He Was Never Yours To Begin W...

By 143_pink

8K 568 1.8K

(HE WAS SERIES #1 REALIZATIONS) I regret that I gave up on us. I expected a lot from him because I don't want... More

He Was Never Yours To Begin With
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Epilogue
About The Writer
Moral Lesson
My Last Note

4

233 18 62
By 143_pink

Inayos ko ang buhok ko into a messy bun. Nagliptint at powder na din ako at pagkatapos ay dumiretso na kay mama para manghingi ng baon.

Work Immersion ko ngayon and it's my first day.

Aaminin ko, medyo nakakatamad talaga kasi naman e bakasyon ko pa! It's been a month na din since grumaduate ako as grade eleven student and unfortunately, ang work immersion na 'to ay sakop ng subjects ko ngayong grade twelve na ako. Bale tinetake na namin 'to ngayong bakasyon palang para 'di na hassle sa sched namin once na magstart uli ang classes.

"Anong oras uwi mo? Mag ingat ka baka maligaw ka ha," bilin ni mama sa'kin.

"Kabisado ko 'yon ma, 'di ako maliligaw 'no."

Inabot niya lang sa'kin 'yong pera. As usual, hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na.

Hindi naman gaanong traffic habang nasa biyahe tutal bakasyon at walang masyadong estudyante. Nang makita ko na ang bababaan ko ay pumara na ako. Pinagmasdan ko muna ang lugar kung nasa tama ba akong location. Mukhang hindi naman ako nagkakamali dahil kagaya ng patch na nakalagay sa puting polo shirt na suot ko, Creotec ang pangalan ng company na 'to.

Hindi ko alam kung late na ba ako, kasi hindi ko pa nakikita ang mga kaklase ko. Akala yata nila e nasa probinsya na ako at do'n na nag-aaral pero hindi nila alam na napurnada 'yong plano ni Papa. Ayaw kasi ako payagan ni Mama na sa probinsya mag-aral, hindi daw ako mababantayan at baka kung ano lang daw kabalbalan ang gawin ko.

Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako na sa PCU pa din ako nag-aral, since 'yon ang dahilan ng nanay ko hmp.

In the end, wala na din nagawa si Papa kung hindi sumang-ayon kay Mama.

"Ma'am, ID po."

Pinakita ko lang ang school ID ko. Pinagsuot naman ako nito ng face mask, foot sack, at hairnet bago makapasok sa loob. For safety purposes siguro 'to, since mag-aassemble kami ng mga electric something na mga chips, lights, and buzzers.

Ginuide naman ako ng mga staffs sa loob. Lecture lang naman ngayong week e. Next week pa 'yong actual talaga namin kaya hindi naman ako gaanong kabado.

Nang buksan ko ang pintuan ng assigned room ko, nakita kong nagstart na nga talaga sila. Nagulat 'yong mga kaklase ko nang makita ako, pero wala muna akong pakialam since nakakahiya't late pa naman ako sa unang araw!

As usual, nagpakilala lang ako sa harapan and nagsorry kay Ma'am Mace (since 'yon ang pakilala niya sa'kin). Inassign niya ako sa tabi ni Bobby kaya umupo na ako.

"PCU ka na ulit?" pasimpleng bulong ni Bobs sa'kin. "Oo, napilit ni Mama si Papa."

"Edi ayos naman pala."

Hindi na ako nakipagdaldalan at nakinig nalang. Halos five hours din ang tinagal ng lecture, tapos nakakapressure dahil pagkatapos ng lunch break ay may quiz na agad kami. Kakadrain lang ng utak.

Lumapit sa'kin si Hazel. "May food stub ka na?"

"Wala pa nga e. 'Di pa naman ako nagdala ng packed lunch," sagot ko.

"Sumabay ka na kay Aviel, late din 'yon gaya mo e," simpleng sabi lang nito at pagkatapos ay umalis na sa harapan ko. Hindi ko alam kung may idea ba siya na umamin ako kay Aviel last time e, kaya ang awkward sa'kin na kausapin siya hanggang ngayon.

Pero hayaan na nga. Dati pa naman 'yon 'no.

Tumayo na ako at pumunta sa upuan ni Aviel. Napatingin ito sa'kin na parang nagtataka kung bakit ko siya nilapitan.

"Kukuha ka daw food stub? Sabay na ko sa'yo."

Hindi ko alam kung narinig niya ba 'yong sinabi ko kasi biglang lumapit si Aravella sa kanya. "Vieeeel, kuha tayo stub nakalimutan ko kumuha kanina hmp."

Nakatayo pa din ako sa harap ni Aviel na nagkakamot ng batok ngayon. Si Aravella naman, napatingin bigla sa'kin. "Pres, papasabay ka din ba kay Viel ng food stub?"

Okay, I'm doomed.

Alam ko namang nililigawan ni Aviel si Aravella ngayon at kung sasali ako sa kanila e makakasagabal pa ako. I guess, ako nalang mag-isa ang kukuha. Magsasalita na sana ako pero biglang may umakbay sa'kin. "Beyabebs samahan mo nga ko, kukuha din ako."

Napatingin ako kung sino 'yon at laking gulat ko nang makita si Peter. For the first time in my life, ngayon lang ako natuwa sa presensya niya! God, he saved me from embrassment!

Hindi nalang ako nagsalita at lumakad na kaming dalawa palabas ng room.

"Oy Pedro, thank you ah. May matino ka din palang nagagawa e."

"Mukha kang tanga kanina do'n e, ano ba kasing sapak mo at kay Aviel ka nagpapasama? Wala ka nga'ng pag-asa do'n."

Inirapan ko nalang siya sabay tulak sa kanya palayo sa'kin. "I know, ulit ulit ka nalang alam mo 'yon?"

Nang makakuha na kami ng food stub, pumila na kami sa canteen para makabili ng pagkain. Hindi ko naman mahagilap sina Ekang gawa nang sa ibang floor sila naka-assign, kaya sa tropahan nalang nila Pedro ako nakijoin ng table para kumain.

"Mga hangal! Sabi ko 'wag muna kayo kumain at hintayin ako e!" angal ni Peter sabay hablot ng monoblock para makaupo.

"Gutom na kami e, special ka ba?" asar pabalik ni Janjan sa kanya. Si Joy naman, todo iling na naman. "'Wag kayong magtalo, nasa harapan kayo ng pagkain."

"Henlo, pasabay ako ulit ha." Isang monoblock nalang ang available kaya umupo na ako. Katabi ko si Joy sa right side at si Argel naman ang sa left side ko.

"Kamusta na Bea? Balita ko sa PCU ka na ulit," daldal ni Bernard sa'kin na katapat ko lang.

"Napilit ni mama e," sabi ko nalang.

Wala ako sa mood makipagdaldalan kaya tahimik nalang ako habang kumakain. At ano pa bang aasahan mo kay Peter at Janjan? Ang daming kwento pero hindi naman sila annoying. May mga pinag-usapan pa sila about sa nangyari no'ng bakasyon, paminsan ay tinatanong nila ako kaya sinasagot ko nalang din.

Si Bernard, Charles, at Joy naman ay nanood ng funny videos nang matapos kaming kumain. While Argel, nagscan lang siya ng notes niya at mukhang nagrereview para mamaya.

"Reviewhin mo nga ako," utos ni Argel sa'kin.

"Ay wow, sige 'pag 'to di mo nasagot may kotong ha," babala ko sa kanya at nagsimula nang i-scan ang mga notes niya. Hmm, maganda ang sulat ha. Ang linis tignan.

Nagtanong lang ako sa kanya ng mga questions, and eventually nasasagot niya naman ng tama. Okay din sa part ko kasi narereview din ako habang tinatanong siya.

"Ikaw naman reviewhin ko." Kinuha niya sa'kin 'yong notes at siya naman ang nagtanong. And gaya niya, nasasagot ko naman 'yong mga questions.

"Aral na aral kayong dalawa jan ha, perfect na kayo niyan," puna ni Charles sa amin. Inakbayan naman siya ni Pedro na todo ngisi na naman. Sa mukha niya palang, hindi ko na magugustuhan ang sasabihin niya panigurado. "Diyan nagsimula mga lolo't lola ko e. Bagay kayo, ba't 'di nalang kayo?"

"Yieeeee!" kantsaw naman nila Joy.

"Oo nga Bea, ba't 'di nalang si Argel? Pogi naman siya tsaka matalino," gatong pa ni Bernard. Natawa naman ako sa sinabi niya. Ghad, hindi ko ma-imagine na magkacrush kay Argel. "Loyal ako sa crush ko, sorry."

Pasimple naman akong tumingin sa kanya. Pigil lang ang ngiti nito habang umiiling. Kung tutuusin, gwapo naman talaga si Argel. Maputi, matangos ang ilong, curly hair- halos same sila ng characteristics ni Aviel except lang sa isa. 'Yong mata ni Argel, kapag titignan mo e parang walang buhay. Bukod do'n, mas jolly and makulit si Aviel. Sobra lang silang magkaiba ng personality talaga.

Patuloy pa din naman ang kantsawan nila sa'min ni Argel, pero hindi naman ako naiilang do'n. Normal pa din ang kilos ko dahil hindi naman ako guilty 'no. Nang matapos na ang lunch break namin, bumalik na kami sa room. Nagquiz lang kami and at last ay uuwi na din.

"Sabay ka ba ulit sa'min?" tanong ni Argel sa'kin nang makalabas na kami.

Chineck ko muna 'yong group chat namin nila Ekang and sadly, mas nauna pala silang dinismiss kanina. Panigurado nakauwi na 'yong mga 'yon.

"Oo, sabay ako sainyo."

Nilakad lang namin mula sakayan dahil hindi naman masyadong malayo. Tumawid na sina Peter, Janjan, Joy, at Charles sa kabilang kalsada dahil magkaiba ang destinasyon namin. Bale kasama ko sina Bernard at Argel ngayon habang nakapila.

"Gusto niyo na ba agad umuwi? Nagugutom pa ako e, mang inasal tayo," pagyaya ni Bernard.

"Wala na akong pera e, bukas nalang," pagtanggi ko. Si Argel naman nagkibit balikat lang.

"Okay, sabihin ko nalang sa kanila sa groupchat. Add na din kita Bea, sama ka sa'min bukas ha." Tumango nalang ako sa kanya. Chineck ko na din ang messenger ko at inadd nga talaga ako ni Bernard sa group nila na tropang lakad.

"Wow, kasama na ba ako sa tropahan niyo?" hindi ko mapigilang tanungin. Baka napipilitan lang sila na makisama sa'kin, ayaw ko naman ng gano'n.

"Tropa ka na," maikling tugon lang ni Argel sa tanong ko.

Napatingin naman ako sa kanya pero kagaya ng lagi niyang ginagawa, nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

981 344 20
After numerous heartbreaks and countless disappointments from her relationships, it didn't take that long for her to turn into the wild, sexy, confid...
91.9K 205 30
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa ma...
603 176 25
[OLD] An old compilation but, changed the title of it. Some that happens here comes true some I don't know, I just see things...
135K 9.7K 77
WARNING! WARNING! WARNING! Don't look for a happy ending here! This story is not for the faint of heart! Don't say I didn't warn you!