh! Kaso mukhang wala ata syang tinamaan maski isa..

"Ayy," disappointed na bulong ko at pinanuod si Rhioz na tumayo at umaalis sa pagkakapatong sa malaking bato. Kala ko ba magaling sya sa ganito? Tsk, sayang! Ulam na sana. Mukhang 'di naman kay tsong ang mga manok na yun at sa maisan nya pa nanga-ngalkal  kaya pwede na.

Napatitig ako kay Rhioz na naglalakad palapit. Ampogi talaga, shyet. Tapos bagay na bagay pa sa kaniya ang magbinat ng tirador.

Mukhang babalik na sya sa kubo kaya tatalikod na din sana ako upang maglakad na din pabalik, pero natigil ako at agad na nanlaki ang mga mata nang may mahapit ang aking paningin. Naaninag ko ang isang bangkay na nakahandusay sa maisan.. don sa bandang tinira ni Rhioz ng tirador kanina!

"R-Rhioz! M-may bangkay!" Sigaw ko. Pero cool na cool lang syang naglakad palampas sa akin.

"It's not dead yet, oa. Sa hita lang yun tinamaan." Aniya bago tuluyang nakalayo. Nagpapanic na bumaba agad ako sa maisan. Kahit gusto ko syang habulin ng suntok hindi ko na ginawa. Mas pinili kong lapitan ang naghihingalong manok.

"Takteng lalaki yun, okay ka lang chicken? 'Di ko naman sinabing seryosohin nya sinabi ko eh! Buset, tandang pa talaga tinira nya." Lumuhod ako sa tabi ng tandang saka sinuri ko kung san tinamaan.. at tama si Rhioz, sa hita nga. Pero pa'no nya nalaman? He hardly looked at the target after shooting the shoot! Napapa-english tuloy ako.

Pero ang mas inaalala ko ngayon ay kung ano ang gagawin ko dito sa tandang. Panabong ata 'to kasi mukhang nasa maayos na kundisyon. Ayaw ko namang tuluyan at ulamin kasi naawa ako. Kung si tsong ang may-ari nito, magagawan ko pa sana ng paraan at ipapaliwanag ang nangyari.. kaso parang hindi si tsong ang may-ari nito.

Kabisado ko na ang mga manok ni tsong at alam kong hindi sya mahilig sa pula at iba pang kulay, mahilig sya sa ugis. Yun bang pure na puti? Kasi pampaswerte daw dahil parang manok ni San Pedro lang. At isa pa, retired sabongero na yun kaya wala yung inaalagaang tandang na panabong.

"Jusko, sinong amo mo? Mapapatay kami nun." Kadalasan kasi sa mga sabongero eh mas mahal pa ang panabong kesa sa asawa. Naisip nyo ba kung anong reaksiyon ng amo nito pag nalaman nyang nasapul ng tirador ang panabong nya?

"Tsk, bahala na." Maingat kong kinarga ang tandang na nagsimula na namang maglumikot at mag-ingay kaya agad kong sinakal para manahimik!

"Umayos ka kung ayaw mong matuhog sa pwet at sumayaw na hubo't hubad sa uling." Huminga ako ng malalim saka sandaling luminga-linga muna sa paligid bago naglakad pabalik sa aming home sweet home. Hinanap ko si Rhioz at agad na pinagalitan. Wala naman syang reaksiyon kaya ako na ang bumigay sa pagsasayang ng laway at energy.

"Take care of it, set it free when it fully heals. Para naman may magawa ka kesa lagi na lang ako ang pinag-titripan mo." Yun lang ang sabi nya. Pansin kong panay na ang pagtatagalog nya. Sarap pakinggan! Sana all pati boses pogi.

Kaya ayun, sinunod ko ang sabi nya ng walang pagdadalawang isip. Ginawa kong kulungan ng manok ang lumang laundry basket ni lolo at don sa ilalim ng kubo ko nilagay. Nang matapos bumalik ako sa kinaroronan ni Rhioz, naninigarilyo syang naka-upo sa ugat ng kalatsutsi at sa magandang tanawin sa 'di kalayuan lang nakatingin. Sa dyan naman sa tabi nya ako umupo.

"Rhioz, ano'ng lahi mo?" Imbis na sabihin ang tungkol sa pagtitipon, iyon ang naitanong ko. Hindi ko napigilan sarili ko na titigan ang ilong nya at magandang nyang jawline. Tan ang kulay ng balat nya at ang buhok ay brownish sa dulo. Ang mata nya'y dark gray na naging lighter ang kulay dahil nakaharap sya sa liwanag ng araw.

"Filipino-American.." Aniya na hindi tumitingin sa'kin. Wow, kaya pala.. bumaling sya sa 'kin bigla. "Ikaw saang tribo ka nagmula?"

Nawala ang ngisi ko.. so nantitrip na din sya? Humanda sya. "Nagmula ako sa pusod ng gubat kung saan inalagaan ako ng mga diwata at biniyayaan nila ako ng gandang hindi mo masisilayan sa milyon-milyong babae saan mang panig ng mundo."

"Stop, it's revolting." Banato nya ang upos ng sigarilyong hawak. "What do you want?"

Alam nya talaga kung kailan ako may gustong sabihin o ano. "Gagala tayo sa baryo mamaya dahil may pagtitipon, wawa ka kasi baka mabulok ka dito kaya isasama na kita. Pero kung ayaw mo edi mas okay, ge alis na 'ko bye." Tumalikod ako at wala ng narinig na ano mang ingay mula sa kaniya.

Alam ko namang hindi sya mahilig sa ganun, abala sya sa lagi pagiging anino ni Alexander dati at ni isang beses ay hindi ko pa sya nakitang gumagala o maski may kasamang babae. Hindi sya marunong mag-enjoy sa buhay kaya malamang hindi sya sasama sa 'kin mamaya at—

"I'm coming."

Natigil ako sa bigla nyang sinabi.

Hindi ko na napigilan si Rhioz na sumama kaya naman noong gabing yun ay nakasimangot ako. Ewan ko pero parang gusto ko syang pag-bawalan pumunta sa kung saan, gusto ko syang pigilan makihalubilo maski sa mga babaeng kilala ko.

He's my possession and I'm possessive. Charot.

Alas kuwatro ng hapon pa lang ay abala na kami sa paghahanda. Kagawad nga pala si tsong ng baryo kaya dapat doble aga sya. Yun din ang dahilan ba't importanteng dumalo kami, marami raw'ng nag-request na dumalo kami ni Rhioz sa pagtitipon at hindi nya kayang idisappoint ang supporters nya kaya pinilit nya akong sumama kanina kahit buo na ang desisyon kong magpaiwan na lang sa kubo.

Suot ko ang simple na brown sleeveless dress na pinahiram ni auntie sa akin. Puro t-shirt, short at pajamas lang kasi dala ko. Hanggang itaas ng tuhod ang haba niyon at natural na maputi ang balat ko kaya bumagay daw sa 'kin. Tinanggal din ni auntie ang signature messierest bun ko at sinuklay nya ang buhok ko for the first time ang forever after ilang araw na huli ko iyon nasuklay. Linugay nya ang wavy na golden-brown kong buhok at inipitan pa ng pulang rosas ang isa kong tenga kaya halos mag-alboroto ako sa iritasyon. Pero dahil sya ang buntis sya ang nasunod, hinayaan ko na lang.

"Kailangan ba talaga na ganito isuot?" Hindi ko mapigilang mairita.

"Ano ka ba? Para ka na ring dayo dito kaya dapat magmukha kang dayo at hindi yagit! Dapat sentro kayo ng atensiyon pagdating nyo ron, ampangit naman pag nag-blend lang kayo. Standout dapat!" Umirap ako at pinanuod si auntie na mag-ligpit. Magaling nga pala sya sa pagpapaganda-chuchu dahil dati syang beauty queen. Ewan ko nga ba't si tsong pinili nya. Shrek lang ang peg.

Nakabusangot akong lumabas ng kwarto na pinag-torturan sa akin ni auntie at sapilitang pinasunod sa gusto nya. Pero hindi pa ako tuluyang nakakabas nang ako'y matigil at l nabato sa kinatatayuan nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan ng salamin sa sala. Mahusay nyang inayos pataas ang manggas ng suot na plain round-neck chocolate brown long sleeve na medyo fit sa katawan. Simpleng itim na pantalon din lang sa baba at pinaresan ng itim na flipflops na nabili ko para sa kaniya. Nakita kong may suot syang itim na relo nang suklayin nya ang basang buhok gamit ang kamay.

Wala akong ibang masabi sa isip kundi wow. Wala syang pagkaka-iba sa bodyguard na laging naka-formal suit nang una ko syang makita, pang GQ magazine pa rin ang tindig at itsura. Pero ngayon mas nagdagdagan pa ata ang charisma nya. Yung tipong casual lang. Mas mabait syang tingnan at parang mas approachable kesa pag naka-suit na parang laging may regla at snobbish. Basta iba sya kung tingnan ngayon. Mas gentleman.

"Mentally stunted pala huh? Hirap paniwalaan." Bulong ni auntie mula sa likuran ko. Gusto kong magsalita pero wala akong ibang nagawa kundi tumango-tango. Kahit naka-flipflops lang bakit mas mukha pa syang CEO o mayamang gago tingnan kesa bodyguard? Oo, kinikuwestiyon ko hanap-buhay nya. Sana nag-model na lang sya!

"What are you gawking at?" Bigla syang humarap kaya napa-talon ako sa gulat. Kitang-kita ko na ang kabuoan nya ngayon. Ilang beses akong napalunok. Hihingi sana ako ng tulong kay auntie pero wala na sya sa likuran ko. Tangek Ginger, magsalita ka!

"Ano," nakagat ko ng mariin ang labi ko. Natural na walang preno ang bibig ko, pero ngayon gumana na ata ang breaks! "A-ang gwap.." Tinaasan nya 'ko ng kilay, tila hinihintay kung ano'ng idudugtong ko..
Shyet, parang hindi ko ata kaya.

"Ano... a-ang gwapa ko!" Napapikit ako ng mariin saka arat na agad palabas.

Nak ng sisig... ano kagagahan yun luya? Crush mo? Ano ka? Teenager? Tsk, oo na! Hindi ko na idedeny kasi alam ng lahat ng organs ko na dati pa.


•••

Continue Reading

You'll Also Like

766K 41.3K 103
an epistolary
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
1.2M 51.8K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...