Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 47

2.1K 108 112
By Missloorh

Blaire POV

Pansamantalang maayos ang araw namin dahil kahit papano ay nasulusyonan ang problema. Kasama namin si Josh at di ko talaga alam kung bakit. Sabi niya'y wala namang masama ang sumama sa misyon namin. Wala naman daw siyang gawing ikakapahamak naming lahat kaya ayun, pinayagan siya nilang Scarllet at ng iba ngunit pakiramdam ko labag iyun kay Four o baka imahinasyon ko lamang iyun.

Naglalakad ako ngayon habang tinitingnan ang bawat sulok ng nayon na ito. Lahat ng tao ay may kanya kanyang ginagawa. May nahagilap naman akong isang binatilyong nakatayo sa lupang walang bahay ngunit namangha nalang ako dahil may lumitaw doong isang di kalakihang bahay. Kung ganun, ilusyon lang pala na walang bahay ang nakatayo roon. Nga naman, ano paba ang aasahan ko? Ito ang Liusonous village. Lahat ng taong imortal na naninirahan dito ay may kakayahan na gumawa ng ilusyon.

Agad akong nagbaba ng tingin nang may humila sa aking damit. Nakita ko naman ang isang batang babae na madungis. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Naawa naman ako dito kaya lumuhod ako para pantayan siya.

"Hi little girl, saan mga magulang mo?" masuyong tanong ko sa kanya. Umiling-iling naman siya kaya nangunot ang aking noo.

"May kamag-anak kaba?" nag-alalang tanong ko ulit.

"Wala po" mahinang sabi niya bago siya yumuko. Napakagat nalang ako ng iibang labi dahil sa awa. Kung ganun, wala na itong mauuwian.

"Wala kaba talagang kakilala?" mahinang tanong ko at umiling-iling na naman siya. Nako, anong gagawin ko? Di naman pwedeng isama ko siya sa misyon.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Hazel po" magalang niyang tugon.

"Ahmm pwede ko po ba kayong maging Mama?" mahinang dugtong niya at ramdam ko ang kanyang hiya. Napaawang ang bibig ko doon. Ako? Magiging Ina niya? Ngunit wala namang mawawala sa akin kung pagbigyan ko ang kahilingan niya.

"Ah-eh wag nalang_" magsasalita pa sana siya ay agad ko naman iyung pinutol.

"Sige, simula ngayon ako na ang iyung Mama" pinilit kong ngumiti para ipahiwatig sa kanya na totoo ang sinabi ko. Iwan ko ba, di ko talaga magawa ang ngumiti ng totoo.

"Totoo?!" nagliwanag naman ang kanyang mukha at sumilay sa kanyang mga labi ang galak. Tumango naman ako at dinakma naman niya ako ng yakap. Niyakap ko ito pabalik dahil parang may kung ano sa dibdib ko. Parang may humaplos doon. Lumipas ang ilang segundo ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiti niya akong hinarap.

"At dahil may Mama na ako, maghahanap na naman ako ng magiging Papa ko" natutuwang niyang sabi at papalag na sana ako nang agad niya akong hinila. Ang lakas naman ng batang ito para matangay ako.

"Hazel, di naman ata kaylangan ng Papa pa diba?" masuyong tanong ko habang hila hila parin niya ako. Napakagat ako sa labi dahil hindi ako nito kinibo. Huminto siya kaya napahinto narin ako.

"Pssst!" nangunot naman ang aking noo nang sumitsit siya habang nakatingala. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at unang nakita ko ang nakatalikod na lalaki. Nakaharap ito sa patay na gubat. Napalunok ako dahil sa kulay nitong buhok.

Agad akong umiling-iling at naramdaman kong kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Pasimple kong hinila ang kamay ni Hazel ngunit di ito nagpaawat, sa halip ay hinila nito ang damit ng kaharap namin ngayon. Halos dumugo ang mga labi ko dahil sa aking pagkagat. Kinakabahan ako lalo na't unti unti itong humarap. Ano ba itong napasok ko?

"What?" ilang ulit akong napalunok dahil sa tono ng kanyang boses na parang mas malamig pa sa yelo. Dahan dahan ko itong tiningnan sa mukha at nakasalubong ko naman ang walang emosyon niyang mga mata.

"Hi po! Ang gwapo niyo po" nakangiting komento ni Hazel kaya nagbaba ng tingin si Four.

"What do you want?" malamig niyang tanong kay Hazel. Himala dahil hindi niya kasama ngayon si Divine. Katahimikan naman ang namamayani sa amin at maya maya ay isang iyak ng bata ang nangingibabaw.

"Waaahhhhh huhuhuhuhuhu ang sama mo po! Huhuhuhuhuhu bakit ka galit po? Huhuhuhuhuhu" umiyak saad ni Hazel. Nataranta naman kaming dalawa at sabay kaming yumuko kaya nagbungguan ang mga noo namin. Napadaing kami pareho. Nang napagtanto ko ang nangyari ay agad akong lumayo sa kanya at marahas siyang nilingon ngunit ganun din pala siya. Nanlilisik ang kanyang mga mata at agad itong tumayo ng maayos. Napaismid nalang ako at hinarap si Hazel na ngayon ay kinukusot ang mga mata habang umiiyak.

"Hazel, tahan na. Wag kanang umiyak" pagtatahan ko sa kanya at niyakap siya sabay himas ko nito sa kanyang likod.

"Huhuhuhuhuhu b-bakit galit po siya Mama? Huhuhuhu wala naman akong ginawang masama huhuhuhuhuhu" umiiyak niyang tanong sa akin. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya bago siya hinarap. Inayos ko ang kanyang mukha at pinahiran ang kanyang mga luha.

"Ssshhh di siya galit Hazel, sadyang ganun lang siya kaya tahan na" sabi ko. Tiningnan naman niya ako sa mga mata at siya na mismo ang nagpahid sa kanyang mga luha. Pumunta ito sa aking likuran kung saan si Four. Tumayo naman ako at hinarap sila.

"Kuya, pwede po ba kayong maging Papa ko?" nakangiting tanong ni Hazel at napaubo nalang ako. Tumaas naman ang isang kilay ni Four.

"And why me?" supladong balik tanong niya kay Hazel. Napakagat nalang ako ng iibang labi.

"Dahil maganda ang Mama ko, kaylangan gwapo din ang Papa ko" pagmamalaki ni Hazel at nilingon ako ngunit agad din niyang binalik ang tingin kay Four.

"And she's your mother?" kunot noong tanong ni Four kay Hazel habang ang mga mata niya ay nakatutok sa akin kaya nakaramdam naman ako ng medyo pagkailang.

"Opo" kaswal tugon ni Hazel.

"Kung ayaw niyo po, dun nalang sa Mamang nakatayo sa unahan" dismayadong dugtong nito at itinuro ang unahang sinasabi niya. Tiningnan ko naman ito at nakita ko doon si Josh. Agad akong tumango tango, mas gugustuhin ko pa si Josh nalang ang magiging kasama ko sa pagiging temporaryong magulang ni Hazel.

"Tayo na Hazel, si Josh nalang" yaya ko sa bata at hihilain ko na sana ito nang nagsalita si Four.

"No!" pasigaw tutol niya kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakasalubong ko naman ang mga mata niya ngunit agad din siyang nagbaba ng tingin para kay Hazel.

"I mean, yes I can be your Father" pagtatama niya at iniwasang matingnan ako. Napataas naman ang isa kong kilay. Agad niyang kinuha ang kamay ni Hazel at tumayo ng matuwid ngunit nakatingin na ito sa unahan na parang wala lang nangyari. Ngunit nahagilap ko na naging malikot ang kanyang mga mata at siguro'y nahalata niya ako ay agad itong bumalik ng tingin sa unahan.

"Yehey! May Papa't mama na ako!" masiglang sabat ni Hazel. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may mainit na palad na lumapat sa aking mga palad. Parang may kuryenteng rumagasa sa aking kalamnan. Agad akong napatingin doon at nakita kong si Hazel ang may kagagawan kung bakit magkahawak kamay kami ni Four.

Bawiin ko na sana ang aking kamay ay agad namang tumutol si Hazel.

"Mama, ganyan lang dapat. Wag kayong bibitiw sa isa't isa ah" nakangiting sabi ni Hazel. Napalunok nalang ako bago ko binalingan ng tingin si Four. Nakasalubong ko naman ang nagaapoy niyang mga mata. Para akong nahipnotismo sa paraan ng pagtitig niya. Siya na mismo ang nagiwas ng tingin kaya natauhan naman ako.

"Tayo na! Pasyal na tayo" masiglang yaya ni Hazel at hinila ako palakad kaya nahila ko din si Four. Habang naglalakad kami may nadadaanan kaming mga tao. Samantalang ang atensyon ko naman ay nasa kamay ko dahil unti unti nalang humigpit ang pagkahawak ni Four sa aking kamay, na parang takot itong mabitawan. Ayaw kong ipalagay na gusto rin niyang makasama ako ngunit itong mga pisngi kong nagsimulang naginit at tiyan ko na parang may paru-parong lumilipad ay nagpapatunay na umaasa parin ako. 

Sa tagal ng aming paglalakad napagtanto kong parang walang katapusan ang lugar ng nayong ito, bagamat ganun parin. May mga tao, may mga bahay ngunit nangunot ang noo ko dahil niisang mga taong nadadaanan namin ay di ko maramdaman ang kanilang mga presensiya. Di ko nalang iyun pinansin sa halip ay ibinuka ko ang aking bibig.

"Hazel, saan ang tungo natin?" tanong ko at nilingon naman niya ako na may ngiti sa mga labi.

"Sa bahay ko po" masiglang tugon niya at itinuon muli ang atensyon sa kanyang dadaanan. Nangunot ang noo ko dahil dun. Sabi niya wala siyang pamilya ngunit bakit nagkaroon siya ng bahay? Maaari ding namatay ang mga magulang niya at bahay lamang ang natitira sa kanya.

Sa tagal ng aming paglalakad ay mas lalong kinain ako ng pagtataka. Samantalang si Four naman ay tahimik lang nakasunod. Wala paring nagbago. Huminto si Hazel sa tapat ng isang di kalakihang bahay kaya napahinto narin kaming dalawa.

"Ito na po ang bahay ko at magiging bahay natin" nakangiting saad ni Hazel. Napakagat nalang ako ng iibang labi dahil di naman kami magtatagal rito. Hinila naman niya kami papasok ngunit naramdaman kong may mali talaga. Pagkapasok namin ay agad kong nilibot ang paningin. Simple ngunit magandang tingnan ang loob ng bahay na ito. Napatingin ako sa bintana at nangunot ang noo ko dahil nakikita ko sa labas ang mga patay na puno. Medyo makulimlim narin.

Agad akong napatingin kay Four bago ako bumitaw sa pagkakahawak nila. Lumapit ako sa bintana at nagulat nalang ako dahil walang niisang bahay ang nakikita ko. Wala ding mga tao. Agad kong binalingan ng tingin si Hazel at nasilayan ko ang pagngisi niya. Ano ang lahat ng ito? Ilusyon?

"Hazel anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Wala naman po, gusto ko lang magkaroon ng mga magulang" bigla nalang siyang nalungkot at nagbaba ng tingin. Napatingin ako kay Four na ngayon ay nakakunot lang ang noo.

"Pero hindi din kami magtatagal, sa katunayan ay luluwas kami bukas patungong Waterous village" pagpapaliwanag ko dito. Napaatras ako ng kaunti nang nag-angat ng tingin si Hazel at nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit.

"Hindi! Walang aalis dito hanggat hindi ko pinahintulutan!" galit niyang sigaw at agad itong tumakbo papasok sa isang pintuan.

"Hey? What the hell is happening?" naguguluhang tanong ni Four ngunit hindi ko ito sinagot. Agad akong lumapit sa pintuan palabas, sinubukan ko itong buksan ngunit hindi ako nagtagumpay. Pinalo palo ko ito. Napamura nalang ako sa isipan at nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko.

Lumayo ako sa pinto at sinubukan kong batuhan ito ng yelong bola ngunit nagulat nalang ako dahil walang lumabas galing sa akin. Nilapitan naman ako ni Four.

"Threes? What the hell are you doing?" takang tanong niya. Napatigil ako saglit dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan. Ang sarap iyun sa pandinig. Para din siyang natuod dahil siguro napagtanto din niya ang kanyang naitawag sa akin. Kumurap ako at binaliwala nalang iyun dahil may mas mahalaga kaming pagtuunan ng pansin.

"Hindi mo ba nahahalata kanina? Four, nasa bingit tayo ng kapahamakan at ngayon nakulong tayo dito. Lahat kanina ay ilusyon lahat ng yun. Si Hazel, siya ang may kagagawan nito at ngayon hindi gumana ang aking kapangyarihan" paliwanag ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag-igting ng kanyang panga. Sinubukan din niya ang magpalabas ng kapangyarihan ngunit ganun parin ang nangyari. Wala na akong ibang naisip kundi naka selyado ang kapangyarihan namin sa loob ng bahay na ito. Sino si Hazel? Anong kapangyarihan na meron siya? Naramdaman kong malakas siya.

Tumakbo ako at papuntang pinto kung saan pumasok si Hazel. Naramdaman kong sumunod naman si Four. Pumasok kami at tumambad sa amin ang madaming laruan na nagkalat. Isa itong silid ng bata pa lamang. Nilibot ko ang paningin ngunit wala akong nakitang bakas ni Hazel. Napaigtad ako nang biglang sumara ang pintuan. Agad sinubukan ni Four na buksan iyun ngunit nabigo lamang siya. Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Ano ba naman ito? Nakasama ko nga ang taong mahal ko ngunit sa ganito namang sitwasyon.

Umiling-iling ako. Hindi pwedeng susuko nalang ako dahil kaylangan kaming makalabas dito. Maaaring hinanap na nila kami.

"Hazel! Magpakita ka! Ano ba talaga ang gusto mo?!" sigaw ko sa kawalan. Katahimikan naman ang sumagot sa akin ngunit maya maya may narinig kaming nakakakilabot na kanta ng isang bata na dumadagundong sa buong silid.

Nanay, tatay
Gusto ng tinapay
Ate, kuya
Gusto ko ng kape
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo
Ang magkamali ay susunugin ko
Isa, dalawa, tatlo, apat!

Hihihihihi hihihihihi

Napalunok ako dahil sa bawat detalye ng kanta. Ang gusto niya ba ay susundin namin ang gusto niya? Hindi, hindi maaari ngunit kung hindi namin iyun susundin ay maaaring isa sa amin ay mapapahamak. Napalinga-linga ako sa paligid dahil umilit na naman ang kanta.

Nanay, tatay
Gusto ng tinapay
Ate, kuya
Gusto ng kape
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo

Umiling-iling ako habang walang tigil sa pagkanta ang boses ni Hazel. Tinakpan ko ang aking dalawang tenga. May naramdaman naman akong mainit na kamay sa magkabilang balikat ko kaya lumakas naman ang aking loob. Tinanggal ko ang aking mga kamay sa aking mga tenga.

"Tumigil kana! Ano ba ang gusto mo?" pasigaw kong tanong sa kawalan. Narinig ko naman ang nakakakilabot niyang hagikhik.

Mama, papa
Tulog na kayo

Hihihihihi hihihihihi

Napaawang ang aking bibig dahil dun. Napatingin ako kay Four.

Gusto ko tabi kayo

Hihihihihi hihihihihi

Kitang kita ko ang paglunok ni Four. Nagiwas ako ng tingin at dahan dahang humakbang papuntang kama. Pumaibabaw ako doon at tumingin muli kay Four. Siguro naman naintindihan niya ang gustong ipahiwatig ni Hazel. Humakbang siya papalapit sa aking gawi at unti unting nawala ang emosyon niya sa mga mata. Tumabi siya sa akin at humiga. Bumuntong hininga ako saka humiga sa tabi niya.

Nakatuon lang ang aking mga mata sa kisame. Nakaramdam narin ako ng pagkailang. Ngunit sa kalaunan ay bumigat ang talukap ko at maya maya ay tuluyan akong nilamon ng dilim.

Nagmulat ako dahil sa ingay ng tawanan. Nangunot ang noo ko dahil wala sa tabi ko si Four. Bumaba ako ng kama at sinubukan kong buksan ang pinto. Nagtaka ako dahil nabuksan ko ito ng walang kahirap hirap. Tinunton ko kung saan nanggaling ang tawanan na iyun. Napunta ako sa silid kainan at tumambad sa akin ang masayang kumakain na isang lalaki, babae at bata. Teka, si Hazel ang batang ito.

Nagtataka naman ako dahil parang hindi nila ako nakikita. Masayang masaya silang kumakain.

"Huy! Mga salot! Lumabas kayo!"

"Ilabas niyo ang batang iyan!"

"Lumabas kayo!"

"Kaylangan mamatay ang batang iyan!"

"Demonyo mage yang batang iyan kaya dapat mamatay!"

"Hindi kayo nababagay dito!"

Takot at pagkataranta ang nakikita ko sa mga mata ng mga magulang ni Hazel. Anong mga sinisigaw ng mga taong nasa labas? Demonyong mage si Hazel? Anong ginawa niya para pagsabihan siya ng ganun.

Niyakap si Hazel ng mga magulang niya. Nagsimulang narin siyang umiyak.

"Mahal, paano na ito?" halos mangiyak-ngiyak tanong ng babae sa asawa niya.

"Hindi tayo lalabas" matigas tugon ng lalaki.

Nataranta sila pati nadin ako nang may umusok at amoy sunog ang paligid.

"Mahal! May apoy!" tarantang-taranta sigaw ng babae. Mas lalong naiyak si Hazel dahil sa takot. Nilukob ng takot ang pagkatao ko nang may kumalap na apoy. Bakit ganito ang galit ng mga tao sa kanya?

Nataranta ako, gusto ko silang tulungan ngunit di ko magawa. Nag-iyakan ang mag-ina dahil sa takot at niyakap ang isa't isa, samantalang ang lalaki ay naghanap ng paraan para makalabas. Bakit hindi sila gumagamit ng kapangyarihan? Napaigtad ako dahil nabagsakan ang ama ni Hazel ng nag-aapoy na kahoy.

"Mahal!"

"Papa!"

Sigaw ng mag-ina at nakita kong nagpalabas ng wand ang Ina ni Hazel. Ikinumpas niya ang kanyang wand ngunit mas lumala lamang ang pangyayari dahil nagsanhi ito ng pagyanig ng paligid at mas lalong lumakas ang apoy. Kung ganun, dahil sa lakas ng kanilang kapangyarihan ay di nila iyun makontrol kontrol? Napasigaw nalang sa pagiyak ang mag-ina. Nilukob ang puso ng matinding awa. Nabalutan na ng apoy ang paligid.

"Hindi!" wala sa sarili kong sigaw nang nadapuan na ng apoy ang mag-ina. Takot at awa ang namamayani sa aking puso. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang umiling-iling. Gusto ko silang iligtas.

"Hey Threes, wake up"

"Please wake up" napamulat ako ng mga mata dahil sa boses na iyun. Wala sa sarili akong nag balikwas sa pagkakahiga habang humihingal. Nilibot ko ang paningin at napagtanto kong nasa silid lang ako. Walang apoy, wala sila. Kung ganun panaginip lang iyun? Ngunit malakas ang kutob kong totoo ang pangyayaring iyun at ipinapakita lamang sa aking panaginip. Patay naba si Hazel? Ano ang puno't dulo ng pangyayaring iyun?

"Hey, you okay?" napalingon ako sa aking gilid at nakasalubong ko naman ang nag-alalang mga mata ni Four. Unti unti akong nabalik sa reyalidad ngunit agad din akong napatitig sa maamo niyang mukha. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang unti unting bumaba ang aking tingin patungo sa nakaawang niyang mga labi.

Ilang ulit akong napalunok. Para akong nabingi sa kabog ng aking dibdib. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Titig na titig ako sa mga labi niya na parang inimbita ako nito. Nawala ako sa aking sarili at agad kong tinawid ang distansyang namamagitan sa amin. Lumapat ang mga labi ko sa mga maiinit niyang labi. Para namang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Naramdaman ko na parang natuod siya sa aking ginawa. Hindi ako gumalaw ngunit nanatiling nakalapat ang aking mga labi.

Nabalik ako sa reyalidad nang gumalaw ang mga labi niya kaya agad akong lumayo. Agad akong tumalikod sa pagkakaupo. Napahawak ako sa dibdib dahil parang may nagkarerang mga kabayo doon. Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi dahil  parang kasing init ito ng araw sa malapitan. Anong nagawa ko? Bakit ko iyun ginawa?

Napasinghap ako nang may humila sa akin kaya napaharap ako sa likod at nanlaki ang aking mga mata nang may mapangahas na labing sumakop sa mga labi ko. Parang hayok na hayok itong humalik sa mga labi ko. Nanghihina ang buo kong pagkatao. Parang lahat ng nasa isip ko ay tinangay na ng hangin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking batok kaya mas lumalim ang paghalik niya sa akin kahit hindi ako tumugon. Napaungol ako nang marahan niyang kinagat ang aking labi. Natalo ang aking sarili sa isang tentasyon dahil napagtanto ko nalang na tumugon ako sa halik niya. Naging masintahin ang halik niya kaya tinugunan ko rin iyun ng buong puso. Bumaba ang halik niya sa aking leeg kaya napaungol nalang ako. Napatigil ako nang sumagi sa aking isipan na hindi pwede ang ginagawa namin. Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang naitulak.

Agad akong napatingin sa kanya at nakita ko sa kanyang mga mata na hindi din niya inaasahan ang nangyari.

"Sorry" sabay naming usal. Mas lalong uminit ang pisnge ko. Mabuting may kadiliman ang silid na ito dahil baka makikita niya kung gaano kapula ang aking mukha.

"Patawad, kasalanan ko ang lahat" mahinang sabi ko muli.

"No, I should be the one to say sorry about what happened" taos niyang sabi. Katahimikan naman ang sumagot sa kanya dahil hindi ako nakapagsalita. Napatitig na naman ako sa mga labi niya dahil natamaan iyun ng sigaw ng buwan na nanggaling sa labas ng bintana. Napalunok ako at natagpuan ko nalang ang sarili na nakakandong sa kanya habang humalik sa kanyang mga labi. Para akong na addict dito. Agad naman siyang tumugon at naging agresibo ang bawat galaw ng mga labi namin.

Hindi kayo nararapat para sa isa't isa dahil may nakatakda na sa kanya napatigil na naman ako dahil bigla nalang sumagi sa aking isipan ang palaging pinaalala ni HM sa akin. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagbalik ko sa katotohanan.

Mabilis pa sa isang segundo akong humiwalay sa kanya at natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakaupo sa sahig. Habang ang mga mata ay dilat na dilat parin. Di ko man lang maalala kong bakit ako nakarating sa sahig. Dahan dahan akong tumalikod para hindi siya makita. Taas, baba ang aking dibdib. Para akong tangang nakaupo habang nakaawang ang bibig. Ang tanging nasa isip ko ay kaylangan kong lumayo sa kanya ng ilang distansiya. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari at napakahirap iyung ipasok sa kukote ko. Iwan ko ba, kapag nakikita ko siyang kasama ni Divine nasasaktan ako tapos ngayon na solong solo ko na siya ay nilamon naman ako ng konsensya. Minsan di ko na talaga naintindihan ang aking sarili. Sana ako nalang ang itinakda para hindi ako manghinayang na mahalin siya ng malaya.

"Damn, fuck this" narinig ko naman ang malutong na mura ni Four. Galit ba siya? Saan? Gusto ko itong lingunin ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil baka mauulit na naman ang pangyayari. Iwan ko ba, bawat tingin ko sa mga labi niya para itong nanunuyong halikan.

Ilang minuto ang lumipas ay naging tahimik narin ang paligid. Kumalma narin ang aking sarili. Dahan dahan kong nilingon si Four. Tiningala ko ito sa kama at nakita kong nakahiga na ito. Dahan dahan akong tumayo at naglakad habang naka kingking ang mga paa. Marahan akong pumaibabaw sa kama. Nakatulog na pala ang lalaking ito. Dahan dahan akong humiga dahil baka magising ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil matiwasay akong nakahiga. Tahimik akong huminga ng malalim saka pumikit.

Rinig na rinig ko ang ingay ng mga kuliglig sa labas, pati narin ang ihip ng hangin. Para akong nakaramdam ng pagkaluwag at unti unti narin akong nakaramdam ng antok. Gulat akong nagdilat ng mga mata nang may mabibigat na brasong bumagsak sa aking tiyan. Napalunok ako. Di ko na siguro mabilang kung ilang ulit akong napalunok ng laway sa araw na ito. Kung ilang ulit nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Naramdaman kong may mainit na hininga sa aking pisngi kaya dahan dahan akong napalingon rito.

Nakasalubong ko naman ang maamong mukha ni Four. Tulog parin ito. Para itong walang kaalam alam sa nagawa niya. Mapapatitig na sana ako sa mukha niya ngunit agad kong nilabanan ang sarili dahil baka may magawa na naman akong di ko inaasahan. Dahan dahan kong hinawakan ang braso niya at tatanggalin ko na sana ito sa ibabaw ng aking tiyan ay niyakap naman niya ako at kinabig papalapit sa kanyang katawan. Halos nakalimutan kong huminga dahil sa gulat. Lumipas ang ilang segundo ay ganun parin ang posisyon namin. Pilit kong isinaksak sa kukote na hindi ito intensyon ni Four dahil tulog naman ito kaya unti unti akong nakahinga ng maluwag hanggang sa tuluyan akong kumalma.

Dahil sa init ng katawan niya ay para akong pinatulog nito. Bumigat na aking talukap hanggang sa tuluyan akong nakatulog. 

"Hazel! Ilabas mo ang aming dalawang panauhin!"

"Hazel! Wag mo silang idamay!"

"Parang awa mo na! Ilabas mo sila!"

"Di kayo papakinggan sa masamang ispirito na yan!"

"Sugurin niyo na ang bahay na iyan!"

Napamulat ako ng mga mata dahil sa mga sigaw na iyun na nanggaling sa labas. Agad akong napatingin sa bandang dibdib ko dahil may mabigat doon at napalunok nalang ako dahil mukha ni Four ang sumalubong sa akin. Tulog na tulog itong nakaunan sa dibdib ko habang nakayakap sa aking katawan. Napakagat ako ng iibang labi at marahan kong tinapik tapik ang kanyang pisngi.

"Fout, gising na" pagpukaw ko dito. Gumalaw galaw naman ang ulo niya at napapikit nalang ako dahil tila minamasahe nito ang dibdib ko.

"F-four g-gumising kana" nauutal kong sabi at lumunok ako ng laway bago minulat muli ang mga mata. Nasilayan ko naman ang unti unting pagmulat ng kanyang mga mata. Agad nabaling ang tingin ko sa ibang dereksyon nang biglang may liwanag na pumasok sa silid. Sa tantiya ko ay nabalutan ang buong bahay na ito ng puting liwanag. Nataranta ako. Anong nangyari? Agad kong itinulak si Four at nagmamadaling bumaba ng kama.

Ahhhhhhhhhh! Aaahhhhhhhh!
Ang sakit!!!! Ahhhhhhhhhh!
Tama na!!!!!!!

Agad akong naglibot ng tingin nang narinig ko ang sigaw ni Hazel na parang nahihirapan ito dahil sa sakit. Bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hazel!" sigaw ko sa kawalan. Tama na ang pagdudusa niya. Masyadong masalimuot ang kanyang karanasan.

Ahhhhh tama na!
Mama! Papa! Ahhhhhh tulong!

Para akong tanga dahil pabalik balik ang takbo ko sa silid na ito dahil hindi naman ako makalabas. Gusto kong hanapin si Hazel. Naintindihan ko na kung bakit niya ito ginawa. Nakaramdam ako ng matinding awa dito.

"Hey what's going on?" takang tanong ni Four na nasa harapan ko. Nilagpasan ko lang siya at di pinansin.

Patakbo akong lumapit sa pintuan at sinubukan ko muli itong buksan ngunit wala paring nangyari. Napasipa nalang ako dito dahil sa inis.

"Hazel! Magpakita ka! Naintindihan ko na ang lahat!" sigaw ko muli sa kawalan. Maya maya may narinig akong iyak ng bata sa likod ko. Agad akong napalingon dito at nakita ko sa sahig ang umiiyak na bata. Si Hazel ito kaya agad ko siyang nilapitan. Lumuhod ako para pantayan siya.

"Hazel, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nagalala kong tanong sa kanya. Medyo nagulat ako nang agad siyang nag-angat ng tingin at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Mama, ang sakit. Yung kapangyarihan ng kaibigan mo, ang sakit huhuhuhu" umiiyak niyang sabi na may halong takot at kitang kita ko iyun sa mga mata niya. Kung ganun ang liwanag na ito ay nagmula sa isa sa mga kasamahan ko?

Tumango tango ako habang hinawakan ang mga pisngi niya. Agad ko siyang niyakap nang humiyaw na naman siya sa sakit. Mahigpit ang pag kayakap ko sa kanya at nagsimula naring tumulo ang mga luha ko. Anong magagawa ko? Wala akong kapangyarihan dito sa loob.

"Hazel, tama na. Kalimutan muna ang lahat, palayain mo ang sarili mo sa masalimuot mong nakaraan. Alam kong mahirap ngunit mas mahirap itong ginawa mo" mahinang sabi ko sa kanya. Umiiyak lang siya habang nakayakap sa akin.

"Naniwala akong may kabutihan ka sa iyung puso Hazel" mahinahong dugtong ko. Kumalas siya sa pag kayakap sa akin at agad niyang hinawakan ang ulo ko. Napapikit nalang ako nang may lumitaw ng mga imahe sa aking isipan.

Nakita ko si Hazel na naglalarong mag-isa sa tabi lamang ng nayon.

"Anong ginagawa ng pangit dito?"

"Naligaw ka siguro pangit"

Nakita kong may dalawang batang lalaki at babae na lumapit sa kanya. Dahan dahan namang tumayo si Hazel. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit at takot.

"Alam mo, ang isang kagaya mo ay di nababagay dito" talim sabi ng lalaking bata. Napaatras nalang si Hazel nang humakbang ang mga ito papalapit sa kanya. Tumakbo siya ngunit may dalawa na namang lalaking bata ang humarang sa kanya at agad nitong hinawakan ang dalawa niyang braso.

"Bitawan niyo ako! Wala naman akong ginawang masama" nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng dalawa. Lumapit naman sa kanya ang isang lalaki at isang babae kanina.

Napangiwi ako nang pinag suntok siya nito at pinag sampal. Nakaramdam ako ng matinding awa dito. Bakit ganito nalang kahirap ang naranasan niya?

Nagulat na lamang ako nang tumalsik ang mga batang nanakit sa kanya. Nakita ko ang galit sa mukha Hazel. Pumula ang mga mata niya. Nakita ko naman ang takot sa mga mata ng mga bata at kakaripas na sana ang mga ito sa pagtakbo ay nagsilutangan naman ito sa ere. Nanlaki ang mga mata ng mga ito at napahawak sa kanilang mga leeg na parang sinakal sila.

Naglabas ng wand si Hazel at marahas niya iyung ikinumpas at nagulat nalang ako nang nabalutan ang mga bata ng apoy. Humihiyaw ang mga ito sa sakit.

"Ang mga bata!" agad siyang napalingon sa isang ginang. Para siyang nabalik sa tamang wisyo dahil gulat itong napatingin sa mga batang unti unti ng namamatay. Bumagsak ang mga ito sa lupa ngunit di parin nawawala ang mga apoy.

Makikita mo ang takot sa mga mata ni Hazel kaya agad siyang tumakbo papalayo.

Napamulat ako ng mga mata nang lumayo na si Hazel sa akin. Nakakunot ang noo ko dahil sa mga luha kong nagsibagsakan. Masyado akong nadala sa pangyayari. Agad kong niyakap muli si Hazel.

"Hazel, alam kong di mo sinadya iyun ngunit di maikailang nagkasala ka parin. Wag mo ng dagdagan pa ang naging kasalanan mo Hazel, maawa ka sa sarili mo" emosyonal kong sabi. Kahit hindi niya kagustuhan iyun ay di parin mawawala sa katotohanan na nagkasala siya.

"Naniniwala ako na mabuti kang bata Hazel, patawarin muna sila. Tama na ang paghihirap mo, palayain mo na ang sarili mo" mahinang dugtong ko. Humagulgol siya sa pagiyak kaya hinihimas himas ko ang kanyang likod.

"Mahirap ang magpatawad ngunit mas mahirap ang magkimkim ng galit sa puso Hazel" taos kong sabi. Kumalas siya sa pagkakayakap ko. Pinahiran niya ang kanyang mga luha.

"Salamat Mama, salamat dahil hindi ka nagalit at kinamuhian ako. Sapat na sa akin ng may isang taong nakaintindi sa lahat ng nakaraan ko" mahinahon niya sabi at ngumiti ito ng totoo. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang tumango.

Kitang kita ko ang unti unti niyang paglaho ngunit nakangiti parin siya. Para siyang isang glitters na tinangay ng hangin hanggang sa tuluyan siyang naglaho.

Nakahinga ako ng maluwag. Hinding hindi ko makakalimutan ang batang iyun. Napakatapang, maunawain, inosente, at mapagmahal niyang bata. Dahan dahan akong tumayo habang pinahiran ang mga luha. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako doon. Nakabukas na nga ito. Nilingon ko si Four na ngayon ay maiiging nakatingin sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin at lumabas ng silid. Naramdaman kong sumunod naman siya. Mabuting hindi naman masakit sa mga mata ang liwanag na nakabalot sa buong bahay kaya malaya kaming nakalakad.

Nakalabas kami ng bahay kasabay ng pagkawala ng liwanag at nakita kong maguumaga na pala. Agad kong nakita ang mga kasamahan namin ni Four, kasama din nila ang iilang mamamayan ng nayon. Agad akong napalingon sa likod at nakita kong kusang gumuho ang bahay.

"Blaire!"

"Chaos"

"Love"

"Ang prinsipe!"

"Si Blaire"

Nabaling ang atensiyon ko sa likod at nakita kong patakbo nila kaming sinalubong ngunit nauna si Divine. Agad niyang niyakap si Four at hinalikan sa mga labi. Para namang tinusok ng kutsilyo ang puso ko ngunit binaliwala ko lang iyun. Napaigtad ako nang may yumakap sa akin. Agad din naman itong kumalas at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" nag-alalang tanong ni Josh sa akin. Umiling-iling nalang ako. Nakahinga naman siya ng maluwag at agad niya akong niyakap muli.

Habang nakayakap ako kay Josh, di ko sinadyang mapatingin sa gawi ni Four. Kitang kita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. Nag ngitngit ang kanyang mukha na parang handang handa na itong susugod. Nakita ko sa mga mata niya ang galit at selos kaya kumurap ako dahil baka halusinasyon ko lang iyun. Tiningnan ko siya muli at hahalikan na sana siya ni Divine ngunit agad niya itong iwinaksi. Tinalikuran niya si Divine na ngayon ay tulala. Napataas nalang ang sulok ng labi ko.

Lumabas narin ang pagiging seloso niya

@Missloorh

Aweeiiii umandar na naman kabalastugan ko hahahahaha

Sana nagustuhan niyo, lovelots muahhh!

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...