Nostalgic You (BL)

By winwinzen

14.4K 974 44

Boy Love Series #1 A nostalgic love story begins after the simple employee, Ry, meets their new promotional m... More

Nostalgic You
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Author's Note

CHAPTER 22

291 27 0
By winwinzen


"A-Anak, nandiyan ka na pala, kumain ka na ba?" tanong ni Mama ng mapatingin siya sa kinatatayuan ko. Sinubukan niyang maging kaswal.

"Syempre, busog 'yan, galing sa birthday party, eh, at naki-dinner pa" sarkastikong sabi ni Papa. Mas lalo akong kinabahan. "Ano, Ry? Masaya? Masaya ba ang trip sa Thailand? Sinong kasama mo? Kamusta ang anniversary?" baling niya sa'kin.

"Pa" usal ko't napapikit ng mariin. Malinaw na sa'kin na alam na niya ang lahat.

"Ano nga ulit yung rason mo kaya ka nag-leave ng ilang araw sa trabaho? Self vacation? To unwind? To explore Thailand?" sunod-sunod ang tanong niya. "Kalokohan!" sigaw niya na nagdulot sa'kin ng pagkagulat.

"Randy naman!" hinawakan ni Mama ang braso ni Papa. "Huwag mo namang sinisigawan ang anak mo! I'm sure may balak naman siyang sabihin ang lahat ng 'yon sa'yo!"

"Ang tanong, Kristina, kailan?! Kailan ba nito balak sabihin ang totoo!" he pointed at me. "May balak ka ba talaga, ha? May balak ka bang sabihin sa'kin, Ry?" tumingin siya sa'kin.

"Meron po" sagot ko, nakatungo pa rin ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

"Kung meron man, huwag mo ng ituloy! The picture that I saw tells it all, even his stories in his Instagram account" alam kong si Grix ang tinutukoy niya. "Hanggang kailan mo 'ko balak lokohin? Hanggang kailan ka magsisinungaling para lang sa lalaking 'yon, ha?!"

"I'm sorry, Pa" usal ko. Nagsisimula ng mag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Nagtataka ako kung bakit palagi kang wala sa oras ng hapunan, eh, mas nauuna ka namang umuwi kesa sa'kin. Tapos ang sasabihin mo, dinner with friends? Sinungaling! Dinner with your boyfriend, kamo!" sigaw nanaman niya.

"Sobra ka na, Randy!" angil ni Mama.

"Hindi ako! Itong anak mo ang sobra! Sobra kung magsinungaling!" he pointed at me again. "Hindi ako tumututol, Ry, wala akong sinabing hindi ko kayang tanggapin ang relasyon mo diyan sa lalaking 'yan, pero ang sa'kin lang, dapat sinabi mo kaagad, hindi yung ililihim mo pa!"

"What's going on? Kuya? Mama? Papa? Bakit nagtatalo kayo?" inosenteng tanong ni Ryle, halatang kakauwi pa lang dahil nakasuot pa rin siya ng uniform.

"You, go to your room!" utos ni Papa. Kahit nagtataka'y nagpatianod na lang si Ryle kay Mama paakyat sa kwarto niya. Kami ni Papa ang naiwan dito sa sala, at nasa ganoong posisyon pa rin kami. "Magsalita ka, papakinggan kita, kailan pa naging kayo? Ha?" tanong niya.

"Mahigit isang taon na rin—"

"Bullshit, Ry!" he cut me off. "Mahigit isang taon?!" he exclaimed.

"I-I'm really scared, I d-don't have the courage to tell you, I'm really.... sorry" usal ko.

"Ry naman! Tatay mo 'ko at anak kita! Kung ganyan ka! Susubukan kong tanggapin ka! Uunawain kita hanggang sa makasanayan ko na!" he said. I looked at him as my tears starts on falling one by one.

"But the fact na nagsinungaling at naglihim ka sa'kin, that really hurts me a lot, Ry!" kitang-kita ko ang mga emosyon sa mata ni Papa. "Imbes na sa'yo ko marinig, imbes na magmula sa bibig mo, sa iba ko pa nalaman, at sa ibang bibig ko pa narinig!"

Pumikit si Papa't bumuntong hininga. "I'm sorry, Ry, but I'm so disappointed on what you did" iyon ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang umaakyat sa taas.

I felt so much pain in my heart after I heard what he said, and because of thaf, I burst into tears. I can't keep my emotions anymore, this feels so heavy for me.

Sa lahat ng 'to, alam kong mali ang ginawa ko, ako ang may kasalanan at ako lang ang dapat sisihin. Oo, wala pa 'kong lakas ng loob na sabihin kay Papa ang totoo, noon, at kung kailan mayroon na, mas pinili ko pa ring ilihim sa kanya.

Tama si Papa, tatay ko siya't anak niya 'ko, na dapat, noon ko pa sinabi sa kanya, na dapat, itatak ko na sa isip 'kong kahit ano pa man ako at kahit ano pa man ang gusto ko, handa siyang umunawa at tanggapin ako.

Mahal na mahal ko si Papa, pero heto ako, I still ended up hurting his feelings, na para bang hindi niya nagampanan ang responsibility niya bilang isang tatay, at pinagsisisihan ko 'yon.

"Anak, it's okay, masyado lang nagpadala sa emosyon ang Papa mo, tahan na, anak" kaagad na umalo sa'kin si Mama. Yinakap niya ko't marahang hinahagod ang likod ko.

"No, Ma, alam.... ko namang k-kasalanan ko" sabi ko habang humihikbi. "I-I should've tell him the truth, but I chose not, even though I already have the courage."

"Masakit 'yon para sa Papa mo, nakakapag-tampo nga 'yon, anak, lalo na't bilang isang tatay, pero lilipas din naman ang galit niya, hintayin mo lang, tayo-tayo pa rin naman ang magkakasama sa huli" pag-papagaan niya sa loob ko.

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Ang bigat ng loob ko ng gabing 'yon, pero kahit parang lantang gulay, pinilit ko pa ring mag-shower bago humiga sa kama.

Nakatitig lang ako sa kisame, puno ng mga isipin ang utak ko, nakakatawang isipin na ang saya saya ko pa kanina bago pumasok sa bahay, tapos biglang mapapalitan ng lungkot at bigat ng loob.

Should I tell Grix? About what happened earlier? That my father already knows the truth?

Hanggang sa makatulugan ko na ang mga isiping 'yon. Kinaumagahan, pagkatapos kong magbihis ay bumaba na 'ko para kumain ng breakfast, naabutan ko sa mesa sina Mama, Papa, at Ryle. "Anak, good morning, breakfast ka muna" my mother greeted and gestured the foods.

"I have to go, kailangan ko pang maghanda para sa meeting namin, the board members will be there later, see you at the office, Kristina" kaagad na tumayo si Papa at hinalikan ang pisngi ni Mama.

"Ingat sa pagpasok, umuwi ng maaga" he kissed Ryle's forehead before walking. Babatiin ko sana siya pero para siyang hangin na lumampas sa tabi ko.

I sighed heavily as my eyes started heating up. Obviously, he's avoiding me, and of course, that's painful for me. Mas lalo ko lang pinagsisisihan ang ginawa ko.

Naiintindihan ko naman si Papa, talagang masakit sa kanya ang ginawa ko. Maybe hindi pa 'to ang oras para magkaayos kami, I need to give him space. But I'm sure, that time, our time will come.

"I'm sorry, anak" paumanhin ni Mama. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Nameke ako ng ngiti tsaka umiling, showing that it's okay for me, even though it's not.

Kumuha na lang ako ng tinapay na may palamang peanut bago nagpaalam kay Mama at Ryle. Nag-drive na 'ko papunta sa kumpanya, mabuti naman at hindi ako inabutan ng traffic.

"Good morning, Ry, nako, kanina pa kita hinihintay" bungad sa'kin ni Dane, nakasalubong ko siya sa paglalakad.

"Just go to my office, Dane, let's talk there" sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. I'm not in the mood today, after what happened last night and what happened earlier, this feeling is getting heavier.

"It's all about the available spot in QC department" sabi ni Dane na kapapasok pa lang sa office ko, kaagad siyang umupo sa single couch. "Remember? You told me to inform you once na may available spot sa quality control? Yes, mayroon na."

"Okay na 'ko dito, ibigay mo nalang sa iba yung available spot" sabi ko.

"H-Ha? Eh, dati lang, gustong-gusto mong lumipat doon, ah? May nangyari ba?" tanong niya.

Totoong gusto ko ang QC department, pero sa ngayon, hindi ako makapag-isip ng maayos, nakakapagod kahit wala pa naman akong ginagawa, parang gusto ko nalang humilata buong araw.

"Nothing. I'm fine, I'm fine here" I shook my head and gave her a smile.

"O-Okay, by the way, may meeting mamaya with boards, gusto mong pumunta?" tanong niya.

"No, hindi naman ako doon kailangan" tanggi ko. That's not my true reason at all. Nandoon si Papa, at alam kong umiiwas siya sa'kin, baka mamaya, maapektuhan lang ang report niya.

"Sige, mauna na 'ko" paalam niya't lumabas na sa office ko. Nagsimula na 'kong gumawa ng sales report for this month.

Nang matapos ko 'yon, pumunta na 'ko sa head namin para ipa-approve ang report na ginawa ko. "Good morning, Ma'am, here's my report for our overall sales this month" bati ko sa kanya.

"Good morning, just leave your file  on my table" sabi niya habang nakaharap sa desktop. Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Lalabas na sana ako sa office ni Ma'am Katarina ng bigla niya 'kong tawagin. "Mr. Vizcar, I think, there's something wrong in your report, come here."

Kaagad naman akong pumunta sa table niya. "Your datas are from last year, all of them. Kaya pala nakakapag-takang mas mababa ang sale natin this month" napa-iling siya.

Kahit ako ay nabigla rin sa report na ginawa ko, she's right, last year datas nga ang nagamit ko, obvious na obvious dahil nakasulat ang year. "I'm so sorry, Ma'am, uulitin ko nalang po" paumanhin ko.

"This is your first time having an error in your report, Vizcar. Is everything alright?" may bahid na pag-aalalang tanong niya. "Palagi namang pulido ang mga sales at budget reports mo pero hindi ko alam kung anong nangyari ngayon" dagdag ni Ma'am Katarina.

"I'm okay, Ma'am. Nalito lang po siguro ako. Ihahabol ko po yung new report mamaya, bago kayo mag-out. Sorry po ulit sa errors" I get my report and leave her office.

Napa-buntong hininga na lang ako habang naglalakad pabalik sa office ko. I still can't believe what happened on my report. I check and reread it before passing but it turns out like that.

Siguro, wala lang talaga ako sa focus kaya hindi ko napansin ang errors, okupado rin kasi ang isipan ko. Naupo na 'ko sa swivel chair ko't tumunganga sa desktop.

Ting!
Isang notification ang nag-pop up sa cellphone ko. A message from Grix.

From: Grix
Good morning babe :)
Don't forget to eat your lunch. I love you!

To: Grix
Ikaw din. I love you too.

After sending that, I turned off my phone and started on doing my sales report. This time, sinigurado kong walang maling information sa report na ginagawa ko, I'm rereading at rechecking it multiple times.

Tok! Tok! Tok!

Napatingin ako sa pintuan ng office ko dahil sa mga katok. "Come in" I said.

"Ry, hinahanap na ni Sir Randy yung sales report natin for this month, hinahanap daw ng boards, eh, actually, the meeting just started" bungad ni Dane, mukhang nagmamadali siyang makapunta dito.

"Mr. Vizcar, this is urgent" nabigla pa 'ko ng makita si Ma'am Katarina sa pintuan ng office ko. May dala siyang laptop. "Your sales report for this month is needed in the meeting, the board members wants to review it. Are you done on your report?" tanong niya.

"I-I'm not yet done on my report, Ma'am" usal ko. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ng head ko! Hindi ko naman alam na kailangan pala 'tong report ko sa meeting! Wala pa nga ako sa kalahati, eh!

"They d-didn't told me that the meeting with the boards will talk about the sales, I-I thought they will just talk and focus on p-planning of building a new branch" problemadong sabi ng head ko.

"Hala, baka malintikan tayo niyan, pinapahanda na ni Sir sa'kin yung report, eh. Last month sales ang rini-review nila ngayon, then pagkatapos, yung sales na natin this month" napakamot si Dane sa batok niya, halatang stress na.

"Wait, I'm gonna rush it, pasabi na lang kay Papa na malapit na 'kong matapos dito sa report ko, itanong mo na rin kung makakapag-hintay sila" baling ko kay Dane. Kahit ako, problemado na rin sa sitwasyon ko.

"S-Sige, sasabihin ko, babalik ako dito, ha" sabi ni Dane. Hindi ko na napansin ang paglabaa niya dahil tumutok na ako't nag-focus sa report na ginagawa ko.

Sinubukan kong mas bilisan ang kilos ko, rinig na rinig ko ang tunog ng keyboard. I'm working under pressure, that's why I'm really worried if there will be so many errors in this report. Ngayon pa lang, hindi na ako umaasang maganda ang magiging outcome nito.

"Let me help you, Vizcar" prisinta ng head ko. Tumango naman ako bilang sagot. Mas madali 'tong matatapos kung magtutulong kami ni Ma'am Katarina, kaya kahit nakakahiya ay pumayag na ako, dahil parehas lang kaming malilintikan kapag hindi kaagad ito natapos.

Pinagtulungan namin ni Ma'am Katarina na matapos ang report. Buti nalang at dala niya ang laptop niya kaya mas mabilis namin 'yong natapos kesa sa ine-expect ko. She's really professional, at walang-wala ako sa galing niya.

"Thank you po, Ma'am Katarina, I'm really sorry to disturb you" sabi ko habang nakatungo. Nakaupo siya sa tapat ko.

"No it's okay, biglaang hiningi ang report without even informing us, tsaka we didn't expect this naman to happen" she said, still facing her laptop.

"Ry, Ma'am Kat, hihitayin daw 'yan ni Sir Randy bago matapos ang lunch break" pumasok si Dane sa office ko. "Tapos na ba? After niyan, kumakain na kayo ng lunch. By the way, pinag-uusapan nila ang renewal ni Grix Miguel, siya pa rin ang promotional model ng Vintage next year" dagdag niya.

I glanced at her when I heard Grix' name. My heart started beating fast. Nagkunwari nalang akong busy kaharap ang laptop. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Ang hot niya, 'di ba, Ma'am Kat? Ang pogi pogi pa" umupo si Dane sa single couch at binalingan si Ma'am Katarina. "Kaso.... may jowa."

Napalunok ako sa sinabi ni Dane, mas bumilis rin ang tibok ng puso ko. Letse. Unti-unti akong tumingin sa kanya, pero kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin.

Nakangisi akong tinitingnan ni Dane. I blinked thrice before raising my brows at her, questioning why she's looking at me. "Sus, don't tell me, ide-deny mo? Huwag ako, may IG ako, at isa ako sa mga followers ng boyfriend mo" she said, with a teasing look.

"Me too" Ma'am Katarina raised her hand while facing at her laptop. "Ako, bago pa i-post ni Grix yung pictures, alam ko na, palagi kong nakikita si Grix na sinusundo si Vizcar sa parking lot" she added.

Napanganga ako ng bahagya. Wala naman akong balak i-deny, ngayon ko pa ba ide-deny? Eh, halos lahat na nga siguro ng mga empleyado dito sa loob ng kumpanya, nakita na yung post ni Grix noong anniversary namin sa Thailand.

"Ano? Natatakot ka? Kasi akala mo, huhusgahan kita?" tanong ni Dane. "Natatakot ka, kasi baka husgahan ka nila?" I looked at her.

"Normal lang naman ang matakot, lalo na't sa tingin ng karamihan, hindi normal ang ginagawa niyo" sabi ni Ma'am Katarina pagkatapos niyang isara ang laptop niya.

Siguro nga, tama silang dalawa. Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. Natatakot ako na baka after nilang malaman ang totoo, mag-iiba ang tingin nila sa'kin. Not just for me, but also for Grix.

"Here's the report, Dane. Ikaw nalang ang mag-print kung ilang copies ang kailangan" Ma'am Katarina handed the file to Dane. "Vizcar, always remember that in the name of love, everything's normal" she said before leaving my office.

"Go lang, Ry, para sa pag-ibig, okay?" tumayo si Dane at naglakad papunta sa gawi ko. "I'll keep on supporting you, and Grix" hindi ko inaasahang yayakin niya ako. "Alis na 'ko, by the way, lunch time na" paalala niya tsaka lumabas ng office ko.

That put a smile on my face. Because of what they've said, they lessen this heavy feeling inside me, not totally though, but I'm still thankful to them. I will took their advices.

Naglalakad na 'ko dito sa parking lot, papunta kung saan naka-park ang kotse ko. I received a text message from Grix.

From: Grix
I'm on my way there :)

To: Grix
Okay. See you :)

Nakasandal ako sa kotse ko habang hinihintay si Grix. Pauwi na sana ako, eh, sabi niya kasi kanina, gagabihin siya dahil may photoshoot siya. Pero okay na 'to, gusto ko rin naman siyang makita at makasama.

"Good afternoon" bati ni Grix ng makalabas siya mula sa kotse niya. Hinalikan niya ang pisngi ko. "Saan mo gustong mag-dinner? Sa mall? Or may gusto kang restaurant?" sunod-sunod na tanong niya.

"Kahit saan" simpleng sabi ko. "Akala ko ba gagabihin ka?" tanong ko.

"Maagang natapos yung shoot, eh. Dito na ako dumiretso" nakangiting sagot niya. Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng kotse ko.

Nakasunod ako sa kanya habang nagmamaneho. Mabagal ang pagpapatakbo niya, eh paano kasi, traffic nanaman, letse. Nag-park kami sa isang mall. Tahimik lang akong nakasunod kay Grix sa paglalakad.

Liningon niya ako't tumigil sa paglalakad. "Babe, bakit parang tahimik ka? Okay ka lang ba?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Mukhang hindi siya kumbinsido kaya ngumuti pa ako.

"I'm okay, pagod lang ako sa trabaho" rason ko.

"Dapat kasi hindi na muna kita inayang lumabas ngayon. Shit, kasalanan ko 'to, kasalanan ko kapag nagkasakit ka" napasapo siya sa noo niya.

Ngumiwi ang mukha ko dahil sa sinabi niya, pati na rin siguro ang buong katawan ko. "Ano nanamang ka-corny-han 'yan Grix? Parang tanga" reklamo ko.

"Grabe, pwede bang i-appreciate mo man lang 'tong sweetness ko? Para kasing fake 'yang smile mo, eh" nalulungkot niyang sabi.

"Mukha bang made in China 'tong ngiti ko?" pamimilosopo ko. "Tara na nga, mas lalo lang akong nagugutom.... sa'yo" pilyong sabi ko tsaka pinadulas ang kamay ko mula sa balikat niya pababa sa tiyan niya.

"Fuck, you're turning me on" madilim siyang tumitig sa'kin. "Ilang buwan na rin babe noong huling—aray ko naman!" daing niya matapos kong pitikin ang pisngi niya.

"Ang harot mo, sakalin kita diyan, eh" tinalikuran ko siya't nagsimula ng maglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.

"I'm gonna choke you, baby, until you beg for more" bulong niya mula sa likuran ko. Dakilang malandi. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa paglalakad.

Game na game siya sa pang-aasar hanggang makapasok kami sa isang fast food chain. Siya na ang pinapila ko doon, baka kasi masupalpal ko siya ng tissue dahil sa mga mahaharot niyang banat.

Habang naghihintay na mai-serve ang order namin, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko't binuksan 'yon. Naka-power off kasi 'yon noong nasa ako papunta rito.

Kumunot ang noo ko ng makitang puno ng missed calls and screen, galing kay Dane, kay Mama, at sa ibang maids namin sa bahay. Sakto namang tumawag si Dane.

[Hello] sinagot ko ang tawag.

[Hello! Ry! Kanina pa kita tinatawagan! Bakit ngayon ka lang sumagot?!] she sounded so tensed.

"Naka-power off nga kasi ang phone ko, bakit pati si Mama tumatawag? Anong meron?" tanong ko. Nakatingin sa'kin si Grix, parang nakikinig rin sa pinaguusapan namin.

[Ang kapatid mo! Si Ryle! Sinugod sa ospital! Kanina pa!] bulalas niya sa kabilang linya.

Natigilan ako sa sinabi niya at halos mabitawan ko ang cellphone ko. Parang binomba ang buong sistema ko. "Saang.... ospital?" usal ko. Dali-dali akong tumayo at naglakad. papalabas ng restaurant. Ni hindi na ako nakapag-paalam kay Grix.

Kahit nanlalambot ang tuhod, pinilit kong tumakbo papunta sa parking ng mall. Wala na rin akong pakialam sa kung sino ang mabubunggo ko. Kaagad na binalot ng pag-aalala ang isip at loob ko. Ang tanging gusto ko lang ay puntahan ang kapatid ko.

Ryle.
















Continue Reading

You'll Also Like

11K 349 39
Patungkol ang storyang ito sa isang lalaking palaging pinagti-tripan ng isang Brale Reyes, siya ang anak ng chancellor ng university kaya malakas ang...
3.4K 107 23
Travis [HRT] was known as one of the deadliest assassin. After 19 years, he decided to run away from the government organization in order to live a n...
12.4K 421 40
Maraming magagandang kwento ang hindi nagkakaroon ng pagkakataong maisulat sa libro o kung saan man upang paghugutan ng aral. Sa panahong lahat ay po...
42.9K 973 22
Isang groupo Ng kalalakihan na tagapag mana Ng ari-arian Ng mga magulang nito at groupo Ng kababaihan na anak Ng mayayamang political at may Isang da...