Ang Teacher ng Section 13

By wenwendangi_writes

40.2K 1.8K 110

Si Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea... More

INTRODUCTION
CHAPTER 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Passed or Failed?
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
CHAPTER 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
LAST CHAPTER

CHAPTER 2

1.2K 63 0
By wenwendangi_writes

CHAPTER 2

Maagang nagising ang dalawang magkaibigan kinabukasan. Hindi maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ni Sabrina samantalang kabaligtaran naman ito ng nararamdaman ni Alex.

“Uy, bat para kang i-ne-lbm sa itsura mo? May problema ba?” tanong nito sa kaibigan habang nag aagahan sila. Parehas na silang bihis at ready na sa pag pasok.

“Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko. Tsk. Ni wala akong experience sa pag tuturo! At ayoko ng P.E subject!” nakasimangot na sabi nito habang napapatingin pa sa suot nilang P.E uniform na pang teacher. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na pinauwi siya ng kuya niya para maging teacher siya ng delinquent section ng Mondragon Academy. Hindi niya pa nakikita ang mga magiging estudyante niya kaya naman medyo kinakabahan siya.

“Hayaan mo, sa una lang yan! Malay mo naman mag enjoy ka sa mga estudyante mo.” mas lalo siyang sumimangot sa idea. Isipin niya palang ang klaseng hahawakan niya ay nag kakaroon na siya ng anxiety.

“Mag enjoy?! Eh hindi ko pa nga alam kung anong klaseng mga estudyante yung mga iyon eh. Tsk.” Nag patuloy silang dalawa sa pag kain hanggang sa matapos sila at lumabas ng bahay.

Parehas silang P.E teacher. Ang mag kaiba nga lang ay sa third year mag tuturo ang kaibigan niya habang siya naman ay walang ibang babantayan kung hindi ang section 13 na sinasabi ng kuya niya. Hindi niya pa nachecheck ang records nito pero base sa mga nababasa niya at narinig noong una siyang pumasok sa academy ay mga asal hayop daw ang mga ito at walang sinasanto. Kailangan niyang habaan ang pasensya niya oras na makapasok ito sa classroom ng section 13.

“Ampanget naten! Buwisit na papaw iyan..” nakasimangot na sabi ni Sabrina habang nasa biyahe sila papuntang Mondragon Academy. Sumang ayon siya sa sinabi ng kaibigan. At dahil kailangan nilang itago ang totoong pag katao nila lalo na si Alex, nag disguise sila bilang mga nerdy na teacher. Pinag suot ng malalaking salamin at kinulot ng mga buhok. Hindi niya akalaing magiging panget ang isang dyosang modelo ng AM Clothing line.

“Hindi ko alam na ganito kapanget ang magiging kinalabasan nating dalawa. Buwisit na kuya iyan.” Inis siyang nilabas ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kuya niya.

“Hello princess?! Where are you now? You’re late!” ramdam  nito ang iritasyon sa tono ng kaniyang na ikinadagdag pa lalo ng inis niya.

“Baka! Babo! Pinag mukha mo kaming panget na hampas lupa sa pa outfit mo kuya!” sigaw niya sa cellphone na ikinatahimik nito.

“Hehehe don’t be mad princess, para rin sa inyo iyan. Nga pala bilisan niyo at naiinis na ang mga teacher sa pag hihintay. Ipapakilala ko kayo sa kanila.” At tuluyan ng ibinaba ng kapatid nito ang linya.

“Aish! Neomu jajjeungna!(nakakainis!)” wala siyang magawa kung hindi sumimangot na lalo pang naakapag papanget sa kaniya. Habang ang kaniyang kaibigan ay parang excited pa sa pag pasok sa Academy.

“Ma’am, hanggang dito ko lang po kayo pwedeng ihatid ang sabi ni Sir Allen. Baka raw po may makakilala sa inyo. Huwag po kayong mag alala ma’am, ayun lang po ang school.” sabi ng driver ng sasakyan nila. Walang nagawa ang dalawa kung hindi sumunod at lumabas na sa kotse. Luminga-linga sila sa paligid at mabuti at walang gaanong estudyante sa bahaging iyon.

“Maraming salamat po manong,” inayos na nilang dalawa ang mga sarili at binitbit ang sarili nilang mga backpack bag. Oo backpack ang bag na gamit nilang dalawa dahil ampanget daw tingnan kung naka P.E uniform silang dalawa pero naka shoulder bag.

Nagsimula na silang mag lakad papasok ng Academy. Wala ng estudyante dahil oras na ng klase at late na nga talaga silang dalawa kaya minabuti nilang mag madali sa pag lalakad.

Nang makapasok sila sa Admin building ay dumiresto sila sa faculty office kung saan nandoon ang kuya niya.

“Oh, here they are..” kapansin-pansing natahimik lahat ng mga teacher at natulala sa dalawang pumasok.

“Who are they?…” bulong ng isang teacher na babae mula sa third year.

“Sila na ba iyan?”

“Bat ganiyan ang itsura nila?”

“Sigurado ba silang dito sila mag tatrabaho?”

“Baka naligaw lang sila…” tumaas ang isang kilay ni Alex sa mga naririning. Pasiring niyang tiningnan ang mga ito at puro sila babaeng teacher. Mula higher section ang mga ito ng 4th year.

‘Ang aarte, mga tsismosa.’ Tiningnan niya ang mga ito nang masama at hindi naman nag patalo ang mga tsismosang guro. Agad na umakyat ang inis sa ulo niya.

‘Ganitong klase bang teacher ang hina-hire ni kuya sa Mondragon Academy? No wonder kaya maraming siraulo kunong mga estudyante dito.’

“Ehem..” inirapan niya ang mga ‘co-teachers’ at inis na bumaling sa kuya niyang pinanlakihan siya ng mata. Inirapan niya rin ito at tumingin sa mga teacher na naroon sa faculty office.

“Sila ang bagong hire na teachers dito. This is Ms.  Andrea Faustino (Sabrina), she will be a P.E teacher for third year students, and this is Ms.  Stella Mari Nivera, and she will be the new P.E  teacher for fourth year students and she will be the new class adviser of section 13.”

“EHHH?!” kaniya-kaniyang reaksyon ang mga guro dahil sa narinig.

“But sir, baka saktan lang siya ng section 13 at hindi niya kayanin ang pag uugali ng mga ito!”

“Babae pa siya baka mapano pa siya sa section 13!”  sabi ng mga teacher habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam nito ay concern talaga ang mga teacher sa kaniya dahil kitang kita ito sa mga reaksyon nila. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba dahil sa mga nakita.

“Good luck sa kaniya girl.. look at her, ayaw nila sa panget na teacher..  siguradong tatalsik siya sa labas ng classroom ng section 13..” Pasiring na tiningnan niya yung tatlong teacher na kanina pa siya nilalait. Mas lalong nag iinit ang ulo niya dahil dumagdag pa ang mga ito sa inis na nararamdaman niya.

“A-ahh.. huwag po kayong mag-alala, kaya po ni Stella ang sarili niya.” Napatingin naman siya sa kaibigan. Kinindatan siya nito.

“A-ahh hehehe o-oo nga po.. k-kaya ko ang sarili ko!” pilit pinasisigla ang boses na sabi niya kahit na gusto niyang ihagis ang mga feeling magandang co-teachers.

‘tss.. humanda kayo sa evaluation..’ inis na sabi niya sa isip bago bumaling sa kuya niya.

“By the way, dito ang magiging table niyong dalawa, katabi niyo sina Ms. Chan at Ms. Santos. Sila ang bahala sa inyo. I’ll go ahead.” Sabi ng kuya nito at lumabas na ng faculty office.

Kaniya-kaniya namang kuha ng gamit ang iba pang mga guro at lumabas na rin para sa klase nila.

“Hello sa inyong dalawa! Ako si Ayumi Chan, Biology teacher ako ng section 13” nakangiting pakilala ng babaeng guro sa kanila. Nginitian naman nila ito.

“Nakakapag takang babae ang hinire ni Sir. Mondragon na adviser ng section 13. Eh walang tumatagal sa section na iyon.” Dagdag ni ma’am Santos.

“Oo nga, parang kahapon lang ay nag resign na si Mr. Sanchez na ika-sampung teacher humandle sa kanila dalawang buwan palang mula nung mag bukas ang school year.” Natitigilang tumingin sa kanila si Alex at Sab.

“I-ika sampu?” tanong niya pa sa daawang teacher at tumango naman ang mga ito.

‘Ganon na karami?!’

“H-huwag kayong mag alala kay Stella, kayang-kaya niya yun hehe ayy may klase na pala ako, see you later!” dali-dali namang umalis si Sab papuntang klase niya. Siya ang naiwan kasama ang iba pa niyang ‘co-teacher’. Mabuti nalang at wala na dito yung tatlong intrimitidang guro na grabe makatingin sa kaniya.

“Nako hija, ikaw pala ang bagong adviser ng section 13! mag iingat ka sa section na iyon aba!” sabi ng isang lalaking may katandaan na. Malamang ay guro rin ito ng section na iyon.

“Alam mo bang walang tumatagal ng kalahating oras sa klaseng iyun?” Si Ma’am Santos habang may inaayos na papel. Walang nag tatagal? At bakit?

“Ang section 13 ang last section 4th year students at sila lamang ang section na nandoon. Lagi silang nambubully ng mga teacher na lalaki. At namboboso naman ng teacher na babae.” Dagdag ng isang p.e teacher na lalaki. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

“T-Talaga po? Pero bakit section 13? Hindi ba dapat section D? Eh apat na sections lang ang mayroon sa 4th year?” nauutal na sabi niya. Hindi siya makapaniwala.

“Alam mo Ms. Nivera, ang mga estudyante ng section 13 ay malas para sa mga teacher. Tinawag silang section 13 dahil palaging may hindi magandang nangyayari sa mga teacher ng 4th kapag nag tuturo sila doon.” Natahimik naman ang dalaga sa kwento ng co-teachers niya.

‘kung ganon ay sakit nga talaga sila sa ulo at kailangan nilang maturuan ng mabuting asal.’

“Ang dami na nilang nagawang hindi nagustuhan ng mga teachers. Minsan nag lalagay sila ng kung ano-anong wirdo at nakakadiring bagay sa mga part ng classroom nila na pwedeng daanan ng teacher. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa sila makick out sa dami ng kamalasang nagawa nila.” Kwento pa ni Ayumi sa dalaga. Sa halip na kabahan ay nakaramdam ng inis si Alex. Parang ngayon din ay gusto na niyang pasukin ang kaniyang klase at bigyan sila ng leksyon. Pero naalala niya ang sinabi sa kaniya ng kuya niya na huwag papatol sa mga estudyante.

“A-ahh hehe m-may student record ba kayo ng section 13? pwede ko silang tingnan?”  tanong niya sa mga teahers habang inaasikaso ang schedule niya. Maya-maya ay may inabot na papel sa kaniya si Ms. Santos.

“Ayan ang mga estudyante ng section 13. Iniwan iyan ni Mr. Sanchez para sa’yo.” isa-isa niyang tiningnan ang nasa listahan. At halos mapanganga siya ng makitang halos mag kakaedad lang sila o isang taon lang ang pagitan nila!

“Hmm gulat ka ano? Yung iba kasi diyan mga dalawa beses ng umulit. At ito, ” Itinuro ni Ms. Chan ang isang estudyante.

“Siya si Jun Anthony Shin. 21 years old. Transfer student from Japan mayaman ang pamilya niya at matalino naman siya. Siya lang ang mayaman sa section 13. Ewan ko ba kung bakit nandon siya sa section 13 eh ang yaman yaman niyan. At dapat kang mag-ingat sa kaniya, dahil siya ang kinatatakutan sa buong Mondragon Academy ng mga estudyante maging kaming mga teachers.” Mahabang kwento ng kasama sa kaniya habang siya naman ay nakatingin pa rin sa lalaking nasa papel.

“Alam mo ba kung bakit siya nag transfer dito? Dahil nambugbog siya ng isang teacher sa dati niyang school sa Japan. Halos mapatay na niya ang teacher na iyon kaya naman na kick out siya. Kung hindi ako nag kakamali tatlong taon siyang hindi pumasok sa school matapos ma kick out. Mabuti nga at hindi na siya idinemanda non dahil bukod sa menor de edad siya ay binayaran ng pamilya niya ang lahat ng damages na ginawa niya sa teacher…” natigilan siya sa pag babasa at naatingin sa mga co-teachers.

“A-ano ho?”

“Siya ang tinuturing na leader ng section na iyon.”  Tatangu-tango namang nakikinig ang dalaga sa sinasabi ng mga bagong kasamahan.

“Walang sinumang teacher o estudyante ang nag tatangkang lumapit diyan dahil bukod sa sobrang tahimik niya sa klase ay alam ng lahat ang background niya. Kung hindi ako nag kakamali ay may lima siyang kaibigan sa classroom na iyan. At yung mga ‘yon ang nangunguna sa pambubully ng mga kapwa nila estudyante at mga guro..” Rinig iyang sabi ni Ayumi habang nakatingin pa rin sa class record.

“Araw araw ay laging may kaguluhan sa classroom na iyan. Walang nakakatagal na mag turo sa kanila. Kaya siguro ganiyan ang nirecommend sa iyong uniform para na rin hindi ka mabastos ng mga iyun..” Dinig niya pang sabi ng isang matandang lalaking guro.

“Basta, pag may ginawa silang masama sa iyo ireport mo agad sa heads.” Dagdag pa ni Ayumi.

“Siya sige na may klase pa kami. Goodluck sa first day mo!” nag paalam na ang dalawang teacher sa kaniya habang siya ay nag hahanda na rin sa pag pasok. Dinala niya ang isang stick at class record ng section 13 tsaka lumabas ng faculty room at nag tungo sa kabilang building.

Habang nag lalakad siya ay may mga nakakasalubong itong mga estudyante ng lower year. May ibang bumabati sa kaniya at may iba namang hindi siya pinapansin. Nang makarating siya sa dulo ng building ay laking gulat niya nang may makitang teacher na humahangos at tila pagod na pagod. Dali-dali siyang tumakbo patungo rito.

“Sir! A-ayos lang po ba kayo? Anong angyari sa inyo?” tanong niya sa teacher na hiniingal pa rin. Nakita niyang may mantsa ng mga basag na itlog ang damit ng guro.

“Kasalanan ito ng mga estudyanteng iyon ng section 13!! ayoko nang mag turo sa kanila!” at tumakbo ito paalis sa building na iyon.

‘section 13? sila ang may gawa non?’ kumunot ang noo ni Alex sa narinig at tiningnan ang pintong pinanggalingan ng teacher.

“Kung ganon dito ang classroom nila? Bakit naka isolate yata?” takang tanong niya pa. pansin niyang ito lang ang classroom dito sa dulo ng building.

‘ganon ba ka barumbado ang mga batang iyon?’ bumuntong hininga siya at lumapit sa pintuan ng classroom.

“Kaya mo yan Alex.. bata lang yang mga yan…” pumikit siya at hinawakan ang doorknob ng classroom at binuksan iyon.

“GOOD MORNING CLASS----“ Laking gulat niya nang Makita ang itsura ng classroom.. punong-puno ng bandalismo ang mga pader. Ang whiteboard na napaka rumi.. ang mga upuan at lamesang napakagulo at mag kakapatong patong..

AT ANG MGA ESTUDYANTENG NAG SISIGAWAN AT NAG KAKAGULO!

“Oh my God…” Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Kitang kita niya ang nagaganap sa classroom na iyon. Sinubukan niyang kunin ang atensyon nila.

“C-class! Please arrange your seats!” mataas ang tonong sabi niya pero hindi nag patinag ang mga estudyante at sige parin sa pag babatuhan ng mga papel at kung ano ano pang bagay. May mga estudyanteng nag papasahan ng basketball. May mga estudyanteng nag sisigawan at mga estudyanteng natutulog!

‘Oh my God… what the hell is this?!’ hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Dinaig niya pa ang isang foreigner na naculture shock sa nakikita niya! Iniisip niyang naligaw yata siya sa isang bilangguan!

Ikinuyom niya ang kamao niya nang makitang walang nag bago at tila wala siya sa harapan ng mga loko. Sinubukan niyang pukpukin ang mesa gamit ang hawak niyang stick.

“Be quiet please!!!” sigaw niya pero wala paring nakikinig sa kaniya. Unti unting kumunot ang noo niya at ikinuyom ang kaniyang kamao. Wala talagang nakikinig sa kaniya at sa sandaling iyon ay hindi niya na kayang palampasin ang nangyayari.

“Inuubos niyo ang pasensya ko…” dali dali siyang lumapit sa mga ito at…

“Naneun joyonghi meongcheonghadago malhaessda!!!(I said be quiet jerks!)”  parang may dumaan na anghel matapos ang napakalakas na sigaw na iyon. Bahagyang nagitla si Alex nang makitang nasa kaniya na ang atensyon ng mga estudyante.

“H-hehe.. good morning class! Ako ang new adviser niyo kaya mas mabuting umupo muna kayo nang ma check ang attendance niyo.” Dali-dali itong tumalikod sa mga estudyante at nag simulang mag sulat sa white board.

“Ako si Stella Mari Nivera, 23 years old. Ako ang magiging P.E teacher niyo---“ natigil sa pag sasalita si Alex nang maramdaman niyang may tumamang maliit na bagay sa likod niya. Pumikit siya dahil sa inis na nararamdaman at nag patuloy sa pag susulat.

‘As long as it is not a raw egg, just ignore them Alex..’

“Since ako ang magiging adviser niyo, kailangan nating makilala ang isa’t isa. Kailangan niyong mag pakilala one by one and state your hobbies.” Umupo ang dalaga sa kaniyang upuan at nag tiningnan ang listahan ng section. Hindi lingid sa kaalaman dalaga ay may isang estudyante and kinuha ang golfball at akmang ibabato ito sa guro. Ibinato niya ang bola at saktong nag angat ng tingin ang dalaga para saluhin yon!

“What the hell?” hindi makapaniwala ang buong klase sa nasaksihan.

“Paano niya nasalo yung bola?”  lahat sila ay tutok sa teacher.

“Ang cool non!” KAhit hindi nakatingin ay alam g dalaga kung sino ang bumato sa kaniya ng golfball at nag mula iyon sa bandang likod ung saan nakapwesto ang tahimik at natutulog na lalaki.

“Wow! Hobby mo ang golf? Pero mali yata ang ginawa mo. Hindi naman ganon mag golf hehe pero maganda yan! Sa mga susunod na lectures and activities tuturuan ko kayong lahat kung paanong mag laro ng golf!” masiglang sabi ni Alex sa bumato ng golf ball sa kaniya. Pilit na hindi ipinahahalata ang inis na nararamdaman.

“Ampanget niya.” At dinig ang tawanang iyon ng mga estudyante habang parang wala namang paki alam ang lalaking hindi man lang nagitla sa malaks na tawanan at nakadukmo lamang sa sariling mesa nito.

“Tingnan ko lang kung makaiwas ka pa rito.” Nakangising sabi naman ni Ren at ibinato ang isang dart patungo sa direksyon ni Alex. Ngunit lalo silang natahimik nang magawa nitong ilagan ang dart.

“Oh.. hobby mo ang pag dadart?! Magaling! Pag aaralan natin yan sa klase ko! Huwag kayong masyadong excited! Ano pang sports niyo guys?” nakangiting sabi pa ng dalaga sa kaniya. Inis namang tumingin sa kaniya si Ren at ang iba pa nitong kasama na sina Joshtin Joson, Niccolo Sanchez, Roigie at Justin Fernanez.

“At sino ka naman para sundin namin? Lumayas ka na dito kung ayaw mong matulad sa panot na huklubang teacher kanina!” sigaw nung isang estudyante. Kaagad na nag pantig ang teinga niya sa narinig. Gustong gusto niyang bugbugin ang gumawa non sa teacher na nasalubong niya kanina.

‘Mga walang respeto..’

“Ano pang itinatanga-tanga mo diyan?! Alis na panget!” at nag simulang mag ingay ang mga estudyante niya. nag sisimula nanaman sila sa pag iingay.

“Sumusobra na kayo…” bulong niya at tiningnan na niya ng masama ang mga estudyante niya.

“Kung ayaw mong umalis, kami ang aalis.” Akmang bubuksan nan i Josh ang pinto nang bigla  ay nakarinig sila ng kalabog.

*BOGSH*

“Walang.lalabas.sa.klase.ko.” Malamig na sabi ng guro matapos ihampas ang hawak nitong stick sa table niya na ngayon ay bali na dahilan para mataimik lahat ng nasa klase. Gulat namang napapatingin sa kaniya ang iba pang estudyante. Ang iba’y nag tataka sa kaniya ngunit ang iba nama’y bahagyang nakaramdam ng takot sa ipinakikita ng guro.

“Ayusin niyo ang mga upuan niyo at mag sisimula na ako.” sabi pa nito at inilabas ang laptop niya sa bag. Umaktong parang walang nangyari.

Pero imbis na sundin siya ay dali daling lumapit si Ren sa harapan para dakmain ang damit ng dalaga. Hindi alintalang babae ang kaharap.

“Anong karapatan mong utusan kami ha?! Ang akala mo ba susundin ka namin? Hoy, nag sasayang kalang ng oras.!” sigaw ni Ren sa mismong mukha ni Alex.

“Ako ang class adviser niyo. Ngayon umupo ka na at mag sisimula na ang klase.” Nakangiti niya pang sambit sa harap ng estudynte na siyang namang lalong ikinaasar nito.

“Aba’t sumusobra kana----“

“Ren.” Tawag ng isang estudyante mula sa likuran.

“Jun..”

“Enough…” Sabi pa nito.

“May araw Karin sakin!” at agad na binitawan ni Ren ang teacher.

‘So, siya yung leader ng section na ito? tss..’ inis na sabi ni Alex sa isipan niya dahil malapit na siyang sumabog sa inis.

“Uumpisahan ko ang klase sa pag tuturo ng tamang asal.” Malamig na sabi nito. Nag simula siyang mag klase at himalang tahimik ang buong klase.


End of Chapter 2

Continue Reading

You'll Also Like

133K 3.3K 20
This is a series of Reddie oneshots i make up during the day. Started- 9/26/17
256K 5.8K 57
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
1.2M 58.2K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
69.6K 2.7K 48
She's a monster... And a cursed for everyone.