My Runaway Secretary [Ashrald...

By crystel09

146K 2.6K 982

Dala ng kanyang itinatagong sikreto ay napilitang magpalit ng identity si Sarah. She changed her name to Ashe... More

INTRODUCTION: DESCRIPTION
CHAPTER 1: ISTOKWA
CHAPTER 2: THAT'S WHAT FRIENDS ARE FOR
CHAPTER 3: THE BOSS
CHAPTER 4: MY FIRST DAY!
CHAPTER 5: HOW'S IT WORKING WITH YOU?
CHAPTER 6: WHAT'S THIS WEIRD SIGNS & FEELINGS?
CHAPTER 7: SUNTOK SA BUWAN
CHAPTER 8: THE OTHER SIDE OF THE BIG BOSS.
CHAPTER 9: PROPOSAL ALA BLACKMAIL
CHAPTER 9: LET'S GIVE THEM WHAT THEY WANT, BABE!
CHAPTER 10: SUMMER PARADISE
CHAPTER 11: THE PAST
CHAPTER 12: THE OTHER ONE
CHAPTER 13: THAT SHOULD BE ME
CHAPTER 14: AYAN KA NA NAMAN
CHAPTER 16: I WANT HIM BACK
ASHRALD FORUM...
CHAPTER 17: CLEAR AT LAST.
title of your story
CHAPTER 19: WE'RE THE PERFECT TWO.
CHAPTER 20: THE DAUGHTER'S HEART
CHAPTER 21: NO DISTANCE WHEN IT COMES TO LOVE
CHAPTER: WE'VE GOT TONIGHT
CHAPTER 23: IT'S ALWAYS GOING TO BE YOU
CHAPTER 24: IT'S ALWAYS COMPLICATED...THIS THING CALLED LOVE
CHAPTER 25: FORGIVENESS AND LETTING GO
CHAPTER 26: WHEN FATE TAKES CHARGE
CHAPTER 27 INVISIBLE WALL
CHAPTER 28: LET'S STOP AND JUST FORGET THE WORLD

CHAPTER 15: BACK TO SUMMER PARADISE

4.7K 128 37
By crystel09

GENSAN....

Pababa pa lamang sa sasakyan ay masaya ng nakasalubong si Mamang Minda at Papang Lando kina Sarah at Gerald.

"Naku ang mga apo ko! Mabuti naman at naririto kayo ulit!!" buong higpit na yumakap si Mamang kay Gerald at kapagkuwan ay kay Sarah naman.

"Hay naku Mamang... ayan yung apo ninyo, sa wakas napagod din po sa kakatrabaho, siya na mismo ang nagkusang magbakasyon..." nakangiting saad ni Sarah habang nakaakbay kay Mamang Minda. Nauuna silang maglakad papasok sa bahay habang nakasunod naman sa kanila si Papang lando at Gerald.

"Ay ang tuwa ko nga nung tumawag siya sa akin at sabihing darating kayo...  madalang na lang kasi kami dalawin niyan eh... ngayon na lang ulit nagka-oras na pumunta dito simula ng magka-nobya." 

Hindi naman nakaimik si Sarah sa sinabi ng matanda. Kung alam lang nito ang totoo sa pagitan nila ni Gerald... maski nga siya ay nalilito na din sa kung ano talaga ang real score sa kanila ng binata. Hindi naman nila napaguusapan ang nangyari sa kanila noon isang linggo, kumbaga ay wala talaga silang label... Nag-eenjoy lang sila sa presensiya ng isa't isa. Ok naman iyon kay Sarah, mas mabuti nga siguro na huwag muna nilang biglain ang lahat. Mas maganda na yung walang pressure.... sa ngayon.

"Babe.. ok ka lang?" naramdaman ni Sarah ang kamay ni Gerald sa kanyang balakang kaya't napapitlag siya. Nagulat din siya ng tawagin siya nitong babe, ngunit naalala niya... nasa Gensan nga pala sila, fiancee niya nga pala ito.

"Uuhm.. ok lang... lika dito." hinawakan niya sa kamay ang binata at magkapanabay silang naglakad papasok sa bahay.

"Gerald, ilang araw ba kayo mag-iistay dito?" tanong ni Papang Lando habang umuupo sila sa tapat ng hapag kainan.

"Mga three to four days lang po Papang.. bakit po?" nakangiting tugon ng binata habang inaalalayang umupo si Sarah. Naupo siya sa tabi nito at mula sa ilalim ng lamesa ay lihim niyang ginagap ang kamay ng dalaga. Napatingin tuloy ito sa kanya ngunit hindi naman nito binawi ang kamay.

"Hindi ba nabanggit ng Mamang mo na aalis kami?" takang tanong nito.

"Ha? Saan po kayo pupunta?" kunot noong ani Ge.

"Ay sus ginoo! Oo nga pala apo, nakalimutan kong banggitin sa iyo kagabi. Pupunta kami ng Ilo-ilo kasi yung bestfriend ko 50th wedding anniversary nila.. Hindi ko naman narealize na bukas na pala kami aalis ng Papang mo." saad ni Mamang Minda.

"Ayayay.. sign of aging!" tumatawang biro ni Gerald.

"Oh shutup..." saway sa kanya ng abuela.

Tatawa-tawang ipinagpatuloy nila ang pagkain.

"Are you okay?" nilapitan ni Gerald si Sarah nang makapasok na sila sa kanilang silid. Kanina pa kasi medyo tahimik ang dalaga kaya't nagaalala ang binata.

"Oo, ok lang ako.. napagod lang siguro.." kiming tugon ni Sarah habang inilalapag ang kanyang mga gamit sa kama.

"Gusto mong pumunta sa Villa mamaya? Swimming tayo?"

"Swimming ka diyan.. bakit? magaling ka na ba? Baka mamaya mabinat ka pa diyan." tugon ng dalaga.

"Magaling na ako noh! Strong yata to!" ipinakita pa nito sa kanya ang mga muscles nito sa braso.

"Weh? talaga lang ha? Eh nung isang araw lang halos nagdedeliryo ka na sa taas ng lagnat mo." tumatawang wika ni Sarah.

Napaatras siya ng ilapit ni Gerald ang mukha nito sa kanya.

"Ikaw kasi hinawahan mo ako eh..." anito na labis ikinapula ng mukha ni Sarah.

"Tse! kasalanan mo yun noh!" ingos niya dito. Dali dali niya itong tinalikuran dahil baka kung saan pa mapunta ang kanilang usapan.

Inilabas niya ang mga damit sa kanyang maleta at namili ng isusuot, habang si Gerald naman ay ngingiti ngiti lamang na nahiga sa kama.

"Sarah..."

"Uhm?"

"What is your ideal date?" tanong ni Gerald habang nakahiga sa kama. Ang mga kamay nito ay nakapailalim sa batok nito.

"Bakit mo naman tinatanong aber?" kunwa'y kaswal na wika niya.

"Para alam ko ang dapat kong gawin kapag inaya kitang makipag-date..."

Awtomatikong natigilan si Sarah sa narinig. Seryoso ba ito o nasa mood lang makipaglokohan? Dahan dahan siyang bumaling dito at nakita niyang pinapanood pala siya nito. Tumikhim siya ng malakas at dumiretso ng tayo upang hindi mahalata ng binata na kinakabahan siya ng mga sandaling iyon.

"Niloloko mo ba ako Gerald?" tanong niya dito.

"No..." Napakunot noo ang binata. Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Im serious... i wanna ask you out on a date."

"At sa tingin mo papayag ako?" tinaasan niya ito ng kilay.

"That's why im asking you..." tugon nito.

Tinignan lamang ni Sarah si Gerald. Tila sinusuri kung seryoso ba ito.

"Im serious Sarah.. i wanna take you out on a proper date..." anang binata.

"Pag-iisipan ko ok?" tinapik ni Sarah ang pisngi ni Gerald at nagtungo na siya sa loob ng banyo.

Pagpasok niya sa toilet ay saka lamang siya impit na nagtitili. Tinakpan niya ang kanyang bibig at nagtatalon sa tuwa. Nananaginip ba siya? Totoo ba na inaya siyang makipagdate ni Sir Pogi?? Omg!!! Magpapakipot ba siya o ano? Ayaw niya namang isipin nito na masyado siyang easy to get. Kailangan mag-inarte muna siya ng kaunti.

Nang lumabas si Sarah sa banyo ay wala na sa silid si Gerald. Inayos niya ang kanyang sarili at nagpasya siyang bumaba sa sala. Doon ay nadatnan niya si Mamang Minda.

"Hi Mamang.." bati niya dito.

"Oh Asher! Nasaan ang nobyo mo?" tanong sa kanya ng matanda.

"Ewan ko nga po eh, naligo lang po ako tapos paglabas ko wala na doon sa kwarto." tugon ng dalaga.

"Naku, baka kasama ng Papang niya. Ano naiinip ka ba?"

"Ay hindi naman po Mamang, teka ano po ba yang gagawin ninyo?" tanong ni Sarah. Nakita niya kasing binubuksan nito ang isang malaking bag. Isa yata iyong beauty kit.

"Ah eh magpapakulay sana ako ng buhok kay Tasing, ayoko namang umattend ng kasal na namumuti ang buhok ko noh..." nakangiting tugon ni Mamang Minda.

"Naku Mamang gusto niyo po ako na lang ang magkulay sa inyo?" naexcite na wika ni Sarah.

"Aysus! Naku hindi na, madudumihan ka pa eh. Si Tasing na lang...' tanggi nito.

"Sige na Mamang, upo ka na diyan..." inalalayan ni Sarah na maupo sa plastic chair ang matanda. Ipinatong din niya ang itim na tuwalya sa balikat nito.

"Sigurado ka ba diyan apong? Abay baka may iba pa kayong gagawin ni Gerald?" tanong ni Mamang Minda sa kanya.

"Hay hayaan niyo po siya Mamang, missing in action naman siya eh.." tugon ni Sarah. Tinignan niya ang mga laman ng beauty kit at nakita niya roon ang sari saring pangkulay ng buhok. Mayroon ding mga gunting na panggupit ng buhok at kumpletong pang manicure set. "Mang, ano po ang kinukulay niyo sa buhok ninyo?" tanong ng dalaga.

"Black.." simpleng tugon ng matanda.

"Ay naku!!!" palatak ni Sarah. "Mamang, huwag black ang ikulay ninyo, magmumukhang wig ang inyong hair! Dapat sa inyo mga light colors.. like chestnut brown o di kaya ay chocolate brown.. Para lalong lumabas ang pagkamestisa ninyo.. Ganda ganda niyo pa naman oh...' nakangiting itinapat ni Sarah ang salamin sa mukha ni Mamang Minda.

"Naku ikaw talaga asher, binobola mo pa ako eh.." hagikgik ng matanda.

"Hindi kita binobola Mamang.. talaga namang mestisa kayo.. Saan ba naman makukuha ni Gege ang kanyang looks kundi sa inyo diba po?" kwelang saad ni Sarah.

"Oh stop it Asher... ikaw talaga." natutuwang saway ni Mamang Minda sa kanya. Tumatawang inumpisahan ni Sarah ang pagaaply ng pangkulay sa buhok ng matanda.

Nang maubos niya ang gamot ay ibinalot niya ang ulo ng matanda at inumpisahan naman itong linisan ng kuko.

"Asher, ano ka ba namang bata ka... nandito ka para magbakasyon, aba'y naging parlorista ka na. Baka pagalitan ako ni Gerald niyan."

"Ok lang po yan Mamang, kailangan bongga ka sa aatenan mong party. Dapat ikaw ang pinaka young looking sa mga amiga mo di po ba?" tumatawang saad ni Sarah. Maging si Mamang Minda tuloy ay natawa.

"Kung sabagay tama ka... naku thankyou Asher ha.. ngayon na lang ulit ako nalibang ng ganito.. Wala naman kasi akong nakakausap dito sa bahay eh, yung Papang mo naman palagi namang nasa palaisdaan niya. Gusto kasi nun siya ang personal na nagiintindi ng negosyo niya.'

"Lumuwas naman po kayo ng Maynila minsan Mamang, para maisama ko po kayong mamasyal... Dadalhin kita sa massage parlor, sa beauty parlor, at kung saan saan pang parlor!" nakangiting anang dalaga.

Lalo tuloy napabunghalit ng tawa si Mamang Minda.

"Sige... ngayon talagang luluwas na ako at may makakasama na akong mamasyal... kapag namasyal tayo, tayong dalawa lang ha.. huwag nating isasama yung mga lalaki at masyado silang mainipin." pabulong na wika ng matanda.

"Tama! Tama ka diyang Mamang.." tumatawang sang ayon ni Sarah.

"Kung di niyo kami isasama sinong magbabayad ng mga isha-shopping ninyo?"

Kapwa napatingin ang dalawang babae sa direksiyon ni Gerald. Lumapit ang binata sa mga ito. Lihim sa kanilang kaalaman ay kanina pa sila pinapanood ni Gerald mula sa isang sulok. Lalo siyang nakaramdam ng paghanga kay Sarah sapagkat kasundong kasundo ito ng kanyang Mamang. Sa lahat ng babaeng naugnay sa kanya ay ito lamang ang nakita niyang nakakuwentuhan ng kanyang abuela ng ganoon. Maging si Sam kasi  ay hindi naging ganito ka-close kay Mamang Minda. There's just something in Sarah na hindi yata maieexplain ninuman. Parang ang dali dali nitong makasundo, parang kahit sinong tao ang makasama nito ay talaga namang mahuhulog ang loob dito. She's just so natural, so transparent, walang arte sa katawan at walang pretentions. What you see is what you get ika nga.

"We have money for your information..." nakangiting ingos sa kanya ng abuela.

"Oh ok.. but who's gonna be your driver?" nakangising balik tanong ni Gerald. Umupo ito sa tabi ni Sarah. Tahimik lamang na napapangiti ang huli.

'Well in that case we might take you with us, but just a reminder hijo.. you have to be patient dahil hindi ikaw ang masusunod, driver ka lang namin diba Asher?"

Tumawa lamang ang dalaga bilang pag-sang ayon.

Nang matapos sina Sarah at Mamang Minda ay nagpaalam muna ang huli na magbabanlaw ng buhok at maliligo na din. Naiwan sa sala sina Gerald at Sarah.

"Saan ka galing? Bakit ang tagal mong nawala?" tanong ni Sarah sa binata.

"Doon lang sa bodega, bakit? Na-miss mo nako kaagad?" nakangising inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Na-miss ka diyan! ambisyoso ka!" nangingiting itinulak ni Sarah papalayo ang mukha nito. "Anong ginawa mo doon sa bodega?'

"Hinanap ko lang yung mga gamit pang camping.." sagot nito.

"Bakit?" takang tanong ni Sarah.

"Basta..." nakangiting sagot nito.

Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagusisa sapagkat pinaggayak na siya nito. Ito naman ay abalang ikinarga ang ilang kagamitan sa pickup kagaya ng tent.

VILLA PEREIRA...

"Magca-camping ba tayo dito sa dagat ha?" natatawang tanong ni Sarah kay gerald habang pinapanood niya ito na itinatayo ang tent. Magaalas sais na iyon ng gabi kaya't medyo palubog na din ang araw.

"Ayaw mo ba? bon fire and sky seeing?" tugon ng binata.

Hindi naman umimik si Sarah, Kung bakit ba naman kasi hindi nito sinabi kaagad na magbo-bonfire sila. She actually find it sweet and romantic. 

Ano ba itong ginagawa nila? Nililigawan ba siya nito? O talagang kailangan lamang nito ng kasama sa paglilibang?

Tahimik lamang na umupo si Sarah sa bungad ng tent habang pinanonood niya si Gerald na sinisindihan ang bonfire. 

"Alam mo ba talaga yang ginagawa mo ha? Ayaw namang sumindi oh.." pang-aalaska ng dalaga kay Ge.

"Siyempre alam ko.. ako pa!" confident na tugon nito. "Oh ayan sumindi na..." tumayo na ito mula sa pagkakaluhod. Lumakad ito at umupo sa tabi niya.

"Ganda dito noh? Tahimik..." anito kay Sarah.

"Oo nga eh... Parang nakakalimutan mo lahat ang problema, parang paradise.." nakangiting tugon ng dalaga.

"Tignan mo yung langit... ang ganda diba? turo ni Gerald. "Sa Maynila wala kang makikitang ganyan."

"Tama! Sang-ayon ni Sarah. "Hay buhay... sana ganito na lang palagi noh?.." nakangiting bunntong hininga niya.

Tinignan siya ni Gerald kaya't napalingon din siya dito. Nang magtama ang mata nila ay nginitian siya ng binata. Kapagkuwan ay pumihit ito patalikod at inabot ang jacket na nasa loob ng tent. Isinabit niya iyon sa balikat ni Sarah.

"Malamig baka magkasakit ka na naman..." wika nito.

"Salamat..." mahinang tugon ng dalaga.

Ngumiti lamang ang binata bilang pagtugon sa kanya. Hindi nagtagal ay humiga ito sa tabi niya at tumingin sa kalangitan.

"Sa tingin mo ilan lahat ang mga bituin sa langit?" tanong ni Ge.

"Ewan ko... millions?" sagot ni Sarah.

Hindi na nakatiis, humiga din siya sa tabi ni Gerald. Gusto din niyang mapagmasdan mabuti ang kalangitan at hindi niya magagawa iyon kung nakaupo siya. Malamang stiff neck ang abutin niya.

"Actually there are about 100 billion stars in our own galaxy.. Sa galaxy lang natin ha, so all in all maybe aabot ng trillion ang lahat ng stars sa kalangitan." saad ng binata.

"Sir ano ito? Science class?" hagikgik ni Sarah.

"Hindi.. sinasabi ko lang.." seryosong sagot nito. "Ang mga bituin kasi parang pag-ibig din yan eh.'

"Naks.. bakit mo naman nasabi?" nakangiting tanong ng dalaga.

"Kapag tumingin ka sa kalangitan talagang maaakit ka sa kislap ng mga bituin diba? Ang gaganda kasi.. but at the end of the day, there's still one certain thing that you want and wish to see..."

"And that is?" tanong ni Sarah.

"The shooting star...." tugon ni Gerald. "Like love... kahit ang dami ng nakapaligid sayo... kahit ang dami ng nandiyan sa tabi mo, yung espesyal na taong yun pa rin ang hahanapin mo. At hindi lahat ng tao, eh maswerteng nakakakita ng shooting star nila."

Marahang bumaling si Sarah kay Gerald. Ang kaninang maluwang na ngiti niya sa labi ay biglang naglaho. Napalitan iyon ng lihim na paghanga para sa binata.

"I-ikaw? Sa tingin mo nahanap mo na ang shooting star mo?" tanong ni Sarah.

"Secret..." nakangising tugon ni Ge.

"Secret pa! Ayaw pang sabihin!" nakangiting hinampas ng dalaga sa braso ang binata.

"Hindi ko pwedeng sabihin..." wika ni Gerald.

"Bakit naman?! Ang arte ha!" ingos ni Sarah.

"Diba kapag nakakita ka ng shooting star at nagwish ka hindi mo pwedeng ipagsabi, kasi baka hindi magkatotoo?" nakangiting anang binata.

"Oh anong konek nun?!"

"Hindi ko rin pwedeng sabihin sa ngayon at baka mapurnada pa."

"Naku ha! Ikaw may pagka-echusero ka din eh!" tinampal ni Sarah ang pisngi ng binata.

"Huwag kang mag-alala, malalaman mo din... Lika nga dito." tatawa tawang hinila siya ni Gerald at pianunan siya sa braso nito.

Buong magdamag lamang silang nagkwentuhan ng kung ano-ano. Hanggang sa hindi nila namalayan na nakatulog na pala sila. 

Bandang alas dose y medya na ng madaling araw ng maalimpungatan si Gerald. Hindi siya makakilos sapagkat nakayakap sa kanyang bewang si Sarah. Hindi niya naman magising ito sapagkat himbing na himbing ito sa pagtulog. Isa pa'y bakit niya naman gigisingin ito? It was a perfect moment and he can't afford to ruin it.

Dahan dahan niya na lamang inabot ang blanket na naroroon sa loob ng tent. Marahan niya iyong ibinalabal sa kanilang dalawa ng dalaga. Kapagkuwan ay masuyo niyang hinalikan ang dalaga sa ulo at bumalik na rin siya sa kanyang pagkakahiga.

                       --------------------------------TO BE CONTINUED-----------------------------------

             AYAN GUYS MEDYO SINIPAG AKONG MAG-UPDATE NGAYON. HEHEHE. ENJOY!

MAY STATEMENT SONG INCLUDED DIN KUNG TYPE NIYONG MAGSOUND TRIP.HAHAHA! HAPPY READING GUYS! ;) <3

Continue Reading