Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 60

2.8K 117 126
By Missloorh

A/N: I dedicate this chapter to Happy_freelife babychung28 hhime08 Zhaileeeg ZingEspanto BitchinLynn16 Sampinkz Allisajoy Bagnasnorolyn marrielleee yhmelen08 claireanneimnida IceCoolGirl creez_02 zyrene_001

Blaire POV

Pagdating namin ng akademya agad naming isinugod sa clinic ang mga kasama kong nawalan ng malay at sugatan. Agad naman silang inaasikaso ng mga healer.

Andito ako ngayon nakaupo sa tabi ng kama ni Four habang kagat kagat ang mga kuko. Kinabahan ako dahil hanggang ngayon ay di parin siya nagising. Sabi ng healer na umasikaso sakanya kanina magaling na siya ngunit kaylangan muna niyang magpahinga, pero bakit kahit pagdilat man lang ng mga mata ay wala. Nangunot ang noo ko nang may kunting itim ang pula niyang buhok. Napatayo ako dahil unti unti itong kumalat. Nilukob naman ng kaba ang buong pagkatao ko. Anong nangyari? Bakit nagkaganito ang buhok niya? Agad ko siyang nilapitan, gusto kong hawakan ang buhok niya na ngayon ay halos itim nalang lahat.

"F-four? Anong nangyayari sa buhok mo?" wala sa sarili kong tanong. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Tumigil sa pagkalat ang itim na kulay at ngayon iilang hibla nalang ng buhok niya ang pula. Nagmukhang highlights ang kunting pula niyang buhok. Napatitig ako sa mukha niya, mas lalong lumitaw ang kagwapuhan niya dahil sa bagong kulay ng kanyang buhok.

Hinawakan ko siya sa kamay at napatigil ako nang may naramdaman akong kakaibang kapangyarihan. Mas lalo akong kinabahan.

"F-four, gumising ka" usal ko at tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Nilakasan ko na ang pagtapik dahil hindi parin ito nagdilat ng mga mata.

"Hey My Four! Please wake up!" napataas na ang boses ko dahil sa kaba. Napatigil ako nang dahan dahang kumunot ang kanyang noo. Lumipas ang ilang segundo at nagdilat narin siya ng mga mata ngunit nagulat nalang ako dahil itim na mga mata ang tumambad sa akin.

"Threes?" paos niyang banggit sa pangalan ko at napahawak siya sa ulo habang nakakunot ang noo na parang masakit iyun. Nananatiling nakatitig ako sakanya. Anong nangyari? Bakit nagkaganito siya?

Bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ako habang nakaupo sa kama. Mas lalong kumunot naman ang noo niya. Hinawakan niya ang mga braso ko.

"Hey babe, what's the matter? Are you okay?" nag-alala niyang tanong kaya nabalik ako sa sarili. Kumurap ako at tiningnan siya ng deretso.

"Four, y-yung mga mata at buhok mo" mahinang usal ko. Nanatiling nakakunot ang noo niya at hinawakan ang medyo mahaba niyang buhok. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ito. Agad akong gumawa ng salamin at binigay sakanya. Agad naman niyang tiningnan ang repleksyon sa salamin.

"The heck!" napamura nalang siya sa kanyang nakita. Muli niyang hinawakan ang buhok niya na may di makapaniwalang mukha.

"Four subukan mo ang kapangyarihan mo" sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. Binaba niya ang salamin sa kama at ibinuka ang kanang kamay. Nangunot ang noo ko dahil apoy parin ang lumabas.

"Yung isa" suhestiyon ko. Pinaglaho niya ang apoy at ibinuka ang kaliwang kamay. Pareho kaming nagulat nang may bolang itim ang lumabas sa kanya.

Umawang ang aming mga bibig at nagkatinginan kami sa mga mata. Naglaho naman ang itim na bola.

"Ano ba talagang nangyari nung sa pagsabog Four?" tanong ko sa kanya at napaisip naman siya.

"I'm the one who snagged the giant dark ball from Hades power but it was too strong that's why you still impacted and the others" seryosong salaysay niya. Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip. Maaaring na absorb ng katawan niya ang kapangyarihan ni Hades na imbes ikakamatay niya iyun.

"Wala kabang kakayahan na Absorb ability?" nagbabasakali kong tanong. Nangunot naman ang noo niya.

"Nothing" tugon niya. If that so, this is a miracle and a gift_no scratch that, it was not a gift at all. It was an accident, a positive accident.

"Four this is a miracle, you did absorb his power imbes na ikakamatay mo 'yun" may galak kong sabi. Mas lalong nangunot ang noo niya.

"But I think this is not good" mahinang usal niya. Umiling-iling ako at hinawakan siya sa mga kamay.

"No, it's not. Nasa tao lang yan kung gamitin niya ito sa masamang gawain. Four, I had his power too. Sa una-una, makakasama talaga kung hindi mo ito lubos kontrolado but I did master it. So it was not bad at all" pagpapaintindi ko sa kanya. Napaisip naman siya.

"So I can use this?" tanong niya. Agad akong tumango tango at ngumiti.

"Definitely yes and from now on, dalawa na ang kapangyarihan mo" sabi ko. Napalingon kaming dalawa sa pinto nang bumukas ito at niluwa doon ang mga kaibigan namin. Mabuting magaling na sila.

"Hey bro__owh wow! What happened to your hair?" manghang tanong ni Parker.

"Hala, nagpakulay ka leader?" tanong ni Lucy.

"Ang gwapo" nakangangang usal ni Aubrey. Lahat naman sila huminto sa gilid ko habang nakatingin parin kay Four.

"Y-your eyes" naibulalas ni Alexis. Bumuntong hininga ako at hinarap sila.

"Hindi siya nagpakulay dahil kusang nagbago ang buhok niya at mga mata" sabi ko sa kanila at nanlaki naman ang kanilang mga mata. Ang ibang prinsepe naman ay nakakunot ang noo.

Ikinuwento ko sa kanila kung ano talagang nangyari kay Four at nagulat nalang silang lahat. Hindi sila makapaniwala sa nangyari. Ang iba naguguluhan parin. Hindi naman malabo ang magkaroon ng himala sa mundong ito dahil mga imortal kami. We live with phenomenon and full of magic.

Nakalabas si Four ng clinic dahil mabuti na ang pakiramdam niya. Lahat naman ng konseho ay nakaalam sa kanyang pagbago. Nagulat sila ngunit sa huli ay tinanggap parin nila si Four ng buong buo at siguro'y alam nila na kahit may itim siyang kapangyarihan ay di parin ito gagawa ng masama.

Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama si Four dahil dito daw niya gustong matulog. Nakatunganga lang ako sa kisame. Sa makalawa ay ang araw ng digmaan. Di ko mapigilan ang sariling kabahan para sa mga mahal ko sa buhay. Paano kung may masawi isa sa amin?

Hindi, walang masasawi at sisiguraduhin ko iyun kahit buhay ko pa ang kapalit. Bumuntong hininga ako at pumikit.

MAAGA akong nagising kaya tulog pa si Four. Lumabas ako ng dorm at pinuntahan si HM. Sinabi ko sa kanya na siya na ang bahala sa mga studyante para sa pagsasanay dahil may kaylangan pa akong puntahan. Sumang-ayon naman siya kaya agad din akong bumalik sa dorm. Nadatnan ko naman si Four na kakagising lang.

"Good morning" bati ko sa kanya. Agad namang nangunot ang noo niya.

"Good morning, kanina kapa gising?" tanong niya at tumango lang ako. Naglakad ako papunta sa silid paliguan.

"Are you going to take a bath?" tanong niya.

"Yes" tugon ko at binuksan na ang pinto.

"Can I join?" agad akong napalingon sa kanya dahil sa tanong na iyun. Nasilayan ko naman ang pilyo niyang ngiti.

"Yes? But I changed my mind. So, no My Four" pilyang sabi ko at ngumisi. Napanguso naman siya kaya napatawa nalang ako at pumasok na ng silid paliguan.

Pagkatapos kong naligo, agad akong nagpaalam sa kanya. Pupuntahan ko ang pwedeng tutulong sa amin.

Third Person POV

Sa Tartarus. Nasa isang altar si Hades na may maraming kandila. Nagbanggit siya ng isang ritwal at pagkatapos lumitaw nalang sa kanyang harapan ang dalawang malakas niyang alagad. Si Medusa at Minotaur. Hinanda din niya ang libo-libong Demon para sa digmaan.

NATAPOS ang isang araw at dumating na ang pinakahihintay ng lahat.

Nasa isang malawak na patag si Blaire at ang mga kasamahan niya. Suot niya ang gintong armor, ang iba naman ay suot din ang kanilang mga armor. Naghihintay sila sa signal ni Alexis dahil nasa himpapawid ang kanyang guardian at ito ang makakapagsabi sa kanila kung dumating na ang mga kalaban.

Kasama nila ang mga hari ng iba't ibang kaharian na may kasama din itong tig-iisang hukbo ng mga kawal. May natira naman sa mga kaharian na iilang malalakas na kawal kasama ang mga reyna, magiging ligtas sila dahil sa mga malakas na barrier na ginawa ni Blaire. Nasa likod ang mga ito dahil nasa harapan nila ang mga iba't ibang nilalang na handa ding makipag-away, kasama ng mga Royalties at ng ibang estudyante. Ngunit may mas nauna pa sa kanila at ito ay ang mga Elves habang nasa harapan ng mga ito si Blaire. Napapayag ni Blaire ang mga ito para lumaban dahil madadamay din naman sila kung matatalo ang liwanag.

"Blaire! Nandito na sila!" sigaw ni Alexis. Pinakiramdam ni Blaire ang mga kasama niya. Naramdaman niya ang kunting takot ng mga ito ngunit mas nananaig ang determinasyon. Pinikit niya ang mga mata at nakita niya ang libo-libong Demon na nasa malayo. Kasama nito ang iba't ibang nilalang na minsan ay nakasagupa niya sa mga misyon kasama ng mga Royalties. May kasama din itong babaeng ahas at isang Minotaur. Sa una-una palang alam ni Blaire na mabuhay si Medusa kaya pinasanay niya ang mga lalaki na makipaglaban na nakatakip ang mga mata. Nakita naman niya si Hades na suot nito ang itim na armor at nakasakay ito sa Cerberus. Marahas niyang dinilat ang mga mata.

"Ihanda niyo ang mga sarili dahil malapit na sila. Labanan niyo ang takot. Isipin niyong para ito sa kaligtasan ng mga mahal natin sa buhay. Magtiwala kayo sa mga sarili ninyo. Maging matatag, matapang, determinado at malakas! Lalaban tayo para sa katahimikan!" seryosong sabi ni Blaire at pasigaw siyang nagsalita sa huli habang itinaas ang espada.

"Lalaban para sa katahimikan!" sigaw ng kasamahan niya habang nakataas din ang mga espada at umungol naman ang iba't ibang mga nilalang.

"Lahat ng mga lalaki! Takpan niyo ang mga mata! Talasan niyo ang pakiramdam, pandinig at pangamoy!" sigaw ni Blaire at lakad pabalik siya sa harapan ng lahat. Sinunod naman ng mga lalaki at hinanda ang mga sarili.

Marahas binaling ni Blaire ang tingin sa harap at naramdaman niyang papalapit na ang mga kalaban. Unti unting yumanig ang lupa dahil sa apat na sayklops at malalaking nilalang.

"Upon my command" seryosong sabi ni Blaire. Maigi niyang tiningnan ang mga Demon na tumatakbong papalapit sa kanila at nang na tantiya niya ito na maaabutan na ito ng mga pana ay agad niyang ibinuka ang bibig.

"Rise the crossbow!" sigaw niya sa mga Elves at pinalitan niya agad ang espada ng pana. Agad niyang tinaas ito kasabay din ng pagtaas ng mga pana ng mga Elves.

Nagkaroon ng kulay asul na apoy ang palaso niya, ganun din ang mga palaso ng mga Elves at galing iyun sa kapangyarihan niya. Itinuon niya lang ang tingin sa mga Demon at binalot naman ang paligid ng katahimikan.

"Release!" sigaw niya at sabay sabay nilang pinakawalan ang mga palaso. Dinig na dinig ng lahat ang mga palasong lumipad paitaas at bumagsak ang mga 'yun sa mga Demon. Bawat natamaan ay agad sumabog.

Agad binaba ni Blaire ang kanyang pana kasabay ng pagitim ng kanyang mga mata. Tinuon niya ang paningin sa mga sumunod na Demon na sumabog.

"Die" malamig niyang sabi at naging abo nalang ang limang-daan na Demon ngunit kaunti parin ang nabawas sa kalaban. Hindi pwedeng lagi nalang niyang gamitin ang kapangyarihan niyang destruction dahil maaari niya itong ikakahina. Nakita naman nila ang pag itim ng kalangitan.

"Attack!" sigaw niya sabay tutok niya ng espada sa harap. Nagsimulang tumakbo ang mga kasamahan niya pasugod habang sumisigaw na parang handa ng pumatay.

Nagtagpo ang dalawang panig at dun nagsimula ang totoong labanan ng liwanag at dilim.

Mabilis dumaan si Blaire sa mga Demon dala ang kanyang espada. Agad siyang huminto sa unahan kasabay ng pagbagsak ng mga Demon na nadadaanan niya. Mabilis niyang nilibot ang paningin at nakita niyang nilabanan ni Aubrey at Sophie si Medusa. Si Chaos naman ay kinalaban nito ang Minotaur habang may takip sa mga mata. Marahas niyang binaling ang tingin sa unahan at nakita niya si Hades na ngayon ang bawat nadadaanan nitong kasama niya ay bumabagsak nalang. Samantalang ang sinakyan nitong Cerberus ay kinakain ang mga ulo ng mga kasama niyang sumubok na lapitan ito. Naiyukom niya ang mga kamao.

Agad niyang pinalitan ang kanyang espada ng Golden chain whip. Mabilis siyang tumalon at umikot-ikot sa ere habang winasiwas ang kadenang latigo. Bawat natatamaan nitong kalaban ay agad bumagsak sa lupa at ang iba ay tumalsik sa malayo. Nagkaroon naman ng bitak ang lupang natamaan nito. Nag landing siya sa harapan ni Hades at ng Cerberus habang nakatukod ang isang tuhod sa lupa. Marahas niyang tinapunan ng tingin ang dalawa. Agad niyang iwinasiwas ang kadena sa itaas at mabilis niyang itinutok ito sa isang paa ng Cerberus kaya nagapos ito. Malakas niyang hinila ito at nagback tumbling sa ere. Mabilis namang nakalipad si Hades nang bumagsak ang Cerberus ngunit agad itong nakabangon.

Marahas tiningnan ni Blaire si Hades na nasa itaas. Mabilis siyang lumipad at nakahanda ang isang kamao niya na ngayon ay nagaapoy ng kulay asul. Sinalubong naman siya ni Hades at nakahanda din ang kamao nito na ngayon ay nagliliyab ng kulay itim. Nagbanggaan ang mga kamao nila at nag sanhi iyun ng malakas na pagsabog. Tumalsik si Blaire sa lupa ngunit agad niyang naitukod ang kanyang kamao. Mabilis niyang tiningnan si Hades na ngayon ay nakabawi narin sa pag sabog. Agad siyang tumayo sabay takbo at agad niyang pinalitan ng espada ang latigo. Agad siyang nagteleport sa harap ni Hades. Mabilis niyang hinampas ang espada ngunit agad namang nasangga iyun ni Hades gamit ang espada din nito. Nagpalitan sila ng atake at pataas ng pataas silang dalawa habang nasa ere. Napakaliksi ng mga galaw nila at halos hindi na sila makita ng iba.

Nilabanan naman nilang Miles at Acel ang Cerberus. Tinanggal na nilang lahat ang nakatakip sa kanilang mga mata dahil naging abala si Medusa sa dalawang prinsesa. Nilabanan naman ng mga Hari ang apat na Sayklops. Marami ng nakahandusay sa lupa at kadalasan ay mga Demon.

Si Chaos naman. Mabilis niyang binato ang Minotaur ng dark ball ngunit agad iyung nasalag ng malaking palakol nito. Agad siyang nagbato ng Fire ball at di naman iyun napansin ng Minotaur kaya ito tumalsik. Mabilis siyang nag teleport sa ibabaw nito at agad niyang hinampas ang espada ngunit nasangga ito ng palakol. Hinawakan niya sa dalawang kamay ang espada sabay diin niya dito at pilit namang lumaban ang Minotaur para hindi ito lalapat sa katawan nito. Mas diniin ni Chaos ang pagtulak niya kaya bumaon ang kanyang espada sa dibdib nito at pati narin ang sariling palakol na sandata nito. Umungol naman ang Minotaur dahil sa sakit at malakas itong bumangon. Sapilitang naitulak si Chaos ngunit agad siyang nakatambling at naglanding sa lupa. Muli silang nagpalitan ng atake at halos magkasing lakas lang sila ngunit mas umapaw ang kakayahan ni Chaos.

Si Aubrey naman ay agad niyang pinatamaan si Medusa ng kidlat sa buntot kaya napadaing nalang ito. Galit naman itong napatingin sa kanya. Tatamaan na sana siya ng buntot nito ay agad namang humarang si Sophie at mabilis gumawa ng Ice shield kaya doon tumama ang buntot ni Medusa ngunit tumalsik naman sila. Agad silang tumayo at hinanda ang sarili. Muli nilang sinugod si Medusa ngunit ang iba nilang atake ay nailagan lang nito.

Si Parker at si Kade naman ay inatake nila si Chanon gamit ang kanilang espada. Agad gumawa ng ilusyon si Parker na sa paningin ni Chanon ay nasa harapan parin siya nito ngunit ang totoo'y nasa likod siya at agad niyang hinampas ang espada niya ngunit nagulat nalang siya nang nasangga nito ang atake niya gamit ang isa pang espada nito. Ngumisi naman si Chanon. Kinuha ni Kade ang pagkakataon na iyun at agad niya itong sinaksak sa likod ngunit naglaho nalang ito na parang bula. Agad siyang lumingon sa likuran at nagulat nalang siya nang lumitaw ito. Muntikan siyang masaksak sa tiyan at mabuting agad niya itong nasalag sa espada niya. Nagpalitan na naman sila ng mga atake. Dalawa laban sa isa.

Si Lucy naman ay pinalabas niya ang kanyang dambuhalang ahas at inatake nito ang mga Demon. Yumanig naman ang lupa kasabay ng paglabas ng malalaking ugat ng kahoy. Galing iyun kay Scarllet at pinaghampas nito ang mga Demon. Binagsakan naman ang iba.

Walang tigil sa pakikipaglaban ang dalawang panig. Unti unting nanghihina ang panig ni Blaire dahil sa walang kaubos-ubos ng kampon ni Hades. Pinalabas na nilang lahat ang mga guardian nila para makatulong. Maingay at napaka gulong tingnan ang paligid.

Sa kalagayan ni Blaire na kahit lahat ng sugat na natamo niya ay madaling gumaling, hindi parin napigilan ang panghihina ng katawan niya. Agad niyang binato ng malaking Flame ball si Hades at agad naman itong gumawa ng Dark shield. Ginamit niya ang pagkakataon na iyun para tingnan ang mga kasama niya. Nakita niyang nanghihina na ang mga ito kaya pinalabas niya ang kanyang guardian.

"Sheragon, tulungan mo sila" seryosong sabi ni Blaire at tumango naman ang dragon niya. Agad itong lumipad paitaas at bumalik ito kasabay ng paglabas ng mababangis na kidlat. Lahat ng Demon na natatamaan nito ay sumabog. Bumuga naman ito ng flame at pagkatapos nagsalpukan nalang ang mga Demon dahil sa kapangyarihan nitong hangin. Walang tigil ito sa pag-atake hanggang sa unti unting nalupig ang mga kampon ni Hades.

Sumiklab naman ang galit ni Hades at agad siyang gumawa ng malaking Dark ball. Agad niya itong binato kay Blaire.

Nanlaki ang mga mata ni Blaire dahil sa bolang itim na papalapit sa kanya. Huli niya itong nailagan kaya sumalpok siya sa lupa, nagsanhi iyun ng malaking pagsabog at pagyanig ng paligid. Nagkaroon naman ng usok ang binagsakan ni Blaire. Parang tumigil ang mundo ng mga kasama niya lalong lalo na si Chaos. Nawala ang usok at isang malaking butas na lupa ang nakita nila.

Nilukob ng takot at galit ang puso ni Chaos. Malakas niyang sinipa ang Minotaur kaya tumalsik ito sa malayo. Agad siyang nag teleport sa dalaga at nakita niyang nakahandusay ito sa lupa.

"T-threes" takot na takot niyang banggit sa pangalan nito. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga na ngayon ay nakapikit. Halos maiyak siya sa takot at galit. Hinalikan niya ito sa noo at dahan dahan niya itong kinarga.

Lumamig ang mga mata niya nang narinig niya ang halakhak ni Hades. Nag teleport siya sa itaas at dahan dahan niyang hiniga si Blaire lupa. Tumayo siya at marahas binaling ang tingin sa itaas kung saan nakalutang si Hades.

"You'll pay for this" galit niyang sigaw at mabilis siyang lumipad paitaas. Nagliliyab ng apoy ang buong katawan niya at sunod sunod siyang nagbato ng Fire ball. Agad sinalubong ni Hades ang mga atake niya ng Dark ball ngunit ang iba ay nakalusot parin kaya natamaan si Hades.

Nang nakalapit si Chaos dito ay agad niya itong pinag suntok. Di din nagpatalo si Hades kaya nagpalitan sila ng mga atake. Agad lumayo si Chaos at sunod sunod siyang nagbato ng malalaking Fire ball. Naging abala naman sa pagsalag si Hades kaya agad niyang nilabas ang espada niya at mabilis lumipad papalapit kay Hades. Dumeretso sa pagbaon ang kanyang espada sa tiyan nito.

Napatigil naman si Hades at dahan dahan niyang tiningnan ang kanyang tiyan. Halos magpugto ang mga ugat niya sa noo dahil sa galit kaya malakas niyang ibinuka ang mga braso sabay sigaw. Tumilapon naman si Chaos kasama ang espada niya. Bumagsak siya sa lupa at nag sanhi iyun ng pagsabog.

Unti unti namang nagkamalay si Blaire at napahawak nalang siya sa ulo dahil sumakit nalang ito. Nangunot ang noo niya at nilibot ang paningin. Nanlaki nalang ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. Lumutang si Chaos at napalibutan ito ng itim na kapangyarihan. Narinig naman niya ang halakhak ni Hades.

"Hahahaha mamatay kana Chaos! Ang kapangyarihan ko na nasa katawan mo ang papatay sayo HAHAHAHAHAHAHAHA" nilukob ng takot ang buong pagkatao ni Blaire dahil sa kanyang narinig. Napatayo siya nang narinig niya ang paghiyaw ni Chaos. May nakita naman siyang dugo na lumabas sa ilong at mga tenga nito. Narinig naman ni Blaire ang mga sigaw ng mga Royalties.

"N-no, please no" takot niyang sabi.

"Hahahahahahahaha pag masdan mo Blaire. Pagmasdan mo ang nag-agaw buhay mong kasintahan hahahahahahaha hindi mo ako matatalo dahil mahina ka! MAHINA KA! HAHAHAHAHAHA" narinig niyang halakhak sabi ni Hades. Parang tumigil ang mundo niya nang bumagsak si Chaos. Parang tumigil din sa pagtibok ang puso niya.

"Noooooooo!" napasigaw siya. Napaluhod siya sa lupa at nag-unahan sa pag-bagsak ang kanyang mga luha dahil sa takot at sakit.

"Aaaaaaahhhhhhh!" sumiklab ang matinding galit niya sa puso kasabay ng pagilaw ng kanyang katawan. Isang gintong ilaw ang bumalot sa lahat kaya napatakip sila ng mga mata.

Agad gumawa ng barrier si Hades ngunit agad itong nabasag at napasigaw nalang siya sa sakit dahil sa gintong ilaw. Masakit at mahapdi ang naramdaman niya na parang sinunog siya ng apoy.

Umungol ang mga Demon at naging abo nalang itong lahat. Ang lahat ng kampon ni Hades ay naglaho na parang bula. Nawala ang gintong liwanag at katahimikan naman ang namamayani sa buong paligid. Tumambad naman sa kanilang lahat ang babaeng nabalutan ng kumikinang na kulay ginto. Nakalutang ito at nakapikit ang mga mata. Mas lalong kumintab ang gintong buhok nito. Sa pagdilat nito ay isang nag-iilaw na ginto na mga mata ang tumambad sa kanila. Mas lalong lumakas ang presensiya nito na parang luluhod kana sa takot. Nakaramdam naman ng takot si Hades na ngayon ay nakalutang parin sa itaas ngunit hindi niya iyun pinahalata. Nanghihina narin siya dahil sa kapangyarihan ni Blaire kanina.

"You hurt my Four and you're going to taste my atrocity" parang umiba ang boses ni Blaire. Kasindak-sindak ito dahil sa lamig at lalim. Ibang iba si Blaire na nakita nila ngayon. Lumitaw naman ang isang hukbo ng Demon ngunit isang kumpay lang ng kamay ni Blaire ay agad ang mga itong naging abo. Nagulat naman si Hades kaya napangisi si Blaire. Mabilis siyang lumipad paitaas at agad niyang inatake ng gintong ilaw si Hades kaya napahiyaw nalang ito dahil sa sakit.

Winala naman ni Blaire ang gintong ilaw at agad namang nagbato ng Dark ball si Hades kahit hinang hina na ito. Sinalubong naman iyun ni Blaire ng Flame ball at nagkaroon naman ng puting pagsabog.

Nagulat nalang si Hades nang lumabas doon so Blaire at nakatanggap naman siyang ng malalakas na sipa. Bumulusok sila pababa at walang humpay siyang sinipa ni Blaire. Parang nadurong ang mga lamang loob niya. Bumagsak sila sa lupa sanhi ng pagyanig ng paligid at napasuka naman ng dugo si Hades.

Agad binunot ni Blaire ang makapangyarihang punyal sa likuran niya at walang pag-aatubili niyang sinaksak sa dibdib si Hades. Tumahimik naman ang lahat. Humihingal si Blaire na nakaupo sa ibabaw ng katawan ni Hades. Unti unti namang nawala ang kulay gintong kumikinang na nakabalot sa katawan niya. Dahan dahan siyang tumayo at nagsimulang naglakad. Napatingin siya kay Chaos at lalapitan na sana niya ito ngunit bigla nalang kumirot ang dibdib niya. Nanliit ang mga mata niya sa sakit at napagtanto niyang kaharap niya ngayon si Hades. Tumigil sa pagtibok ang puso niya dahil sa isang punyal na nakasaksak sa kanyang dibdib. Nakita naman niya ang pagngisi ni Hades. Unti-unti siyang nanghina hanggang sa di na niya maramdaman ang kanyang katawan. Bumagsak siya sa lupa. Unti unting nagdilim ang paningin niya. Narinig naman niya ang mga sigaw ng mga kaibigan niya hanggang sa tuluyang nagdilim sakanya ang lahat.

Napatulala naman ang mga Royalties dahil sa nangyari kay Blaire. Nagkagulo sila nang yumanig ang paligid kasabay ng pagbitak ng mga lupa. Isang halakhak naman ni Hades ang nangingibabaw sa mga sigawan nila. May iilan ng nahulog sa mga bitak at ang ilalim nito ay isang magma.

"HAHAHAHAHAHAHA sa wakas! Patay na ang initakda niyo hahahahahaha luluhod kayong lahat sa harapan ko!" halakhak sabi ni Hades at lumutang siya paitaas. May itim na usok naman ang kumalat sa paligid. Napaiyak sa takot ang mga prinsesa. Unti-unting nawawalan sila ng hininga dahil sa usok na nanggaling sa kapangyarihan ni Hades.

"Kneel to your Lord! Hahahahahaha kneel!" halakhak utos ni Hades. Lumuhod nalang ang iba dahil sa kawalan ng pag-asa. Umiling-iling si Lucy habang umiiyak at hinabol ang hininga.

Umiiyak at nahihirapan na si Aubrey ngunit sinikap niya paring makalad para lapitan si Blaire.

"S-snow, p-please gumising ka" nagsusumamo niyang sabi at bumagsak siya malapit kay Blaire. Pinilit parin niyang abutin ang kamay nito. Kumurap-kurap siya dahil malapit na siyang mawalan ng hininga. Halos magpugto ang mga ugat niya sa noo at namumula narin ang kanyang mukha.

"S-snow" huling banggit niya at tuluyang nagdilim ang kanyang paningin kasabay ng mabilis pagbangon ni Blaire.

Hinabol ni Blaire ang hininga niya at agad binunot ang punyal na nakabaon sa kanyang dibdib. Bumalik ang lakas niya at agad siyang naglibot ng tingin nanlaki nalang ang mga mata niya dahil sa mga kasama niya na unti-unti ng bumagsak. Napatingin siya kay Aubrey at nilukob naman ng takot ang puso niya.

"Aubrey? Hey Aubrey" usal niya at niyugyog ito. Tumalo nalang ang mga luha niya. Galit siyang tumayo at gumawa ng malaking Golden ball.

"Aaahhhhh!" sumigaw siya at marahas niyang ibinato ang bola na nasa kanyang kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Hades nang nakita niya ang papalapit na gintong bola sakanya. Hindi niya ito nailagan kaya tumalsik siya sa malayo. Unti unti namang nawala ang mga itim na usok sa paligid.

Agad nag teleport si Blaire kung saan bumagsak si Hades. Nadatnan naman niya itong hirap makatayo. Tiningnan niya ang punyal na ngayon ay may pahid parin ng dugo niya. Agad siyang pumatong kay Hades at marahas niyang sinaksak ito sa dibdib.

"Aaahhhhhhh!" sigaw ni Hades hanggang sa parang naging dalawa ang boses nito. Umalis si Blaire sa ibabaw nito at umatras.

"Aaahhhhh!/Hindiiii!" dalawang boses ang lumabas kay Hades. Naiyukom ni Blaire ang mga kamao niya. Tama nga ang pangitain niya nung nahawakan niya ang punyal. Dugo niya at ang punyal ang makakapatay sa isa pang kaluluwa na nasa katawan ni Hades. Lumutang ito at may itim na usok naman ang lumabas sa bibig nito.

"Hindi!" isang sigaw ang nangingibabaw sa buong paligid. Ang sigaw ni Erebus at nawala naman ang itim na usok kasabay ng pagbagsak ni Hades sa lupa.

Si Erebus ang nagkontrol kay Hades para gumawa ng masama. Dahil sa pagmamahal ni Hades kay Persephone na isang gahaman, mapagmataas, mapang-alipusta, at makasarili ay napilitan siyang umanid kay Erebus para mabigay niya lang ang gusto ng babaeng minahal niya. Nung binuhay si Hades, pati ang kaluluwa ni Erebus ay sumama. Gusto niyang mabuhay para lang makasama muli si Persephone ngunit nagalit siya dahil hindi niya matagpuan ang kaluluwa ng asawa kaya nanaig ang kasamaan ni Erebus. Nitong nakaraang araw, nung nabuhay si Persephone. Gusto na niyang mabuhay ng tahimik ngunit hindi pumayag si Erebus. Siningil siya nito sa mga utang niya. Papayag lamang ito kung nagawa niya ang gusto nitong patayin ang lahat ng namuhay sa mundo ng Peculiar, para siya na ang magmamay-ari nito.

Nalaman ni Blaire ang lahat ng 'to dahil sa pangitain.

Seryoso lang ang ekspresyon ni Blaire. Lalapitan na sana niya ito ngunit isang boses ang pumigil sa kanya.

"Wait! Please don't kill him!" pagmamakaawa ng isang magandang babae at agad itong humarang sa kanya. Puno ng takot ang mga mata nito. Nangunot ang noo ni Blaire.

"Persephone?" banggit niya sa pangalan nito agad naman itong umiling-iling.

"Hindi, ako 'to si Divine" taranta nitong tugon at nilingon si Hades na nakahandusay parin sa lupa. Agad nagdilim ang paningin ni Blaire at nilabas niya ang kanyang nagliliyab na espada na kulay asul.

"No, no please. I'm not here to fight, I'm here to save my love. Please have mercy on us Blaire, I'm begging you" mangiyak-ngiyak pagmamakaawa ni Divine at lumuhod ito sa harapan niya habang nakadikit ang mga palad. Nakikita niya ang katotohanan sa mga mata nito. Unti unti naman niyang binaba ang espada.

"Please Blaire, alam kung may awa ka parin sa katulad ko. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Maawa ka, wag mo kaming patayin ni Hades, pabayaan mo nalang kaming mabuhay. Mahal na mahal ko siya at ngayon ko lang 'to naramdaman sa tanang buhay ko. Blaire, I finally found my match, ang gusto lang naman niya ang mahalin siya ni Persephone that's why he become wicked at aaminin kong ako din noon kay chaos. Love can do crazy things lalo na't ikaw lang ang nagmamahal, I thought it was a love but it wasn't. It was desperation, foolishness and selfishness" puno ng katotohanan at emosyonal sabi ni Divine. Nananatiling seryoso lang si Blaire.

"Blaire, hindi masama si Hades. Nagawa niya lang ito para sa isang pagmamahal and I'm pretty sure that we're meant to be. Please Blaire, spare our life. Please bigyan mo kami ng isa pang pagkakataon" umiiyak na si Divine dahil sa pagmamakaawa. Naiyukom ang mga kamao ni Blaire.

"Umalis na kayo sa paningin ko Divine at baka mapatay ko kayo" malamig sabi ni Blaire. Nabuhayan naman ng dugo si Divine at agad itong yumuko. Wala naman talaga sa plano niya ang patayin si Hades.

"Thank you, thank you so much Blaire. Isa ka ngang tunay na may busilak na puso. Maraming salamat Blaire, pangako magbabagong buhay na ako. Salamat" taos-pusong pasasalamat ni Divine at dali-dali itong tumayo. Nilapitan niya si Hades at sapilitan niya itong pinaupo. Agad niya itong niyakap at naglaho nalang ito na parang bula.

Napabuga nalang ng mabibigat na hininga si Blaire. Di niya napagilan ang sariling hangaan ang dalawa. Isa silang tunay na matapang pagdating sa pag-ibig ngunit bumagsak nga lang sa pagiging makasarili at masama. At dahil din iyun sa kapangyarihan ni Erebus kaya mas naging bulag sila sa katotohanan.

Pagod niyang nilibot ang paningin. Nakikita niyang unti unti ng nakabangon ang iba. Napatingin siya kay Four na ngayon ay nakahiga parin sa lupa. Ang ibang Royalties naman ay ganun din.

"Blaire" agad siyang napalingon sa likuran. Napangiti siya dahil sa mga diyos at diyosang nasa likod niya.

"Binabati ka namin Blaire sa iyung tagumpay at sa wakas natapos narin ang kasamaan ni Erebus na siyang kumontrol kay Hades para gumawa ng masama" nakangiting sabi ni Hera. Halos maiyak si Blaire sa saya at agad niyang niyakap ang mga ito.

"Salamat mga mahal kong magulang" emosyonal usal niya. Kumalas siya sa yakap ng mga ito. Hinawakan naman ni Zeus ang kanyang pisngi.

"Oras na Blaire" masinsin sabi nito sa kanya at tumango naman siya.

Lumayo si Blaire sa mga ito at tumingala siya sa itim na kalangitan. Mabilis siyang lumipad paitaas at agad siyang umikot-ikot. Nabalutan naman siya ng gintong liwanag. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at pinikit ang mga mata. Pinakiramdam niya ang sarili at agad siyang nagdilat ng mga mata kasabay ng maharas niyang pagbaba ang mga kamay. Mabilis kumalat ang gintong liwanag na parang isa itong bombang dumaan. Nawala ang liwanag at bumalik ang lahat sa dati. Nawala na din ang mga itim na ulap. Naglaho nadin ang mga magulang niya. Nakabangon ang lahat na nakahandusay sa lupa. Napangiti siya nang nakatayo narin si Chaos. Agad siyang nag teleport sa harapan nito.

"Threes" bahagyang nagulat ito habang nakatingin sa kanya. Napangisi siya at agad niyang kinuwelyuhan si Chaos. Hinila niya ito pababa para pumantay sa mukha niya at agad niya itong sinunggaban ng halik. Nagulat naman ito sa ginawa niya ngunit dumaan ang apat na segundo ay unti-unti itong lumambot at parang gutom na itong tumugon sa kanya.

Sumigaw sa saya ang lahat dahil sa tagumpay. Nagyakapan at binati ang isa't isa. Isa-isang niyakap ni Blaire ang mga kaibigan niya, lalong lalo na si Aubrey.

Sa wakas, natapos na ang propesiya at sa wakas malaya na ang lahat.

@Missloorh

OMG! Epilogue na ang sunod! Don't worry di ako matatagalan, naisulat ko na kasi at kaylangan ko lang yung ayusin.

Sana nagustuhan niyo. Wag kayong magalit sa akin ah dahil binuhay ko si Divine hihihihi. May ambag din naman siya, di matutupad ang buong propesiya kung wala siya at lahat ng tao ay may pag-asa para mabigyan ng pagkakataon para magbago.

Thank you so much for reading! I love you muahh!

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...