Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

232K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Thank You!

Kabanata 51

4.5K 331 203
By nakalimutankoe

Kabanata 51.

HINDI NATUPAD ANG PANGAKO namin ni Jordan sa isa't isa. Hindi ko nagawang tapusin ang engineering sa loob lang ng limang taon—sixth year na ako ngayon. At siya naman, hindi na nakaabot. Pero graduating na ako ngayong taon (kung papalarin na maipasa ang lahat ng subject) dahil makukuha ko na ang lahat ng naiwan ko. Mabuti na nga lang din at hindi ako nagkaroon ng problema sa scholarship ko dahil naremedyuhan agad iyon ni Ma'am Concepcion.

"Kumusta ka na?" tanong sa akin ni Sir Cams paglapit ko sa kaniya. Siya ang nakaupo sa front desk dahil siya ang naatasan na mag-asikaso sa aming mga estudiyante.

"Okay naman po, sir . . . Naayos ko na po ang sistema ko . . . at continuous ko po iyong ini-improve," sagot ko.

Lumawak ang ngiti niya sa akin. Mayamaya, lumabas si Ma'am Colares at namilog ang mga matang tumingin sa akin. "Jackson!" sambit niya sa pangalan ko. "Graduating ka na, hindi ba?"

"Kung papalarin po na maipasa lahat ng subject ko ngayon," sagot ko naman.

"Ang bilis ng panahon, hindi ba, sir?" baling niya kay Sir Cams.

"Oo nga, ma'am e. Parang kailan lang ipinapatawag pa natin si Jackson para kausapin tungkol sa academic performance niya . . . pero ngayon ito na siya," ani sir na muling bumaling sa akin. "Hindi grades ang pinakamahalaga na makukuha mo kundi iyong learnings. 'Yung grades number lang iyan e. Kapag lumabas na kayo ng school, hindi niyo naman talaga magagamit iyan sa industry. Puwede kitang bigyan ng kahit anong maisip ko depende sa trip, pero siyempre hindi ako ganoon. Pero 'yung learnings, madadala mo iyan hanggang sa pagtanda mo. Tatatak iyan sa iyo at iyan ang huhubog para maging mas mahusay ka hindi lang sa larangan ng propesiyon mo kundi pati na rin sa pagiging ikaw bilang tao sa hinaharap.

"Kahit hindi ka maka-graduate sa specific years ng isang course, huwag mong ibababa ang tingin mo sa sarili mo. Huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba. Hindi naman karera ang pag-aaral e. Hindi porke narating at naabot na ni ano ang ganito ay dapat ganoon ka rin. Wrong thinking iyan. Unique ang timeline ng bawat isa, lagi mo iyang tatandaan. Basta gawin mo lang ang best mo at huwag kang mawawalan ng tiwala sa sarili."

"Tatandaan ko po ang lahat ng iyan, Sir Cams," sabi ko.

Nang matapos ko ang kailangan ko sa school, lumabas na ako dahil wala naman akong schedule ng pasok ngayon. Nag-asikaso lang talaga ako para wala na akong iisipin bukas. May nakita akong nagtitinda ng palamig kaya bumili ako saka naupo sa pabilog na semento kung saan nakatanim ang mataas na puno. Habang sumisipsip, malayo ang tingin ko. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Nasa huling taon na ako ng pag-aaral ko. Kaunting tulak na lang at makaka-graduate na ako. Lahat ng naging hirap ko at ng pamilya ko, pakiramdam ko ay malapit ng masuklian.

* * *

Nakaupo ako sa puwesto kong malapit sa bintana at nakikinig sa anunsiyong sinasabi ng prof. "Next meeting ay magkakaroon kayo ng quiz kaya make sure na mag-aaral kayo," aniya bago kami tuluyang dinismiss.

Dumiretso ako sa library at doon ay nanghiram ng libro na kailangan. Pagbuklat ko, kaagad kong hinanap iyong topic na kailangan kong aralin at mabilis ko namang nakita. Inilabas ko rin ang ballpen at notebook ko bago nagsimulang magbasa at i-take down ang lahat ng impormasiyon na sa tingin ko ay mahalaga at kakailanganin ko.

Sa paglipas ng mga araw, nag-review lang ako nang nag-review tuwing pagkatapos at walang klase hanggang sa sumapit ang araw ng exam. Habang nakatingin sa test paper, tipid akong napangiti. Dinampot ko ang ballpen ko at nagsimulang magsagot. May ilang numero na nilagpasan ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat isagot pero mas marami naman ang sigurado ako. Nabasa ko kasi at natatandaan ko naman.

Pagkatapos naming mag-exam ay agad ding chineck-an ang mga papel namin at nakita kong pito lang ang mali ko. 'Yung pagtatiyaga ko sa pagre-review, nagbunga ng maganda. Tuloy-tuloy ang klase namin at ganoon din ako sa pag-aaral nang maayos. Kailangan kong maipasa ang lahat ng subject ko. Kailangan kong maka-graduate para sa mga magulang at kaibigan ko . . . At kailangan ko ring maka-graduate para sa sarili ko.

Hindi ako kasama sa mga mahuhusay sa klase pero masasabi ko na kabilang ako sa mga ginagawa iyong kaya nila. Wala naman akong pakialam kahit hindi mataas ang mga grades ko dahil ang importante lang sa akin ay pumasa at ma-maintain ang grades na kailangan ko. Iyon lang talaga ang gusto ko. Habang naglalakad sa loob ng university, nakasalubong ko sina Randy, Martin at Matthew.

"Jack." Sila ang unang pumansin sa akin.

Paglipas ng ilang taon, ngayon na lang ulit kami nakapag-usap. Hindi ko nga inisip na kilala pa pala nila ako.

"Kumusta ka na?"

"Ito, humahabol," sagot ko.

"Hindi mo yata kasama si Jordan," pansin ni Matthew.

"Hindi ko na nga iyon nakikita rito sa univ e," dagdag naman ni Randy. "Nag-stop ba siya?"

"Nagpapahinga siya."

"Kaya pala."

"Mauuna na ako. May kailangan pa kasi akong daanan," paalam ko saka sila iniwan.

Nang marating ko ang sinasabi kong dadaanan ko, sinalubong ako ng tahimik na paligid. Walang katao-tao. Tanging mga ibon na nasa sanga lang ang kasama ko. Naupo ako sa lupa at ikinulong sa magkakabit kong kamay ang dalawang tuhod. Hindi ako nagsasalita. Mas gusto ko munang damhin ang katahimikan. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim bago tiningala ang kalangitan. Pag-uwi ko sa amin, binisita ko ang puntod ni mama at sinunod ang kay Buboy, kasama si Buknoy.

"Kumusta ang pag-aaral, Son?"

"Ayos naman. Kung pagbibigyan, ga-graduate na ako this school year."

Malawak ang ngiti niyang tinapik ang balikat ko. "Ayos iyan, Son! Masaya akong malaman iyan . . . Masayang-masaya ako para sa iyo."

Nagpatuloy ang sa pagtakbo ang panahon, hindi man lang nag-abalang huminto para tignan kung nakakahabol ba sa kaniya ang lahat. Natapos ang midterm, finals, at dumating ang araw kung kailan malalaman kung makakasama ba kami sa mga magmamartsa. Pagbalik ko sa eskuwela, naghahanda na ako para sa sasabihing resulta. Nakaupo ako sa upuan ko at hinihintay ang pagdating ng prof na siyang magbabalita sa amin. Mayamaya lang ay dumating na ang hinihintay ko bitbit ang bag na naglalaman ng mga sobre na siyang imbitasiyon para sa graduation.

Sandali lang siyang bumati bago nagsalita, "Alam niyo naman na siguro ang dahilan kung bakit nandito ako at kung ano ang bitbit ko."

Gabi na kaya madilim na sa labas pero dahil nasa loob kami, hindi iyon kapansin-pansin dahil sa maliwanag na ilaw at aircon. Malamig pero ramdam kong nagpapawis ako. Kinakabahan ako. Hindi mapalagay ang mga kamay sa pagtapik sa hita ko.

Nang magsimulang magbanggit ng apelyido ang prof, napapikit ako. Lahat ng kaklase kong tinatawag ay hindi matawaran ang ngiting nakaguhit sa mukha at naluluhang pinupunasan ang mata. May ilan pa nga na hindi napigilan ang sarili na umiyak.

"Congrats," masayang sabi ko sa katabi ko ng makuha niya ang sa kaniya.

"Sa iyo rin," sagot naman niya.

Lagpas na sa kalahati ang nabigyan ng sobre pero hindi pa rin ako natatawag kaya mas lalong namayani sa dibdib ko ang kaba.

"O, isa na lang pala itong nandito!" gulat na sabi ng prof.

Isa na lang pero wala pa rin ako. Hinawakan ko ang baba ko at pinisil ang magkabilang pisngi.

"Perez, Diane." Tumayo ang kaklase ko at lumapit sa harap para kuhain ang kaniya. "Congratulations sa lahat ng candidates. Para naman sa mga hindi pinalad ngayong taon, give your best para mapasama na kayo next year."

Tiyanggala. Parang gusto kong umiyak! Parang tinutusok ng mga karayom ang dibdib ko. Ginawa ko ang kaya ko at umasa ako na makakasama ako sa mga magmamartsa ngayong taon pero bakit hindi?

Tinapik ako ng katabi ko kaya hinarap ko siya at pinilit ang sarili na ngumiti.

Hanggang sa pagsapit ng sumunod na araw, hindi mapalagay ang isip ko. Nakakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Nakaupo ako sa ilalim ng isang puno sa garden. Magkasaklop ang mga kamay kong nakahawak sa ulo. Paano ko sasabihin sa papa at kaibigan ko na hindi pala ako makakasama sa mga ga-graduate ngayong taon? Akala ko sapat na iyong ginawa ko para makahabol pero hindi pa rin pala.

"Jackson." Nang iangat ko ang tingin ko, nakita ko ang isa sa mga kaklase ko. "Nandito ka lang pala."

"Bakit?" tanong ko.

"Pumunta ka raw sa engineering department."

"Bakit daw?"

"Ewan ko. May offense ka yata." At iniwan ako.

Pagdating ko sa engineering department, naabutan ko ang head na si Ma'am Cruz.

"Mr Alonto?" Tumango ako. "Maupo ka muna."

Naguguluhan man, sinunod ko siya. Wala akong kaide-ideya kung ano ang rason para ipatawag niya ako.

"Hindi ko na ito patatagalin," aniya. "Gusto kong humingi ng sorry sa iyo."

"Bakit po?"

"Hindi kasi naisama ang invitation na para sa iyo sa pagdi-distribute kahapon dahil naiwang nakasiksik sa table noong ilipat na sa bag." Hindi ako nakapagsalita. Nakauwang lang ang bibig ko na nakatingin sa kaniya. "Congratulations. Isa ka sa candidates for graduation." At inabot sa akin ang sobre.

* * *

Nakasuot ako ng itim na toga at nakaupo sa hilera ng mga kapuwa ko graduating. Sa bandang likod kung nasaan ang mga kasama namin ay nandoon sina papa at Buknoy. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Halos mapunit na nga ang mukha ko. Nang simulan ng tawagin ang apelyido para umakiyat sa stage, napahagod ako sa dibdib ko. Parang bibigay na iyong puso ko dahil sa lakas ng pagpintig. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil sa wakas ay makakapagtapos na ako at malungkot dahil iiwan ko na ang university kung saan ako nakakilala ng kaibigan at nakabuo ng magagandang ala-ala. Siguro nga ay tama iyong sinabi sa akin ng mga kaibigan ko at ni Nanay Beth noon . . . na ang isang bagay ay nangyayari dahil may rason.

"Alonto, Jackson E!"

Malawak ang ngiti kong umakiyat sa stage at paulit-ulit na pinasalamatan ang mga taong nakikipag-kamay sa akin.

"Tropa namin iyan!" rinig ko ang paulit-ulit na sigaw ni Buknoy.

Naluluha sa saya akong tumingin sa kung nasaan sila. Walang humpay sa pagwagayway ang kamay niya habang sumisigaw at sa tabi naman niya ay si Papa na ginagaya ang ginagawa niya. Itinaas ko ang kamay kong may hawak na diploma.

Sa wakas, graduate na ako!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 306 101
Mga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o raso...
115K 8.6K 76
And so? An epistolary.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
624K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.