10

168 17 62
                                    

"Lakas talaga ni Tristhan!"

Lalong umingay ang paligid dahil sa pagpapakilala nito sa girlfriend niya na it turns out to be Cherylyn. Hindi yata ako napansin ng babae na kanina ko pa siya tinititigan dahil todo pa din ang ngiti nito na ani mo'y kilig na kilig. Sumagi tuloy sa isip ko si Argel.

Alam niya na kaya ang tungkol dito?

Naguguluhan ako. Kung may jowa naman pala ang babaeng 'to, bakit ang sweet nila ni Argel no'ng mga nakaraang araw? O sadyang gano'n lang talaga ang personality niya?

Ay ewan, ba't mo ba sila iniisip Bea?

Bumalik nalang ako sa cottage na parang walang nangyari. Nagswimming naman ulit sina Camela pero hindi na ako sumama dahil pagod na ako. Mahirap na at baka magkasakit na naman ako.

Habang nakaupo, hindi ko matanggal ang atensyon ko kina Tristhan at Cherylyn. Para silang may sariling mundo habang naliligo sa pool. Nakalingkis ang babae sa balikat nito na parang nagyayakapan. Masyado silang malapit sa isa't isa at hindi 'yon matanggap ng sistema ko habang tinitignan sila. Si Argel kasi ang naiisip ko. Paniguradong masasaktan 'yon kapag nalaman niya.

O baka naman alam niya na talaga?

"Bea, pwede ba tayo mag-usap?"

Napatangin ako kay Rem dahil sa bigla nitong pagtabi sa'kin. Kaming dalawa lang ang nasa cottage ngayon, ang mga kaklase ko naman ay busy sa videoke at paglangoy sa pool. "Ha bakit anong meron?"

"Unang-una, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon. Inaamin ko Bea, ang immature ko. Ginamit kita for acads, tinake advantage ko ang feelings mo sa'kin at pinagsisisihan ko 'yon."

Bumalik ang lahat ng masakit na ala-alang binaon ko na sa limot. Naalala ko 'yong Bea na nakasalamin na todo mag-aral, tatanga tanga pagdating sa kanya at laging sunud-sunuran sa mga gusto niya. Kung paano niya sabihin sa mismong harap ko na hindi niya ako minahal kahit kailan, na kailangan niya lang ako para tumaas ang grades niya.

Mapait akong napangiti. Sobrang uto-uto ko pala talaga noon.

"Matagal na kitang napatawad, Rem. Pero 'yong mga nagawa mo? Hindi ko pa din talaga makalimutan."

Natahimik siya. Alam ko sa sarili ko na nakamove on na ako, pero kapag iniisip ko lang kung paano niya ako ginago noon— sobra pa din akong nasasaktan. I don't deserve that e.

No one deserved to be treated that way.

"Minahal kita ng sobra e, to the point na wala akong natira para sa sarili ko. Kaya no'ng nawala ka, grabe 'yong naging impact sa pagkatao ko. Patuloy kong kinu-kwestyon ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali? Saan ba ako nagkulang?"

Malumanay lang ang pagkakasabi ko. Hindi din ako naluluha sa mabibigat na salita ang pinakawalan ko. "Naisip ko no'n, kaya mo siguro ako iniwan kasi wala na akong silbi sa'yo. Kasi 'di ba magkaiba na tayo ng school sa SHS? Hindi kasi afford ng parents ko na pag-aralin ako sa EAC."

Siya 'yong naiyak sa pinagsasabi ko. Tingin ko naman ay nagsisisi na talaga siya sa kasalanan na nagawa niya. Nakita ko din naman na mukha na din siyang nagmature. "Sorry talaga Bea. Hindi mo deserve 'yon e. Ang gago ko para gawin 'yon sa'yo."

Bumuntong hininga ako habang naalala ang ilan sa masasayang ala-ala namin. "Okay na din sigurong nangyari 'yon. Pareho tayong may natutunan and we became better person."

"Pero nawala ka naman sa'kin.."

Nagkatitigan kami. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa'kin pero pinipigilan niya lang ang sarili niya. "B-Bea—"

He Was Never Yours To Begin With (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu