Bloody Pleasure

נכתב על ידי CreepyPervy

7.6M 247K 76.3K

Rian Nieves will crawl to hell and back for money to support her family, and if that means being Drake Montem... עוד

Bloody Pleasure
Drakes' toys
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Wakas 1
Wakas 2
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
Resurface
Resurface 2
Kalampag/ Announcement
BLOODY PLEASURE BOOK
Order now! Available for Pre-Order

Kabanata 74

38.5K 1.9K 628
נכתב על ידי CreepyPervy

Flashback lang muna <3

RIVAS

"WALA KANG KWENTA! Isa kang malaking kahihiyan!" agad akong napasadsad at naisalag ang sarili ng makita ko ang nagliliyab na mga tingin ni Chancellor at nagngingit niyang mga bagang sa matinding galit.

Itinutok niya rin ang baril sa nakahandusay na si Draco, duguan ang nguso pero matibay ang loob na ngumiti sa ama.

"Dad!"

"Huwag, maawa kayo Chancellor. Anak niyo pa rin si Draco." halos sabay naming pakiusap ni Damon kay Chancellor at lumuhod ako sa harapan nito para protektahan si Draco.

"Ano man ang pagkakamali ni Draco ay handa akong saluhin ang lahat ng 'yun. Nakikiusap ako, huwag niyo siyang sasaktan." at tuluyan kong inilatag ang mga palad at tuhod sa harapan ni Chancellor.

He is our headmaster, the father of all chameleons but no one ever know him personally, maliban sa iilan na chameleon na siya mismo ang nag aruga, at isa ako sa mapalad na si Chancellor mismo ang tumulong at humubog sa akin para maging isang tunay na espiya.

"Umalis ka diyan, Rivas! Ang katapatan mo ay dapat na sa akin!"

"Ang katapatan ko ay hindi naalis sa buong chameleon at kasama ng sinumpaan kong tungkulin ang protektahan ang aking master, si Draco. Kaya bago siya mapatay ng kahit sino ay buhay ko muna ang magiging kabayaran." buong tapang akong nag angat ng tingin kay Chancellor at humigpit ang kapit niya sa baril.

Napangiti sa akin si Damon at dinig ko ang mahinang pag angil ni Draco sa likod ko na halatang hindi sang ayon sa gusto kong mangyari.

Pero walang sino man ang makakapigil sa akin, may isang salita at paninindigan akong tutuparin ayon sa kung ano ang sinumpaan kong tungkulin.

"Malaki ang utang na loob ko sa inyo, Chancellor kaya tinaggap ko ang tungkulin na maging kanang kamay ng anak niyo at hindi ko babaliin iyon sa kahit na anong paraan." napahigit ng hangin si Chancellor at padabog niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Damon.

Kundi dahil sa kaniya ay isa lang akong batang palaboy sa kalsada, kaya ganun na lang ako nagpapasalamat kay Chancellor na binihisan, pinakain at binigyan niya ako ng bagong buhay. Utang na loob ko sa kaniya ang lahat ng meron ako--- kaya anuman ang mangyari ay wala akong lalabagin sa mga utos niya at kasama roon ang protektahan ko ang mga anak niya.

"You lucky bastard! Itinatakwil na kita bilang parte ng pamilyang ito! Simula ngayon, wala ka ng karapatan sa lahat ng meron ang pamilya natin! Lumayas ka na bago pa kita mapatay!" at gigil niyang ini-angat ang paa para tadyakan si Draco ng mabilis kong sinalag iyon at tumama ang paa niya sa may tagiliran ko.

"Aaarrrrghhh!" galit na sigaw ni Chancellor at tinabig niya ang lahat ng madaanan bago kami tuluyang iniwan.

Agad kong nilapitan si Draco at bakas ang mga pasa sa mukha niya, ang ilang sugat na mukhang nakuha niya mula sa pambubugbog ng ama.

"Uy, thank you---- aray! Teka para saan ang sampal?" nanlaki ang mata niyang hinimas ang pisngi ng agad na lumipad ang palad ko sa mukha ni Draco.

Akala niya ba tutulungan ko siyang tumayo, kulang pa 'yung sampal na 'yun sa sakit ng sipa ni Chancellor kaya para makaganti ay binigyan ko pa siya ulit ng isang sampal sa kabilang pisngi.

"H-Hoy, Rivas tinuan mo utak mo!" kinakaladkad na hinila ni Draco ang sarili palayo at nanlilisik ang mata ko sa inis.

"Ikaw! Puro kasi bulog ang alam mong gago ka!" inis kong sumbat at mas lumakas ang tawa ni Damon na siyang nakalapit na sa amin.

"Hahaha!"

"Teka, pinagkakaisahan niyo ko. Baka gusto niyo ko tulungan tumayo?" sabay abot niya ng mga kamay sa amin. Nagkatinginan kami ni Damon at sabay na tumango.

Nauna akong tumayo bago sabay naming nilapitan si Draco na lumapad ang ngiti sa amin at inaabot ang dalawang kamay.

"Sabi na di niyo ako matitiis--- Aray! Gago kayong dalawa!" naduduwal siyang napahawak sa tiyan ng sabay namin ni Damon na bigyan siya ng sipa sa sikmura.

Natatawa kaming nag appear ni Damon at tinalikuran si Draco pero sa totoo, inis na inis ako sa kaniya, sa mga naging desisyon niya na akala mo'y hindi nag iisip.

"Buti talaga di kayong dalawa nagkatuluyan eh noh. Sakit siguro sa ulo kung magkaka anak kayo." pang aasar ni Draco at hindi ko nagawang lingunin si Damon pero natanaw ko ang mapait niyang pag ngiti at mabilis na paghinga.

"Tawagin mo na lang ako kung tapos ka ng mag empake, huwag mo ng hintayin na abutan ka pa ni Dad." kalmadong sabi ni Damon at tuluyan na siyang umakyat sa itaas.

Nakagat ko ang ibabang labi at napabuntong hiningang napayuko pero agad akong napatalon sa gulat ng marahang pinisil ni Draco ang balikat ko, at nakatayo na siya sa gilid ko.

"Di pa rin 'yun nakaka-move on sa'yo. Ganda mo ah." sabi niya habang sinusundan ng tingin ang kakambal na paakyat.

Damon is my first boyfriend, my first love and my best friend. Isang taon din naging kami pero we choose to end our relationship ng mag simula na kami sa totoong laban.

Madalas kaming di magkasundo dahil sa tungkulin ko sa misyon. He wants me out to chameleon pero hindi iyon ang gusto ko, that's why we chooses to end our relationship and fulfill our duties, and besides mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang makipag relasyon kung 'yun ang magiging daan para masira ang focus nila sa organization. Ang hirap din dahil naging palihim ang relasyon namin noon.

All in all, hindi na masama ang loob ko. Past is past and I'm happy where and who I am right now.

Napa ismid lang ako sa sinabi ni Draco at akmang sisikmuraan siya ng isalag niya ang palad.

"Haha. Chill lang, Rivas. Alam kong hindi na si Damon ang mahal mo tsaka di kayo pwede. Siya ang papalit sa lahat ng iiwan ko."

"Sure ka na ba?" tanong ko at nag aalala ako para kay Draco.

Dalawa lang silang magkapatid at siya ang inaasahan na susunod na Chancellor pero dahil tinamaan ng pana ni kupido ang loko ay mabilis niyang tinalikuran ang lahat.

At maiiwan lahat ng tungkulin kay Damon, si Damon na siyang papalit sa pwesto ng ama.

Nakangiti akong inakbayan ni Draco at mas malapad ang ngiti niya ng sambitin ang pangalan ng isang babae.

"Oo, sigurado na ako. Wala na akong iba pang kailangan kundi si Dana at ang magiging anak namin. Kaya tara, tulungan mo ako mag empake." sabay kinaladkad niya ako at nagpatangay na lang ako kay Draco.

Minsan naiisip ko kung minalas ba ako na maging kaibigan ang isang 'to o sadyang malas lang siya dahil sablay ang utak niya.

"Tatalikuran mo ang lahat para sa isang babae?" ulit kong muli ng ilabas niya na ang maleta at walang alinlangan siyang tumango.

"Pag umalis na ako, umalis kana rin." paninimula niya at inirapan ko siya.

Imbis na tulungan si Draco ay umupo ako sa kama. Isinandal ang likod at humalukipkip siyang pinanood.

"At bakit ako aalis? Hindi mo naman ako kasama habang makikipag jugjugan ka kay Dana. Mag isip ka nga." mataray kong sabi na kinaismid niya.

"Mandiri ka, Rivas. Nakakasukang isipin na isasama kita dun."

"Ay talaga, sa lahat ng lalaki ikaw yung hindi ko pagnanasaang maka iyutan. Ewww!" at nagpanggap pa akong nasusuka at tumawa siya ng malakas.

"But I'm fucking serious, Rivas. Umalis kana sa chameleon, oras na para kumalas ka." at biglang sumeryoso ang tinig niyang napatingin sa akin, nahinto rin siya sa paglalagay ng damit at titig na titig sa mata ko.

"Manganganak na si Dana,"

"And so?" tanong ko sabay taas ng kilay ko.

Alam kong malapit na ang kabuwanan ni Dana kaya nga kating kati na si Draco na pakasalan si Dana at unang tutol doon si Chancellor.

Bilang papalit kasi sa kaniya ay ayaw niyang maagaw ang atensyon ni Draco ng kahit sino o anong bagay.

"Are you sure na hindi ka pa nabubuntis ni Xander? Tumataba ka kasi." biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at lumapad ang ngisi niyang bumaba ang tingin sa tiyan ko.

Agad akong napahagok ng hangin at binato ang unan si Draco.

"Itikom mo ang bibig mo--- baka may makarinig sayo." usal ko at mabilis na kumabog ang dibdib kong napatingin sa may pinto.

"Tss! Ano ngayon kung marinig nila? Maraming Xander sa mundo----"

"Draco!" suway ko muli at hindi maiwasan na pandilatan siya ng mata. Tinawanan niya ako at pabalik na ibinato ang unan sa mukha ko.

"Kapag umalis ako, wala na rin dahilan para mag stay ka sa chameleon. Go on, Rivas. Build your own family with Xander at hindi ako tutol sa bagay na 'yun." puno ng sinseridad na sabi ni Draco at napayuko akong napahawak sa tiyan ko.

I really want to have my own family at kung totoo nga na buntis na rin ako, siguradong matutuwa si Xander pero natatakot ako para sa magiging buhay ng magiging anak namin.

Nag init ang mga mata kong napatingala ng iangat ko ang tingin kay Draco. Matamis ang ngiti niyang hinawakan ang balikat ko at alam ko na bilang kaibigan ay naiintindihan niya ako.

"Walang ibang makakaalam na you fell in love with our enemy. Pinapangako ko 'yan sa'yo, Rivas." and I chewed my lower lip as I knew I failed the whole chameleon.

They asked me to spy to the Blood-Stone, kaya ipinain ko ang sarili ko sa loob tulad ng pinagusapan pero nabigo ako--- dahil imbis na kamuhian ang kalaban ay minahal ko siya... I fall in love with the one and only Alexander Blood-Stone.

At sa oras na malaman nila 'yun siguradong matinding kaparusahan ang nag hihintay sa akin.

"Rivas, nandiyan kana pala." nakangiti bungad sa akin ni Xander at napangiti ako ng maabutan ko siyang nagluluto.

Wala sa sarili akong napayakap mula sa likuran niya at natigilan siya sa kung ano man ang ginagawa.

"Rivas,"

"Kapag nagkaanak ba tayo anong gusto mong ipangalan?" hindi ko mapigilan itanong dahil mula kanina na banggitin ni Draco na maaring buntis ako ay hindi na ako napalagay.

At nag bigay iyon ng kakaibang tuwa at sigla aa puso ko.

"W-what did you say? Magkakaanak na tayo?" agad na inalis ni Xander ang pagkakayakap ko sa kaniya at agad akong hinarap.

Malapad ang ngiti niya at pansin ang kinang sa mga mata niya.

Naiiling akong hinaba ang nguso at muli siyang niyakap.

"Hindi, ang sabi ko kung magkaka-baby pa lang." ulit ko at niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"Geez! You make me feel so happy, Rivas. Kahit wala pa, bigla akong na excite. Can we make it real?" he mumbled against my head as he kissed me and I teasingly shook my head.

"Pakasalan mo muna kaya ako? Nauna na yung honeymoon wala pang singsing?" pang aasar ko sabay pakita ko ng kamay ko.

May suot naman akong singsing na binigay niya pero hindi iyon wedding ring.

"Papakasalan kita sa lahat ng simbahan, just tell me kung kailan mo gusto mo." and I sweetly smiled at him.

Napatingala ako sa kaniya at mabilis niyang hinalikan ang labi ko.

Ang totoo matagal niya na akong inaalok ng kasal pero tinatanggihan ko dahil sa sitwasyon namin.

"Rivas, po-protektahan kita sa lahat ng oras.. Umalis ka na sa kanila. Please... marry me." he begged and I smiled.

Siguro nga ay tama si Draco, oras na para talikuran namin ang buong organisasyon ay mabuhay kami ng tahimik kasama yung mga taong mahal namin.

Napangiti akong tumango kay Xander at lumapad ang ngiti niyang binuhat ako. Napatili ako ng iikot niya pa ako sa ere at hindi naman siguro masama kung mas pipiliin ko ang maging masaya sa pagkakataong ito.

Ang makasama si Xander, ang bumuo ng pamilya kasama ang taong mahal ko.

"Haha! Tama na, Xander. Nahihilo ako..Haha!" pagsuway ko pa at inihinto niya ang pag papapikot sa akin sa ere.

Humahagikgik akong iniupo ni Xander sa ibabaw ng lamesa at inilingkis ko ang braso sa leeg niya.

Hinila niya ako palapit at pinagdikit ang mga noo namin.

"I'm so excited to see you walking in the aisle, my love." he whispered and I giggled at him habang pinagkikiskis niya ang mga ilong namin.

"So what? Kapag nagka-baby ba tayo? Anong ipapangalan natin?" tanong ko at ewan ko ba pero feeling ko talaga ay tama si Draco at hindi naman malabo na mabuntis ako, at imbis na matakot ay mas na e-excite pa ako na mahawakan ang magiging anak namin ni Xander.

"If it's a boy, gusto ko isunod sa pangalan ko." nakangiti niyang sabi at umismid ako ng pisilin niya ang ilong ko.

"Ang panget,"

"Ah panget ba pangalan ko kaya gabi gabi mong isinisigaw."

"Xander!" tili ko ng higitin niya ako palapit sa kaniya at akala ko ay mahuhulog ako sa lamesa, pero buti na lang ay sapo sapo nito ang pwetan ko.

May pilyong ngiti ang namutawi sa labi niya.

"Gusto mo subukan natin kung gaano kapanget ang pangalan ko?" pilyo niyang sabi at kagat labi kong hinagod ng tingin ang mukha niya.

Pakiwaring nag isip pero maharot kong inabot ang labi niya para kagatin.

"Hmmmm... let see kung gaano katibay ang tuhod mo, Mister Alexander Blood-Stone." I teased and he slowly walks on the burner at natawa ako ng patayin niya iyon.

"Huwag mo akong hamunin, mahal ko." mapanukso niyang sabi at mabilis na tinabig ang lahat ng nakakalat sa lamesa.

Tumili pa ako ng ilatag niya ang katawan ko roon pero agad kong nahila ang kwelyo ng polo niya at isa isang inalis ang pagkakabutones nito.

"Oh well, mister Blood-Stone, what if it is a girl? What do you want to call her?" I mumbled and he teasingly kissed my lips. I chased after him and I never failed as he let me kiss his soft and sweet lips.

Marahan din niyang tinugon ang bawat halik at unti unti kong nararamdaman ang pag pagapang ng kamay niya sa loob ng suot kong damit.

I gasped between our kisses and he smiled, his hands stopped at my belly and he gently caressed it with full of excitement and happiness in his dark eyes.

"I want to call her, Reese Ivan Nieves Blood-Stone, Rian for short, means king, a new heiress of Blood-Stone."

_____

CreepyPervy | Ash

המשך קריאה

You'll Also Like

5K 3K 18
Professional Series #1 Krellev, a serious type of man from the Supreme Court but super flirty for the girl he loves, which is Sage, a fair person fro...
28M 438K 43
Tigers #4 Oliver Ynarez
331K 3.9K 22
Hades Kalyx Magno, a certified womanizer. It's damn easy for him to lure women, and enable them to spread their legs for him but there's this one gir...
2.7M 36.9K 42
Napilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.