CHAPTER 4: MY FIRST DAY!

4.4K 74 24
                                    

"Sis, kamusta naman ang make over ko ha?" nakangiting tanong ni Sarah kay Tofee, habang maarteng nagpo-pose sa harap ng kaibigan.

Nasa garahe na sila noon at paalis na patungo sa opisina.

"Winner na winner friend! Ako yata ang pumili ng mga damit mo saka niyang hairstyle mo." tugon ni Tofee.

Yeah... yesterday, they went to the mall to buy some office clothes. Dinala din siya ni Tofee sa salon. Pinagupit nito ang kanyang halos hanggang bewang na buhok. Her hair is now a bob cut style na kinulayan ng chocolate brown.

"Kinakabahan na ako ah..." nakangiti ngunit nanglalamig na wika ni Sarah sa kaibigan.

"Huwag kang kabahan, everything's gonna be alright, ok Asher?" ipinaalala nito ang bago niyang pangalan.

Asher Sebastian. Iyon ang magiging bago niyang katauhan ngayon.

Huminga ng malalim si Sarah at bahagyang hinila pababa ang kanyang high waist skirt.

"Ok... let's go!!!" nakangiting aniya.

Pereira Building....

Kinakabahan si Sarah habang magkasabay silang naglalakad ni Tofee. Pansin niya kasi ang ilang empleyado na napapatingin sa kanya. Ang mga tingin nito ay tila nagsasabing "sino naman ito?"

Nahalata naman siya ni Tofee kaya't hinawakan siya nito sa kanyang lower arm.

"Bruha ka, magpaka-confident ka.. huwag kang masyadong timid." bulong nito sa kanya.

"Oo na!" ganting bulong ni Sarah dito.

"Alam na ba lahat ng staff yung ginawa kong changes? Did you give them the memo?" tanong ni Kean sa kanyang assistant. 

"Yes Sir... i did that yesterday.. may question lang po ako Sir..." binuklat ng assistant ang hawak nitong folder at inilapit iyon kay Kean. "Sir tama po ba ito?" tanong nito ngunit wala itong nakuhang sagot mula sa binata.

Tinignan siya ng assistant at nakita nitong nakatulala siya. Sinundan nito ang gawi ng kanyang tingin. He was staring at the lady who was walking towards their direction. Kasama nito si Christopher.

"Goodmorning Kean... Goodmorning Daren.." masayang bati ni Tofee sa kanila.

"Goodmorning.... i see you've got a company..." tila wala sa sariling tugon ni Kean habang nakatingin kay Sarah.

Awtomatikong nagkatinginan sina Sarah at Tofee.

"Ah oo... Kean this is Asher... siya muna ang pansamantalang papalit kay Lorena. Asher, this is Kean Madrigal, he is our General Operations Manager." pakilala ni Tofee.

"Hi goodmorning po Sir..." nakangiting nakipagkamay si Sarah sa binata.

"Hello... Pls don't call me Sir.. wala ka naman sa department ko eh.. call me Kean..." nakangiting sagot ng binata habang nakatitig sa mukha ng dalaga.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon