CHAPTER 10: SUMMER PARADISE

4.7K 91 23
                                    

It was almost seven o'clock in the evening. Everyone's busy preparing theirselves for Papang Lando's big night. 

Gerald was about to spray his cologne when Sarah came out of their bathroom.

"Ge, pakisara naman itong zipper ko, diko abot eh..." utos ng dalaga. She was wearing a floral casual dress. Kalahati lamang ng zipper nito sa likod ang nakasara kaya't lumapit si Gerald sa kanya upang tulungan siya.

"Sige talikod.." utos ng binata.

Bahagyang natigilan si Gerald nang makalapit siya sa napakaputi at napakakinis na likod ng dalaga. Tila siya natutuksong haplusin iyon sapagkat parang ang lambot lambot ng balat nito. 

"Anong size ba kasi itong damit mo? Parang ang liit liit naman sayo.." dinaan niya sa biro ang kanyang kakaibang pakiramdam.

"Size zero! Charot!" tumatawang tugon ni Sarah.

"Kaya naman pala halos hindi ka na makahinga eh." nakangising wika ni Gerald. "Uhm ayan..." pagkasara niya sa zipper ay tinapik pa niya ang likod ng dalaga.

"Thanks... kahit inaasar mo na naman ako." nakangiting baling sa kanya ni Sarah.

"Kulay blue ka na oh.. nakakahinga ka pa ba?" patuloy na pangaasar ni Gerald dito. Tinusok pa niya ng kanyang daliri ang pisngi ng dalaga.

"Tse! If i know nasesexyhan ka sa akin!" natatawang tulak sa kanya ni Sarah. Umupo ito sa kama at    inumpisahang isuot ang kanyang wedge sandals.

Napangiwi naman si gerald nang makitang tila hirap na hirap ito sa pagsuot ng straps nito kung kaya naman lumuhod siya sa harap ng dalaga at walang sabi sabing ipinatong ang paa nito sa hita niya.

"Huy! A-anong ginagawa mo? kaya ko na to!" saway sa kanya ni Sarah.

"Ako na. Baka mapunit pa yang damit mo eh." kaswal na sagot ng binata.

"Ako na nga sabi..." pilit hinihila ni Sarah ang kanyang binti ngunit ayaw pa rin iyong bitawan ni Gerald.

"Bakit ba ang kulit mo ha? Lagi ka na lang nakikipagtalo sa akin..." anang binata. 

"Hay ewan ko sayo Gerald!" pagsuko ng dalaga.

Nang maikabit ng binata ang strap ng kanyang sandals ay tinapik nito ang kanyang binti, kapagkuwan ay ang isang binti naman niya ang iniangat nito at sinuutan ng sandals. Tahimik lamang si Sarah habang pinagmamasdan ang binata sa ginagawa nito. Lingid kasi sa kaalaman ni Gerald, bawat haplos niya sa balat ni Sarah ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa huli. Para siyang nakukuryente na nakikiliti. Tila nagtatayuan lahat ang kanyang balahibo sa batok. Mabuti na lamang at hindi nakakahalata ang binata.

"Thanks.." mahinang wika ni Sarah nang maikabit ni Gerald ang kanyang sapatos. Dali dali siyang tumayo sa kama upang makaiwas dito ngunit pinigil siya nito.

"Sarah wait.." 

"Uhm bakit?" kaswal na tanong niya dito kahit sa totoo lang ay halos mabingi na siya sa dagundong ng kanyang dibdib.

"I want you to wear this..." inilabas nito ang isang diamond ring mula sa maliit na pulang kahon.

"Wow..." nanlaki ang matang sambulat ng dalaga.

"Im a bit surprised na hindi sila nagtatanong on why you're not wearing a ring.. So bago pa nila mapansin yun, let me put this in your finger."

Marahang kinuha ni Gerald ang kanyang kamay at dahan dahang isinuot sa kanyang ring finger ang mamahaling singsing. Speechless si Sarah ng mga sandaling iyon. She knows it's just part of the show but it felt so real. The moment was magical.... for her atleast. Ewan niya lang kay Gerald if he feels the same way. Ang hirap naman kasing basahin ang kung anong nasa isip nito eh. 

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon