Saddest Melody (Arts Series #...

Von dayangennaid

7.4K 1K 442

[COMPLETED] Quinn, an orphan who then got adopted by Torres Family, had always believed she encountered the h... Mehr

Saddest Melody
Prologue
Melody One
Melody Two
Melody Three
Melody Four
Melody Five
Melody Six
Melody Seven
Melody Eight
Melody Nine
Melody Ten
Melody Eleven
Melody Twelve
Melody Thirteen
Melody Fourteen
Melody Fifteen
Melody Sixteen
Melody Seventeen
Melody Eighteen
Melody Nineteen
Melody Twenty
Melody Twenty-One
Melody Twenty-Two
Melody Twenty-Three
Melody Twenty-Four
Melody Twenty-Five
Melody Twenty-Six
Melody Twenty-Seven
Melody Twenty-Eight
Melody Twenty-Nine
Melody Thirty
Melody Thirty-One
Melody Thirty-Two
Melody Thirty-Three
Melody Thirty-Four
Melody Thirty-Five
Melody Thirty-Six
Melody Thirty-Seven
Melody Thirty Eight
Melody Thirty-Nine
Melody Forty-One
Melody Forty-Two
Melody Forty-Three
Melody Forty-Four
Last Melody | Epilogue
hey, it's me
Playlist: 911

Melody Forty

99 12 8
Von dayangennaid

Now Playing:
Stronger by Sam Feldt ft. Kesha

Nagtagal pa ako nang ilang minuto bago tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng chapel. Kanina pa dapat ako aalis pero ayaw makinig ng mga paa ko. Somehow, I was feeling peaceful, like I didn't want to leave anymore. I took one last glance from Him before finally walking back towards the elevator and pressed the button.

Sana... sana hindi pa huli ang lahat. Sana naririnig Niya ako.

Pagkalabas ko ng hospital ay huminga ako ng malalim. Every step... my feet get heavier and heavier, and the farther away I am from the hospital, the difficult it was to breathe.

Umupo ako sa waiting shed para magpahinga habang naghihintay ng bus. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala sa sariling umiling ako at sumandal sa sandalan ng upuan saka tumingin sa harap. Isa-isa nang namamatay ang ilaw na nagmula sa malaking hotel na medyo hindi kalayuan ng inuupuan kong waiting shed. May dumadaan pa namang mga sasakyan pero konti na lang ang mga nakikita kong taong naglalakad.

The wind was slapping softly against my cheeks, and I could hear the branches rattle. It was getting cold. I had to rub my hands together, slowly felt it getting warmer, and then rub my shoulder. Saglit pang nanginig ang mga paa ko.

Nang tumingin ako sa gilid, bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ang isang pigurang palapit dito. I squint my eyes as the figure slowly became clear, only to find out that it was Analie.

"You're leaving us again?" Her cheeks were red, trying to catch her breath.

I looked straight while my breath became heavy, and my hands slowly made their way to my lap. The last time I left, she was also the one who found out. Funny how fate works. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya na nakatingin lang sa harap.

"Why?" she suddenly blurted out.

Huminga ako nang malalim at nagkibit-balikat, nahihirapan itong sagutin. "I don't... I don't think I needed to stay anymore."

Umiling si Analie nang hindi ako nililingon, tila hindi sumasang-ayon sa sinabi ko.

"I know what happened... what my parents did caused you so much pain at hindi na namin matatanggal 'yan sa puso't isipan mo. But I swear, none of us wanted to hurt you or want you leave... Kasi kung tatanungin mo ako Quinn... you'll always be my sister, you'll always be part of the family, and I just—I just don't want you to leave." May halong lungkot ang boses niya.

"Paano kung... paano kung mag—"

"Why do you think too far ahead, Quinn?"

"Ayoko lang maulit ang nangyari. Gusto kong magsimula ulit."

"You can start over... with us..." Nakita ko ang mabilis niyang pagkurap na tila pinipigilan ang sariling maiyak. "Pero ikaw ba, Quinn? Gusto mo na ba talagang umalis?"

A sharp thing pierced my heart after hearing what she said, but stupid me just couldn't say anything. I was torn between wanting to stay or leave. Aaminin ko. Kinakain ako ng hiya at pagsisisi dahil sa trato ko sa kanila. Baka ito rin ang dahilan kung ba't 'di ko magawang sabihin na may parteng gusto kong manatili.

Pero natatakot na rin kasi ako na baka 'di na maibabalik pa ang dati. At some point, what happened will continue to daunt us. What happened scarred the bond we had.

Nanatili akong walang imik. Nakakabingi ang katahimikan at halos umikot ang aking sikmura dahil alam kong naghihintay si Analie sa sagot ko. Pero anong isasagot ko? Sa dalawang pagpipilian hindi ko alam kung saan mas matimbang at kung saan ang tama.

And I didn't want to hurt her if I chose the other choice.

"Okay..."

Mabilis akong napatingin ulit kay Analie, dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Okay?

"As much as I want you to stay..." She then looked at me. I was taken aback when I saw her flashed a smile, but then her eyes were different. Tumayo siya saka tumalikod at nagsimula ng maglakad palayo. Then, she stopped for a second. "I won't stop you from leaving anymore, Quinn."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ipinagpatuloy na niya ang paglalakad hanggang sa unti-unting lumiliit ang pigura niya. Napakapit ako sa aking bag nang mahigpit habang tulala nang ilang minuto. I bit my lower lip before finally looking away.

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumitaw si Analie. Pero hindi ko siya masisisi. Ni hindi ko siya kayang pigilan. I don't know what I'm doing. Is this for the best?

When I looked up the sky, the moon was at its peak. Napapalibutan ito ng mga nagniningning na mga bituin. But only one particular star stood out from them all, twinkling on its own just beside the moon.

Nung huli kong tiningnan ang kalangitan, nung araw na pinuntahan ko ang bahay ni papa, ni isang bituin ay wala akong makita. At kahit na maliwanag ang buwan nun, hindi pa rin umabot sa akin ang liwanag. But today, it was already shining as if it was for me. And today, I can finally say that the sky's comforting me.

Nagdadalawang-isip na nilingon ko ang daang tinahak ni Analie pabalik sa hospital pagkatapos ay napapikit na lamang. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at gulong-gulo ang isip ko.

Anong dapat kong gawin?

The moment... I opened my eyes and looked up. My eyes immediately stopped at the star... that twinkled. Natigilan ako. Tumitig pa ako ng ilang segundo nagbabakasakaling kumislap ulit ito pero hindi na. It was twinkling, but it was the normal twinkling of the star, not the same as what I saw. Hindi ko alam kung paano ko 'to ipaliwanag basta bigla na lamang itong kumislap.

May gusto bang ipahiwatig ang kislap na 'yon?

Kumapit ako sa upuan. All my other thoughts were running wild and the only thing that didn't was a thought that kept telling me to... listen.

Listen.

Bigla na lang kumalma ang pagtibok ng puso ko dahilan para lumuwag ang kapit ko sa upuan. Dahan-dahan kong binuga ang hininga ko. Habang malalim ang iniisip ay tumigil ang isang bus sa harap ko. Mabilis na bumukas ang pinto at tumingin sa akin ang driver ng bus.

"Oh, iha? Sasakay ka ba? Huling bus na babyahe na 'to," sigaw ng driver.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumayo. I took one step but couldn't take another.

"Ano?" tawag niya ulit.

Sa huling pagkakataon ay napapikit ako. I wanna think of it as a sign. Yes, a sign which back then I wouldn't even believe. But if this is what it means to start over, gagawin ko. Listen. Alam kong may ibig sabihin ang kislap na 'yun. I want to believe He was the one who made the star twinkled... sending me a message.

I've lived my life guarding myself. Pero ngayon, susubukan ko nang... makinig.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob, pigil ang hininga. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto at nakita ko pang natutulog si Analie at Tito sa sofa. Maingat na isinara ko ang pinto at ang paglapag ng bag ko sa gilid. I was trying not to create any noises with my clutches that could wake them up. Uupo na sana ako sa upuan nang maramdaman kong gumalaw si Seb. Kinusot pa nito ang mga mata niya saka napatingin sa akin.

"Ate? Is that you?" he whispered.

"Hi," bulong ko rin at lumapit sa kanya sabay umupo. "Nagising ba kita?"

"No.." His voice is so innocent. "Ate... ate said you left. She tried to search for you."

Sumulyap ako kay Analie na mahimbing na natutulog pagkatapos ay ngumiti lang kay Seb. I tried to erase the guilt written in my face. "Nandito na ako. Matulog ka na ulit."

Hindi ako tumuloy. I wanted to stay and let my heart decide what it wants... even when the answer's already in front of me. Bibigyan ko na muna ng oras ang sarili kong magdesisyon kung ano ba talaga ang gusto ko. And if this is what God wants... then this time, I'll listen.

Imbes na tumango ay umiling lang ito bilang tugon. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya.

"It's still 2 PM, Seb. Bawal kang mapuyat 'di ba?" pag-papaalala ko sa kanya. Kailangan niyang matulog. Ayokong may mangyari na naman sa kanya.

"I need to stay awake," sagot niya.

"Pero—"

"Because you will try to leave us again."

Parang may bumangga na malaking truck sa puso ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napatitig kay Seb na seryoso sa sinabi niya. Nagbabantay ito sa akin kahit halata namang inaantok pa dahil hindi man lang ito mabuksan nang maayos ang mga mata niya at panay hikab pa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot.

"Dito lang ako," bulong ko saka marahan na ginulo ang buhok niya.

"You promised the last time, but you broke it."

"Hindi na.. hindi na. Hindi na ako aalis. Matulog ka na. Paggising mo mamaya may yogurt ka na, okay?"

Sinubukan kong pigilan ang pagkabasag ng boses ko at ngumiti sa kanya habang paulit-ulit na lumulunok at sa gayon ay mawala ang nakabara sa lalamunan ko. Nasasaktan ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Tama siya. Nangako ako sa kanya na mag-uusap pa kami pero hindi ko 'yon tinupad.

"No.."

"Seb..." malumanay na tawag ko pero umiling ulit ito. "Oh sige, ganito na lang... hawakan mo na lang ang kamay ko habang natutulog ka para siguradong hindi nga ako aalis. You okay with that?" Pinakita ko sa kanya ang kamay ko.

Hindi pa ito sumagot. Nagdadalawang isip na tumitig siya sa kamay ko at maya-maya lang ay dahan-dahan itong hinawakan. Mahigpit ang hawak niya at gamit pa ang dalawang kamay.

"Hindi ka na aalis?" tanong niya.

"Hindi..." I looked back at Analie and Tito. "... na."

"O... kay. I'll hold your hand just in case."

"Okay.."

Tinulungan ko siyang humiga at inayos ko rin ang kumot niya gamit ang libreng kamay kahit na nahihirapan ako. Ayoko rin namang alisin ito dahil mahigpit talaga ang hawak ni Sebastian. Pagkatapos ay hinayaan ko siyang ipuwesto ang kamay ko sa bandang mukha niya habang nakatagilid siya.

"Ate?"

"Hmm?"

"'Wag ka nang umalis ha?"

Kumurap ako nang ilang beses at pagkatapos ay tumango. Nang makatulog na si Sebastian ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang sariling gumawa ng ingay sabay yumuko. Ni hindi ko alam kung ano talaga ang puno't dulo ng pag-iyak ko.

Kumawala ako ng isang malaking hininga at kumalma pagkatapos ay suminghot. Tumingin pa muli ako kela Analie at Tito pero buti ay hindi sila nagising.

Isinandal ko na lang ang aking ulo sa tabi ng mga kamay namin ni Seb hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, nagising ako nang may tumawag sa pangalan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita si Tita.

"I'm sorry to wake you up, Quinn."

Umiling ako bilang tugon pagkatapos ay napakunot nang mapagtantong nasa sofa na ako. Sa pagkakalaam ko nasa tabi ako ni Seb nakatulog kanina at nakaupo lang. Kailan ako napunta dito? Hindi ko rin naramdamang inilipat ako dito.

I slowly sat up, and Tita immediately helped me. "Paano po ako napunta dito?"

"I asked Yael to moved you here."

"Yael?" tanong ko at inilibot ang paningin pero hindi ko siya nakita.

"Nasa labas lang siya naghihintay," sagot niya.

"Alam niya po..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang sagutin na ito ni Tita.

"Tinawagan siya ni Analie at ipinaalam ang nangyari. He... went to the orphanage to search for you pero bumalik din nang malamang nakita kana and he was the first one who saw you sleeping beside Seb."

Kumunot ako sa sinabi ni Tita. Pumunta si Yael sa bahay-ampunan? Pero halos apat na oras din ang byahe papunta dun!

"Kailangan mo nang kumain. Then... Is it okay for you to let the doctor check your leg later?"

Tumango kaagad ako at hindi na umangal habang iniisp pa rin ang ginawa ni Yael. Pumunta talaga siya dun?

"Okay.." She smiled again and stood straight, ready to turn around. I felt my heart weigh when I saw her smile. I suddenly felt guilty. I couldn't help but sigh and looked down. She didn't even say a word about it.

"Sorry..." Natigilan siya at napatingin sa akin. "Sorry umalis na naman ako..." Then I looked away.

Walang nagsasalita sa amin. Dumaan pa ang ilang minuto bago ko siya narinig na nagbuntong hininga at sa wakas ay sinagot ako.

"It's okay, Quinn." Ngumiti siya. "Just... always remember, nandito lang kami. You can always come back."

Matapos niyang sabihin 'yon ay tuluyan na siyang lumapit kay Seb na natutulog pa rin hanggang ngayon. I pursed my lips and just nod my head before deciding to get out of the room while thinking about what she said.

Hindi ko masabing bumalik na ulit kami sa dati. Pero alam kong hindi rin ito tulad nung araw na halos tinatakbuhan at tinutulugan ko kapag kinakausap nila ako. Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Tito at Tita ay nalulungkot ako. That's why I'm trying to answer and talk to them dahil alam kong sinusubukan din nila akong kausapin. I need to let them in again. Gusto ko nang bumalik ulit kami sa dati.

Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Yael na nakaupo habang palinga-linga sa hallway. Nang maramdaman ang presensya ko ay napalingon siya at tumayo kaagad.

"Hi..." Lumapit siya sa akin pagkatapos at bahagyang yumuko para magpantay ang tingin namin. I can smell his man's perfume. "You hungry?"

"Sorry," was all I could say, and he immediately understood it without me explaining it.

"Stop saying sorry, Quinn. Wala ka namang ginawa."

"I just thought—"

"Hey, it's okay. Shhh." 

Marahan na hinawakan niya ang balikat ko at siya na mismo ang lumapit para yakapin ako. Kasabay ng pagyakap niya ay bumilis ang tibok ng puso ko. His hand held my head while the other snaked my waist. Mas lalo kong naamoy ang pabango niya. 

Umaasa pa akong hindi niya mararamdaman ang malakas na tibok ng puso ko. It was like everything instantly vanished the moment he hugged me.

"Ba't ka pumunta sa bahay-ampunan? Paano mo nalamang dun nga ako pupunta?"

"I was trying to check if you were really there. I had thoughts of turning back to give you some time to... think because I know you need it. But at the same time, I want to be there by your side, too. In the end, mas matimbang 'yung pangalawa," sagot niya pa nang hindi kinakalas ang yakap. "But then, Analie called and told me she found you and on your way. I could've waited for you there, but I didn't."

"Why?" tanong ko at umatras ng konti para tumingala at tingnan siya.

He looked down at me and gave me a sweet smile. "I..." He stopped midway, and his hand made its way towards my face to tuck a few loose hairs behind my ear. "... have always believed you'd follow your heart."

Nagwala na nang tuluyan ang puso ko. Kailangan ko pang patagong magpakawala ng hininga para pakalmahin ang sarili ko. Damn it. He really has his way of making my heart go crazy. Hindi pa nakakatulong na nakatingin siya sa akin. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko kaya hindi ko siya kayang tingnan.

"Naabutan pa kita sa waiting shed. I followed you as you make your way back... here."

Kumurap ako nang ilang beses. Sa sobrang lalim ng iniisip ko kagabi ni hindi ko namalayang nakatingin pala si Yael. Sinusundan pa ako. Hindi ko nga alam na naabutan pa niya ako. The reason I stayed there was because I was thinking of things to say and calm my head.

"Pero pinag-alala ko na naman kayo..." angal ko pa.

He clicked his tongue, making a 'who-cares' expression before hugging me back and rest his chin on my shoulder. "Take as much time as you need, Quinn. I'll always be here."

Hindi ko na napigilan at sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. Wala sa oras na napayakap din ako sa kanya nang mahigpit. Naramdaman kong natawa siya ng bahagya dahil sa ginawa ko. In his arms, I felt so secured despite my heart constantly falling down.

"Kain na tayo?" aya niya at kumalas na sa yakap. I mentally made a face. I didn't want to broke the hug. But in the end, I just smiled and nod my head.

Nung hapon na 'yon, pagkatapos kong kumain kasama si Yael, chineck nga ng doctor ang paa ko. Hindi na malala ang sugat kaya tuluyan nang nakalabas ako at totoo na talaga 'to. Atsaka pinagalitan na rin dahil sa ginawa kong pag-alis nang walang sinasabi ang doctor. Humingi naman ako ng pasensya dahil dun.

Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa room ni Seb dala ang isang yogurt just like I promised. Tulog ito nang maabutan ko. Nilagay ko na muna sa ref ang yogurt saka tumabi kay Seb at hinawakan ang kamay niya hanggang sa magising ito. Kaming dalawa ni Yael ang nagbabantay dahil may rounds pa si Tita. Si Tito at Analie naman ay may kanya-kanyang importanteng lakad.

Hindi ko na nagawang kausapin si Analie. Hindi ko rin mawari kung galit ba siya o hindi. Balak ko sanang makipag-usap sa kanya pero nung bumalik na siya ay nginitian niya naman ako at niyakap. Dahil dun ay nakahinga ako nang maluwag though it was still bothering me.

On friday afternoon, the girls visited Seb. Alexis too. Na-miss ko ang mokong kahit na binibisita niya naman ako nung mga araw na bumalik ulit ako dito. Nagtatampo pa ito at lalong-lalo na sina Nicole at Lisa dahil sa ginawa kong pag-alis. 

Sobrang nag-alala raw sila. They honestly told me they were scared I'd do it again, but I assured them I didn't.

"Idol..." nag-aalalang tawag ni Alexis. "Hay naku!" Wala na itong maidugtong pa kaya naiinis na napakamot na lamang ito sa ulo niya.

"Kung hindi ka lang talaga mahal namin ay pinektusan ka na namin," biro ni Lisa.

"True!" Bahagyang tumaas pa ang gilid ng labi ni Nicole na para bang nanghahamon ng away sa akin. Magpartner nga talaga ang dalawang 'to.

Umiling si Kiara na katabi ko lang. She leaned her face towards me to whisper. "Don't mind them." Pagkatapos ay ngumiti siya at binalik ang pagbabasa ng libro.

Pinag-ikutan ako ng mga mata ng dalawa na nasa harap ko pero maya-maya lang ay nagbibiruan na kami. Nakangiting nakatitig ako sa kanila habang tumatawa sila sa biro ni Lisa. 

Although Kiara could understand me well, alam kong naiintindihan din nila ako. I know they know I was... confused. They were just scared and worried about me.

Later that night, the girls and Alexis stayed and planned to have a movie marathon. May dala palang projector si Kiara at laptop naman si Nicole. Sa dingding lang namin ito itinapat at iniusog ang sofa para 'di ito nakakaharang. Ito lang din kasi ang angle na nakakapanood din si Seb since nasa higaan siya.

Saktong day off ni Tita kaya kasama namin siyang nanonood. Nakaupo siya sa upuan at katabi niya lang si Seb at sa gilid ay si Tito. The three girls and Alexis were sitting on the floor at the edge of Seb's bed. Nasa kabila si Analie at ako naman ay nakaupo medyo malapit sa pintuan. Nakatuwid ang paa ko atsaka may unan pa.

"Let's watch comedy!" sigaw ni Seb.

"Ano ba 'yan, Lis! Hindi pa nga nagsisimula ubos na 'yang binili kong Nova!" Sinamaan ng tingin ni Nicole si Lisa.

"Sorry naman." Nagpeace sign lang ito. Sabay tuloy kami ni Kiara na umiiling habang binabantaan ni Nicole nang kumuha na naman ng panibagong pagkain si Lisa. The couple were just laughing at the sight of them, obvious na nasasanay na sa bangayan nilang dalawa.

"Patay gutom kasi," bulong naman ni Alexis.

"Mas ka!" palaban na sabi ni Lisa.

"More you!"

"Most!"

"Even most and most. Period! Tapos ang usapan! Case closed!" Sabay isang beses na palakpak ni Alexis. Dahil sa inis, sinapak ito ni Lisa.

Nailing ulit ako. Daming kaaway nitong si Lisa.

Habang nasa kalagitnaan ng pagbabangayan ay biglang bumukas ang pinto. Lahat kami napatingin nang pumasok si Yael. His eyes immediately found me and he flashed a smile as he closed the door. May dala itong tatlong eco-bag at lumalabas pa ang matulis na dulo ng mga pagkaing binili niya. Mistulang kuminang ang mga mata ni Lisa nang makita ito.

"Sakto!" sigaw ni Lisa nang ilapag ang isang eco-bag sa harap niya at ang dalawa naman ay sa lamesa sa gilid ni Seb. "Hulog ka ng langit, Yael!"

"Salamat, Yael." Ngumiti si Tita sa kanya habang binibigyan ng biscuit si Seb at tubig. Bawal sa kanya ang coke at junkfoods. Buti na lang at hindi puro junkfoods ang binili ni Yael. He really did thought about Seb.

"No problem, Tita." Kumuha siya ng isang malaking Piattos pagkatapos ay umupo sa tabi ko at binuksan ito. "Good thing I'm not late..." he whispered close to me. Napalayo ako dahil sa ginawa niya.

"Oo na," sabi ko at umiwas ng tingin.

Ako ang nagsabi sa kanya na manonood kami. Akala ko mamaya pa siya makakarating dahil may gig pero mukhang maagang natapos ito. He also texted me if he should bring food. Sabi ko lang siya na ang bahala. 'Di ko naman alam ganito pala karami ang pagkaing binili niya. Aabot na 'to hanggang next week.

"Here..." Inabot niya ang isang pirasong Piattos nang hindi tinatanggal ang tingin sa kakasimula palang na palabas. Natulalang napatitig ako sa kanya. Talagang hindi titigil ang lalaking 'to na pabilisin 'tong puso ko.

Bahagyang inilapit ko mukha ko para bumulong. Nanonood na kasi 'yung iba, ayokong makaistorbo. "Baka nakakalimutan mong paa ko 'yung may sugat at hindi kamay?"

Baka akala niya rin kami lang ang tao dito. Ano na lang iisipin nila Tita 'pag nakita niya kami? Lalong-lalo na si Tito at mga kaibigan ko. Abot langit na naman ang tukso ang makukuha ko. Nakakahiya.

"I know," sagot niya na parang wala lang. Nagulat na lang ako nang lumingon ito. Nahugot ko ang aking hininga nang mapagtantong ang lapit na ng mukha namin. It felt like everything stopped for a second. I almost wanted to slap myself for leaning towards him. "Eat..." he said softly.

Nahihiyang inikot ko ang mga mata at wala ng nagawa kundi kainin ito. Para akong tuta na sumusunod sa utos ng amo pero 'di ko rin naman alam kung ba't ko siya sinusunod! Buti na lang ay abala na ito sa panonood pagkatapos kaya ako na mismo ang kumuha ng sarili kong Piattos.

The room was filled with laughter. Nung mga oras na 'yon, parang bumalik ulit kami sa dati. Sa loob ng tatlong palabas na pinanood namin ay minsan tinitingnan ko sila isa-isa na para bang hinahayaan ko ang sariling kabisaduhin ang bawat detalye ng mukha nila, ngiti at maging ang tawa nila. Ngayon lang ulit kami nagkaganito matapos nang lahat ng nangyari. It was warming my heart.

For a moment, it was like we all forgot what happened.

"You okay?" Yael asked when he realized I was silent. Saglit pa itong sumulyap sa wall clock. It was still 10. "Pagod ka na ba?"

Nararamdaman ko na naman ang paru-paro sa tiyan ko. Sa kaniya ko lang 'to nararamdaman.

"Okay lang ako," sagot ko.

"You sure?"

Ngumiti ako sa kanya. Gaya ng ginawa ko sa iba, tumitig din ako sa kanya, kinakabisado ang kasalukuyang nag-aalala niyang mukha. His eyes were always clear; I could almost see myself. I've always loved his eyes. His eyelashes were long, longer than mine. His prominent pointed nose. 

Sa tuwing naalala ko ang ngiti niya, hindi lang nababaliw ang puso ko, pinapakalma rin ako nito. His smile was always an assurance that everything is okay.

His hug was both making me weak and making me feel safe.

And his voice... lalong-lalo na 'pag kumakanta siya. Everytime I hear him singing, para akong hinehele at kinukwentuhan ng boses niya. Like a thick blanket warming me. May parang kung anong dumadaloy sa katawan ko at napapasabay na lamang ako sa kanya. Kahit minsan ay sinasabi niyang mas maganda raw ang boses ko. If only he hears it the way I hear it.

"You sure?" he asked again.

Wala sa sariling sumandal ako sa balikat niya at dahan-dahang tumango. I felt him stiffened. 

"Masaya ako."

Nang marinig ang sagot ko, he slowly relaxed. Maya-maya lang isinandal niya rin ang ulo niya sa akin. Mistulang kumalma ang paglipad ng paru-paro sa tiyan ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko but it was like I was lifted off the ground. I was flying.

"Glad to hear that..." he whispered back.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.4K 84 10
Zaseya x Duncan Zaseya is the opposite of her twin, but what she didn't get is how she manage to get Duncan Mellaleje's eyes being fully aware she's...
17.7K 259 58
Agape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those...
40.9K 978 34
As a Lawyer, you justify the truth and fight for it. You obey almost all rules and laws, how about the Law of Love? Meet Atty. Ainah Silvestre, a gor...
38.5K 2K 55
Noah. Lorenzo. Elaine. Three people caught in a whirlwind of love, friendship, and betrayal. Lorenzo likes Elaine and he's going to do everything to...