The Devils King 3

By RhettVaughn

6K 1K 204

Matapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang k... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Final Chapter
New Year Special
Epilogue
Author's Appreciation

Chapter 63

66 15 2
By RhettVaughn



Dallas Arthemis Columbus POV



Gustuhin ko man pigilan ang sarili ko ngayon na tigilan ang pagtingin ng masama kay Dirk ay hindi ko magawa.


Hindi ko kasi mapigilan hindi magalit dito ngayon lalo't hindi pa ako nito pinapakain simula pa nung kunin ako nito isang araw na ang nakakaraan.


At alam naman nitong nagugutom ako ngayon pero parang timawang tinanggal lang yata nito ang saklob ko sa ulo para paulit-ulit itong mapanood kumakain.


Tapos wala pa akong ligo!?


Titing-titi na ako sa sarili ko!


Pakiwari ko ba'y kaamoy ko na si Lunafreya na hindi naliligo neto eh!


Aba!?


Buong mag damagan kung maglakbay kaming dalawa patungo sa dulo ng walang hanggan tapos hindi man lang ako nito sayaran ng tubig na nadadaanan naming dalawa.


Alam ko naman na high blood Novalian ako na hindi basta-basta bumabaho kahit hindi maligo ng ilang taon pero natititihan pa rin ako!


Sanaula ko na!


Gigil na anas ko sa isip ng matigilan akong muli at makaramdam nanaman ng labis na lungkot matapos kong mapagmasdan mabuti si Dirk ngayon na walang kahit na anong emosyon na makikita sa mga mata.


Maging ang tignan nga ako na may kasamang kahit kaunting pagmamahal lang ay hindi na nito magawa. Puro galit at pagkamuhi lang ang nakikita ko sa mga tingin nito saakin na sinasabayan pa nito ng gawa.


At kung tatanungin niyo naman ako kung saan ako dadalin nito?


Sa totoo lang ay hindi ko din alam.


Basta't isa lang ang alam ko!


Kung hindi lang siguro nawawala ang mga galos, pasa't sugat ng mga Wulfric ay baka marami na ako ngayon 'non dahil na rin sa mga natatanggap kong karahasan dito buhat ng kidnapin ako nito.


Mabilis pa sa alas-cuatro na nag iwas ako ng tingin dito ng lumingon ito saakin sa pinakamatalim nitong tingin. Ayoko naman masampulan ulit na pagkatitigan ito lalo't nung huling beses na gawin ko yun ay hindi maganda ang inabot ko.


Subalit tulad ng inaasahan ko?


Hindi nanaman nakisama ang pisteng sikmura ko!


Tumilaok nanaman ito lalo't gutom na gutom na talaga ako.


Nawawalan nanga ako ng sapat na lakas para gumising pa't magpatuloy na magkaroon ng malay sa paglalakbay na ito.


Nade-dehydrate nanga rin ako lalo't hindi din ako nito pinapainom!


"Someone is hungry..." Malalim ang boses na bulong nito.


Gusto ko pa sanang irapan ito tulad ng ginagawa ko sa tuwing nagpaparinig ito ng ganun subalit mas pinili ko nalang ang matulog nalang lalo't pakiramdam ko ngayon ay hinihila na ako ng liwanag.


Driscol...


Tawag ko sa anak ko ng makita ko sa imahinasyon ko ang napakaamo nitong ngiti para lang magising sa may kalakasang tampal ng kung sino saaking pisngi.


"Eat." Ma-awtoridad na utos nito.


Dun ko lang napansin na wala na pala ako sa pagkakagapos ko na siyang dahilan kung bakit maaari na akong makakain sa wakas!


Napangiti panga ako ng matanggal ko na rin sa wakas ang telang nakapasak sa bunganga ko na para akong isang baboy na litson!


"Papatayin mo ba talaga ako—" Matalim ang tingin na tanong ko sana dito ng padabog na bigyan ako nito ng baso.


Nasa tingin din nito ang pagiging dominante ngayon na para bang sinasabi nito na isang pagkakamali ko lang at babawiin nito ang biyayang ibinigay nito saakin.


Kaya naman kahit ma-pride akong tao na gusto pa ngayon magwala't awayin ito ay hindi ko nalang ginawa. Mabilis na kinain ko nalang ang mga binigay nito saaking pagkain na talaga naman halos isuka ko na ng mabigla ang tiyan ko sa dami ng pinasok ko.


"Fuck!" Mariing mura ko kasunod ng marahang pag-alog ko sa ulo ko para maginhawahan kahit papaano mula sa pagsusuka ko.


"Drink." Utos muli saakin ni Dirk kasunod ng pagsalin nito sa baso ko ng maiinom na agad ko namang tinungga't naubos.


Himalang galante ito ngayon at sinalinan pa ako ng sinalinan hanggang sa makuntento na ako.


Ganun pa man?


Nananatiling walang kahit na anong emosyon ang mababasa sa pagmumukha nito na para bang may galis na aso lang sa daan ang tingin nito saakin.


"I want to take a bath..." Mariing pakiusap ko ng magsimula nanaman itong igapos sana ako.


"No bath." Tipid na sagot nito.


Sukat dun ay nagpumiglas talaga ako!


Nasa tapat nalang din naman kami ng talon eh bakit hindi pa ako nito hayaan na makapaligo't makapagpalit ng damit na baon-baon ko lang sa bag kong maliit na nasa may bulsa ko sa dibdib.


"Sandali lang ako malilig—" Palag ko pa sana ng hawakan nito ng mariin ang panga ko't tignan ng napakasama sa mga mata na para bang sinisindak ako.


"I said, no bath." Mahina man ay mariing ulit pa rin nito sa sinabi nito kanina.


"But I want to take a bath!" Mariing ulit ko pa rin sa request ko kasabay ng masamang pagtingin na rin dito.


Wala na akong panahon para matakot pa ngayon dito lalo't gustong-gusto ko na talagang makapaligo, makapag toothbrush at higit sa lahat?


Maginhawahan!


Dios mio, Dallo!


Titing-titi na ako!


"Wala ka sa posisyon para mag deman—"


"Hindi ako nag de-demand!" Putol ko sa sinasabi nito. "Nakikiusap lang ako." Mababa ang boses na dugtong ko para ipakita ditong totoo ang sinasabi ko.


"Nakikiusap?" Tanong nito na sinundan pa talaga nito ng makademonyong ngisi. "Marunong ka pa pala niyan matapos mong ulilain at patayin ang maraming nilalang dito—"


"Alam mong hindi ko magagawa yan, Dirk!" Mariing putol ko sa sinasabi nito. "Kung mayroon man saating dalawa ang makakagawa niyan ay hindi ako yun." Dugtong ko.


Kung makapagsalita kasi ito akala mo'y napakabuti nitong lalake!


Aba!?


Kung paramihan lang naman ng mga kasamaang nagawa'y mas marami itong mababahagi higit saakin.


"Huwag muna ibaliktad pa saakin ang mga ginawa mo lalo't parehas lang naman tayo!" Mariing bintang nito.


"Hindi tayo pareh—"


"Wala na akong pakialam pa sa mga sasabihin mo." Putol nito sa sasabihin ko sana kasunod ng pagpapakawala muli nito saakin. "Sampung minuto." Dugtong nito.


Sampung minutong paliligo?


Ang bilis naman nun masyado para sa isang nilalang na hindi nakapaligo ng dalawang araw na katulad ko!


Reklamo ko sa isip.


Anyway, it's better to have something than nothing.


Kumbinsi ko sa isip kasunod ng pagmamadaling maligo na sa may talon.


Bagama't ama ng anak ko si Dirk ay sinigurado kong hindi ako nito makikitaan sa paliligo ko lalo't magkagalit kami ngayon.


Siya lang ang galit sayo, lokaaaaaa!


Pagtatama ko sa isip kasabay ng pagsasabon at pag sha-shampoo ko gamit ang mga ninakaw ko sa palasyo.


~"I think we could do it if we tried... if only to say, you're mine... Sofia know that you and I... shouldn't feel like a crime..."


Kanta ko sa pagitan ng masayang paliligo ko ngayon.


~"I think we could do it if we tried... if only to say, you're mine..."


Kiskis dito at kiskis diyan!


Grabe!


Pakiramdam ko't nagiginhawaan ako ngayon sa bango ko.


~"You know... I'll do anything you ask me to, but of my God, I think I'm in love with you, standing here alone now, think that we can drive around, I just want to say how I love you with your hair down, baby you don't got to fight, I'll be here till the end of time, wishing that you were mine, pull you in, it's alright..."~


Hindi nanga matawaran ang ngiti ko ngayon na para bang paliligo lang ang sagot sa lahat ng problemang kinahaharap ko habang sayang-saya na kumakanta't nangangarap ng gising.


~"I think we could do it if we tried... if only to say, you're mine... Sofia know that you and I... shouldn't feel like a crime..."


Awit ko muli kasunod ng masayang pagsayaw pa na para bang nasa concert ako ngayon habang kumakanta't naliligayahan sa ginagawa kong ito.


~"Honey, I don't want it to fade, there's things that I know could get in the way, but I don't want to say goodbye, and I think that we could do it if we tried.... I think we could do it if we tried... if only to say, you're mine... Sofia know that you and I... shouldn't feel like a crime..."


Pumikit-pikit panga ako habang kinakanta't sinasayaw yun ng bigla ay—


"BASTOS!" Galit na sigaw at bato ko ng mga damit na pinaghubaran ko kay Dirk na nasa malapit lang pala't tila naninilip!


Mabilis naman na nakailag ito bagama't nananatiling wala pa rin emosyon ang mukha na siyang dahilan kung bakit nais ko ng bawiin ang nauna kong statement na naninilip ito ngayon.


At ewan ko lang ha?


Instead na matuwa panga dapat ako lalo't tila wala naman na akong dating dito ngayon ay para bang mas lalo lang ako na conscious at nalungkot.


Mukhang hindi nanga ako kaakit-akit sa paningin nito.


Malungkot na sambit ko sa isip.


"Nagkaasawa kalang ng panibago at hindi naging birhen para umarteng ganyan." Madilim ang anyo na sambit nito.


Natigilan nanaman ako buhat sa pagpaparinig nitong yun.


"Your time is up." Anunsyo pa nito pagkuwan kasunod ng pagtalikod saakin na para bang wala lang talaga dito ang hubad na ako.


Wala na...


Sambit ko muli sa isip.


Kung totoo man na wala na itong pakialam saakin ay nakay Arria nanga talaga ang puso nito.


At yun ay nangyari dahil lang sa kasinungalingan na alam nito.


"Saan mo ba ako dadalin?" Pilit ang pagtatago sa totoong nararamdaman ko ngayon na tanong ko dito ng makalapit ako sa wakas.


"Wala kang pakialam." Matalim ang tingin na sagot nito kasunod ng paglapit nito saakin para igapos lang muli.


"Hindi muna kailangang gawin yan..." Pigil ang inis na wika ko dito. "Alam natin pareho na wala akong kakayahan ngayon na takasan ka." Dugtong ko pa.


Subalit nagmistulang bingi lang ito ngayon na walang narinig at pinagpatuloy lang ang ginagawa nito.


Ilang minuto lang at eto nanaman ako!


Nakagapos at nakatakip ang bibig na para bang may magagawa ako sa oras na makawala ako dito laban sakanya.


"Hmmmph!" Reklamo ko ng masaktan muli ako sa ginawa nitong pagsakay saakin sa kabayo.


Subalit tulad ng mga naunang sinaryo ay hindi lang ulit nito pinansin ang reklamo ko na para bang wala na talaga itong pakialam sa kung ano ang gusto ko sa hindi!


Umikot nalang tuloy ang eyeballs ko sa pagkairita kasunod ng pagtulog ko nalang para takasan ang pait ng mundo.



--------------------------------



Marahang minulat-mulat ko ang mga mata ko ng maramdaman kong nakahiga ako ngayon sa malambot na kutson at wala na ang gapos saaking katawan...


Nasaan ako?


Yan ang unang tanong na pumasok sa isipan ko matapos kong luminga-linga sa paligid at hindi makilala ang lugar na kinaroroonan ko.


Babangon nanga sana ako ng matigilan ako matapos kong marinig ang boses ni Dirk sa labas ng silid na kinaroroonan ko ngayon.


"Magagawa mo ba ang gusto ko?" Nakakatakot ang tono ng boses na tanong nito mula kung kanino.


"P-Prince Dirk..." Nanginginig sa takot na sagot dito ng isang matandang lalake. "P-Patawarin niyo po ako pero hindi ko magagawa ang gusto niyo." Dugtong nito.


Kasunod nun ay halos mapapitlag ako ng makarinig ako ng mga bagay na nabasag at ipinagbabato kung saan-saan.


"Mahirap ba ang hinihingi ko?" Demonyong tanong muli ni Dirk sa halip.


"P-Patawarin niyo po ako!" Umiiyak na hingi dito ng tawad ng kausap nito. "Pero hindi ko po talaga kayang patayin ang babaeng kasama niyo kapalit ng muling pagkabuhay ng inyong ina!" Dugtong nito.


Halos manlaki tuloy ang mga mata ko sa narinig ko.


Balak ako nitong patayin kapalit ng buhay ng ina nito!?


Ganun nalang ba ako kawalang kwenta dito para gawin nito yun!?


Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi masaktan ngayon sa nalaman ko lalo't pakiramdam ko'y hindi naman talaga ako nito minahal ng totoo.


Easy, Dallas...


Iniisip lang siguro niya na may Leonard kana?


Baka naman naghalo lang ang galit at selos sakanya kaya siya nagkakaganyan sayo ngayon.


"Gusto mong patayin kita?" Narinig kong tanong ni Dirk sa kausap nito.


Kasunod tuloy nun ang malalakas na iyakan sa labas at malaman kong may pamilya pa pala ang kausap nito!


Wala tuloy akong inaksayang oras at nagmamadaling lumabas na ako ng kuwarto para pigilan ito.


"Huwag!" Pigil ko dito ng makita kong muntik na pala talaga matuluyan ang buhay ng matandang lalake kung hindi pa ako lumabas ng mas maaga.


"Y-Your Highness..." Nanginginig na tawag saakin ng mga ito na sa hinula ko'y lahi ng mga witch na maswerteng nakaligtas sa ginawang pag-ubos sa lahi nila noon.


"Gising kana pala." Walang emosyon na bati saakin ni Dirk.


"Tama na, Dirk!" Sa halip ay sagot ko dito. "Tigilan muna ito at ako na mismo ang nakikiusap sayo." Hindi ko na halos napigilan ang sarili ko na hindi maiyak ngayon sa harapan nito pagkasabi nun. "Talaga bang ang buhay ko ang gusto mong maging kapalit ng buhay ng ina mo?" Tanong ko dito.


Mabilis na lumapit naman ito saakin na siyang kinaatras ko ng tatlong hakbang.


Kasunod nun ay yumuko ito saakin at tinapat nitong mabuti ang mga mata nito sa mga mata ko na halos ikasindak ko.


"Oo." Demonyong sagot nito. "Buhay ang nawala dahil sa isang katulad mo na walang kwentang babae kaya buhay din ang magiging kapalit." Dugtong nito.


Nasaktan naman ako sa sinabi nitong yun...


Ganun nalang ba talaga ako kawalang kwenta dito?


Oh, Dirk...


How I wish na hindi mo pagsisihan lahat ng ginagawa mo saakin ngayon once you find out my reason...


Yun ay dahil ayokong tulad ng ina mo'y maging rason ako ng pagdurusa mo tulad ng ginagawa mo ngayon...


"FINE!" Sigaw at matapang na sagot ko sa pagmumukha nito pagkuwan. "Huwag kang mainip at ibibigay ko din ang buhay ko sayo kapalit ng ina mo basta't huwag lang ngayon." Pakiusap ko nalang dito.


"Wala ka sa posisyon para mag deman—"


"Nakikiusap ako at hindi nag de-demand, Dirk." Pagtatama ko dito.


"Prince Dirk!" Pagtatama din nito.


"Dirk!"


Tawag ko lang ulit sa pangalan nito na halos ikasama lalo ngayon ng timplado nito.


"Ibibigay ko sayo ang gusto mo basta't hayaan mo lang ako mabuhay kahit ilang buwan pa para magawa ang mga dapat kong gawi—"


"Paano ako maniniwala sa mga sasabihin mo gayong alam ko naman kung ano kang klaseng babae!?" Demonyong tanong nito.


Anong klase akong babae...?


Nasaktan nanaman ako sa sinabi nitong yun.


No, Dallas...


Tiisin mo lang.


You have to!


"Eto!" Pilit ang pagpapakatatag na sambit ko. "Sapat nabang dahilan ito para mapakita sayong totoo ang sinasabi ko?" Tanong ko dito.


Matalim ang mata na tinapunan naman nito yun ng tingin.


"It's a magical bond bracelet..." Sambit ko patungkol sa bracelet na ibinigay saakin ni Driscol matapos ako nitong pangakuin na palaging bumalik dito mula sa digmaan ng buhay. "Once I break my promise to you—"


"I'll make you pay for it." Matalim ang tingin na bigay nito ng kundisyon na siyang tinanggap naman agad ng bond bracelet na suot ko.


Marahang tumango ako dito bilang tugon kasabay ng pagtulo din ng mga luha sa mata ko na siyang patunay na labis akong nasasaktan ngayon sa nangyari dito.


"Done." Payag ko bagama't mas nauna ng pumayag ang bracelet na suot ko. "Pasensya na po kayong lahat sa abala." Hingi ko ng paumanhin sa mga naistorbo nito.


"M-Marami pong salamat..." Umiiyak na pasalamat at hawak pa sana saakin ng mga ito ng mabilis na kaladkarin na ako ni Dirk palabas.


Hindi ko nanaman tuloy napigilan ang hindi mapatiim-bagang sa sakit ng pangangaladkad na ginagawa nito.


"You don't have to do this, Dirk." Pakiusap ko dito. "Kaya ko naman maglakad mag-isa't hindi naman kita tatakasan para ganituhin mo ako." Dugtong ko pa.


Sa halip na sagutin ay ginapos lang muli ako nito ng mahigpit kasunod ng pagtatakip sa bunganga ko upang pigilan muling mag salita at isakay nanaman ng hindi komportable ang puwesto sa kabayong pandigma para malamang makabalik na sa maliit na bayan na pinagmulan namin dito sa Iceforth.


Halos himatayin nanaman nga ako sa hirap ng posisyon na kinaroroonan ko ng bigla ay mahulog kaming dalawa sa kabayong sinasakyan namin matapos kaming salakayin ng mga—


Kuya Draken!


Namimilog ang mga mata na tawag ko sa kapatid ko na nakita kong naririto ngayon!


Maagap naman na tumayo si Dirk mula sa pagkakasadlak naming dalawa sa lupa kasunod ng paghila din nito saaking makatayo.


"Dirk." Seryosong tawag dito ni Draken.


"Draken." Demonyong tawag din dito ni Dirk.


Matagal na nagsukatan ang dalawa ng tingin bago sa wakas makapagsalita si Draken.


"Hindi ako naparito para makipag-away sayo, Dirk." Umpisa ng kapatid ko. "Napasaakin na ang nararapat saakin noon pa man kaya wala na akong dahilan para saktan pa kayo. Ang tanging hiling ko lang ngayon sainyo ay ibalik saakin ang kapatid kong yan ganun din si Daila." Seryosong pakikiusap nito.


"Paano kung ayoko?" Demonyong tanong dito ni Dirk.


Nakita kong napatingin saakin si Draken na para bang nag-aalala din ito ngayon sa kalagayan ko ng magpakatatag lang ito ngayon.


"Dirk, listen!" Umpisa muli nito. "Hindi ko sinasadya ang nangyari sa ina mo dahil ikaw lang naman talaga ang pakay ko—"


"Nangyari na ang hindi dapat nangyari, Draken." Putol ni Dirk sa sinasabi nito. "Namatay na ang ina ko dahil sayo kaya huwag kanang magtaka kung ganun din ang gawin ko sa kapatid at babae mo." Dugtong nito.


Sukat dun ay nakita kong nahintakutan ang mukha ni Draken habang maskina ako'y natakot para sa kaligtasan ni Driscol.


Sandali...


Kunot noong sambit ko sa isip ng may mahalata akong mali.


Pasimpleng luminga-linga din ako sa paligid na para bang sa pamamagitan nun ay magagawa kong makita kung ano ang hinahanap ko.


Hindi naman ako nagkamali't nakita ko nanga ang maling hinahanap ko kanina pa!


Namimilog ang mga mata na pilit akong kumawala sa mariing pagkakahawak ni Dirk sa braso ko para harangan ito mula sa espesyal na palasong itinira dito ng isa sa mga tauhan ng kapatid kong nagtatago ngayon sa puwesto nito habang nililibang ng kapatid ko si Dirk para hindi mapansin yun.


At dahil nga nakagapos at walang espesyal na kapangyarihan ngayon ay tanging sarili ko lang ang magagawa kong iharang dito na halos ikahina ko ngayon ng husto...


Parang naging mabagal din saakin ang oras matapos tumagos nun mula sa likuran patungo sa harapang balikat ko na halos gapitik nalang ang layo sa puso ko.


Ang huli ko nalang natatandaan na tagpo nung mga oras na yun ay nung mapatingin ako sa mga mata ni Dirk na namimilog ngayon sa pagkagulat kasunod ng tuluyan pagkawalan ko ng malay sa mga bisig nito.


Dirk...


Nag-aalalang tawag ko dito sa isip.



..........................................

Continue Reading

You'll Also Like

142K 3.7K 52
"My brain may lost my memory... but heart will never forget" "Oo, may nagkaka-amnesia. Isa ako roon. Naging mahirap para sa 'kin matandaan lahat n...
1.7M 71.9K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
851K 22.6K 48
She seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.
136K 3.1K 72
Meet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at...