BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~

122K 2.7K 123
By MsButterfly

CHAPTER 19

DAWN'S POV

Naramdaman ko na lumundo ang kama pero nanatili lang ako na nakabalot sa comforter at nakasubsob ang mukha sa unan. Wala pa akong balak gumising dahil pagod na pagod ako sa mga naganap kagabi. Wala kasing kapaguran si Triton.

"Dawn, sweetie."

"No."

"Master, wake up. Nagluto pa naman ako ng breakfast."

I groaned and rolled on my back. Hindi ko na kailangan takpan ang mga mata ko dahil hindi naman pumapasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto. Must be the curtains. "Anong breakfast?"

"Tocino, hotdog, and egg with my super duper special fried rice, for my super duper special girl."

"Baka naman sunog iyan. Kung sunog iyan ikaw na lang ang kaumain at bibili na lang ako ng barbecue."

"Sweetheart naman. Masarap ito no."

Tinatamad na iniangat ko ang katawan ko at sumandal ako sa headboard. Tinignan ko ang mga pagkain na nakalagay pa sa bed tray. "Hmm. Hindi nga sunog."

"Sabi sa iyo eh!"

"But I don't want to eat. I'm tired."

Napapailing na kinuha ni Triton ang kutsara at tinidor at pagkatapos ay sumandok ng pagkain. Iniumang niya iyon sa tapat ng bibig ko. Napaangat ang isang gilid ng labi ko sa ginawa niya at pagkatapos ay isinubo ko na ang ibinibigay niya.

"You're lazy in the morning." sabi ni Triton habang siya naman ang sumusubo.

"Ikaw naman ang may kasalanan. Pinagod mo ako."

"Hindi naman nakakapagod iyon ah."

"Yeah right."

Iyon na ata ang pinakamaingay at pinakamagulong lugar na napuntahan ko. Time Zone. Maghapon kaming naglaro doon ni Triton kahapon at inabot na nga kami ng gabi. Ayaw kasing tumigil ni Triton hanggang hindi namin nakukuha ang giant snake U Pillow na isa sa mga prizes.

In the end, nakuha naman namin at iyon nga ang nandito sa higaan namin. Oo. Higaan namin.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na condo unit sa Manila. Hindi na kami nag abala na kumuha pa ng malaki dahil hindi naman namin lalagyan ng maraming gamit. We're still on the run dahil sigurado ako na hindi tumitigil si daddy kakahanap sa amin kahit na tatlong araw na ang lumipas mula ng umalis kami sa BHO CAMP.

Triton and I shares a bed but other than sleeping and cuddling, wala na kaming ibang ginagawa. Talaga lang ha? Kaya pala kahapon lang may kakaibang gimick kayo. Okay fine! There's some make out moments but that's it.

"Open."

Sinunod ko si Triton at binuksan ko ang bibig ko. Nginuya ko ang pagkain na ibinigay niya habang nakatingin lang ako sa kaniya.

"What?" he asked as I keep on looking at him.

"Wala naman."

"Dawn..."

"I'm still half asleep. Gusto lang kita tignan, masama ba?"

Nangingiting umiling siya at sinubuan ako uli na tinanggap ko naman. "Masungit ka pa rin talaga."

"Hindi na mababago iyon, Triton. Kaya kahit one hundred years na tayong magkasama, makakatikim ka pa rin ng kasungitan ko."

"I like that."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Like what? Na sinusungitan kita? Mentally masochist ka ba?"

Napabunghalit ng tawa si Triton sa sinabi ko. Tinignan ko siya ng masama at pilit na kinalma naman niya ang sarili niya. "Ang ibig kong sabihin, sweetheart, ay gusto ko ang sinabi mo na one hundred years tayong magsasama."

Sigurado ako na kasing pula na ng mansanas ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "E-Ewan ko sa'yo. As if naman makakatagal ako ng one hundred years sa sobrang kunsumisyon sa iyo."

"Uy, hindi ah. Behave na nga ako eh."

Napatigil ako ng may dumaan sa isip ko. I guess, hindi ko din talaga mapipigilang isipin at dadating pa rin ang panahon na mapag-uusapan namin.

"Tri."

"Hmm?"

"Those women you've been with..."

Natigilan siya sa sinabi ko. Pagkaraan ay bumuntong-hininga siya. "You need to know something, Dawn."

Shit. Looks like I dug my own grave. Hindi niya alam na alam ko na pinalayo siya sa akin noon ni daddy. Hindi niya alam na narinig ko sila. Delta found it out but I guess she never said anything to him.

But like the other inevitable things in our lives...hindi namin matatakasan ito. Hindi ko matatakasan.

"I never been with them, Dawn."

Napakunot noo ako. "Nakita ko ang mga babae mo, Triton."

"I'm not a virgin, Dawn, but I never slept anyone for years. My last was with Zara Wayne eight years ago."

Napanganga ako sa sinabi niya. Eigth years ago? Ibig sabihin ay hindi pa kami...hindi pa naging kami ng mga panahong iyon.

"Triton you can't possibly think that I will believe-"

"Not lying, sweetie. Walang kahit na anong nangyari sa amin ng mga babaeng nakita mo na kasama ko. I did kiss some of them when you're near but I didn't slept with them. At the end of the night, when I know you're not looking, I sent them to Thunder or Archer. Dahil simula pa lang alam na nila ang tungkol sa ginagawa ko."

"W-Were you...were you trying to make me jealous?"

"No. I was trying to push you away. And I succeeded, Dawn."

Dahil kay Daddy. Dahil hindi siya gusto para sa akin ni Daddy. "Triton, naiintindihan ko-"

"No you don't. Dawn, alam ko na may hinuha ka na kung bakit tayo nagkahiwalay noon, but seven years ago kinausap ako ng daddy mo-"

Sunod-sunod na umiling ako. "Triton, please. I understand."

Imbis na tumigil ay nagpatuloy siya. "Walang nangyari sa amin ng babaeng nakita mo na kasama ko ng mga panahong iyon. I tried to explain it to you but your father talked to me. And his words crushed me because I know it's true. You deserve more."

"Tri-"

"Tanga kasi ako. Mas pinili ko na saktan ka kaysa ang kausapin ka. Mas pinili ko na tanggapin ang sinabi ng tatay mo imbis na gamitin iyon para baguhin ang sarili ko. To become a better man for you."

Mabilis akong kumilos at itinulak ko siya dahilan para mapahiga siya sa malaking kama. Kinubabawan ko siya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Triton, I know."

"W-What?"

"Hindi ko alam ang tungkol sa mga babae na nakita kong kasama mo sa mga taon na lumipas, but I did know about that woman seven years ago. Alam ko na kinausap ka ni daddy dahil narinig ko lahat ng pinag-usapan ninyo."

Pain crossed his eyes. "Then why? Why did you let me let you go?"

"Dahil katulad mo, nagpakatanga rin ako. Dahil katulad mo mas pinili ko na saktan ang sarili ko...na masaktan ka. Dahil katulad mo, akala ko iyon ang tama."

Nanatiling nakatingin siya sa mga mata ko. I know my eyes mirrored his pain. Hindi ko alam kung tama na sinabi ko o mas lalo kaming gugulo. But I don't want him to hear it from someone else.

Ayoko na ng may itinatago. Dahil alam ko na ang bagay na iyon ang makakasira sa amin.

Nakakatakot umamin. Nakakatakot dahil alam mo na maaari kang masaktan at makasakit. Dahil maaaring magbago ang mga bagay. But there's nothing in this life that is worth fighting for that you won't feel a hint of fear of losing.

"Tri, naiintindihan ko kung magagalit ka. All this time sinisisi mo ang sarili mo kahit na ang totoo ay dapat ipinaglaban rin kita. But I was not pushing you away because of anger. I was pushing you away because I was afraid."

"Dawn..."

"Kaya hindi kita kaagad matanggap nang sabihin mo na gusto mo akong bumalik sa iyo. I'm sorry, Tri. I really am."

"I didn't fought for you."

"I'm sorry."

"You didn't fought for me too."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at marahang tumango. Hell, I'm scared. I don't want to lose him this early. No, scratch that, I don't want to lose him again. Ever. "I-I'm sorry."

"We're both young then, Dawn. We're both stupid." he murmured. "Pero ngayon parehas na tayong lumalaban."

"Tri..."

"There's nothing to forgive. Mabuti na rin siguro na nangyari ang mga nangyari. Dahil kasi sa mga iyon, natutunan natin na wag na muling pakawalan ang isa't-isa."

Sa sinabi niya ay basta ko na lang siyang hinalikan. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero ilang sandali lang ay pumalibot na ang mga braso niya sa bewang ko. He respond to my kisses, giving back the same intensity.

Just being with him, it feels complete. I feel contented.

"Dawn..." he breathed.

"Don't stop."

"Kailangan."

Napatigil ako sa akmang paghalik sa kaniya sa sinabi niya. Kunot noong tinignan ko siya. "Anong ibig mong sabihin?"

Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko. Then he gently tucked a lock of hair behind my ear. "Because if we wouldn't stop now, I won't be able to find courage to stop later on."

"So?"

"So..." he said with a smile. "We can't."

"Bakit?"

"Hindi pa pwede, sweetie."

"Why?" I pressed.

"Dawn, I won't take you. Not until I've got your parents blessings. Not until you're married to me."

Animo hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. This man...who would have thought he'll be like this? As sweet as this?

"That might take some time." I whispered.

"I waited for years, it's not bad to wait more."

"You really want to wait for them?" tumikhim ako para tanggalin ang bikig sa lalamunan ko. "You know, Tri, we can get married. I chose you. Kahit ngayon na mismo kung gugustuhin mo, pakakasalan kita."

Lie. I want my parents to accept us...to be in our wedding. Pero kung gusto niya gagawin ko. Kahit na wala ang mga magulang ko. Mali, oo. Mahirap, oo. Pero ito ang pinili ko. And I know my parents will come around.

Dahil alam ko maaalala nila lahat ng mga bagay na ginawa nila para lang hindi sila magkahiwalay noon. Dadating ang panahon na maiintindihan nila kung bakit ko nagagawang tikisin sila kahit iyon ang huling bagay na gusto kong gawin.

"We'll wait for them, sweetheart. We'll wait until it's right."

"Tri..."

"I respect them. It doesn't mean you don't Dawn, but I know you're like them. Matigas, palaban at tumatayo sa sariling desisyon. But as your man, I want to be able to give you all the things you love. And that includes them."

"W-We'll wait then."

Ngumiti siya at kinintalan ako ng halik sa mga labi. "We'll wait."

I trust You, God. Thank you for giving him to me. Kahit na anong mangyari maghihintay ako. Kahit matagal.



NAPATALON ako ng pumasok sa pocket sa side ni Triton ang puck na kanina pa pabalik-balik sa kaniya at sa akin. We're playing air hockey. And we're both wearing shades and bull caps para kahit paano ay hindi kami mapansin ng mga taong baka kilala si Triton.

Pinigilan kong mapatawa at nag pokus na lang ako sa nilalaro namin. Paano ba naman kasi may fake mustache pa talaga si Triton at pati damit niya malayong-malayo sa Triton na kilala ng lahat. Naka flannel polo kasi siya na pula, kulay dilaw na jacket, maluwag na jeans, at kulay green na sapatos na hindi tumutugma sa kabuuan ng suot niya.

Kasalukuyan kami ngayong nasa isang bowling arena. Pero imbis na mag bowling ay naglalaro kami ng Air Hockey. You know...the game where you need to hit the puck and smash it into the opponent's pocket. Pero syempre kailangan mo ding protektahan ang side mo dahil baka siya ang maka-shoot niyon sa pocket mo.

"Yes!" I shouted.

Triton chuckled and put another token. "Matatalo din kita."

"Yeah right. Itataya ko pa sa iyo si Twinkle, ako pa rin ang mananalo."

Nagsimula na naman kaming maglaro. Alam ko na ako ulit ang mananalo. Isa ito sa mga laro na hindi magagawang ipanalo ni Triton kapag ako ang kalaban. Why? Hmm. Think about it. Me wearing a lose blouse with a deep neckline and bending over the Air Hockey table? Instant success!

"I win!" I shouted. "Again!"

Ilang mga nanonood sa amin ang nag cheer. Nginitian ko sila at hindi ko na sila pinansin nang bigla na lamang silang matulala habang nakatingin sa akin. I don't know what's their problem. Kanina ko pa iyon napapansin. Kung kailan pa naman maganda ang mood ko at trip ko ang ngumiti.

"Do me a favor, sweetheart."

Nilingon ko si Triton. "Ano 'yon?"

"Never smile on a busy road or you might be the reason of a couple of accidents."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Bolero."

Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay inakbayan ako. "Not lying, sweetie. Anyway, mag bowling na lang tayo dahil hindi ako mananalo sa larong ito."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mapangiti. Mukhang narealize na niya kung ano ang ginagawa ko. "Fine. Matatalo pa rin kita."

"Not this time, master."

"I always win, monster."

"Hindi sa pagkakataon na ito."

Inirapan ko siya at pagkatapos ay inunahan ko na siya na maghanap ng area naman. Kunot ang noo na lumingon ako ng mapansin ko na wala siya sa tabi ko. Napataas ang kilay ko ng patakbong lumapit siya sa akin.

"Saan ka galing? Nambabae ka no?" Napahalakhak siya sa sinabi ko pero pinigilan ko na mapangiti at pinanatili ko ang mataray ko na ekspresyon. "Ano? Nambabae ka!"

"That would be possible if that woman's name is Dawn too, have a dazzling smile like you have and if she has your hot and cold temperament."

I full out smile with this. "Bolero."

Imbis na sagutin ako ay pinaupo niya ako sa isang bench na malapit at sa pagkagulat ko ay tinanggal ang suot kong sapatos. "Hey!"

Hindi siya umimik at ngumiti lang pagkatapos ay isinuot niya sa akin ang pares ng pink na medyas na hawak niya. Nang matapos ay tumayo siya at iginalaw-galaw ang mga kilay niya. "Ano sa tingin mo?"

"Kailangan pa ba nito?" nangingiting tanong ko.

"Yup!"

"Bakit pink?" inginuso ko ang ibang naglalaro. "Sila nga puro black eh."

"Hindi kasi sila kasing 'great' natin. Tayo kasi kaya nating talunin ang pinakamagaling na bowling master sa mundo." pagmamayabang niya habang nakaliyad pa ang dibdib. "Kaya tenen!"

Napatawa ako ng makita ko ang inilabas niya. Kulay asul naman na medyas pero hindi katulad sa akin na plain, ang sa kaniya ay may mga sheep pa na natutulog roon. "Ang weirdo mo talaga, Lawrence."

"Mahal mo naman."

"Well..."

Umangat ang isang kilay niya. "Well?"

Kunwa'y nag-isip ako. "Hindi naman masyado."

Humakbang siya palapit sa akin ng may nang-aasar na ngiti sa labi habang ang mga mata ay nagbabanta ng kalokohan na gagawin niya. "Talaga?"

"Yup." I answered.

"Talagang talaga?"

"Ahuh."

"Talagang talagang talaga?"

"Ahu- hmmm..."

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang sinakop ang mga labi ko. Pabulong na nagsalita ako nang maghiwalay na ang mga labi naman. "I stand corrected."

His eyes twinkled with mischief. "Good."

"Kiss me again."

And he did. For all the world to see.

Continue Reading

You'll Also Like

20M 699K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
25M 625K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
815K 3.5K 6
R-18. He fought all his life to drown his demons and it only took one touch from a woman who keeps getting under his skin to cast them all away.
5.1M 98.1K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...