Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

232K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 8

3.8K 202 18
By nakalimutankoe

Kabanata 8.

HALOS HINDI AKO makahinga nang maayos. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa likod ng stage habang binabasa ang script na kabisado ko naman na pero parang hindi ko na alam kung paano sasabihin. Nagrarambol-rambol na ang mga salita sa isip ko dahil sa sobrang kaba.

Napalingon ako kay Simon ng tapikin niya ako. "Ready ka na?" tanong niya.

"Kung sasabihin ko bang hindi hahayaan mo akong mag-back-out?" balik kong tanong.

"Nandito ka na, bakit aalis ka pa? Kung tatakbuhan mo ang mga nakakatakot na bagay na humaharang sa daan mo, hindi ka makakausad. Dalawa lang ang pamimilian mo. Mag-move forward o maduwag at huwag ng tumuloy?" Hindi ako nakasagot.

Nang tawagin siya ni ma'am, naiwan akong mag-isa. Pilit akong tumawa at inayos ang polo na suot. "Foundation day lang ito . . . Sandaling performance lang kaya bakit ako matatakot?" wika ko sa sarili.

Pag-angat ng kurtina, tumambad sa akin ang hilera ng mga taong nakaupo sa covered court para panoorin kami—kabilang si Patricia na pumapalakpak at malawak ang ngiti habang nakapako ang tingin sa direksiyon ko. Nang tumugtog ang kanta, nagsimula na kaming kumilos. Una kaming nagharap ni Alliah, nakatingin sa mata ng isa't isa at matamis na nakangiti. Ganoon man, hindi ko maramdaman sa kaniya ang naramdaman ko noong si Patricia ang kasayaw ko. At ayaw ko na ring madama pa iyon sa iba. Exclusive lang dapat iyon kay Pat.

Namintig ang ulo ko at parang nagdilim ang paningin ng dumating ang parte na solo ko na. Nanlalambot ang tuhod ko at malamig ang pawis. 'Yung kilos ko . . . hindi ko alam kung bumagal ba talaga o guni-guni ko lang. Gusto kong gumalaw nang mas mabilis pero parang may mga strings na nakatali sa akin. Natauhan ako nang biglang may humawak sa akin.

"Hoy, ayos ka lang?" boses ni Alliah iyon. Nawawala sa sarili akong tumango. "Umayos ka, mahaba-haba pa ang oras natin dito. Baka bigla kang himatayin."

Rinig ko ang panginginig sa boses ko ng bitawan ang mga linya na ilang buwan ko ring kinabisado. Napakahusay ko sa harap ng salamin namin sa bahay. Nag-uumapaw ang lakas ng loob. Wala kahit kaunting kaba. Pero ngayon . . . pakiwari ko ay pipiyok ako anomang sandali, at hindi ko na rin masabi kung tama ba ang mga salitang binabanggit ko. Gusto ko rin sanang pag-aralan ang mga hitsura nila pero hindi na ako makakita nang malinaw. Parang tinatakpan ng hamog ang mata ko.

Nang matapos kami, pabagsak akong naupo sa backstage. Para pa ring gelatin ang mga tuhod ko. Hindi ko kayang tumayo nang tuwid ngayon kung walang aalalay sa akin. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nasubok nang ganito. Hindi ko na ulit ito gustong maranasan.

"Good job, guys! Ang galing ninyo!" malakas at taos-pusong puri sa amin ni Simon.

Nang makabawi ng lakas, nagpunta ako sa court para hanapin si Patricia—na agad ko namang natagpuan na mag-isang nakaupo sa metal bleachers. Tumabi ako sa kaniya.

"Buti nakapunta ka," panimula ko.

"In-invite ako ni Simon. At buti na lang din dahil napanood kitang i-perform iyong bagay na ilang months mo ring pinaghirapan na practice-in." Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Sa bawat pagsasalita, palaging nakakurba ang labi niya kaya napakadali niyang kausapin. Alam na alam mong hindi ka niya babale-walain. "You are so good at performing, Jackson. Congratulations. I really do enjoy watching you."

Pumalakpak ang namumulang tenga ko. "You're welcome," sabi ko dahilan para matawa siya.

Kung saan-saan napunta ang usapan namin hanggang sa umabot na iyon sa mga pamilya. Ewan ko rin kung bakit. Baka sign siguro na siya na talaga ang nakatadhana sa akin. Na darating ang araw na mamamanhikan ako sa kanila.

"Oo, sobrang close kami ng pamilya ko," sabi ko. "Bakit ikaw? May problema ba sa inyo?"

Umiling siya. "Wala naman. Close rin kami . . . We have a good family relationship . . . Iyon nga lang, busy si mommy kay ate . . . . Most of the time, nasa sister ko ang atensiyon niya. Pero hindi ako nagtatampo or whatsoever. Naiintindihan ko iyon. Mas kailangan siya ng kapatid ko. . . ."

"'Yung papa mo . . . nasaan ba siya?"

"He passed away . . . ten years ago na rin."

Mataman akong tumingin sa mapupungay at kulay tsokolate niyang mga mata. "Kapag kailangan mo ng makakausap, puwedeng-puwede ako. Kung sakali mang gusto mo ng ibang kakuwentuhan, palagi akong available para sa iyo."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng malambot niyang pisngi kaya naramdaman ko ang bahagiyang pagtalon ng puso ko. At least nalalaman kong may epekto rin pala ako sa kaniya.

"By the way, anong course pala ang balak mong i-take?" pag-iiba niya ng usapan.

"Baka Industrial Engineering siguro," sagot ko, sinusubukan siyang pahangain. Hindi nga ako nabigo.

Lumaki ang nanginginang niyang mga mata. "Wow! God bless, future engineer! I know na kaya mo iyan!"

Ngumiti ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko na kakayanin ko nga. Na ang engineering ay isa lamang simpleng bagay na madali kong malalampasan. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang pakiramdam na iyon. At hindi ko pa rin iyon napagdedesisyonan nang buo. Mas maigi sana kung habambuhay. Dapat talaga nasa tabi ko lang si Patricia.

Nagsimula ang palaro at nagbukas ang iba't ibang booth. Balak ko sana siyang dalhin sa wedding booth pero noong malapit na kami roon, may kung sino ang humawak at humila sa akin at dinala ako sa jail booth. Habang nasa likod ng malambot nilang rehas, hindi na maipinta ang bagsak kong mukha. Gusto ko lang namang pakasalan si Pat, bakit ako kinulong? Tiyanggalang iyan. Paglabas ko, hindi matawaran ang tawa niya. Hindi bale na nga, at least napasaya ko siya, hindi ba? Pero ano ang masaya sa pagkakahuli sa akin? Dahil ba hindi natuloy ang kasal-kasalan namin?

"You really made my day, Jackson," aniya. Nawala ang lahat ng iniisip ko. "You're the most amusing guy that I've ever met. Hindi pa talaga ako nakakapagsaya nang ganito. Thank you sa pagpaparanas sa akin."

"Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, pasasayahin kita araw-araw," sabi ko.

Nakangiti lang siya habang nakatitig sa akin. Bago ko pa man marinig ang sagot niya ay dumating na si Simon. "Ayos iyan pero kailangan niya ng umuwi," singit niya.

"Puwede bang—"

"No," mabilis na putol ni Simon. "Anong oras na. Nangako ako kay tita na iuuwi kita sa inyo bago mag-five ng hapon. Kung hindi ko iyon tutuparin, siguradong hindi niya na ako papayagan every time na ipagpapaalam kita."

Pilit ang ngiti ni Patricia na humarap sa akin. "Sorry, Jacskon."

Tumango ako. "Ayos lang. Ingat kayo."

Hindi na rin ako makapag-enjoy nang todo kaya umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sila na nanonood ng TV. Hinayaan kong mapansin nila ako bago binitawan ang tanong na sa daan pa lang ay iniisip ko na.

"Makakapag-aral ba talaga ako ng college?"

Gusto kong marinig sa kanila ang sagot. Kay ate wala silang naging problema dahil amo niya ang nagpapaaral sa kaniya . . . Pero paano ako na sa kanila lang umaasa?

"Ano ba namang klaseng tanong iyan. Siyempre makakapag-aral ka. Iyan nga ang palaging sinasabi namin ng mama ninyo sa inyo, hindi ba . . . Mag-aral kayo hangga't kaya namin kayong paaralin. Huwag na huwag ninyong sasayangin ang pagkakataon. Kapag pinairal ninyo iyang katigasan ng ulo ninyo ngayon, magsisisi kayo kapag dumating ang araw na hihiwalay na kayo sa amin at kakailanganin niyo ng tumayo sa sarili ninyong mga paa.

"Napakahirap maghanap ng trabaho lalo na kung wala kang pinag-aralan. Kung may mahanap ka man, hindi sapat ang suweldo para buhayin ang pamilya mo. Tignan ninyo ako . . . Kung nakinig lang sana ako sa lola ninyo noon na ipagpatuloy ang pag-aaral edi sana magandang buhay ang naibibigay ko sa inyo ngayon," sagot ni papa.

"May tirahan tayo, damit, at nakakakain nang tatlong beses sa isang araw . . . Naibibigay ninyo sa amin ang mga pangangailangan namin . . . Sapat na po iyon sa amin para masabing naipaparanas ninyo sa amin ang maayos na buhay," wika ni Janus na agad kong sinang-ayunan.

* * *

Magkasama kaming magkakaibigan sa ilalim ng puno ng mangga na siyang tambayan namin kapag wala kaming pera na pang-computer. Nakahiga ako sa duyan at nakasalampak sa lupa sina Buknoy at Buboy na nagdo-drawing gamit ang baling sanga.

"Kailan ang graduation ninyo, Son?" tanong ni Buknoy.

Sa aming tatlo, siya ang pinaka-interisadong mag-aral. Iyon nga lang, hindi siya pinagbibigyan ng situwasiyon. 'Yung edukasiyon kasi parang hindi naman talaga isang karapatan kundi pribilehiyo. Sabihin na nating libre nga pero hindi pa rin talaga kaya. 'Yung baon at pamasahe libre din ba? 'Yung ibang mga bayarin wala ba? Tuwing PTA meeting nga laging ambagan ang usapan e.

"Sa March twenty-six yata," sagot ko. "Kayo, ano ang pinagkakaabalahan ninyo ngayon? May pa-sideline ulit?"

Umiling si Buboy. "Tapos na iyong gawa nila papa. Hahanap pa lang ulit kami ng bagong mapapasukan."

Kahit papaano, masasabi kong suwerte ako dahil regular sa trabaho si papa. Hindi gaya ni Mang Edgar na kung walang pasok sa construction ay walang kikitain. Si Mang Ruben naman na tatay ni Buknoy, wala na kaming balita kung nasaan. Basta ang huling bagay na alam namin tungkol sa kaniya ay umalis siya at iniwan ang pamilya niya para sumama sa ibang babae na mas bata sa kaniya ng halos sampung taon.

"'Yung utang mo Josie, kailan mo balak tubuan?! Ilang buwan ka ng hindi nakakapagbigay, mahiya ka naman!" malakas at umaalingawngaw na sigaw ni Aling Victoria.

Hindi na nakapagsuot ng tsinelas si Buknoy. Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papunta sa mama niyang binubungangaan at ipinahihiya sa harap ng maraming tao.

"Huwag niyong sigawan ang mama ko!" pakikisali ni Buknoy.

"Puwes, kung ayaw ninyong masigawan, magbayad kayo nang tama!"

"Bakit, nagbabayad naman kami a. Hindi ka lang makapaghintay!"

"Buknoy, huwag ka ng makisali rito," saway ni Aling Josie pero parang hindi siya naririnig ng anak.

"Kung tutuusin nga sobra-sobra na iyong naibigay namin e. Sa tubo pa lang bawing-bawi ka na tapos pinapahiya mo pa ang mama ko?"

Nakisali na rin kami ni Buboy. "Nakaluluwag naman ho kayo, hindi ba? Kaunting pang-unawa na lang sana."

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao na kailangan pang ipahiya at dakdakan ang nakautang sa kanila sa puliko. Para ano? Para sabihin na marami silang pera at sila ang takbuhan ng mga hikahos o sadiyang eskandalosa lang sila, walang respeto at pakialam sa nararamdaman ng iba? Kung iisipin nga sarili lang din nila ang pinahihiya nila dahil ipinapakita nila sa marami ang pag-uugali nilang hindi maganda.

"Sa susunod na buwan, kapag hindi pa rin kayo nakapaghulog ay ipatatawag ko kayo sa barangay," banta ni Aling Victoria.

"Barangay," anas ni Buboy. "Ang boboka pa naman ng mga opisyales dito sa atin. Pinapaburan basta kaibigan. Tropapits pa naman ni Aling Victoria si Kagawad Roxanne."

Ayaw ko pa sana silang iwan kaso ipinatawag ako ni mama para utusan sa palengke. Himala, hindi pa nakakarating sa kaniya ang nangyari. Baka mayamaya siguro. Pagkatapos kong mabili ang lahat ng gulay at sahog na inutos niya, may trenta pang sukli. Sakto namang nakakita ako ng empanada kaya lumapit ako roon para bumili.

"Magkano iyan, 'Nay?" tanong ko sa may edad na babaeng balot na balot. Nakasuot siya ng pajama, long sleeves at sombrero na halos takpan na ang buong mukha niya.

"Kinse lang, anak," sagot niya. Bumili ako ng dalawa. Gusto ko sanang kainin pareho pero hindi puwede. Kailangan kong uwian si mama para hindi gaanong magalit na pinakialaman ko na naman ang sukli niya.

"Ang init ng panahon, 'no," saad ko.

"Kaya nga e. At kahit napakainit, ganito ang suot ko dahil mahapdi sa balat ang sikat ng araw. Para akong iniihaw nang buhay . . . Kaya kayong mga kabataan, mag-aral kayo nang maigi."

"Sa tingin po ninyo, ano ang mas maiging ikonsidera sa pagkuha ng kurso na kukuhain sa kolehiyo? 'Yung para po sa inyo. . . ."

"Kung ako magpapakapraktikal ako," walang kagatol-gatol niyang tugon. "Aalamin ko kung ano ang kurso na mas maganda ang oportunidad kapag nakatapos ako. Iyon naman ang dahilan kung bakit nag-aral ako e."

Pag-uwi ko sa bahay, muntik akong masermonan ni mama dahil imbis na sukli, empanada ang inabot ko sa kaniya. Mabuti na lang at nasarapan kaya hindi natuloy. Pero hindi mawala sa akin iyong sinabi ni nanay na binilhan ko. May punto siya . . . Oportunidad at magandang trabaho naman talaga ang dahilan ng karamihan, hindi ba? At kahit ako, iyon din ang iniisip ko . . . Wala naman akong pangarap e . . . Iyon lang talaga ang matinong rason na puwede kong hawakan. Itutuloy ko na ba? Ituloy ko na kaya?

Continue Reading

You'll Also Like

114K 8.6K 76
And so? An epistolary.
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
622K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.