Rogue Wars Online

By trikxster

448K 39.4K 29.6K

Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and e... More

Rogue Wars Online
Chapter One: The E-Mail
Chapter Two: Beta-Tester
Chapter Four: Towards the Next City
Chapter Five: Monsters Parade
Chapter Six: Revolution Flag
Chapter Seven: The Bait
Chapter Eight: Down the Rabbit Hole
Chapter Nine: A Strange Fellow
Chapter Ten: A Familiar Face
Chapter Eleven: Lone Wolves
Chapter Twelve: Round Trip Metropolis
Chapter Thirteen: The Strongest Alliance
Chapter Fourteen: Cut Off One Head, Two More Shall Take Its Place
Chapter Fifteen: Work in Teams, Work Together
Chapter Sixteen: City of Magic
Chapter Seventeen: Dark Arts
Chapter Eighteen: Training
Chapter Nineteen: A Mentor
Chapter Twenty: Takoyakis and Leagues
Chapter Twenty-One: A Reunion of Some Sort
Chapter Twenty-Two: Never Lose You Again
Chapter Twenty-Three: First Match
Chapter Twenty-Four: Treat
Chapter Twenty-Five: A Match to Catch the Hider
Chapter Twenty-Six: Let the Magus Match Continue
Chapter Twenty-Seven: A Match Untold
Chapter Twenty-Eight: City of Mazes
Chapter Twenty-Nine: A Word of Protection, A Promise of Death
Chapter Thirty: Mind and Weapons
Chapter Thirty One: Punish the Unworthy
Chapter Thirty-Two: New Plans and Old Paths
Chapter Thirty-Three: What The Benefit Implies
Chapter Thirty-Four: Predators
Chapter Thirty-Five: Sparrow's Lion Cage
Chapter Thirty-Six: Exhaustion
Chapter Thirty-Seven: Beast's Castle
Chapter Thirty-Eight: You're With Me Now
Chapter Thirty-Nine: Tale as Old as Time
Chapter Forty: Twisted Tales and Horrors
Chapter Forty-One: Our Dark Side
Special Chapter: Materialization Shiritori
Chapter Forty-Two: Always a Tomorrow for us Four
Chapter Forty-Three: Distraction for the Dungeon
Chapter Forty-Four: A Happy Ending is Worth the Risk
Chapter Forty-Five: Moving Forward
Chapter Forty-Six: The Tenth City
Chapter Forty-Seven: Fly to the Top
Chapter Forty-Eight: A Shadow's Hatred
Chapter Forty-Nine: A Sparrow's Wrath
Chapter Fifty: Monsters
Chapter Fifty-One: Player Killers No More
Chapter Fifty-Two: I Died with Her
Chapter Fifty-Three: The Girl Whose Sin is Envy
Chapter Fifty-Four: For Some Friendships Don't Last
Chapter Fifty-Five: Summer is Here
Chapter Fifty-Six: Treasure Hunts for Monster Nests
Chapter Fifty-Seven: Giant Mecha's Nest
Chapter Fifty-Eight: The First Fall
Chapter Fifty-Nine: Reflect Thy Sins
Chapter Sixty: Shattered Mirrors
Chapter Sixty-One: The Boy Whose Curse is Silence
Chapter Sixty-Two: A New Challenge
Chapter Sixty-Three: Two Queens and a Sparrow
Chapter Sixty-Four: Until Her Last Feather
Chapter Sixty-Five: The Black Sparrow Will Fly
Rogue Wars Online: Continuation
Chapter Sixty-Six: A Den of Fire
Chapter Sixty-Seven: Strength of Earth, String of Shadow and Fire
Chapter Sixty-Eight: Gate of Lies
Chapter Sixty-Nine: Liar's Game
Chapter Seventy: The First Zodiac
Chapter Seventy-One: Zodiac Kills and Loyal Hearts
Chapter Seventy-Two: An Act of Utilitarianism
Chapter Seventy-Three: Am I Your Enemy?
Chapter Seventy-Four: Here Comes Trouble, But Make It Double
Chapter Seventy-Five: A Pair of Outcasts
Chapter Seventy-Six: Territory Wars
Chapter Seventy-Seven: Reap What You Sow
Chapter Seventy-Eight: Chasing Innocence
Chapter Seventy-Nine: Pahinga
Chapter Eighty: Defend Thy Territory
Chapter Eighty-One: A Surprise
Chapter Eighty-Two: Under the Crimson Sky
Chapter Eighty-Three: Changes
Chapter Eighty-Four: In Your Arms
Chapter Eighty-Five: Her Downfall
Chapter Eighty-Six: A Twenty-Four Hour Twist
Chapter Eighty-Seven: Chasing the Minutes
Chapter Eighty-Eight: Passing Hours
Chapter Eighty-Nine: Lost Friend
Chapter Ninety: The Boy Whose Curse Is Her
Chapter Ninety-One: Two Lies and A Truth
Chapter Ninety-Two: A Missing Sebastian
Chapter Ninety-Three: Rise of the Wolves
Chapter Ninety-Four: The Final War of the Fifteenth City
Chapter Ninety-Five: What The Cities Symbolizes
Special Chapter: Minigame
Chapter Ninety-Six: Rock Island
Chapter Ninety-Seven: A Selfless Hand
Chapter Ninety-Eight: The Girl Whose Sin Is Greed
Chapter Ninety-Nine: CA$INO, The Seventeenth City
Chapter Ninety-Nine: Gamble With Your Lives
Chapter One-Hundred: A Dangerous Offer
Chapter One-Hundred-One: Russian Roulette
Chapter One-Hundred-Two: Helpless
Chapter One-Hundred Three: Price For Your Lives
Chapter One-Hundred Four: Old Friend
Chapter One-Hundred Five: Love and Nightmares
Chapter One-Hundred Six: Horrors of the Past
Chapter One-Hundred Seven: A City of Dreams
Chapter One-Hundred Eight: The Quest
Chapter One-Hundred Nine: Falling
Chapter One-Hundred Ten: A Missing Sparrow
Chapter One-Hundred Eleven: A Missing Sparrow Pt. 2
Chapter One-Hundred Twelve: The Giant's Cave
Chapter One-Hundred Thirteen: The Giant's Reflection
Chapter One-Hundred Fourteen: A Giant's Dream
Chapter One-Hundred Fifteen: To Dream Is To Fall
Chapter One-Hundred Sixteen: Plan and Partners
Special Valentines Chapter: Minigame Pt. 2
Chapter One-Hundred Seventeen: School of Rogues and Hunters
Chapter One-Hundred Eighteen: The Fight Within Ourselves
Chapter One-Hundred Nineteen: Her Broken Pieces
Chapter One-Hundred Twenty: From An Outcast, To The Sparrow
Chapter One-Hundred Twenty-One: This Is For The Rogues
Chapter One-Hundred Twenty-Two: The Cries of the Rogues
Chapter One-Hundred Twenty-Three: The Sorrow of a Sparrow
Chapter One-Hundred Twenty-Four: The Boy Whose Curse Is Love
Epilogue
Epilogue II
G
T
O
C
K
W
Special Chapter: Finn's Dream

Chapter Three: Starting City

6.7K 438 53
By trikxster

-chapter three-

FINN

"We are glad to announce you are now officially a beta-tester! Remember that you must finish all twenty six cities. And I may have forgot to mention this but...You cannot log out until the game is completed. Good luck, my beta-testers. May you be alive until the end."

Kinilabutan ako mula sa sinabi ng kung sino man. There was amusement laced in his serious voice. Hindi ko tuloy alam kung papakinggan ko ang sinabi niya o hindi. Is it just an empty threat to increase the player's tension?

Kung hindi, is this why I've been having a bad feeling?

Nawala ang boses at napalitan iyon ng orasan. A two-hour timer appeared on the sky. Sa ilalim nito ay ang player count kung saan may nakalagay na 200/200. The number of players that are currently inside the city. The seconds are starting to count down, but for what purpose?

No, Finn. Clear your head. Let's try to confirm what that voice said.

Virtual rift systems would usually need a voice command to navigate the settings. Pero pwede din itong through swiping.

I tried swiping saying different commands. Walang may nangyari. Next, I tried swiping it to every direction at nagbukas ito nang pataas kong ini-swipe ang kamay.

▪▪▪

Name: Finn
Alliance: Not Applicable/Unreached
Level: Not Applicable/Unreached
Cities Completed: 0

▪▪▪

Ito lang ang tanging laman ng interface. Kumunot ang noo ko sa nabasa. Bakit hindi applicable ang alliance at level? Why was it worded like that and not 'None' sa alliance and '1' or '0' for level.

Nahagip ng mata ko ang gear icon kaya pinindot ko ito. Sigurado akong ito ang settings because this is it's usual icon. Kaya naman laking pagtataka ko nang makitang walang laman ito. There's really nothing.

There really was no log-out button. At all.

Kung gano'n, kailangan nga talaga naming matapos ang buong game para makaalis?

And what did the voice mean by staying alive? Is there a possibility that we can die in game? Kaya ba ino-obserba nila ang vital signs namin?

Napatingin ulit ako sa oras. Limang minuto na ang lumipas.

This is another confusing factor. Countdowns are used in games para maglagay ng thrill at tension, gano'n na rin para guide na matapos ang dapat na quest. Usually kung ganito, kailangan patayin ang boss in thirty minutes para hindi mag-game over. Pero wala namang binigay na hint or instructions ang mga game masters.

Hindi kaya mayroon ngang city boss na nagtatago dito? Kailangan muna naming hanapin 'yon at patayin para makapunta sa susunod na city.

Alright, Finn. We're going to look for that boss and get the hell out of this city. I'm pretty sure that timer is similar to what the old man explained earlier. We only have two hours before the city once again closes. Meaning hindi na kami makakaadvance after the time expires.

Tinali ko ang buhok sa isang twin bun. Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang hinihigpitan ang tali. Tiningnan ko ang baba ng building. This must be at least 20 floors. Suicide ang tumalon.

Pero, since this is a game, siguro'y naincrease na ang physical abilities namin. And if the main class here are rogues or assassins, we're much more agile, quicker and stealthier.

Binuksan ko ang pinto ng rooftop at dahan-dahan na naglakad pababa. Hindi naman ang mga kapwa kong players ang pinagtataguan ko but the possible presence of monsters in this city.

I exited the building without any problem. Strangely, the streets were vacant. I would have expected people to atleast crowd the street in confusion and desire to know more.

Lumiko ako pakanan. Maybe I should find a large and clear space. Baka may pagtitipon nang nangyari sa mga players na malapit lang sa isa't isa. I should probably try and listen to their meetings. Baka may makuha akong makakatulong sa'kin.

"Hindi puwede. They would list down instructions kung 'yon nga ang pakay nila."

Natigilan ako't napatago sa malapit na alley nang may marinig na mga boses. From the left corner of the barren street, two boys walked out, discussing something. Mukhang nakapokus lamang sila sa pinag-uusapan kaya hindi nila napansin ang presensiya ko.

"Kung gano'n nga, e bakit may countdown? Ano 'yon wala tayong gagawin buong magdamag?"

"That's what we need to confirm."

Humina ang boses nila nang tuluyang makalayo. So they're also questioning the presence of the decreasing time. Siguro'y isa sila sa mga pro-gamers. I believe if a newbie got stuck in this game, they'd be panicking.

"Ano ba ang ginagawa natin at bakit tayo nagtatago?"

Napatalon ako't mahinang napasigaw nang may magsalita sa tabi. I immediately raised my fist up as a defensive stance.

Isang babaeng may asul na buhok na abot dibdib ang nagpakita. She was looking at me, amused. Nakahalukipkip siya't mahinang natatawa.

Nagulat ako do'n. Akala ko kung sino na ang biglang sumulpot. Lalo na't bigla lang siyang nagsalita.

"I'm sorry. Did I scare you?"

Tumango ako tapos umiling. The nod was to acknowledge the apology and the second one was an answer to her question.

Kumunot ang noo niya. "So natakot kita na hindi?"

Umiling ako. I was surprised, not scared. There's a difference.

"Okay." napakurap-kurap siya. "Hindi ka natakot?"

Tumango ako.

"Hindi ka ba nagsasalita?"

Nagulat ako dahil sa diretso niyang tanong. People would just naturally assume I'm not a conversation specialist nor do I enjoy talking.

"Ah. I'm sorry. That was insensitive." paumanhin niya. "I speak without thinking sometimes. It's a trait I'm working on."

Prangka lang siguro ang bibig niya.

"'s alright." mahinang sagot ko.

Nanlaki ang mata ng babae dahil sa sinabi ko. Her jaw dropped. "Hala!" sigaw niya. "Ang ganda ng boses mo!"

Paatras akong humakbang. She's creepy and weird.

"Ah." napakamot siya sa ulo nang makita ang ginawa kong pag-atras. "I apologize again. I can be too much sometimes."

Umupo siya sa taas ng isang wooden crate at napabuntong-hininga. I swallowed down the lump in my throat. Meeting strangers is hard for me. Lalo na kapag masyado silang energetic.

"What were you doing here?" mabagal kong tanong.

She stopped whatever breakdown she was having and gave me a blinding smile. Sabi ko na nga, energetic.

"Naghahanap ako ng boss monsters o ano baka 'yon ang kailangan. But I kind of agree with those two boys. Kung mayro'n man, dapat may instructions na binigay." sagot niya. "Nga pala, I'm Eunice Ira! Although my friends just call me Eura."

I blinked. Eura? Kapangalan niya ang isa sa mga nakaibigan ko sa isang laro.

Tumikhim ako. "You play other games?"

Masaya siyang tumango. "Oo naman! Pro kaya itong kinakausap mo, hehe. Ikaw?"

"I'm Finn."

"Hmm... Bago ka lang ba sa mga laro?" Eura frowned. "May sinabi kasi 'yong matandang nagorient na iba't iba daw ang kinuha nilang gamers. May pro, streamers at newbies."

Napakagat ako sa ibabang labi habang iniisip ang isasagot. I don't like lying to people but I don't want them to know me. Pero ang tinanong lang naman ni Eura ay kung bago ako. I can just give a vague answer. Kaya naman umiling ako.

"Oh~ Nice. Let's help each other, then." she grinned. "Ano ba sa tingin mo? May city boss talaga?"

Nagkibit-balikat ako. "Dunno. Better to search. Countdown is confusing."

"Tama ka. Ah, damn it! Putangina nila!" nagulat ako nang bigla siyang nagmura. "Ano ba ang nakain ng mga developers na 'yon at kinulong tayo sa larong 'to? Mga gagong tukmol na walang magawa sa buhay. Halika't maghanap na lang muna tayo ng boss dito, Finn."

Nagpatuloy ang pagrereklamo ni Eura habang ginagalugad namin ang buong syudad. As the minutes ticked away, naa-absorb ko ang masaya niyang ugali. I laughed at some of her jokes and share my own dry or recycled ones. She would laugh at it for being corny.

"Wala din dito." tugon ni Eura at lumabas sa isang gusali. "Hay. Para saan ba kasi 'yan."

Napatingin din ako sa langit. Isang oras na lamang ang natitira sa'min at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung paano makaalis sa syudad na 'to.

"Should we try and find some other group of players?" suhestiyon niya.

Napaisip ako do'n. We've already encountered about two groups. Lahat ng lider doon ay mga matagal nang manlalaro o kilala sa larangan na ito. Aside from looking for the quest point, they're also trying to find the exit.

There are about more than five groups in this city. Two hundred players are wandering about and looking for a way out. Hindi naman masyadong kalakihan ang syudad pero bakit hindi pa rin nababawasan ang number of players. Wala pang nakakaalis na isa sa'min.

Pero if there's no questpoint or exit, what's the point of counting down the time?

Pilit kong inalala ang sinabi ng matandang lalaki. RWO wants its players to experience all elements of the game. Ang pagkakaalala at pagkakaintindi ko ay gagamitin ang mga ito sa pagbuild ng cities. Elements can be the player's skill set, attributes set, friends, guild, leve-

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto iyon. The process and elements of the game are applied in city building. Para itong pagprogress ng players sa isang MMORPG game, kung saan every level may bagong function na nagiging available, dito a player can open functions as they proceed to the next cities.

"Finn?"

Eura snapped her fingers in front of my face. Iniwas ko ang tingin mula sa oras at tumingin sa kaniya.

"I know."

Her eyes widened at what I said. "Alam mo na ang ano?" maingat niyang tanong.

Ngunit bago ako makasagot ay isang malakas na pagsabog o pagbagsak ang narinig namin. Mabilis akong napalingon sa kung saan nanggaling ang tunog at gano'n rin si Eura.

"We better go see what it is."

Tumango ako sa sinabi niya. Sabay kaming tumakbo papunta sa direksiyon ng tunog. I jumped at every crate, stall and boxes that obstructed my way. Eura also did the same, using the walls to navigate and run faster.

We arrived at a plaza filled with people. Hindi namin kita kung ano ang nangyayari dahil sa dami ng taong nakapalibot. Eura took my hand and dragged me towards the rooftop of a house. Nauna siyang umakyat at inilahad ang kamay sa'kin.

"What the-" usal niya nang makita na namin ang dahilan ng komosyon.

I gaped at the scene that laid bare in front of me. A heavy steeled gate now appeared in front of the plaza. It was closed with large bars place on the handle. Sigurado akong wala ito kanina. Could it have appeared because the time reached one hour?

The people below were talking amongst themselves. Sigurado silang iyon na nga ang exit. Pero napakawirdo naman kung bigla lang ito magpapakita nang walang dahilan. They're probably thinking that this is a trap.

But it's not.

"Finn. Anong sinabi mo kanina na alam mo na?" tanong ni Eura at iginiya ang gate. "Ito ba 'yon?"

Umiling ako. "Meant the city functions at pa'no tayo makakalabas."

"So hindi 'yan ang totoong gate?"

"'s real, but can't be opened now."

Kumunot ang noo niya sa sinagot ko. "Anong ibig mong sabihin-"

Bumaling ako kay Eura. "Remember what happens when a game starts?"

She frowned and gave a hesitating nod. "Medyo? Bakit?"

"Ito 'yon. A loading page or introductory story appears before the game starts. It's this, in RWO." paliwanag ko. "Character customization probably happened when we sent the confirmation email."

"At ngayon nandito tayo sa loading point niya. That means-" nakusot ang mukha niya. "Ang two hours ay para lang sa-"

Naputol ang sasabihin ni Eura dahil sa isang sigaw na nagmula sa plaza. Inilipat ko doon ang tingin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang malaking lalaki na takot na takot ang mukha.

"Hindi mo ako mapipigilan! I am going to get out of this hellish city no matter what!" sigaw niya't hinigit ang buhok. Dilat sa takot at pangamba ang mata niya. "Paano kung pagkatapos ng dalawang oras ay mamatay tayong lahat dito?! Hindi ko kaya iyon!"

"Hindi din natin alam kung mapagkakatiwalaan natin ang gate na 'yan. It could be a trap. We can't afford to take any risks dahil walang Resurrection spot ang city na 'to." wika ng isang malamig na boses.

That's true. There were no cathedrals or possible spot for ressurection. The life and death factor in this game was still questionable. Ano ba ang mangyayari kapag tuluyan na ngang namatay? But then... they wouldn't say we had to stay alive if we're not gonna die, right?

"Isang oras na tayong naghahanap pero wala pa rin namang nangyari! Tangina! Kailangan ko nang matapos ang game na 'to bago matapos ang oras."

"There's still about an hour left." isang lalaki ang humakbang sa gitna ng plaza. "We can use that time to look for any more clues and confirm the credibility of the door. Kung wala na talaga, we'll open the door once we reach ten minutes."

Sunod-sunod na umiling ang lalaki at naglakad siya paatras sa gate. "Hindi... Hindi..  Hindi ko puwedeng sayangin lang ang isang oras sa pag-upo at pagtingin kung nandito lang naman ang pinto sa harap ko!"

Pure terror was etched on his face. Nanginginig ang bawat hakbang niya at napapatingin siya sa mga taong malapit na baka balak siyang pigilan. There was desperation in the way he acts and moves.

Wala na ring nagawa ang mga lalaki na kinausap siya. His mind is already clouded due to his raging emotions. Hindi na siya nag-iisip sa ngayon at ang importante na lang sa kaniya ay ang mabuhay.

Napalunok ako. But... that door. That door won't be his salvation.

Tumambol ang puso ko nang makitang malapit na siya sa gate. He can't go there- he'll die if he opens that door!

"Finn, calm down."

Eura's hands landed above mine. Napatingin ako dito. Hindi ko napansin grabe na pala ang panginginig ng kamay ko. I can't- I can't let myself witness death once again.

Pero hindi ko kaya ang pigilan ang lalaki. He's too far away from me. I can't possibly-

Nanlaki ang mata ko nang makitang malapit nang dumapo ang kamay niya sa gate.

"STOP!"

Natigilan ang lalaki at siguro lahat ng taong nasa plaza. Nahulog sa isang babae ang mga mata ng lahat. From the back of the crowd, she walked towards the center with grace.

Napalunok ako. Malapit na akong sumigaw kanina. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay.

"You can't use the door, it will kill you." malakas na wika ng babae. "The starting city only means one thing. Ito ang simula ng laro. It also means we have to wait for the game to finish loading or to officially start. Ang oras na nasa taas ay ang waiting time natin. Kailangan maubos ito bago tayo makalabas."

Tama nga ang sinabi niya. Kung sa totoong laro, ito ang loading resources na panel o sadyang loading lang. Pwede din ditong nangyayari ang story description o start.

Ito ay tanging opening lamang ng game.

The man scoffed. "Ha! At akala mo bobo ako para paniwalaan 'yan?! Hindi ko hahayaang mapatay ako ng teorya mo! Ipapakita ko sa inyong lahat na walang mangyayari kapag binuksan ko 'to-"

The man pulls the door open. Hindi ito nagbukas o gumalaw man lang. Ngunit isang malaking pader ang nahulog mula sa taas papunta sa katawan ng lalaki.

Nagsigawan at nagpanic ang mga tao na nasa plaza. Eura covered her mouth with her hands as her eyes widened in shock and fear. Nakatitig lamang ako sa sahig na natamaan ng pader at sa dugo na unti-unting umagos mula dito.

N-Namatay nga ba siya-

A hazy-red smoke appeared on the sky and along it was a hooded skull with two daggers. Sumasayaw-sayaw ito at sa ilalim ay may nakalagay na Too Bad!

"Player Loffy has died due to breaking quest rules! The player's family will only receive twenty thousand pesos because he didn't get to finish a city." a cheery voice said. "Too bad! Well, that means all of you have to be careful. Bye!"

Biglang nawala ang usok at gumalaw ang maliit na numerong katabi ng countdown.

199/200.

This is really reality now. Death is not even an option for escape. There's only one thing we need to do.

Complete the game.

-chapter end-

Continue Reading

You'll Also Like

393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...