Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

1

4K 173 28
By dark19

Daphne's POV

For 12 years na mamuhay ako sa dilim ang pinakamasakit na bagay na nangyare sa akin at sa pamilya ko. Sobrang laki ng pagbabago ang nangyare sa amin simula ng mangyare sa akin ito. Dahil sa isang aksidente noong 11years old ako habang lulan ng bus papunta sa field trip namin. Maswerte pa bang maituturing kung pagkabulag lang itong naranasan ko dahil dalawa sa kaklase ko ang nawalan ng buhay?

Sa akin? Hindi. Nahihirapan ang pamilya ko dahil dito. Nahihiya ako sa kanila dahil ganito ako. Alagain.

Hindi man lang sila makabili ng vase na babasagin, magandang table o kahit na anong magandang pangdisplay sa bahay dahil nagiging sanhi ng balakid sa paglakad ko sa salas o sa kainan namin ang mga bagay na iyin.

Pakiramdam ko ay ako na yung nahihirapan para sa kanila kapag kailangan naming kumain sa labas o kaya imbitado kami sa isang pagsasalo. Nadudurog ako kapag naririnig ko yung awa sa akin ng mga kamag anakan o ng mga kaibigan ng pamilya namin.

Ayoko ng awa na iyon dahil lalo lang akong nalulugmok sa hirap dahil doon.

Kaya minsan mas ibig ko pang magpaiwan na lang sa bahay para kahit papaano ay makapag enjoy sina Mama at wala gaanong isipin kapag nasa isang salo salo sila.

Hindi mayaman ang pamilya namin kaya hindi namin afford ang mapaoperahan ako. Sapat lang ang kinikita ni Papa sa isang hotel dito sa Palawan bilang supervisor para sa pang araw araw namin at ang kuya ko naman ay isang Sale Coordinator sa isang construction firm na naka- base sa mismong bayan. Minsan ay stay in pa sya kapag talagang ang dami nilang gawa. Kung nakakakita lang sana ako ay nakakapagtrabaho na din ako at nakakatulong sa kanila. At ang gusto kong trabaho ay yung kagaya ng sa tatay ko dahil sa tuwing nagkukwento sya regarding sa trabaho nya ay pakiramdam ko ay ang sayang magtrabaho sa lugar na tulad ng isang hotel.

Naramdaman ko ang malamyos na pagdampi ng sariwang hangin sa balat ko ng may nagbukas ng bintana ng kwarto ko at naamoy ko yung pabango ni Kuya.

"Wala kang pasok ngayon Kuya?" tanong ko.

"Napalitan yung araw ng dayoff ko. Gusto mong maglakad lakad tayo sa tabing dagat?" alok ni Kuya at naupo sya sa tabi ko.

Napangiti ako at tumango.

Habang akay nya ako sa paglalakad ay ramdam ko ang mapinong buhangin sa mga paa ko at ang malamig na tubig ng dagat hanggang bukong bukong ng paa ko. Nilalarawan sa akin ni Kuya kung ano ang kulay ng langit,ng dagat at maging ang sikat ng araw ngayon. Binubuo ko ang bagay na iyon sa isip ko.

"Malapit na akong maging assistant supervisor ng Sale, Daph." masayang balita ng kapatid ko na syang kinatigil ko at paghigpit ng kapit ko sa braso nya.

"Talaga?" masayang tanong ko.

"Oo. Sayo ko unang sinabi...." masayang saad nya at napatalon ako sa saya at kinapa ang balikat nya para hilahin sya para mayakap.

"Yes! Ang galing ng kuya ko!" sigaw ko sa saya habang magkayakap kami.

Mayamaya ay natahimik sya kaya napabitaw ako.

"Kaso baka sa Maynila na ko ipadala ng kumpanya....Parang..." may pag aalala sa boses nya.

"Woh! Bakit ka nag aalangan? Maganda ang opotunidad sa Maynila, di ba? I-grab mo yung pagkakataon. Sayang kung tatanggihan mo. Basta wag ka lang makakaligta na tawagan ako parati huh?" masayang pagkukumbinsi ko sa kanya. Gusto ko na kahit man lang sa kapatid ko ay matupad ang pangarap nya kase yung sa akin? Wala ng pag asa na matupad o kahit masubukan ko man lang.

"Pag iipunan ko talaga ang pampaopera mo Daph. Pangarap ko na makakita ka ulit." saad nya at tipid na napangiti ako sa kanya.

"Yung career mo muna Kuya Sonny ang simulan mo saka wag mo kong isipin. Lagi naman ako sa tabi mo... Kapag natupad mo iyon ay parang natupad na din yung sa akin." malambing kong saad sa kapatid ko.

Makikipangarap na lang ako sa kanya dahil wala naman akong kakayahan na matupad ang sarili kong pangarap.

Kinagabihan, tumawag si Papa na hindi sya makakauwi dahil sa dami ng guest sa hotel ngayon at kailangan din nyang asikasuhin yung dalawang anak ng may ari na dumating ngayon doon at baka mga alas diyes ngayong gabi ay dumating naman ang mga magulang nito kaya dapat ay nandoon pa din sya. Si Kuya naman ay napapunta sa mismong bayan dahil nagkaproblema sa mga materyales na dumating sa site.

Pagkahatid sa akin ni Mama sa kwarto ko after naming maghapunan ay kinuha ko yung braille book ko at sinimulan kong kapain ang bawat dots na nakaalsa sa papel nito para mabasa ko. Another adjustment ang gagawin ko kung sakali  na makakita ulit ako sa sistema ng pagbasa at pagsulat ng mga malalalim na salita  though may idea na ko sa  normal alphabet.

Natigilan ako ng tumunog ang lock ng bintana ko. At ilang saglit na nakiramdam ako. Bigla akong nabingi sa katahimikan sa paligid ko at ni kaluskos ni Mama ay hindi ko marinig. Yung malamyos na dampi ng hangin sa balat ko ang sunod na naramdaman ko.

"Kuya?" tawag ko dahil sya ang madalas na nagbubukas ng bintana ng kwarto ko pero hindi nya ginagawa kapag ganitong oras na. Saka bakit parang ang bilis nyang makabalik?

Napaigtad ako ng marinig ko yung saglit na impit na tinig ni Mama mula sa kabilang kwarto at pagkatapos ay nawala. Doon na rumagasa yung takot sa sistema ko. Tumayo ako at kinapa ko yung tungkod na madalas kong gamitin kapag naglalakad akong mag isa pero hindi ko ito makapa sa madalas na pinaglalagyan ni Mama para sa akin. Lalo akong nanghina sa takot. Kinukutuban ako na may mali sa mga oras na 'to.

Hindi ko maramdaman yung presensya ni Kuya Sonny sa buong bahay. Napasiksik ako sa gilid ng aparador ko ng may narinig akong kalmadong hakbang papalapit sa akin at nataranta na ko dahil ibang pabango ang naaamoy ko sa paligid ko. Para akong mababaliw sa takot ng may narinig akong tawanan ng mga babae sa labas ng kwarto ko. Nakakatakot na tawanan at parang nagkakaladyaan sila. Narinig ko ang pagkabasag ng ilang gamit namin at mga hataw ng kahoy sa mga iyon.

"I hate that he took that painting. Sasakalin ko talaga sya" rinig kong saad sa labas ng kwarto ko at kasunod noon ay sunod sunod na mura ang mga pinakawalan nito na ikinatawa ng iba.

Napaupo ako sa takot ng may naramdaman akong presensya na nakatayo sa harap ko at waring matalim ang pagkakatitig nito sa akin dahil balisa na ang buong sistema ko sa maling nangyayare sa loob ng bahay namin. Sa mga oras na 'to ang tanging naririnig ko na lang ay ang tibok ng puso ko sa sobrang takot.

Hanggang sa may tumakip ng tela sa ilong ko at pilit akong nagpupumiglas hanggang sa  nawalan ako ng ulirat.

Si Mama.

Cyrll's POV

Lulan kaming mag asawa ng isang private plane papuntang Palawan para sundan yung dalawang anak namin. Roian is busy typing in her laptop while me is staring blankly in the ceiling.

Ano bang dapat kong gawin para tumino si Callen? Para syang si Gale. Puro kahayupan ang lintik!

"Hindi ka naman nag iisip ng masama sa anak mo?" malamig na akusa ng katabi ko at pagkalingon ko sa kanya ay sinarado na nya yung laptop nya. Napasimangot ako. Sobrang spoiled nya si Callen kaya nauuto ito.

"Wala noh. Bakit naman ako mag iisip ng ganun?" balik tanong ko.

"Hindi talaga ako papayag na ipatapon sya sa Berlin." pang aaway nya na kinangiwi ko.

"Babe, wala naman akong iniisip bakit nang aaway ka? Jusko, anniversary natin ngayon." saad ko.

Sinamaan nya ko ng tingin.

"Walang aalis ni isa sa mga anak mo Altamirano." ayaw nya talaga ng katahimikan kaya ang ginawa ko ay inakbayan ko sya at yinakap ng mahigpit bago pinaghahalikan. Tawang tawa ako sa pag irit at mga mura  nya sa akin habang kinukurot ako sa mga braso ko at tagliran ko. Napakapikon.

Sa airport ay nandoon na si Leo. Matagal na din pala sa akin nagtatrabaho ang taong ito at hindi ko na maalala kung kailan ba sya huling humingi ng bakasyon simula ng nakipagpalitan ako kay Shann ng secretary?

Natatawa ako habang lulan na kami ng kotse ay panay ang pagalit sa akin ng asawa ko tungkol sa bunso namin.

"Si Mommy ang nagpapatawag kay Callen sa Berlin...." natatawang saad ko habang hawak ko yung magkabilang pulso nya dahil nanggigil syang makakurot sa akin.

"Narinig kita kahapon magkausap kayo ni Mommy! Panay ang sumbong mo. Hindi aalis ng bansa si Callen!" pikon na pikon nyang saad.

"Hay! Babe, masamang makinig sa nag uusap-----" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil nahagip na nya ko ng kurot sa hita ko. Napaigtad ako sa sakit.

"Pwedeng makialam ang asawa sa usapan! Sinasabi ko sayo kapag pinabalik mo si Callen sa Berlin... uuwi kaming mag iina sa New York! Magbirthday kang mag isa mo dito sa Pilipinas!" iritang saad nya  pagkabitaw nya sa pagkakakurot sa akin.

"Promise hindi na. Grabe! Anniversary natin ngayon...." bulong ko.

Pagkarating namin sa may parking para sa VIP ay nauna na syang bumaba ng makita nyang papalapit na sa sinasakyan namin si Yuan. Napatawa ako pagkababa ko ng makita ko yung nagtatakang mukha nito habang nakatingin sa mukha ng Mommy nya. Napatingin sya sa akin kaya nangingiti ako. Nagpigil ng tawa si Yuan marahil alam na nya ang nangyare. Talo pikon kase yung Mommy nya sa kahit na anong usapan.

Lumapit ako sa kanila at humalik sya sa pisngi ko.

"Ang kapatid mo?" tanong ko habang naglalakad kami at nakapagitna sya sa amin at akbay kami sa magkabilang gilid.

"Nasa seaside po kasama sina Ishan." saad nito. Nang makarating kami sa isang balcony ay natanaw namin ang grupo nito. Busy ang anak ko nakikipag usap kay Kaia. Napaangat ang tingin sa gawi namin yung anak nina Puffy at Orange na si Jaune at napakaway sa gawi namin. Gumanti kami ng bati ni Roian sa kanya kaya napalingon din sa gawi namin sina Riyon at Ishan na kumaway din.

"Yung kambal?" usisa ko kay Leo. Nagpatiuna si Yuan para pagbuksan kami ng pintuan ng elevator.

"Nasa Batangas si Miss Yves kasama si Jethro para i-check ang isang planta nila doon. Baka bukas eh sumunod ang kapatid nya doon." sagot ni Leo sa akin.

Parang si Yvie din yung magkapatid na yun kapag patungkol sa trabaho.

Pagkasakay namin ng elevator, at ng tumabi ako kay Roian ay kinuha nya yung kaliwang pulso ko at sinuot yung relo ko. Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay nya ng palabas na kami ng elevator at dumeretso na kami sa conference room para sa isang mabilisang meeting sa buong staff at after ay tutuloy kaming pamilya sa executive floor sa taas para magcelebrate ng wedding anniversary naming mag asawa.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng pagbati ng buong staff. Sobra ang pasasalamat naming mag asawa sa kanila. Sila ang malakas na backbone ng negosyo ni Roian kaya sobra ang pasasalamat ko sa loyalty nila sa kanya.

At ng magbigay ng speech si Roian ay tahimik kaming nakikinig sa kanya. Nagpalakpakan ang lahat ng makarinig sila ng bonus at pagtaas ng sweldo dahil itong hotel sa Palawan ang pinakamalakas sa lahat ng hawak ng mga Kaye.

Napakapa ako sa cellphone ko para i-check kung may mensahe na sa akin si Gale kaso wala sa pants ko yung cellphone ko kaya hinanap ko sa bag ng asawa ko pero wala din doon.

"Nasa kwarto na ba yung mga gamit namin?" tanong ko kay Leo at napatango ito.

"May ipapakuha ka ba? Ako na." mungkahi nito.

"No, you stay here." sabi ko at napatayo ako bago lumabas ng conference room.

Malapit na ko sa kwarto namin dito ng may nakita akong nag uusap at waring nakikiusap yung isa. Manager dito yung isa sa pagkakaalam ko. Nakita ko na sya sa isang conference sa Manila dati.

"Good evening? May problema ba?" malumanay kong tanong at nagulat pa sila ng mamukhaan ako.

"G-Good evening po..." sabay at tarantang bati nila sa akin kaya sinenyasan ko silang huminahon.

"Ano yung pinagtatalunan nyo?" usisa ko.

Nagkatinginan sila at ako naman ay napatingin sa nameplate nung isa. Supervisor pala sya dito.

"M-Ma'am pwede po ba akong umuwi.... Yung anak ko po kase." naiiyak na saad nito.

Napatayo ako ng maayos dahil mukhang may emergency ito sa bahay nila.

"Anong nangyare?" tanong ko dahil gusto ko ng maayos na dahilan para payagan sya. Alam ko may memo si Roian regarding sa mga staff ngayong gabi na may party sila na sagot ng management lahat ng gastos ngayong gabi para sa kanila.

Napaluhod ito at saka napaiyak sa hinagpis. Nagulat ako ng hawakan ako sa balikat ni Leo at sya ang nagsquat para kausapin ito. Napatingin ako sa manager at wala din syang idea kung bakit ito umiiyak.

"Ano pong nangyare?" tanong sa akin ni Yuan.
Nagkibit balikat ako at napatingin kay Yuan na sumunod pala sa akin. Napakamaalahanin talaga ng batang ito.

"Daluhan mo ang Mommy mo baka patapos na yun sa meeting." utos ko at muli syang bumalik sa conference room.

Parang sumabog sa tenga ko yung dineklara nung supervisor at maging si Leo ay natigilan.

"M~May  indikasyon daw po na.... na rape yung anak ko." at doon na sya pumalahaw ng iyak. Napatingin sa akin si Leo dahil alam nya kung ano yung pinagdaanan namin sa ganitong sitwasyon dati.

Parang tumigil ang isip ko sa pagkahabag sa taong ito lalo na sa anak nya. Parang nanlambot ang mga tuhod ko.

"Leo ihatid mo sya at pagkatapos ay balitaan mo ko kung ano ano ang mga kailangan nila." parang nauupos ako sa nalaman ko at sa pag iyak ng taong ito. Sobrang sakit. Panay ang pasalamat nya sa akin habang lumuluha dahil tutulungan ko sila regarding sa mga legal na proseso. Wala lang itong tulong ko kaysa sa trauma at pighati na nararamdaman ng anak nya sa mga oras na 'to.

Hindi ito makalakad ng maayos habang akay ni Leo palayo sa amin. Humarap ako sa manager,

"Wala kang pagsasabihan sa mga bagay na nalaman mo. This is sensitive matter. Kapag kumalat ito ay ipapatanggal kita." saad ko at sumang ayon sya sa akin.

Nakakagalit kapag may mga halang ang bitukang gumagawa ng mga ganoong bagay!

Pagkakuha ko ng cellphone ko at papasok na sana ako sa elevator papunta sa rooftop ay nakita ko si Callen na parang hilong hilo kaya nilapitan ko ito. Loko-lokong bata ito, ginagawang playground itong hotel!

"Da!" masiglang saad nya at napayakap sa akin. Muntikan na kaming mabuwal dahil kalahati ng bigat nya ay halos ilagay na nya sa akin.

"Umayos." saad ko. Jusko po! Ang dami na nyang nainom! Siguradong hindi na 'to makakasama sa celebration namin mamaya sa itaas.

"Mabubugbog ka ng Mommy mo at talagang tinapat mo pa na wedding anniversary namin saka ka nagkakaganito!" mahinang pagalit ko at ayaw nyang bumitaw ng pagkakayakap sa akin.

"I love you wag ng magalit." muryot nya.

"Ang Kuya mo hindi nag iinom tapos ikaw? Nakakagigil!" nakakapikon sobra!

Napatawa lang sya.

"I want to get married!" anunsyo pa nya! Parang nagsuntukan lahat ng brain cells ko sa sinabi ng anak ko! Jusko!

"Anong want to get married? Eh kung dagukan kita sa panga ng matauhan ka? Hindi ka pa nga matino tapos magpapakasal ka pa? Sobrang pang iidolo mo na sa Tita Gale mo sa paggawa ng corny joke! Saka kakatapos lang ng kasal ng mga Kuya Yuji at Ate Maddy mo kaya next time na lang. Hindi pa nga kita nakikitang ma- in love anak... kasal pa..." saad ko at sinenyasan ko sya na humakbang sya.

Mayamaya ay narinig ko ang boses nina Riyon sa hallway at naglalakad sila papalapit sa gawi namin.

"Ang bobo ni Callen! Tanga! hindi naman para sa kanya yung alak sa baso eh! Utak isda ang hayop!" galit na galit na saad ni Kaia. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nagmamahalan silang magpinsan pero bakit ganito sila mag usap!?? Nagtawanan lang ang mga kasama nito.

Hayop! Nagsabog ang makapangyarihang awra ng kapatid ko sa mga batang 'to! Kung magsasalita sila ay akala mo panginoon nila si Gale!

Napatigil sila sa pagtawa at parang binuhusan ng malamig na tubig si Kaia ng makita ako habang nakayakap sa akin si Callen.

"Anong pinaggagawa nyo?" at sabay sabay silang napaiwas ng tingin. Si Jaune ay napakamot ng batok nya. Mannerism ni Orange kapag guilty ay heto nakuha ng anak nya!

....

Pabagsak kong naitulak si Callen sa kama at ang lalim na ng tulog nya. Napahilot ako ng balingusan ko habang habol ko ang hininga ko sa pagod sa pag akay ko sa kanya. Hinubaran ko sya ng sapatos at pagkatapos ay kinumutan. Inalalayan ko ang ulo nya at nilagyan ng unan para hindi sya mangalay. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang labi nya. Hindi na gumaling galing ang sugat nito sa ilalim na labi dahil lagi syang nasasangkot sa away.

Mayamaya ay bumukas yung pintuan, si Kaia na antok na antok na.

"Tita, patulog po. Ayaw ako nina Riyon at Ishann doon sa kwarto namin." reklamo nito at papikit na ang mga mata nya. Hinila ko yung trundle at nilagyan ng unan at kinuha ko yung extra naming kumot.

"Dito Kaia." utos ko at ng makahiga sya ay talagang nakatulog na sya. Inalisan ko din sya ng sapatos bago kinumutan. Sa totoo lang mas mabait pa itong anak ni Gale kaysa sa anak ko. May takot pa itong batang 'to sa kapatid ko at kay Hunter. Pero itong anak namin ni Roian? Hayop! Mababaog ka sa stress eh!

Nang maiayos ko itong dalawa ay lumabas ako para i-check sina Ishan.

Ang gulo ng kwarto nila at parehong bangenge na din at ang lalim na ng tulog nila marahil ay ang dami nilang nainom na alak. Ganito kami, kung sino ang pinakamalapit sa mga anak anak namin ay syang titingin sa mga ito. Equal ang turing namin sa bawat isa.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Jaune. Kumatok ako at saglit lang ay pinagbuksan nya ko.

"Ninang!" masayang bati nito at nakipagbeso sa akin.

"Okay ka lang? Kapag may kailangan ka magtext ka lang sa akin." saad ko at napangiti sya sa akin.

Hindi din iba sa amin ang batang Santillan na 'to dahil sobrang close kami sa Mommy nyang si Puffy. At mabait na bata itong si Jaune.

Mga ilang saglit ay nagpaalam na ko at nasigurado ko na okay na sila. Dumeretso na ko sa rooftop. Napangiti ako sa ayos ng buong top floor.

Umupo ako sa tabi ni Roian at nag uusap na sila ni Yuan regarding sa nangyare sa anak ng supervisor.

"They need assistance...tumawag si Leo." saad ni Roian sa akin at napalagok ako ng wine bago ko sya sinagot.

"Yun din ang balak ko. Napaawa din ako sa kanya ng malaman ko sa manager na bulag pala yung anak ng supervisor na iyon." ani ko.

"Ako na pong bahala sa assistance kay Mr. Gregorio at sa pamilya nila. If they want, ako na po ang tatayong attorney nila. Maganda ang track record po nya dito sa operation sa hotel kaya willing po akong tulungan sila." saad ni Yuan at hinawakan nya sa kamay si Roian indikasyon na huwag na itong mag alala sa sitwasyon.

"Gagamit po tayo ng impluwensya para mahuli agad yung taong gumawa noon sa anak ni Mr. Gregorio." pangako ni Yuan.

"Kapag hindi nyo na track down yung mga animal na gumawa noon ay sabihin nyo sa akin. Ako ang yayanig sa mundo ng mga gagong yun!" seryosong saad ko.

Yung mga ganoong tao ang pinakaayokong nag eexist sa mundong ito. May mahuli lang talaga sila ay babaliwin ko ang hayop na gumawa ng noon.

Aware si Yuan sa nangyare sa Mommy nya dati kaya alam kong gagawin nya ang lahat para maresolbahan itong nangyare at makatulong sa biktima.

This is the reason why Yuan decided to became a lawyer. Because of his Mom.

...................................................

Warning: Yung mga next chapters ay mapupunan ng violence na hindi angkop sa mga batang nagbabasa. Patnubay ang kailangan.

Medyo maselan ang theme ng story natin ngayon. Awareness para sa bawat isa na hindi angkop ang victim blaming sa mga taong nakaranas nito! Hindi ginusto ng mga biktima ng ganitong krimen na sinapit nila.

Sorry kung ganitong theme yung naisip ko.

Like I promised from the last book, Hindi ako gagawa ng studentxteacher theme. Hindi ko forte iyon. We will dive deeply at dadalhin ko kayo sa dark side ng epekto ng rape. Mag ingat at don't trust easily sa mga nakapaligid sa inyo. Sobrang malala na yung issue na 'to sa atin. Nakakabother dahil lagi na lang ganitong balita yung napapanuod natin sa mga tv.

Lawakan ang isip at pang unawa sa buong travel natin sa story na 'to.

Try kong mahigitan yung impact nung kay Carol at Amber.

Gusto kong malaman ang suggestion ninyo o violent reaction regarding this kung itutuloy o hindi.

Vote and Comment

Thank you for reading

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
32.5K 2.8K 42
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
227K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...