Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 58

2.9K 107 106
By Missloorh

A/N: I dedicate this chapter to elevieeeee

Blaire POV

Pagdating ko sa aking silid, binuhos ko lahat ng sakit ng naramdaman sa pag iyak. Ang hirap, ang hirap pag nakita mong nasasaktan ang mahal mo sa buhay. Bakit ba kasi ako natatakot? Bakit ba ako naduduwag? Ayaw ko ng ganito, ang hirap dalhin. Ang bigat, ang hirap maawa sa isang tao na may takot kang damayan ito. Mas gugustuhin ko pang makipag tuos kay kamatayan kaysa makipaglaban para sa puso ngunit sadyang isinilang tayo para magmahal at magawa ang isang misyon.

"Snow! Gusto mo ng kausap?! Andito lang ako!" narinig kong sigaw ni Aubrey mula sa likod ng pintuan. Ramdam ko ang pag alala niya dahil nakasandal ako sa pinto.

"Leave me alone Aubrey!" umiiyak kong sigaw at agad tumakbo papasok ng silid paliguan. Sumandal ako sa pinto at nagpadausdos habang ang mga luha ay nag-unahan parin. Niyakap ko ang mga tuhod at kinagat ang braso para mapigilan ang sariling mas makagawa ng ingay.

I'm so coward. Why did this happen? Those tears fell from his eyes is really make me suffocating. It feels like I was submerged by the boiling water. I hope this will gonna end. Sana mabigyan ng liwanag ang pag-iisip ko. Hopefully I will have the straight to accept them again. Hopefully I'll be able to end this cowardliness. Napahawak ako sa dibdib dahil sa bigat ng naramdaman ko. I thought when the person is brave and strong, they wouldn't feel pain anymore but I was wrong dahil natatalo parin pala ng puso.

Nagpatuloy ako sa paghikbi hanggang sa namalayan ko nalang na unti unti akong nilamon ng dilim at nakatulog.

Pag-gising ko napagtanto ko nalang na nakahiga pala ako sa sahig. I sniffed and stood up. I went outside from the bathroom and then I realized na malapit na palang mag takipsilim. I sighed heavily because of tiredness. Para akong nakalutang sa ere habang naglakad palabas ng silid. Nakarating ako ng kusina at agad akong nanghalungkat ng makakain sa ref. Kinuha ko ang isang baunan ng icecream at dinala ko ito pabalik sa silid. Hindi ko ngayon nakita si Aubrey at baka natulog nadin ito. Umupo ako sa kama at lutang kong nilantakan ang icecream. Parang pati utak ko napagod narin. Naramdaman kong may mga luhang bumagsak sa aking pisngi kaya agad ko itong pinahiran at suminghot. Sumubo ako muli at halos di ko naramdaman ang lamig na nasa aking bibig. Iwan ko ba kung icecream pa ba itong kinain ko.

Nang nagsawa na ako, pagod ko itong nilagay sa desk at agad humiga sa kama. Kung ano mang mangyari bukas, bahala na. Pinikit ko ang mga mata at natulog.

I woke up at eight o'clock in the morning and I did my morning routine. I wore white t-shirt and black ripped jeans. I sighed at lumabas na ng silid. Nadatnan ko naman si Aubrey na nasa kusina at naghain ng agahan. Pumasok ako at agad naman niya akong napansin.

"Good morning Snow, okay kana ba? Ba't di ka naguniform?" tanong niya at umupo na sa upuan kaya umupo nadin ako.

"I'm fine" walang kabuhay buhay kong tugon at di na sinagot ang huli niyang tanong. She just nodded and acted like nothing. Maybe she has an idea that I don't want to talk. We started to eat but I stopped when I felt familiar presence around. Nilunok ko muna ang kinain at tumayo.

"Saan ka Snow?" narinig kong tanong ni Aubrey but I didn't answer her. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko habang naglalakad palabas ng kusina.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang nasa tapat na ako ng pinto. Bigla namang nawala ang presensiyang naramdaman ko kaya agad kong itong binuksan. Bumagsak nalang mga balikat ko at bumuntong hininga. He left already. Piniling ko ang ulo. Bakit ba ako umaasang maabutan siya? Tss, this is crazy. Nagbaba ako ng tingin and there was a flowers catch my attention. Nakaramdam naman ako ng kunting galak. May nakita din akong maliit na papel na nakapatong dito. Pinulot ko ang mga pulang rosas at inamoy ito. Kinuha ko ang papel para tingnan kong anong laman nito. Kinagat ko ang labi para mapigilan ang mapangiti.

Good morning Threes. I love you.

-Chaos

Piniling ko muli ang ulo. Bakit ba ako nakaramdam ng saya sa sulat niya? Remember Blaire, umiyak ka kahapon dahil sa sakit. Pero napaisip naman ako sa sarili kong pag-iisip. Nasaktan lang naman ako dahil sa awa, nasaktan ako dahil nasaktan sila at siya. Nalungkot ako muli nang naaalala ko na naman ang mga sakit na nangyari sa buhay ko. No, wag ka munang mag-isip Blaire baka iiyak kana naman.

Huminga ako ng malalim at magsimula na sanang maglakad nang may napansin ako. Saan ang ibang bulaklak? Kahapon nandito lang kasi ang mga yun. Pumasok ako muli at dumeretso sa kusina.

"Aubrey, nakita mo ba ang mga bulaklak na nasa labas?" tanong ko sa kanya at ngumisi naman siya.

"Nasa kwarto ko, sayang naman kasi kung di pupulutin. Bakit gusto mong kunin?" she teased me. Napairap nalang ako. What a naughty girl.

"Nah, sayo nalang" walang gana kong sabi at tinalikuran siya.

"Yieeee kinuha niya ayieee" panghahabol niyang tukso sa akin ngunit di ko lang siya pinansin. Umakyat ako ng hagdan at nagtungo sa silid. Pagpasok ko, agad akong lumapit sa desk. Gumawa ako ng vase gamit ang kapangyarihan kong yelo at nilagay ko dito ang mga pulang rosas. I shrugged dahil maganda itong tingnan. Nilagay ko naman ang letter sa loob ng drawer at pagkatapos lumabas na ng silid.

Bumalik na ako ng kusina at nakita ko naman ang panunuksong tingin ni Aubrey. Tinaasan ko lang ito ng kilay at humagikhik naman ang impakta. Muli kong itinuloy ang naudlot kong agahan hanggang sa sabay kaming natapos. Lumabas na kami ng dorm at tinahak ang pasilyo papuntang silid-aralan. Pagdating namin sa loob, agad naagaw ang aking atensyon sa upuan ko. Puno iyun ng mga puting rosas. Kunot noo akong lumapit dito.

"Wow! Ang ganda!" manghang sabi ni Aubrey. May nakita naman akong mga papel sa ibabaw. May cake din sa desk at nakasilid ito sa carton na may takip na plastic. May 'Sorry' doong naka design. Saan ang mga naglagay ng mga ito? Napakagat ako ng iibang labi bago napagdesisyunang tanggapin nalang ang binigay nila.

"Snow hingi ako isa hehehehe" nagising ngisi sabi ni Aubrey. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata.

"No." diin kong sabi at gumawa ng upuan sa tabi gamit ang kapangyarihang earth. Umupo na ako at nakanguso naman siyang umupo sa upuan niya.

"Damot" narinig kong bulalas niya. Umayos ako sa pagkakaupo at agad tumingin sa labas ng bintana nang nagsipasok ang mga taong hinahanap ko. Naramdaman ko ang mga tingin nila kaya nakaramdam naman ako ng kunting ilang. Narinig ko namang nagsiupuan sila at maya maya'y dumating ang guro. Dumeretso ako ng tingin sa unahan at iniwasang matapunan sila ng tingin. Aaminin kong nakaramdam ako ng kunting kaba. I don't know why.

Nagsimulang nagtalakay ang guro namin at laking ginhawa ko nang natapos ang unang asignatura. Kagat labi akong napabaling sa mga binigay nila. Shit, what I'm going to do? Napatingin ako kay Aubrey at nakita ko naman ang pagngisi niya.

"I know you need my help" nakangisi niyang sabi. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. Binitbit ko ang mga rosas gamit ang isang kamay at nahirapan pa ako nang nahulog ang mga papel. Wala sa oras akong napatingin sa mga Royalties. Nakita ko naman na para silang natatae sa mga inuupuan nila at ang iba ay nakatayo na parang may gusto itong gawin ngunit nagpipigil lang. Si Four naman nakasubsob lang sa disk niya.

Agad kong binawi ang paningin at pinulot ang mga papel. Tinulungan naman ako ni Aubrey.

"Ayan, ayaw kasing magbigay" pagmamaktol niya. Humigpit ang pagkahawak ko sa mga bulaklak ngunit napahiyaw nalang ako nang may matutulis na tumusok sa aking kamay.

"Naku Snow, akin na nga yan" pagprisinta ni Aubrey at inagaw sa akin ang mga rosas. Napatingin ako sa kamay at nakita kong dumudugo ang dalawang daliri ko ngunit agad naman itong naghilom. Napatingin ako sa paligid at nakita ko sa kanilang mga mata ang pag-alala ngunit mas naagaw ang aking atensyon kay Four na ngayon ay nakatayo na habang may nag-alalang mga mata na nakatingin sa akin. Napalunok nalang ako nang bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad kong kinuha ang cake para makalayas na sa mga tingin nila. Dali-dali akong naglakad at iniwasang matapunan sila ng tingin.

"Wait Snow! Antay!" sigaw naman ni Aubrey. Nakalabas ako at napabuga nalang ng mabibigat na hininga. What the hell! That was really awkward.

"Myghod Snow, para ka namang hinabol ni satanas eh" reklamo naman ni Aubrey na nasa gilid ko na ngayon. Marahas ko naman siyang binalingan ng tingin. Pahamak kasi, sinabi pa talaga niyang ayaw kong magbigay.

"Tss" yun lang ang lumabas sa bibig ko at nagsimulang naglakad. Di pa kami nakalayo, narinig ko naman ang tilian ng mga prinsesa.

"Kyaaahhh! Tinanggap niya! Did you see that?"

"Gaga! Alangan namang hindi!"

"Myghod! May pag-asa na tayo!"

"Buti naisip ko yun!"

"Wuyy Lucy! Ako ang nakaisip nun!"

"Ah basta masaya ako ngayon!"

Wala sa sarili akong napangiti ngunit agad ko namang pinigilan ang sarili dahil may kasama pala akong gaga. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nagsalita naman siya.

"Yieeee ito naba ang simula ng pagpapatawad mo Snow? Tagal-tagalan mo ah, para naman lagi tayong makakain ng cake hihihihi" panunuksong sabi ni Aubrey at humagikhik sa huli. Siguro nga, nakikita ko naman sa kanilang mga mata na sincere sila at determinadong makuha ang kapatawaran ko. Gumawa naman sila ng paraan para paamuhin ako at sa ginagawa nila baka din magkaroon ako ng lakas na tanggapin sila muli kaya pagbibigyan ko ang mga pagsisikap nila. Di ko naman siguro ito ikakamatay kung di ko ayawan ang mga pinaghirapan nilang bagay para humingi ng tawad.

Napatingin naman sa amin ang mga estudyante at namangha pa sa mga bitbit namin, ang iba naman ay naiinggit. Di ko nalang siya pinagtuunan ng pansin. Dumeretso kami ni Aubrey sa dorm at agad kung nilagay ang cake sa ref, pagkatapos hinarap ko si Aubrey na dala dala parin ang mga rosas. Walang pasabi ko itong kinuha sa kanya pati na ang ibang papel na hawak niya rin. Napanguso naman ito.

"Di ba natin kakainin yun Snow? Lunchbreak na kaya" nakanguso niyang tanong na may tunong lungkot.

"Kumain ka ng iba, wag yun hangga't di ko pa yun natikman" walang emosyon kong sabi at iniwan siya doon sa kusina.

"Ahhhh ang daya!" narinig kong reklamo niya. Pumasok ako ng silid at lumapit ako sa desk. Gumawa ako ng ibang vase at nilagay dito ang mga puting rosas. Umupo ako sa kama at nagsimulang binasa ang mga letter nila. Habang nagbabasa ako, kusa nalang tumulo ang aking mga luha. Karamihan sa kanilang sulat ay may salitang sorry.

Pinahiran ko ang mga luha nang natapos ko na ang mga itong basahin at itinago ko ang mga ito sa drawer. Lumabas ako ng silid at pumuntang kusina. Nadatnan ko namang kumakain si Aubrey.

"Oh kala ko di kana bababa, kumain kana" pilya niyang sabi. Umupo ako at nagsimula na ding kumain. Pagkatapos naming mananghalian, muli kaming bumalik sa silid-aralan kaya maghapon akong nakaramdam ng pagkailang kasama ang mga Royalties. Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Nakakalungkot. Pakiramdam ko para akong hindi makahinga. Ang hirap pag may takot, tampo, awa, at sakit kang nararamdaman.

I felt relief when the class has end. Agad akong lumabas at sumunod naman kaagad si Aubrey. Pagdating namin sa dorm, agad akong pumasok ng silid. Naligo ako at pagkatapos bumaba para maghapunan. Agad namang natapos kaya bumalik na ako ng silid dala ang isang hiwa ng cake. Para namang nanalo sa paligsahan si Aubrey nang pinayagan ko na rin siyang kumain.

Kumuha ako ng libro at umupo sa kama. Sumandal ako sa head board at ipinatong sa hita ang dala kong cake. Nagsimula akong nagbasa habang kumakain. Masarap ang lasa ng cake kaya mas lalo akong ginanahang magbasa. Agad akong napalingon sa balkonahe nang may narinig akong nagbato. Kunot noo akong bumaba ng kama at itinabi ang libro, pati nadin ang kinain ko. What was that? Pinuntahan ko ito at malamig na hangin naman ang sumalubong sa akin. Nagbaba ako ng tingin at may nakita akong papel na nakalukot. Pinulot ko ito at binuklat. May laman pala itong bato. May nakita naman akong nakasulat sa papel.

'Pumunta ka ng garden please'

Mas lalong kumunot ang noo ko. Sinong nagsulat nito? At bakit naman ako pupunta dun? Inis kong nilukot ang papel at tinapon, pati narin ang bato. Bumalik ako sa loob at nilagay sa disk ang kanain ko. Binalik ko na rin ang libro sa kinalalagyan nito at humiga. Tumunganga lang ako sa kisame. Lumipas ang isang minuto ay di parin ako inaantok. Bakit para akong nakokonsensya? Di ko naman kilala kung sinong nagsulat nun. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata. Maya maya'y agad akong napabangon. Nakakainis naman 'to. Hindi ako makatulog dahil nilamon ako ng konsensiya.

Agad akong nagteleport sa harden at umawang nalang ang bibig ko dahil sa aking nakita. Madaming alitaptap sa paligid at may mga paru-parong nagliparan na nagiiwan ang mga ng glitters sa ere. Mangha akong naglakad at nilibot ang paningin. May nakita akong mga nakasabit na hugis pusong nag-iilaw sa puno. May mga maliliit ding lights sa mga damo at mga bulaklak kaya mas lalong gumanda ang paligid. Sinong may gawa nito? Lumingon ako sa likod at may nakita naman akong papalayong bulto ng tao. Si Four. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Siya ba ang may gawa nito? Bakit siya umalis? Sakanya pala nanggaling ang sulat nayun. Nagtatagalog kasi kaya di ko agad nakilala. Madalas gumagamit kasi siya ng mga salitang maharlika.

Bumuntong hininga nalang ako at muling itinuon ang atensyon sa paligid. Ano namang gagawin ko dito? Tutunganga lang? Pinukpok ko naman ang ulo gamit ang kamay. Ano pa bang aasahan ko? Mag stargazing na kasama siya? That's impossible. Lumayas na nga yung tao.

Humiga ako sa damo at bumuntong hininga. Nakaka-relax ang simoy ng hangin. Napakagandang tingnan ang mga bituin at lalong lalo na ang buwan. Kung alam ko lang na kaylangan ko lang pala mahasa ang lahat ng kapangyarihan ko para maibalik ang lahat sa dati ay agad ko ng ginawa. Di sana nakaranas ng matinding pagkagutom ang mga mamamayan ng iba't ibang kaharian.

"Ang ganda niya"

"Oo nga"

"Sana ganyan din ang buhok ko hihihihi"

"Oo nga noh hihihihi"

Nangunot ang noo ko nang may narinig akong maliliit na boses. Napabangon ako sa gulat nang may naglitawang mga fairies sa aking harapan at agad naman silang umatras.

"Magandang gabi prinsesa!" sabay nilang sabi at nagsihagikhikan sa huli. Ang cute nilang tingnan. Para silang mga maliliit na taong may pakpak. Wait, they look familiar.

"Magandang gabi din, nakilala ko na ba kayo?" kunot noo kong tanong. Sabay naman silang tumango tango.

"Kami yung nagbigay sayo ng koronang bulaklak at dito mo din kami nakita prinsesa" confident sabi ng isa. Napaisip naman ako. May lumitaw naman na isang senaryo sa aking isipan. Sila nga ito. Prinsesa parin ang tawag nila sa akin hanggang ngayon.

"Naaalala ko na" sabi ko at nagbanggan naman silang apat dahil sa saya. Pagkatapos humagikhik. Napabuntong hininga nalang ako dahil naalala ko silang Scarllet sa kanila. Na-miss ko na silang lahat. Nakaka-miss yung samahan at kulitan. Namiss ko nadin ang kaingayan nilang lahat.

"Bakit ka malungkot prinsesa?" napangiti ako ng mapakla dahil sa tanong ng isa.

"Wala, may naisip lang" malumay kong sabi. Nag face palm naman silang apat na parang nag-iisip at maiigi akong tiningnan. Ano namang iniisip sa mga ito? Nagkumpulan naman sila at pagkatapos humagikhik.

Lumipad sila sa itaas at namangha nalang ako nang may mga glitters silang nilabas at nakagawa sila ng hugis puso. Madali namang naglaho iyun dahil nagsihulog lang naman ang mga glitters sa lupa. Gumawa din sila ng hugis bituin. Napangiti nalang ako. Ang ganda nilang tingnan. Bumalik naman sila sa harapan ko na may malapad na ngiti. Nanggigigil tuloy ako.

"Nagustuhan mo ba prinsesa?" sabay nilang tanong. Tumango ako at masaya naman silang nag-apir sa isa't isa. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili.

"Sige, matulog na ako" paalam ko sa kanila at tumango tango naman silang apat kaya nagteleport na ako sa silid. Humiga ako ng kama at huminga ng malalim. Pinikit ko ang mga mata at mabuting agad akong nakatulog.

Nagising ako ng alas siyete ng umaga at agad akong naligo. I wore my uniform at lumabas ng silid dala ang platong nilagyan ko ng cake kagabi. Pumunta ako ng kusina at nadatnan ko naman si Aubrey na naghanda narin ng agahan.

"Good morning Snow" bati niya at tumango lang ako. Nilagay ko sa lababo ang plato at napatigil ako nang naramdaman ko na naman ang presensiya ni Four. Napakagat ako ng labi dahil sa excitement. Agad akong nagteleport sa tapat ng pinto ngunit nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba. Kinakabahan kasi ako. Hahawakan ko na sana ang doorknob ngunit nalipat ang kamay ko sa bibig. Kinagat ko ang mga kuko. Bubuksan ko ba? Shit, why I felt nervous? Tsk, bahala na.

Mabilis kong binuksan ang pinto ngunit bumagsak nalang ang mga bilikat ko. Great, he left again. Di ko man lang siya naabutan. Nagbaba ako ng tingin at may kumpol namang pulang rosas doon na may papel na nakapatong. Para naman akong patay nito na binibigyan ng mga bulalak. I shrugged at kinuha ito. Agad ko namang binasa ang nakasulat sa papel.

Good morning sweetheart, have a nice day I love you

-Chaos

Napangiti nalang ako sa sulat niya. Pumasok na ako at inamoy ang mga bulaklak. Ang bango talaga ng mga ito.

"Yieeee! Sana lahat binibigyan ng mga bulaklak sa umaga!" tukso naman ni Aubrey na nasa kusina. Hindi ko lang siya pinansin at umakyat na papunta sa itaas.

Third Person POV

Nasa dining si Chaos at nakaupo sa unahan ng lamesa. Inantay niyang magsibabaan ang iba dahil may hinanda siyang agahan para sa mga ito. Di siya sanay na gumawa ng mga ganito para sa mga kaibigan kaya medyo nakaramdam siya ng kaba. Nagkaroon pa siya ng sugat sa kamay kanina habang nagluluto ng mga cookies na litra at pinaibabaw niya ito sa mga tea na tinimpla niya. Bahagya siyang napatadyak sa sahig dahil sa balisa. Namamawis narin ang kanyang mga kamay. Malapit narin kasing lumundag ang mga cookies na nakalutang sa kape.

Fuck! This is crazy, I think this is not gonna work. Paulit-ulit niyang sabi sa isipan. Agad siyang napatingin sa bukana ng pinto nang may narinig siyang mga yabag pababa. Naiyukom niya ang mga kamao dahil sa kaba na parang nae-excite narin.

Una niyang nakita si Lucy na kakapasok lang at agad itong napatingin sa kanya. Napalunok siya ng laway. Nakita naman niyang mukhang nailang si Lucy.

"B-breakfast" usal ni Chaos at halos hindi pa siya nakapagsalita dahil sa dila niya na parang umatras. Napanganga naman si Lucy at naglakad ito papalapit sa lamesa.

Lucy POV

Paglapit ko sa lamesa, nagbaba ako ng tingin at nanlaki nalang ang aking mga mata dahil sa gulat. May walong nakalinyang mug sa lamesa at may mga litrang cookies ditong nakalutang.

I am sorry.

"Kyaaaahhhhhh!" agad akong napatili dahil sa kilig. Mangha akong napatingin kay leader. Ginawa niya 'to? Narinig ko namang may mga yabag na pababa. Excited akong napatingin sa pinto.

"Ano ba Lucy? Bakit ka tumuli?" narinig kong tanong ng iilan at tuluyan silang nakapasok. Kunot noo naman silang nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni leader.

Tumingin sila sa mga mug at gulat naman silang napatingin sa akin. Agad akong umiling-iling dahil alam kong iniisip nila. Iniisip nila na ako ang gumawa nito. Kinilig akong lumingon kay leader. Sabay naman silang napatingin din sa kanya. Umawang lahat ng kanilang bibig kaya napabungisngis nalang ako. Ngunit umawang nalang din muli ang aking bibig nang dahan dahang itinaas ni leader ang kamay niya na parang kinakabahan at dahan dahan din niyang ginawa ang peace sign. Unti-unti namang lumapad ang mga labi niya at ngumiti nalang ito na labas lahat ng ngipin na parang wala itong alam sa paraan ng pag-ngiti.

"Kyaaaahhhhh!" sabay kaming napatili ng mga babae dahil sa ginawa niya. Tumulo nalang ng kusa ang mga luha ko sa saya. Ang cute niyang tingnan.

Agad namin siyang pinalibutan ng mga babae kaya napatayo nalang siya na parang natataranta. Wala na kaming sinayang na oras ay agad namin siyang niyakap.

"Kyaaahh leader!"

"OMG! Kinilig ako!"

"Waaahhhh ang sweet!"

Tili namin. Di ko akalain na magagawa niya ito. Kami naman talaga ang dapat humingi ng tawad sakanya dahil napagsalitaan namin siya ng masasakit na salita.

"Waahhh sorry din leader!" mangiyak-ngiyak kong hingi ng tawad at siniksik ang mukha sa dibdib niya. Ang bango! Napanguso nalang ako nang itinulak ni Scarllet ang mukha ko. Nagtaas kami ng tingin at nanlaki ang aming mga mata dahil sa hitsura ni leader.

Pulang pula ang kanyang mukha at ilang ulit itong napalunok. Agad kong hinawakan ang kamay niya. Nagulat nalang ako dahil sa lamig ng kanyang balat. Hala, anong nangyari sa kanya? Agad kaming lumayo dahil sa hiya at taranta.

"Ah hehehehe leader okay ka lang?" ngising-ngisi naming tanong sakanya. Kumurap naman siya.

"Y-yeah, I'm okay" agaran niyang tugon at medyo nautal pa ito. Unti unti namang bumalik sa dating kulay ang mukha niya. Kinakabahan ba siya? Kyaahhhh ang cute kung ganun.

"Hahahaha bro! Ang sweet mo kasi kaya dinumog ka nalang ng mga langgam" natatawang sabi ni Parker at lumapit kay leader. Inakbayan niya ito at tinapik ang balikat.

"Sorry din bro, napagsalitaan ka namin ng hindi maganda" hingi ng tawad ni Parker.

"Sorry din dude" hingi ng tawad din ni Kade. Napanganga nalang ako nang bahagyang ngumiti si leader. OMG! Ang gwapo talaga ng leader namin. Baka ma-inlove ako nito. Ay hindi pala, may Parker na pala ako hihihihi.

Silang Miles at Acel naman ay ngumiti lang.

"Okay then, let's eat!" unang yaya ni Alexis na parang nae-excite. Agad kaming nagsiupuan. Syempre, excited kami dahil first time kaya itong nangyari. Napatingin ako kay leader nang umalis ito. May kinuha naman siyang sopas kaya natakam kaming lahat. Napangisi ako. Tatandaan ko talaga ang panahon na ito, sa wakas nag-effort narin siya para sa amin. Kahit nag-effort din siyang iguide kami, iba parin ang ganito. Ang swerte naman ni Blaire na may nagmamahal sakanya na tulad ni leader. Pero swerte din naman ako kay Parker kahit di pa alam ng lahat na may relasyon na kami.

Blaire POV

Andito kami ni Aubrey naglalakad sa pasilyo para pumasok. Di pa kami nakarating sa tapat ng classroom nang nagsalita si HM.

Announcement to all students! No class this day, all you have to do is to train yourself with your power.

Nag-ingay naman ang mga estudyante dahil sa saya. Nagkatinginan kaming Aubrey at ngumiti naman siya ng malapad.

"Saan tayo? Doon nalang_" agad akong nagteleport sa garden at iniwan siya doon sa gitna ng pasilyo. This is great, atleast makakarelax ako ngayon ng matagal. Nagteleport ako sa sanga ng puno. Ang ganda talaga dito, nakakarelax. Nakakawala ng stress. Mas lalong nakapagbigay ganda ang mga hugis pusong ginawa ni Four kagabi na nakasabit parin ang mga ito sa mga sanga.

Sumandal ako at huminga ng malalim bago pumikit. Tapos na ang training ko kaya di na siguro ako kaylangang magtraining pa ngayon.

Aubrey POV

Nakabusangot akong naglakad papunta sa arena. Ikaw ba namang iwan kang mag-isa ng walang pasabi. Nakakatampo kaya.

"Ouch!" napadaing ako nang may nabangga akong matigas na bagay. Halos matumba ako at mabuting may agad pumigil. Agad akong napahimas sa noo. Ang sakit. Napatigil nalang ako nang napagtanto kong may kaharap akong tao. Agad akong nag-angat ng tingin at napanganga nalang dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.

Holy shit! Ang pogi.

Kumurap ako dahil baka nag malikmata lang ako pero hindi. Totoo ito, ang gwapo! Napalunok ako nang ngumiti siya ng matamis. Halos manlupaypay ang mga tuhod dahil sa ngiti niya. Nakakabighani ang singkit niyang mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi. Ang lapit kasi ng mukha niya kaya klarong klaro ko ito.

Nabalik ako sa reyalidad nang may pumisil sa beywang ko. Agad akong napatingin dito at nakita ko naman ang kamay niyang nakayapos sa akin. Gulat akong lumayo sa kanya dahil sa hiya. Aubrey, ang tanga mo talaga!

"A-ah_eh s-sorry" utal kong sabi. Shit, bakit ba ako nauutal?

"It's okay" nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti siya ng matamis. Naku, gusto pa yata nitong makidnap eh! Gusto yatang matirhan ng habang buhay ang kwarto ko.

Mapaisip ka nalang na kidnapin ito at ikulong sa kwarto para masolo. Mas lalo kasi siyang guwapo sa ngiti niya.

"May I know your name My lady?" napakurap ako dahil sa tanong niya.

"A-aubrey Tsaves" kinakabahan kong pakilala. Ngumiti na naman siya. Damn, please don't smile baka totohanin ko ang iniisip ko. Mabait ako at ayaw kong magkasala.

"Flinn Vasckie My lady" pakilala niya. Nahugot ko ang aking hininga nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. OMG! Pigilan niyo akong makidnap ito!

"Ahm estudyante kaba dito?" nahihiya kong tanong. Inagaw ko ang kamay at napakamot nalang sa batok.

"No, where here for some business" tugon naman niya at napatango nalang ako. Sayang, mukhang di naman siya magtatagal dito. Pero familiar ang kanyang mukha. Parang nakita ko na siya dati, di ko lang matatandaan kung saan at kailan.

"Ey bro! Andito ka lang pala" agad akong naglibot ng tingin nang may nagsalita. Nakita ko naman ang gwapo ding lalaki pero mas gwapo parin si Flinn ko. Inakbayan naman siya nito.

"Owh who's this lady?" tanong niya kay Flinn at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Aba, manyakis yata ito.

"Aubrey meet my friend Jackson Montero" pagpapakilala naman ni Flinn sa kaibigan niya.

"Hi" tipid kong bati.

"Nice to meet you Aubrey" saad niya at kinuha ang kamay ko. Nanindig ang balahibo ko nang humalik siya sa likod ng aking palad. Agad kong inagaw ang aking kamay. Ngumisi naman siya ng nakaloloko.

"Ah sige, mauna na ako" paalam ko sa kanila at dali-daling umalis sa kanilang harapan.

Blaire POV

Nagising ako ng hapon at agad naman akong bumalik ng dorm. Dumeretso ako sa itaas at sumilip sa kwarto ni Aubrey. Nakita ko namang nakahiga na ito sa kama niya. Napagod siguro siya sa training. Dahan dahan ko itong sinarado at pumasok ako sa kwarto ko. Naligo ako at pagkatapos di na nag-abala pang kumain ay agad na ding natulog.

Nagmulat ako sa isang gubat kaya nangunot nalang ang aking noo. Wait, this place is look familiar. Ito ang gubat sa likod ng akademya but why I'm here? I started to walk while roaming my eyes. Nakapagtataka lang dahil hindi madilim. Lakad lang ako ng lakad but I gasped when there was a man appeared in front of me. His panting because of exhaustion. I froze. His face is covered by blood. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko. W-what the hell is happened to him? Nanginginig ang mga kamay kong dahan dahang tumaas para abutin siya.

"F-four" nanghihina kong usal. Nagulat nalang ako nang tumagos lang ang aking kamay sa mukha niya. Shit, why I can't hold him? No, this can't be. What the fuck is happening?

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko dahil sa takot. Sinubukan ko muling hawakan siya ngunit ganun parin.

"Aahhh! What the fuck is happening?" I screamed because of frustration. Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong Demon sa likuran niya ngunit hindi pa ito nakalapit sa amin. No, no! Not my Four!

"Four! Please run! Run!" sigaw ko sakanya pero parang hindi ako narinig nito. Mas lalo akong natakot nang papalapit na ang Demon. Fuck! Fuck! Fuck! Please not my Four.

Napaatras ako nang nagsimulang naglakad si Four at tumagos lang ito sa katawan ko. Kinakabahan at takot ko siyang sinundan ng tingin. Hirap na hirap na siyang makalakad pa kaya agad kong nilingon ang Demon. Sinubukan ko itong harangin ngunit tumagos lang ito sa akin. Shit, no! Please no! Agad akong napalingon sa kanila at napaigtad nalang ako nang bumaon ang kamay ng Demon sa likod ni Four. Nanghina ang buong katawan ko dahil sa aking nasaksihan. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha dahil sa takot at sakit. Parang ilang ulit nawasak ang mundo ko. N-no, no. This is not true.

"Aaahhhhhh! Four!" umiiyak kong sigaw at napaluhod nalang ako sa lupa nang marahas hinugot ng Demon ang kamay niya at natangay nito ang puso ni Four. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa sakit at takot. Hindi, hindi maaari. Hindi ito totoo.

"Aaahhhhh! No! No!" humagulhol ako sa pagiyak habang umiling-iling. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit.

"No!" agad akong napabalikwas sa pagkakahiga dahil sa takot. Balisa akong naglibot ng tingin at napagtanto kong nandito lang pala ako sa kwarto. P-panaginip lang ang lahat ng 'yun? Naramdaman kong basa ang aking pisngi kaya agad ko itong kinapkap. Umiiyak pala ako. Napatigil ako nang may naaalala ako sa sarili. I have a vision ability and there is possibility that_hell no!

Bumilis nalang ang tibok ng puso at nilukob ako muli ng takot. No, no. Dali-dali akong bumaba ng kama dahil sa kaba at takot. No, not my Four. Wala sa oras akong nagteleport sa labas ng pintuan ng dorm ng mga Royalties. Nagmamadali akong kumatok ngunit dumaan nalang ang ilang segundo ay walang nagbukas kaya pinukpok ko na ang pinto.

"Hey! Open the door!" sigaw ko at halos sirain ko na ang pinto dahil sa lakas ng pagka pukpok ko. Shit, bakit walang nagbubukas?

"Fuck, please open the door! Open the door!" paulit ulit kong sigaw at mas nilakasan ko pa ang pagpukpok nito. Halos manginginig na ang buong pagkatao ko dahil sa takot. Walang tigil ako sa pagkatok hanggang sa may nagbukas nito. Tumambad naman sa akin si Lucy na kusot kusot ang mga mata.

"Ano ba?! Hating gabi na tapos_" napatigil siya sa pagmamaktol at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin na parang ngayon pa lang niya napagtanto kung sino ang kaharap niya.

"Where is Four?" agaran kong tanong sa kanya. Hindi naman siya agad nakapagsalita kaya sa inis ko ay agad akong pumasok.

"A-ah eh nasa kwarto niya" sa wakas ay nakapagsalita narin ito. Wala na akong sinayang na oras at agad akong umakyat para masigurado kung nandun nga siya. Kinakabahan parin akong tumatakbo at nang nakarating ako sa tapat ng kwarto niya ay agad ko itong kinatok.

"Four?" tawag ko sakanya habang kumakatok. Muling tumindi ang takot ko nang lumipas nalang ang ilang segundo ay wala paring nagbukas.

"Four! Open the door!" sigaw ko dahil sa kaba at nilakasan na ang pagkatok. Napansin kong nagsilabasan narin ang iba.

"Blaire?" banggit nila sa pangalan ko ngunit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

"Fuck! Four open the goddamn door!" mas lalo akong napasigaw dahil nakaramdam narin ako ng inis. Dammit, bakit ba ayaw niyang buksan?

"Blaire ano bang nangyayari?" narinig kong tanong ni Scarllet.

"I need to see him! Dammit" ilang ulit akong napamura sa isipan dahil sa kaba. Hindi na ako nakapagtiis pa at nagteleport sa loob. I don't care kung naging bastos man ako. Agad kong nilibot ang paningin at bahagyang nanghina ang buong pagkatao ko nang wala akong nakita na kahit bakas niya. Shit, where is my Four?

Muli akong nagteleport sa labas ng kwarto at agad naman nila akong nilapitan na may naguguluhang mukha.

"Blaire? Ano ba talagang nangyayari?" nag-alala at naguguluhang tanong ni Sophie.

"We will talk later" tugon ko sa kanila at agad nagteleport sa labas ng dorm. Mabilis kong nilibot ang paningin. Fuck this, where I can find him?

Sa gubat.

Agad akong nagteleport sa likod ng akademya kung saan ang gubat. Agad kong nilibot ang paningin. Nagsimula akong tumakbo habang palinga-linga sa paligid. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso.

"Four!" sigaw ko sa pangalan niya. Please Four, answer me.

Mabuting hindi masyadong madilim ang paligid dahil sa liwanag ng buwan. Binilisan ko ang pagtakbo at di alintana ang sakit ng mga paa ko. Hindi pala ako nakapagsuot ng tsenelas.

"Four! Please answer me!" halos mangiyak-ngiyak kong sigaw. Saan naba kasi siya? Saang lupalop siya nagsuksok? Narating ko nalang ang batis ng pinagliguan namin noon ngunit di ko parin siya nahagilap kaya walang pasisidlan na ang kabang naramdaman ko. Kumanan ako at muli na namang tumakbo.

"Four! Please!" pagmamakaawa kong sigaw. Nagsimulang nangingilid ang aking mga luha dahil sa takot. Where are you Four? I would rather to ignore those painful memories than to live with repentance. Sa buhay, dadating talaga ang pagkakataon na kaylangan ka ng mamili at hinding hindi mo ito matatakasan. Nothing is permanent kaya balang araw maghihilom din ang sugat sa puso ko. Mahal ko siya at ayaw kong mawala siya ng tuluyan.

"Four! Answer me!" umiiyak kong sigaw at pakiusap. Pinahiran ko ang mga luha habang umiiyak para kahit papano ay makikita ko parin ang dinadaan ko. Nakalabas ako ng gubat at isang malamig na hangin naman ang sumalubong sa akin.

Mas lalo akong kinabahan dahil bangin na itong nasa harapan ko. Ito yung pinagdalhan ni Four sa akin noon at ang baba nito ay isang malalim na ilog. Kinakabahan akong naglibot ng tingin at napatigil ako sa pag-iyak nang may naaninag akong bulto ng tao sa kaliwang bahagi. Dahan dahan akong humakbang para kilatisin ito. Nabuhayan ang dugo ko nang naaninag ko ang nakatagilid niyang mukha.

"Four" mangiyak-ngiyak kong usal. Kung ganun panaginip lang talaga iyun. Agad kong pinahiran ang mga luha at unti unti naman akong nakahinga ng maluwag. Binilisan ko ang paglakad para lapitan siya. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin sa harapan niya kung gaano ko siya kamahal. Napatigil nalang ako at para namang nagslowmo ang paligid nang unti unting natumba si Four sa harap ng bangin.

"Hindi!" naisigaw ko sa gulat at napataas ang aking kamay para abutin siya kahit malayo pa ito sa akin. Tuluyan siyang nawala sa paningin ko kaya agad akong tumakbo at nagbakasakaling maligtas siya. Bumulis ang tibok ng puso ko at muli akong nakaramdam ng matinding takot.

"Four!" sigaw ko at agad dumungaw sa baba. Narinig ko naman ang pagbagsak niya sa tubig. Muling tumulo ang mga luha ko sa takot. Hindi siya pwedeng magtagal sa tubig dahil pwede niya itong ikakamatay. No'ng naligo kami sa batis, hindi siya naaapektuhan dahil hindi naman iyun masyadong malalim at wala naman sa isip niya ang magpapakamatay.

Dahil sa kaba ko ay agad akong tumalon sa bangin at di alintana ang taas nito. I need to save him. Bumulusok ako pababa at napangiwi ako dahil sa impact ko sa tubig. Agad akong sumisid sa ilalim at binuksan ang mga mata. Nilibot ko ang paningin habang ikinumpay ang mga kamay at mga paa. Nakita ko naman siya sa unahan na palubog na sa ilalim. Bakit hindi siya lumalangoy? Magpapakamatay ba talaga siya? Hindi, hindi maaari.

Mabilis akong lumangoy para lapitan siya. Nang nahawakan ko na ito ay agad kong tiningnan ang mukha niya. Mas tumindi pa ang takot ko dahil nakapikit na ang kanyang mga mata. Hinigpitan ko ang pagkahawak niya sa braso at mabilis lumangoy. Nakaahon kami sa itaas at muli kong tiningnan si Four. Nakita ko naman ang pamumutla ng kanyang mukha. No, you can't die Four. You can't.

Agad akong naglibot ng tingin at may nakita naman akong lupa sa gilid na hindi naaabutan ng tubig. Mabilis akong lumangoy papunta doon habang hila-hila ko naman si Four. Ano bang naisip ng lalaking ito?

Nakaahon kami sa lupa at agad ko naman siyang hiniga. Kinakabahan kong tinapik-tapik ang pisngi niya.

"Four, wake up!" taranta kong usal. Tinapik-tapik ko rin ang dibdib niya ngunit hindi parin ito gumalaw.

"No, no please. Four open your eyes, you can't die" mangiyak-ngiyak kong sabi. Nagsibagsakan na naman ang aking mga luha dahil sa takot nang hindi parin ito nagdilat ng mga mata. What should I do?

May sumagi naman sa isip kong idea at agad kong hinawakan ang bibig niya para ipabuka ito. Agad kong nilapat ang bibig ko sa bibig niya at binigyan siya ng hangin ng tatlong beses. Pagkatapos humiwalay ako sa kanya and I pressed his chest using my hands. Tatlong beses ko iyung sinubukan ngunit mas lalo lang akong kinabahan dahil hindi parin siya nagkamalay. Umayos ako sa pagkakaupo at pinakiramdam ang sarili. Ikinumpay ko ang kamay ngunit wala akong nakuhang tubig sa katawan niya.

"No, please Four" umiiyak kong bulalas at muli ko na naman siyang binigyan ng hangin. Pangalawang beses palang akong nagbigay ng hangin at napatigil ako nang may mga labing sumakop sa mga labi ko. Nanlaki naman ang aking mga mata.

Gumalaw ang mga labi niya na parang nananabik ito sa mga labi ko. Agad ko siyang naitulak dahil sa gulat. Sumeryoso ako at umupo naman siya na may ngiti sa mga labi. Pisteng lalaki 'to. Umaarte lang pala.

"Gago kaba?!" singhal ko sa kanya at sinapak siya sa braso. Ang lahat ng takot at kaba ko kanina ay napalitan ng inis. Tumawa lang siya ng mahina kaya muli ko siyang sinapak sa balikat.

"Baliw kaba? Bakit ko tumalon hah? Bakit?" inis kong tanong sa kanya at di pa ako nakontento ay sinuntok suntok ko ang kanyang dibdib. Tumawa lang siya ngunit pilit niyang pinigilan ang mga kamay ko.

How dare him to made me feel worried.

Naiiyak na ako sa inis kaya nilakasan ko na ang pagsuntok. Sinong hindi maiyak sa inis? Halos mamatay kana sa pag alala tapos di naman pala totoo. Sumeryoso naman ang kanyang ekspresyon at hinuli ang mga pulsuhan ko.

"Hey don't cry, I'm sorry" mahina at paos niyang sabi. Pinahiran niya ang aking mga luha gamit ang isa niyang kamay habang ang isa niya pang kamay ay nakahawak sa mga pulsuhan ko.

"As what I've said, I'm willing to dig beneath from the ocean just to seek your heart. That's why I jumped" masisin niyang sabi. Mas lalo naman akong nainis.

"Baliw ka nga! Wala naman ang puso ko jan! At hindi naman to ocean na sinasabi mo! Saan na ba ang common sense mo? You jerk" inis kong singhal sakanya. Kanina gusto ko siyang iligtas pero ngayon gusto ko siyang sakalin sa inis.

"I know, I know your heart wasn't there but my love for you is more deeper than the ocean's midst, than the deep river" masuyong sabi niya na nakapagpagulo ng sistema ko.

"I love you ad infinitum Threes" napalunok ako dahil may kung anong lumilipad sa tiyan ko. Ang inis ko ay unti unting napalitan ng kilig. Kinagat ko ang labi para mapigilan ang mapangiti.

"Pero_nakakamatay sayo ang magtagal sa tubig! Kaya_kaya hindi mo dapat ginawang biro ang ganun! Halos mabaliw ako sa kakahanap sayo! Halos sumpain ko na ang mundo dahil sa pag-alala! Tapos_" natigil ako sa pagsatsat nang agad niyang sinelyuhan ang bibig ko ng mga labi niya. Parang may kuryente namang rumagasa sa kalamnan ko. Unti unting lumambot ang pagkatao ko dahil sa mga labi niya. Napapikit nalang ako at tumugon sa kanyang halik. Dinig na dinig ko ang tibok ng mga puso namin.

Hinawakan niya ang aking batok kaya mas napalalim ang halik namin. Habang dinama ko ang halik niya, may sumagi sa isip ko na nakapagpagising sa akin. Agad ko siyang naitulak at nagulat naman siya.

"May nangyari ba talaga sainyo ni Divine?" malamig kong tanong sa kanya at medyo umawang naman ang kanyang bibig.

"Ah that thing" usal niya at napakamot pa ito sa batok.

"What?" apura ko.

"Ahm yes" tugon niya at parang bomba naman iyung sumabog sa pandinig ko. Naiyukom ko ang mga kamao at lumamig ang aking ekspresyon. Aaminin kong nakaramdam ako ng matinding selos at galit.

"But hey, I can explain" untag naman niya sa kumukulo kong dugo at hinawakan ang pisngi ko para ipaharap sa mga mata niya.

"She used a Heaven scent to me that's why I lost my sense. And that time, ikaw ang nakikita ko at pagkabukas nagulat nalang ako dahil siya ang nasa tabi ko. Threes, I was senseless that time and swear I almost went insane to struggle my conscience" masisin niyang paliwanag. Heaven scent is a kind of perfume that can send you to heaven whenever you smell its scent. Mag-iinit ang katawan mo at mawalan ka ng kontrol sa sarili. Para kang inimbita nito sa kama, parang uhaw na uhaw ka sa sarap. Kung hindi magagawa ang gusto ng biktima ay ikakabaliw niya ito.

That Divine is really getting into my nerve. She's definitely a desperate woman. How dare her.

"Tss" yun lang ang lumabas sa bibig ko at ngumuso nalang. I'm still jealous for pete's sake. Bakit ba kasi ang dali niyang biktimahin?

Tumaas naman ang sulok ng labi niya kaya binawi ko ang aking nguso at nagtaas ng kilay.

"You're jealous" baritono niyang sabi. Nanliit naman ang mga mata ko.

"Ofcourse I'm jealous! I'm selfish when it comes to you and I'm proud of it. You moron" pag-aamin kong sigaw sakanya. Umawang naman ang kanyang bibig na parang hindi nito inaasahan ang sinabi ko.

Napairap nalang ako at bumaling ng tingin sa ibang dereksyon. Pinag krus ko ang mga braso sa dibdib. Tsk, nakakainis talaga ang lalaking 'to. Leader ba talaga 'to? Tanga kasi.

I gasped when he grabbed my arm and he immediately claimed my lips. My irritation is gradually melted by his wallow kissed. I closed my eyes and I responded to his kiss. I could feel the building sensation between us when his kisses turned into passionate. I quickly sat to his lap like a wild prey with a wild beast. I hold his nape and deepened our kisses.

I admit, I'm craving to his kisses.

@Missloorh

"I love you ad infinitum" aww sanaol!

I don't want to make it long, what I mean is yung tampuhan nila kasi malapit na talaga tayo sa ending mwehehehehe

Thank you so much for reading! I love you ad infinitum mwahh

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...