Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 12

2.6K 171 37
By nakalimutankoe

Kabanata 12.

TIRIK NA TIRIK ANG ARAW pero nandito ako sa halos gitna ng kalsada, naglalakad-lakad habang nakasukbit sa leeg ang tali ng pahaba at kahoy na tray kung saan ko itinutuktok ang limang pisong barya na hawak para gumawa ng ingay. Gusto ko sanang magbukas ng maliit na sari-sari store pero hindi umabot ang perang hawak ko kaya ito na lang ang naisip ko—magtakatak. Dito lang nagkasiya ang puhunan ko e. Akala ko malaki-laki iyong naitabi ko iyon pala hindi dahil panay ang bawas ko noon para mag-computer.

Init na init na ang pakiramdam ko. Uwing-uwi na ako pero nagpasiya akong manatili pa dahil kailangan kong makabenta. Nang may dumating na jeep, sinamantala ko ang pagkakataon para maging barker. Ikinaway-kaway ko ang nakataas na kamay, nagtatawag ng pasahero at isinisigaw ang ruta ng sasakiyang sinusubukan kong punuin.

"Malolos! Malolos! Kapag dito kayo sumakay tiyak na hindi kayo malo-lost!"

Patuloy ako sa pagtawag ng pasahero hanggang sa mapuno ang jeep. Inabutan ako ng driver ng limang pisong buo bago pinaharurot ang sasakiyan niya palayo na nag-iwan pa ng maitim na usok. Hindi na ako naubo, 'di gaya ng dati, dahil mediyo nasasanay na rin ako. Mag-iilang buwan ng ganito ang ginagawa ko pero wala pa rin ako masiyadong naiipon. Sinubukan ko namang maghanap ng ibang trabaho pero puro may experience ang hanap.

Hindi ko alam na ganoon pala kahirap iyon. Panay ang lakad at pasa ko ng mga bio-data pero sa tuwing i-interview-hin na ako ay palaging bumabagsak dahil wala akong experience na isa sa mga requirements na hinahanap nila. Paano ako magkakaroon kung pare-pareho silang hindi ako tinatanggap? Ewan ko ba. Tiyanggala talaga.

"Kumusta, malakas ba ang benta?" tanong ni Buknoy pagkalapit sa akin.

"Mas malakas pa ihi ko," sagot ko.

"Sama ka sa akin. May nahanap akong extra na puwede mong pagkakitaan."

Agad akong tumingin sa kaniya. "Baka naman illegal iyan," biro ko.

"Siraulo ito o. Baka may makarinig sa iyo at isumbong pa tayo sa mga pulis. Mukha ka pa namang kriminal."

"Anong klaseng pagkakakitaan ba iyan? Hindi ako nagbebenta ng katawan."

"Wala rin namang magkakainteres," sagot niya. "Pero seryoso ito . . . Hindi mo kailangan ng experience. Basta lang marunong kang mag-drive ng side car pasok ka na. Palagan mo na, sayang din kikitain."

"Anong trabaho ba?"

"Water delivery boy."

"Magkano naman ang isang araw?"

"Two-fifty. Puwede na, hindi ba?"

"Palag na," walang pag-iisip kong sabi. "Si Buboy ba sinabihan mo na rin?"

"Oo. Pero may trabaho raw siya sa construction. Isinama raw siya ng kaibigan ni Mang Edgar. Hindi na tayo naidamay kasi sapat na iyong tao."

Kaagad kaming nag-asikaso ng mga requirements at wala pang isang linggo ay nakapagsimula na kami. Binigyan kami ng kaniya-kaniyang oras at napunta ako sa pang-alas tres ng hapon kaya may oras pa ako sa umaga para makapagtakatak. Butil-butil ang pawis ko ng umuwi ako sa bahay galing sa water station. Nadatnan ko si ate na nakaupo sa matigas naming upuan at nagbabasa ng makapal na staple ng bond paper kahit pa bakasiyon nila. Pinayagan siya ng amo niya mag-stay rito ng isang linggo pero ito siya ngayon at nag-aaral pa rin kahit na dapat ay nagre-relax siya.

"Buhay ka pa? Tustang-tusta ka na, baka maabo ka niyan," aniya.

Napakamot ako sa batok. "Ayos lang, nag-e-enjoy naman ako e," pagsisinungaling ko at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig.

Tahimik ngayon dahil wala si mama, sinamahan si Jeremy na magpa-enroll. Nang maulinigan kong may kausap si ate, lumabas ako para tignan kung sino iyon at nakita si Manang Salome na mukhang naniningil.

"Naku, Jersey, pasensiya na pero kailangan ko rin ang pera na iyon ngayon," wika ni Manang Salome. "Ang usapan namin ng mama mo kahapon siya magbabayad pero wala namang pinahatid."

"Wala pa ho kasing pero iyon ngayon e," sagot ni ate.

"Ako rin walang-wala ngayon kaya kailangan ko kayong singilin."

"Magkano ho ba ang utang ni mama?"

"Dalawang libo. Hindi ko na pinatubuan dahil alam ko namang pare-parehas tayong naghihirap."

"Sandali lang ho."

Pumasok si ate sa kuwarto niya. Sumunod naman ako. Dismayado siyang bumuntong-hininga pagkabuklat sa wallet niya. "Isang libo na lang ang meron ako rito . . . Ano pa ang ipapamasahe ko pabalik sa Manila?" Umiling-iling siya. "Bahala na nga."

"Ako na lang ang magbabayad. Itabi mo na lang iyang pera mo," sabi ko.

Salubong ang kilay niyang tumitig sa akin. "Kanina ka pa nakatayo riyan?"

Nagkibit-balikat ako. "Mediyo."

Pagkaabot ng bayad kay Manang Salome, nagpapasalamat siyang umalis. Mayamaya ay dumating si mama na hapong-hapo na naman ang hitsura at namumutla. Tinanong namin siya kung ano ang problema pero, "Masiyado lang mainit sa labas," ang tanging isinagot niya bago inilipat sa akin ang usapan.

"Ano, kaya mo pa ba iyang ginagawa mo? Hindi raw maintindihan ng ama mo kung bakit mas pinili mong magtrabaho kaysa mag-aral."

"Mahal mag-aral, Ma," sagot ko.

'Yung sa CHED nga wala pa rin akong balita hanggang ngayon. Pero hindi na iyon mahalaga sa akin dahil hindi naman na ako nag-aaral.

"Iyang sinasabi mong mahal, kaya mo iyang mabawi kapag nakatapos ka na. At isa pa, iyon din ang pangarap namin ng ama ninyo para sa inyo . . . ang makita kayong aakiyat sa stage at tatanggap ng diploma."

Kuha ko ang punto nila pero ayaw ko pa ring sumugal. Hindi nagtagal ay nagpaalam na si mama dahil naninikip daw ang dibdib niya at gusto niyang magpahinga. Bumalik kami sa kaniya-kaniya naming ginagawa ng marinig namin ang sunod-sunod at walang patid na pag-ubo mula sa kuwartong pinasukan niya kaya nagmamadali kaming sumunod.

Nakapaikot kami kay mama pero sapat pa rin ang layo para mabigyan siya ng hangin. Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang kami sa kaniya, hinihintay na linawin niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya ngayon.

"Maayos na ako. Napagod lang siguro ako dahil mainit at mahaba ang pila," kapagkuwan ay sabi niya. "Lumabas na kayo roon. Matutulog ako."

Hanggang sa nagpasukan, pansin namin ang hindi nawawalang ubo ni mama. Paulit-ulit namin siyang pinagsasabihan na magpa-check-up pero ayaw niya kesiyo gastos lang daw iyon at maayos naman ang pakiramdam niya. Hindi namin siya mapilit. Ang mga kapatid ko naman, balik-eskuwela na . . . Ako lang ang hindi.

"I-deliver mo ito sa address na ito." Inabot sa akin ni Kuya Marcel ang maliit na piraso ng papel kung saan nakasulat ang kompletong address ng paghahatiran ko.

"Copy!" may sigla kong sagot at isinakay sa side car ang dalawang container ng mineral water.

Sa plaza, maraming bata ang naglalaro ng habol-habolan kaya bumagal ang takbo ko dahil baka makadisgrasiya ako. Mahirap na.

"Tabi muna dadaan ako!" malakas kong sabi. Agad naman silang sumunod.

Papaandarin ko na sana ulit ang motor ng patakbong lumapit sa akin si Reggie habang sinesenyasan akong maghintay.

"Nagba-basketball ka pa ba?" tanong niya pagkalapit.

"Hindi na," agad ko namang sagot.

"Pero hindi ka pa naman yata kinakalawang, hindi ba?"

"Bakit, ano ba ang meron?"

"May paliga si Kap sa Sabado. Balak sana naming sumali kaso kulang kami ng isang player." Itatanong ko pa lang sana kung magkano ang premyo ng mananalo pero naunahan niya na ako. "Sampung libo ang makukuha ng mananalo."

Hindi na ako nag-isip. "Sige, sali ako."

Sampung libo? Tigmamagkano ba kami kung sakali? Basta bahala na. Mukha namang malaki e.

Ngumiti siya. "Ayos . . . Tuwing alas-siete tayo ng gabi magpa-practice kasi may pasok iyong iba. Dito lang din sa court na ito . . . Mamaya ang simula."

"Sige."

Pagdating ko sa address na nakasulat sa papel, tumambad sa akin ang malaking bahay; may second floor at malaki ang gate. Iniyukom ko ang kamao at paulit-ulit iyong kinatok.

"Tao po, water delivery!"

Halos mamaos ako kakasigaw pero wala pa ring lumalabas o sumisilip man lang. Namumula na rin ang kamao ko. Nang mapagod, sandali akong bumalik sa side car para magpahinga ng mapansin ko ang doorbell sa gilid. Tiyanggala. Nilapitan ko iyon at walang pakundangang pinindot hanggang sa maaninag ko ang matabang lalaki na naglalakad palapit para pagbuksan ako.

"Simon!" gulat kong sambit ng malapitang makita ang mukha niya. Bahay niya ito? Hindi ko alam. Hindi pa naman ako nakabisita sa kanila kahit isang beses.

"Jackson?" patanong niyang pangingilala sa akin. Tumango ako at pinaglaruan ang dalawang kilay. "Pumasok ka muna."

Ipinasok ko sa garahe nila ang side car saka binuhat papasok sa mismong bahay nila ang mga container. Pinaupo niya ako sa malambot nilang sofa at inabutan ng isang basong tubig.

"Wala bang juice riyan? Purgang-purga na ako sa tubig e," hirit ko. "Kita mo nga tubig na naman ang dala ko."

Umalis siya at ilang minuto lang ay bumalik din dala ang request ko.

"Part-time job mo iyan?" tanong niya.

"Hindi, trabaho ko na talaga ko . . . Hindi na ako nag-aaral."

Nangunot ang noo niya. "Bakit?"

Imbis na sagutin ang tanong niya, inilipat ko sa ibang paksa ang usapan. "Ano ang kursong kinuha mo?"

"Human Biology . . . Same kami ni Cleo . . ."

"Schoolmate kayo?"

"Blockmate rin."

Sandaling katahimikan ang pinadaan ko. "Kumusta siya?"

"Ayos lang naman . . . Nag-e-excell siya sa klase namin." Hindi ako sumagot. "Bukod sa pagde-deliver, ano pa ang pinagkakaabalahan mo?"

"Nagtatakatak ako habang nagba-barker." Naningkit ang mga mata niya, tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "Pero sa Sabado, may paliga sa amin . . . kasali ako."

"Eksaktong oras?"

Umiling ako. "Hindi ko pa alam. Pero malamang gabi iyon . . . Manonood ka? Isama mo si Pat . . . kung ayos lang . . . ."

Pero binawi ko rin iyon. Paano kung nagalit siya dahil sa ginawa kong pagpapahiwatig na may gusto ako sa kaniya? Kaya ba hindi na siya sumagot sa sulat ko noon at nagpakita sa akin? Gusto kong tanungin si Simon pero kung gagawin ko iyon sasaktan ko lang ang sarili ko. Araw-araw naghahangad ako na sana magkrus ang landas naming dalawa ni Patricia dahil gusto ko siya ulit makita pero hindi ko alam kung tama pa ba iyon gayong gumagawa nga siguro siya ng paraan para hindi na ulit kami magtagpo.

Gusto ko siya . . . pero hindi ko ipipilit ang sarili ko. Kung ayaw niya sa akin, wala akong ibang gagawin kundi tanggapin at irespeto iyon. At kahit danas ko ngayon ang lungkot, sakit, at pagkapahiya na dulot ng rejection, wala akong pagsisisi. Ang importante naiparating ko kung ano ang nararamdaman ko. Paano kung may chance pala ako pero naduwag lang ako? Edi sayang naman. Hindi man niya tinanggap ang pag-amin ko, kahit papaano ay magaan pa rin ang loob ko dahil naipahayag ko iyong feelings ko. Iyon ang pinakamahalaga at wala akong kahit na anong pinagsisisihan. 

Continue Reading

You'll Also Like

410K 21.8K 45
In an alternate universe, Maine Mendoza fails to make it as a talent in Eat Bulaga, and pursues her other dream to be a Flight Attendant. In one of h...
11.5K 578 123
Short Compilation of Different Spoken Poetry
2.8K 308 101
Mga salitang pilit naglalayag at naglalakbay. Mga kataga na nag-iwan ng marka sa nakaraan hanggang kasalukuyan. Mga salita na may dahilan o raso...
12.9K 340 2
𝗼𝗻𝗲 π˜€π—΅π—Όπ˜ | 𝗯𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 π—±π˜‚π—Όπ—Ήπ—Όπ—΄π˜† #𝟭 A girl longing to be loved. Β© April 2016