Tax Principles (Law of Attrac...

By Dawnvellichor

740K 20.3K 2.5K

Alliana Cadice Cortez, a simple lady has secret romance with his childhood bestfriend. Her life was filled wi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Epilogue
EXTRA
SECRET SPECIAL CHAPTER OF HIS ASSETS
OFFICIAL PAGE

Chapter 31

9K 284 12
By Dawnvellichor


Pagpasok ko sa loob ng unit ni Jade ay wala pa ito pero maya-maya lang ay dumating na din siya. At sakto naman kakatapos ko lang mag luto ng hapunan kaya sabay na kaming kumain. Madalang na lang kaming magkita nito dahil nagiging busy na kami sa sarili naming mga trabaho. Kaya naghanda ako ng masarap na hapunan para sa aming dalawa, fried adobong baboy at garlic rice ang aking hinanda para ngayong gabi.

"Kamusta ang trabaho mo Ali? napapansin ko lagi ka kasing wala sa opisina, tuwing lunch hinahanap kita kila Brylee sabi nila umalis ka daw kasama ang CEO," tanong ni Jade habang patuloy sa pagkain at sinasabay ang paglalaro ng kung anong laro sa cellphone niya, basta nakakarinig ako ng madaming barilan.

"Ang totoo kasi nyan Jade nagtratrabaho din ako bilang assistant ng CEO, alam mo naman siguro na buntis ang secretary nito kaya hindi na maharap nito ang paglabas at pagsama sa CEO kaya binigay sa akin ang trabaho na iyon para tulungan ito at mas mapadali ang trabaho ng CEO." Pagpapaliwanag ko dito.

Tumigil ito sa paglalaro at tinignan ako. "Seryoso ka ba? So ibig sabihin nagtratarabaho ka ng dalawang posisyon ngayon? kaya pala sobrang busy ka," hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango ako bilang sagot at nagsimula nang kumain ulit, "Kamusta naman ang trabaho mo? kaya mo pa ba? mamaya mapagod ka ng sobra n'yan," tanong nito sa akin na may pag-aalala sa kanyang mukha.

"Kaya ko naman Jade wag kang mag-alala at isa pa mas mabilis akong nakakapagpadala kila Papa ng pera dahil sa doble ang trabaho ko, doble din ang sahod ko, sa susunod na buwan nais ko nang ipaayos ang bahay namin dahil nakakapag-ipon naman na ako, tyaka wag kang mag-alala hindi naman mabibigat na trabaho ang bibigay ng CEO sa akin."

"Sure ka ah, basta pag need mo ng tulong nandito lang ako. Wag kang mahihiya na sabihan ako."

Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkwekwentuhan ng kung ano-ano ng bagay pero pansin ko ang pagiging masigla niya tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Oliver. Tila kumikinang ang mata nito tuwing kinukwento ang mga kalokohan nila ni Oliver at ang pamilya nito.

Naghugas kami ng pinggan at agad din siyang dumiretso sa paglalaro pagkatapos, kaya nag-basa na lang ako ng mga libro ko. At na isipang tawagan sila Amiel sa bahay upang kumustahin ito.

Ilang ring pa lang ay agad na itong sinagot ni Amiel, "Hello, gising pa ba kayo d'yan?" tanong ko sa kanya.

"Kakatapos ko lang gawin ang mga project ko ate kaya gising pa ako, sila Lola at Lolo ay tulog na sa baba, si Papa naman may inaayos pang TV ng kapit bahay sa baba," sambit nito mula sa kabilang linya.

"Ganon ba, kamusta naman ang Lolo sumasakit pa rin ba ang tuhod nito? Binilhan mo na ba sila ng gamot?" tanong ko dito at umupo sa sofa, sinipa ko ng mahina ang likod ni Jade para alam niya na may kausap ako sa telepono para hinaan nito ang pagmumura sa paglalaro.

"Opo ma'am, nabili ko na rin ang gamot ni Papa at Lola. Pati ang vitamins nito tapos na kahapon pa ate."

"Mabuti naman kung ganon, ah bukas nga pala magpapadala ako ng pera para maipagawa na ang bahay, pagkinuha mo ito ibigay mo kaagad ito kay Papa, nakahiwalay na rin ang allowance mo doon at pambayad mo sa school. Please lang ingatan mo iyon Amiel medyo malaking halaga iyon," sabi ko at inabot ang aking bag upang ihiwalay na ang perenga ipapadala ko bukas at sa perang ititra ko para sa pang gastos ko dito.

"Sige ate ako na ang bahala, basta mag ingat ka dyan at wag mong papabayaan sarili mo, sasabihin ko kay Papa na tumawag ka o gusto mo ba siyang makausap ngayon? Baba ako."

"Hindi, wag na tatawag na lang ako bukas ng umaga, sige na matulog ka na ok," sambit ko at pinatay na ang tawag. Nilagay ko ang sobre ng pera sa aking bag para maipadala ko na ito bukas bago pumasok.

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng unit at dumaan muna sa padalahan ng pera, at pinadala ito kila Papa. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kumpanya at nagsimula nang magtrabaho sa department ko bago ako tumuloy sa itaas.

"Morning," bati ko pagpasok ko sa loob ng opisina, agad naman akong hinarap nila Brylee at Gail, "Yes, ang babaeng pinagpala lahat ay nandito na," malokong sambit ni Gail at pinanuod nila akong umupo sa aking table habang hindi mapigilan ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Problema niyo?" tanong ko, "Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat, pinagpala na makasama lagi ang Papi CEO kung saan ito pumunta, at pinagpala na makasama ito sa pagkain grabe!!!" umaakto si Brylee na umiiyak kaya kunot-noo ko silang tinignan.

"Inggit ako," sabi ni Gail at gaya ni Brylee ay umaakto din itong parang nasasaktan. Umiling-iling na lang ako at nagsimula na sa trabaho.

"Bahala kayo d'yan," bulong ko at mabilis sinimulan ang mga trabahong nakatambak sa aking lamesa ngayon.

Sa sobrang dami kong trabaho ay hindi ko namalayan ang oras, natigilan na lang ako ng kumatok sa lamesa ko sila Brylee. "Hey, babaeng pinagpala sa lahat, baka gusto mong kumain ng lunch," Brylee said.

Hinarap ko sila at ngitnitian, "Sige, mauna na kayo mag lunch meeting ang CEO mamaya siguro don na lang ako kakain" sagot ko.

"Ahhhhhhh!!!" nagulat ako ng bigla silang sumigaw ng ipit. "Inggit kami!!!" sabay nilang sambit at umalis ng opisina.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa ng.. "Excuse me," may narinig akong nagsalita mula sa pinto pero dahil malapit na akong matapos kaya hindi ko magawang harapin ito at bigyan ng pansin. "Yes," pero sinagot ko ito kahit hindi tinitignan.

"Can I have the market research analyst to join me for lunch?" napakuot-noo ako ng sabihin ito ng tao nasa pinto, kasabay ng pagtapos ko sa aking ginagawa ay ang pagharap ko dito habang nakakunot ang aking noo.

Pero agad nang laki ang aking mga mata ng makitang kasandal sa gilid ng pinto ang CEO habang nakakrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Agad akong tumayo at sinabi, "Sir!"

He chuckled because of my action and stand straight, put his hands on his pocket and speak, "My lunch meeting starts at 12:15 I guess," he gently said. Tinignan ko ang relo ko at quarter to 12 na! kaya mabilis kong kinuha ang aking bag at pinatay ang PC ko.

"I'm so sorry Sir," I said and ran to him and we both walked out of the office. He chuckled and said, "It's fine, Let's eat first before we meet the investors," he said and smiled brightly at me.

Gaya ng sabi niya kumain kami ng lunch at hindi ko inaasahan na sobrang dami niyang inorder para sa akin at pinakain lahat ng iyon sa akin. Hindi ko magawang tumangi dahil nabayaran niya na agad ito,kaya kinain ko ito kahit nabubusog na ako ng sobra at pakiramdam ko ay sasabog na ako sa pagkabusog.

Tumuloy kami sa meeting pagkatapos kumain at natapos iyon ng alas tres ng hapon, then may sumunod ulit na meeting ng 4 to 6 at dumaan kami sa site ng 7 at ngayon kasalukuyan pa lang kaming pabalik sa kumpanya para kunin ang ibang files na kailangan naming para bukas para bukas.

"Mauna na po ako Sir," sabi ko ng makalabas na kami ng kumpanya at nakuha na nag mga files sa loob, I was about to walk and leave when he grabs my wrist that made me stop.

"I'll drive you home," he said and smiled at me, he gently turned his hands from my wrist down to my hands and gently held it, and pulled me to the parking lot.

"Sir, hindi niyo naman ho ako kailangan ihatid kaya ko naman pong umuwi," nahihiya kong sambit, sobra-sobra na ang kabaitang pinapakita nito sa akin.

"No, it's fine, I want to do this," hindi ko alam kung may iba pa siyang nais iparating sa kanyang sinasabi pero ngumiti na lamang ako at tumango.

"Thank you, Sir." pagsasalamat ko at humarap na sa pinto ng sasakyan, ng pagbuksan ako nito pero biglang humangin ng malakas at, "Ay!!" bigla akong napuwing at napatakip ang aking mata.

"Hey, what happen?" Tanong ni Sir. Cad at agad akong pinaharap sa kanya, naramdaman kong sinubukan niyang hawakan ang aking kamay at dahan-dahan itong hinila paalis sa aking mukha, nakapikit ng madiin ako ng madiin dahil doon at hinawakan nito ang aking baba at dahan-dahan itaas.

"Let me see," sabi nito at sinubukang buksan ang aking mata pero lalo lang akong napapapikit at nanghina ang aking tuhod kaya muntikan na akong matumba, buti nalang ay nakasandal ako kaagad sa pinto ng sasakyan.

"I'll blow it gently," sambit nito at nagsimulang hipan ang aking mata habang hawak ang aking pisngi.

"Alliana!!!" natigilan kaming dalawa ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

Dahil medyo ok naman na ang isa kong mata, minulat ko na ito at tinanaw ang tumawag sa akin. Tila natigilan ako sa aking kinatatayuan at biglang tumibok ng mabilis ang aking puso.


"Louie??" I whisper.

Continue Reading

You'll Also Like

44M 1M 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik pab...
11.2M 214K 42
Here's what I have to do within 30 days: --Help him move on. --Make him fall for me. --Fall in love with him. Para sa ikaliligaya ng mga kaib...
57.5K 3.8K 32
Matsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if...