Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 26

2.1K 179 27
By nakalimutankoe

Kabanata 26.

HINDI KO AKALAIN na ganito pala kahirap magsipag-sipagan. Magkaiba kami ng ginagawa ni Jordan pero magkasama kami sa library kesiyo mas gusto niya raw dito mag-aral kapag nasa school dahil tahimik. Tahimik naman talaga. Ni kaluskos nga halos wala akong marinig. No'ng may aksidente ngang nakalaglag ng gamit akala mo napakalaking krimen na no'n base sa facial expression niya. Hindi ko kayang tumagal sa lugar na ganito. Kung hindi nga lang dahil sa kaniya hinding-hindi ako papasok dito e.

"Michael Jordan," halos pabulong kong tawag sa kaniya. Salubong ang kilay niyang tumingin sa akin. "Mahigit isang buwan na tayong ganito pero bakit hindi ko pa rin nagiging habit ang pag-aaral? Akala ko ba ang sabi e, it takes twenty-one days to form a habit?"

Gusto ko rin namang magbago pero ang hirap ng ganito. Wala ba talagang short cut? Kung hindi niya nga ako pipilitin ay hindi pa ako kikilos. Pinanghawakan ko iyang kasabihan na iyan noon kaya no'ng una grabe ang determinasiyon ko pero ngayon, wala na . . . nauupos na naman.

Napairap siya. "Seriously, naniniwala ka riyan? That twenty-one days rule is just a myth!" hangin lang ang lumalabas sa bibig niya, walang boses, pero nauulinigan ko pa rin ang pagkairita niya. Malamang dahil naniniwala ako sa ganiyang bagay.

"Myth? Sabi nga ng iba totoo raw iyon e."

Tumayo siya at lumabas kaya sumunod ako. "Dito tayo mag-usap dahil nakakaistorbo tayo sa loob," aniya. "Porke ba marami ang nagsasabi totoo na agad? Huwag mong paniwalaan ang isang bagay dahil lang sa iyon ang pinaniniwalaan ng marami. Maigi kung ikaw mismo ang hahanap ng sagot . . . . At kung gusto mo talagang magkaroon ng bagong habit, aabutin ka ng dalawa hanggang walong buwan, hindi twenty-one days."

"What is your basis?" tanong ko.

Umuwang ang bibig niya. Palagi ko iyang naririnig sa mga prof e, ite-testing ko lang sa kaniya.

"A study conducted by Phillippa Lally, a psychology researcher from University College of London, entitled How are habits formed that was published at European Journal of Social Psychology on sixteenth of July, year two-thousand and nine."

Itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Suko na ako . . . . Pero tiyanggalang iyan, ang tagal pala."

"Magtiyaga ka. Ang bagay na madali mong nakukuha, mabilis ding nawawala." Bago tuluyang bumalik sa loob, may sinabi pa siya. "Maghanda ka. Mag-a-Algebra tayo ngayon." Sasagot pa lang sana ako pero naunahan niya na ako. "Huwag mong sasabihin sa akin na mahirap iyon dahil sa lahat ng mathematics na meron ang engineering iyon ang pinakamadali."

Napanganga ako. Madali? Joke time ba ito? Saan banda roon ang madali? Meron akong dalawang choice ngayon: Tumanggi o sumunod. Pero dahil kailangan ko ng makapasa, sumunod ako. Halos isa't kalahating oras din kaming nag-aaral bago nagpasiyang tumigil na muna.

"Bukas na natin ito ituloy." Inabot niya sa akin ang bond paper na puno ng problem. "Sagutan mo iyan at ibigay sa akin bukas. Kahit mahirapan ka, i-try mo pa rin. Doon ka mas matututo."

"Hindi ba puwedeng sa susunod na araw na lang? Baka hindi ko iyan maasikaso mamaya kasi may iba pa akong gagawin," hirit ko.

"Hindi." Ang tigas talaga. "Akala ko ba gusto mong magbago? Bakit gumagawa ka na naman ng excuses? Time management . . . matuto ka no'n."

Akala ko tapos na kami at aalis na pero naglabas siya ng panibagong notebook at libro.

"Para saan na naman iyan?" tanong ko.

"May exam tayo sa World Literature mamaya kaya ayusin mo na iyang sarili mo . . . mag-aaral ulit tayo."

Tama na, please. Sukong-suko na ako. "Hindi ba puwedeng mag-break muna?"

Tumingin siya sa suot niyang wristwatch. "Fine. Fifteen minutes lang."

"Ano ang magagawa ko sa fifteen minutes? Ni hindi pa ako makakarating sa cafeteria niyan e," reklamo ko.

"Sige, twenty."

"Thirty," hirit ko.

"Twenty," giit niya.

"Twenty-five." Ako na ang tumawad.

"Fine. Twenty-five."

Habang naglalakad, sinisikap kong pagpahingahin ang isip ko sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa mga puno. Buti na lang meron akong nakikita na sariwa sa paningin kaya nakaka-relax kahit papaano. Mahaba ang pila sa bilihan ng pagkain kaya tubig lang sa Coop ang nabili ko. Pagbalik na pagbalik na pagbalik ko, sinalubong niya ako ng tanong.

"Bigyan mo ako ng at least three books na malaki ang naging impact beyond their country's border."

Umayos ako ng upo. Baka lumabas nga iyan sa enumeration. Mahilig pa naman magpaganoon si ma'am. Sandali akong tumitig sa kawalan, pilit inaalala kung ano ba ang mga iyon. Na-discuss iyon last meeting kaso hindi ko na masiyadong matandaan.

"Sandali lang." Yumuko ako at pinilit ang sarili na mag-isip dahil sigurado akong hindi niya ako titigilan hangga't wala akong naibibigay na sagot. "The Odyssey . . . War and Peace . . . Don Quixote. . . Tama ba?"

Tumango siya. "Sino ang author ng Don Quixote?"

"Kasama ba iyan sa exam?" tanong ko.

"Huwag mo akong tanungin dahil hindi naman ako ang gumawa ng test paper. Sagutin mo na lang," sagot niya.

"Si ano . . . Manuel De Cervantes?"

"Miguel," pagtatama niya.

"Manuel De Miguel?" pagkaklaro ko.

"Miguel De Cervantes. And iyang book na iyan is from early sixteen hundreds . . . . Tandaan mo dahil baka lumabas sa identification. Baka lang, ha."

"Yes, boss."

Tuluy-tuloy ang tanungan namin—o baka mas tamang sabihin na tanong niya sa akin hanggang sa maubos ang free time namin. Sabay kaming lumabas ng library at tinahak ang daan papunta sa classroom.

"Ang sarap mag-aral, hindi ba? Nae-excercise ang utak natin," aniya. Nagawa niya pang sabihin iyan e parang sasabog na ang ulo ko. "Ipasa mo ang exam na ito . . . . Well, sure naman akong maipapasa mo ito dahil ako ang kasama mong nag-review.

Dumating si ma'am at "one seat apart," agad ang bungad niya sa amin. Nang maiayos ang mga upuan, isa-isa niya kaming binigyan ng booklet saka pinagsimula. Hindi ko talaga alam kung masasagutan ko ito. Naghahalo-halo na ang mga number at salita sa isip ko . . . Hindi ko alam kung matatandaan ko ba lahat ng inaral namin kanina o masasayang lang iyon.

"Huminga ka at ikalma mo iyang isip mo," pahabol na sabi ni Jordan bago binalingan ang booklet. Ginawa ko naman.

Halos dalawang minuto rin yata akong nakapikit at bumubulong ng dasal na maalala ko lahat ng inaral ko bago nagsimula. Pagkabasa ko sa mga tanong, parang gusto kong tumalon sa sobrang tuwa. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nagsusulat. For the first time in my life confident ako na meron akong maisasagot. Akala ko makakakuha na naman ako ng itlog e.

"Papasa ako, sigurado," puno ng kumpiyansa kong sabi kay Jordan ng magsalubong ang tingin namin.

"Dapat lang," sagot niya.

Bago kami palabasin, inutusan kami ni ma'am na check-an ang mga papel namin para mai-record niya agad ang scores. Hindi nga ako nagkamali. Pasado ako. Out of 50, 38 ang nakuha ko. Sobrang saya! Nang tignan ko ang papel ni Jordan, dalawa lang ang mali niya kaya niyaya ko siyang pumunta ulit si kainan ni Nanay Beth.

"Salamat sa tulong mo. Kung hindi mo ako pinipilit na mag-aral baka puro bilog pa rin ang nakikita ko sa papel ko," saad ko habang hinihintay ang order namin.

"Anong 'salamat' lang? Babayaran mo iyon," sagot niya habang prenteng nakasandal sa upuan.

"Magkano? Wala akong pera ngayon."

Magkakrus ang braso niyang umirap. "Hindi ko kailangan ng pera mo. Marami kami no'n."

Umangat ang gilid ng labi ko. Wow. "Ano pala ang gusto mong bayad, katawan ko?" Umiling-iling ako. "Tiyanggala ka naman, Michael Jordan. Hindi ko naisip na pinagnanasaan mo na pala ako . . . Mag-basketball ka na lang."

Nalukot ang mukha niya. "Mag-isip ka nga. Walang kahit sino ang magkakainteres sa katawan mo. Ang itim na, patpatin pa. Ano ka, sunog na barbecue stick?"

Nawala ang tawa ko. Ang sakit no'n a. "Ang talas ng dila mo a. Ilang beses mo iyang hinahasa sa isang araw?"

"Inunahan mo e. Gumanti lang ako," depensa niya.

Natigil lang kami ng dumating si Nanay Beth dala ang tray kung saan nakapatong ang umuusok pa sa init na pares mami.

"Kailan mo pa sinimulan itong business mo, 'Nay?" tanong ni Jordan. "Bakante pa itong puwesto na ito noong bago ako mag-stop e."

"Dalawang taon pa lang din ako rito," sagot ni Nanay Beth.

"Malakas naman po ang benta?"

"Bakit, magtitinda ka rin dito?" pakikisali ko.

Binalingan niya ako. "Hindi naman masama ang magtanong, hindi ba?"

"Ayos lang din naman . . . Sumasapat . . . ."

Nang may bagong customer na dumating, dalawa na lang ulit kami ni Jordan na naiwan sa lamesa.

"Bakit ka pala huminto?" Hindi na ko na siya tinapunan ng tingin dahil abala ako sa paghigop ng sabaw.

"Para magpagamot."

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Magpagamot?"

"May leukemia ako." Kasuwal na kasuwal lang siya samantalang ako ay halos maibuga na ang laman ng bibig. "Okay naman na pero hanggang ngayon ay nag-u-undergo pa rin ako sa mga test para ma-monitor."

"K-kumusta?" Hindi ko na alam kung ano ang dapat sabihin.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Ano ang problema mo? Para kang siraulo a. Umayos ka nga."

Hanggang sa umalis kami sa kainan ni Nanay Beth, hindi pa rin mawala sa isip ko iyong sinabi niya. May leukemia siya? Iyon 'yung cancer sa dugo, hindi ba? Iyon 'yung naging cause of death ni Sir Kiko (na paborito naming pinakikinggan ng mga kaibigan ko), hindi ba? Pero sinabi niya namang okay na siya at mukha naman siyang malakas . . . at malusog. Hindi nga halata sa kaniya na nagkasakit pala siya.

"Magpustahan tayo." Nabaling ang atensiyon ko sa kaniya ng magsalita siya at huminto sa tapat ng sapa. Dumampot siya ng dalawang bato at ibinigay sa akin ang isa. "Palayuan tayo ng hagis. Kung sino ang mananalo, puwede siyang mag-utos o humingi ng pabor. Ang matatalo naman walang karapatang magreklamo."

Ako pa ang hinamon niya. Ngumisi ako. "Sige, ladies first."

Habang pinanonood siya, nag-iisip na ako ng puwedeng ipagawa. Ano kaya kung palabhan ko sa kaniya iyong mga labahan ko? O paghugasin ng plato. Dalawang araw na iyong nakatambak lang sa lababo e . . . . Nakatatlong talon ang batong hinagis niya bago lumubog.

Mayabang niya akong hinarap. "Beat it, Michael Jackson."

Niyabangan ko rin siya. "'Yun na iyon? Sus, mahina ka pa." Hinarap ko ang sapa at bumuwelo. "Watch and learn, Michael Jordan."

Hinagis ko ang bato pero literal akong napanganga ng makitang lumubog agad iyon. Ni hindi man lang tumalon kahit isang beses para sana lumayo-layo nang kahit kaunti. Humarap siya sa akin, nakangisi na parang demonyo.

"Ngayon, kailangan mong sundin ang kahit anong sasabihin ko." Napalunok ako. Tiyanggala. Iba pa naman takbo ng utak niya. Baka pasagutan niya sa akin lahat ng libro sa library. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pahihirapan. Actually, pabor pa nga ito sa iyo e."

"Ano ba ang gusto mo?"

"Wala ka namang gagawin this weekend, hindi ba?"

Suspetyoso akong tumango. "Wala."

"Well, then, go out with me. Let's have a date." Hindi ako nakapagsalita. "Bukod sa hindi ka puwedeng tumanggi at magreklamo, ang kapal naman ng mukha mo kung gagawin mo iyon." Hindi pa rin ako nakaimik. "Sige na. Magkita na lang tayo sa tapat ng school sa Saturday. Seven o'clock A.M. SHARP. Ayaw ko ng late. Wala akong pasensiyang maghintay."

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
96.7K 3.8K 28
"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly...
2.9K 84 56
Mga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli s...
251K 16.9K 81
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...