The Devils King 3

By RhettVaughn

6K 1K 204

Matapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang k... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Final Chapter
New Year Special
Epilogue
Author's Appreciation

Chapter 47

55 12 0
By RhettVaughn




Dallas Arthemis Columbus POV



Malalim na huminga muna ako ng malalim bago muling dumilat at makapag-isip muli ng tama.


Ilang araw na halos ang nagdaan buhat ng makapag-usap kami ni Daila at bigyan si Dirk ng pansamantalang kalayaan subalit tila nakakulong pa rin ako sa araw na yun.


"Your Highness." Tawag saakin ni Anilla mula saaking likuran.


Sa halip na tugunin ay nanatili lamang akong tahimik at malalim pa rin ang iniisip.


"Natawagan ko na po ang kapatid niyong si Lady Artemisia ng Eos tulad ng inyong pinag-uutos. Labis po ang kaniyang pag-aalala sainyo at hiling daw po niya'y makauwi na kayong muli sa piling nila ng mas maaga." Bigay paalam nito ng tila matunugan nitong wala akong balak mag salita o sagutin ito.


Matagal itong nanatiling nakatayo lamang sa likod ko ng sa wakas ay magkaroon na ako ng sapat na lakas ng loob upang kausapin ito mula sa malalim kong pag-iisip.


"Anilla, aalis lamang ako sandali." Bigay paalam ko dito.


"Saan po kayo pupunta?" Tanong naman nito.


"Kapag hinanap ako ng aking ama ay sabihin mong tutungo lamang ako sa planetang Earth." Paalam ko.


"Planetang Earth?" Naguguluhan na tanong nito.


"May dapat lang akong ayusin na problemang ako ang may sanhi." Sagot ko.


Yun lamang at mabilis na nag teleport ako mula sa Wolfz Keep patungong Novalian Express upang makapunta ng mas mabilis sa planetang Earth.


Hindi ko nanga inantay pa ang sagot ni Anilla at dali-dali ng umalis para gawin na ang dapat kong gawin.


Hindi ka dapat masyadong magkikikilos, Dallas...


Paalala ko saaking sarili patungkol saaking kalusugan.


"Sa maniwala ka man saakin o hindi ay hawak ni Draken ang buhay mo, kamahalan." Magalang na bigay paalam saakin ni Daila. "Nakay Prince Draken ang puso ni Prince Dyrion na siyang ginagamit niya upang pahinain ka. Nasakanya ang alas kung papatayin ka niya tulad ng napagusapan nila ni Queen Diana." Dugtong nito.


Daila...


Tawag ko dito sa isip ng bigla ay maalala ko nanaman ang patungkol sa mga napag-usapan at sinabi nito saakin habang nakaupo ako ngayon ng prenteng-prente dito sa express.


Marahang pumikit panga muli ako para alalahanin ang pinakamahalagang bahagi ng sinabi nito saakin.


"Tandaan mo, hindi mo dapat masyadong ginagamit ang kapangyarihan mo ngayon dahil maaari itong mag resulta sa..."


"Ate, maaari po ba kaming makiupo sainyo dito?" Nakangiting tanong saakin ng isang batang lalake.


"Ay nako ka talaga, Adrian!" Natatawang anas ng nanay nito na buntis pa naman.


"Eh kasi naman mommy nahihirapan kana eh!" Angal ni Adrian dito. "Kanina pa tayo naghahanap ng mauupuan dito pero wala naman tayong mahanap. Hayaan mo at pag yaman ko po balang araw ay sa elite section na ako kukuha ng upuan sa train na ito." Masayang pangarap nito.


Buhat dun ay parehas kaming napangiti ng mommy nito.


"Bakante pa naman ang isang yan." Turo ko sa upuan na katapat ko. "Feel free kayong maupo." Dugtong ko.


"Talaga ate?" Si Adrian. "Okay lang po sainyo kahit hindi kami Novalian ng mommy ko?" Dugtong nito.


"Oo naman." Mabilis na sagot ko.


Alam kong mahigpit na ipinababatas ni Derit Garrison ang pagbabawal sa racism sa Novalian Express man o sa kahit na saang bahagi ng negosyo nito.


Subalit may mga pagkakataon talaga tulad nito na hindi maiiwasan mangyari ang deskriminasyong tulad noon.


"Ayan..." Masayang wika ni Adrian sabay alalay sa mommy nitong maupo muna bago ito tuluyan makaupo sa pwesto niya.


"Ilang taon kana?" Nakangiting tanong ko dito.


"Five!" Bibong sagot nito sabay taas pa ng isang kamay para ipakita ang bilang 'non.


"Nako, pagpasensyahan muna ang kakulitan ng batang ito." Natatawang anas ng ina nito. "Ako nga pala si Gillian." Pagpapakilala nito.


"Ako naman si Dallas." Masayang pagpapakilala ko din dito. "Mawalang galang na, maari ko bang malaman kung bakit dalawa lang kayo?" Makahulugang tanong ko.


Buhat dun ay nakita kong ngumiti ito ng malungkot.


"Kamamatay lang kasi ng asawa ko ilang buwan na ang nakakaraan mula ngayon." Sagot nito.


Buhat dun ay nakaramdam naman ako ng labis na pagkakonsensya't awa sa mag-ina ng makita kong parehas silang nalungkot.


"Pasensya na." Hingi ko ng paumanhin sa mga ito.


"Ayos lang yun, Ate!" Masayang sambit nalang ni Adrian. "Ate? Alam mo ba kamukhang-kamukha mo yung mommy ni Daddy na palagi niyang pinipinta umh-umh!" Dugtong nito.


"Ha?" Gulat at kunot noong tanong ko.


"Ay oo nga 'noh?" Pansin din ni Gillian. "Kamukhang-kamukha mo nga yung naging nanay-nanayan ng asawa ko na palagi niyang ipinipinta't hinahanap." Dugtong pa nito.


"H-Hindi ko maunawaan..." Alanganing sambit ko.


Buhat dun ay masayang kinuha ng bata ang backpack niya at buong pagmamalaki na inilabas ang isang portrait na halos ikatigil ng paghinga ko ng ilang saglit.


"Eto po oh..." Masayang pagmamalaki nito sabay abot saakin.


Marahang kinuha ko naman yun at pinagmasdan para lamang mapamangha sa galing magpinta ng ama nito't malungkot ng sobra.


"Butcho..." Naluluhang tawag ko sa pangalan ng batang ginawa kong anak-anakan noong high school ako.


Makikita kasi mula sa painting nito ang batang ito kasama ako at ang naging daddy nito na si Dirk na masayang naglalaro sa malawak na field.


"Kilala mo si Daddy!" Bulalas ng bata. "At alam mo din ang pangalan niya! Edi kung ganun ay ikaw nga ang naging mommy niya noong nasa lugar pa siya ng maraming bata!?" Dugtong na tanong nito.


Mabilis na tumango ako ng malungkot dito.


"Ang galing! Mas bata kapang tignan kaysa kay Daddy noong nabubuhay siya." Namamangha na anas nito.


"Kung ganun ay patawarin mo po sana kami sa pagiging bastos kamahalan—"


"Dallas." Pagtatama ko dito. "Dallas nalang ang itawag mo saakin, Gillian." Dugtong ko pa.


Sukat dun ay napanatag naman muli ang mukha nito ganun din ang anak nito na tila pawang naligayahan sa nangyayari.


"Maraming salamat po sa pag-aalaga't pagbibigay motibasyon kay Butcho na lumaking isang napakabuting lalake, asawa at ama. Kahit sa maikling panahon lamang po na nakasama namin siya ay naging napakasaya po naming mag-anak." Dugtong nito.


Ngumiti ako ng malungkot.


"Sayang nga lamang at hindi na kaming nagkita pang muli." Malungkot na wika ko.


"Kung nasaan man po siya ngayon ay alam kong masaya pa rin siya kahit hindi na kayo muli pang nagkita. Alam ko naman po na nakikita niya tayong magkasama ngayon at sapat na siguro sakanya ang bagay na yun." Dugtong nito.


Marahang ngumiti nalang ako sa sinabi nito bagama't mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa sobrang sama ng loob at dami ng iniisip ko.


Bahagyang nalibang nalang ako sa kwentuhan naming tatlo habang nasa biyahe na siyang pinagpapasalamat ko din.


Dahil sa pamamagitan ng mga ito ay bahagyang naibsan ang mga problemang dinadala ko ngayon.


"Ba-bye!" Masayang paalam ko sa mag-ina ng mauna na akong bumaba sa mga ito't makarating na ako sa Earth Station. "Hangad ko ang walang katapusang swerte at kalusugan sainyo..." Sambit ko sa isang light magic na pinakawalan ko upang gabayan ang mag-ina.


Sa ganung paraan man lang kasi ay matulungan ko ang mga ito lalo't wala na silang padre de pamilya ngayon.


Matagal din na pinagmasdan ko ang nakalayong train ng sa wakas ay magkaroon na ako ng sapat na lakas ng loob upang humarap para lang matigilan ng makita kong nakatayo sa likuran ko ang lalaking sinadya ko pa talagang puntahan dito.


"Dirk..." Tawag ko dito.


Dallas...


Alam kong tawag din nito saakin sa isip lalo na't nababasa ko naman yun sa mga mata nitong wala mang kahit na anong emosyon ngayon ay alam kong may pagmamahal pa rin para saakin.


I'm sorry...


Hingi ko na agad dito ng tawad sa mga maaaring gawin ko sa hinaharap.



-----------------------------



"Kung ganun ay wala naman palang dahilan na para pag-usapan pa ang walang kwentang topic na ito." Si Mrs. Riyo Morie. "Tapos na ang kasong ito dahil si Mr. Nakamura naman pala ang naunang nagkaroon ng maitim na balak sa mag-asawa." Dugtong pa nito.


"Pero Mrs. Riyo Morie!?" Apila pa rin ni Mrs. Nakamura.


"Ikaw na muna pansamantala ang hahawak ng share ni Nakamura sa The Circle na mamanahin naman ng anak niya. There's no point for another war since nalahad na ni Mrs. Garrison ang lahat ng katotohanan at willing siya na hindi na magpakita pa saatin kahit na kailan sa oras na hilingin mo yun basta't hindi madadamay ang asawa niya sa kaso." Sagot dito ni Mrs. Riyo Morie.


"Subalit mag-asawa sila! Ang kasalanan ng isa ay—"


"Hindi kasalanan ng asawa." Putol at dugtong ni Mr. Allejo sa sinasabi nito.


"Agree..." Si Ms. Santiago.


"Meeting abjured?" Tanong ng magkapatid na Mondragon na para bang mino-mocked pa si Mrs. Nakamura.


"Meeting adjured." Pagtatama dito ni Mrs. Riyo Morie.


Luhaang napatayo nalang tuloy si Mrs. Nakamura't tinanggap na sa wakas ang pagkatalo nito sa kaso ng kanyang asawa. Nagbigay galang kami pare-pareho sa isa't isa at nagpaalam.


Sa halip na makipagkamay na kila Mrs. Riyo Morie ay mabilis na hinabol ko si Mrs. Nakamura ng mapansin kong umalis na ito matapos nun.


"Mrs. Nakamura!" Habol ko dito.


Hinarangan panga ako ng mga tauhan nito na mabilis namang tinapatan ng mga tauhan ni Dirk bilang si Derit Garrison.


"Mrs. Nakamura!" Tawag ko dito sa pagitan ng mga kalalakihang nakaharang saamin.


Ilang segundo din itong nag-isip bago ako lingunin sa wakas at senyasan ang mga tauhan nitong pabayaan muna kami. Tulad nito ay ganun din ang ginawa ko sa mga tauhan ni Dirk para bigyan kaming dalawa ng privacy.


"Anong kailangan mo?" Malamig ang boses na tanong nito.


"I'm sorry for what I've done to you and to your son but I won't sorry for killing him that day." Matapang na sagot ko dito.


Nakita kong tila hindi ito makapaniwala sa sinabi kong yun ng magsalita muli ako para itama ang sinabi ko.


"Your husband is a monster, Mrs. Nakamura." Seryosong anas ko. "I killed him accidentally but I think that he deserved it anyway. Palagi ka niyang sinasaktan physically, emotionally and even mentally. He's training his son to be a tyrant rather than to be a great businessman. I'm not saying that you should be thankful sa nagawa ko but I'm saying na you have to look in the good side of it..." Dugtong ko.


"Alam ko yan, Mrs. Garrison." Iwas nito ng tingin saakin.


"Listen, I'm not asking you to forgive me but I'm asking you na sana'y huwag munang guluhin si Derit Garrison dahil lang asawa niya ako. I will divorce him as soon as I could para lang mawalan ako ng koneksyon sakany—"


"Hindi muna kailangang gawin yan, Mrs. Garrison." Mabilis na putol nito sa sinasabi ko. "You're right... He's a monster and I should be thankful to you. Nabigla lang siguro ako sa mga nangyayari kaya hiniling kong kasuhan kayong mag-asawa." Dugtong nito.


"No!" Mabilis na pag-iling ko. "You have all your rights to file a case since you love that man more than anything in this world." Dugtong ko.


Ngumiti ito ng mapait.


"Sometimes, it's really hard to love someone you can't isn't it?" Tanong nito na hindi ko naman nagawang masagot.


Yun lang ang huli nitong sinabi at iniwan na ako nitong tulala sa kinatatayuan ko't napapaisip sa sinabi nito.


Aminin ko man sa hindi ay bigla ko nalang nakita ang sarili ko sa asawa ni Nakamura...


Just like her...


I can't love him...


Even though I love him.


Dirk...


Tawag ko dito sa isip.


"Mrs. Garrison."


Mabilis pa sa alas-cuatro na lumingon ako matapos kong marinig ang pag tawag saakin ni Mrs. Riyo Morie para lamang matigilan ng makita kong naglalakad na ito ngayon palapit saakin kasama ng The Circle partikular na ni Dirk.


"Mrs. Riyo Morie." Tawag ko din dito.


"I hope na walang alitan ka nanaman na muling sinilyaban while talking to Mrs. Nakamura a while ago." Makahulugang wika ni Riyo Morie.


Tila hindi pa rin yata nito gusto ang guts ko dahil sa nagawa kong kasalanan dito at ganun na din sa grupo niya kung saan nadamay ang isa sa pinaka paborito niyang miyembro ng sirkulo.


"Wala naman po, Mrs. Riyo Morie." Formal na sagot ko dito. "In fact, inayos ko panga po ang natitira pang gusot." Dugtong ko pa.


"Very well then." Taas ang isang kilay na sagot nito. "Kung ganun, wala na akong nakikita pang rason ngayon para pumarito ka pa. I heard na balak niyo na rin naman maghiwalay ni Mr. Garrison, soon from now—"


"Kami na ang bahalang pag-usapan ang bagay na yan, Mrs. Riyo Morie." Seryosong putol ni Dirk sa sinasabi nito.


Sukat dun ay bahagyang natuwa naman ako sa inakto nito.


"Nga naman, honey." Sangayon ni Mr. Seichen sa sinabi ni Dirk. "Sila ang mag-asawa kaya sila dapat ang mag-usap patungkol sa mga susunod nilang hakbang." Dugtong pa nito.


"Hmmmm... Ganun ba?" Walang gana na anas ni Riyo Morie. "Kung ganun ay mauuna na ako sainyo." Paalam na nito saamin dito sa Dark Building na pag-aari ni Dirk at kung saan ginanap ang meeting. "And by the way, Derit? Ngayong nanalo kana sa kaso ay sisiguraduhin ko muli ang proteksyon niyong mag-ina habang naririto pa kayo sa planeta ko. Yun nga lang ay hindi ko alam kung hanggang saan ko matutulungan ang ina mo lalo na't ako naman ang mapapalaban kung sakali sa hinaharap." Malungkot na paalam nito.


Para naman akong nahabag muli kay Dirk buhat sa masamang balita na ipinaalam ni Riyo Morie na yun.


Knowing him!


Mas mahalaga pa dito ang mama nito higit sa kahit na sino pa man.


"I understand." Seryosong sagot ni Dirk.


"But I'll help you guys as long as I can." Pangako ni Riyo Morie.


"Thank you, Mrs. Riyo Morie." Bigay pugay at pasasalamat dito ni Dirk na mabilis ko namang ginaya bilang asawa pa rin nito.


Yun lamang at umalis na si Riyo Morie.


Kasunod ng paglisan nito ang siyang paglisan na din ng iba pang miyembro ng sirkulo at ilang sandali lamang ang lumipas ay kami-kami nalang nila Dirk ang natira dito.


"Mag usap tayo mamaya."


Mabilis na nilingon ko si Dirk ng marinig kong mag salita ito para lamang mapunit ng hindi na maabot ng aking paningin ang mga mata't tingin nito.


Tanging likod na lamang kasi nito ang siyang nakita ko na naglalakad na ngayon palayo saakin.


Dirk...


Malungkot na tawag ko dito sa isip.


Mas mabuti panga siguro na ganito nalang ang kahantungan nating dalawa.


Malungkot na dugtong ko.



....................................

Continue Reading

You'll Also Like

827 55 11
In someone's life, you'll always be the antagonist. So why not be the protagonist of your own story instead of wanting to be the main character of th...
99.8K 3.5K 61
"You Dont Know The Consequence Pagnagmahal Ang Isang Bampira Sa Isang Tao, Accept The Consequence Or Yung Taong Mahal Mo Ang Magsasakripisyo"-Vampire...
1.7M 71.9K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
621 107 15
Ralna was once the prettiest and the most powerful fairy in the kingdom of Vadronia. Pero nagbago ang lahat ng tumapak sya sa lupa ng mga tao para ta...