Rule #3: Changing The Rules

Oleh redvelvetcakes

1.1M 24K 11.7K

Rule #3: Do what it takes to rule the game. Everyone sees Elisse Amelia Gallego as the perfect and beautiful... Lebih Banyak

Prologue
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
[46]
[47]
[48]
[49]
[50]
Epilogue

[25]

18.5K 331 55
Oleh redvelvetcakes

Chapter 25

I sat at his front seat with my brows furrowed. He had a small smile on his face like he's so amused of me. Bwisit naman kasi! Kung hindi niya ako pinilit na sumama sa kanya, I wouldn't be here.  with him. Nararamdaman ko na rin ang sermon ni Prince pag nalaman niyang sumama ako sa lalaking 'to.

I don't know what he's deal is, really. Ano ba talaga ang gusto niyang ma-achieve? Is he interested with me?

I scoffed mentally. He's so low for hitting on me, then. Dahil hinding-hindi ko ipagpapalit si Prince sa kanya. I am forever loyal to him. I'm too in love with Prince to spare him any of my attention.

"Graduating ka na diba?" Bigla niyang binasag ang katahimikan at sumulyap sa akin.

"Yeah..." tipid kong sagot, naiinis pa rin.

"Anong plano mo, pagkatapos? Medical school?"

"Obvious naman diba?" sarkastiko kong sagot sa kanya.

Tumigil ang sasakyan dahil nasa stoplight. Kinagat niya ang labi na parang pinipigilan ang ngisi. My forehead creased at him. Ang weird niya talaga!

Parang kahit anong sungit ko sa kanya, mas lalo lang siyang ginaganahang inisin ako.

"Hmm... are you sure about that? Mahirap ang medical school. I have friends who went to that field and as of now, they're crying." Natatawa niyang sabi. "Mahihirapan ka lang, kaya bago ka pumasok dyan isipin mo muna kung gusto mo talaga yan. Mahirap na magback-out pag nandun ka na..."

I arched a brow and crossed my arms, obviously annoyed of him.

"What? You think I'm a weakling who can't handle pressure?" Inis kong sabi.

Namilog ang mata niya, nagulat ng konti sa sinabi ko.

"Hindi naman... I'm just concerned. Madalas, wala ka nang tulog. You'll eat less frequently. Marami ka ring makikitang mga-"

"I don't need your concern. Keep it to yourself," Binalik ko ang tingin sa daan para hindi na makita ang mukha niya. Anong tingin niya sa akin? Puro arte at paganda lang? Excuse me, I already have those ever since I was born. Hindi ko na kailangan magpaganda pa lalo dahil kawawa naman ang iba. And it's not like I say eww to blood! Sanay na sanay na nga ako humawak ng ihi, tae at mga dugo!

Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya bago dumiretso. I just want this ride to be over! Dahil tuloy sa kanya, nawalan na ako ng ganang mag-aral ngayong araw!

"Thanks," sambit ko nung ibaba niya ako sa babaan ng condo tower ko.

Binilisan ko ang pagbaba at mabilis na pumasok sa loob ng lobby. Mainit ang ulo ko ngayon at gusto ko nalang mag-order ng milktea at mag bath tub.

"Dra. Gallego, wait!"

Napalingon ako dahil sa pagtawag niya sa akin. D-Dra. Gallego, w-what?

Binuksan niya ang compartment at binigay ang susi sa valet. Napatingin ako sa paligid, may mga iilang taong napatingin sa amin dahil sa pagsigaw niya. I felt a bit embarrassed.

"How can you be a doctor if you won't read these books?" he said, carrying them. "I'll carry it for you. Ikaw na bahala magdala sa akin doon."

"Akin na nga yan!" I tried to get it from him but he raised them from me so I wouldn't reach it. Damn it! Nagmukha tuloy akong maliit dahil sa height niya!

He's just a little taller than Prince, from my perspective. Bakit ba kasi ang tatangkad ng mga lalaki sa Brierwell? They're literal towers! Wala atang mas maliit pa sa six feet sa kanila. Even my brother and cousins are six footers!

"What floor?" he asked with a teasing smile.

Umismid ako at nailing.

"Kaya ko na nga!" pamimilit ko pa.

He chuckled. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Is it one of your red days, today?"

Nag-init ang pisngi ko. Ayoko ngang pag-usapan ang period ko! Ni hindi pa nga iyon dumadating dahil irregular ako! I have to check up with my OB about that, hindi ko palang magawa ngayon dahil sobrang busy ko pa.

"Follow me nalang," irap ko at dumiretso na roon.

Pansin ko ang tingin ng ibang mga taga-Brierwell sa akin. Umuna na ako ng lakad dahl ayokong pagtsimisan pa kami ni Troy. Ayoko na ng sakit ng ulo.

Pinababa ko nalang sa harap ng pinto ang libro ko. Hinarap ko siya, nagkatinginan kami. Hindi pa rin kasi siya umaalis sa tabi ko.

"Pwede ka na umalis," I told him.

"Grabe, hindi mo man lang ba ako iimbitahan sa loob? You know... let me drink juice, coffee or something?" Tinaas baba niya ang kilay sa akin.

Kumunot ang noo ko.

"Why? For what?"

He pouted. HIndi ako sanay na ganyan siya umasta. He's supposedly in Law school, and yet he's still acting like a kid.

I sighed. "Thank you for bringing my books and giving me a ride home. Now you may leave," I said kindly.

Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko para hindi pansinin ang hirap niya sa paghatid at pagbuhat ng libro ko. Mabait naman siya... I just feel a little annoyed.

Tinitigan niya ako bago napangisi.

"Alright, call me when you need me. Nasa 15th floor lang ako." he saluted with a bright smile. "Dra. Gallego..."

Kumunot ang noo ko lalo at napailing nalang. I punched my code in and entered my condo, with a small smile on my face. Dra. Gallego seems like a good title...

Binuhat ko ang mga libro at nilagay sa may sala iyon. I rested tiredly on my couch and immediately texted Prince. Pinauwi kasi siya ni Tita dahil namiss na daw ito ni Carter, his youngest brother.

I spent at least four hours studying before I drifted to a sleep. Pagkagising ko sa sunod na umaga ay naamoy ko na agad ang bango na nanggaling sa kusina. Mabilis akong nag-ayos at nagligo. It must be Prince! Siya lang naman ang may alam ng lahat ng passcodes ko.

"Ate Emma!" Sumalubong sa akin si Carter at niyakap ako. I giggled and kissed the top of his head. Kamukhang-kamukha niya talaga si Tita, pero nung baby siya'y halos si Tito ang nakikita ko. Now that he's a bit grown up, mas kita mo na ang mukha ni Tita kaysa kay Tito. Tanging siya lang ata ang kamukha nito dahil kamukha nina Nikki at Prince ang Papa nila.

Carter is four years old now. Gaya nina Prince at Nikki, asul rin ang mga mata niya. They all have the same shades of blue, that they got from Tito Aurelius. Mas lamang nga lang ang kay Prince. His is bluer than all of them.

BInuhat ko si Carter at dinala sa kusina. Nakita ko si Prince na nakasandal sa may counter at may pinapanood na youtube video about cooking. He looks so focused, while watching the stove. Amoy na amoy ko ang niluluto niya roon.

Tumingin ako sa gamit na nasa sala. They must've slept here, huh? Hindi ko lang sigurong namalayan na tumabi sa akin si Prince. He can't sleep without me on his side, para talaga siyang bata. I didn't expect him to be the clingy one in this relationship, buong akala ko'y ako iyon.

Carter hugged my neck and kissed my cheek. Nagulat pa ako roon at natawa. Tumaas ang kilay ni Prince sa kapatid.

"Sorry, Kuya. Ate Elisse is mine now!" He cheekily grinned at his brother.

Tumitig si Prince sa amin na parang natatawa. Pinisil ko ang pisngi ni Carter, dahil ang cute niya! Four years old palang siya, may nalalaman na siyang ganyan? Hindi na ako magtataka kung magiging katulad siya ni Prince, paglaki nito. Lalo pa at nasa lahi na nila iyon. I think it was only Trent who loved one girl his whole life? Sabagay, siya naman talaga ang pinakakaiba sa kanilang magpipinsan.

I remembered how I liked Drake before. Siya talaga ang gustong-gusto ko noon dahil sobrang gwapo at pasok na pasok sa tipo ko. Never thought I'll eventually fall for Prince and have him as my boyfriend right now.

"Ang tanong, gusto ka ba ni Ate Elisse?" Pinisil niya rin ang pisngi ng kapatid. Matataba ang pisngi nito at mapupula.

Carter pouted.

"Of course! I'm the most good-looking Montereal!" pagmamalaki niya sa Kuya niya at ginawa ang pogi sign. Carter kissed me again, hinalikan ko rin ang pisngi niya. Nangigil ako!

Natawa si Prince at ginulo ang buhok ng kapatid niya.

"Nakakarami ka na, ha! Find your own Ate Elisse. Ayaw mo ba kay Azelie?" he teased.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Kay bata-bata, tinutukso niya na agad sa iba!

Carter had a disgusted look on his face. "Azelie is older. I don't like oldies. I only accept Ate Elisse."

"Carter!" suway ko, dahil baka parang sinasabi niya sa masamang paraan iyon. I should teach him not to discriminate others, dapat talaga sinisimulan sa pagkabata ang pagtuturo sa kanila ng good manners.

Napailing si Prince. Napunta ang tingin niya sa akin at ngumiti. Lumundag ang puso ko at pinigilan ang ngiti.

"Carter, you want money? You can get some from Kuya's wallet." Kinuha niya sa akin si Carter at binaba niya ang bata.

"Money?" Nagliwanag ang mukha ni Carter.

"Uh, huh. It's in the other room, get whatever you want." he told his brother and glanced at me with a sexy smirk.

Tumalon si Carter at tumakbo na papasok sa kabilang kwarto. Hindi man lang ako nakasalita nung hilahin ako ni Prince sa baywang ko at siniil ng halik sa labi.

"You smell good..." he nuzzled his head on my neck and chuckled. "Bagong ligo?"

Tumango ako. He started sniffing me, while dropping feathery kisses on my neck. Nanlaki ang mata ko at sinubukan siyang itulak. Baka makita pa ni Carter ang ginagawa namin!

"Your brother's here..." I said to him.

Tumawa siya at hinalikan ang noo ko.

Ngumisi siya. "That's okay, para matuto siya in the future."

Nanlaki ang mata ko at hinampas siya. He laughed heartily and hugged my waist. Natatakot akong biglang sumulpot ang kapatid niya at makita kami.

"I should really tell Tita to bring him away from you. He's like a mini you! You're such a bad example." I shook my head.

He kissed the side of my head before going back to the kitchen. Sumunod ako sa kanya at tiningnan ang niluluto niya. Akala ko kung ano iyon, may noodles at iba't ibang mga putahe.

"What are you cooking, love?" Pinatong ko ang baba sa balikat niya at dumungaw sa niluluto niya. Nakatingkayad pa ako ng kaonti para abutin ang balikat niya.

Pinigilan niya ang ngisi sa mga labi. I bit my lip and wrapped my arm around his neck. Kinikilig ba siya?

"You know sometimes... I think you're the girl in the relationship. Lagi ka nalang kinikilig sa akin," I teased.

"I'm just happy that I have you and you're mine...." mariin niyang hinalikan ang pisngi ko. I giggled and hugged him.

Pinanood ko ang video na nasa tabi niya. I realized that he's cooking spicy chicken noodles! My ultimate favorite! Dati ko pa sinasabi sa kanya, that I was craving for it and now he's cooking it for me.

Pakiramdam ko nga, natuto lang siyang magluto mula nung maging kami. He's always trying to learn how to cook, dahil ang sabi niya sa akin, ayaw niyang i-asa ang pagluluto sa akin pag naging mag-asawa na kami. He told me that if ever we did end up getting married, dapat tulungan kami sa mga ganitong bagay. He said that it's not only a woman's job to serve her husband by taking care of their kids and doing chores, and that they were binded to help each other out. And I love him more for thinking that way.

That's the reason why he's being working hard to learn everything these days. Kung sakaling siya man ang maging asawa ko'y napakaswerte ko talaga. I never expected him to be like this, and I love him more each day.

"I bought chili garlic, hindi ko lang alam kung tama nga ba 'tong binili ko." he showed it to me. Dumungaw ako roon at tama naman ang mga nabili niya.

"That's exactly the one I want!" I grinned.

He sighed in relief. "Good."

I chuckled and clinged to his arm.

"Will Carter be okay with what you cooked? Baka ayaw niya sa maanghang..." I twitched my lips and tasted his cooking. Nagliwanag ang mga mata ko sa sarap. It tastes so good!

"Masarap?" May halong kaba at tuwa sa boses niya.

Tumango ako. "It's very spicy, but I love it!"

He nodded in relief. Ang cute lang dahil naka-apron pa siya. Blue ito na may chibi drawing at checkered blue print. I found it in Japan, the last time I visited Lia and Kale. I find it cute so I bought it.

"Carter will eat anything you eat. You know how much he likes you. Kulang nalang, sambahin ka non o pakasalan..." nailing niyang sabi at nilipat sa plato ang niluto.

"Ganon ba? He's only four though, spicy foods may upset his stomach," I said and grabbed another bite of his food. Napatitig siya sa akin habang ngumunguya ako.

"What?"

He shook his head and smiled.

The next weeks were spent to train for upcoming competitions. Last year ko na, at ako ang ginawang captain. Personally, I didn't want it. Pero wala na akong nagawa dahil sa akin na iyon binigay. Alam ko namang may natitira pa sa kanilang mga may ayaw sa akin.

"Ngayon daw ang laban ng Basketball! Pwede ba tayo manood, Emma?" Patty asked after a round of training.

Ngumuso ako. Gusto ko ring manood at suportahan si Prince. Halos patapos na rin naman kami dito.

"I'll talk to coach," I told them.

Naghiyawan sila, umirap si Gersha sa akin. Sometimes I forget that she's with us. Paminsan-minsan, may sinasabi pa rin siya pero hindi ko nalang pinapansin.

Kinausap ko si Coach at agad rin itong pumayag. Wala pa nga akong masyadong nasasabi ay pumayag na agad siya. He says that he trusts my judgment and he knows that our team is ready to compete anyway. I'm proud to say that under my leadership, our team has won tons of championships in different categories. They even gave me an opportunity to compete internationally and to be part of the National team, but I declined. Sa ngayon, pagiging doktor ang priority ko.

"Iba talaga pag maganda ang team captain natin! Isang ngiti ang ata ni Emma kay Coach, napapayag niya na e!" sabi ni Leila at umakbay sa akin.

"What do you expect? Maboboto bang the most beautiful face in Brierwell and in the University Athletes Society iyang si Emma kung hindi siya maganda?" komento rin ni Daine.

Luckily, my other teammates are nice. They even uplift me whenever I make my mistakes. Normal naman daw talaga iyon at hindi dapat i-pressure pag nasa ganong sitwasyon, lalo pa pag nasa game.

I admit a lot of pressure is on my shoulders. But thanks to the people around me, I can manage them just fine.

"Just one word from Elisse Gallego and they'll immediately agree. Kaya nga siya ang pinapakausap namin sa prof e." Poppy chuckled.

Umiling ako sa usapan nila. Bakit ako naman ang naging topic nila?

Pumasok na kami sa venue ng game. Nasa kabilang court kasi gaganapin ang game ng basketball. Prince is part of the line up as always. Mas gumaling na rin siya sa laro, pero tinanggihan niya ang team captain kaya napunta ito kay Cairus.

"Emma, dali! Hinahanap ka ata ng boyfriend mo!" Kinikilig na tinulak ako nina Leila patungo sa mga players. Hindi pa nagsisimula ang laro pero may mga tao na rito at naghihiyawan para suportahan ang kanya-kanyang team.

Napatingin ang ibang mga nadaanan ko sa akin. It felt awkward, but this is the only way to Prince's side. I passed by the Grandview players ang ilan ay napalingon pa sa pagdaan ko sa kanila.

Iniikot ni Prince ang tingin sa gym. I felt a bit shy, lalo pa at t-shirt at cyclings lang ang suot ko. Naligo lang kasi kami ng mabilis at nagbihis ulit ng t-shirt at cyclings kaya ito nalang ang nasuot ko. Lugay rin ang mahaba kong buhok, nakaayos lang ito at sinuklay kong mabuti para di nakakahiya. I didn't even have the time to put on make up. Tanging lip tint lang ang nailagay ko.

Patungo na sana ako sa kanya nung may humarang sa daan kong player. Nagulat pa ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"Hi, I think we've met before?"

Kumurap-kurap ako, tinitigan siyang mabuti. Hindi ko pa nakikita ang lalaking ito.

"Uh, I don't think so," iiwas na sana ako nung humarang siya ulit. Napukaw non ang atensyon ng iba.

"I'm Grant. Are you from Brierwell?" he asked and offered his hand for me to shake.

Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang lalaki. Hinanap ko si Prince, hindi ko na siya makita roon.

"Bro! That's Emma Gallego! Her dad's the owner of the Gallego group of companies and the team captain of Brierwell's volleyball!" sabi nung isang player ng Grandview.

I gulped awkwardly. Tumatango-tango ang lalaki. Nasa gilid ang mga teammates ko, pinapanood kami.

"Isn't she the most beautiful face of Brierwell?" tanong pa nung isa.

"Oo, pre! Shet, ganda pala sa personal!"

Hinawakan ko ang braso ko, naiilang sa mga papuri nila. Akala siguro nila'y di ko naririnig pero ang linaw non mula sa pwesto ko.

"Can I get your number?" ngumiti yung nagpakilala at nag-abot ng pen sa akin. I bit my lip, not knowing what to do or how I'll reject him kindly.

"She has a boyfriend," sumingit si Cairus sa amin at hinila na ako papunta sa kanila. Hindi na ako lumingon, nagpahila nalang ako sa kanya.

Halos masubsob pa ako sa likod ni Prince nung dalhin niya ako roon. I pouted at him, tumawa lang ito sa akin.

"Ingat ka, Asuncion. Muntikan ng agawin ni Cabrera ang girlfriend mo." Cairus teased and shook his head before leaving.

Kumunot ang noo ni Prince, tumingin siya sa gawi ng mga players ng Grandview at gulat na napatingin sa akin. He really didn't expect to see me here, dahil ang sabi ko nga'y hindi ako pupunta.

"Someone tried to hit on you?" Inis niyang tanong at hinawakan ang kamay ko.

"Kind of?" Ayaw ko namang sabihin ang tungkol doon. Ugh, Cairus kasi! Iinit na naman ang ulo ni Prince at baka mapagbuntungan niya ng galit ang mga yon!

Sinamaan niya nang tingin ang mga nandoon.

"Tangina, makikita nila mamaya..." he muttered.

"Draven, play fairly." paalala ko. Naalala ko kasing muntikan na siyang madisqualify dahil sa isang player na sinubukan rin akong hilahin at isama. He was so mad that he almost punched him while in the game.

Tumingin siya sa akin at tumango.

"Akala ko, hindi ka pupunta?" He pulled me to a private place. Pinagtitinginan kasi kami, pati nung mga taga Grandview. Lalo pa ang mga babaeng naroon na kulang nalang ay saksakin ako sa tingin.

"I convinced Coach to let us watch!" I happily said while playing with his hands.

Busangot ang mukha niya at mukhang naiinis na. I glanced at his jersey, 24 pa rin ang number non. My birthday.

"Why baby? You're not happy that I am here?" Hinaplos ko ang mukha niya at agad niya iyong hinawakan.

May umubo sa tabi. Kumaway ako kay Arrow na parang nasasamid dahil umiinom pala siya sa may water fountain na malapit.

"Ano ba yan, pasensiya na. Makikiraan lang..." dumaan si Arrow at ngumiti sa akin. I shook my head and laughed. Pagbalik ko kay Prince ay matalim na ang tingin nito sa akin.

"Bawal ba ako dito?" I said cutely.

Tumitig siya sa mata ko habang hinahaplos ng marahan ang kamay ko. A smile quickly appeared on his face. Napangiti rin ako habang nakasandal sa pader. He lifted my hand and kissed it.

"Of course not, love. You're my inspiration. I won't be MVP without you..." malambing niyang sabi. "It's just that I fucking hate those guys that look at you like you're a fucking show. Bakit ba sila tingin ng tingin? I know you're drop dead gorgeous but fuck, I just can't fucking handle it when they're-"

"Baby, that's too much fuck in one sentence," I shushed him and chuckled. "Kalma, kala mo naman maagaw nila ako sayo..."

He cupped my face and kissed me in the forehead. I giggled and pulled him closer. I initiated the kiss on his lips before pulling away quickly and running away. Kumaway ako sa kanya, nakita kong natulala siya sa nagawa ko.

"Good luck, baby! I love you!" bumalik pa ako ulit at hinalikan naman ang pisngi niya. He was stunned and unable to move. His lips parted at my actions, damn... I really like to tease him when he's like this.

Pumunta ako sa bleachers, hinahanap ang mga kasama ko. Papunta na ako sa kanila nung may mabangga akong babae. It's a good thing that she's not carrying any food, masyado akong naka-focus sa teammates ko na hindi ko na nakita ang dinadaanan.

"Oh my gosh! Sorry, sorry talaga!" I said and helped her.

My lips parted before smiling when I saw Rie. I held her arm and helped her, muntikan na kasi siyang matalisod rito.

"Miriella!" I exclaimed.

Nag-angat siya ng tingin bago tipid na ngumiti. Hindi niya kasama ngayon si Tria, mukhang paalis na nga siya dahil dala ang gamit.

"You're leaving?" I asked.

Dahan-dahan siyang tumango at iniwas ang tingin sa akin. I haven't spoken to her much, hindi pa nga kami sabay ng graduation dahil next year pa sila sa Architecture. Hindi ko rin siya nakita nung minsang lumabas kami na taga St. Maria's. Tria was there with her friends, pero wala si Rie...

Mula noong naging kami ni Prince ay hindi ko na siya pinagseselosan. Prince made it clear to me, that they're nothing but friends and I believe him. I also don't see her as a threat, because I can really feel how much Prince loves me. Pakiramdam ko nga'y nahigitan niya na ang pagmamahal ko sa kanya.

"Sige, alis na ako. Good luck sa game niyo bukas..." she said and walked past me.

Mabilis rin siyang umalis at nakita ko pang lumabas ng gym. Ni hindi niya ginawaran ng tingin ang mga players at umalis nalang. Akala ko pa naman, pumunta siya rito para suportahan sila.

I sighed and found my seat with my teammates. Next time nalang siguro kami mag-uusap...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

57.7K 1.4K 40
Life Struggle Series #1 POVERTY. "Ako ang panganay. Ako lang ang inaasahan nila." - Mahalia Jassy Quirante. Poverty. This is the life struggle that...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
37.5K 966 53
[Med Series # 6] Louisse Alexandria Villaraza, born into a wealthy family, has always been told that everything was easy. All that she has was just o...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...