The Replacement Wife

By Indiegoxx

7.7K 354 24

Elaine Satana Palma-Alcante, married her first and only love, Zeiger Drake Alcante. Zeiger needs her, and tha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 12

174 11 0
By Indiegoxx

Chapter 12

Two days. It has been two days since that night happened. And in that two days, I did everything to avoid Zeiger. I felt embarrassed and ashamed for what we've done. He seemed like he doesn't remember a single thing at all naman the next day, and I don't know how would I feel with that.

Should I be glad that he does not remember? Or disappointed for I don't know why!

I gripped on my goblet tightly before drinking the liquor in one gulped.

"Easy-han mo lang. Umaga pa, baka malasing ka na."

I flinched as I looked at the guy who seated next to me on the beach lounge beside mine. We weren't in the pool side as of the moment. Nasa dalampasigan kami dahil trip ng ibang mag jetski, diving, beach volleyball, or just plainly swimming in the sea.

May nagiihaw 'di kalayuan at may ibang nakahiga sa buhanginan matapos maglapag ng mat o ano. May iba ding nag-aayos ng tent. May ibang nakahiga o nakaupo sa lounge katulad ko at fini-feel ang mainit na sikat ng araw at ang maalat ngunit banayad na hangin.

"Ano na?" Travis asked brows quirking up.

Napakurap kurap ako at nag-iwas ng tangin. I fixed my gaze at the crystal blue sea, at tinignan ang mga kakilalang nagkakasiyahan sa dagat.

"Awit. Snob si Elaine Satanas, ah. Famous ka, ghorl?" Travis laughed.

Napalingon ako ulit sa kaniya at itinaas ang suot kong shades para samaan siya ng tingin. Ngumisi siya sa akin bago itinukod ang dalawang kamay sa kaniyang likuran. He tilted his head and his grin widened.

May nakapagitan sa amin na maliit na table kung saan nakatuko ang malaking payong kung saan kami nasisilongan. Iyong binti ko lamang ang naiinitan sa sinag ng araw, and I don't mind.

"Kumain ka na?" he asked.

Napanguso ako at nag-taas ng kilay. "Pa-fall?"

"Ulol! Sige, 'wag kang kumain. Ikaw naman mamamatay sa gutom. Bwesit."

Humalakhak ako. "Bakit galit?" may panunuyang tanong ko.

"Kasi gusto ko manakit." Humalakhak siya.

Wala akong magawa kundi matawa na lang din kasabay niya. I have to admit that Travis' laughter is contagious. Yung tawa niya kasi ay nakakatawa kaya wala kang magagawa kundi matawa na lang din.

Kinuha ko ang bote ng rum sa mesa at nagsalin sa goblet na hawak ko. I heard Travis scoffed making me gaze at him curiously. I raised a brow, lowkey asking what's his problem.

Ibinaba ko ang bote'ng hawak ko at sumimsim sa aking kopita. Nanatili ang aking mga mata kay Travis habang sumisimsim. He bit his lower lip and sighed. Inalis niya ang pagkatukod ng mga kamay sa kaniyang likuran. He gaze on his wrist watch at naka-ngusong tinignan muli ako.

"It's just 9:30 in the morning, umiinom ka na?"

"What's your problem ba? Ba't ka nakikialam? I didn't do anything bad sayo, ah?" I asked brows quirking up in annoyance. Sumimsim ulit ako sa aking kopita at inubos ang laman noon sa isang lagukan.

"Wow, so conyo naman this girl." Humalakhak ulit siya.

Bwesit talaga itong Del Ferrell na ito. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri bago bumuga ng hangin.

Nagsalin ulit ako ng alak sa aking kopita at inisang tungga ito. Nagsalin muli ako ngunit hindi ko na ito tinungga. Nakatitig lang ako sa kopita ng alak at tulala.

"You are not okay."

Inangat ko ang tingin ko kay Travis. That wasn't a question, it was an statement. I cleared my throat.

"Ano naman ngayon?" pagtataray ko para matakpan ang kirot sa puso ko.

He smiled weakly. Nakita ko kung paano niya ibinuka ang bibig niya ngunit agad din niyang tinikom.

He stared at my eyes and sighed. "Do you know that I like you?"

I stunned by his remark. My lips parted as I blinked my eyes numerously. Is he confessing? Shit! Hindi ako ready!

Nangangapa ako ng mga salita nang makita ko siyang nakangiwi habang tinitignan ako.

"Not in a romantic way. Yuck? 'Di kita type, ano." Umismid siya.

Parang nawala ang bumabara sa lalamunan ko at nakahinga ng maluwag. I thought he really liked me. Good thing he doesn't. Ayaw kong maramdaman niya ang nararamdaman ko. Ang magmahal ng taong may mahal nang iba.

Napataas ang isang kilay ko. "Excuse me?-"

"Bakit? Dadaan ka?"

"Tangina mo?"

"Hindi."

Bwesit. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas na natawa. Nang medyo humupa na ang tawanan namin, tinitigan na naman niya ako. Not that naiilang ako, pero medyo.

Bumuntong hininga siya at umayos ng upo bago nahiga sa lounge. Nakatingin lang ako sa kaniya at sumimsim ng alak.

Nakita ko kung paano niya ipinikit ang kaniyang mga mata bago bumuka ang bibig niya. "I like how you gave way to Zeiger and Athena the moment you knew they have mutual feelings. How you help Zeiger on courting Athena even it's killing you inside. Kasi kung ako iyon? Damn. There's no way I'll do that. Hindi ako tanga, at ang mga martyr ay binabaril sa Luneta." He opened his eyes and looked at me. "Ipabaril na ba kita? O ako na mismo ang babaril sayo'ng tanga ka?"

Napangiwi ako at sinamaan siya ng tingin. Maka-tanga to, eh. Close ba kami?!

He chuckled bago nag-iwas ng tingin at pumikit ulit. "Ilang beses na kitang nakitang umiiyak ng patago noon."

Doon ako tuloyan na natigilan. Napakurap-kurap ako at napalunok. Memories from the past starts to reply in my mind. Those times I cried silently in the dark, after showing to the world my warmest and brightest smile.

"You love Athena so much that you sacrifice your own love and happiness for her. And Athena-"

"Is so mad at me. Umiwas ako sa kaniya, iniwan ko siya." A lone tear fell from my eyes.

Napamulat ng mata si Travis at tinignan ako. Nagulat pa siya ng makitang umiiyak ako. He then smiled at me warmly but didn't say anything.

Akala ko hindi na siya magsasalita kaya nagitla ako ng marinig ang boses niya. "You know Athena. She'll never be mad at you, in fact, tatanawin niya itong utang loob sayo. Itong pag-bigay daan para sa kanilang dalawa ni Zeiger. You've been selfless for Athena's happiness. And I'm proud of how your eyes glint with both pure happiness and pain in your eyes when you see them together. You and Athena, both of you are lucky to have each other." He smiled at me.

Napakurap-kurap ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Napanguso ako at tinignan ng masama si Travis.

"Sure kang wala kang gusto sa akin?" I said to lighten up the mood.

Agad nawala at ngiti niya at sumimangot. Natawa ako nang ngumiwi siya at tinignan ako na parang nababaliw na ako.

"Mabait akong kaibigan, 'no! Hindi ko pagtataksilan si papi Zeiger." Bumalik ang ngisi niya sa labi niya at kumindat pa.

Napaatas na lang ako ng kilay. "Why are telling me those?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Natigilan siya at napatitig sa akin. I saw uncertainty in his eyes and how he gulped audibly. Para siyang nangangapa ng salita dahilan para tumaas ang isang kilay ko.

Bumuntong hininga siya. "I'm telling you this for you to remember who is Athena," he said meaningfully.

Natigilan ako. Mas lalo akong napatitig sa kaniya. Of course, I knew her! And I won't forget her! She's my best friend, after all.

"Where is... Athena?"

"U.S.A." simpleng aniya.

Tumango ako at umiwas ng tingin. Natulala ako sa tanawin sa harap namin kung saan tila kumikinang ang asul na dagat.

Gano'n ba siya kabusy sa States kaya 'di siya makadalaw man dito? A part of me wants to go there and see her. Because even I've been jealous of her, it doesn't change the fact that she's...my best friend. I don't think gano'n pa din ang tingin niya sa akin.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Naninikip ang dibdib ko sa isipan na hindi na kami magkaibigan. After what I've done... I don't know.

"Don't worry, makikita mo din siya."

Napalingon ako kay Travis. Pilit siyang ngumiti sa akin bago siya tumayo. Nagpamulsa siya bago ako ningisihan.

"I'll be going. Baka 'pag magtagal pa ako, makilala mo ako lalo tapos magka-gusto ka pa sa akin. Kawawa si papi Zeig," mayabang na saad niya at umiiling-iling at nagkibit-balikat pa ang baliw.

Agad ko siyang binato ng stick na nakuha ko sa tabi. Bumingisngis siya at iniwasan ang binato ko.

"Umalis ka na! Bwesit ka," natatawang sabi ko.

Kumindat ulit siya sa akin at kumaway. "Bye, Elaine Satanas!"

Sinundan ko ang tingin ang kaniyang likuran habang naglalakad palayo.

Now, I'm all alone again. Napanguso ako at umayos ng higa sa lounge. Isinuot ko ulit ang aking shades at ipinikit ang aking mga mata. I don't want to overthink anymore. Magpapahinga muna ako. After all, this is my vacation. I should clear my mind from those things that's bothering the hell of me.

Hindi ko namalayan na tuloyan pala akong napa-idlip. Nagising lang ako sa sobrang init na ng sinag ng araw na tumatama sa binti ko.

Gumalaw ako sa kinahihigaan ko at doon ko lang napansin ang braso at binti'ng nakadantay sa akin. Natigilan ako at tinitigan ang braso sa may bewang ko na mas lalo akong hinapit palapit at sinandal sa kaniyang dibdib.

My heart started to palpitate. Nilingon ko mula sa aking balikat ang may-ari ng braso at binti'ng nakadantay sa akin.

I bit my lower lip nang magtama ang ilong namin ni Zeiger. Shit! Bakit ang lapit nitong Alcante'ng 'to? And seriously, naikasya niya ang sarili niya sa iisang lounge kasama ako?!

At bigla nalang siya nagmulat ng mata. Sa gulat ko ay muntikan na akong mahulog sa lounge. Mabuti nalang ay agad niya akong hinapit palapit bago pa man ako lumagapak mula sa pagkahulog.

Humarap ako sa kaniya habang nakahiga pa rin at napakurap-kurap. Sinalubong ng gulat kong mga mata ang mga mapupungay na mata ni Zeiger.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko.

I don't know where I got the guts on not stuttering in front of him with  the little distance between us and my booming fast heartbeat.

Umangat ang isang kilay niya. "Sleeping."

Napangiwi ako. I bit my lip as my irritation towards him rose up.

"I mean, bakit dito? Ang sikip sikip na, eh! Madami namang lounge diyan sa tabi. Bakit dito pa sa akin? Maraming tao. Masyado kang PDA-"

"Shut up, Elaine. We need to talk and fuck the people lurking around," seryosong ani'ya at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.

He's mad. He's mad!? I should be the one getting mad, right? Ba't pinapangunahan ako ng isang 'to? Napaka naman ng lalaking ito!

"Wala tayong dapat pag-usapan." Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang bewang ko at ipinirmi sa aking pwesto.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. Ano bang problema ng lalaking 'to? Ang sakit na ng binti ko dahil sa sikat ng araw! Ano ba!?

"Let me go, Zeiger."

"No. We need to talk," malamig na sabi niya at pinukol ako ng matalim na tingin.

"Wala nga tayong dapat pag-usapan-"

"Why are you avoiding me?" Pagputol niya sa sasabihin ko dapat.

Natameme ako at napakurap-kurap ulit. Tila na blanko ang utak ko sa tanong niya at nangangapa ako ng mga salita.

I don't know if I should tell him what had happened 2 days ago since he doesn't remember anything at all, or not because it will only put me into shame. I don't know anymore. I bit my lips frustratedly.

Nakita ko ang pagbaba ng tingin sa aking labi dahilan para bitawan ko ito mula sa pagkakagat. I pursed my lips instead. He licked his lips at ibinalik niya ang tingin sa aking mga mata.

"I-I'm... I'm not avoiding you." Nag-iwas ako ng tingin.

I heard him scoffed sarcastically. "Oh, really? Then what are you doing for the past 2 days, Elaine? What do you call that?"

Napanguso ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hinapit niya pa ako lalo dahilan para mapahawak ako sa dibdib para pigilan siya.

"Ano ba?!" I asked annoyed.

"We need to talk," mariin na saad niya. Ang matalim at mabibigat niyang tingin ay nanatili sa akin.

Sa inis ko, itinulak ko siya pero hindi naman siya natinag. Sinubukan ko nalang tumayo ngunit hinapit niya ulit ko dahilan para pumirmi ako sa aking pwesto. Napapikit ako ng mariin.

Bwesit. Bwesit. Bwesit! Naiinis ako! Inis na inis ako dahil imbis na magalit sa kaniya at kinikilig ako! Tangina mo, Elaine.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala nga sabi tayong paguusapan-"

My words were cut off and my eyes widened when his lips brushed into mine. Ang mababaw niyang halik ay agad din naman natapos at muling tumama sa akin ang mabibigat niyang tingin. He pursed his lips as I felt his hand making circles on my waist.

"Shut up and tell me. What's our problem, Elaine?"

Nanatiling tikom ang aking bibig at pilit pinapakalma ang naghuhurementado kong puso. Napabuntong hininga si Zeiger ng mapagtantong wala akong balak na magsalita.

Ang kamay niyang gumagawa ng bilog sa aking bewang ay umangat sa aking mukha. Hinawakan niya ang aking pisngi at marahan itong hinaplos.

"We need to talk. And by doing such, you need to speak up, Elaine. Speak up and tell me, baby."

__________

Continue Reading

You'll Also Like

381K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
191K 4.5K 54
What will you do if you end up in someone else body?
183K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...