Hating The Skater Boy (AWESOM...

Od HopelessPen

2.8M 74.2K 4.3K

AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mul... Viac

Hating The Skater Boy
PROLOGUE
Hero
Isigaw Mo Baby!
Seryoso Ako
Article
Bad Girl
Hindi Na
Likod ng Maskara
Montreal
Kambal Na Strawberry
Prinsesa
Heartless
Yturralde Ka
Ang Bayad
Ang Singsing
Ang Pride
Ang Binata
Ang Aksidente
Stolen :*
Lonely Man
Montreal Ako
Frozen
Stranger
Time Machine
Chopsticks
Fast Car
God Help Me
The Dragon's Princess
They Don't Know
Thank You
Happy Ending
Find You
Fight
Beyond
WAKAS
Epilogue
MARRIED TO THE SKATER BOY SC#1
SELF-PUB
PUBLISHING DETAILS
AEGGIS ORDER FORM

Valentine's day Gift

105K 2.2K 104
Od HopelessPen

1

'I'm scared to death

Now that I'm losing you

I'm scared to death

Knowing I can't get through

I'm scared to death

Living this lonely life

Without you'

Mabilis kong sinara ang bintana ko noong makita ko kung paano yumuko si Greg at hinalikan ang noo ni Lana. It sucks. This sucks. Ayaw ko ng maging kapitbahay si Greg kung ganyan lang din naman. Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng subdivision, dito pa sa amin titira itong si Lana.

Napatalon ako noong may biglaang bumagsak sa ibaba. Tumakbo ako at lumabas sa kwarto para mapansin lamang si August na tawa ng tawa habang pinupulot ang mga librong natamaan niya dahil sa kanyang skateboard. Napanganga na lang ako ng makita na maging ang mga arrows ko at bow ay nasa sahig na.

"Ano ba!" inis kong sigaw at agad na kinuha ang mga gamit ko. Tawa lang siya ng tawa habang nakatingin sa akin.

"Goodmorning Prinsesa." Nakangiti niyang sabi. Ang magulo niyang buhok ay tumatakip sa kanyang mata habang malalim na naman ang dimple niya sa kanyang pisngi. Nagkamot siya ng batok at pasalampak na umupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" anas ko. Sinindi niya ang TV at inilagay ito sa channel kung saan mapapanood niya ang SpongeBob.

"Who lives in a pineapply under the sea!" sigaw niya habang sinasabayan ang opening theme song ng Spongebob. Napasinghap ako at agad lumapit sa kanya. Dumapo ang kamay ko sa bibig niya at pinandilatan siya.

"Ano ba! Magigising si Shawn!" inis kong sabi bago tiningala ang kwarto ng pamangkin ko. Nakita ko kung paano sumingkit ang mata ni Augustine dahil sa pagngiti. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at ngumuso.

"Ikaw ha? Tsansing every chance you get?" tinaas taas niya pa ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya.

"Oy hindi kita tinatsansingan--" napatigil ako sa pagsasalita noong siya naman ang tumakip sa bibig ko. Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya agad ng nagwala ang mga tubi tubi ko.

"Ano ba. Magigising si Shawn." Nakangiti niyang sabi bago kumindat. Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa may bibig ko at nanuod na lamang ulit. Para siyang bata habang yakap yakap niya ang isang throw pillow sa sofa nila Kuya Stan.

Tumayo na lamang ako para iligpit ang mga gamit na ikinalat niya. Inipon ko na rin ang mga gamit ko para sa Archery at inilagay iyon sa may gilid.

"Prinsesa." Aniya. Nilingon ko siya at doon ko lang napansin na tapos na ang Spongebob. Tumayo siya kaya napatingala ako. Bwisit na lalaki. Ang tangkad! Tapos may dimples pa. Marunong pa kumanta! Bwisit talaga!

Yumuko siya kaya napaatras ako. Nauntog pa ako sa may book shelf pero ito namang lalaking ito, walang pakialam na nakayuko pa rin sa akin. Ngumuso siya at tinitigan ako.

"A-ano?" nauutal kong sabi. Tumaas ang sulok ng labi niya bago nagpuppy eyes sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba ko habang magkalapit kaming dalawa.

"Nagugutom na ako." Biglaan niyang sabi. Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa sinabi niya kung hindi sa biglaang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Greg at napahinto siya ng makita kaming dalawa ni August sa may book shelf. Lalong nilapit ni August ang mukha niya sa akin kaya napasinghap na ako.

"Sorry Gus." Natatawa nitong sabi. Agad kong tinulak si August palayo at hinarap si Greg. Pinilit kong ngumiti kahit sa totoo lang ay gustong gusto ko ng patayin ang lalaki sa tabi ko. Mamaya, ipupukpok ko talaga ang skateboard niya sa kanyang ulo, tingnan lang natin.

"Hi Greg." Magiliw kong sabi. Ngumiti lang ito bago siya tumingin sa itaas.

"Si Stan?"

"Umalis. Sinamahan ni Kuya si Ate sa palengke. Bakit?" tanong ko. Ngumiti lamang si Greg at halos matunaw ako roon. That smile. Gosh. Greg is really perfection.

"Talaga? O sige, mamaya na lang. Balik na lang ulit ako." Paalam nito at agad na lumabas. Noong mawala na si Greg ay agad kong hinarap itong halimaw na nasa likuran ko. Mattalim ang tinging ibinigay ko sa kanya habang siya ay nangingiti lang sa gilid.

"Bakit lapit ka kasi ng lapit eh!" napapadyak na ako sa sobrang inis sa kanya. Baka kasi anong isipin ni Greg. Lalong lalabo ang tsansa ko sa kanya kung nagkataon. Baka akalain niyang may something kami nitong halimaw na ito kahit wala naman talaga.

"Gutom na kasi ako." Sagot niya at tinalikuran ako para pumunta sa kusina. Agad akong nagmartsa pasunod sa kanya.

"Bakit hindi ka na lang kumain mag-isa. Marunong ka namang magluto!" palahaw ko. Naiinis talaga ako. Nanghihinayang ako kasi nakita ni Greg ang hindi niya dapat makita. Kasalanan talaga nitong si Augustine ang lahat.

Kapag hindi kami nagkagkatuluyan ni Greg,sinisigurado kong isusumpa ko lahat ng lalaking may dimple! Bahala siya sa buhay niya!

"Eh sa nakalimutan kong marunong pala ako. Akalain mo yun? Posible pala na makalimot?" natatawa niyang sabi habang inaabot ang jar ng Nutella at ang tinapay. Kumuha rin siya ng dalawang tasa at ilang piraso ng itlog. Sinalang niya ang pan at nagsimula ng magluto.

"Nakakaasar ka." Naiiyak ko ng sabi. Naalala ko kung paano hinalikan ni Greg si Lana at gusto ko na talagang maiyak. Ilang taon ko ng hinintay si Greg. Ilang beses na akong nagbigay ng signal na pwede na niya akong ligawan dahil hindi na ako bata pero wala pa ring nangyari.

All my life, fairytale love stories have surrounded me. Ganun naman yata talaga kapag isa kang Montreal. You are born for perfection. Perfect guy. Perfect romance. Perfect wedding. Perfect couple. Mula sa mga magulang ko hanggang sa mga tito at tit ako, ganun lagi ang trend. Kaya nga noong unang kita ko pa lang kay Greg, alam ko ng siya ang katambal ko for my perfect fairytale.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng inihain ni August sa akin ang isang tasa ng hot chocolate at pan na may Nutella. Siya naman ay kinain ang itlog at bacon na niluto niya. Susubo na sana siya ng mapatingin sa akin.

"Eat." Aniya. Tiningnan ko siya bago ko dinampot ang tinapay at kinagatan iyon. Sa unang kagat pa lang ay ibinaba ko na ang pan at yumuko na lamang. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni August sa gilid bago niya kinuha ang tinapay ko at siya na ang kumain. Nanatili lang akong nakatulala habang hinihintay siyang matapos sa paglantak sa supplies nila Ate Tori.

" 'Lika." Utos niya sa akin at hinila ako patayo.

"Ha?"

"Labas tayo." Sabi niya habang dinadampot ang skateboard niya. Napanguso ako at umiling.

"Si Shawn, tulog pa. Hindi natin siya pwedeng iwan." Katwiran ko. Ngumiti lamang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba!" bwisit kong sabi. Humalakhak naman siya at tiningnan ako.

"Kanina pa dumating sina Sungit. Hindi mo napansin kasi masyado mo akong iniisip." Natatawa niyang sabi. Tumaas agad ang kilay ko at akma sana siyang sasapakin ng humalakhak na naman siya.

"Hindi ikaw yung iniisip ko." sagot ko. Ngumiti lang siya at nagkibit balikat.

"Alam ko." sabi niya. Hinila na niya ako palabas at sabay kaming naglakad papunta sa parke. Tahimik lamang kami at tanging maririnig ko lang ay ang tunog ng gulong ng kanyang skateboard.

Noong makarating kami sa parke ay agad akong umupo sa may damo sa ilalim ng punong mangga. Siya naman ay tumayo sa harapan ko at sumakay sa kanyang skateboard. Napanguso ako sa sobrang tahimik naming dalawa. Hinihintay kong siya ang magsalita dahil alam kong illegal sa kanya ang pananahimik. Napanis na ang laway ko pero wala pa rin itong sinasabi.

"Dinala mo ako dito pero hindi mo ako kakausapin!" inis kong sabi sa kanya. Nilingon niya ako bago ngumiti.

"Gusto mo na ng kausap? Tapos ka nang magmukmok?" tanong niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko at nangalumbaba akong tinitingnan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ka malungkot? Valentine's na valentine's pero para kang pinagsakluban ng lupa." Aniya. Tiningnan ko siya bago huminga ng malalim.

"Si Greg kasi." Reklamo kong natigil noong mapansin kong may kung anong binubunot sa lupa itong si Augustine. Pinanood ko siya habang paikot ikot siya.

"Napano si Greg?" absent minded niyang sabi. Pumunta siya ng kaunti sa may parteng masukal at noong lumabas ay may hawak na siyang ilang piraso ng santan at gumamela. Lumapit siya sa akin habang pinapagpagan ang braso niya at binti.

"Napano si Greg?" tanong niya at umupong muli sa harap ko. Napakurap ako at sinagot siya. Sinabi ko ang tungkol sa nakita kong paghalik nito kay Lana kanina. Habang nagkekwento ako ay mataman lamang siyang nakatingin sa akin. Halos mautal naman ako dahil sa klase ng titig niya pero pinilit kong kumalma.

"Hindi naman ganon kaganda si Lana." Sabi ko pa. Narinig ko ang pagtawa niya bago siya tumayo. Iniabot niya ang kamay niya sa akin at hinila rin ako para makatayo.

"Selosa." Sabi niya sa akin. Pinandilatan ko lamang siya pero humalakhak lang ito.

Tahimik lang kaming naglakad pabalik sa bahay nila Kuya Stan. Hinatid lamang niya ako sa tapat niyon bago siya naglakad palayo. Nauna na akong pumasok at doon ko nakita sina Ate at Kuya na nilalaro si Shawn sa may gilid. Noong makita ako ni Kuya ay ibinigay niya si Shawn kay Ate.

"Tumawag si Tatay. Kailan daw yung punta mo sa France? Diba may training ka para sa tournament?" tanong nito. Tumango ako at binalikan ang tasa ng tsokolate na ginawa ni August kanina.

"Sinabi ko na sa kanya yan noong isang araw. Hindi na naman niya ako pinansin." Reklamo ko at tinikman ang chocolate. Napataas ang kilay ko noong malasahan iyon. Infairness ha? May tinatagong talent yung halimaw na yun.

Nag-usap pa kami ni Kuya tungkol sa nalalapit kong laban sa Archery noong tinawag ako ni Ate. Lumapit ako sa kanya at malawak ang ngiti niya akong hinarap.

"May nag-iwan yata ng regalo sayo Shana." Nakangiti nitong sabi. Agad akong nagtaka. Sino naman ang gagawa nun?

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang tatlong piraso ng teddy bears na nakapatong sa isang malaking box. Nilingon ko ang daan at wala namang tao roon. Sabay sabay kong kinuha ang mga bears noong biglaang bumukas ang lid ng karton. Magmula roon ay lumipad ang ilang piraso ng mga pulang lobo.

Napangiti ako noong makita ko ang mga balloons sa ere. Noong yumuko ako para tingnan ang loob ay natawa na lamang ako. Sino ba naman kasi ang hindi tatawa. Sa loob ay nandoon ang santan at gumamela na binunot niya sa park kanina. Kinuha ko ang mga iyon pati na rin ang isang mas maliit na box na may lamang chocolate. Tiningnan ko kung may card at noong makita kong meron ay agad kong binasa.

'To Gus

Fan na fan po ninyo ako'

Napanguso ako sa chocolates niya. Galing sa fans mo ha? Asar ka talaga. Padabog akong naglakad papasok at umakyat sa guest room na inookupa ko. Ibinaba ko ang tatlong teddy bears at tiningnan ang mga iyon. Ang mga bulaklak ay agad kong inipit sa pahina ng aking notebook.

"Bwisit ka talaga Augustine." Sabi ko habang tinitingnan ang mga teddy bear na bigay niya. Hindi ko napigilan ang ngiti ko.

Well, maybe he is the dragon in my fairytale, but he made me happy today so bati muna kami.

For now.

---------------------

Happy belated Valentines :)

Song Used:

KZ Tandingan-Scared to Death

*pen<310

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

40.4K 1.7K 47
STATUS: COMPLETED (BOOK 1 OF NO RESTRICTIONS) There are things in life that's worth living for. It may be a friend, a family, or a lover. Life has lo...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
264K 14.3K 33
Ang sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kan...