Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 28

2K 168 21
By nakalimutankoe

Kabanata 28.

NAKAYUKO SI JORDAN ng abutan ko sa room. Gusto ko sanang gulatin kaso hindi ko na ginawa dahil mukhang pagod. Pero mukhang naramdaman niya ang pagdating ko dahil pupungas-pungas siyang nag-angat ng ulo.

"Malapit ka ng ma-late," aniya.

"Malapit pa lang," sagot ko.

Mayamaya ay dumating na si sir na agad kaming binungaran ng anunsiyo tungkol sa ipagagawa niyang project. Gusto niyang pumili kami ng isang isyung panlipunan at gawan iyon ng documentation. Groupings kaya hindi gaanong mabigat. Ang kaso lang, hindi kami ang mamimili kung sino ang makakasama namin dahil tapos na niyang buohin.

"Fernandes, Chiongson, Laude, Castillo, and Alonto . . . Group number one kayo."

"How lucky of you na kagrupo mo ako," antok niyang sabi.

"Lucky? Nagsasawa na nga ako sa mukha mo e."

Naningkit ang mga mata niya't tinaasan ako ng kilay. "Talaga ba?" At hanggang sa matapos ang klase namin ay hindi niya na ako ulit pinansin. Nauna siyang lumabas, iniwan ako kaya hinabol ko para sabayan.

"Ano'ng problema? Bad mood ka yata," wika ko.

"Nagsasawa ka na sa mukha ko, hindi ba? Bakit nakasunod ka pa?" Ni hindi man lang siya nag-abalang tignan ako.

Seryoso bang sineryoso niya iyon? "Nagbibiro lang ako, sineryoso mo?"

Huminto siya, hinarap ako at inirapan. "Wala akong ganang makipagbiruan sa iyo ngayon." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Magso-sorry ba ako? Pero wala naman akong kasalanan.

"Ano ba ang problema?"

"Masama ang pakiramdam ko! Tantanan mo muna ako, please lang!"

"Kain tayo pares mami? Libre ko na . . . ."

Matagal niya akong tinitigan bago pumayag. Sa elevator, hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko lang na balutin kami ng katahimikan hanggang sa siya ang bumasag no'n.

"Bear with me, Michael," aniya. "Hindi naman ako palaging ganito e. Hindi lang talaga maganda ang timing ng biro mo." Natawa ako.

Tatlong araw siyang ganoon; tatlong araw na bigla na lang nagsusungit, nagagalit, at hindi namamansin pero tyinaga ko na lang. Sabi nga niya, hindi siya palaging ganoon . . . na totoo naman. Hindi siya palaging masungit at hindi namamansin dahil madalas siyang palaging may sinasabi gamit ang matalas na tabas ng dila niya. Biyernes ng magdesisyon kaming magkakagrupo na simulan na ang project na pinapagawa para sa susunod ay wala na kaming iisipin.

Luneta ang napili ng grupo na lokasiyon. Lagpas alas-nuwebe na ng umaga pero wala pa rin ang iba. Dalawa pa lang kaming magkasama at kitang-kita ko sa kaniya na aburido na siya kahit wala pa namang sampung minuto na nahuhuli ang iba. Nakasuot siya ng puting panloob, floral na blazer, itim na jean, puting rubber shoes, nakapusod ang buhok, at nakasabit sa leeg ang DSLR na gagamitin namin sa documentation.

"Hindi ka ba naiinitan? Naka-blazer ka pa," saad ko. Ako nga kasing naka-t-shirt lang grabe na ang tagaktak ng pawis siya pa kayang may patong ang suot? "Hubarin mo muna kaya iyan."

"Naka-spaghetti strap ako. Gusto mo lang yatang makita ang balikat ko e."

Ngumiwi ako. "Balikat mo? Hindi na lang."

Inis niyang binalingan ang suot niyang wristwatch at walang pasensiya na pumadiyak-padiyak. Kung nakapagrereklamo lang ang semento, malamang kanina pa siya pinagsabihang tumigil.

"Ang tagal nila! Lagot sila sa akin pagdating nila," ang kanina niya pang sinasabi.

"Sampung minuto pa lang naman tayong naghihintay," saad ko.

"Kahit na. Ang usapan ay alas-nuwebe. Kapag sinabing alas-nuwebe, alas-nuwebe! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong hindi sumusunod sa oras na napag-usapan at pinaghihintay ako."

Napailing na lang ako. "Ikot na lang muna tayo," pag-aaya ko.

Nagpunta kami sa Japanese Garden. Panay ang lakad niya para kuhaan ng picture ang paligid pero hindi na ako sumunod. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi habang pinanonood siya. Nang mapansin kong ako na ang nililitratuhan niya, tinitigan siya gamit ang nangongompronta kong mga mata.

"O, bakit titig na titig ka sa akin? Crush mo ako?" pagmamaang-maangan niya.

"Parang sumosobra na yata iyang kapal ng mukha natin a . . . Taas ng bilib sa sarili."

Bahaw siyang natawa. "Ako pa talaga ang makapal, ha? Maganda ako, matalino, at masipag. E ikaw, what you've got?" Hindi ako nakasagot. Nakauwang lang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. "You've got me. Crush kaya kita."

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko pero bago niya pa iyon mahalata ay sinaway ko na ang sarili ko. Malamang pinagti-trip-an niya na naman ako. Wiling-wiling siya a.

"Lakas ng amats mo, ano? Naka-redhorse ka ba?"

"Bakit hindi ka naniniwala? Mukha ba akong nagbibiro?" Hinayaan niyang lumambitin ang camera sa leeg niya saka tinitigan ang nangungulay green na tubig sa harap namin. "Kung iniisip mong joke ito, well, hindi ako nagbibiro. Hindi ko rin alam kung bakit kita nagustuhan pero puwede na sigurong explanation ang Coulomb's Law."

Umangat ang gilid ng labi ko. "At base sa description mo sa sarili mo kanina, ikaw ang positive at ako ang negative?"

Tumango-tango siya at nag-thumbs up pa. "Exactly, Michael Jackson. Gumagaling ka na a."

"Edi parang sinasabi mo na pangit ako, tamad, at bobo."

"Well, hindi ka naman bobo. Tamad ka lang . . . Pero don't worry. Kaya nga nandito ako, hindi ba? Huhubugin kita." Kinindatan niya ako.

Wow sa huhubugin. "Ano naman ang bayad niyan?" Mukha siyang bayaran mo e.

"Manatili ka lang sa tabi ko . . . ."

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Mabuti na lang at tumunog ang cell phone niya; may text galing sa kagrupo namin, nagsasabing nandoon na raw sila sa meeting place. Pagbalik namin doon, agad niyang binungaran ang mga iyon ng, "Bakit ngayon lang kayo? Hindi ba alas-nuwebe ang usapan? Anong oras na o!"

Nagpaliwanag sila pero hindi iyon tinanggap ni Jordan kesiyo ang usapan ay usapan. "Kung hindi niyo pala kayang panindigan sana hindi kayo nag-commit . . . Tinanong ko kayo kung anong oras ninyo gusto. Kayo ang nag-suggest niyan tapos kayo ang hindi susunod? Sana nagbigay man lang sana kayo ng prior notice na mahuhuli kayo. Hindi niyo ba alam kung gaano kahalaga ang time? So irresponsible!"

Hindi naman ako kasama sa mga pinagsasabihan niya pero tinatamaan pa rin ako dahil kahit ako mismo ay walang maayos na time management. Palagi rin akong nale-late. Si Jordan ang nakatoka sa pagvi-video. Ako at ang iba naman ay sa paghahanap ng puwedeng makuhaan. Luneta ang lugar na napili namin dahil marami ritong mga tao na nagpapagala-gala at walang matirahan na puwede naming gawing subject.

Nakita namin ang dalawang batang magkapatid na nakaupo sa gilid ng puno. Ang nakatatanda ay yakap ang mas bata at nakalapag sa harap nila ang isang plastic cup. Bago sila video-han, humingi muna kami ng permiso. Hindi ko sigurado kung naiintindihan ba talaga nila kung ano ang gagawin namin pero kaagad silang pumayag matapos namin silang bigyan ng pagkain at pera. Naaawa ako sa kanila. Nasaan ang mga magulang nila? Abandonado ba sila o buong pamilya silang nasa lansangan dahil walang trabaho ang mga magulang nila?

Mayamaya dumating ang isang babaeng may bitbit na baby na nasa isang taon siguro. Suspetiyosa siyang lumapit sa amin at hinarangan ang mga bata. Tinanong niya kung ano ang kailangan namin at ipinaliwanag naman namin sa kaniya. Napanatag ang hitsura niya pero halata sa kaniya ang hiya. Nang interview-hin siya ng kasama namin, doon namin nalaman kung ano ang kuwento niya.

Originally, taga-Mindanao sila. Pero dahil sa gulo roon, nagdesisyon silang umalis at makipagsapalaran dito sa Manila. Pareho silang hindi nakapag-aral ng asawa niya at wala silang kamag-anak na mapupuntahan dito kaya sila nagpapalaboy-laboy. Sinubukan nilang maghanap ng trabaho kaso hindi sila tinatanggap dahil no read, no write sila. May pagkakataon man na nakakapasok ang asawa niya sa construction, hindi naman sapat ang kinikita no'n para makaupa sila ng bahay. Ang kakarampot umano no'ng sinasahod sa panaka-nakang pag-extra ay kulang pa na pambili ng pagkain nila sa araw-araw.

Hindi niya gusto ang situwasiyon nila. Bilang isang magulang, lalo na bilang isang ina, masakit sa kaniyang makita na dinaranas ng mga anak niya ang ganitong kalagayan. Imbis na pumasok sa eskuwelahan at mag-aral ay nasa kalsada ang mga ito para manghingi ng limos. Masakit sa kaniya na makitang tignan ito ng mga tao at pagsalitaan, pandirihan, at katakutan na para bang gagawa ang mga ito ng masama.

"Mabuti ang mga anak ko . . . 'yung situwasiyon lang ang hindi," aniya.

"Ano po ba ang gusto ninyo? Kung halimbawa man pong mapanood ito ng mga may kapangyarihan, ano po ang gusto ninyong sabihin sa kanila?"

Sandali siyang naluha bago sumagot, "Huwag ninyo sana kaming kalimutan . . . Hindi man kami bumoboto, parte pa rin kami ng bansang ito . . . Kasama pa rin kami sa mga pinangakuan ninyo . . . Sana magkaroon kayo ng programang para sa amin . . . mabigyan kami ng hanap-buhay at makapag-aral ang mga anak ko . . . ."

Pagkatapos naming mag-shoot, pare-pareho kaming teary eyed. Bago umuwi, nagdesisyon kami ni Jordan na dumaan sa Manila Bay para panoorin ang sunset. Habang nakaupo sa gilid at pinagmamasdan ang dagat na nagkukulay orange na dahil sa pagbaba ng araw, tinanong ko siya, "Sa tingin mo bakit may mahirap? Bakit hindi na lang ginawang mayaman ang lahat?"

"To balance the world," simpleng sagot niya. "Kung lahat nasa isang side, magiging masiyado iyong mabigat at hindi makakapag-function nang maayos ang mundo. Kung lahat mayaman, sino ang gagawa ng trabahong hindi nila ginagawa? On the other hand, kung lahat mahirap, sino ang mag-ce-create ng business na makapagbibigay sa kanila ng work? Kung meron ka mang dapat hilingin, hindi ang totally pagkakapantay-pantay kundi ang pagkakaroon ng mabuti't maawing puso, maunawaing isip, at malinis na konsensiya ng lahat. Kung possess iyon ng bawat isa, wala sanang napag-iiwanan."

Nakapamewang siyang tumayo sa harap ko. "Mag-picture tayo bago tuluyang lumubog ang araw," aniya.

Lumapit ako sa itinuro niya, itinaas ang mga braso at ibinuka ang mga kamay saka tumingala. Pagkatapos ay siya naman. Umupo siya nang patagilid, kunwari stolen shot daw. Dahil kalat na kalat na ang kulay orange na liwanag, silhouette na lang namin ang nakikita sa picture. Pero ayos lang, ganda nga e.

"Tayo namang dalawa."

Nilagiyan niya ng timer ang camera saka inilapag at bumalik sa kinatatayuan ko. Kung ano-anong klase ng posing ang ginawa namin, hindi iniisip ang mga tumitingin. Minsan lang ito kaya sulitin na. Hindi naman kami araw-araw nagpi-picture dito e. Nang magsawa, bumalik kami sa puwesto namin kanina.

"Ayos din na this academic year ako bumalik dahil nakilala kita," sabi niya.

"Ako rin," pag-amin ko.

Lahat ng pagsisising naramdaman ko noong pumasok ako sa engineering, paunti-unti na iyong nawawala. Minsan pala kailangan mo lang talaga ng good company.

Humarap siya sa akin. "Gumawa tayo ng kasunduan."

"Anong kasunduan naman?" tanong ko. Ayan na naman siya e.

"Na sabay tayong ga-graduate."

"Hindi ko maipapangako. Ang dami ko kayang kailangang habulin."

"Iyon nga ang challenge rito! Ibig sabihin, kailangan mong gawin ang best mo para makahabol at makasabay sa akin!"

Ngumiwi ako. "Tignan natin."

Continue Reading

You'll Also Like

257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.4K 104 46
Tala, Tula, Tinta at Tayo | Poem Collection Mga salitang hindi ko masambit sa iyo ng deritso.