Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 48

2.1K 95 115
By Missloorh

Blaire POV

Nakabalik kami ng nayon at di ako makapaniwala na nasa pusod pala kami ng gubat dinala ni Hazel. Kaya nila kami natunton dahil may nakakakita sa amin kahapon na kasama si Hazel ngunit hindi nga lang ito nakakasigurado kaya pinalipas nito muna ngunit nong nawala kami ng ilang oras ay dun na ito nakasigurado na si Hazel talaga ang batang kasama namin kaya agad niya iyung sinabi sa mga kasamahan ko. Alam nilang kung saan kami tutontunin kasi madalas nangbibiktima si Hazel ngunit agad din naman nilang naaganap iyun.

Napagdesisyunan naming bumisita muna sa kaharian nilang Parker at agad naman kaming nakarating doon dahil hindi naman ito malayo sa nayon. Maganda at eleganteng tingnan ang kaharian. Di naman naghihirap ang mga nakatira doon ngunit nagkokontrol sila sa pagkain. Nakilala ko si Tiarra at Solomon, ang reyna at ang hari. Mabait sila pareho at medyo kalog din, nagmana nga talaga ang anak ng mga ito. May kababatang kapatid na babae si Parker na nagngangalang Aurora. Di din kami nagtagal ay agad naming pinuntahan ang kasunod na nayon na kung saan din ang kaharian ng Waterous Kingdom.

Nakatayo kami sa gilid ng dalampasigan habang tinanaw ang malawak na karagatan.

"Isuot niyo ang mga ito" agad akong napatingin kay Miles nang nagsalita ito. Binigyan niya kami ng tig-iisang pulseras na gawa sa perlas. Para saan ang mga ito? Napansin niya siguro ang pagkunot ng aming mga noo kaya kusa siyang nagpaliwanag.

"Isuot niyo yan para magkaroon kayo ng buntot at malayang makahinga sa ilalim ng tubig" mahinahong paliwanag niyang dugtong. Napatingin nalang ako sa mga paa. Ano kayang kulay ng aking buntot?

Nauna silang lumublob sa tubig kaya sumunod din ako. Isinuot ko ang pulseras at maya maya ay bigla nalang ako nawalan ng balanse. Naramdaman kong kusang nagdikit ang mga paa ko. Namangha nalang ako dahil kulay ginto ang aking buntot ngunit ang aking mga palikpik ay klase klaseng kulay. Ang ganda. Nawala din ang saplot na pang-itaas ko at mabuting may nakatakip sa aking dibdib na kaliskis na kulay ginto.

Napatingin ako sa iba at namangha din ako sa kulay ng kanilang buntot. Kay Aubrey ay kulay puti, kay Scarllet naman ay kulay berde, kay Lucy ay puti din, kay Alexis naman kulay pink, kay Sophie ay kulay asul, kay Kade ay kulay gray, kay Acel kulay puti din, kay Miles kulay asul ngunit para itong pinaghalo ng puti, kay Parker ay kulay brown, kay Josh ay kulay puti din, kay Four ay kulay pula at kay Divine ay kulay violet. Ngunit ang mas nakaagaw sa akin ng atensyon ay ang mga mahahaba nilang tenga na parang pazigzag iyun. May parang butas din sila sa kanilang leeg kaya agad akong napahawak sa aking mga tenga at leeg, ganun din pala ang akin. Napatingin naman sila sa akin kasabay ng pagbuka ng kanilang mga bibig dahil sa mangha.

"Ang ganda naman ng buntot mo Blaire" puri ni Lucy at di ko nalang sila pinansin. Nahuli ko namang umismid si Divine. Muli ko nalang itinuon ang atensyon sa karagatan.

"Sumisid na tayo!" hudyat ni Miles at sabay sabay kaming sumisid. Bumungad sa akin ang may kadilimang paligid. Mabilis ang aming paglangoy at nadadaanan ko ang mga patay na Coral reefs. Nakakalungkot tingnan ang paligid dahil pati dito ay naapektuhan din pala. May iilang isda akong nakita ngunit nakikita kong mahina at walang sigla ang mga ito.

Mula sa aking gawi ay natanaw ko sa unahan ang kumikinang na kaharian. Agad kaming nakarating doon at namangha ako sa ganda ng paligid kahit patay ang mga halamang dagat ay maganda parin itong tingnan. Agad napatingin sa amin ang mga sirena at nang nakita nila si Miles ay agad din ang mga itong nagsiyukuan. Nagpatuloy kami sa paglangoy hanggang sa nakapasok kami sa kaharian. Bawat sulok ay may nakabantay na kawal. Agad kaming nakarating sa silid trono at nakita namin ang reyna at ang hari na nakaupo sa kanilang mga trono. Nagulat ang reyna nang nakita niya ang kanyang anak. Agad itong lumangoy at sinalubong si Miles ng yakap. Sumunod naman ang hari.

"Anak ko, miss na miss kana namin ng Ama mo" mangiyak-ngiyak sabi ng reyna. Niyakap ng hari ang kanyang asawa't anak. Maya maya ay hinarap nila kami. Samantalang kami ay nakayuko para magbigay galang.

"Ama, ina andito kami para tumulong sa kung meron man kayong problema" saad ni Miles sa mga magulang niya kaya nag-angat na kami ng tingin. Napatingin ang hari sa amin at napadako ang tingin nito sa akin.

"Sila ba ang mga prinsipe at prinsesa ng iba't ibang kaharian?" kalmadong tanong ng hari habang nakatutok parin ang mga mata sa akin kaya nakaramdam naman ako ng pagkailang.

"Opo Ama" magalang tugon ni Miles.

"Nabalitaan kong nagpakilala na ang itinakda, siya ba ang napakagandang dilag na kasama niyo?" nakangiting tanong ng reyna at binalingan ako ng tingin. Agad akong napatingin kay Divine at nahuli kong inirapan ako.

"Ah mahal na reyna, hindi ako ang itinakda kundi siya" pagtatama ko at itinuro si Divine. Agad namang napatingin ang reyna sa kanya.

"Owh, okay" yun lang ang tanging sabi ng reyna.

"Ang laki ng pagbabago niyong lahat, mga magaganda at gwapo. Kahanga-hanga" puri ng hari. Ngumiti naman silang Scarllet.

"Salamat mahal na Hari" magalang nilang sabi.

"Sa tingin ko'y ang iba sa inyo ay di pa nakakakilala sa amin" kalmadong sabi ng reyna.

"Ako si Elena at ito namang asawa ko si Duelton, sino ang mga bago niyong kasama Royalties? Kabilang na doon ang itinakda" dugtong ng reyna.

"Ako si Divine Oracles mahal na reyna, elemental user" magalang pakilala ni Divine.

"Ako naman si Aubrey Tsaves, thunderbolt user"

"Josh Sprost, light user" napaawang ang bibig ko dahil sa pakilala ni Josh. Kung ganun may taglay siyang lakas na kapangyarihan ng liwanag at sa kanya ng galing ang liwanag kaninang umaga. Kahanga-hanga.

"Blaire Icefire Snow Peachthress Mackenzie, ice user" magalang pakilala ko.

"Kay habang pangalan, maganda kagaya mo Blaire" nakangiting puri sa akin ng reyna. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko naman naramdaman ang pagngiti ko.

"Ama, ina pahintulutan niyo akong itanim ang binhing ito para may makakain ang lahat" seryosong sabi ni Miles at itinaas ang binhi. Nangunot naman ang mga noo ng hari at reyna.

"Anong klaseng binhi iyan Anak? Isa bayang halamang dagat?" takang tanong ng reyna. Tanging halamang dagat lang kasi ang kinakain nila dahil hindi naman sila kumain ng kauri nilang lumalangoy, kahit mababa ito sa kanila at kaya nila itong manipulahin ay mataas ang respeto nila sa mga ito dahil hindi makukumpleto ang dagat kung walang mga isda at ipa pa na nakapagbigay din ng ganda.

"Isa iyang punong prutas mahal reyna, alam kong hindi niyo nakasanayan iyang kainin ngunit masusustansya ang mga bunga nito" seryosong sabi ni Four. Tumango tango nalang ang hari at ang reyna.

"Kung ganun, itanim mo na iyan Anak" kalmadong pahintulot ng hari. Tumango lang si Miles at lumangoy palabas kaya sumunod nalang din kami.

Nakahanap ng tamang lugar si Miles at agad siyang gumawa ng malawak na parang barrier sa gawi niya kasabay ng pagbalik ng kanyang mga paa. Wala ng tubig ang kinaroroonan niya ngayon dahil sa barrier na pumipigil sa tubig kaya agad siyang naghukay at itinanim ang binhi. Umatras siya at agad ding tumubo ang punong prutas. Nagbunga ito kaya naagaw lahat ng atensyon ng mga sirena. Nakanganga silang lahat habang pinagmasdan ang punong prutas. May isang sirena ang sumubok na pumasok sa barrier kasabay ng pagkawala ng buntot nito. Ginamit nito ang kapangyarihan para pumitas ng mansanas. Kumagat ito at bigla nalang nagliwanag ang kanyang mukha at muling kumagat.

"Masarap!" masigla niyang sabi. Naengganyo naman ang iba at agad pumasok sa barrier. Ngunit kung titingnan ay hindi iyun barrier dahil malayang naglabas pasok ang mga sirena, siguro'y isa lamang iyung kapangyarihan na pumipigil sa tubig.

Nakita kong unti unting bumalik ang sigla ng lahat ngunit nakikita kong may takot parin sila sa mga mata. Unang pasok ko palang dito ay ramdam ko ang takot nila ngunit pilit nila iyong hindi ipinapakita.

Napagdesisyunan naming magkakaibigan na magpapalipas muna ng gabi dito para makasiguro na ligtas ang lugar na ito.

Gabi na at hindi parin ako makatulog. Hindi kasi ako sanay sa ganitong sitwasyon na matulog na nakalutang lang sa tubig. Nakaupo ako sa bato habang tinanaw ang kaharian ngunit andito parin ako sa ilalim ng tubig. Biglang sumagi naman sa isipan ko ang pangayayari kaninang umaga. Habang inaalala ko ang mga halik namin ni Four ay parang hindi ko masikmura ang kahalayan ko. Ngayon lang ata ako tinablan ng hiya.

Nangunot ang noo ko nang may naramdaman akong malakas na presensiya sa paligid. Ang lakas nito. Agad akong napalingon sa likod at napaawang ang aking bibig dahil sa aking nakita. Isang lalaking may kulay abo na mahabang balbas at pati narin ang mahabang buhok nito. Kulay abo na may pagkaasul naman ang kanyang buntot. May dala siyang sibat na may tatlong talim. Nakakakilabot ang presensiya niya. Sino ito? Ngayon ko lang siya nakita ngunit pakiramdam ko may koneksyon kami sa isa't isa.

"Sino ka?" naitanong ko habang nakakunot ang noo. Alam kong hindi lang ito basta basta na ordinaryong imortal lamang.

"Poseidon aking Blaire" nahugot ko ang aking hininga dahil sa tono ng kanyang boses na parang dinala ka nito kay kamatayan ngunit ramdam ko namang wala itong masamang intensyon. Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Parang nabasa ko na iyun sa libro pero baka hindi dahil hindi ko naman talaga ugaling magbasa. Maaring narinig ko iyun at hindi binasa sa libro. Iwan ko ba, may mga bagay talaga na hindi ko na maalala. Siguro dahil ito sa dinanas kong sakit dahil sa pag-ibig. Pero bakit alam niya pangalan ko?

"Blaire?" agad akong napalingon sa likod nang may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko naman ang nagtatakang mukha ni Josh.

"May kausap kaba?" dugtong niyang tanong.

"Ah kausap ko si_" saad ko sabay baling sa kausap ko kanina ngunit hindi naituloy iyun dahil wala na akong nakita. Saan na siya?

"Sinong kausap mo?" takang tanong ni Josh at lumapit sa akin. Bumuntong hininga nalang ako, siguro'y halusinasyon ko lamang iyun.

"Wala, wala akong kausap" saad ko habang umiling-iling.

"Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong niya muli at tumango lang ako. Napatitig siya sa mga mata ko kaya para naman akong nahipnotismo nito. Bumaba ang kanyang tingin sa mga labi ko at nakita ko ang paglunok niya. Dahan dahang bumaba ang kanyang mukha papalapit sa akin. Para akong natuod at hindi makagalaw dahil nahugot ko ang aking hininga. Hahalikan niya ba ako?

"Aaaahhhh kalaban!"

"Ahhhhhh!"

Agad kong naitulak si Josh at binalingan ng tingin ang kaharian. Nakita kong nagkagulo ang lahat at may narinig naman akong tunog na trumpeta. Nanlaki ang aking mga mata nang napadako ang aking tingin sa ibabaw. Isang napakalaking halimaw. Tinatawag itong Hydra, a gigantic water-snake-like a monster with nine heads. The Hydra's most potent ability is the power to regrow any head that is cut off, with twice as many in its place. She also said to be extremely venomous, killing someone with a single scent of her breath. She is able to spit acid and her blood is poisonous. Paano namin matatalo ang ganito kamakapangyarihang halimaw?

Agad kaming nagtinginan ni Josh at dali daling lumangoy papunta sa itaas. Nakikita kong nakasunod narin silang Scarllet. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Umahon kaming lahat at nagpalutang lang sa ere. Agad kong hinubad ang suot kong pulseras kaya bumalik ang aking mga paa. Ganun din ang ginawa nila. Marahas kong binalingan ng tingin ang halimaw at nakakakilabot ang hitsura nito dahil sa bangis. Napakalikot ng mga ulo nito at nakakabingi ang kanyang ungol.

"Get ready! And stay alert!" awtoridad sigaw ni Four. Hinanda ko ang aking sarili at nagpalabas ng mabibigat na hininga. Kaylangang makaligtas kaming lahat. Ang simpleng technique na paglabas ng kapangyarihan ay di tatalab sa uri ng nilalang na kaharap namin ngayon. Pinakiramdam ko ang aking sarili at maya maya naramdaman ko ang malakas na enerhiyang nananalantay sa aking mga ugat. Agad kong pinalabas ang aking espada at ikinumpas ang mga kamay kasabay ng pagdami ng espada ko. Bawat espada ay may nakaikot doong parang matutulis Ice blades. Nakapalibot ito sa akin. Ang technique na ito ay pinagaralan ko nung nasa Ogygia pa ako na kung tatawagin ay Sword multi-ice technique at ngayon ko lang ito magagamit. May nakapalibot din sa akin na yelong hamog.

Mabilis kong kinontrol ang mga ito at sabay sabay lumipad patungo sa kalaban. Pabalik balik at nilalampasan ng aking mga espada ang mga leeg ng kalaban. Nakita kong may nagbatong Fire ball at nanggaling iyun kay Four. Nagbato din ng Water ball si Miles. Si Aubrey naman ay pinatamaan niya ng kidlat ang iilang ulo ng kalaban.

"Avoid the scent of her breath! Wag niyong hayaan na madapuan kayo ng dugo niya!" sigaw babala ni Four. Tinuon ko muli ang atensyon sa mga espada kong walang humpay pinaghiwa ang parte ng katawan nito. Naglabas ng Vines si Scarllet at sinakal ang iilang leeg ng kalaban. Si Josh naman ay binatuhan niya ito ng Light ball kaya nabulag ang mga mata ng isang ulo nito. Kahit anong atake namin ay di parin namin mapatay patay ito. Inatake ni Sohpie ng Ice blades ang isa pang ulo nito. Si Divine naman ay apoy, yelo, tubig ang ginamit niyang pangatake. Silang Lucy, Parker, Kade, Alexis at Acel ay espada ang ginawa nilang pangatake habang lumipad at nilalampasan ang parte ng katawan ng kalaban ngunit sinigurado nilang napuruhan nila ito.

Nakita kong may mga kawal na sirena ang tumulong para kalabanin ito. Pinabalik ko lahat ng aking espada sa aking gawi at mapangahas ko muling pinaatake sa isang ulo ng kalaban. Naputol ang ulo nito ngunit gaya ng inaasahan ko ay unti unti iyung natubuan ng ulo.

"Aaahhhhhh! Ang sakit!"

Agad akong napatingin sa baba at nakita ko ang isang sirenang lalaking kawal na nabalutan ng dugo ng kalaban. Umuusok siya at nakakasigurado akong unti unti nitong kainain ng asido ang laman niya. Lalo na ang lason nitong nakakamatay. Nakaramdam ako ng awa ngunit wala na akong magawa. Pinabalik ko ang aking mga espada at pinagisa saka pinaglaho. Agad akong nagbato ng Ice shards at nakita kong natinag ang mga ulo nito ngunit agad king nakabawi. Saan ba nanggaling ang nilalang na ito at hindi mapatay patay, maski napuruhan na ito ay malakas parin. Nanlaki ang aking mga mata nang papunta sa aking gawi ang isa nitong ulo kaya agad akong gumawa ng barrier para makaligtas sa hininga nito. Agad akong lumipad paitaas para hindi mahagip sa mga matutulis nitong pangil at nakakakilabot na bibig.

Nasa itaas na ako at sandaling pinagmasdan ko ang lahat. Ang ingay, dumagdag pa ang pagaspas ng tubig. Nakakabingi ang ingay ng lahat. Sa tingin ko'y hindi matapos tapos ito at maaring kami pa ang mamamatay. Nakita kong may iilan ng sirena ang nakalutang sa tubig at wala ng buhay habang ang mga kaibigan ko naman ay walang tigil sa pag-atake ngunit nakikita kong nanghihina narin sila dahil kanina pa sila nagpalabas ng kapangyarihan. Ito naba ang katapusan namin?

Hindi, wag kang magpapaapekto Blaire. Lumaban ka! giit ng isipan ko. Tama lalaban ako hanggang kamatayan. Pinaglaho ko ang barrier. Huminga ako ng malalim at agad naglabas ng Ice blast. Agad kong sinundan ng Ice shards at Ice ball. Umalingawngaw naman ang ungol ng kalaban dahil sa aking atake. Nakita kong naglabas si Four ng nagliliyab niyang espada at agad niya itong pinalaki na parang higanteng espada. Kinontrol niya ito dahil hindi naman niya ito mahawakan. Pinaatake niya ang kanyang malaking espada pahalang at bawat ulo ng kalaban na nahagip nito ay agad naputol ngunit agad din iyung natubuan ng panibagong ulo.

Agad akong napalingon sa likod at napaawang ang aking bibig nang may malaking tao ang umahon sa tubig. Sumisigaw ito na parang handa ng lumaban. Umiilaw na kulay asul ang kanyang mga mata. Ang lakas ng kanyang presensiya at ganitong ganito ang presensiya ng nakausap ko kanina. Napamaang nalang ako dahil ito nga. Siya si Poseidon ngunit bakit ang laki niya? Samantalang kanina ay di naman. Nakita kong may buntot parin siya. Napakabangis niyang tingnan. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na ngayon ay tulalang nakatingin kay Poseidon na parang nakakita sila ng diyos. Nabalik kaming lahat sa kasalukyan ng walang pag-aatubiling sumugod si Poseidon sa kalaban.

Namangha nalang ako nang gumalaw ang tubig at sinakal ang mga leeg ng kalaban. Agad itinarak ni Poseidon ang sandata niya sa katawan ng kalaban at umungol naman ito sa natamo. Ang mga dugo nito ay agad bunulwakan ng tubig. Nakita kong nakawala ang isang ulo ng kalaban at dakmain na sana ang leeg ni Poseidon ngunit agad niya iyung napigilan sa pamamagitang ng isa niyang kamay. Sinakal niya ito at sinigurado niyang hindi haharap sa kanya ang bibig nito. Agad niya itong pinag saksak gamit ang sandata niya samantalang ang tubig naman ay kusang itinangay papalayo ang mga dugong tumatalsik.

Kumurap ako. Hindi pwedeng titingin nalang ako at mag-aantay kung sinong mananaig. Muli kong pinalabas ang espada ko at agad pinadami. Kinontrol ko ito at nagsipasok iyun sa mga bigbig ng kalaban. Pumikit ako at ramdam kong gumagalaw parin ang aking mga espada. Agad ko iyung pinagliyab ng asul na apoy at narinig ko naman ang namimilipit ungol ng kalaban. Lumabas ang mga espada ko sa parte ng kanyang tiyan ngunit wala na iyung mga asul na apoy. Kumilos narin ang iba kong kasamahan. Nakita kong itinarak ni Poseidon ang sandata niya sa banda nitong dibdib. Mas umungol sa sakit ang kalaban. Naramdaman kong nanghihina na ito. Kakagatin na sana si Poseidon sa kamay ay agad iyong binatuhan ng Fire ball ni Four kaya hindi naituloy. Agad iyong binalikusan ni Poseidon sa isa niyang braso at pinilipit. Sinundan niya iyun ng saksak ng sandata niya. Pinagmasdan ko ang kalaban at sinuri. Nabuhayan ang dugo ko nang natagpuan ko ang kahinaan nito. Ang puso nito, kaya pala pinuntirya iyun si Poseidon. Napangiwi nalang ako nang muling tumarak doon ang sandata ni Poseidon. Naramdaman kong malapit na itong mamatay. Agad kong kinontrol ang mga espada ko na kanina pa nakalutang sa ere. Pinagisa ko ito at pinalaki. Agad ko itong kinontrol at itinarak sa mismo nitong puso. Marahas ko itong hinugot at sinundan naman iyun ni Four ng nagliliyab niyang espada. Agad din niya iyung hinugot. Nakita kong sumisid si Poseidon at maya maya ay umahon ito ngunit hawak niya ang buntot ng Hydra. Agad kaming lumipad paitaas nang walang kahirap hirap ibinalibag ni Poseidon ang kalaban at tumalsik iyun sa pusod ng karagatan. Agad din niya iyung nilangoy at sa huling pagkakataon ay itinarak niya ang kanyang sandata sa puso nito. Marahas niya iyung binunot at tuluyan ng nawalan ng buhay ang kalaban. Kahit gabi ngayon ay kitang kita ko parin ang mga pangyayari dahil maliwanag parin ang buwan na sumasalamin sa dagat.

Nakahinga narin kami ng maluwag. Lumingon si Poseidon sa amin at napataas ang kamay ko para pigilan sana siya nang naglaho nalang ito bigla, kasabay din ng paglaho ng kalaban na lulubog na sana sa tubig. Gusto ko sana siyang kausapin at hindi pa kami nakakapag pasalamat sa kanya.

Agad kaming nagtipon tipon ng magkakaibigan.

"Okay lang ba ang lahat?" nag-alalang tanong ni Scarllet. Tumango lang kami. Mabuti nalang talaga walang niisang nasaktan sa amin ngunit nakakalungkot parin dahil may iilang serena ang nasawi.

"Are you sure you okay?" nag-alalang ni Josh. Tumango ako muli. Nahuli ko namang nakatingin si Four sa amin habang may talim ang titig nito. Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay agad siyang nag iwas ng tingin.

"Hindi talaga ako makapaniwala na isang diyos ng karagatan pa ang tumulong sa atin" di makapaniwalang sabi ni Lucy. Nangunot naman ang noo ko.

"Sinong diyos?" takang tanong ko.

"Yung tumulong sa atin kanina, siya si Poseidon ang diyos ng karagatan" paglilinaw ni Sophie. Napaawang nalang ang bibig ko. Kung ganun pangalawang beses ko na palang nakaharap ang diyos ng karagatan? At di ko man lang iyun alam.

"Grabe, halos umatras kaluluwa ko dahil sa presensiya niya" kinilabutang sabi ni Parker.

"Sus, palibhasa bakla ka!" pang-aasar sabi ni Lucy dito.

"Gusto mo sample Baby?" pilyong sabi ni Parker at dumila pa ito. Kinikilabutan naman si Lucy at agad umirap. Tingnan mo ang mga ito, kahit pagod na pagod na nagawa paring mag asaran.

"Stop takling, let's get back to the palace" seryosong sabat ni Four. Sumang-ayon naman kami kaya muli naming isinuot ang pulseras at agad sumisid sa ilalim ng tubig.

Nakabalik kami ng palasyo at mabuting di naapektuhan ang punong prutas ngunit medyo magulo ang lugar. Nagtulong tulong ang lahat para masulusyonan ang problema kahit papano. Laking pasasalamat ng hari't reyna dahil kung wala daw kami ay maaaring wala narin sila ngayon. Naabutan kami ng umaga at hindi na nakatulog pa.

Nagpaalam kami sa kanilang lahat at bumalik kami sa gilid ng dalampasigan. Nagtawag kami ng mga pegasus para masakyan papuntang Aircous kingdom kung saan din ang nayon. Agad namang dumating ang mga pegasus. Ito ang mga sinakyan namin noong una. Nakaramdam ako ng pananabik dahil kay Sharah na nasa harapan ko. Ang pegasus kong napakaganda.

"Hi Sharah, I miss you" mahinang sabi ko at niyakap ang leeg niya.

'Pareho lang tayong nararamdaman Master'

Sabi niya gamit ang telepathy. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na ako nito tinawag na itinakda.

"Hey akin yan!" napaatras ako nang may humila sa akin at itulak palayo kay Sharah. Mabuting hindi naman ako natumba. Nanliit ang mga mata ko habang nakatitig kay Divine na ngayon ay nagpumilit makasakay kay Sharah ngunit hindi siya pinagbigyan bagkus gumalaw galaw ito kaya hindi siya nakasakay.

"Ano ba tong Pegasus nato?! Walang kwenta!" hasik ni Divine at sinubukan muling makaangkas. Nagulat ako nang buwelo ng tayo si Sharah kaya nasalampak nalang si Divine sa buhangin. Narinig ko naman ang hagikgik nilang Scarllet. Bakit pa kasi gusto niyang agawin ang pegasus ko? May nadagdag namang pegasus.

Akmang babatuhan ni Divine ng Fire ball si Sharah kaya agad akong nagteleport sa harapan niya at gumawa ng Ice shield. Tumama doon ang bolang apoy. Marahas kong tiningnan si Divine na ngayon ay nakatayo na. Parang umusok ang ilong niya sa galit. Aba, ito pa ang may ganang magalit.

"Ganyan ba kakitid ang utak mo Divine?" malamig kong sabi. Saktan niya lang ako, wag lang ang mga naging parte ko sa buhay na minahal ko.

"At sino ka naman para pagsabihan ako ng ganyan?! Huy Blaire! Kung makaasta ka parang di mo kilala ang kaharap mo ngayon!" bulyaw niya sa akin. Tumaas lang ang sulok ng labi ko habang nananatiling walang emosyon sa mga mata.

"Bakit sino kaba? Ang itinakda? Ang itinakdang napakakitid ng utak at walang respeto? Ang itinakdang laging nagtatago sa brief ng kasintahan niya para masinghot lamang ang ari nito? Ang itinakdang laging dumidikit na parang linta? Sa madaling salita, itinakdang laging inaatupag ang kalandian" pang iinsulto ko sa kanya. Alam kong nakakasakit ang mga binitawan kong salita pero wala akong pakialam. Natuod naman siya sa kanyang kinatayuan. Dumaan sa kanyang mga mata ang sakit pero agad din niya iyung nilabanan.

"Bakit kaylangan ko pa silang respetuhin? Ako ang nakakataas sa kanila kaya hahalik sila sa paanan ko! At sa kasintahan ko, ofcourse magagawa ko lahat ng gusto ko sa kanya kahit gabi gabi ko pa siya ikama di niya ako pipigilan dahil gusto din niya. Ang husay_"

"Shut the fuck up Divine!" napatigil si Divine dahil sa awtoridad sigaw ni Four. Tumaas ang sulok ng labi ko nang nakita ko sa mga mata ni Divine ang sakit.

"Love! Bakit ako ang pinapagalitan mo?!" mangiyak-ngiyak niyang tanong kay Four.

"I said shut up!" napaigtad naman si Divine dahil sa agarang sigaw ni Four sa kanya. Tumahimik nalang siya at nagmartsa papunta sa magiging pegasus niya ngunit bago yun ay tiningnan niya ako ng masama. Bumuntong hininga ako saka pinaglaho ang kalasag ko. Hinarap ko muli si Sharah.

"Okay ka lang Sharah?" nag-alala kong tanong sa kanya.

'Wag kang mag-alala Master, okay lang ako. Ikaw Master? Okay ka lang ba?'

Balik tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Okay lang ako" tugon ko.

'Sige Master, sumakay kana'

Sabi niya at yumuko siya para mas mapadali ang pagsakay ko sa kanya. Wala akong sinayang na oras ay agad din akong sumakay. Naunang lumipad ang sinasakyan ni Four kaya sumunod nalang din kami.

@Missloorh

Thank you for reading babies! Sana nagustuhan niyo

Stay safe! Lovelots! Muaahh

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...