Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 21

2.1K 157 24
By nakalimutankoe

Kabanata 21.

LATE AKONG NAGISING. At dahil hindi tumatanggap ng late sa klase ang professor namin sa General Chemistry, ginawa ko ang pamoso kong technique—ang gumapang at ipaabot sa kaklase ang bag. Mabuti na nga lang at lab kami ngayon kaya siguradong hindi niya ako napansin dahil abala siya sa sa pagde-demonstrate ng activity namin. Habang pinagmamasdan siya, nagsimula na naman akong bulungan ng katamaran . . . at hindi ko talaga iyon malabanan.

Yumuko ako at pinabayaan ang sarili na matulog. Kung sana lang may katabi akong babatok sa akin gaya ng ginagawa ni ate at pipilitin akong mag-focus. Pakiramdam ko kasi hindi ko talaga kaya kung ako lang ang tutulak sa sarili ko. Napabalikwas ako ng marinig kong isinigaw ang apelyido ko. Nakangising napakamot na lang ako sa ulo ng makita si sir na nakapamewang at tinataasan ako ng isang kilay.

"What is matter?" mula sa kung saan niyang tanong.

Tumingin ako sa whiteboard para hanapin ang sagot pero wala. Word na 'matter' lang din talaga iyong nakasulat.

Ilang sandaling katahimikan ang dumaan bago ako sumagot, "It doesn't matter, sir."

Tumawa ang mga kaklase ko pero halatang hindi siya natutuwa. Deja vu. Ganito rin iyong nangyari sa akin dati kay ni Ma'am Gomez a. Pero kung noon pinatayo lang ako, ngayon pinalabas ako at hindi pinayagang makapasok hanggang sa natapos ang oras ng klase kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa loob.

"Ano ang nangyari?" Salubong ko kila Matthew paglabas nila ng laboratory.

"May take home activity tayo, next week ang pasahan," si Martin ang sumagot.

"Tungkol saan?"

"Gagawa ka lang ng model ng state of matter. Madali lang iyon. Kayang tapusin kahit twenty-minutes."

"Pang-elementary nga e," dagdag naman ni Randy. Madali lang pala e. Edi hindi ko muna iisipin.

Nasa cafeteria kami ng matanaw ko si Jordan na mag-isang kumakain habang nagbabasa ng kung ano. Hindi ko alam kung notes ba o libro dahil hindi ko naman makita ng malinaw kung ano ang hawak niya. Ilang buwan na kaming pumapasok pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakahanap ng kaibigan niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. Pero hindi ko rin naman masisisi ang mga kaklase namin dahil masiyado talaga siyang intimidating at nakakatakot lapitan. Kung titignan kasi ang hitsura niya, mukha talaga siyang isnabera at walang pakialam sa kahit na sino.

"Ano ang tinitignan mo?" Nabaling ang pansin ko kay Matthew.

"Wala," mabilis kong sagot.

"Sama ka mamaya? Laro tayo." Agad akong pumayag. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakadutdot ng keyboard e.

* * *

Namamawis ang palad ko at gusto ko ng lumabas. Tiyanggala. Bakit ba kailangang mag-recitation? Paulit-ulit akong nagsasabi sa mga kaibigan ko kung gaano ako kinakabahan pero paulit-ulit lang din nila akong sinasagot ng, "okay lang iyan." Hindi nga okay e. Hindi ko alam kung ano iyong mga nakasulat sa board. Hindi ko alam kung paano sasagutan ang kahit isa lang doon. Paano kung matawag ako? Habang binabalasa ni Sir Cams ang index card namin, ramdam ko na ang pag-ikot ng tiyan ko. Sana hindi ako matawag.

Kaso mukhang ayaw makisama sa akin ng tadhana. Late yatang narinig ni Lord 'yung dasal ko dahil buong pangalan ko agad ang unang lumabas sa bibig ni sir at gusto niyang sagutan ko ang number one. Hindi ako tumayo agad. Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya pero pasensiyoso niya iyong inulit. Walang takas.

"Sir . . ." Sasabihin ko sanang hindi ko alam kung paano iyon ng magtaas ng kamay si Jordan kaya nalipat sa kaniya ang atensiyon ng lahat.

"Yes, Ms Chiongson?" ani sir.

"If you don't mind, I want to answer problem number one."

"You're going to volunteer for Mr Alonto? Kaibigan ka ba niya?"

"No," mabilis na pagtanggi ni Jordan.

"If so, bakit ikaw ang nag-vo-volunteer? Ang inaasahan kong tutulong sa kaniya ay ang mga kaibigan niya."

Dinampot ni Jordan ang papel sa lamesa niya at itinaas para makita ng lahat. "Sumubok akong magsagot and I think I got the right answer. Hindi ako nag-vo-volunteer para sa kung sinoman kundi para sa papel at ink ng ballpen ko. Hindi ko gustong nasasayang sila."

Pigil ang ngiti ni sir na tumango-tango. "Go ahead, Ms Economical. The floor is yours . . . And ikaw naman . . . Mr Alonto, you may take your seat."

Habang pinapanood kong magsagot si Jordan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip. Kailan kaya darating iyong araw na magiging kasing lakas ng loob niya iyong akin na magsagot dahil alam ko kung ano ang gagawin? Pagbalik niya, pasimple kong ibinulong ang pasasalamat ko. Totoo namang iniligtas niya ako ngayon.

"Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko? Hindi iyon para sa iyo," aniya.

"Kahit na . . . Salamat pa rin." Hindi niya na ulit ako pinansin.

Sunod-sunod ang naging pagtatawag ni sir hanggang sa masagutan lahat ang sampung problem na inilapag niya. Pagkatapos ng klase, hinayaan niyang makalabas ang lahat maliban sa akin. Talagang hinarang niya ako sa pintuan. Tiyanggala, mapapagalitan pa yata ako a.

"Pakiramdam mo ba napahiya kita kanina?" panimula niya. Gusto kong sabihin na oo kahit hindi niya naman siguro intensiyon iyon pero hindi na ako sumagot. "Humihingi ako ng pasensiya para doon . . . pero sana maging lesson ito sa iyo. Kailangan mong mag-aral para sa susunod na tatawagin kita, kasing confident ka na ni Ms Economical."

Ibig sabihin may balak pa nga talaga siyang tawagin ako ulit.

"Napapansin ko rin ang scores mo sa exam. Wala pa akong natatandaang may naipasa ka kahit isa . . . Be mindful, Mr Alonto . . . Hindi ako nadadala sa mga pakiusap. Wala na tayo sa high school. Kung ano ang nakuha mo, iyon lang din ang ibibigay ko sa iyo. If you want a fine grade, show me a fine effort. Hindi ako naniniwala na hanggang diyaan lang ang kaya mo. Ma-e-extend mo pa iyan . . . Kaya mo pa . . . May problema lang sa sistema mo kaya hindi mo magawa."

"Sistema? Baka po ako talaga iyong problema." Natawa ako.

"Wala sa tao ang problema. Nasa sistema niya iyon kung paano niya dadalhin ang sarili niya. Sisihin mo ang sistema pero huwag ang sarili mo . . . At ngayong aware ka na na problematic ang system mo, sana gawan mo ng paraan kung paano iyon aayusin. Industrial Engineering ang program natin, hindi ba? This field of engineering also deals with the system. Sa higher level niyo nga magkakaroon kayo ng course na Systems Engineering. Ibig sabihin, kailangan mong maging system thinker. Fix your system at magiging mas magaan para sa iyo ang takbo ng mga bagay."

Nakakatuwa na napakakalmado niyang magsalita kaya wala akong takot o kabang nararamdaman. Para lang siyang tatay na masuyong pinapangaralan ang anak. Ang kaso nga lang, hindi naman talaga siya ganoon katanda. Siguro nasa mga 25 or 30 lang siya, pero sobrang matured.

"Sige po, sir. Maraming-maraming salamat po," tanging nasabi ko.

Sa Solid Mensuration, surprise quiz ang bumungad sa akin. Kaya pala naka-one seat apart na ang mga upuan namin. Hay buhay na lang talaga. Kung nakakasira lang ng papel ang titig, malamang na kanina pa nagkagutay-gutay ang hawak ko. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan lang iyon e. Dalawang oras akong ganoon hanggang sa sabihin ni ma'am na kami ang magche-check ng papel namin. Gaya ng inaasahan ko, zero na naman ako. Alam ko na kailangan kong pumasa pero hindi na ako aasa.

Susunod na sana ako ng labas sa mga kaibigan ko ng senyasan ako ni ma'am na sumunod sa kaniya. Nagpaalam ako kina Randy at sinabayan si ma'am hanggang sa makarating kami sa faculty. Wala pa ang ibang professor dahil baka nasa klase pa kaya kami lang ang tao. Kung halimbawa mang papagalitan niya ako at least hindi ako gaanong mapapahiya dahil walang ibang makakarinig.

"Sigurado naman akong may ideya ka na kung bakit gusto kitang makausap," ani Ma'am Colares. Tumango lang ako. "Now, I want to hear from you . . . Ano ang balak mong gawin para makahabol? Next week na ang midterm exam and lahat ng quiz mo sa akin ay bagsak. Kung hihintayin mo pa ang finals, kailangan mong i-make sure na kung hindi perfect, at least half ang score na makukuha mo."

Hindi ako nakaimik.

"Nalaman kong scholar ka pala rito . . . at alam ko kung ano ang mangyayari kapag nakakuha ka ng below two point twenty-five na grade. Ayaw kong maging reason ng burden ninyo ang subject ko kaya ngayon pa lang ay kinakausap na kita."

"Opo," tanging nasabi ko.

"Do your best, Jackson. Alam kong mahirap kaya I am requiring you na doblehin—o triplehin—pa ang effort mo. Kung nahihirapan ka talaga, I'll provide an extra materials for you. Kailangan mo ring tulungan ang sarili mo."

"Opo, ma'am . . . ."

Bigla akong nawalan ng gana. Sino ang hindi? 'Yung situwasiyon ko ngayon ay nasa bingit na ng alanganin pero wala akong magawa. O baka mas tamang sabihin na wala akong ginagawa. Gustuhin ko mang magpakasasa sa pag-aaral, natatagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatamad. Wala pa ako sa kalahati pero parang ayaw ko ng magpatuloy. Kung hindi lang dahil sa penalty kapag natanggal ako scholar o kaya nag-drop malamang hindi na naman ako nag-aaral ngayon.

"May problema ba sa inyo? Baka iyon ang reason ng poor academic performance mo."

"Hindi po. Wala namang pong problema sa bahay," sagot ko.

"I see. Help yourself, Jackson. Gustuhin ko mang bigyan ka ng consideration, magiging unfair iyon para sa iba mong classmate na ibinibigay ang best nila despite their situation."

"Opo, ma'am . . . ." Wala na akong ibang masabi.

Pataob kong hinagis ang sarili ko pagdating sa dorm. Halos mabaliw na ako kakaisip sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral ko. Next week na ang midterm exam namin pero wala ako sa wisyong mag-review. Kahit nga buksan lang iyong bag ko wala akong ganang gawin e. Para akong naiiyak tiyanggala. Midterm pa lang ito sa unang taon pero ganito na . . . Paano pa kaya 'yung mga susunod? Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng frustration at pressure dahil sa pag-aaral.

Dati kapag may bagsak ako binabale-wala ko lang. Pero ngayon? Hindi ko na talaga alam. May mangyayari ba talaga sa akin? May pag-asa ba ako? Tiyanggalang iyan. Parang wala yata talagang magandang kinabukasan ang naghihintay sa akin e. 

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 578 123
Short Compilation of Different Spoken Poetry
16.8K 163 44
FREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kw...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...