Ang Teacher ng Section 13

By wenwendangi_writes

40.1K 1.8K 109

Si Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea... More

INTRODUCTION
CHAPTER 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Passed or Failed?
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
CHAPTER 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
LAST CHAPTER

CHAPTER 1

1.9K 58 6
By wenwendangi_writes

AUTHOR'S NOTE:

HI! AFTER SO MANY YEARS! DECIDED TO PUBLISH THIS AGAIN! ENJOY READING!

CHAPTER 1

Hindi maipinta ang itsura ni Alex sa sinabi ng kaniyang kuya. Sinabihan kasi nito siyang umuwi nang Pilipinas dahil sa may pinoproblema nanaman ang kaniyang kuya. O baka ang kaniyang mga magulang nanaman.

"You need to come back here Alex. Kailnagan ko talaga ng tulong mo. Please princess..."

"NO! Ayokong umuwi!" mataas ang tonong sabi nito sa kaniyang kapatid.

"But Alex! Please kahit ito lang princess.. Kuya needs you! I need you so please go home now.. Our parents need you..."

Bagamat naiinis ay bahagyang nanlambot si Alex sa boses na iyon ng kaniyang kapatid. Tila desperado na itong umuwi siya sa Pilipinas. Ngunit muling sumagi sa isipan niya kung paanong ipagkasundo ito ng kaniyang mga magulang sa mga lalaking hndi niya man lang nakita o nakilala.

"No. Hindi ako uuwi. And that's final!" inis na sigaw niya sa kuya niya through phone call at tuluyan ng ibinaba ang tawag. Inis na inis sya sa narinig. Maayos ang buhay niya sa Korea at maayos niyang napapatakbo ang pag aaring clothing line at hindi niya magagawang mag bantay ng paaralan.

Ayaw niyang umuwi ng Pilipinas dahil ayaw niyang marinig na ipagkasundo nanaman siya ng kaniyang mga magulang sa mga lalaking hindi naman niya kilala.

Pero muli nanamang pumasok sa isipan niya ang mga sinabi ng kaniyang kapatid kanina sa tawag.

'I need you princess.. Our parents need you..'

"Nakakainis!" panandaliang nahiga sa kaniyang kama ang dalaga at nag isip.

'ano nanaman kayang gagawin ko pag umuwi ako? tiyak na mag se set nanaman ng arrange marriage ang mga magulang ko'

Mula sa pag kakahiga ay muli siyang bumangon at tinawagan ang kaniyang secretary.

"Hello Agnes. Book me a flight tomorrow morning to Philippines. Thank you." Napipilitang mag empake ito ng kaniyang mga damit.

Nang matapos itong mag empake ay tinawagan niya ang kaniyang pinsang babae na si Channel.

"Hello my cousin! Napatawag ka?" si Channel ay pinsan ni Alex na may ari ng mga mall sa America at sa iba't ibang parte ng mundo.

"Ahm.. may sasabihin ako..."

"ahh alam ko na yag sasabihin mo. Tinawagan na ako ni kuya Allen at pumayag na akong bantayan ang company mo hee in Korea." Napahilamos nalang ng mukha kasabay ng pag buntong hininga si Alex. Talagang plinano ito ng kaniyang kapatid at wala na talaga siyang magagawa.

"Don't worry ako ng bahala sa company mo. Umuwi kana ng Pinas" walang nagawa ang dalaga kung hindi sumang-ayon sa sinabi ng pinsan.

'Humanda ka sakin kuya kapag nakauwi ako..'


"Please sir don't go. Gagawan namin ng paraan ang section 13! kung kinakailangan ay parurusahan namin sila huwag niyo lang silang bitawan!" ilang beses ng pinakikiusapan ni Allen ang kasalukuyang History teacher at adviser ng section 13 na si Mr. Sanchez na nag pasa ng resignation letter. Ito na ang ika-sampung adviser na nag resign dahil sa kagagawan ng mga sakit sa ulong estudyante ng section na iyon. Nag patawag siya ng meeting kasama ang mga teachers ng 4th year nang matanggap niya ang nangyari sa section 13.

"Ayoko na! mamamatay ako nang maaga sa mga asal hayop na etudyanteng iyon! Gusto ko pang mabuhay nang matagal!" anas ng matandang guro.

"Please sir give us chance para maayos po ito. Huwag po muna kayong umalis..." sabi naman ng isang babaeng guro sa biology na si Ms. Ayumi Chan.

"Mag hanap na lang kayo ng papalit sa akin! Ayoko na!" muling sigaw nito at galit na lumabas. Sandaling katahimikan ang namutawi sa mga guro.

"Ano na'ng gagawin natin? Mukhang wala nang may gustong maging adviser ng section na iyon." Parang nauubusan na ng pag-asang saad ng head teacher na si Mr. Quizon.

"Kailangan nating makahanap ng susunod na adviser ng section 13 Mr. Mondragon."

"Bakit kaya hindi muna ikaw ang humandle sa kanila Ms. Chan?" turo ng isa pang guro sa English na si ma'am Santos.

"What?! Hindi pwede! Mababastos lang siya doon! At baka kung ano pang gawin sa kaniya ng mga estudyanteng iyon!" sabi pa ni Ma'am Paras, ang Filipino teacher ng section 13 na palaging binoboycot ng section 13.

"Kailangan nating madisiplina ang mga estudyante ng section 13. madami ang hindi nag eenroll dito sa school dahil takot sa kanila! masisira ang reputasyon ng Mondragon Academy!" Anas ng Head teacher.

Lahat sila ay nag sasalita sa conference room habang si Allen ay tahimik na nag iisip. Si Allen ang Principal samantalang chairman naman ang kaniyang ama ng eskwelahang iyon. Sa edad na tatlumpo ay tinanggap niya ang alok ng kaniyang mga magulang na patakbuhin ang nag iisang pamana ng kanilang mga ninuno sa kanila. At ayun ang Mondragon Academy.

Isa ang Mondragon Academy sa mga pinaka matandang paaralan na nakatayo sa buong Cavite. Open ito sa lahat ng nakatira sa buong Cavite. Isa itong all-boys private high school. Karamihan ng estudyanteng nag aaral dito ay anak mayaman. Pero dahil sa sobrang mahal ng tuition fee ay kakaunti lamang ang estudyanteng nag aaral dito. Kaya naman para dumami ang bilang ng mga mag-aaral ay gumawa siya ng programa na nag bigay oportunidad na makapasok lahat ng estudyanteng walang kakayanang makapag bayad ng tuition. Ang Mondragon Academy ay nag tayo ng panibangong building na siyang nag silbing paaralan para sa mga estudyanteng libre ang tuition mula 1st year hanggang 4th year.


Ang section 13 ay matatagpuan sa building na ipinatayo niya para sa mga estudyanteng libreng nakakapag aral sa paaralan. Tinawag itong section 13 ng mga guro kahit ang totoo ay apat na section lamang mayroon 4th year ng Mondragon Academy. Dati pa lamang ay rinig na ng binata ang tungkol sa section na iyon ngunit ipinag walang bahala niya ito nung una. Ngunit hindi inaasahang ganito pala kalala ang madadatnan niya bilang principal. Sa loob ng tatlong taong pamamalakad niya bilang principal ay walang guro ang hindi nag tagal sa tinaguriang hostile section ng Mondragon Academy hanggang sa makarating sa board ang kalokohan ng mga estudyanteng iyon. Nangako siya sa kaniyang ama na lilinisin ang pangalan ng Mondragon sa pamamagitan ng pag papatino sa naturang mga estudyante dahil kung hindi ay maki kick out lahat ng nasa section na iyon.

'Tatanda ako ng maaga dito. Shit.' Dumagdag pa sa frustration ni Allen ang usapan nila ng kaniyang kapatid. Hindi ito pumayag sa pakiusap nya dahil akala nito ay ipag kakasundo nanaman ito ng kanilang mga magulang. Ngunit mali ang kapatid dahil walang kinalaman ang mga magulang nito sa usapan nila.

"Kailangan natin ng adviser na makakapag patino sa kanila." Sabi ni Ms. Chan.

Tumikhim siya para kunin ang atensyong ng mga kaguruan ng 4th year.

"Don't worry. Ako na ang hahanap ng adviser nila." Tumayo ito sa kinauupuan atsaka dumiretso palabas ng conference room. Muli niyang tinawagan ang kaniyang kapatid ngunit out of reach na ito.

Bumalik siya sa office niya at doon ay nakita niya ang kaniyang kasintahan na si Sabrina Alejandro. Kaibigan din ito ng kaniyang kapatid. Nang dahil kay Alex at nag kamabutihan sila.

"Mamaw.." agad na nawala ang frustration na nararamdaman niya at agad na lumapit sa girlfriend.

"Mukhang madami kang problema papaw ah" nakaupo ito sa mahabang sofa ng office niya. Nahiga ang binata sa mga hita ng dalaga.

"Same problem mamaw. Ang mga pangahas na estudyanteng 'yun gagawin akong matanda." Natatawang kwento niya sa kasintahan habang pansamantalang pumikit.

"Sira. Nga pala papaw, susunduin ko nga pala si Alex sa airport today!" agad na napatayo si Allen sa narinig at nanlalaking mga matang nakatingin sa kasintahan na tumatawa.

"A-ano kamo?"

"Ako ang susundo sa kapatid mo sa airport at sabay kaming papasok dito para mag turo! At papaw, wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo ay mag tuturo ako dito "I'll go ahead na papaw. Love you!" humalik na muna ang dalaga sa kasintahan na naulala dahil sa narinig. Ilang sandal pa ay nabalik sa ulirat ang binata.

"WHAT THE--- SABRINA!!!!" Ngunit tumatawa lamang na umalis ang kasintahan nito.


NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

"Amoy usok." Natatawang bulong ni Alex sa sarili pag kalabas ng eroplano. Tatlong taon na mula nung pumunta siyang Korea para ipag patuloy ang kaniyang passion sa pagiging fashion designer. At iba ang pakiramdam nang bumalik siya muli sa Pilipinas para sa hiling ng kuya niya. And speaking of kuya.

"Hayst... kailangan kong malaman ang gustong gawin ng gurang na iyon. Baka sabihin niya kela mom na nandito na ako." Luminga linga siya sa paligid at hanggang ngayon ay wala pa siyang nakikita na susundo sa kaniya.

"God! Hindi ko pala siya nasabihan na ngayon ang uwi ko!" agad na kinuha ni Alex ang phone niya para twagan ang kuya niya nang may marinig siyang boses.

"Alexandra! Here!" agad na tumingin siya sa pinanggalingan ng boses at laking gulat niya nang makita ang kaniyang bestfriend at the same time girlfriend ng kaniyang kapatid.

"SAB!" dali dali siyang tumakbo. Wala siyang paki alam kahit na five inches ang takong ng boots na suot niya.

"Oh my God Alex! I miss you so much!" sinalubong siya ng kaibigan at niyakap ito ng mahigpit.

"Namiss din kita Sab!" nakangiti nitong sabi sa kaibigan. Sobrang saya niya na makita ulit ito matapos ang tatlong taon.

"Let's go! Marami pa tayong pag uusapan. Mamaya na tayo pumunta sa kuya mo." Sabi ni Sab at sumakay na sila sa kotse nito papunta sa mall.

Nang makarating sila sa MOA, ay agad na pumunta sa isang restaurant ang dalawa. Nakaramdam na ng gutom si Alex kaya naman nag yaya muna itong kumain.

"Oh, kumusta ang Korea at Japan besh?" tanong ni Sab habang umakain sila.

"Ayun. Nang dahil kay kuya kailangan kong iwan ang kompanya ko sa pinsan ko at naiwan rin ang mga loko..." Nakasimangot na kwento niya nang maalala muli ang usapan nila ng kapatid.

"Mabuti naman at pinag bigyan mo siya. Ang kuya mo kasi may malaking problema ngayon." Nangunot naman ang noo ng dalaga sa sinabi ng kaibigan.

"Ano? Si kuya? Mamomroblema? Eh ang alam ko kaya niya ako pinauwi dahil sa parents namin" sabi pa nito habang kumakain. Iyon lang ang alam niyang dahilan ng pag uwi niya dito.

"But tita Alexa and tito Callen doesn't know that you're coming home. And, nasa America sila for a business trip noh." Natigilan siya sa pag subo dahil sa narinig. 'what? Hindi alam ng parents ko na nandito ako?' nag tatakang tiningnan niya ang kaibigan.

"Yes. Ang kuya mo ang may kailangan sa iyo girl. Kailangan ka niya sa school niya dahil sa mga estudyante niya." Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang mag sink in lahat ng narinig niya.

"Mworagu?! (What did you say?)" nanlalaking matang tanong niya sa kaibigan. Hindi makapaniwala..

"Tss. Huwag ka ngang mag salita ng Korean! Hello, nasa Pilipinas ka na?!" sarkastikong sabi ni Sab pero hindi iyon pinansin ng dalaga.

"Ano kakong sinabi mo?" tanong ni Alex.

"Gusto ng kuya mo na maging teacher ka sa Mondragon Academy. Ikaw ang magiging adviser ng Section 13"

"WHAT?!!!"


MONDRAGON ACADEMY HIGH SCHOOL

"Woaaah tol chiks!"

"Ex ko yan pre.."

"Gago, girlfriend ko yan brad.."

"Sht. Chiks nga!"

"So hot baby!" habang nag lalakad sina Alex at Sab papasok ng office ay dinig nila ang usapan ng mga estudyanteng lalaki sa paligid. Batid nilang sila ang pinag uusapan ng mga ito ngunit dire-diretso lang sila sa pag lalakad.

"Geezz... ganito ba talaga ang mga bata dito? Daig pag first time makakita ng babae ah.." mahinag bulong ni Alex habang inaayos ang kaniyang Louis Vuitton shades. Natawa naman ang kaniyang kaibigan.

"Ano pa nga ba? Eh all-boys high school ito." Naiiling na nag patuloy sila sa pag lalakad hanggang sa marating nila ang prncipal's office.

"Papaw," panimula ni Sab nang makapasok sila. Ngunit gulat sila nang makitang natutulog ang kapatid nito.

"See? Stress ang gurang." Natatawang bulong ni Sab. Imbis na mainis ay bahagyang nakaramdam ng awa si Alex nang Makita niya ang kapatid.

"Gisingin mo na siya.." mahinang bulong ni Alex. Ayaw niyang ituloy ang balak nitong pag bugbog sa kuya dahil naawa ito. Naupo nalang siya sa mahabang sofa.

"Papaw.. wake up... your sister is here.." bulong ni Sab sa kasintahan..


"Hmmm..." Nagising ito ngunit hindi pa nakikita ang bagong dating na kapatid.

"Mamaw..." yumakap pa ito sa kasintahan at hindi parin napansin ang presensya ng kapatid..

"Ampangit ng tawagan niyo ah.." sabi nito habang nakatingin sa kanilang dalawa. Para namang nagising na ng tuluyan ang diwa ni Allen at nanlalaki ang matang napatayo ito at lumapit sa kapatid..

"Princess!" niyakap siya nito nang mahigpit a mahigpit na ikinatawa naman ni Sab.

"I miss you so much Princess..." nakayakap na sabi ng kuya nito sa kaniya. Agad namang nanlambot ang puso niya sa narinig. Niyakap din niya pabalik ang kapatid.

"I miss you too kuya.."

Nakatingin lamang si Sab sa mag kapatid. Halatang miss na miss ng dalawa ang isa't isa. Pero kailangan niyang putulin ang sandaling iyon..

"Ehem.. papaw.. We need to talk.." napatingin sa kaniya ang mag kapatid..

"Oh no mamaw.. hindi ako papaya---"

"No kuya. Parehas kaming papasok dito sa school.." sabi ni Alex at natigilan nanaman ang kuya nito.

"P-pero Princess---"

"Kuya, alam kong gusto mong ako ang maging adviser ng section 13 na sinasabi mo. But alam mo namang wala akong experience sa pag tuturo diba?" seryosong sabi ng dalaga. Hindi kailanman pumasok sa isip niya na mag turo dahil para sa kaniya ay iyon ang pinaka nakakastress na trabaho. Ngunit nang marinig niya ang dahilan ng pag uwi niya dito at walang kinalaman ang magulang niya, wala siyang choice kung hindi ang tulungan ito.

"Alam ko ring namomroblema ka. And papayag ako sa gusto mo kung kasama si Sab.." ito ang napag kasunduan ilang dalawa bago mag punta dito. Nalaman lahat ni Alex ang problema ng kaniang kapatid at ang gusto ng kaniyang kaibigan.

"Huwag kang mag alala, kaya namin ni Alex. Hindi mo yata kami kilala sweetheart?" nakangising sabi pa ni Sab sa kasintahan. Tila wala nang choice si Allen. Bumuntong hininga siya at tumango na.

"Pero sa isang kondisyon..."

"What?!" sabay na tanong ng dalawang dalaga. Kumunot naman ang noo ni Allen.

"What? Alam ko ang ugali niyong dalawa. Kaya mahirap mag desisyon sa gusto niyo dahil baka lalong mag ka problema." Alam ng binata ang ugali ng kapatid at ng girlfriend. Kailangan niyang gawin ang kondisyon niya para na rin sa kapakanan nilang dalawa.

"Hindi kayo makikilala sa pangalan niyo. Itatago niyo ang identity niyong dalawa naiintndihan niyo ba?"

"Ehh?!" sabay na reaksyon ng dalawa.

"Paano yon kuya?! eh nakita na kami ng mga estudyante dito!"

"Kaya nga ginawan ko na ng paraan! Alam kong wala akong magagawa sa pag pasok niyo dito pero bilang principal ng Modragon Academy ay sundin niyo ang ipagagawa ko." May iniabot na dalawang folder ang binata sa dalawa.

"Yan ang magiging profile niyo sa school na ito. Iyan din ang magiging itsura niyo for disguise and sa address na iyan kayo titirang dalawa. Third year ang tuturuan mo mamaw at ikaw naman ang magiging adviser ng section 13 princess. At tandaan! Walang mini skirt o dress na suot! Since pareho ko kayong ilalagay sa P.E department. Yan. P.E uniform ang isusuot niyo."

Hindi makapaniwala ang dalawa sa narinig. Napatanga sila sa folder na hawak nila na nag lalaman ng sinasabing identity nilang dalawa.

"And lastly, follow the code of ethics. No violence. Hindi niyo pwedeng saktan ang mga estudyante niyo.."

"WHAT?!!!"

"That's final. Kapag nasangkot sila sa kahit anong gulo na may kinalaman sa inyo, matatanggal kayo. At ikaw Alex, kapag may nangyaring masama sa mga estudyante mo, makakarating ito kina mom and dad, malalagot tayong parehas. Now, go home. You will start tomorrow." Walang nagawa ang mag kaibigan ung hindi sundin ang mga sinabi ng binata. Hindi makapaniwala ang dalaga sa mga nangyayari. Hindi niya gusto ang pagtuturo ng mga estudyante pero ito siya, haharap sa section 13 bukas at binigyan pa siya ng mabigat na responsibilidad ng kuya niya. Hindi niya akalaing gantong tulong pala ang kailangan ng kaniyang kapatid.

-------------------

Gabi na nang marating ng mag kaibigan ang apartment na titirahan nila. Dala dala ng dalawa ang kanilang mga gamit at sobrang dami non kaya naman pagod na pagod sila.

"Nandito na pala kayo. Magandang gabi mga hija." Nakangiting bungad nito sa kanilang dalawa.

"NANNY!!!" Sigaw ni Alex at agad na tumakbo palapit sa matanda atsaka niyakap ito nang mahigpit. Si Manang Celia matagal nang kasambahay ng mga Mondragon at siyang kasama ng dalaga mula pag kabata. Ilang taon ding wala sa Pilipinas ang dalaga kaya naman miss na miss niya ang ginang.

"Aguuy, miss na miss yata ako ng alaga ko" nakangiting sabi ng matanda sa nakayakap sa kaniyang dalaga.

"Ang laki mo na, at napakaganda mo hija..." naiiyak na tumingin naman si Alex sa kanyang nanny at parang batang ngumuso.

"I really miss you Nanny.." parang batang sabi pa nito na ikinatawa ng matanda at ni Sab.

"Oh siya Sabrina, Alex, halina kayo at nag handa ako ng hapunan niyo." Nag tungo ang mga ito sa hapag kainan at kumain. Habang kumakain sila ay panay ang kwento ng matanda.

"Nabanggit sa akin ng kuya mo na papasok kayong dalawa ng Mondragon para mag turo." Ngumuso naman si Alex samantalang nakangiti naman si Sab.

"Nako, alam niyo na po pala nanny, totoo po iyon, nakakaexcite nga po. Diba Alex?" Masayang sabi pa ni Sab sabay tumingin sa nakansimangot na si Alex.

"Anong nakakaexcite don? Ni wala akong ka alam-alam sa ituturo ko. Basta-basta lang tayong pinasok ng gurang na iyon sa school niya." Saad nito matapos isubo ang pagkain. Natawa naman ang matanda at si Sab sa sinabi ng dalaga.

"Iga-guide naman kayo ng mga kasamahan niyo roon panigurado, hindi kayo pababayaan ng kuya mo. Kailangan niyong habaan ang pasensiya nyong dalawa dahil seryosong trabaho ang papasukin niyo. Lalo kana Alex." Nakangiting saad nito sa dalawa. Kilala niya ang alaga sa pagiging maikli ang pasensya at mainitin ang ulo. Kaya naman todo payo ito sa dalawa.

Matapos ang hapunan ay agad itong bumalik sa kwarto para mag pahinga na. Naligo mun si Alex matapos ayusin ang kaniyang mga gamit sa kwarto. Hinanda niya na rin ang mga gagamitin niya bukas dahil maaga silang papasok ng kaibigan niya.

Nang matapos ang lahat nang gawain ay inihagis niya ang kanyang katawan sa kama.

"Sa wakas..." nakangiting sabi niys nang maramdaman ang lambot ng higaan. Sandali siyang tumitig sa kisame ng kwarto at inalala ang mga nangyari ngayong araw.

"Magiging teacher ako.. hindi ko akalaing mag tuturo ako. ano kayang mangyayari bukas.."

At hindi niya namamalayan na nakatulog na siya sa sobrang pagod.





End of Chapter 1

Continue Reading

You'll Also Like

493K 2.7K 11
Sharmaine Lorenzo was known as a book nerd and a nobody, yet she was smart and competitive. She was content with her life in New York until her famil...
201K 4.5K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
69.5K 2.7K 48
She's a monster... And a cursed for everyone.
22.1K 1.8K 39
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.