Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 50

2.4K 117 144
By Missloorh

Blaire POV

Pagbalik namin sa nayon ay agad naming inayos ang lahat ng problema na pwedeng pang uyusin. Pagkatapos bumalik din kami sa kaharian at mabuting di naman masyadong naapektuhan ito sa gulo kanina. Marami din naman kasing kawal ang nakabantay. Napagdesisyunan naming magkakasama na puntahan ang susunod na lugar kaya nagpaalam na kami sa hari't reyna. Gusto ng reyna na sa kaharian nalang muna kami magpalipas ng gabi pero si Acel na ang humindi dahil gusto nadin nitong matapos ang misyon kaya walang nagawa ang reyna't pumayag nalang.

Gumawa ng portal si Four papuntang Poisorous village at ang unahan nito ay kung saan ang kaharian. Madali kaming nakarating sa aming destinasyon at tumambad naman sa amin ang isang gubat na may mga halamang patay. Patay din ang mga puno. Agad kong nilibot ang paningin at napapansin kong kakaiba ang mga halaman na ito. Bago lang sa akin, kung buhay pa ito maaring maganda itong tingnan. Ayun sa tantiya ko ay masukal ang gubat na ito noon, noong hindi pa tuyo't patay.

"Hey don't touch it!" naagaw ang atensyon ko kay Kade dahil sumigaw ito. Tiningnan ko naman kung sino ang pinagsabihan niya at nakita ko si Sophie na akmang hahawakan ang isang halamang patay.

"Bakit naman?" iritabling tanong ni Sophie. Agad naman siyang inilayo ni Kade sa halaman.

"Look" saad ni Kade habang nakatitig sa halaman kaya napatitig kaming lahat doon.

Nakita kong unti unti iyung nagkaroon ng berdeng usok at may dumapo doong isang insekto. Nagulat kami nang namatay ang kawawang insekto. Anong klaseng halaman ito?

"Halos lahat ng makikita niyong halaman dito ay nakalalason kaya mag-ingat kayo. Maganda ang lugar namin pero delikado at nakamamatay. Just like a rose, beautiful but dangerous" babala sa amin ni Kade. Napaisip naman ako. Kahit delikado ay di ko parin maiwasan ang mamangha dahil sa likas nitong katangian.

"Ang brutal naman ng lugar niyo" nakasimangot sabi ni Sophie.

"Ako bebs, brutal sa kama pero ang sarap pwede ko sayong ipadama" pilyong sabi ni Kade at kumindat pa ito. Nakita ko naman ang pamumula ni Sophie at agad itong tumalikod na parang natatae. Napakamot nalang si Kade sa isa niyang kilay at nagpatuloy sa paglalakad. Napailing-iling nalang ako at sumunod sa kanila.

Nakalabas kami ng gubat at bumungad sa amin ang tahimik na nayon. May kaunti din namang mga taong gumagala ngunit parang mailap. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ni isa sa kanila ay wala man lang lumapit sa amin. Hindi ba sila nagugutom?

"Mga mahal kong mamamayan! Andito kami para makatulong!" pag-agaw ni Kade sa mga atensyon nila. Katahimikan naman ang sumagot sakanya. Napansin kong parang wala lang silang narinig, imbes lalapit sa amin ay nagsipasok nalang sila sa kanilang mga bahay. Ang iba mukhang napatingin pa sa paglubog ng araw at saka dali daling pumasok.

"Itanim nalang natin ang binhi" matamlay sabi ni Lucy. Tumango nalang kami at itinanim nga iyun ni Kade. Agad naman iyung nagbunga ngunit wala man lang ni isang mamamayan ang lumabas sa mga bahay nila.

"It's okay guys, sigurado akong bukas lalabas na sila para kumain" mahinahong sabi ni Scarllet. Tumango tango nalang kami. Agad akong napalingon sa kaliwang bahagi nang may narinig akong nagbukas ng pinto. Napatingin naman sila doon at nakita namin ang matandang lalaki. Makikita mo sa kanyang galaw ang pagmamadali.

"Lolo, may pagkain na ho kayo" nakangiting sabi ni Lucy.

"Mas pipiliin naming magutom kaysa makain ng mga halimaw na gabi gabi gumagala. Kung ako sa inyo ay magsibalik na kayo sa mga kaharian ninyo" diing sabi ng mama at tumingin tingin pa ito sa paligid. Nangunot naman ang noo ko. Anong klaseng halimaw ang tinutukoy nila?

"Ano kaba Hellio?! Pabayaan mo nga ang mga walang kwentang maharlika na yan! Isara na natin ang pinto" may agad namang sumulpot sa likuran ng mama na matandang babae at galit itong nagsalita sabay sinarado ang pinto. Napakurap naman silang Scarllet. Bakit galit sila? Galit ba sila dahil nahuli kami?

"Ang sakit nun ah" usal naman ni Sophie.

"Galit sila dahil sinisisi nila tayo sa nangyayari" seryosong sabi ni Kade.

"Eh di naman natin 'to ginusto" emosyonal sabi ni Lucy.

"Quick, we should not stay here for too long" seryosong sabat ni Four kaya tumahimik nalang sila.

Tinahak namin ang daan papunta sa kaharian at agad naman kaming nakarating. Pinagbuksan naman kami ng tarangkahan at nakikita kong bantay sarado ang buong sulok ng kaharian. Tahimik at walang kabuhay buhay itong tingnan. Bakit ganito?

"Kawal, saan ang hari at reyna?" tanong ni Kade sa isang kawal na nasa gilid. Agad naman itong yumuko.

"Nasa silid sila mahal na prinsipe dahil bawal silang lumabas lalo na ngayon, palubog na ang araw" pakumbabang tugon ng kawal.

"Bakit? Anong meron?" takang tanong ni Parker.

"May mga masasamang nilalang ang gumagala pag gabi at pinapatay ang bawat nakikita nila" takot sabi ng kawal.

"What kind of creatures is that?" seryosong tanong ni Four. Nangunot naman ang noo ko. Gaano ba kalakas ang mga nilalang na tinutukoy nila para maging ganito sila kailap?

"Mukha silang mga Lion ngunit mas nakakatakot ang mga mukha nila at ang bangis nilang pumatay. Ang alam ko, may reyna sila" salaysay ng kawal. Mukhang mga Lion? Reyna?

Tumango naman si Kade at nagsimula itong naglakad. Agad naman kaming sumunod at bago yun tinanguan ko lang ang kawal na ngayon ay nakayuko na.

Dumaan kami sa isang pasilyo at pumasok kami sa isang silid tanggapan. Elegante naman palang tingnan ang kaharian na 'to ngunit nababalutan lang ng katahimikan. Umakyat naman kami ng hagdanan at dumaan kami sa isang malawak na pasilyo. Nakikita kong maraming pintuan dito at marami ding mga larawan na nakapaskil sa dingding. Maganda itong tingnan, maaliwalas. Huminto naman kami sa isang malaking pinto.

"Ama, ina! Ako ito, ang anak niyo" sigaw ni Kade sabay katok. Maya maya ay bumukas naman ito at tumambad sa amin ang magandang babae. Rumehistro naman sa kanyang mukha ang gulat at sabik.

"Anak ko" halos mangiyak-ngiyak usal ng babae at agad niyakap si Kade. Kung ganun, ito ang reyna. Lumuwag naman ang pagkabukas ng pintuan at tumambad sa amin ang magandang lalaki. Siguro ito ang hari. Hindi maikakailang maganda't gwapo ang mga ito kahit may kaidaran na.

"Ama" sambit ni Kade nang sumali ang hari sa yakapan. Nabuwag sila nang tumikhim si Four. Napailing-iling nalang ako, kahit kaylan wala talagang modo ang lalaking ito. Panira.

"Magandang gabi sa inyo mahal na hari at reyna" bati ni Four at yumuko kaya yumuko narin kami.

"Magandang gabi din sa inyo mga prinsesa at prinsipe. Magandang gabi din sa mga kasama niyong hindi pa namin kakilala" bati din ng hari at ngumiti naman ang reyna.

"Ako si Divine Oracles, elemental user" magalang pakilala ni Divine. Nagkatinginan naman ang hari at ang reyna bago nagsitango.

"Aubrey Tsaves, thunderbolt user"

"Josh Sprost, light user"

"Blaire Icefire Snow Peachthrees Mackenzie, ice user" pakilala ko.

"Ako naman si King Elves at itong asawa ko si Queen Sorainy" pakilala ng hari at sa asawa niya. Nakita kong nangunot ang noo ng reyna habang nakatingin sa akin kaya nailang naman ako.

"Buntis ka?" napaawang ang bibig ko dahil hindi ko inaasahang itanong iyun ng reyna. Kumurap ako at agad umiling-iling. Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na ngayon ay naguguluhang nakatingin sa akin, samantalang si Four ay matiim nakatingin sa'kin kaya kinabahan naman ako. Mabilis ko muling binalingan ng tingin ang reyna.

"Nagkakamali po kayo mahal na reyna, hindi ako buntis" pagtatama ko sa reyna. Hindi naman ako buntis. Pero hindi nga ba? Hindi ko naman kasi alam kung paano malaman pag buntis. Pwera nalang kung. Natuod nalang ako nang naaalala ko ang panghuli naming pagtatalik ni Four.

No, this can't be. What if he won't accept it? Should I start to cry? What if? I mentally shook my head because of crazy thoughts that comes into my mind. It's impossible. I'm not pregnant for pete's sake. Gusto ko naman purihin ang sarili dahil nagawa ko pang mag ingles o magsalita ng maharlikang lenguwahe sa kalagayang ito.

"Pasensya na Blaire sa kamalian ko, siguro dala lang ito sa problema" pag babawi ng reyna at ngumiti ngunit ramdam kong hindi siya naniniwala sa akin.

"Okay lang po mahal na reyna, wala iyun" pinilit kong ngumiti habang sinabi iyun. Bakit naman kaya niya iyun natanong? May nakikita ba siya sa'kin?

"Kumain naba kayo?" tanong ng hari.

"Hindi pa Ama" tugon naman ni Kade at tumango lang din silang Sophie.

"Osige, magpapahanda ako ng hapunan at dahil hindi pa dumating ang inutusan naming magdadala dito ng pagkain, sabay nalang tayong kakain sa dining room" mahinahong sabi ng reyna.

"Pero Ina, diba bawal kayong magpagala gala?" tanong ni Kade. Hinawakan naman ng reyna ang dalawa niyang balikat.

"Anak, nasa kaharian tayo at nandito kayo kaya kampanti na kami ng Ama mo" nakangiting sabi ng reyna kaya napabuntong hininga nalang si Kade bago tumango.

Naunang naglakad ang hari't reyna kasama ni Kade samantalang kami ay tahimik lang nakasunod. Agad naman kaming nakarating sa silid kainan at inutusan ng reyna ang mga serbidora na magluto ng mga pagkain.

Tahimik lang akong nakaupo sa aking silya habang sila naman ay nag-uusap. Ayaw ko namang makisawsaw sa mga usapan nila dahil hindi ko iyun ugali. Hinintay lang namin ang pagdating ng mga pagkain kaya wala kaming ibang ginawa.

"Bakit pala kayo naparito?" kuryusidad tanong ng Hari.

"We're here for the mission" maikling tugon ni Four kaya napatingin ako sa kanya at nakasalubong ko naman ang malalagkit niyang tingin. Agad akong umiwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagkailang. Bakit niya ako tinitigan?

"What kind of mission?" tanong naman ng Reyna.

"Pinadala kami ni HM Ina para makatulong. Tinaniman din namin ang iba't ibang nayon ng binhi ng mahiwagang punong prutas, nakakatulong iyun para pawiin ang pagkagutom ng ating taganayon" mahabang litanya ni Kade.

"I see" tumangu-tango naman ang hari. Samantalang ang reyna naman ay lumawak ang kanyang ngiti.

"Magaling kung ganun" nakangiting komento ng reyna. Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap hanggang sa dumating ang mga pagkain. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya walang pag-aatubili kong nilantakan ang pagkain na nakahain sa aking harapan. Agad naman kaming natapos at pagkatapos hinatid kami ng reyna sa magiging silid namin ngayong gabi.

Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong naligo dahil nangangati narin ang mga balat ko. Bilib din ako sa sarili dahil nakaya kong harapin ang reyna't hari sa ganitong ayos. Madumi ang aking damit pati na ang aking mukha ay medyo madungis. Nagsuot naman ako ng komportableng damit at tinuyo ko ang aking lilang buhok. Pagkatapos ay pumaibabaw na ako sa kama. Tumunganga lang ako sa kisame at napakagat nalang ako ng iibang labi dahil sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina. Hindi talaga ako makapaniwala na napagkamalan akong buntis. Paano nalang kaya kung magkakatotoo? Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa irita. Pinilit ko nalang ang sariling makatulog ngunit dumaan nalang ang ilang minuto ay gising na gising parin ang diwa ko.

Iritable akong bumangon sa pagkakahiga at bumaba ng kama. Naglakad ako at lumabas papuntang balkonahe. Preskong hangin naman ang sumalubong sa akin kaya napapikit nalang ako. Sana ganito lagi kasarap ang buhay. Dumilat ako at bumuntong hininga dahil hindi naman iyun mangyayari. Tumingala ako sa kalangitan at nalungkot nalang ako dahil tanging buwan at maitim na ulap lang ang makikita mo. Wala man lang mga bituin.

Nahugot ko ang aking hininga nang may mainit na bisig ang yumakap sa akin mula sa likod. Para akong natuod dahil hindi man lang ako nakagalaw. Ramdam ko rin ang mainit niyang katawan at ang mainit niyang hininga na tumama sa aking leeg. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?

"I miss you babe" napalunok nalang ako dahil sa baritono niyang sabi. Para namang naglukso ang aking mga dugo dahil sa saya pero hindi ito pwede. Mas natuod ako nang marahan niyang hinawakan at hinaplos ang aking tiyan na parang isa itong salamin na kanyang pinagkakaingatan para hindi mabasag. Ilang beses din akong napalunok.

"F-four a-anong g-ginagawa mo?" gusto ko namang sumpain ang dila ko dahil sa pagkautal. Oh lupa, sana ako'y iyung lamunin para ilayo sa lalaking ito. Gusto ko iyung isigaw dahil sa sitwasyon ko ngayon. Pero hindi naman lupa 'tong tinatayuan ko. Bakit kasi sumulpot ang lalaking ito? Hindi niya ba alam ang ginagawa niya? Dahil sa ginawa niya ay tuluyan akong umasa. Umasa na magkabalikan kami kahit alam kong kahibangan iyun at walang katuturan.

"Are you sure you're not pregnant?" mahina at lalaking lalaki niyang tanong na nakapagpagulo ng aking sistema. Bakit naman niya naitanong 'yun? Jusko, aatakihin pa ako sa puso nito. Nanayo lahat ng balahibo ko nang naramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg habang hinihimas niya ang aking tiyan. Para naman akong nabalutan ng kuryente dahil sa ginagawa niya.

"T-tumigil ka Four, totoo ang sanabi ko. Hindi ako buntis" pinilit kong wag malusaw sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko naman magawa ang gumalaw.

"Hmmmm really? As far as I know, Tita is expert about figuring the status of woman. The condition of woman, especially in the woman's pregnancy" natitiyak niyang sabi. Nilukob naman ang buong pagkatao ko ng takot at kaba. Gusto ko namang tawagin lahat ng diyos at diyosa para magmamakaawa na kunin ako. Bakit nangyari ito sa akin? Malaki ba talaga ang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito. I'm not pregnant for god sake. Swear, isinusumpa ko na madudulas ang butiki sa dingding.

"Walang taong perpekto, lahat tayo nagkakamali at sigurado akong nagkakamali siya" depensibo kong sabi at laking pasasalamat ko dahil nagawa ko ng gumalaw. Kumalas ako sa yakap niya at di naman siya pumalag. Lumayo ako sa kanya at halos manlupaypay ang mga tuhod ko dahil sa kaba.

"You're so defensive" agad akong napatingin sa mukha niya at nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Agad akong umiling-iling.

"You look intense" pang-aasar niya at napalunok naman ako. Agad akong nagiwas ng tingin.

"Hindi ako kinakabahan, giniginaw lang" palusot ko at matapang kong sinalubong ang titig niya. Mas lalo naman siyang napangisi.

"I never said that you are nervous, so are you?" patay malisya niyang tanong. Gusto ko namang bigwasan ito dahil sa kapilyuhan.

"Wag mo ng pahabain pa ang lahat Four, intense at nervous ay parehas lang" asar kong tugon. Ang totoo hindi ako naasar kundi asar na asar at gusto ko ng manakit.

"No, you're wrong Threes. Intense is existing in an extreme degree but nervous is appearing or acting unsteady, erratic, or irregular -used of inanimate things" napaawang nalang ang bibig ko sa walang kwenta niyang paliwanag. Siya pala itong bobo, bakit naman niya naisipang gamitin ang intense sa nakikita niyang sitwasyon ko?

"And I haven't found the same as two because first of all the meaning of them are definitely different" mas naging mapang-asar ang ngiti niya sa kanyang dugtong kaya uminit lalo ang dugo ko. Naghahanap talaga ng paraan para hulihin ako. Gustong gusto niya talagang kabahan ako, walanghiya.

"Kung narito ka man lang para asarin ako, mas mabuting lumayas kana! Hindi ko kaylangan ng taong walang ginagawa kundi pahirapan ako!" bulyaw ko sa kanya dahil tuluyan na nga akong sumabog. Puno ng hinanakit ko siyang tiningnan at sumeryoso naman siya bigla. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. Inis ko namang iwinaksi ang kanyang mga kamay ngunit nagmamatigas parin siya at muli akong hinawakan sa mga pisngi.

Naguguluhan naman ako nang nakita ko sa mga mata niya ang sakit.

"I'm sorry, I'm just trying to make things settled" mahinang sabi niya habang tiningnan ako sa mga mata. Tumulo nalang bigla ang mga luha ko. Agad akong inalis ang mga kamay niya at dali daling pinahiran ang mga luha.

"Kahit anong ayos mo Four, hinding hindi na maibabalik ang dating tayo" walang emosyon kong sabi ngunit ang totoo'y parang pinatay ako sa aking sinabi. Pagkatapos nun tinalikuran ko siya at humarap sa harap ng balkonahe. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Gusto ko siyang lingunin para bawiin ang sinabi ko pero wala akong lakas ng loob para gawin iyun.

Katahimikan naman ang bumalot sa paligid at siguro'y nakakaalis narin siya. Para masigurado ko ay lumingon ako at tama nga ang inaasahan ko. Wala na siya, pinagtabuyan ko na naman.

Napabuntong hininga nalang ako saka umiling-iling. Ang hina ko talaga. Papasok na sana ako ng nang may narinig akong sigawan mula sa nayon. Agad akong napatingin doon at kahit may kalayuan iyun ay nakikita kong nakagulo na nga ang mga tao roon. Narinig ko rin may nagpatunog ng kampana hudyat na may kalaban. Nagimbal ako nang may malaking nilalang ang tumalon sa itaas ng tarangkahan at agad dinakma ang kawal doon. Naiyukom ko ang aking kamao dahil kinain nito ang kawawang ulo ng kawal. Isa nga itong Lion ngunit mas mabangis pa ito. Kulay itim ito at litaw na litaw ang mga matutulis nitong pangil na may malalapot na laway. Ang mahabang mga buhok nito sa ulo ay parang nagdikit dikit kaya nagmukhang mga matutulis iyun. Kakaiba din ang buntot nito dahil napakatulis na kayang kaya itong pumatay.

Nakita kong pinagkaguluhan na ito ng mga kawal. May gumapos ditong nagbabagang kadena at nanggaling iyun sa kapangyarihan ng isang kawal. Agad naman iyung sinaksak ng isa pang kawal gamit ang isang sibat ngunit napumilit parin itong maglaban. Nakita ko ang papalapit na pangatlong kawal sa bandang buntot nito at nagulat ako nang tumagos sa kanyang likod ang matulis nitong buntot at hinulog siya nito sa baba ng tarangkahan. Nakita kong mas humigpit ang pagkasakal ng kadena sa leeg nito kaya ito umungol. Pero kakaiba ang ungol nito dahil para itong nagtawag ng kanyang kasamahan.

Gaya ng inaasahan ko may iba pang Lion ang dumating. Nagngitngit ang paningin ko dahil walang awa nitong pinaslang ang mga kawal na nagbabantay sa itaas ng tarangkahan. Kinain nila at pinagpasahan ang mga katawan ng kawal. Naramdaman kong may malakas na enerhiyang lumabas sa akin at lumitaw sa aking kamay ang aking pana. Hindi sila pwedeng tuluyan makapasok dito. Pinakawalan ko ang isang palaso at tumama iyun sa isang lion na tumalon sa baba para susugod na sana dito. Bumulagta ito sa lupa ngunit namangha nalang ako dahil hindi ito sumabog. Pinana ko ito sa mata at tuluyan itong namatay. Kung ganun dapat sa mata ko sila puntiryahin.

Nakita ko naman ang mga kaibigan kong dumating at agad nilang nilabanan ang mga Lion. Tinapunan ni Four ng malaking Fire ball ang isang Lion kaya nabalutan ito ng apoy, umungol ito na parang nasasaktan hanggang sa bumulagta ito sa lupa. Agad niyang pinalabas ang nagliliyab niyang espada at agad pinutol ang buntot ng isa pang kalaban papunta sa gawi niya. Nagalit naman ang Lion at dakmain sana siya nito ay sinalubong niya ito ng kanyang espada. Nilagpasan niya ito kasabay ng pagbagsak ng kalaban. Kung sa mata nila ang mga ito pinuntirya ay mas mapadali ang lahat.

Agad kong pinana sa mata ang isang kalaban na papunta sa gawi ni Lucy kaya bumulagta naman ito sa lupa. Napatingin naman si Lucy sa gawi ko at muling ibinalik ang atensiyon sa pakikipag laban. Nakita kong mas dumami ang mga kalaban kaya agad kong pinana sa mga mata ang mga kalaban na nakatungtong sa itaas ng pader. Bawat natamaan ko ay nahulog sa baba. Sa taas ng pader ay nagawa nilang talunin ito. Masasabi kong malalakas sila. Pana lang ako ng pana habang silang Scarllet naman ay nilalabanan ang mga kalaban na nakababa.

May nahagilap naman akong isang Lion sa madilim na bahagi. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ito. Ang hari at reyna. Nakaramdam ako ng kaba at agad akong tumakbo palabas ng silid. Bumungad naman sa akin ang tahimik na pasilyo. Agad akong tumakbo sa kaliwang bahagi kung saan ang daan papunta sa silid ng hari at reyna. Palinga linga akong tumakbo para sa anumang oras ay maging handa ako. Ilang pintuan ang nadadaanan ko. Agad akong napahinto nang may narinig ako na may nabasag sa unahan. Mas lalo akong kinabahan dahil nandoon ang silid ng hari't reyna. Muli akong kumaripas sa pagtakbo at agad kong hinanda ang pana. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nagpumilit pumasok ang isang Lion sa isang pintuan. Ito ang silid nila. Walang pag alinlangan kong pinakawalan ang aking palaso at tumama iyun sa ulo ng Lion at hindi sa mata kaya naagaw ko ang atensiyon nito. Mas nakakakilabot pala ito sa malapitan. Ang laki ng nilalang na ito. Sumugod naman ito sa akin kaya agad kong pinana ito sa mata at bumagsak naman ito sa sahig. Agad akong lumapit sa pintuan at binuksan iyun. Nakita ko naman ang hari na parang naghahanda ito samantalang ang reyna ay nasa likod niya. Nakahinga naman sila ng maluwag nang nakita nila ako.

"Oh god, akala ko kalaban na" naiusal ng reyna at napahawak pa ito sa dibdib.

"Mahal na hari at reyna, dito lang kayo sa silid dahil delikado sa labas. Lagyan ko ng barrier ang pintuan para hindi kayo mapasukan. Kung sakaling may makapasok man, puntiryahin niyo ang mga mata nila dahil iyun ang kanilang kahinaan" mahigpit kong habilin sa kanila. Tumango naman sila kaya agad kong sinarado ang pinto at nilagyan ko ito ng matibay na barrier.

Napalingon ako sa kanang bahagi at agad akong humanda dahil may dalawang Lion doon na matiim nakatingin sa akin. Hinigpitan ko ang pagkahawak sa aking pana at ipinuwesto sa harapan ko. Sabay silang sumugod sa akin at para namang bumagal ang takbo ng oras habang pinakawalan ko ang sunod sunod na palaso puntirya sa mga mata nila. Bumilis naman ang takbo ng oras ay agad akong nagtambling pasalubong sa kanila para umilag at nang nakalapag ako sa sahig ay bumulagta naman sila. Tiningnan ko ang mga ito at nang nasigurado kong patay na ang mga ito ay tumakbo ako palayo. Bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina at wala namang mapangahas na sumalubong sa akin. Bumaba ako ng hagdan at nakita kong maraming bangkay ang nagkalat. Tuluyan akong nakababa at naapakan ko pa ang dugo na nasa sa sahig.

"Aahhhh!" napahiyaw ako sa sakit nang may matutulis na pangil ang kumagat sa aking braso. Agad ko itong tiningnan at nakita ko ang mabangis na Lion habang kagat kagat ako. Mas sumakit ang aking braso nang mas bumaon ang mga pangil niya. Agad kong pinalitan ang aking pana ng isang punyal at walang pagalinlangan kong sinaksak ang isang mata nito. Ilang ulit kong sinaksak ng punyal ang mata niya hanggang sa nadurog ito at naramdaman kong wala na itong buhay ngunit ang mga ngipin nito ay nakabaon parin sa aking braso. Bumagsak ito sa sahig at nadala ako kaya muli akong napahiyaw sa sakit. Namimilipit kong tiningnan ang aking braso at matapang kong hinawakan ang baba ng Lion. Humihiyaw kong inilayo ang aking braso sa bibig nito at nang tuluyan kong nabunot ang mga pangil nito ay agad kong tinakpan ang dumudugo kong braso. Napapikit ako dahil sa hapdi. Huminga ako ng malalim ang kinalma ang sarili. Maya maya naramdaman ko nalang na unti unting nawala ang sakit at hapdi. Minulat ko ang mga mata at sinuri ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil kusa itong naghilom at gumaling.

Dahan dahan akong tumayo at nilibot ang paningin. May nakita naman akong isang Lion na kinain ang isang kawal sa unahan. Pinipigilan ko ang sariling wag masuka ngunit nang nakita ko ang mga lamang loob nito lumabas ay tuluyang hinukay ang sikmura ko. Umiling-iling ako at nilakasan ang loob. Muli kong pinalabas ang aking pana. Tinutok ko ang aking palaso sa mata nito at agad pinakawalan. Bumagsak naman ito sa sahig. Nagsimula akong naglakad habang nakiramdam lang sa paligid.

Nakalabas ako at nakita ko naman ang aking mga kaibigan na nakipagaway parin sa walang kaubos ubos na Lion. Marami paring mga kawal ang tumulong. Tumingala ako sa itaas at ikinumpas ang mga kamay. Gumawa ako ng malaking barrier at saktong sakto lang sa kaharian. Nakita kong may sumubok paring makapasok sa pamamagitan ng pagtalon ngunit nabigo ang mga ito. Lumipad ako sa itaas at lumabas ng barrier ng hindi nila alam. Kaylangan kong puntahan ang mga tao sa nayon. Nakita kong marami rami paring mga Lion ang nasa labas ng tarangkahan at pader kaya binigayan ko ito ng pansin. Sunod sunod akong nagpakawala ng mga palaso at tumama ang mga yun sa mga mata nila. Naramdaman kong may tumalon papunta sa gawi ko kaya agad ko itong nilingon at pinakawalan ang palaso. Natamaan ko sa mata ang isang Kalaban na hahagip na sana sa akin kaya bumagsak ito sa lupa.

Napatay ko lahat ng kalaban na nasa labas ng tarangkahan at pader kaya nagpatuloy ako sa paglipad papunta sa nayon. Agad naman akong nakarating sa aking destinasyon ngunit nananatili lang ako sa ere. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at nakita kong maraming nagkalat na Lion habang ang mga tao naman ay takot na takot nagsitago sa mga madilim sa sulok. Nawasak narin ang iilang bahay na parang dinaanan ng bagyo. Nakita ko ang isang matanda sa isang sulok at papalapit sa kanya ang isang Lion. Agad ko itong pinana sa mata kaya bumulagta naman ito sa lupa. Napatingin naman ang matanda sa akin at para naman itong nabunutan ng tinik. Itinuon ko muli ang atensiyon sa iba. Sunod sunod akong nagpakawala ng mga palaso at tumama ang mga iyun sa mga Lion ngunit marami paring natira. Pinaglaho ko ang aking pana at marahas kong iwinaksi ang isang kamay kasabay ng paglabas ng mga Ice blades. Napatay ko ang iilang natirang kalaban at naagaw ang aking atensiyon sa unahan nang may sumigaw. Nangunot ang noo ko dahil may isang Lion na dala dala nito ang nagsusumamong babae. Nanlaki ang mga mata ko dahil ibinigay iyun sa isa pang nakakakilabot na nilalang. Parang pinagsilbihan ito na parang reyna. Kung ganun totoo ang sinabi ng kawal na may reyna nga ang mga ito.

Ang nilalang na ito ay matatawag na Chimera, the Chimera is a fire-breathing, female monster. This monster looks like a Lion with the head of a goat producting from its back and a Snake as its tail. Interestingly, the goat's head is the one that breathed fire. She had a lion's strength, a goat's cunning, and a snake's venom. This creature is deadly dangerous.

Napalunok ako ng laway nang walang kahirap hirap niyang kinain ang babae. Naiyukom ko ang aking mga kamao. Hindi pwedeng magpapadala ako sa takot. Agad akong nagbato ng mga Ice shards sa mga natitirang kampon ng Chimera at sumunod naman ang mga Ice blades ko. Naubos ko ang mga ito at muli kong hinarap ang reyna. Lumapit ako sa gawi nito at lumapag sa lupa. Agad naman ako nitong tiningnan sa mga mata niyang nakakakilabot. Bumangis ng husto ang mukha nito at umungol na parang naghahanda. Ramdam ko ang malakas nitong presensiya na parang panghinaan ka nito ng mga tuhod. Nilabas ko ang aking Ice shield at Ice sword at hinigpitan ko ang pagkahawak dito. Muli itong umungol at agad sumugod sa akin. Mabilis ko itong sinalubong habang ang kalasag ko ay nakataas. Nagpadausdos ako sa ilalim niya habang ang kalasag ko ang ginamit para panangga at hindi mahagip sa matutulis niyang pangil at mga kuko. Nang nalagpasan ko ito ay buwelo ako ng lingon sabay hampas ng aking espada at tumama iyun sa ulo nitong kambing. Nakita kong bumuga ng kamandag na laway ang ahas nitong buntot kaya agad kong hinarang ang aking kalasag. Puwesto ako at humanda muli. Nakikita kong nagalusan ng kaunti ang ulo nitong kambing. Agad akong tumalon nang bumuga ito ng apoy. At hindi pa ako nakabawi ay muli akong sinugod nito. Nakalmot ako nito ng hindi ko man lang namalayan. Napahawak ako sa dibdib dahil sa hapdi ngunit agad din iyung nawala dahil siguro naghilom na ito ng kusa kaya di ko na ito sinuri pa.

Marahas kong tinapunan ito ng tingin. Tingnan natin kung anong maibubuga nito, kung gaano ito ka makapangyarihan. Pinaglaho ko ang aking espada at kalasag. Mabilis akong tumalon sa ere at iwinaksi ang mga kamay kasabay ng paglabas ng mga Ice blades. Namangha nalang ako nang sinalubong niya ang mga Ice blades ko ng malaking apoy kaya natunaw nalang ang mga ito. Mabilis akong umilag dahil binugahan na naman ako nito ng kamandag niya. Pagbaling ko dito muli ay nanlaki nalang ang aking mga mata dahil may apoy na papunta sa akin. Huli na ang lahat kaya tumalsik ako sa lupa at napasigaw nalang ako dahil kumalap na ang apoy sa'kin. Ang sakit. Bakit ako nasaktan? Mabilis kong binasa ang sarili gamit ang aking kapangyarihang tubig. Agad kong tiningnan ang sarili at kumabog nalang ang dibdib ko dahil halos nasunog lahat ng suot ko, mabuting hindi naman nasunog ang aking panty. Halos sunog din ang balat ng aking katawan. Napadaing nalang ako sa sakit at hapdi. Pumikit ako at nagantay na gumaling ang aking mga sugat na natamo sa apoy. Makapangyarihan nga ang nilalang na ito.

Nagmulat ako ng mga mata at nagulat nalang ako dahil papunta sa aking gawi ang kalaban at dadakmain na sana ako nito nang may malaking bolang apoy ang tumangay nito palayo sa akin. Agad ko itong tiningnan at nakita kong nabalutan na ng apoy ang kalaban at umungol ito dahil sa sakit. Ngunit namangha nalang ako sa talino nito dahil gumulong gulong ito sa lupa hanggang sa nawala ang apoy na nakabalot sa kanya.

"Threes, are you okay?" agad akong napalingon sa aking harapan at nakasalubong ko naman ang nag-alalang mukha ni Four. Ngunit agad namula ang kanyang mukha at tenga nang bumaba ang kanyang tingin. May mga ugat ding lumitaw sa kanyang noo. Napalunok nalang ako sa pagkakaalalang sunog pala ang damit ko.

Agad niyang hinubad ang suot niyang jacket at nagmamadaling ipinasuot ito sa akin. Agad niyang sinara ang siper. Mabuting gumaling narin ang mga sugat ko. Napalingon ako sa kinaroroonan ng kalaban at nanlaki ang aking mga mata dahil papunta na ito sa amin kaya agad kong itinulak si Four. Mabilis akong gumulong at mabilis lumuhod para mag preno. Marahas kong tinapunan ng tingin ang kalaban. Nakita kong papunta na ito sa akin kaya mabilis akong tumakbo para salubungin ito. Pinalabas ko ang isa kong espada at hinawakan ito sa dalawang kamay sabay padalisdis ko sa lupa. Dumaan ako sa ilalim niya habang ang aking espada ay nakataas kaya nahagip ko ang tiyan nito. Nakalayo ako rito at nabundol ko naman si Four kaya bumagsak kami sa lupa. Napadaing ako dahil sa sakit ng aking dibdib. Narinig ko rin ang daing ni Four kaya nanlaki ang aking mga mata at agad bumangon sa pagkakadapa ngunit nananatiling nakaupo sa itaas niya. Mabilis akong lumingon sa likod at nakita kong bumuga na ng kamandag ang buntot ng kalaban kaya wala sa sarili akong nagiba ng posisyon sa pagkakaupo para harapin ito at agad kong pinalabas ang aking Ice shield. Nakahinga ako ng maluwag dahil agad ko iyung naagapan.

Ayukong subukin ang kamandag nayun dahil baka iba ang epekto sa akin. Mas mabuting maging maingat.

"Oh fuck, I miss this smell" nangunot ang noo ko nang may boses ng lalaki ang nagsalita na parang natatabunan ng kung ano. Nanlaki ang aking mga mata at sunod-sunod akong napalunok ng laway. Nanghihina ang buong pagkatao ko at dahan dahang nagbaba ng tingin. Nakita ko naman ang matipunong dibdib ni Four. Halos mawalan ako ng hininga dahil naramdaman ko ang mainit na hininga ni Four sa pagkababae ko.

Hirap akong tumayo dahil sa panghihina ko dahil sa kahihiyan. Bakit naman nangyari ito muli? Laking ginhawa ko dahil nagawa ko rin ang makatayo. Agad akong lumayo sa kanya kaya tumayo naman siya at nakita ko ang nakaloloko niyang ngisi ngunit bigla din siyang sumeryoso. Nagulat nalang ako nang agad niya akong hinila at bumagsak kami muli sa lupa. Napadaing nalang ako dahil sa aking pagbagsak. Ano ba namang kalagayan ito? Nakita ko namang may bolang apoy ang dumaan sa itaas kaya nabalik ako sa reyalidad at ngayon ko lang napagtanto ang posisyon namin. Nakapatong si Four sa akin habang ang mga mata niya ay nakatitig sa mga mata ko at ang kamay niya ay nasa ilalim ng aking ulo. Sabay kaming nag-angat ng tingin nang may narinig kaming ungol. Nanlaki ang mga mata ko dahil bumuga ng kamandag ang kalaban at napasinghap nalang ako nang biglang gumulong si Four dala ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi tumama sa amin ang kamandag.

Ako na ngayon ang nakapatong sa kanya at napakurap ako nang walang kahirap hirap siyang bumangon dala ako. Tiningnan naman niya ako at nahigit ko ang aking hininga nang agad niya akong hinila papunta sa likod niya. Mabilis siyang nagbato ng malaking Fire ball at nakita kong sinalubong nito ang apoy ng kalaban sanhi ng pagsabog. Binitawan ako ni Four at agad niyang pinalabas ang nagliliyab niyang espada. Pinalutang niya ito sa ere at bigla nalang itong dumami. Ikinumpas niya ang kanyang mga kamay at marahas pinaabante kasabay ng pagsugod ng mga espada niya sa kalaban. Nakita kong tumarak ang mga yun sa katawan ng kalaban at ang iba ay tumama sa mga mata nito. Bubuga na sana ng kamandag ang buntot nitong ahas ay sinalubong naman ito ng nagliliyab na espada kaya ito naputol. Muling ikinumpas ni Four ang mga kamay niya at gumawa siya ng malaking Fire bomb. Tumama iyun sa kalaban at agad sumabog kaya napatakip ako sa mga tenga. Nakita kong nagkanda watak watak ang parte ng katawan ng Chimera. Tapos na. Kinuha ko ang mga kamay ko na nakatakip sa aking mga tenga. Napaatras ako nang seryosong humakbang si Four papalapit sa akin. Sa mukha niya parang isusunod niya akong patayin.

Napasinghap ako nang agad niyang hinapit ang aking beywang at inalapit sa katawan niya kaya napahawak narin ako sa kanyang dibdib para pinigilan na mas lalong magkalapat ang aming mga katawan. Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko. Dahan dahan akong tumingin sa mukha niya at napalunok ako nang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ko nang agad niyang hinawakan ang panga ko at halos luluwa ang aking mga mata sa gulat dahil walang pag-aatubili niya akong siniil ng halik. Para namang may kuryente ang rumagasa sa kalamnan ko. Napaawang ang aking bibig nang kinagat niya ang aking labi at mabilis pa sa segundong pumasok ang kanyang dila sa bibig ko na parang naghahalungkat. Mapusok niya akong hinalikan at hindi man lang ako nakapalag dahil sa gulat. Dumaan ang ilang sigundo ay humiwalay siya sa akin at parehas kaming kinapos ng hininga. Gulat at hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.

"Feeling better" paos niyang sabi at dinilaan pa nito ang mga labi niya. Pagkatapos ay kumindat siya at ngumisi ng nakaloloko bago niya ako tinalikuran.

Halos mawalan ako ng balanse dahil sa nangyayari. Oh god, he kissed me. It was a torrid kiss for pete's sake. This is insane. Ang bilis ng pangyayari.

@Missloorh

DYK?

As doctor said na ang paninigarilyo ng isang lalaki ay nakakaliit ng ari nila. So, boys stop smoking because it's dangerous to your genital hahaha

Thank you for reading babies! Kinikilig talaga ako sa mga nababasa kong mga comments and votes niyo. Kaya ito nagpakilig ako hahahahaha pero iwan ko kung umubra ba. Ang saya ko kapag may nakikita akong bagong nagcocomment at nagvovotes. I really appreciated it so much!

And thank you so much sa mga nagpopost din sa board ko hihihihi it means me a lot. Ang laki ng naibigay niyong motivation sa akin, promise! Mamatay pa ang kapitbahay niyo hihihihi charot lang, lovelots babies! And stay safe muuaahh

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...