Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy...

By YorTzekai

2.2M 50.5K 6.3K

BOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Isang simpleng kwento na naganap sa simpleng lugar ng Pasig. Isang simple,masiyah... More

Ang Bastos sa Kanto! (boyxboy)
BSK wan :3
BSK tuu :3
BSK tri :3
BSK por :3
BSK payb :3
BSK siks :3
BSK seben :3
BSK eyt :3
BSK nayn :3
BSK ten :3
BSK eleben :3
BSK twelb :3
BSK eyytin :3
BSK tertin :3
BSK portin :3
BSK pibtin :3
BSK siksteen :3
BSK sebentin :3
BSK eyyytin :3
BSK nayntin :3
BSK twenti :3
BSK twenti wan :3
BSK twentituu :3
BSK twenti tri :3
BSK twenti por :3
BSK twenti payb :3
BSK twenti siks :3
BSK twenti seben :3
BSK twenti eyt :3
BSK twenti nayn :3
BSK terti wan :3
BSK terti tuu :3
BSK tert tri :3
BSK terti por :3
BSK terti payb :3
Christmas Pt.1
Christmas pt.2
christmas pt.3
Christmas pt.4
Christmas last part.

BSK tertii :3

46.4K 1.1K 145
By YorTzekai

AN/ eto na ang last part ng Valentines special,sana po ay magustuhan niyo. Hindi na ako mag iiwan ng message regarding sa sitwasyon ko sa pag draft at update. Just enjoy this chapter :)

HAPPY VALENTINES PO!

_____________

Pagkatapos ng lunch ay deretso agad kami sa unang activity. Lahat kami ay nagpunya sa function hall,bale limang section kami at hindi ko alam kung paano kami nagkasya sa function hall.

Halos lahat kami ay sa lapag na naka upo,ang swerte lang ng mga naka upo sa upuan makakasandal sila. Pero okay lang,katabi ko naman si Chance at pwede ko siyang sandalan hihi.

Nakaka antok yung sinasabi ng nga madre until may pumasok na isang gwapong pari at montik pa talaga ako mapatayo sa pagkamangha.

"Magandang araw sa inyo,Im Father Jules,ang makakasama niyo hanggang bukas bago kayo umuwi" anito.

Napapakagat labi na lang ako,bakit siya nag pari? Ang gwapo gwapo niya! Pwede pa niyang ikalat ang lahi nya,kainis naman si Father oh.

Tutok na tutok ang mga mata ko kay Father hanggang sa may maramdaman akong kumurot sa tagiliran ko.

"Aaaaaaahhhhhhhh" napasigaw talaga ako at napa angat napatingin tuloy sa akin ang lahat kaya nakaisip ako ng paraan para malusutan ito,ginaya ko yung nakita kong video sa youtube. "Gonna swiinnggh from the chandellier! From the chandellieeeeerrrr!"

Biglang nagtawanan ang lahat ng nasa function hall,binalingan ko.ng tingin ang kumurot sa akin,walang iba kundi si Chance.

Aba,inirapan ako at tinaasan ng kilay saka nag pout! Edi wow! Matindee?!!

"Yes,Kiji?" ani Maam at nakatingin pa din sa akin lahat. Lalo na si Father kaya nahiya ulit ako.

"Wala po. Bigla lang ako na LSS sa chandellier." sabi ko na lang at umayos ng upo.

"As I was saying,Im father Jules,at ako ang makakasama niyo hanggang bukas sa bawat activities niyo. For now,may naisip n akong activity para sa inyo." anito at nilingon ang mga madre sa gilid niya. "Sister"

Lumapit ang mga madre na may dalang mga papel at ipinamigay sa aming lahat.

"Katabi mo na ako naglalaway ka pa kay Father." gigil na bulong ni Chance.

"Ano ka ba? Bakit ka nag iisip ng ganyan? Behave lang ako kaya behave ka din." sagot kong bulong sa kanya.

"Yang mga papel na iyan,diyan niyo isusulat ang mga gusto niyong sabihin sa mga magulang niyo,para na din itong reflection. Lahat lahat isusulat niyo dyan,mamayang gabi.magkikita ulit tayong lahat dito na tapos niyo na ang sulat." ani Father Jules. Nako,bago sa akin ang ganito. Pero sa totoo lang madami akong gustong sabihin kina Mama at Papa.

"Father,pag nakasulat na po kami?" boses iyon ni Khaim,sya lang ata naglakas loob na magtanong.

"Pag nakasulat na kayo,isa isa niyong babasahin iyan dito mamayang gabi. And,dipende.kung ibibigay at ipapabasa niyo yan sa parents niyo pag uwi." ang sagot ni Father Jules. "But for now,gusto kong marinig kayo,yung mga bumabagabag sa inyo na hindi niyo masabi sabi pero gusto niyong may mapagsabihan."

Napatingin ako kay Chance na tahimik. Wala akong alam sa mga magulang niya dahil hindi pa naman siya nagkekwento at hindi pa ako masyadong nagtatanong. Ano kaya ang isusulat niya? Huwag sanang kagaguhan na naman,kokonyatan ko talaga sila.

"So,sino ang magsisimula?" tanong ni Father. Mag nagtaas ng kamay na galing sa isang section,babae ito at siya ang nagsimula.

Madami akong nalaman sa mga ni share ng mga kaklase ko at ng ibang section,nanghinayang tuloy ako na hindi ko sila masyadong kinilala noon. At sa buong oras na iyon ay tahimik.na magkahugpong ang mga kamay namin ni Chance habang nakikinig.

"Maraming salamat sa inyo. Natutuwa ako na kahit papaano ay nailabas niyo ang inyong mga gustong sabihin. Bago tayo maghiwa hiwalay at bago kayo nag meryenda,meron pa bang gusto mag share? Last one?" ani Father.

"Ako po." binitawan ni Chance ang kamay ko at tumayo. Nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat. Oh ny gowd!

"Yes,and your name is?"

"Chance Santillan po." ani Chance at huminga ng malalim.

"Sige Chance. Pwede ka ng magsimula."

Naglakad si Chance papunta sa harapan. Dahil gusto niyang magsalita ay gusto ko ding makinig para naman mas marami pa akong malaman tungkol sa kanya,mas gusto ko pa siyang makilala.

"Alam kong kilala niyo na akong lahat,kahit ibang section ay kilala ako bilang barumbado,pervert at babaero. Ganon lang talaga siguro pag lumaki kang malayo sa mga magulang,Im not saying na hindi ako napalaki.ng maayos nina Lola at nina Uncle. Pero alam naman nating lahat na iba pa din pag mga magulang talaga." ang mahabang simula ni Chance,huminga ulit ng malalim at namulsa.

"Chance.." bulong ko kahit alam ko namang hindi niya madidinig.

"Pag nasa bahay ako napakabait ko,kasi ayaw kong madissapoint si Lola sa akin. Pero pag wala ako sa bahay sobrang wild ko,siguro yun ang way ng pag rebelde ko." aniya at pilit na ngumiti. Alam kong any moment ay hindi na makakapag pigil pa si Chance. "Namatay si Lola last year bago magpasukan. I hated my parents so much,pagkalibing lang ni Lola ay bumalik agad sila sa ibang bansa."

"Mas tumindi ang pagkababaero ko,ang pagiging palaaway ko. Iniisip ko kasi na kung mababalitaan nila na napapariwara na ako ay uuwi na lang sila dito sa Pilipinas. But it never happened. Bago magpasukan ay nagka girlfriend ako,she always satusfies.my needs,lalo na sa sex". Medyo humina ang boses niya sa bandang dulo,lumunok ako kasi pakiramdam ko may nagbara sa lalamunan ko.

"Chance.." bulong ko na naman,tahimik lang nakikinig ang lahat,siguro pati sila ay nagulat na magsasalita si Chance ng ganito.

"Hanggang sa nakilala ko yung taong naging apple of the eye ko. Siya ang lagi kong pinagtitripan,he's gay kays tingin ko ay vulnerable siya at sumasaya ako pag nag aaway kami at halos maiyak na siya sa galit sa akin."

"Ako ba iyon?" tanong ko sa sarili ko kahit na alam ko namang ako talaga ang tinutukoy niya.

"Slowly,nag iba ang pakiramdam ko sa kanya. Nagagalit ako pag nakikipag kulitan siya sa iba o kay Khaim." aniya at tumitig sa akin. Yung uri ng titig na parang ako lang ang nakikita niya. "I fell inlove with him. Opo nainlove ako sa bakla. Dumating yung panahon na sinabi ko ito kina uncle at nagalit sila sa akin. Lumala pa ng nagkaroon siya ng manliligaw. Naisip ko na kailangan ko ng gumawa ng lahat,Hindi ako romantic na lalaki o yung tipong parang prince charming pero dahil mahal ko siya at takot akong mawala siya sa akin. Sumugal ako,unti unti akong binago ng pagmamahal ko sa kanya. At ng magka aminan kami,sobrang saya ko na mahal din niya ako,ang totoo niyan yung sulat niya nag trigger sa akin,nakalagay kasi dun na papakawalan na niya pagmamahal niya para saakin dahil kay Ohm,pero siyempre hindi ako payag." mahaba pa niyang dagdag,naiyak na ako.

Hindi ko alam na ganon katindi yung nararamdaman niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang minahal.

"Bakit ko sinabi ang mga ito? Gusto ko lang malaman niyong lahat na kahit wala ang mga magulang ko para magparamdam ng pagmamahal nila sa akin ay kontento na ako sa pagmamahal ni Kiji. Wala akong pakialam kung pareho kaming lalaki o bakla siya. I love him,kung dadating ang mga magulang ko ay papakilala ko siya at sasabihin kong si Kiji na ang gusto kong makasama sa buhay,sure na ako dun. At kung posible lang ang kasal ng parehong kasarian ay papakasalan ko siya." right there and then napahagulhol na ako. Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko. Naramdaman kong may humihimas sa likod ko.

"Salamat Chance. Mahal na mahal din kita." sabi ko. Lumapit si Chance at nilahad ang kamay,tinanggap ko ito at tumayo saka niya ako niyakap ng napaka higpit.

"Salamat at dumating ka sa buhay ko." aniya,at sa harapan ng lahat ay mabilisan niya akong hinalikan sa labi.

"Chance."

"At panghuli,natutunan kong respetuhin ang mga gaya niya,sila ang mga uri ng tao na mas pinapahalgahan at minamahal." baling niya sa lahat at niyakap ulit ako.

Narinig ko na lang ng nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat.

Hanggang s magmeryenda na kami ay lutang na ako. Para na akong naka droga dahil sa mga sinabi ni Chance kanina,tumatak sa akin yung sinabi niya na kung posible lang ang kasal sa pinas ay papakasalan niya ako pati yung sure na daw siyang ako ang gusto niyang makasama habang buhay.

That is so much for me,sa mga katulad kong kasarian ay sobra na iyon at masaya ako na naranasan kong masaktan at magmahal dahil kay Chance.

Tiningnan ko si Chance na nakikipag kulitan sa iba. Nagkekwento naman ang tropa pero parang wala akong maintindihan dahil tutok kay Chance ang atensyon ko.

Bigla kong naisip na paano kaya kung mawala sa akin si Chance? Kakayanin ko ba? I dont think so. Para na siyang heartbeat at paghinga ko,ikamamatay ko.kung mawawala o titigil.

Nung gabi na ay ginawa na nga ang activity,naiyak na naman akk kasi nakaka antig ng damdamin ang mga sulat nila para sa parents nila,me and Chance refused to read it at naintindihan naman nina father at nina sisters.

Mag alas onse na ng pinapunta na kami sa kwarto namin. Medyo nabadtrip si Chance dahil magkalayo ang higaan namin. Nakipag kwentuhan pa muna siya,pero ako ay humiga na at niyakap si Chaji,yes dala ko siya at dala naman ni Chance si Chaki.

Nasa lower deck ako at si Teban ang sa taas. Basta nakatulog na ako dahil masakit na din ang mga mata ko. Naalimpungatan na lang ako na may yumakap sa akin,alam kong si Chance iyon kaya nilingon ko.

"Chance,baka pagalitan tayo. Bawal to." ang bulong ko.

"Sshh huwag kang maingay,lilipat din ako bago magliwanag. Gusto lang namin ni Chaki na makatabi kayo ni Chaji." bulong niya na ikinangiti ko at ako.n mismo ang humalik sa kanya.

Malalim ang halikan namin pero nagpigil kami. At ng maghiwalay ang aming mga labi ay agad ko siyang tinanong.

"Chance,totoo ba na kung posible ang kasal dito sa atin ay papakasalan mo ako?".

Kahit medyo madilim ay nakita ko ang pag ngiti niya. Niyakap niya ako ulit at sumubsob sa leeg ko.

"Oo naman,kahit saang simbahan pa. Ganon kita kamahal,sayo ang tumibok ang puso ko ng ganito at sana ingatan mo dahil ikaw na may hawak nito."

Continue Reading

You'll Also Like

99.4K 4.5K 28
Taong 1356, Itinakdang koronahan ang bagong hari ng kahariang Thesalus ang bata at makisig na Prinsipe Brandon. Sa kanya lahat ay napapahanga dahil s...
2.6M 55.3K 68
How to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a...
58.7K 1.7K 12
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Si Rin ay isang Intern sa isang kompanya na tinatawag na Blossom INC. 20 years old at straight as a poll kung tawagin...
325K 483 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞