CHAPTER 27 INVISIBLE WALL

2.3K 61 34
                                    

"Sashing, huy! wala ka bang balak lumabas? hinahanap ka na ni Hannah.." untag sa kanya ni Toffee pagpasok pa lamang nito sa kwarto.

Hindi naman sumagot si Sarah, sa halip ay nagpakawala ito ng buntong hininga at tila kunsumidong nagpalakad lakad sa harap ng kaibigan.

"Naku! Si Ge ba ang iniisip mo kaya para kang hilong talilong diyan?" tanong ni Toffee 

"Kasi naman bakla, napakalaki ng mundo tapos magkikita pa kami dito?!? Bat ganun?!" nagmamaktol na anang dalaga.

"Hah!" natawang saad ng kaibigan. "Aba malay ko, maybe that is what you call destiny?" nakangising wika nito.

"Tumigil ka nga diyan! Destiny destiny pinagsasasabi mo." sopla sa kanya ni Sarah.

"Hay naku pwede ba, huwag ka na ngang mag-inarts diyan! Wala ka ng magagawa, nandito na siya nandito ka na. Why dont you just take this opportunity para makausap ng maayos yung tao, pwede kang humingi ng apology if you want." pasarkastikong sagot ni Toffee.

"And why do i have to apologize to him?" tumaas ang kilay na anang dalaga.

"Ah? Hello?! Siguro dahil bigla mo na lang iniwanan sa ere yung tao? dahil pinaasa mo? pinagmukha mong ewan? Sinakta-"

"Hep! Hep! Hep!" awat sa kanya ni Sarah. "Oo na sige na gets ko na. eto diko malaman kung kaibigan kita o ano eh..." naiiling na aniya dito.

"That's what friends do sister, taga paalala ng mga kagagahan mo." 

"Yeah right whatever!" masungit na sagot ni Sarah.

"Seryoso na kasi.. Eto na ang chance mo na masabi mo sa kanya ang mga gusto mong sabihin. Siyempre kailangan din nung tao ng kahit konting kasagutan noh.."

"Papano kung ayaw niya naman akong kausapin? Kita mo nga kanina hindi naman ako pinansin." malungkot na ani Sarah.

"kaya nga subukan mo.. wala namang mawawala kung magta-try ka diba?"

"Eh papano kung sigawan ako? O kaya ipahiya ako?'

"Eh deserve mo yun!" tumatawang tugon ni Toffee. Nakurot tuloy siya ng dalaga sa tagiliran.

"Nakakainis ka talaga!" napipikon ng saad ni Sarah sa kanya.

"Joke lang eto naman, masyadong sensitive! Huwag kang mag-alala dun, hindi ka ipapahiya nun mahal ka nun eh." tumatawa pa ring aniya dito.

"Tse ewan ko sayo!" irap ng dalaga ngunit sa loob loob niya ay nakaramdam siya ng kilig. Mahal nga kaya siya talaga ni Gerald? aniya sa sarili.

Nasa gitna sila ng pag-uusap ng biglang pumasok si Hannah sa kanilang silid.

"Uy mga bakla! ano bang ginagawa niyo dito? Halina kayo at chibugan na, nandiyan na din yung isa ko pang abay, ipapakilala ko kayo dali!" yaya nito.

"Sige susunod na kami Sis, magre-retouch lang kami ni Sars." ani Toffee.

"Ok, bilisan ninyo ha.. sabay sabay tayong kakain." wika ni Hannah bago muling isinara ang pinto.

Pag-alis ng kaibigan ay muling bumaling si Toffee kay Sarah.

"Sige na mag-ready ka na... hindi pwedeng hindi tayo lalabas doon." malumanay na utos nito sa dalaga.

"Ok fine.. magre-refresh lang ako." nakabusangot na nagtungo si Sarah sa loob ng banyo.

Samantala...

Kapapasok lamang ni Gerald sa cottage kung saan nagtipon tipon ang lahat upang kumain nang bigla siyang hilahin ni JV sa isang sulok.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon