Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

121K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 2

2.9K 96 11
By jhelly_star

Kabanata 2

Money

--

Nasa field kami ni Arjun habang nagkukwentuhan. Maaga pa kaya hindi muna siya pumunta sa klase niya. Sinamahan niya muna akong tumambay sa isang table sa napaka laking field.

"Nasaan ang kaibigan na sinasabi mo?" tanong ni Arjun pagka upo namin.

"Baka nandoon na sa classroom," sagot ko.

"What's her name?"

"Audrey."

Tumango siya. "Is she kind?"

Nagkibit ako ng balikat. "Nagkasama na kami kahapon at masasabi ko namang mabait siya."

I saw a familiar man. His serious eyes immediately found my eyes. He was at the other table with his friends not far from our table. It was a bit noisy in the field because there were already quite a few people. Mahangin rin dahilan ng paglipad ng itim kong buhok.

It's Brandon.

"How about your classmates? Wala bang umaway sayo?" tanong ni Arjun.

"Wala naman. Wag ka nang mag alala."

He sighed. I know he's really worried. I can handle myself, though. I never let other people just oppress me.

"Kailan mo makukuha ang school uniform mo?" tanong ni Arjun.

Inalis ko ang tingin kay Brandon at bumaling kay Arjun na kanina pa tanong nang tanong.

"Baka bukas? I don't know. Sabi sasabihan nalang ako."

Tumango siya. Napatingin ulit ako sa harapan ko, lagpas kay Arjun na tahimik na binuklat ang notes niya. Brandon was still staring at me. Alam kong kahit papaano dapat ko siyang batiin ng kahit na ngiti lang lalo na at nakatitig siya tapos magkakilala na kami. But... that's not my thing.

"Sabi ni Mama ikaw ang maglalaba ng mga damit namin sa weekend. I'll help you," sambit ni Arjun.

Tumingin ulit ako sa kanya. "No need. Trabaho ko iyon at may ibabayad naman sila sa akin."

"Alam ko. I just want to help."

"Hindi na talaga. Mag aral ka nalang sa weekend."

Hindi naman na siya nagpumilit pa. Hinayaan niya nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Binuklat ko nalang rin ang aklat ko at nagbasa nalang rin ng tahimik. Hindi ko nga lang napigilang sumulyap ulit sa mga lalaki sa harapan.

Brandon is not looking at me anymore. Nakikipag tawanan na siya sa mga kaibigan niya. Pero iniwas ko agad ang tingin ko nang muli siyang tumingin. Kinunot ko ang aking noo.

Naghiwalay na rin kami ni Arjun pagkatapos ng ilang sandali. Magsisimula na rin kasi ang klase. He went to the far building while I went to my building.

Ngayon nagsimula na talaga ang klase. Nakinig ako nang mabuti. Kailangan kong pagbutihin dahil ito ang palaging sinasabi ng Mama ko. To study hard for a good future. I will fulfill that for her and for myself as well.

Naka uniform na ang lahat sa klase. Isang araw lang pala ang binigay para makapag suot kami ng kahit ano. Pero ako wala pa ang uniform ko kaya ayos lang na naka pantalon pa rin ako.

Nakilala ko ang iba sa mga kaklase ko. Friendly naman ang iba pero masyadong maarte at mataray ang karamihan. I just ignored it. I'm fine with the classmates who introduced themselves.

"Hi! Are you Cassandra Juarez?" isang babae ang lumapit sa akin habang naglalakad kami ni Audrey papunta sa cafeteria. Lunch na.

May hawak ang babae na papel, listahan siguro ng mga pangalan ng transferee. Tinignan niya iyon sandali bago nag angat ng tingin sa akin.

"Uh, yes. May I help you?"

"Your uniform is already in your teacher's office. Puntahan mo nalang tapos isuot mo na bukas."

Oh. Tumango ako. Nagpaalam siya at umalis na para siguro sabihan pa ang ibang estudyante. Bumaling ako kay Audrey.

"Mauna ka na sa cafeteria. Susunod nalang ako," paalam ko.

"Samahan na kita sa pagkuha ng uniform mo."

"Hindi na. Mauna ka nang kumain. Sandali lang naman to."

Wala rin siyang nagawa sa huli kundi ang ngumuso at tumango. Gutom na rin daw kasi siya. She went straight to the cafeteria while I walked to our teacher's office. Malapit lang naman iyon kaya sandali lang talaga ako.

Pero habang naglalakad ay hindi ko namalayan ang babae sa harapan ko. Nabunggo ko ang kanyang balikat dahilan ng pagkakaharap naming dalawa! Nalaglag ang mga dala niyang libro at nalaglag rin ang sa akin. Bahagya akong nagulat at agad tumingin sa nakabangga.

"I'm sorry. Hindi ko--" natigil agad ako nang nakita kung sino ang nakabangga ko.

"It's okay..." Louissa Agravante said coldly and picked up her books.

I saw the students watching us. They were also slightly surprised because they saw what had happened. Nakabawi ako sa pagkakatulala at agad tinulungan si Louissa na pulutin ang mga libro niya. Nakita kong mag isa lang siya. Siya lang ang nandoon. Hindi niya kasama ang iba pa niyang pinsan.

"Sorry. Hindi ko sinasadya..." sabi ko at inabot sa kanya ang ibang libro niya.

"It's fine," malamig pa rin niyang sambit at kinuha ang libro sa kamay ko.

Nagkatinginan kami. Nakita ko agad ang panliliit ng kanyang mga mata. Yumuko ako para kunin ang mga gamit ko at nang natapos, tumayo ulit ng maayos at tinignan siya. Nanatili siya sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa akin. Akala ko aalis na siya.

Mas maganda pala siya sa malapitan. But I could feel her coldness. It was obvious on her face that she wasn't friendly. She has a snobbish look.

"Uh, do you need anything else?" tanong ko sa panininitig niya.

"Uh, nothing. Thank you for this," bumalik sa malamig ang nakakunot niyang noo kanina.

Tumango ako. Tumalikod siya at tumalikod na rin ako. Hindi man kita sa mukha ko ay kinabahan ako roon! I didn’t expect to bump into her! At si Louissa Agravante pa talaga! Pakiramdam ko isa siyang mataas na tao na hindi dapat makabangga.

Huminga ako ng malalim at hindi nalang inisip iyon. Bahagya akong nakaramdam ng pait. Paano kaya kung sa mga Agravante ako lumaki? Magiging close kaya kami? Mukha kasi silang magkaka close lahat. Hindi ko na naman napigilang makaramdam ng inggit.

But that's okay. I know that one day the truth will prevail. I just hope they believe me. I want to get to know them and be with them.

Nakuha ko ang school uniform ko at nilagay ko muna iyon sa locker ko. Mamaya ko nalang dadalhin kapag uwian na. Pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa cafeteria para sabayan si Audrey. Nakita ko agad siya sa pwesto namin kahapon. Nagtungo ako roon at nilagay ang mga gamit ko.

"Bumili na ako, ah. Bili ka nalang rin," she smiled.

Ngumisi ako at umiling sa kanya. Bumili ako ng pagkain ko at naupo na sa lamesa. My eyes found the Agravantes again. Nandoon ulit sila sa pwesto nila kahapon. Michelle, Johanna and the fake Elizabeth Agravante were there. Si Louissa Agravante ay kapapasok palang ng cafeteria at taas noong naglakad papunta sa mga pinsan niya.

Hindi nga lang nakatakas sa mga mata ko ang bahagyang pagsulyap niya sa pwesto namin. Hindi naman nagtagal iyon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Malamig siyang naupo sa pwesto niya kahapon sa table nila.

"Namamangha ka pa rin, noh?" si Audrey na hindi ko manlang namalayan na pinagmamasdan ang atensyon ko sa mga Agravante.

Ngumisi ako. "They're beautiful."

"Nakaka lalaki, diba?" humagikgik siya. "Wag kang mag alala. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan."

Natawa ako.

I glanced at the Agravantes again but Elizabeth Agravante's sharp eyes caught my eyes. I raised an eyebrow and smirked at her. She averted her eyes and just distracted herself with her food.

Ngumisi ako at nagpatuloy nalang rin sa pagkain ko.

Wala naman masyadong nangyari pagkatapos ng lunch. Nagpatuloy ang klase hanggang sa mag uwian na. Binalikan ko ang uniform ko sa locker room pero natigil nang nakita roon si Brandon. Nakasandal siya sa locker habang nakahalukipkip. Medyo malayo siya sa locker ko pero natigil pa rin ako.

Bakit siya nandito? Napatingin rin siya sa akin. Umayos siya ng tayo nang nakita ako.

"Hi," he greeted.

"Hi," I said and went to my locker.

He watched me go to my locker. I took my uniform there and put it in a plastic one that Audrey and I got in the cafeteria. Nanghingi kami para lang rito sa uniform ko.

I could still feel Brandon's gaze until I closed my locker. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang nang dahil lang pinapanood niya ako. I turned to him. Hindi magandang umalis nalang bigla lalo na at maayos niya akong binati kanina.

"What are you doing here? Hindi ba sa kabilang building ang locker ng mga college?"

Wala naman talaga akong pakialam roon. Para lang may mapag usapan dahil hindi magandang umalis nalang bigla.

"I'm just waiting for someone," he said.

"Oh. Well, then... Mauna na ako," paalam ko.

He stared at me for a moment. I don't know why I suddenly became conscious because of his stare but I still bravely looked into his eyes. Marahan siyang tumango pagkatapos ng ilang sandali at magsasalita na sana nang may dumating na babae, siguro ilang taon lang ang bata sa akin at mukhang makulit.

"Kuya!" anya at nagtungo kay Brandon.

Oh. Kung ganon siya pala ang hinihintay ni Brandon. He has a sister? Obviously, Cassandra.

The girl slightly looked like Brandon. Siguro dahil magkapatid nga sila. It's just that... the girl looks sweet but Brandon looks dangerous. Para bang palaging galit kung titignan. Para bang nakakatakot.

Napatingin sa akin ang babae at nakita ko agad ang pagtataka sa kanyang mukha. Tumingin siya sa kanyang Kuya at inosenteng nagtanong.

"Your girlfriend, Kuya?" she asked.

What?

Tumawa si Brandon at umiling. Nilingon niya ako.

"No. She's a friend of mine. She's Cassandra. Cassandra, this is my little sister, Morrisa."

"Hi," I smiled at the girl.

"Hello! Nice to meet you!" she smiled sweetly at me.

"Nice to meet you too."

She's nice. Nakakatuwa. Hindi ko matandaang mahilig ako sa bata pero she's cute. I like her.

"I thought she's your girlfriend. Palagi kasing sinasabi ni Kuya Theron na may girlfriend ka na daw."

"Don't believe in my friends. Sa akin ka lang maniniwala."

Ngumuso si Morrisa. Ngumiti ako. Nilingon ako ni Brandon kaya napatingin rin ako sa kanya. Bahagya siyang ngumiti.

"Sorry," he said.

"It's okay."

"You got your uniform?" tanong niya bigla at tumingin sa plastik na dala ko.

Napatingin ako sa uniform ko. "Uh, yeah. Kanina lang. Isusuot ko na bukas."

Tumango siya.

"Mauna na ako sainyo. Kailangan ko nang umuwi," ngumiti ulit ako kay Morrisa. She smiled too.

"Bye, ate! I hope to see you again!" she waved her hand.

"Bye," sabi ko at tumingin kay Brandon bilang pagpapaalam.

He nodded seriously and let me go. I left there and went out of school. I took a deep breath. I don't know why I suddenly became nervous!

Umuwi ako sa tinutuluyan ko ngunit natigil nang isang itim na van ang naabutan sa may gate. Kunot noo kong tinahak ang daan papunta sa bakuran namin. Nakita ko agad si Aling Mia at Aling Evelyn na nasa labas at sinusulyapan ang bahay ko. Napatingin sila sa akin nang natanaw ako.

"Cassandra!" pagtawag ni Aling Evelyn at lumapit silang dalawa sa akin.

"May bisita po kayo?" tanong ko.

"Ikaw ang may bisita. Naku! Mukhang mayaman, hija! Nandoon sa loob ng bahay mo," si Aling Mia.

"Po?" taka kong tanong at napatingin sa bahay kong bukas na ngayon.

Nilingon ko ang dalawa sa harapan ko.

"Sino po ang nagbukas ng pinto ko?"

"Si Camila," si Aling Evelyn, tinutukoy ang may ari ng buong bakuran na ito.

What? Bakit naman hahayaan niyang may pumasok sa bahay ko nang ganon ganon lang? Porket mayaman, hahayaan niya nalang? I can't believe this!

"Pumasok ka na, hija. Baka kamag anak mo yan!" tudyo ni Aling Mia.

I sighed and nodded. Umalis ako sa harap nila at nagtungo sa bahay ko. May dalawang bodyguards sa may pintuan ko na para bang napaka yaman talaga ng bisita ko. Huminga ako ng malalim.

Sino kaya to?

Malamig kong tinignan ang kung sino mang bisita ang meron ako. I'm not really friendly. Hindi ko rin wine-welcome ang mga taong bisita ni Mama noon sa amin kapag may pumupunta. I know that's wrong but I think that's how I really behave. I can't change it.

A beautiful woman, obviously rich and presentable was sitting on my small sofa. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo niya na para bang hindi niya kayang tuluyang sumandal dahil siguro tingin niya, marumi ang sofa.

Nilingon niya ako nang nakitang may pumasok. Ang mataray, suplada at halatang hindi mabait na mga mata niya ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas siya ng isang kilay at tumayo. That arrogant aura of hers reminded me of the fake Elizabeth. I crossed my arms and seemed to know who she is.

"Ang laki laki mo na..." she said.

Hindi ako sumagot. I just looked at her coldly to tell her that she isn't welcome in my house.

She smiled. "For sure hindi mo pa ako kilala. I'm Amelia Mendez. Ngayon kilala mo na ba ako?"

Amelia Mendez... I can't believe this. Paano niya ako natunton rito? Pero hindi ako natatakot. Kung sino man ang dapat na makaramdam ng takot rito siya iyon.

"Maupo ka," anya.

I stared at her coldly for a while. She's wearing a white floral dress. Elegante ang dating niya pero dahil kilala ko siya, parang ayokong sabihin na elegante siya.

Naglakad ako papunta sa kaharap na sofa. Umupo ako roon at nilingon siya. Binaba ko ang plastik na dala. Marahan rin siyang umupo sa harapan ko. Nasa gitna namin ang lamesita walang kahit na anong pagkain. I have no intention of offering her food. I'm also sure she'll refuse.

"So... siguradong alam mo na kung sino ako--"

"Anong ginagawa mo rito?" putol ko sa kanya.

Bahagyang umawang ang kanyang bibig sa pagkagulat sa pagputol ko sa kanya. Malamig ko lang siyang tinignan. Bahagya siyang natawa.

"Manang mana ka sa lolo mo, palaban at matapang..." anya.

Nagtiim bagang ako.

"Alam mo na siguro kung bakit ako naparito. I found out from my daughter that you came here and you already know the truth."

Hindi ako nagsalita. Mabuti at sinabi sayo ng anak mo yan.

"Maybe now you already know what kind of people the Agravantes are. You can't just touch them. Kaya kung ako sayo, lumayo ka nalang dahil walang maniniwala sayo kapag sinabi mo ang totoo."

Tinagilid ko ang aking ulo. "Paano ka nakakasiguro?"

She smirked. "Agravantes are too high for them to believe someone like you," may pang iinsulto sa pagkakasabi niya noon. "So don’t expect them to believe you the moment you say you’re an Agravante. They'll just think you're crazy."

Hindi ako nagsalita.

"Iisipin lang nila na isa ka lang babae na nanggaling sa mahirap na pamilya. Gustong maka ahon sa buhay kaya gumagawa ng kung ano anong kwento."

Ngumisi ako. "Why don't we try? In my face, who do you think they will believe?"

Natawa siya roon. "Oh, hija, walang kwenta ang mukha sa pagmamahal na meron sila sa anak ko. Napamahal na sila sa kanya kaya wala ka nang magagawa."

Nagtiim bagang ako roon.

"They won't believe you, remember that. Even if you look like one of them, no matter what else you say or what else you do, they will never believe you."

They will believe me. I'm sure of that.

"Ano bang kailangan mo? Pera? Kaya kitang bigyan niyan. Just leave and don't show up again," anya.

Natawa ako roon. "At kanino naman galing ang pera na yan? Sa pamilya ko?"

Hindi siya nakapag salita roon. Hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Anong sabi mo? Iisipin lang ng mga Agravante na isa akong babae na galing sa hirap at ngayon gumagawa ng istorya para umangat sa buhay?" natawa ulit ako. "Are you describing yourself? Hindi ba ikaw ang gumagawa ng kwento rito? Pinapaniwala mo ang mga Agravante na si Elizabeth ang tunay nilang pamilya dahil mahirap ka lang at gusto mong umangat sa buhay..."

Nagtiim bagang siya sa sinabi ko. Binagsak niya sa lamesita ko ang isang puting sobre, alam ko na agad kung ano ang laman non. Ngumisi ako.

"Malaking halaga na ito. Leave and stay away from the Agravantes," she said.

"Pasensya na. Pero hindi po ako nabibili," sabi ko at sumandal sa sofa.

"Dadagdagan ko. Umalis ka lang rito!"

"Are you that scared of losing that money? Why don't you just marry a rich man? O ng matandang mayaman para matustusan ang mga pangangailangan niyong dalawa ng impostor mong anak?"

"How dare you say that!" sigaw niya.

"Bakit? Hindi ba totoo? Impostor ang anak mo. At ako, ang totoo," tinuro ko pa ang sarili ko.

"Walang maniniwala sayo! Sisiguraduhin ko yan!"

"Then do it. Don't waste your time here because you're just wasting my time too. Pinalaki akong mabuti ng Mama ko pero hindi ako magalang sa mga matandang wala rin namang respeto."

"What?! Sinong matanda?!" ngayon nagpupuyos na siya sa galit.

"I don't have time for you. Get out of here and take your money with you."

"You--!"

"Subukan mo ulit magpakita sa akin, hinding hindi ako magdadalawang isip na magpakita agad sa mga Agravante."

Well, iyon rin naman ang plano ko. Hindi nga lang sa ngayon.

"Babalikan kitang babae ka! Sisiguraduhin kong aalis ka rito!" banta niya at tumayo.

"Bilisan mo sa pagpapa alis sa akin dahil baka nakabalik na ako sa mga Agravante at napatapon na ang anak mo pero nagpaplano ka pa rin para mapa alis ako."

"You witch! Babalikan kita!"

Galit na galit siyang tumalikod at umalis sa bahay ko. Pinagmasdan ko sila hanggang sa hindi ko na sila nakita. Unti unting napawi ang ngiti ko at napalitan ng galit ang mga mata.

Hindi ako natatakot sa kanila. Paalisin niya ako rito, kung kaya niya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 224 47
The goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with color...
1.8K 239 31
The second book of 'Don't Go'. When Lay left Venice, her heart was shattered into pieces. She keeps on questioning what made him decide to crash the...
718 243 33
Aldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Som...
2.9K 569 33
©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: January 3, 2022 Ended: May 27, 2022 "I never realized you were my home, until I noticed that I always ran t...