HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

370M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 79

4.1M 89.6K 193K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Hindi ko alam kung panong nawala bigla ang pagkalito sa isip ko nung makausap ko si Taguro, ang gusto ko lang naman ay masabi ko sa kanya ang laman ng isip ko at makapagsorry sa kanya. Pero ewan ko kung bakit parang naging masyado akong natural at nawala lahat ang plano kong sabihin na nasa isip ko.

'Tch! Sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili? Kabastusan ng bwisit na yun! Bugahan ba naman ako ng mabahong usok ng sigarilyo sa mismong mukha ko? Ano ako? Manok? Peste!'

Habang naglalakad ako palayo kay Taguro ay don na lang ulit bumalik sa reyalidad ang isip at nararamdaman ko. Puro tanong na naman ang isip ko at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin ko para malaman kung ano ba ang side ni Kim. Gusto kong makarinig ng isang magandang dahilan kung bakit niya ginawa yun kaya umabot sa ganito.

Kumatok muna ako sa room nila Kim bago pumasok, pero ako na rin ang nagbukas.

Hindi ko inaasahang ang bubungad sa akin ay ang wala pa ring humpay na tawanan ni Kim at Randall. Naglalaro sila sa laptop.

Nakaramdam ako ng inis! Oo! INIS at hindi selos. Inis ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung paano niya pa nakukuwang makipagtawanan ng ganyan samantalang pinag-alala niya ako ng sobra. Nang sobra sobra.

Ang inaasahan ko, unang kita niya pa lang sa akin ay io-open niya na kung anong nangyari sa amin ni Taguro at kung bakit kami nagyakap? Inaasahan ko ring magagalit siya sa akin. Inaasahang kong magagalit siya dahil nandito siya ngayon sa ospital. Pero kung titignan mo siya ngayon, daig niya pa ang may sakit kaya naconfine at tuwang tuwa dahil maraming bumisita sa kanya.

Napatingin ako kay Noona at mukhang siya ang nagseselos, palihim siyang sumusulyap kay Kim at Randall na hindi man lang nakaramdam na pumasok ako, pero nung mapansin niya ako.

"Oh? Bakit ang tagal mo?" malakas na tanong ni Noona.

'Nagpaparinig 'to. Akala ko ba isa lang ang pinagseselosan niya?'

"May kinausap lang." mahinahong sagot ko. Tinignan ko lang siya saka ako tumingin ulit kila Kim, hindi niya pa rin ako napapansin.

"Nagsnack ka na?" si Noona pa rin.

"H-Hindi pa. Wala akong gana kumain."

"Kumain ka na muna dito, may food kaming binili ni Kez." sabi niya at saka nagprepare ng food ko.

'Silang dalawa ni Kez ang bumili? Edi naiwan si Kim at si Randall? Hindi, bumalik naman sila Lee at Tob dito e. Malamang bago pa bumili sila Noona nakabalik na dito sila Lee.'

Tumingin ako ulit kay Kim pero naglalaro pa rin sila sa laptop.

"Haha! Nakakainis ka naman Kuya. Ang dami daming customers oh!" malakas na sabi ni Kim.

"Oo nga pero ang dapat mong unahin ay etong mga egoy, kasi maikli ang pasensya nila sa game na 'to. Mabilis silang umalis! Hindi mo makukuwa yung goal money mo sige." si Randall.

"Hala! Ganon ba yun?"

"Oo, kailangan mo silang unahin, kapag naubos na yung egoy. Saka mo ilagay sa table at pagsilbihan ang mga puting customers hehe."

"Hala! Ang bilis nga nilang kumain!" sigaw ni Kim na napahawak pa sa bibig niya.

"Hahahaha di ba? Sabi sa iyo e."

Lalo akong nakaramdam ng inis.

"Kim nandito na si Deib." medyo mataas ang tonong sabi ni Lee na ikinagulat naman namin ni Tob. Kitang kita ko rin kung paanong nagulat si Kim pero pilit niyang hindi ipahalata.

"A-Ahh---D-Deib." parang naiilang na tawag sa akin ni Kim. Napatitig ako sa kanya at hindi ko maexplain ang mararamdaman ko.

Saglit kong pinakiramdaman ang sarili ko.

"Deib?" tawag niya ulit sa akin pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Iwan na muna natin sila siguro." thank God nagsalita si Keziah. Niyaya niya silang lahat para maiwan kaming dalawa ni Kim.

Hindi ko inalis kay Kim ang paningin ko hanggang sa makalabas sila. Siya naman ay sumilip pa muna sa pinto bago ituon ang paningin niya sa akin, saka ngumiti ng halatang pilit.

"Siya nga pala. Thank you so much for saving me." pilit ang ngiting sabi niya.

"Mmm."

"You were outside when I woke up." dagdag niya pa. Halata sa tono ng pananalita niya at sa expression ng mukha niya na hindi niya rin alam kung ano bang dapat na sabihin niya.

"Hindi ko alam na ganon kayo kaclose ni Randall." hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para ganon kaprangka ko maitanong ang linyang yan. Kitang kita ko kung paanong ang pilit na ngiti niya ay napalitan ng panandaliang pagkabigla. Mabilis niyang iniiwas ang mukha niya sa akin at biglang.

"Haha!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa biglaang pagtawa niya. Hindi rin ako nagtanong para hindi naman halatang hindi ko rin alam ang sinasabi at sasabihin ko.

"Don't tell me nagseselos ka sa kanya?" nanunuksong tanong niya sa akin.

'Natural, sinong hindi magseselos sa ginawa niyo? Tch!'

"Hindi naman, wala naman akong karapatang magselos e." seryosong sabi ko na ikinagulat na naman niya.

Matagal bago makapagsalita si Kim, halata sa kilos at reaksyon niya na hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa akin. Sa ngayon ay hindi ko rin alam kung tama ba ang sinasabi ko, siguro nga ay nagseselos rin ako sa ikinikilos nila ni Randall kahit na alam kong hindi rin tamang magselos ako dahil kilala ko si Kim at kilala ko rin si Randall. Kung gaano katagal ko ng nililigawan si Kim ay ganoon na rin katagal ang relationship ni Randall at Noona.

Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi ko nga masabi kung ano ba 'to. Kung ano bang tawag dito sa nararamdaman ko. I can't put into words what I really feel.

But on the other side, naisip ko hindi rin tamang ako pa yung magalit samantalang kaya siya umabot sa ganyan ay dahil ako ang unang pinagselosan niya. Baka isipin niya ay iniiba ko lang ang usapan para mawala sa akin ang mali.

'Hays!'

KIM'S POV

Deib's in front of me right now. And I feel like I'm being interrogated.

He's very serious and he's making me nervous, seriously!

'Sana wag siyang magselos.'

"How are you feeling?" he asked.

"Mmm. I'm okay now, thanks to you." I said sincerely.

"Nag-alala ako, sobra." parang malungkot pa ring sabi niya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina."

"I'm sorry for making you worry and nervous Deib. But I'm okay now, don't worry. I'm very very thankful, thank you, thank you so much. nakangiti pa ring sabi ko.

"Hindi mo naman kailangang magthank you. You're my responsibility." pilit ang ngiting sabi niya, bakas pa rin ang pagiging seryoso niya.

"Deib, don't say that." pinilit ko ring ngumiti. "W-Wala kang responsibilidad sa akin." mahinang sabi ko and I didn't expect him to smirk.

"Of course I do. It is my responsibility to look after you and to care for you after nung nangyari. Hindi naman pwedeng tititigan na lang kita habang walang malay na nakaupo don kanina, di ba?" he said, making himself not to sound sarcastic.

"I d-didn't mean it like that."

"I know, I'm just saying that you don't have to thank me dahil gagawin at gagawin ko yun, manliligaw mo man ako o hindi."

"D-Deib."

I was speechless. I don't know what to say and how to react! He's making me feel nervous.

"Why did you do that?" he asked, very very seriously.

"Did what?" I acted innocent.

"What happened earlier, why did you do that?"

I really don't know what to say. Nauubusan ako ng words at feeling ko ay galit siya sa akin kaya naman natatakot ako sa pagiging seryoso niya ngayon. He's looking straight into my eyes. But I cannot see nor feel any emotions. Feeling ko, once na sumagot ako ay may kasunod agad siyang tanong at kapag nasagot ko ay may kasunod na naman hanggang sa maubos ang sasabihin ko sa kanya.

'Oh my God, why is he acting like this? He's making me damn nervous!'

I sighed.

"About you hugging her? Or about her, hugging you?" I asked.

"Both? Who told you that?"

"Choco." mabilis na sagot ko. "Pinuntahan niya ako para don. I wasn't looking for her actually. I was looking for you, luckily, you were together. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or anything, but I got mad when I saw you together sa Canteen."

"That's why you slapped her?"

Nagulat ako sa super deretsong tanong niya.

"T-Teka nga, e bakit nga ba magkasama kayo?" inis na tanog ko.

"I was not there for her." sagot niya pa rin.

"For whom then?" takang tanong ko.

"Kim, para san ba ang Canteen? Canteen is for everyone, lahat ng student pumupunta doon."

"So what do you mean?" inis na tanong ko. Parang napakapilosopo niyang sumagot sa akin at sa hitsura niya ay hindi ko alam kung nang-iinis lang talaga siya o galit siya.

"That you don't have to ask me agad kung para kanino ako nandon sa Canteen, because I was not there for anybody. I was there for me, maybe because I was hungry? And I need to feed myself?" he said sarcastically.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Why are you so serious?" inis na tanong ko. "Why do you have to be serious and sarcastic at the same time? You act as if you're interrogating me. Do I look like a suspect? God!" he did not answer me, kaya lalo akong nainis. "Look, if you want to say something just say it straight. Don't stare at me like that!"

"Why are you so angry?" pilit ang ngiting tanong niya.

"Because you're making me feel like I'm some sort of a suspect here. I did that because what I heard is improper! I am not expecting to hear something like that from somebody else. And bakit nga ba yinakap ka niya? At bakit nagpayakap ka naman?"

"Why are you yelling at me?" halatang inis na ring tanong niya.

"Kasi nakakainis ka! Nakakainis ang reactions and facial expressions na binibigay mo! Deib, ako ang dapat magalit sa iyo. I was talking to you nicely but you were giving me those i-don't-know-what-to-call-it expressions and reactions! How am I suppose to react on that? Hindi ko alam! Ang seryoseryoso mo. Hindi ko alam kung bakit ka ganyan. Mas gusto ko pa yung magalit ka sa akin kesa yung ganyang napakaseryoso mo masyado. Nangangapa ako sa iyo!"

"I'm sorry." biglang sabi niya. "Naguguluhan ako masyado sa nangyari--"

"Kaya ginaganyan mo ako? Deib hindi ako ang may kasalanan dito. Kung meron ka mang dapat kagalitan ay si Taguro yun, hindi ako! Akala ko ba worried ka sa skin?"

"Mukhang okay na okay ka na kasi e." mahinahong sabi niya.

Nagulat ako ng sobra sa expression ng mukha niya, parang malungkot na hindi mo maintindihan. Mula pa kanina ay hindi na niya inilis sa akin ang paningin kaya naman bawat pagpapalit ng emotions niya ay nakikita ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil pakiradam ko, sa tono ng pananalita at pagtatanong niya ay hinuhuli niya lang ako.

"Dahil okay naman na talaga ako." sagot ko. Hindi ako nagpahalatang may napapansin ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinila ang single sofa hanggang sa tabi ko.

"Ang inaasahan ko kasi, pagmulat mo ng mata mo ako ang hahanapin mo at pagagalitan mo agad ako. Itatanong mo sa akin yung tungkol don, pero hindi. Pagkakita ko sa iyo, wala ng tigil ang tawa mo at parang limot mo na yung nangyari kanina. Samantalang naconfine ka pa dito." inalis niya ang paningin niya sa akin at saka siya tumungo habang nakatingin sa dalawang kamay niya. "At ang inaasahan ko ay itatanong mo kung ano nang nangyari pagkatapos mong himatayin. Kaso parang limot mo na agad lahat e." mahabang sabi niya.

Nagulat ako.

Nagulat ako dahil ako mismo ay hindi ko napansing ganon ang iniasal ko.

"I'm sorry, masyado yata akong nag-expect kung ano nga ba tayo." dagdag niya pa.

Hindi pa rin ako nagsalita at nag-isip ako ng maisasagot ko sa kanya.

'Kailangang unahan ko ang galit niya!'

"E bakit nga ba kasi kayo nagyakap? Hindi naman sana aabot sa ganito kung hindi niyo ginawa yun!" kunyaring inis na tanong ko. Umayos naman siya ng upo.

"Kahapon, muntik na akong mabugbog na naman diyan sa tapat, takot na takot ako, pakiramdam ko yun na yung huling buhay ko." nangingiting kwento niya habang nakatingin sa kamay ko. "Hinarang ako ng mga gangster, mga may dalang baseball bat at ang sabi nila ay binayaran daw sila ni Choco para bugbugin ako."

"What?" gulat na tanong ko.

"Yeah, hindi rin ako makapaniwalang magagawa niya sa akin yun."

"Tapos?"

"Tapos?" tanong ko ulit dahil parang natigilan siya.

"U-Uhm, dumating una si Naih para sitahin sila dahil hinarang nila ako. Uwian na kasi nun kaya maya maya lang ay sumunod si Taguro. Kinausap nilang dalawa yung mga gangster at umalis naman sila. Natakot sila don sa Taguro brothers. Sa sobrang takot ko, hindi ko alam kung anu-anong pinagsasasabi ko. Niyakap niya ako para daw manahimik ako, nandon si Choco kaya nakita niya yun."

"Nagpayakap ka naman?" inis na tanong ko.

"Dahil nakaramdam ako ng comfort."

Nagulat ako ng sabihin niya yun.

"And why is that?" gulat na tanong ko.

"Dahil nga sobrang natakot ako, kahit na sinong lalaki, malaki man o maliit matatakot sa kanila. Marami sila Kim, bukod doon ay may mga baseball bat sila at hindi ko talaga sila kaya.. Kilala mo ako, alaskador ako pero hindi ako basag-ulo. Hindi ko pa naranasang makipagbugbugan sa mga ganong klase ng tao. Kaya nga pakiramdam ko kahapon ay katapusan ko na, kaya thankful ako na dumating rin silang dalawa at nag-aksaya ng ilang minuto para tulungan ako."

"Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka niya kailangang yakapin. Deib magkaaway kayo!"

"Dati Kim, magkaaway kami dati."

"So friends na kayo ngayon ganon?"

"Hindi kami friends, pero hindi na rin kami enemies. Normal lang, kilala ko siya kapag may kailangan ako sa kanya. Kapag wala, para lang siyang m-malakas na hangin na dumadaan."

"Kahit na ganon ang ginawa niya sa akin?" inis na tanong ko.

Naiinis talaga ako. Alam niya namang kaya ako nandito ay dahil kay Taguro! hindi ba dapat ay mas magalit siya sa kanya dahil nga nandito ako dahil sa kagagawan niya. Tapos ngayon sasabihin niyang ganyan?

'Hindi nga sila friends, pero yung hindi rin sila enemies? Duh? Balewala lang sa kanya yung ginawa sa akin nung basurang yun? Ganon?'

"Okay ka naman na e."

"Oo nga pero baka nakakalimutan mong nandito ako dahil sa kanya. Dahil tinulak niya ako at nawalan ako ng malay!"

"Oo nga pero, iba naman yung sa inyo at iba yung sa amin."

"What? May pinagkaiba pa? Hindi yun e, ang sa wkin lang, ano? Balewala na lang sa iyo yung ginawa niya sa akin?"

"Hindi naman sa ganon Kim."

"Kung hindi ay bakit hindi ka nagagalit sa kanya? You're supposed to get mad at her! Dahil sa ginawa niya sa akin!" inis na sigaw ko.

"I don't get it Kim."

"Look, you and I we're like one. Hindi ko sinasabing awayin mo ang lahat ng kaaway ko pero si Taguro, kaaway mo siya noon at hindi mo siya friend hanggang ngayon. Deib ako 'to, si Kim! Si Kim ng buhay mo, tinulak ako ni Max at nawalan ako ng malay. Kaya ngayon, nakaconfine ako dito sa Hospital. Hindi ba dapat magalit ka? Dapat magalit ka dahil ginawa niya sa akin 'to? Imbes na nasa bahay na ako ngayon at nagpapahinga ay hindi! Nandito ako ngayon dahil sa kagagawan niya!"

~KNOCK! KNOCK!~

Sabay kaming napalingon ng biglang pumasok yung lima. Pareho kaming natigilan ni Deib.

"Deib kumain ka na muna." si Ate Dein na iniabot na kay Deib ang food niya. "Siguro naman nakapag-usap na kayo?" nakangiting tanong niya at saka umupo sa mahabang sofa at sumandal kay Randall. "Hon you wanna eat something?"

"Kung sasabayan mo ko sige." sagot naman ni Randall.

Inis akong napatingin ulit kay Deib at laking gulat kong makita siyang nakatingin sa akin.

"Kinausap kami ni Dean kanina." biglang sabi ni Deib. "Kasama si Taguro don."

"So?" inis na tanong ko.

"Sinabi ni Taguro kung bakit niya ginawa sa iyo yan."

dO_Ob

Para akong binuhusan ng iced water. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Now this is bullshit! I'm BUSTED!

'Kaya ba ganon na lang siya magtanong sa akin? Kaya ba ganon na lang siya magreact? Dahil alam niya na?'

"Bakit daw niya ginawa sa kapatid ko yan?" biglang singit ni Ate sa usapan naming. Hindi siya nilingon ni Deib dahil hindi inaalis ni Deib ang mata nya sa pagkakatitig sa mata ko.

Pakiramdam ko ay binabasa niya ang reaction ko at hinuhuli niya ang magiging reactions ko.

'Damn it! Please don't say it here!'

Tinignan ko si Deib dahil umaasa akong makukuha ko siya sa tingin na tigilan niya na.

Honestly, kahit ako ay nabigla sa sarili ko kanina. I felt so much anger towards her. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung galit ko sa kanya samantalang wala naman siyang ginagawa sa akin para magalit ako ng sobra. Oo nainis ako nung malaman kong nagyakap sila ni Deib pero ako mismo sa sarili ko ay hindi ako siguradong nagseselos nga ako kaya bigla na lang rin akong nagalit at nasampal ko siya.

Siguro ay dahil na rin sa mga ginawa niya kay Deib nung mga nakaraan kaya naman ganon na lang ang inis ko sa kanya.

"Ano nga bang ginawa mo para itulak ka niya ng ganon?" seryosong seryosong tanong ni Deib.

Pati si Ate at sila Ate Dein ay nakatingin na sa akin. Ang mga boys ay nakatingin sa akin na parang nagtatanong at nangangailangan na agad ng sagot.

"What do you mean Deib?" inis na tanong ko.

"Sabi ni Taguro, may ginawa si Kim sa kanya para gawin niya yan." si Deib na inginuso pa ang hospital bed ko.

"Kim?" salubong ang kilay na baling sakin ni Ate Kez.

Napatingin ako kay Lee at Tob na humihingi ng tulong dahil alam kong nakita nila ang nangyari at umaasa akong tutulungan nila akong mapagtakpan ang ginawa ko.

Pero pareho silang tumungo.

'Damn it!'

"Kim? What happened? Bakit nga ba daw niya ginawa sa iyo yan?" halatang inis na sigaw ni Ate Kez sa skin.

Wala na akong choice kung hindi ang umamin.

"Dahil sasaksakin ko siya dapat." mahinang sabi ko.

"WHAT?" Ate Kez, Ate Dein and Randall. Sila Deib, Lee at Tob ay parepareho ng nakatungo.

"Are you out of your mind?" inis na tanong ni Ate Kez. No, she's MAD.

"Look, hindi ko sinasadya yun okay? Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa yun!" inis ring sagot ko sa kanya.

"Kim! Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit mo ginawa yun?" sigaw ni Ate Dein.

Nakaramdam ako ng inis pero alam kong mali rin ako kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Feeling ko lahat sila ay ang sama sama ng tingin sa akin dahil sa ginawa ko

"Sinugod ni Max si Melissa, dahil si Melissa, pinalo ng baseball bat si Naih, kaibigan ni Max." singit ni Lee.

Mas nagulat kami dahil sa sinabi niyang yun.

"What?" sigaw naming lahat maliban sa kanilang tatlong magkakaibigan.

"Ang gulo!" sigaw ni Ate Keziah.

"Listen, it all started with Melissa." si Lee.

"Sinong Melissa?" si Ate Dein.

"Si Melissa, si Ysay. Si Melissa Baylon." sagot naman ni Lee! Kahit ako ay hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. "Ang sabi ni Max at nung friends niya ay pinalo ni Ysay si Naih ng baseball bat, si Naih ay kaibigan ni Max. Si Max ang target niya pero si Naih ang malas na tinamaan. Sa sobrang galit ni Max, sinugod niya si Melissa at sa Canteen namin sila naabutan. Ako, si Deib at si Tob, lunch break kasi nung time na yun, pagpasok namin sa Canteen nagkakagulo na sila Max at Ysay at maraming students ang nanonood lang sa away nila kanina. Sa kalagitnaan ng pag-aaway nila ay dumating si Kim at sinampal naman si Max."

"Oh my God. What the hell is wrong with you people! And why did you do that?" galit na tanong sa akin ni Ate Kez.

"Dahil nalaman ko kay Choco na nagyakap kahapon si Deib at Max." napapahiyang sagot ko.

"What? At bakit mo naman ginawa yun?" sabat ni Ate Dein na kay Deib nakatingin.

"Tch! Hindi yun tulad ng iniisip mo okay?" inis na sagot ni Deib kay Ate Dein. "May humarang sa akin kahapon dyan sa tapat. Mga gangster! Ang dami nila at mag-isa lang ako. Tinulungan ako nila Naih at Max para hindi ako galawin nung mga gangster! Hindi ko makalma ang sarili ko kaya niyakap niya ako para kumalma ako!" sigaw ni Deib.

"At kumalma ka naman?" inis na sigaw ni Ate Dein.

"Nainis ako!" sigaw ni Deib. "Nainis ako dahil sa dinami rami ng pwede niyang gawin ay yun pa!"

"Hahahaha astig!" sabat naman ni Randall! Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Anong astig don?" inis na tanong ko sa kanya.

"Bibihira kasi ang babaeng gumagawa nun, anong guts ang meron siya para yakapin niya ang isang lalaki para lang huminahon? Cool." sagot naman ni Randall.

"It's not what you think bro, please don't get me wrong. Hindi ganon yun." inis namang sabi ni Deib.

"Okay so what happened next?" inis na tanong ni Ate Kez. "Lee?"

"Nagkasagutan si Kim at si Max, pero saglit lang dahil kung anu-ano ng ginawa niyang kapatid mo. Hahampasin niya muna dapat si Max ng wine glass pero nasangga siya. Dinurog pa nga ni Max yung wine glass with her own hand, pagtalikod ni Max don dapat sasaksakin ni Kim si Max pero nakita pa rin siya. Naitulak siya ng malakas na malakas." halatang inis na kwento ni Lee. "Kaya ayan siya ngayon. "

"Oh my God!" sigaw ni Ate Keziah. "Anong pumasok sa kukote mo at nakaisip ka ng ganong bagay? Hindi mo boyfriend si Deib for Christ's sake Kimeniah!"

"Don't over react Ate! As I've said I didn't mean to do that! It's just that, I was so angry! Hindi ko alam kung ano na ang naiisip at actions ko!" inis ring sagot ko.

"Pero hindi pa rin enough ang reasons mo para gumawa ng ganong actions! Are you even normal?"

"Huh? Of course I am normal! Pwede ba? Wag kang O.A! I'm not a criminal okay? Initial reactions lang yun!"

"Ang pumatay ng tao?" inis na tanong sa akin ni Ate Kez na parang sumugod pa sa akin kaya medyo napailag ako. Alam kong galit siya, galit na galit.

"Hindi siya namatay okay? Kaya nga ako ang nandito ngayon e! Dahil hindi siya namatay! And besides, I'm not a killer! Wala sa isip ko ang pumatay ng tao! Dahil kung kaya kong pumatay ng tao matagal na sana siyang patay noon pa! Kadidikit niya kay Deib!"

"Hindi kami nagdidikit Kim!"

Nabigla kaming lahat ng biglang isigaw ni Deib sa akin ang huling linyang yun. Hindi agad ako nakapagreact.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa kanya! Ako lang ang kaaway niya at kami lang ang magkaaway!" sigaw ulit sa akin ni Deib. "Kung ano man ang away namin labas ka don at hindi ka dapat pumapasok sa gulo namin!"

"E bakit nagagalit ka?" inis na sigaw ko sa kanya.

"Dahil ayaw kong madamay ka! Pero anong ginagawa mo? Kusa mong dinadamay ang sarili mo!"

"Hindi ko dinadamay ang sarili ko! Kasalanan niya lahat 'to!"

"Wala siyang kasalanan sa iyo! Ikaw ang may kasalanan dahil hindi ka muna nagtanong sa akin bago ka kumilos ng ganon!"

"Tatanungin na nga kita di ba? Kaya nga hinanap kita dahil tatanungin kita! Pero hindi ko inaasahang pati sa pagpunta ko sa iyo ay kayo pa rin ang magkasama! How do you expect me react on that? Nung makita ko kayo, hawak hawak mo pa siya sa braso! Anong inaasahan mong mararamdaman ko? Matuwa pa? Anong malay kong kasalukuyan pala silang nag-aaway ni Ysay pagdating ko! God!"

"Dahil inaawat ko sila!"

"Bakit kailangan mong umawat don? E hindi ba't gulo nilang dalawa yun? Labas ka don!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya.

"Yun ang akala mo! Hindi ko labas don dahil ginawa ni Ysay yun kay Taguro dahil may gusto siya sa akin at nagseselos siya sa kanya!"

"What?"

"Yes! Kaya kung may makakaawat man sa kanilang dalawa ay ako yun! Pero dumating ka! At isinali mo ang sarili mo! At anong nangyari? Nadamay ka pa! Nagkaganyan ka!"

"E bakit parang mas nagagalit ka pa sa akin? Sa akin? Bakit sa akin?" gigil na gigil na sigaw ko.

"Dahil hindi ko alam kung paanong ang yakap na yun ay muntik ka nang gawing kriminal!"

Hindi ako nakapagsalita. Masyado akong nagulat sa iniaasta niya at lalong lalo na sa ginagawa nyang pagsigaw sa akin.

"Enough!" sigaw ni Ate Dein. "Hindi pa kayo mag-on ay ganyan na kayong dalawa? Paano na ang kapag naging mag-on na kayo? Baka puro kayo bangayan? Hindi karapat-dapat ang babaeng yan para pag-awayan niyo ng ganyan!" sigaw niya pa, napatungo naman kami pareho ni Deib. "Kim." baling niya sa akin at napapahiya naman akong sumulyap sa kanya. "Kahit ano pang sabihin mong dahilan, maling mali yung actions mo at hindi tamang makaisip ka ng ganon sa kapwa mo!" halatang inis na sabi niya sa akin. Hindi ako nakasagot at napatungo na lang ako. "At ikaw naman Deib. Dala yan ng pagiging bully mo kaya yan ang napapala mo! Sinabi ko na sa iyong tigilan mo na pero hindi ka nakinig! Tignan mo kung saan umabot ang mga kalokohan mo? Pati ang taong mahal mo ay nadadamay dyan sa kalokohan mo! Napakabully mo kasi! Nakahanap ka tuloy ng katapat mo! Paano kung may nangyari sa iyo don? Ha? Baka nakaburol ka na ngayon!" hindi rin nakasagot si Deib sa kanya at sumalubong na lang ang kilay. "My God! Hindi na kayo mga bata para magsiasta kayo ng ganyan! Magco-College na kayo at sa College ay iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha niyo! Kung ganyan kayo ka-immature ay kawawa kayo!"

Saglit na katahimikan.

"Ayoko ng sumigaw dahil parepareho lang tayong hindi magkakaintindihan ngayon dahil pareho niyong pinapairal ang init ng ulo niyo! Bukas ay pag-usapan niyo ulit yan ng mahinahon! And please! Please! Wag niyong isiping parati kayong tama! Hindi sa lahat ng oras ay pareho kayong tama! Nagkakamali rin kayo kaya kung pwede? Matuto kayong magpakumbaba sa isa't isa! Please lang!" dagdag pa ni Ate Dein.

"I can't belive this is happening! Nung high school ako sa BIS ay uso na ang bullying pero wala pang umabot sa ganito! Ano na lang ang masasabi nila Mom and Dad kapag nalaman 'to? Lalo na ni Lolo----"

Pinigilan kong magsalita si Ate Kez.

"No Ate! Don't you dare tell them! Alam mong mapapahamak ako sa kanila! Magagalit sila sa akin!"

"Kahit hindi ko sasabihin ay malalaman nila yun Kim! Alam ni Dean Enrile ang nangyari sa inyo! At ang issue na 'to ay hindi basta basta! Ngayon lang nangyari sa BIS 'to at imposibleng hindi makarating sa board of directors!"

"For sure makakarating sa lahat yan, pati na kay Chairman." nag-aalalang sabi ni Ate Dein. "My God, this is unbelievable! I'm speechless!"

Wala nang nagsalita pa sa amin, halos lahat kami ay naiwang parang may iniisip. Hindi ko rin maimagine kung paanong nangyayari 'to ngayon, and how I wish na nananaginip lang ako. Masyadong malaking gulo 'to kapag nagkataon and I'm involved.

DEIB'S POV

Lumipas ang oras.

Naunang umuwi si Tob dahil hindi daw maganda ang tiyan niya, sumunod naman ay si Randall dahil may pasok pa daw siya bukas.

Naiwan kami ni Noona, Kez at Lee, at syempre si Kim.

Time check: 9:00pm.

Lumabas saglit si Noona at si Kez at naiwan kaming tatlo dito sa room, pero maski isa walang kumikibo, lahat kami ay nakatingin lang sa TV at nanonood ng cartoons.

Masyado kaming nagkainitan ni Kim kanina at hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I am damn confused. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ang isang Kimeniah na pinakamamahal ko ay magagawa yun. Hindi reasonable unless, self-defense rin yun, pero hindi e. Kaya hindi ko rin matanggap ang reason niya.

'Dahil lang nagyakap kami? Tch! Paano na lang lang kapag kami na, at kung may napayakap sa akin ng hindi sinasadya? Sasaksakin niya?'

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang pumasok si Kez at Noona.

"Here, drink your last meds then uuwi na tayo." sabi ni Kez kay Kim na sumunod naman. Si Noona naman ay inayos na rin ang ibang gamit ni Kim. Nanatili naman kami ni Lee na nakatingin sa TV. "My God. I can't belive na nagawa ni Melissa yun sa friend ni Max. Anong name nun ulit?"

Sabay kami ni Lee na napatingin sa kanya.

"Why? What happened?" parang balewala namang tanong ni Kim sa kanya na inaayos ang buhok niya.

"Kalalabas nya lang ng O.R.. Inoperahan pala e?" sabi ni Kez na sa amin ni Lee nakatingin. "Alam niyo?" tinanguan naman namin siya.

"Inoperahan siya? Saan?" gulat na tanong ni Kim.

"Sa ulo, di ba bes?" baling ni Kez kay Noona.

"Oo." si Noona.

"My God, paano nagawa ni Ysay yun? Anong name non ulit?" si Kez.

"Zarnaih Marchessa." sagot ni Lee "Ewan rin naming, nakakagulat no? Nalaman pa nga naming may Bipolar Disorder siya e."

"What?" si Kez at Noona.

"Yes."

"E mukhang inosente yun ah?" nagugulat na namang tanong ni Kim.

"Parang ikaw, mukha kang inosente pero muntik ka ng makasaksak kanina." sarkastikong sabi ni Kez.

"Sinabi ng hindi ko sinasadya e!"

"Op! Op! Op! Tigilan niyo na ah? Nagsisimula na naman kayo e!" awat ni Noona sa magkapatid.

Hindi na ako tumingin pa sa kanila. Naisip ko si Naih.

'Kumusta na kaya siya? Hope she's fine.'

Lumipas na naman ang oras at pauwi na kami. Gusto ko mang sumilip kay Naih pero hindi pwede ngayon, baka may masabi sila sa akin. Si Lee na ang maghahatid kay Kim at Kez, kaya naman hindi na kami pinasabay sa kanila. Pero nagpumilit akong ihahatid sila pauwi.

"Hatid na namin kayo." sabi ko.

"Hindi na dre ano ka ba? May practice ka na bukas, umuwi ka na magpahinga ka na rin." si Lee.

"Oo nga Deib, okay na ako. You don't have to worry." nakangiting sabi ni Kim. "Salamat ng marami sa inyo."

"Naku ah? Wag na umarte, susundan lang naman namin kayo ng sasakyan." si Noona.

"Naku bes hindi na, late na rin naman oh." si Kez.

"Sige na---"

"Wag na Noona." pigil ko sa kanya. Nakaramdam ako ng inis sa totoo lang. Alam ko kasi ang ugali ni Kim, kung gusto niyang magpahatid sa akin ay hindi ko na kailangang sabihin dahil alam kusa syang magsasabi. Pero ngayon ay halos lahat sila ay tumanggi na kaya wala ng dahilan para magpumilit pa kami. "Kaya na nila yan." seryosong sabi ko. Nakahalata naman si Noona.

"O-Oh sige, basta tawagan mo pa rin ako bes kapag nakauwi na kayo ah?" baling ni Noona kay Kez.

"I will." nakangiting sagot ni Kez. "Oh siya paano? Mauuna na kami ha? Maaga pa rin kasi ang duty natin bukas. Salamat salamat. Super salamat." nakangiting sabi ni Kez.

"Sige sige. Basta kayo, walang problema. Ingat pauwi."

"Kayo rin."

"Sige."

Sumakay na ng kotse si Kez at Lee, naiwan naman si Kim.

"Thanks Ate Dein."

"You're welcome Kim." nakangiting sabi ni Noona at saka pumasok sa kotse. "Magpagaling ka agad ha? Kukumustahin kita sa Ate mo. Ingat kayo pauwi."

"Sige po." nakangiting sabi niya at nung isara na ni Noona ang pinto ng kotse ay saka sya bumaling sa akin. "I don't know what to say pero thank you. Thank you sobra sa pagdala sa akin dito. Sa pag-aalala, sa concern, sa care, basta thank you!" nakangiting sabi niya. "And I'm sorry. I'm sorry dahil sa nasigawan kita kanina at dahil ang kitid ng utak ko. I'm very sorry."

Nakangiti siya pero hindi ko maramdaman ang sinseridad niya. Malumanay ang pananalita nya pero hindi ko maramdaman ang sinseridad niya. Tinitignan niya ako sa mata pero hindi ko maramdaman ang sinseridad niya.

Hindi ko maintindihan kung siya pa ba ang may problema o ako na.

"It's okay, basta magpagaling ka lang. Wala na sa akin yun."

"Yan ang gusto ko sa iyo e. Basta super thanks Deib! You really are my hero."

"Mmmm." pilit ang ngiting sabi ko.

"O siya paano? Mauna na kami."

"Yeah, ingat kayo pauwi. Text me kapag nakauwi na kayo." sabi ko.

"Sige sige, ingat rin kayo. Sorry talaga and super thank you."

"No problem." pilit pa rin ang ngiting sagot ko.

Hindi na sya sumagot at pumasok na siya sa kotse nila. Bumusina pa si Lee bago sila tuluyang makalayo. Saka ako pumasok sa loob ng kotse ko at in-start yun at nagmaneho.

Hindi pa kami nakakalampas sa BIS ay nagsalita na si Noona.

"Nagseselos ka ba kay Randall?"

Nabigla ako sa biglaan ring tanong niyang yun. Napatingin pa muna ako sa kanya bago ako sumagot.

"H-Hindi ah? Bakit naman ako magseselos sa kanya?"

"Dahil close sila ni Kim? Psh, alam kong napansin mo yun. Hindi ako tanga."

"Napansin ko pero hindi ako nagseselos okay? Baka ikaw ang nagseselos? Kung makatingin ka nga kay Randall at Kim kanina e." inis na sabi ko.

Bahagya siyang ngumisi.

"Para silang magkapatid sa paningin ko, hindi si Kim yung tipo ng taong pagseselosan ko dahil alam kong kapatid lang ang tingin ni Randall sa kanya, sabik siya sa kapatid na babae., dahil walang kapatid na babae si Randall."

Napatingin ako sa sinabing yun ni Noona.

'sabik siya sa kapatid na babae, dahil walang kapatid na babae si Randall.'

'Kung ganon, walang kapatid na babae si Randall? E ano ni Randall si Taguro? Tch! Nakakainis naman! Binigyan na naman niya ako ng panibagong iisipin!'

Nung mabanggit sa akin ni Lolo na nakikita niya ang Lolo ni Randall sa katauhan ni Taguro ay naisip ko talagang magkapatid sila. Pero kung sinasabi ni Noona ngayon na walang kapatid na babae si Randall kaya siya ganon kay Kim ay, ka-ano ano ni Randall si Taguro? Bakit sinabi ni Lolo na nakikita niya sa katauhan ni Taguro ang Lolo ni Randall? Na parang magkapareho sila?

Ang gulo lalo.

'Hindi kaya? Anak siya sa labas?"

Lalo akong nagulat sa naisip ko. Dahil yun na lang ang posibleng dahil kung paano silang naging magkapatid.

'Or pwede ring, itinakwil ng family ni Randall si Taguro dahil nag-asawa ng maaga! Ang alam ko ay sobrang strikto ng Mommy ni Randall! Baka hindi nya nagustuhan ang ginawa ni Taguro kaya pinalayas siya?'

"Ayaw ko ng makarinig ulit na magiging involve ka sa ganitong klaseng gulo Deib Lohr. Hindi kita isusumbong kila Mommy at Daddy sa ngayon pero hindi rin kita pagtatakpan kapag nakarating na sa kanila na posibleng mangyari." natauhan lang ako ng muling magsalita si Noona.

"Basta ang iwasan mo lang ay ang makarating kay Chairman, lagot ka don. Alam mo naman ang ugali ng Chairman! At alam mo rin kung anong treatment nun sa iyo, kaya mag-ingat ingat ka."

"Sige manakot ka pa!" inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi kita tinatakot okay? Winawarningan kita! Sinabi ko naman sa iyo, ang atupagin mo ay yung pag-aaral mo! Ayaw na ayaw ni Chairman ng mababang grades! Ano na lang ang masasabi niya kapag nalaman nyang mababa ang Bio mo at involved ka sa kung anu-anong incident sa loob ng BIS? Tingin mo matutuwa siya? Duh?"

"Oo na! So shut up okay?" inis na sabi ko.

"Look, sinasabi ko sa iyo 'to dahil concerned ako sa iyo. Wala akong pakialam kung mapagilatan ako e! Bilang Ate mo, obligasyon talaga kita, at sa ayaw at sa gusto mo ay mag-aalala ako sa iyo. Pero bilang Ate mo, ayokong nakikita kang pinapagilatan at binubulyawan ni Chairman okay? Ayokong may nasasabi siya sa iyo at mas ayaw kong minamaliit niya ang kakayahan mo. Kaya sana naiintindihan mo kung bakit ganito na lang ako saiyo. Kung hindi ako magiging mahigpit sa iyo Deib, pareho lang tayong mayayari e." sabi Noona at ramdam ko namang totoo ang sinasabi niya.

'Ang nakakainis lang, e bakit kasi kailangang ipaalala pa?'

'Lalo tuloy akong naprepressure e!'

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na lang ako sa pagdadrive at maya maya pa ay nasa village na kami.

Bago kami makapasok sa bahay ay nagsalita na naman siya.

"Basta kahit anong mangyari ay tigilan mo na, iiwas mo na ang sarili mo sa gulo at lalong lalo na kay Taguro. Hindi siya nakakatulong sa iyo kaya wala kang dahilan para dumikit sa kanya okay?"

"At sino naman may sabi sa iyong dumidikit ako dun?"

"Hindi magseselos si Kim kung walang kaselos selos sa inyo!" sigaw niya.

"Ha? E bakit yung kay Kim at kay Randall? Hindi ba kaselos selos yun!? Hindi ba't dapat ay pareho pa tayong magselos don?" inis na sabi ko. Hindi agad siya nakasagot. Pinagbuksan kami ng pinto ni Manang at sabay kaming pumasok.

"Dahil may tiwala ako kay Randall, at parang kapatid niya na lang si Kim kaya wala akong dapat ikaselos sa kanila."

"Whatever!" inis na sabi ko. "Mauna na akong umakyat. Inaantok na ako sobra, bukas na lang tayo ulit magkita. Good night! Good night Manang!"

"Ano ba ang nangyayari sa inyo? Aba e hindi pa kayo nakakapasok ay nagbubulyawan na kayo?" rinig ko pang sinabi ni Manang pero hindi ko na pinakinggan, nagtuloy tuloy na ako ng pag-akyat at pumasok na sa kwarto ko. Nagpahinga lang ako at saka naligo, nung matapos ay humiga na ulit ako.

Inisip ko ulit lahat ng nangyari kanina, at tama nga sila. Wala akong masabi ngayon kung hindi.

'Ang gulo gulo nang nangyayari at hindi ko naisip na posibleng mangyari ang ganito.'

Napabuntong-hininga pa ako habang nag-iisip, hanggang sa mapatingin ako sa study table ko at maalala ko ang kahibangan ko habang magrereview ng Bio na hindi ko man lang namalayan ang oras.

Naalala ko ang notebook ni Max.

'Nakalimutan kong isauli! Tch, paano ko nga namang maisasauli e kung anu-anong nangyari!'

Maya maya pa.

~BEEP! BEEP!~

~ ♥Kimeniah♥ ~
Hey Deib, just got home safe.
Thanks a lot talaga sobra sobra!
At kung may nasabi at nagawa man akong
hindi mo nagustohan, I'm sorry.
I'm really really sorry Deib..
Sana wag kang magalit sakin..
Hindi ako tulad ng iniisip mo..
Anyways, this is not the right time to talk
about it.. Sana magkaron tayo ng time
together para makapag-usap. Sleep tight! =)

Compose Message
~ ♥Kimeniah♥ ~
Good night. =)
Message Sent!

Ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

KINABUKASAN.

Pagkagising ko ay dumerecho na ako sa banyo at naligo.

Excited ako dahil ngayon na lang ulit ako makakapagpractice ng basketball. Mabilis akong kumilos at nung matapos ay bumaba agad.

"Good morning!" nakangiting bati ko kay Manang! Wala pa si Noona.

"Good morning rin iho, ang aga mo naman yata?"

"Ahh Manang, practice ng basketball. Tulog pa si Noona? Anong oras na ah?"

"Mmm, napuyat pa yata kakaakausap sa nobyo niya."

"Ahh ganon po ba?"

"Oo, siya sige kumain kana dyan at mamaya na ako."

Binilisan ko ng kumain at saka ako pumasok.

Parking Lot.

Napatingin ako sa ospital pagbaba ko. Parang may pumipigil sa akin na pumunta pero bukod talaga sa pagiging curious ko ay nag-aalala rin ako para kay Naih kahit papaano.

"Oo tama, wala namang masama kung pupuntahan ko siya." sabi ko sa sarili ko at saka naglakad papasok ng ospital. "Anong room ni Ms. Zarnaih Marchessa?" nakangiting tanong ko sa nurse na nasa station.

"Room 118 Sir."

"Okay thanks."

"Welcome Sir."

Naglakad ako sa hallway habang hinahanap ang room ni Naih.

"113, 114, nasan na ba yung 118. Ayun!" mahinang sabi ko at saka naglakad papunta sa harap ng room nila. Huminto muna ako sa harap ng pinto ay binasa ang nakasulat.

'Zarnaih Marchessa. Doctor del Valle, Doctor Guarin nd Doctor Chua.'

Kumatok na muna ng tatlong beses, pero walang nagbubukas kaya kumatok ako ulit.

"Pumasok ka, bukas yan."

Napalingon ako sa likod ko at nandon si Maxwell.

Hindi siya nakangiti at hindi rin siya seryoso, lalong hindi siya mukhang galit. Parang normal na hitsura lang.

"S-Sige." sabi ko at saka binuksan ang pinto, sumunod naman siya sa akin at binuksan ang ilaw. Kay Naih agad tumama ang paningin ko. Tulog siya, may benda ang ulo niya at nakaoxygen pa, kung anu-ano ang nakakabit sa kanya.

Nakaramdam ako ng awa.

Maliit ang kwarto nya hindi tulad ng kay Kim, pero kahit papaano ay may dining area rin sila at entertainment area. May Comfort Room rin at may veranda---!

Nagulat ako ng mapatingin ako sa single sofa at makita si TAGURO!

Natutulog siya.

'Akalain mong kaya niyang matulog ng nakaganyan?'

Nagulat talaga ako ng makita ko siya. Nakaupo siya sa single sofa at nakasandal, nakacrossed-arm, nakapandekwatrong babae at nakapikit. Straight body.

d>_<b

Hindi ko kaya ang ganon kaya siguro humanga na naman ako sa kanya. Naramdaman kong kumilos si Maxwell kaya naman ibinalik ko kay Naih ang paningin ko.

"Okay na ba siya?" dali daling tanong ko kay Maxwell.

"Mmm, she's better now. Hihintayin na lang na makarecover siya." sabi niya habang nakatingin rin kay Naih.

"Kailan daw siya magigising?"

"Yun ay hindi ko masasabi sa ngayon." seryosong sabi niya lumapit pa kay Naih at tinignan yung mga nakakabit sa kanya. Lalo akong nakaramdam ng pag-alala.

"Hindi pa ba dumadating yung parents niya? Dadaladalawa kayong nagbabantay dito." sabi ko.

"HIndi pa alam ng parents niya."

Napalingon ulit ako sa kanya.

"E kelan niyo naman balak sabihin?" tanong kong tumingin pa sa kanya.

"Kapag okay okay na siya, medyo may problema rin kasi. Wala lang ako sa posisyon para magsabi." pilit ang ngiting sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at nagtama ang paningin namin.

'Problema saan? Financially kaya? At bakit wala siya sa posisyon? Kailangan ba may posisyon pa yun para magsabi siya? Naaksidente ang anak nila at kailangang malaman yun ng magulang nila!'

Pero sabagay, ayaw ko ng mag-isip ng basta basta dahil baka may dahilan kaya nila ginagawa yan. Ayoko ng magpadalos dalos ng pananalita at baka sa huli ay ako na naman ang mali. Hindi naman na siya bata para hindi malaman kung anong mas makakabuti para kay Naih. And besides, alam kong hindi nila siya pababayaan.

'Lalo na 'to.' sabi ko sa isip ko at napatingin ulit kay Taguro. Natutulog pa rin siya.

"Kung financial problem, maybe I can help." seryosong baling ko kay Maxwell.

"Ahh hindi yun. Nabayaran ko na ang lahat ng hopsital bills niya, sa parents niya may problema. Wala lang talaga akong karapatang magkwento." pilit ang ngiting sabi niya.

"I see, it's okay. I understand." sabi ko sa kanya.

"Mmm okay lang bang iwanan kita saglit dito? May pupuntahan lang akong pasyente ko. Bata kasi e." biglang sabi ni Maxwell na nagsusuot na ng white gown.

'Maiiwan ako dito? E may practice pa ako!'

"Sige." sabi ko at pinanood siyang makalabas.

Ilang segundo mula nung makalabas na si Maxwell ay pinilit kong ituon ang paningin ko kay Naih pero parang hinihigop ang paningin ko papunta kay Taguro.

Kaharap ko siya ngayon at walang nagbago sa hitsura niya simula nung pumasok ako. Nakakainis!

'Paano siya nakakatulog ng ganyan? Hindi ba siya nangangalay?'

Tinitigan ko lang siya at pinanood ko ang paggalaw ng ilong niya, sensyales ng paghinga niya at don sa pagtitig kong yun sa kanya ay muli ko na namang naalala ang lahat ng nangyari. Simula umpisa, nung patirin ko siya hanggang ngayon.

Naguiguilty ako dahil pakiramdam ko talaga, kung hindi ko sinimulan ay hindi mangyayari ang lahat ng 'to.

'Pero paano ako makakapagsorry sa iyo? Kung hindi mo naman tinatanggap ang sorry ko sa paraang gusto ko. Gusto mo ikaw yata lagi ang masusunod! Tch!'

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya at doon ko lang napansing.

'Pumayat ka na pala mula nung umpisa?'

Hindi pa rin siya payat na payat. Chubby pa rin siya pero, kahit papano nabawasan na at hindi na tulad nung una. Maaaring lumiit rin siya tignan dahil sa uniform niya.

'Naguguluhan ako sa pagkatao niyo lalo ka na. Sino ka ba talaga? Bakit ka kinatatakutan ng mga gangster? Bakit bastos ka? Bakit kung umasta ka ay daig mo pa ang lalaki? At bakit, nakikita ni Lolo sa iyo ang Lolo ni Randall? May kinalaman ka ba sa kanya?'

Tanong ko pa rin sa sarili ko habang nakatitig sa kanya.

Saka ko napansin ang sarili ko.

Bakit ko ba siya tinititigan? Nakakainis! Nandito ako para tignan si Naih at hindi siya. Badtrip! Kahit ayaw ko siyang tignan ay parang hinihigop yung ulo ko at napapatingin talaga ako sa kanya at ang masama don ay napapatitig pa.

Kaya naman pinigilan ko ang sarili ko at tumingin na lang sa mga tangke ni Naih. At sa kung anu-ano pang nakakabit sa kanya! At doon ko napansing maganda si Naih. Maputi at kung hindi lang siya maingay, paniguradong maraming magkakagusto sa kanya. Nangingiti pa ako sa naisip kong yun at..

"Nya!" hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw ng makita kong gising na si Taguro at nakatingin sa akin paglingon ko "N-Nagulat ako sa iyo!" pabulong na sigaw ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" mahinahong tanong niya.

"D-Dinalaw ko si Naih." sagot ko at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Si Naih ang dinalaw mo pero, ako ang tinitignan mo."

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at.

"A-Anong ikaw ang tinitignan ko? Isang beses lang kitang tinignan! H-Hindi na naulit!"

"Isang beses mo lang akong tinignan?" nakangising tanong niya.

"O-Oo---"

"Isang beses mo lang akong tinignan, at hindi na naalis? Ganon?" nakangisi pa ring tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Pinandilatan ko siya ng mata at saka sya pinagmasdan. Walang nagbago sa postura at ayos niya. Nakaupo pa rin siya at nakapandikwatrong babae habang nakacross ang dalawang kamay niya. Mata at bibig niya lang talaga ang bumuka dahil ultimong ulo niya hindi lumilingon.

"H-Hoy!" duro ko sa kanya. "Wag ka ngang feeling! At anong ibig mong sabihin? Na tinititigan kita?"

"Bakit? Hindi ba?"

"B-Bakit? Nakita mo ba?"

"Hindi."

"Hindi naman pala e! Bakit sinasabi mong tinititigan kita?"

"Naramdaman ko lang hehehe."

Lalo akong napatitig sa kanya nung makita ko siyang tumawa.

"Tulad niyan, napatitig ka naman." natatawang sabi niya.

"Hoy ang kapal ng muka mo ah? Hindi kita kailanman tinitigan at hinding hindi kita tititigan!"

"Okay, napakadefensive mo. Pwede namang wag nang maraming sinasabi!" nakangising sabi niya ulit.

Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya dahilan para manahimik siya.

"D-Dyan ka natulog?" takang tanong ko.

"Mmm. Kanina lang ako natulog."

Saka ako napatitig sa suot niya. At doon ko lang napansing nakauniform pa rin siya.

'Nakakadiri!'

"H-Hindi ka pa naliligo?" gulat na tanong ko habang nakaturo sa kanya. Tumingin pa muna siya sa suot nya bago tumingin ulit sa akin.

"Hindi pa."

'WTF?'

"Bakit hindi ka pa naliligo?"

"Wala namang aamoy sa akin dito e, maliligo pa ba naman ako? Walang magbabantay kay Naih. Mas gugustuhin kong mamaho kaysa iwanan ko siya." seryosong sabi niya na tumingin pa kay Naih. Nakaramdam naman ako ng bahagyang pagkapahiya.

"Sana kasi nagpakuha ka ng damit para nakapagpalit ka.." nasabi ko na lang. "Kahapon mo pa suot yan, nakipag-away ka pa naman."

"Okay lang. Nasaan nga pala si Maxwell? Nakita mo ba?"

"Ahh, lumabas siya, pupuntahan daw niya yung pasyente niya." sabi ko. "Bakit hindi mo siya pinauwi para makuhanan ka ng damit?" tanong ko at natawa naman siya.

'Wala talagang kwentang kausap kahit kailan!'

"Bahong baho ka na ba sa akin at pilit mo kong pinagpapalit ng damit?" natatawang tanong niya na inamoy amoy pa ang sarili niya. "Naaamoy ko pa nga ang pabango ko."

'Nakakadiri ka talaga! Kababaeng tao!'

"Aircon naman dito kaya hindi rin ako makaramdam ng lagkit sa sarili." sabi niya pa.

"Yuck." mahinang sabi ko.

"Anong yuck? Kalalaki mong tao kung makayuck? Tss."

"Bakit? Pang babae lang ba yun? Eww ang sa babae at pambabae't panglalaki naman ang yuck!"

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang pumasok si Maxwell. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at tumingin sa kanya.

"A-Ahh, mauuna na ako, may practice pa kasi ako e. Mmm baka bumalik ako mamaya kung o-okay lang sa inyo." mahinang sabi ko.

"Oo naman, bakit naman hindi?" seryosong tanong ni Maxwell, napangiti naman ako sa kanya. "Oh? Gising kana?" parang gulat na gulat na tanong ni Maxwell kay Taguro.

'Bawal ba siyang magising?'

Tumingin sa akin si Maxwell na parang nagtataka.

"Ginising mo ba siya?" takang tanong niya sa akin.

"A-Ako?" tanong kong nakaturo pa sa mukha ko. "H-Hindi ah---"

"Haha, buti hindi ka sinigawan?" tanong ni Maxwell.

"B-Bakit naman niya ako sisigawan?" takang tanong ko pa.

"Dahil ayaw niyang ginigising siya." nakangiting sabi ni Maxwell.

"Sige na pumasok ka na, baka ma-late ka.." biglang sabi ni Taguro kaya naman umayos na ako.

"Sige, babalik na lang ako ulit mamaya." pilit ang ngiting sabi ko.

"Sige."

Gusto kong tanungin si Taguro kung magprapractice siya, pero naisip kong wag na, baka walang magbabantay kay Naih kaya hindi na muna siya magprapractice. At isa pa..

'Hindi pa sya naliligo! Tch!'

Pumasok na ako sa loob ng campus at dumeretso sa Gym.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 58 5
Outbreak Series #1 tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...