Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 24

2K 164 34
By nakalimutankoe

Kabanata 24.

PROBLEMADO AKO NGAYON. Nakalimutan kong gawin ang activity na pinapagawa ni Ma'am Adrianne kaya wala akong naipasa. Sinubukan ko siyang kausapin na kung puwede bang ihabol ko hanggang bukas pero hindi niya ako pinayagan. Napangaralan pa nga ako e. Ang sabi niya, "A deadline is a deadline. Kapag sinabi kong sa ganito ninyo ipasa, sa ganito ninyo ipasa. Sa industry, hindi ninyo puwedeng ikatuwiran sa boss ninyo na nakalimutan niyo kasi kaya hindi kayo nakapag-comply. First year pa lang kayo pero dapat alam na ninyo kung ano ang responsibility ninyo. Hindi na kayo high school. You are now taking your step towards the real world. Hindi na puwede ang irrational reasonings. Engineer pa man din kayo."

Sa haba ng sinabi niya, "sorry po," lang ang naisagot ko. Ano pa ang sasabihin ko? Wala na akong ibang choice ngayon kundi ang tanggapin na zero na naman ako sa dalawang activity. Napakagaling talaga. Kung gagawan lang ng kuwento ang buhay-eskuwela ko siguro Jackson Alonto, the man who always gets zero ang magiging title. Kailan ba ako aalpas diyaan? Hindi naman ako manok pero palagi akong nangingitlog. Nakakasawa.

"Ano ang problema, Jack?" tanong ni Randy.

"Hindi na ako pinayagan ni ma'am na magpasa," sagot ko.

"Okay lang iyan . . . Dalawang activity lang naman e."

"Sa inyo okay lang kasi hindi naman kayo namomroblema sa grade ninyo dahil ang laki ng puhunan ninyo noong midterm. E paano ako?" Hindi ko na naitago ang inis ko. Halata naman kasing hindi ayos sa akin tapos sasabihing okay lang. Nakakatarantado marinig.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Chill."

Naiiling na lang akong iniwan siya. Paano ako mag-chi-chill? Dahil nga sa "chill" na iyan kaya hindi ako nakagawa e. Puro chill kasi ang alam ko sa buhay. Wala bang sasapak sa akin diyaan para matauhan ako?

Nagtuloy-tuloy ang klase namin at napapansin ko na hindi talaga nag-i-improve ang academic performance ko. Nakaka-score man ako, hindi naman umaabot sa passing rate. Natatagpuan ko na rin ang sarili ko na dumidistansiya kila Randy dahil sa dahilang hindi ko rin alam . . . Siguro kasi nararamdaman ko na hindi naman talaga ako dapat sumasama sa kanila . . . Na iba ako sa kanila dahil mahusay sila at palaging nakakapasa sa lahat ng exam . . . hindi gaya ko. Hindi ako naiinggit sa kanila. Sa totoo lang masaya naman ako dahil hindi sila namomroblema. Ang akin lang, parang hindi ako bagay na mapasama sa grupo nila.

Nang matapos ang finals, tiyak ko na agad kung ano ang dapat kong asahan. Mag-isa akong nagpunta sa Building C para buksan ang student portal at tignan ang grades ko. Ayaw ko na sana iyong gawin dahil alam ko naman na ang makikita ko pero dahil kailangan kong magpasa ng grade slip kay Ma'am Concepcion, napilitan ako. Hawak ang maliit na piraso ng papel kung saan nakaimprenta ang mga subject at grades ko, tulala akong tumayo sa gilid para hintayin si ate dahil sasamahan niya raw akong papirmahan iyon sa registrar.

Paano ko ito ipapakita sa kaniya? Hindi ako nakabawi e. Tatlong subject agad ang bagsak ko at iyong iba ay tres. Katagalan, hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha. Humarap ako sa pader at mariing kinusot ang mga mata. Ano ang gagawin ko ngayon? First semester pa lang ito pero inulan na ako ng shooting star. Mas maigi na rin siguro ito habang hindi pa ganoon kalaki ang na-i-invest sa akin ng school. Pero kahit na . . . Saan kami kukuha ng pambayad? Renta pa lang sa dorm magkano na.

"Jackson." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni ate. "Nasaan na ang grade slip? Patingin nga ako." Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso habang inaabot iyon. "Susmaryosep!" Sa lakas ng pagkakasabi niya, pati iyong guard at ilang dumadaan ay napatingin sa kaniya. "Ano ito?" Bakas ang pagiging problemado at pagkadismaya sa boses niya.

"Grade slip," pilosopo kong sagot sabay tawa.

"Ano ang nakakatawa?" Salubong pa rin ang kilay niya.

"Ano ang gusto mo, umiyak ako rito? Huwag. Saka na lang kapag wala ng tao."

Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya na itinuloy. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at naunang naglakad. Pagkatapos naming magpapirma, sunod naming pinuntahan ang office ni Ma'am Concepcion. Nang makita ang grades ko, kitang-kita ko kung paano gumuhit ang pagkadismaya sa mukha niya. Ilang minuto kaming binalot ng nakabibinging katahimikan bago niya iyon binasag.

"Alam niyo naman ang penalty, hindi ba? Na-discuss ko iyan bago ko pinag-sign ng contract si Jackson," aniya.

Hihingi na sana ako ng pasensiya at magtatanong kung hanggang kailan puwedeng bayaran ng yumuko si ate at nagsimulang magmakaawa.

"Nakikiusap po ako sa inyo . . . Bigyan niyo pa po sana ng isa pang pagkakataon ang kapatid ko . . . Parang awa niyo na po . . . Nakikiusap ako . . . ." Halatang gusto niya ng umiyak pero nagpipigil lang.

"I'm sorry, Jersey, pero hindi ko puwedeng gawin iyan. Meron tayong agreement, hindi ba?" mahinahong sagot ni Ma'am Concepcion.

"Alam ko po iyon pero nakikiusap pa rin po ako sa inyo. Magbabaka-sakali pa rin po akong i-co-consider ninyo ang pakiusap ko . . . Kahit ano pong trabaho ang ibigay ninyo sa akin ay gagawin ko. Maglilinis ako ng swimming pool, ng gymnasium, ng mga building . . . Kahit outside school premises po . . . bigyan niyo lang ng isa pang pagkakataon ang kapatid ko . . . ."

Tuluyang pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Pero bago pa nila makita iyon ay napunasan ko na. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita na ganito si ate . . . Na nagmamakaawa at hindi pa para sa sarili niya. 'Yung Jersey na nakikita ko ngayon, napakalayo sa Jersey na palaging nambu-bully sa amin. Sobrang pagkakonsensiya ang nararamdaman ko. Gusto ko na siyang awatin at yayain umalis pero hindi ako makakilos.

Ilang minuto ang dumaan, sumusukong napahugot ng malalim na hininga si Ma'am Concepcion. "You're that eager, ha. Siguradong hindi ito ito-tolerate ng boards but I will do my very best to cover Jackson." Tumingin siya sa akin. "Just promise me na hindi mo na sasayangin ang pagkakataon na ito. Huwag mong ipakita sa amin ng ate mo na mali ang naging desisyon naming magtiwala sa iyo."

Napalunok ako. "O-opo . . . ."

Lumabas kami ng office na hindi problemado kung saan kukuha ng pambayad. May bahagi ko ang masaya dahil nga ganoon pero may bahagi ko rin ang natatakot. Paano kung maulit lang ang nangyari? Bukod sa panibagong problema iyon, siguradong masisira ko rin ang tiwala na ibinigay sa akin ni ate at ni Ma'am Concepcion.

"Ayusin mo na iyang pag-aaral mo, naiintindihan mo? Kung hindi, hindi lang batok ang aabutin mo sa akin," wika ni ate.

"Sa tingin mo ba talaga kaya ko? Nakita mo naman iyong mga grades ko e. Paano kung ganoon lang ulit ang mangyari?"

"Hindi katiwa-tiwala iyang mukha mo pero pupusta pa rin ako sa iyo kasi kapatid kita," sagot niya. "Pero kung gusto mong mag-improve iyang grades mo, i-improve mo ang paraan kung paano mo dinadala ang sarili mo. Baguhin mo ang mga hindi magandang bagay na nakasanayan mo."

Bigla kong naalala iyong sinabi ni Sir Cams noong minsang kinausap niya ako. Sisihin mo ang sistema pero huwag ang sarili mo.

"Sige na, mauuna na ako. May kailangan pa akong puntahan." Pero hindi pa man tuluyang nakakalayo, muli siyang lumapit sa akin. "Nga pala . . . Sa enrollment ninyo, itanong mo kung puwede kang magpa-advance ng subject. Kung hindi ka payagan, subukan mo ulit sa adjusting period. Dalawang linggo naman iyon."

Nang hindi ko na siya matanaw, nagdesisyon akong magpunta sa garden para sana magpahangin. Nakita kong mag-isa roon si Jordan at mukha namang hindi abala kaya nilapitan ko na.

"Michael," agaw ko sa pansin niya.

Nakaangat ang gilid ng labi niyang bumaling sa akin. "Michael, huh."

"Bakit nandito ka, nagmuni-muni?"

"Palagi akong nandito," sagot niya.

Wala na akong ibang maisip na puwedeng pag-usapan kaya inilapag ko na ang tanong ko tungkol sa kung bakit hindi ko siya nakikita sa ibang subject namin gaya ng Engineering Drawing, Introduction to College English at Philippine History.

"Irregular student ako," simpleng tugon niya.

"Irregular? Ano iyon? Saka paano nagiging ganoon?" Wala talaga akong kaide-ideya kung ano iyon. Ngayon ko nga lang iyon narinig e.

"Returnee kasi ako. May mga subject kayo na na-take ko na bago ako nag-stop. At na-credit naman."

Ibig sabihin huminto rin pala siya. May bahagi ko ang gustong malaman kung bakit pero hindi naman kami ganoon ka-close para alamin ko pa. Ano ba ang malay ko kung personal reason pala at hindi niya gustong sabihin sa iba.

"Ah. Kapag returnee ka pala magiging irregular ka," nasabi ko.

"At kung may bagsak . . . Pati na rin kung transferee ka."

Napatitig ako sa kaniya. "Edi magiging irregular na rin pala ako."

"Ano ba ang naibagsak mo?"

"Engineering Drawing, Engineering Algebra, Solid Mensuration . . . ."

"Irreg na talaga ang labas mo niyan. Ang tindi pa dahil may mga prerequisite iyang mga naibagsak mo."

"Prerequisite?" Ngayon lang din iyon narinig. Tinapunan niya ako ng tingin na para bang hindi makapaniwala. "First time ko sa college. Wala pa akong masiyadong ideya kung paano tumatakbo ang mga bagay rito," depensa ko sa sarili ko.

"'Yung mga subject na naibagsak mo ay merong karugtong. For example, iyang Engineering Algebra . . . Karugtong niyan ang Analytic Geometry at Plane and Spherical Trigonometry ng second semester. At marami pa iyan silang nakapila sa higher level. Dahil hindi mo nga naipasa ang pinakaumpisa, hindi mo mate-take ang mga kasunod. Parang stages lang din iyan ng laro e. Hangga't hindi mo na-ki-clear ang stage one, hindi ka puwedeng mag-proceed sa stage two."

Bigla akong nanlumo. Wala namang ganito noong high school a.

"Puwede ka pa rin namang maging regular ulit basta mahabol mo iyon . . . Pero sa kaso mo, duda ako. Ang daming prereq ng Algebra at Mensuration."

Hindi ako nakasagot. Ang dami ko pa lang subject na hindi makukuha . . . Paano ako makakahabol? Makaka-graduate ba ako ng limang taon lang?

"Pero ano ba ang masama sa pagiging irregular? Mas advantage pa nga iyon sa iyo dahil marami kang makikilala't makakasalamuha . . . lalo na kung sociable ka."

"Edi marami ka ng nakilala?" Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa usapan namin.

"Bukod sa kaunti lang ang subject ko at naka-block ako sa section ninyo, wala rin akong interes makipagkilala." Bumilog ang labi ko. "Kita mo nga ang nangyari sa iyo o. Nag-flop ka dahil hindi mo kinikilatis ang mga sinasamahan mo. Wala kang taste sa kaibigan."

Nangunot ang noo ko. "Ano ang sinasabi mo? Na hindi ako dapat maghanap ng kaibigan kasi masama ang epekto sa akin?"

Baka kaya wala siya kahit isa dahil ganiyan ang mindset niya.

Nalukot ang mukha niya. "Pakigamit ang utak, please. Hindi ko sinasabi na huwag kang makipagkaibigan. Ang sinasabi ko, piliin mo kung sino ang sasamahan mo. Choose your friends wisely. Hindi mo naman ikamamatay kung bilang lang sa daliri ang kaibigan na meron ka. Ikaw na lang, halimbawa . . . Marami ka ngang kaibigan pero natulungan ka ba nilang makapasa? Aware sila na sobrang poor ng academic performance mo pero nag-insist ba sila na tulungan at turuan ka? Hindi ka ba nabubuwisit na sa circle of friends ninyo lahat sila pasado maliban sa iyo? Nag-offer man lang ba sila na i-tutor ka sa mga subject na nahihirapan ka?"

Hindi ako nakasagot agad. "Hindi ako nabubuwisit dahil pasado silang lahat. Iyon naman ang deserve nila."

Umirap siya. "Hindi mo nakukuha ang punto ko. Bahala ka na nga." Tumayo siya at isinukbit sa balikat ang bag. "Mauuna na ako."

"Ingat ka," mula sa kung saan kong sabi.

"Ingat ka." Nakaismid niyang panggagaya sa sinabi ko saka ako iniwan.

Pag-alis niya ay naiwan akong mag-isa. Tumulala ako sa kawalan at inisip kung paano ako babawi ngayong parating na second term. Ano kaya ang gagawin ko? Makakabawi kaya talaga ako?

"Bakit ba kasi ganito ako? Mahina na nga ang utak, tamad pa." Yumuko ako at nasabunutan ang sariling buhok. Ngayon lang talaga ako naging ganito kaproblemado dahil sa pag-aaral.

Nag-angat ako ng tingin ng mapansin ang pares ng sapatos na nakaturo sa direksiyon ko. Si Jordan . . . .

"Kung pinoproblema mo ang second semester, mag-advance study ka."

"Salamat sa payo," tanging nasabi ko.

Bigla niyang hinagis sa akin ang plastic bottle ng mineral water na hawak niya. "Uminom ka muna. Halatang tensiyonado ka e. Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nababawasan iyan."

Bahagiyang kumurba ang labi ko. "Salamat."

"Anong salamat? Bayaran mo iyan."

Umuwang ang labi ko. "Seryoso ka ba?"

"Depende sa iyo." At tuluyan niya akong iniwan.

Habang papalayo siya, nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya. Ibang klase. 

Continue Reading

You'll Also Like

440K 6.8K 82
read the prologue^___^ enjoy reading!!
28K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2.8K 306 101
Mga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o raso...