Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

232K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 14

2.5K 174 18
By nakalimutankoe

Kabanata 14.

NAKAABANG AKO SA LABAS ng eskuwelahan kung saan pumapasok si Patricia, hinihintay na matapos ang oras ng klase niya. Alam ko naman na hindi ako ang maghahatid sa kaniya pauwi pero gusto ko pa ring nandito ako para makita at makausap siya kahit sandali lang. Mayamaya, narinig ko na ang pamilyar at mahinhing boses na musika ang dating sa aking tenga, tinatawag ang pangalan ko. Malawak ang ngiti kong lumakad palapit sa anghel na kumakaway sa akin.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Patricia. "Sorry mediyo late kaming nakalabas. Nag-meeting pa kasi kami." Sa likod niya ay nakatayo si Simon na abala sa pagkalikot sa cell phone.

"Ayos lang. Walang problema roon." Ngumiti siya.

"Kung gusto ninyong magsarili, dito lang ako maghihintay. Basta huwag lang kayo masiyadong magtatagal . . ." singit ni Simon saka bahagiyang lumayo.

"Gusto mong kumain?" tanong ko kay Patricia.

"Sure." Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa manipis niyang labi.

Nagpunta kami sa malapit na fast food chain at hinayaan siyang mamili kung ano ang gusto niya—na ginaya ko rin. Habang naglalakad ako palapit sa napili naming puwestuhan (sa second floor, katabi ng glass wall) bitbit ang tray na naglalaman ng order namin, nag-iisip na ako ng mga puwedeng sabihin.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama kita ngayon . . . Kung panaginip ito ayaw ko ng gumising," wika ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Pero hindi naman ito panaginip."

Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Kahit hindi ko sigurado kung nahahalata niya, tiyak akong pulang-pula na ako. Makita ko nga lang siya pinupuno na ng mga paruparo ang sikmura ko tapos hinawakan niya pa ako. Para na akong aatakihin . . . Pero kung sa saya naman at siya ang huling makikita ko ay ayos lang sa akin. At least anghel ang huli kong masisilayan.

"Parang may sira yata ang cell phone ko . . . ." mula sa kung saan kong sabi ng maalala ang pick-up line na minsan kong nabasa sa dyaryong nabili ni papa dati.

Nangunot ang noo niya. "Ang akala ko ba ay wala kang cell phone . . ."

Napakamot ako sa tenga. "Oo nga . . . Pick-up line sana iyon." Alangan akong tumawa. "Pero hindi bale . . . ito na lang . . . Nakapunta ka na ba sa ibang planeta?"

"Hindi pa. Bakit?"

"Ako rin e." Tumawa ako pero umiling-iling lang siya, hindi malaman kung matatawa rin ba o ano. Bago pa siya tuluyang ma-turn off sa kabokahan ko, iniba ko na ang usapan. "Kumusta pala ang mommy mo? Okay lang ba na makausap ko siya para pormal na makapagpaalam? Alam mo na . . . mas maganda sana iyong ganoon para ipakita sa kaniya na seryoso talaga ako sa iyo."

Natigil siya sa pagkain. Kahit hindi siya magsalita, kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi pa siya handang gawin iyon. Kung ganoon, hindi niya pa nga rin binabanggit sa mama niya ang tungkol sa amin. Hindi bale, baka humahanap lang siya ng tamang pagkakataon. Isa pa, hindi niya pa naman din ako sinasagot. At okay lang iyon. Hindi naman ako nagmamadali. Naniniwala rin ako na mas masarap sa pakiramdam kapag napasaiyo sa wakas ang tao/bagay na pinaghirapan mong maabot kaysa sa nakuha nang madalian.

* * *

Nang magkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Simon ng kami lang, sinamantala ko ang iyon para alamin mula sa kaniya ang ilan pang mga bagay tungkol kay Patricia na hindi ko alam—gaya ng kung anong bulaklak ang paborito niya.

"She's not into flowers. Mas prefer niya ang chocolate kaysa sa bulaklak," ani Simon. "Anyway, kahit simpleng bagay lang na pinag-effort-an mo, mapapasaya na siya no'n."

Nakangiti ko siyang tinapik sa balikat. "Salamat, Simon . . . Ang laki ng naitutulong mo sa amin . . . sa akin . . ."

"Pareho ko kayong kaibigan kaya gusto ko na masaya kayo."

"Paano kaya ako makakabawi sa iyo?"

"Huwag mong saktan si Cleo. Pasayahin mo lang siya, wala ka ng utang sa akin."

"Maaasahan mo ako riyan dahil isang bagay iyan na gagawin ko kahit hindi iyon ang hilingin mong kapalit sa lahat ng tulong na binigay mo."

Hindi ko kailanman naisip na ganito pala ang pakiramdam ng may nagugustuhan . . . ng may minamahal. Para sa kaniya, handa akong baguhin ang sarili ko at maglaan ng oras para iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya pinahahalagahan. Ngayon naiintindihan ko na si Buknoy kung bakit ginagawa niya para kay ate ang mga bagay na sa tingin ko dati ay ka-corny-han lang. Paggawa ng tula kahit hindi naman talaga mahusay, pagbuo ng mga sulat at bagay na maibibigay, bulaklak, at paglalaan ng panahon na paulit-ulit ipaalala sa kanila kung gaano sila kaimportante.

Pauwi na ako ng may madaanan akong latag ng mga sintas ng sapatos. Huminto ako sa tapat no'n, sandaling nag-isip hanggang sa may ideyang pumasok sa utak ko. Bumili ako ng apat na kulay saka dumiretso sa computer shop ni Mang Kokoy para manood sa YouTube.

Paano gumawa ng porselas gamit ang shoelace?

Nag-scroll ako nang nag-scroll hanggang sa makita ang disenyo na gusto kong gayahin. Dahil wala akong dalang notebook at ballpen, nanghingi muna ako ng retasong bond paper at nanghiram ng panulat para ilista ang mga materyales na kailangan: Flat shoelace, gunting, lighter . . . . Kinompleto ko ang lahat ng kailangan saka nagkulong sa kuwarto at nagsimulang gumawa.

"Busy a," pansin ni Janus pagpasok niya. "Gumagawa ka ng bracelet?"

"Oo. Naisip ko kasi na okay kung ako mismo ang gagawa ng ibibigay ko sa kaniya, hindi iyong basta na lang ako bibili. Alam mo na . . . para pinaglaanan talaga ng panahon at effort."

Ngumiti siya at naupo sa katre para panoorin ako. "Ngayon lang kita nakitang ganito kapursigido," komento niya.

"Totoo pala kasi talaga iyong sinasabi nila na kapag gusto mo ang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha iyon."

"Kailan mo siya dadalhin sa bahay para makilala namin?"

"Ipapakilala ko siya sa inyong lahat kapag sinagot niya na ako."

Pinagkrus niya ang daliri niya. "Sana sagutin ka na niya."

Higit isang buwan na ang dumaan simula noong umpisahan at matapos ko ang porselas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin iyon maibigay kay Patricia. Hindi ko mahanapan ng tiyempo. Tuwing nagkikita kasi kami minuto na lang ang tinatagal kaya hindi na ako nagkakaroon ng pagkakataon na maisingit iyon.

Bukod sa late na siyang nakakalabas, may pagkakataon din na hindi ko siya natitiyempuhan dahil maaga silang umaalis kasama ang groupmates niya para pag-usapan at asikasuhin ang project nila. Dahil hindi naman na ako nag-aaral, hindi ako maka-relate kaya mas pinipili ko na lang intindihin lalo pa't nagpapaliwanag siya sa akin kahit pa hindi niya naman talaga iyon responsibilidad.

Madilim na ang langit at marami ng cart ang nasa paligid, nagtitinda ng iba't ibang klase ng inihaw at turo-turo. Natutukso na akong lumapit sa dos-tres pero ayaw ko namang iwan ang puwesto ko dahil baka hindi ko mapansin ang paglabas ni Patricia—kung hindi pa man siya nakakalabas. Wala akong cell phone at ibang paraan ng pakikipag-communicate sa kanila kaya ang tanging ginagawa ko lang ay mag-abang sa labas ng eskuwelahan na pinapasukan niya at magbaka-sakaling makita siya.

"Jackson." Nabuhay ang lahat ng ugat ko sa katawan ng marinig ang boses niya. Sinipat ko ang paligid para hanapin si Simon pero hindi ko makita. Bago pa ako makapagtanong, naunahan niya na ako ng sagot. "Uhm . . . pinauna ko na siya . . ."

"Okay lang sa mommy mo na ikaw lang ang mag-isang uuwi? Anong oras na kaya," sabi ko.

"Hindi naman na ako little girl. I can handle myself."

"Ako na lang ang maghahatid sa iyo. Kahit hanggang kanto lang . . . Masiguro ko lang na ligtas kang makakarating sa inyo." Sinagot niya ako ng may hiya pero matamis na ngiti. "Kumakain ka ba no'n?" Tinuro ko ang cart na nagbebenta ng fishball, kikiam at kwek-kwek.

"Well . . . hindi pa ako nakakakain pero gusto kong tikman."

Gabi na pero buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa dami ng tao at mga streetlight na bukas. Kahit saan ko ilingon ang ulo ko ay nakakakita ako ng kumakain ng street foods at umiinom ng palamig. Malamig at nanghehele ang simoy ng hangin pero dahil nasa ganitong tagpo ako, hindi ako tinatablan ng antok. Lalo na at kasama ko ang babae na dahilan kung bakit ganadong-ganado akong gumising at bumangon sa araw-araw.

Hinayaan ko si Patricia na tikman kung anoman ang ma-trip-an niyang kainin. At masaya ako dahil mukhang nagugustuhan niya naman ang lasa. Tumusok ako ng isang kalamares at isinawsaw iyon sa matamis na suka bago inabot sa kaniya na agad niya namang kinuha.

"Thank you, Jackson . . . Masaya ako ngayon . . . Napakaraming bagay na first time kong naranasan because of you," aniya.

Hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti. "Natutuwa akong malaman na napapasaya kita."

Sandali niya akong tinitigan bago nag-iwas ng tingin at binalingan ang bilog at maliwanag na buwan. "S-sana magtagal tayo . . . ."

"Sana nga," walang pag-iisip kong sagot pero natigilan din at napako ang buong atensiyon sa kaniya ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi niya. "Ano? Ibig bang sabihin . . . ."

Nakatungo siyang humarap sa akin at marahang tumango. "Yes . . . ."

Hindi ako makapaniwala. Parang pinasok ng hangin ang ulo ko. "Talaga bang . . ."

"Yes, Jackson . . . Talagang s-sinasagot na kita." At kahit hindi sapat ang liwanag para ilawan kami, alam ko na pareho kaming pulang-pula na at hindi matawaran ang sayang nararamdaman para sa isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

280K 8.8K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
442K 7.2K 77
This is about Friends who never left each other, Group of friends -- Na na-inlove sa isa't isa, group of friends na tanggap kung sino ka talaga pero...
54.2K 2K 56
Step Into My Arms (Completed)