Her Lockdown Possession

Від aizzienn

11.4K 397 95

NANG DAHIL SA COVID #3: Lockdown Dahil sa isang milyong suhol, nagawang dalhin ni Ginger si Rhioz sa bukiring... Більше

Her Lockdown Possession
Ciao!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 04

552 24 1
Від aizzienn


"Sino'ng nakakita sa alaga ko?!"

Nahulog si tsong sa duyan nang sumigaw ako. Eh kasi si Rhioz 'di ko mahanap! Lumapit ako kay tsong na naiiling na pinagpagan ang sarili. Wala naman syang sugat na natamo kaya hindi ako guilty. Alas tres na ng hapon at kakatapos lang namin sa pag-rerepair ng kubo. Sabi ni Rhioz na magpapahangin lang sya kaso kanina pa yun at hindi pa bumabalik! May balak atang ubusin lahat ng langin.

"Nakita mo alaga kong stunted, tsong?" Tanong ko nang malapitan ko sya. Inayos nya kasi ang duyan kaya nagchi-chill sya don ngayon.

"Wala!" Pabalang nya namang sagot. Galit na ata. Hindi ko na lang sya pinilit at inilibot ko ang paningin sa paligid at tanaman sa baba ng burol. Kaso ni anino ni Rhioz ay wala akong nakita. San naman kaya nagsuot ang lalaking na yun?

Nagsimula akong mag-lakad habang tumatanaw. Kaka-discuss ko lang ng house rules kanina at may gana talaga syang labagin yun agad? Tigas ng kalyo nya ah! O baka may engkantong nagkagusto dun tapos kinain na yun ng gubat. Nakaka-estress sya, balak ko pa namang pasibakin sya ng kahoy.

"Hoy, ikaw!" Tawag ko kay Mai nang makasalubong ko syan'ng papaakyat sya sa burol at pababa naman ako. "Nakita mo si Rhioz?"

"Yung kajerjeran mo lagi ate?" Naubo ako ng hard parang may TB. Kasi naman! Nakokonsensiya ako habang nakatingin sa inosenteng mata ni Mai. Kasalanan 'to ni Rhioz talaga!

"Oo, yun nga. Nakita mo sya dun sa baba?" Ilang beses syang kumurap sa tanong ko. Mukhang alam nya nga kung asan, nagpapakipot lang.

"Sabi nya ate ayaw ka n'yang makita. Wag ka raw muna sumunod. Wag mo raw s'yang hanapin." Pakipi-kipi na parang naiihing sabi ni Mai.

"Gano'n ba? Hmm.. may stick-O ako dun sa bag. Gusto mo?" Nag-puppy eyes pa ako. Umismid lang ang bata saka umiling-iling. Aba, mukhang may ideya na 'ko sa kailangan nito..

"Eh singkwenta? Pwede na?" Lumawak agad ang ngiti nya at may patalon-talon pang nalalaman. Napairap ako sa kawalan saka kumuha ng pera sa bulsa. "Sa'n mo natutunan 'to ha?"

"Sa'yo po!"

"Huh?!" Literal na nanlaki ang magaganda kong brown eyes. "Anong sa 'kin?"

"Nakwento po ni Papa sa akin. Ang hilig nyo raw pong mamera. Sabi nya bad ka raw po."

"Eh ba't mo 'ko ginagaya kung bad?"

"Kasi gusto ko rin pong magkapera, hehe."

Pinaningkitan ko sya ng mata at kalauna'y nag-apir kami. Magkakasundo ata kami nitong batang 'to.

"Mai, gawin mo yan lagi. Pero dapat sa maayos na paraan kasi pag hindi sa maayos na paraan mo gagawin ay bitay ang parusa. Gets mo?"

Natulala si Mai saka kumunot ang noo. Mukhang wala na syang ibang masabi kaya tinanong ko ulit kung nasaan si Rhioz. Sa bukohan ko nahanap ang lalaki at natagpuan ko syang umiinom ng juice mula sa isang binatang buko. Wala kasi syang tiwala sa tubig na inigib namin sa bukal kanina.

"Is it clean? Safe? Won't that water cause any fungal infection or skin disease?" Naalala ko pa ang mga tanong nya nung nag-igib kami sa bukal, lalo na't may paliguan ng kalabaw sa baba. Arte-arte!

"Don't touch me and stop dragging me will you!" Tinampal nya ang kamay kong nakahawak sa pulso nya. Huminto sya kaya huminto ako para harapin ang pagkatao nyang puno ng kaartehan. "Don't get too confident or too close around me."

Nakaka-irita talaga ang ganito kasungit na lalaki. Pero swerte sya dahil sanay na 'ko sa ganitong pakiramdam na ang sarap na manapak sa iritasyon. Yung mga cano at Indian kasi na ka-chat ko sa eh panay ang video call kahit may ginagawa ako at sobrang nakakairita yun as in! Tipong cancel ka ng cancel tapos sila tawag ng tawag! Ganiyan ako ka-irita kay Rhioz ngayon.

"Whatever kung hindi tayo close!" Inisang hakbang ko ang distansya namin... "Ni minsan naisip mo ba kung anong sinakrepisyo ko para sayong tikbalang ka?! Yung kasal ni Marimar! Yung cake—

"Pwede ba? Stop acting like a kid! You have no idea how selfish you sound and look. Eh ako? Did you ever thought of how I feel about this? About all this, Ginger?" Nakita ko na parang may iba pa syang gustong sabihin pero pinigilan nya ang sarili. Naglakad sya ng mabilis palayo at naiwan akong tulala ron. Stressed lang yun malamang, hindi pa naka-get over sa mga pangyayari.

Kausapin ko kaya yun? Mas mabuti nga.

"Ep, sandali!" Nanakbo ako at hinarang ang sarili sa dadaanan nya. "Mag-usap muna tayo. Pag-usapan muna natin 'to bago tayo mag-break."

"What?!"

"Wala!" Bumuga ako ng mabigat na hininga. "Ang sabi ko mag-usap tayo, in a nice way. Walang sigawan, walang away. Lahat naman kasi ng bagay nadadaan sa maayos na usapan eh. Tsaka ba't ang high blood mo sa 'kin lagi? Inaano ba kita?"

"Really? Tinatanong mo pa yan?"

"Kita mo yang ugali mo? Ikaw may problema eh! Bakit hindi ka na lang sumagot kung ano'ng tinatanong? Nambabara ka pa! May rules tayo at dapat sinusunod mo yyn!" Unang araw pa lang pero parang poreber na itong away namin. Ewan ko ba kung bakit hindi kami magkasundo. Hindi naman kami total opposites, may something in common naman kami like maganda ako at pogi sya, kaya dapat sana magkasundo kami. Ugh.

"Rules na para sa 'yo lang? Sa tingin mo may pake ako dun? Wala! Eat your rules." Himas ang noo na nilampasan ako ni Rhioz. At kahit malayo na sya narinig kong may sinabi pa sya. "Why the fuck am I even enduring all this? I can fucking leave."

"Gagong yun."

Sunod tingin na lang ang nagawa ko dahil mabilis syang nakalayo. Ang haba ng biyas e 'di ko na nahabol. Kung iniisip n'yang masama ako, pwede, pero hindi naman ako ganun kasama ano! Alam ko na walang lalaking may gustong i-under ng babae pero ano'ng magagawa ko? Matapang ako at hindi ako titiklop sa kaniya. Mabait naman ako e, at okay sana ang sitwasyon namin kung 'di lang sya OA. Seryoso masyado! Di makasabay sa trip.

Pagsapit ng gabi, nandito ulit kami sa bahay nila tsong. Nakikain ulit kami pero syempre nagdala ako ng sarili naming supply pang-ambag sa ulam. Mas masaya at magana kasi ang kain kapag marami. Tsaka parang 'di ko kasi kakayanin pag kaming dalawa lang ng Rhioz ang magkaharap sa hapag. Baka imbis na ang pagkain e isa't isa ang makain namin. Buti na lang napilit ko syang sumama.

Wala pa rin kaming kibuan. Ang sama pa rin ng tingin nya. Pasalamat sya may konsensiya ako, na handa akong kainin ang pride ko para una syang lapitan at kausapin. Alangan naman kasi na hayaan ko syang magutom? Kala ko nga aalis na, hindi naman pala. Baka mamaya? Jusko, ano'ng gagawin ko pag umalis talaga yang si Rhioz?

"Nag-jerjer na naman kayo no?"

"H-huh?" Nagising ang diwa ko at napatingin ako kay untie nang lapitan nya 'ko. Kakatapos lang ng hapunan at busog na busog ako sa tinolang isda. Dahil dyan nag-volunteer ako maghugas.

"Wala." Tumawa si auntie pero agad rin iyong napalitan ng malditang ekspresyon. "Nakwento ni Mai sa 'kin ang kabulastugan mo."

"Si tsong may kasalanan nun!" Pabulong kong asik kasi malapit lang sila tsong sa amin.

"Manahimik ka! Ito gusto mo?" Napatingin ako sa hawak nyang takure kaya agad akong napa-aktong zinipper ang bibig. Tsk! Juntis, mahirap na.

Lumipas ang oras, alas nueve na. Bumalik kami ni Rhioz sa kubo dahil simula ngayon ay doon na kami matutulog. Kinakabahan ako, hindi ito ang unang beses na may lalaki akong makakasama sa pagtulog pero iba kasi ngayon! Si Rhioz yan eh!

"Isa lang ang kama at isa lang ang kakasya..." Awkward na sabi ko habang yakap-yakap ang hotdog kong unan para takpan ang katawan dahil manipis lang ang suot kong terno na pantulog.

Walang imik na kinuha ni Rhioz ang unan at kumot na nakalaan para sa kanya saka nilatag sa sahig ang bedsheet na dalawang beses nyang tinupi upang 'di gaanong tumalab ang lamig mula sa ilalim. Humiga sya saka tumalikod sa akin. Walang imik din akong nahiga. Mahigpit kong hawak ang kumot. Hindi ko magawang patayin ang lampara.

"Rhioz?" Tawag ko sa kaniya pero ilang minuto pa wala akong narinig na sagot. "Wuy, Rhioz? Bebe?"

"Hm?!" Sagot nya na pa-asik pa! Nagpapa-asar pa kasi bago sumagot, lakas ng topak nya.

"Bakit pinapadispatsa ka ni Alexander? At bakit feeling mo involved ako?" Gusto ko lang klarohin. Sabi nya kasi kanina parang may kinalaman raw pangalan ko sa nangyari sa kaniya.

"It could be because he's in a honeymoon and he doesn't want anyone to disturb. Or it could be because he's jealous."

"Huh? Saan? Sa ano? Kanino?" Napa-upo pa 'ko sa kama dahil chikah ito at 'di ko kayang ignorahin. Umayos sya ng higa saka tumitig sa bubong at pinag-krus sa baba ng dibdib ang mga braso.

"Sa 'kin. Ginawan ako ng pinsan mo ng specialty nyang kape dati. It didn't mean anything to me but her husband is addicted to it. He wants it for himself. Alexander does fucked up things when he's jealous, what he did to me is just an example." Kalmado syang nagsasalita. Mabuti naman.

Pero teka, teka... "Kape? Ano'ng kape?"

"The one mixed with fucking ginger."

Galit ako sa kaniya dahil nagmura sya kasunod sa pangalan ko at ayan na naman ang iritable nyang ekspresyon. Kahit ayaw ko sanang sirain ang seryosong atmosphere na meron kami ngayon ay hindi ko napigilan ang kiliting nararamdam ko sa kailalim-ilaliman at wagas akong natawa. As in tawang-tawa ako na maaring narinig pa nila tsong ang boses ko sa baba ng burol.

"The fuck are you laughing at? Tss, baliw."

Inignora ko muna sya dahil nagsisikap pa akong kalmahin ang sarili. Nang kumalma na 'ko ng bahagya ay pinahid ko ang mga luhang nangingilid sa aking mata. Grabe kasi, nakakatawa ampucha!

"Seryoso ka? Pinagselosan ni Alexander the not so great yun? Eh kapeng pang-lamay yun e, haha!" Natawa talaga ako ng bongga. Sa lamay ng kapit-bahay nila Marimar nya yun natutunan. Pati ako napagtimpla nya na nun. Kung may ideya lang si Alexander kung ilang tao sa probinsiya ang umiinom ng kapeng may luya e baka pati sila idispatsa nya. Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Tsk.

"Lamay? Bakit lamay?" Sa pagkakataong 'to ay bumaling si Rhioz sa 'kin. Tsismoso!

"Kasi mahilig dumalo sa lamay si Ma'am Marimar mo dati. Kung sa inyo may gate crasher sa probinsya may Marimar. Yun na explanation. Period. Ayokong hukayin ang kahapon ng babaeng yun."

Tatawa-tawa ako pero si Rhioz wala man lang reaksyon sa mga sinabi ko. Nag-iwas sya ng tingin saka tumitig sa ulit sa kisame, sa pagkakataong 'to unan nya na ang isang braso.

"That's funny." Natahimik ako sa sinabi nya. Funny raw oh, pero maski isang ngisi man lang wala? Ano'ng klaseng tao ka Rhioz?!

"Abnormal." Bulong ko saka pabagsak na nahiga. Natahimik na ulit ang silid. Tanging tunog ng mga insekto at hampas ng hangin sa labas lang ang nakakagawa ng ingay.

"Rhioz?" Tawag ko sa kaniya ulit matapos ang sandaling katahimikan.

Hindi sya sumagot at nakapikit na pero alam kong gising pa ang diwa nya kaya tinuloy ko ang balak sabihin... "Wag kang aalis ah? Tatabihan kita at yayakapin pa kita ng mahigpit para lang masiguro kong 'di ka talaga aalis. Hmm?" Bulong ko na may bahid ng paglalandi saka tinusok sya sa tagiliran gamit ang unan kong hotdog.

"Don't even think about landing a finger on me." Aniya na nakapikit pa rin at tinampal bigla ng malakas ang unan kaya nag-bounce yun pabalik sa 'kin at tinamaan ako sa mukha!

"Gagu! Gusto mo ng martial law?!"

Kinabukasan, nagising akong basa ang pisngi pati ang ilang hibla ng buhok na nakain ko, habang ang isa kong tuhod ay nakaluhod na sa sahig at isang maling galaw ay tuluyan na 'kong mahuhulog. Dramatic diba? Ganito ako magising pag talagang masarap ang tulog ko.

Nang mapatingin ako sa sahig, wala na si Rhioz at maayos ng nakaligpit ang higaan nya.

"Ay pansit!" Naalarma ako at agad na nanakbo palabas nang may maalala. Sabi nya aalis sya diba? Baka umalis na nga! Takteng lalaking yun.

"Tsong! Tso— Naputol ang paghingi ko ng saklolo nang mapansing wala na akong naapakan... teka, walang maapakan? Kasi may hagdan pala! Nanakbo ako ng diretso kasi akala ko may sahig pa! Ang resulta, ayun, crash landing on the ground.

May ilang parte pa ng mukha ko ang natakpan ko gamit ang palad, kaso yung ilong ko!

"Hoy."

Nang marinig ko ang baritonong boses na iyon ay dahan-dahan akong nagtaas ng tingin. Una kong nakita ay pares ng paa, mahahabang binti, grey na sweatpants, pataas ay isang flat na kayumangging puson na mabalbon sa bandang gitna at pababa sa ilalim ng pants at tumutulo pa ang pawis.

Tapos matitigas na abs.. oo, pawis na abs?! At sa bandang itaas ay may matitipunong dibdib, tapos may pinkish na nipple! Weyt, balik ako sa pandisal sandali kasi yun ang paborito ko sa umaga.

"You look stupid. Para kang palaka dyan."

Automatic na napatingin ako sa mukha ni Rhioz. Salubong ang kilay habang nakataas pa ang isa.
Malamang sino pa nga ba itong lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan? Edi si Rhioz.

"Oy grabe ka naman!" Asik ko saka pinagpag ang dumi sa kamay at mukha pati na sa damit.

Kala ko nag-work out o ano dahil pawis sya. Pero nakita kong ang gabundok na sinibak na kahoy so alam ko na kung bakit ganito itsura nya. May towel pang nakasabit sa balikat nya, mukhang kakatapos nya lang. Gusto kon mag-diwang kasi ginawa nya talaga ipinagawa ko sa kaniya. Kaso.. ugh! Nakaka-distract ang umbok nya sa harapan! Isipin nyo, nakadapa ako sa harapan nya kaya maganda ang view ko rito. Sinikap kong panatilihin na muna ang tingin sa mukha nya. Nawalan ata ako ng ganang makinabang sa pagkakataong 'to dahil sa natamong kahihiyan. Nang akmang tatayo na ako ay biglang nanlaki ang mga mata ni Rhioz habang nakatitig pa rin sa aking mukha kaya natigil ako.

"B-bakit?" Kabado kong tanong.

"Your nose, it's bleeding."

"Ha?!" Hinipo ko ang baba ng ilong ko, may dugo nga! Ramdam ko sa sarili ko na parang gusto kong magpanic. Takot ako sa sarili kong dugo. Ewan ko kung bakit. Bago ko pa tuluyang na-proseso ang nakita, naramdam ko ang mga kamay ni Rhioz para iahon ako sa pagkakaluhod at sinuportaan pa ang balanse ko dahil pakiramdam ko nahihilo ako.

"Both are bleeding." Mahina nyang ani habang maingat na sinusuri ang ilong ko.

"F-first aid.." Tatakbo na sana ako papasok habang hawak ko ang ilong at bahagya akong tumingala gaya ng alam kong ginagawa ng iba pag nagno-nosebleed. Kaso bigla akong pinigilan ni Rhioz sa braso at hinala paharap muli sa kaniya.

"Don't look up, stupid." Irap nya at hinawakan nya ang aking ulo at baba saka inayos bigla ang anggulo ng aking mukha na para bang isa akong manikin at wala syang pake kung nasaktan ako sa ginawa nya kaya nasampal ko sya subconsciously... "Ouch!"

"S-sorry!" Sabi ko agad. Bagay sa kaniya yun! Sya talaga may kasalanan ng lahat.

Mariin syang pumikit at huminga ng malalim... "Where's that fucking first aid?"

•••

Продовжити читання

Вам також сподобається

978K 31K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...