The Class S Students Dare

By bRezyLian62

3.4K 263 45

Tumuntong si Kaye sa school na pawang mayayaman lamang ang nakakapasok. She doesn't care about going to schoo... More

The Class S Students Dare
Chapter 1 New Comer
Chapter 2 "I Challenge You!"
Chapter 3 I.D.
Chapter 4 Fighting!
Chapter 5 Retake
Chapter 6 ANG PUSA
Chapter 7 Him
Chapter 8 WARM HUG
Chapter 9 Sweets
Chapter 10 Lies
Chapter 11 Ryu and Leo
Chapter 12 Hide and Seek

Chapter 13 Hate

70 8 4
By bRezyLian62

Chapter 13 Hate

***KAYE POV***

ILANG ulit kong iniuumpog ang noo ko sa inosenteng pintuan na nadaanan ko. Nagbabakasakali ako na makalimutan ko ang katangahang nagawa ko kahapon. Sino ba naman kasi ang nasa tamang katinuan upang gawin ang kagagahang iyon? Nakagawa ako ng isang kasalanan na kahit mga magulang ko ay tiyak na babangon sa hukay upang pangaralan ako.

Tumigil na ako sa ginagawang pananakit sa pinto.

Kahit hindi ko man iyon nagawa, ang aksidenteng mahalikan ang hari ng kaperpektuhan kuno na lalaking iyon. Natitiyak ko na magagalit pa rin sa akin ang mga magulang ko dahil nagawa kong pabayaan ang pag-aaral ko dahil sa labis na galit ko sa mundo. Sa sarili ko.

"Mama, papa..." Kagat ang ibabang labi na inumpog kong muli ang noo ko sa labis na pagka-miss sa kanila ngunit wala na roon ang sakit. Nasa kaliwang bahagi na iyon ng dibdib ko.

Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon, masaya pa sana kaming tatlo. Hindi sana ako aabot sa punto na mawawalan ako ng ganang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Wala sana ako sa poder ng matandang iyon. Kaso hanggang sana na lang ang lahat. Hindi na maibabalik sa akin ang mga nilalang na pinapahalagahan ko higit pa sa aking buhay.

"Aray naman!" anang boses ng isang lalaki.

Dagling hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng tinig. Sinalubong niyon ang hindi maipintang mukha ng lalaking umapak sa minamahal kong id kamakaylan. Ang lalaking kailangan kong mailampaso. Nakalapat ang likod ng palad niya sa direksiyon kung saan ko ibinubunton ang lahat ng hinanakit ko.

"Problema mo?" Pahinamad kong tanong na hindi inaalis ang noo sa pinto. I want to challenge him but he keeps on insisting to wait for one week because I defeated the notorious twins. It's their rules.

"The heck!" Tinitigan niya ako na parang ako pa itong may kasalanan.

I rolled my eyes. Balak kong ibalik ang bagay na kanina ko pa ginagawa ngunit hindi masakit. Isang sigaw ang bumasak sa minamahal kong tainga.

"F-ck!" Maang na napasulyap ako kay Tristan, hindi maipinta ang kanyang mukha. He's shaking his right hand and blows it afterwards, as if it will ease the pain.

"You're weird. Ano namang kaartihan ang pumasok sa utak mo para iharang ang kamay mo sa noo ko?" Ako ang dahilan kung bakit nagpapakasakit ang lalaking ito. Malay ko naman na palad pala niya ang ipapalit sa pintong napagdiskitahan ko kanina pa. Akala ko kasi tatanggalin na niya. Hindi pala.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

"What?" I innocently ask. Alam ko naman kung ano ang iniririklamo niya, feel ko lang talagang mamikon.

Inarko niya ang katawan na parang balak niya akong sabunutan- Mariin akong napailing, hindi sabunot kundi batok. Iba talaga ang epekto ng katangahan ko kahapon. Nagiging mapurol lang lalo ang utak ko.

"Stupid!" he hissed.

"Talking to yourself?" I sarcastically smile.

Tristan just glares at me and took a deep breathe. Mukhang kinakalma yata ang sarili niya na ewan ko kung bakit. Bweno, kung balak man niya akong saktan, handa naman akong lumaban. My deceased father taught me how to protect myself. Hindi nga lang niya naituro sa akin kung paano protektahan ang puso sa labis na paghihinagpis mula ng mawala sila ng mama ko.

Marahas kong isinuklay ko ang mga daliri sa buhok ko. I want to forget this pain. It's eating me again.

"Shit!" Napasinghap ako matapos kong madama ang noo ko. It's freaking painful. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba o hindi. Bakit ba ngayon ko lang naramdaman ito? Kanina parang wala lang iyon a. "Ang sakit!"

"Stupid low class." He murmured.

"Aba't-" Babanatan ko na sana ngunit hinuli ng damuho ang kamay kong nakaangat. "Hoy!"

"Stay still stupid low class." He said, observing my forehead. "It's darn red."

"I'm not stupid!" I hissed. Hinila ko ang kamay mula sa kanya na napagtagumpayan ko naman. May utak din naman ako kaso tinatamad lang akong gumamit.

"You belong to low class," walang anumang sabi niya sabay bulsa ng mga kamay. Hindi inaalis ang mga mata sa nananahimik kong noo. "Aren't you going to the infirmary?"

I rolled my eyes. "Don't act, as if you care for me."

"Tss. What do I expect from you? Matigas talaga ang ulo ng mga low class."

"So? Pake mo naman kung low class ako? May ambag ka ba sa buhay ko?"

"No," He looks at my ribbon. "Your ribbon proves how stupid you are."

"My ribbon is not the issue here!"

"Yes it is!"

"No it's not! Hindi porke't red ribbon tanga na!"

"Yes it is! Because if it's not, dapat umangat man lang ang score mo sa exam. Hindi ka mapupunta sa low class. Tss!" Iritabling isinuklay niyang muli ang mga daliri sa buhok niya. "I can't believe that you used to be in top of your class before."

Bahagya akong natigilan. Tama ba ako ng dinig o talagang alam niya ang tungkol sa buhay na meron ako dati?

"W-What did you say?"

"I said you are stupid!"

"No, you said something about me." Paninigurado ko.

"W-What?" He looked puzzled.

"Paano mo nalaman na nasa top ako dati?" I move one step closer to him and reach his right arm to stop him from moving backward. Wala naman akong sinabihan kahit na kanino. Kung tama ang pagkakaalala ko, naka-private ang mga impormasyon ng mga nag-aaral sa paaralang ito. Maliban na lamang kung ang may-ari mismo ang pumayag doon.

Nag-isang guhit ang mga kilay niya. "One of my classmate in class S. Ano naman sa iyo?"

"P-Paano?" Hinawakan ko ang braso niya. Anong karapatan nila na e stalk ang mga achievements ko dati?

"Matatalino kaming lahat. Sa tingin mo? Saan kaya namin malalaman? We have lots of access here, low class. We can easily detect what achievements you used to have before." Kinalas niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Do you... do you know why I end up losing my grades?" Mariin kong ikinuyom ang mga palad ko. Oras na masali ang mga magulang ko sa bangayang ito, mata lang ng manyakis na ito ang hindi dadaanan ng latay.

"Why would I bother?"

Nakahinga ako doon ng maluwag. Hangga't maaari, ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa mga magulang ko. I'm still in a healing process.

"If I were you, just quit and leave this school. You are not supposed to be here. A girl like you can't maintain your own grade is not suited to stay here." He continued.

Pain struck my heart. I have my own reason why I stop. I am darn depress for losing both of my parents.

"And you have guts to challenge us. I don't know what trick you did para mahulaan ang kambal tuko na iyon. Pero hindi magbabago ang katotohanan na wala kang makukuha sa huli kundi ang matalo."

"S-Shut up-"

"Alam mo kung bakit? Dahil bobo ka. Isa kang dakilang bobo. Does your parents educate you Miss Valdemor?"

Bigla na lamang nilamon ng kakaibang lamig ang katawan ko. Para akong sinasakal. Humahapdi ang bawat sulok ng mga mata ko.

"Sa tingin ko kasi nagkulang sila sa pag-"

"Oh shut up!" Nanlilisik ang mga matang angil ko sa kanya. Naririndi na ang tainga ko sa pang-iinsulto niya na walang katuturan. My parent has nothing to do with it. They did their best to educate me. They love me more than their life but that fucking incident took their life.

"Y-you don't know what I've been through! E ano ngayon kung bumagsak ako?"

He opened his mouth and closes it afterwards.

"A-ano naman ngayon kung nasa mababang ranggo na ako ngayon? May kontribusyon ba kayo sa buhay ko para sabihin sa akin iyan? Ha!" Buong lakas ko siyang itinulak.

"Kung ang pagiging low rank ko ang ipinuputok ng butse mo, bweno para sa kaalaman mo. Sinadya kong mapabilang doon! I don't want to study! Ayoko ng mag-aral! Alam mo kung bakit? Dahil wala na ang mga taong gusto kong pakitaan ng mga achievements ko!" Inis na sinipako ang binti niya.

"O-Ouch!" Napatalon-talon siya marahil dahil sa sakit. Buti nga sa kanya. He deserves it. Hindi nga iyon umabot sa mga masasakita na salita na binitiwan niya.

Bumuga ako ng marahas para kalmahin ang sarili ko. Pero hindi iyon gumagana. Hindi mawala ang sakit na kumakain sa puso ko.

"H-how can I continue if they're gone?" Wala sa sariling bulalas ko. Isinuklay ko ang mga daliri sa buhok ko. Nang magsawa ginulo ko iyon. "I want them to stay..."

"W-What did you say?"

"I want them alive..." Nanghihinang napaupo ako. Mahirap para saakin na tanggapin ang lahat. "I miss them..."

"Are they dead?" He asked.

I paused for a moment then slowly look at him. I can't believe that I tell everything to him.

"You said-" He blink rapidly. "Are you crying-"

Did I? Wala sa sariling dinama ko ang pisngi ko. It's wet.

"Miss Karriza Aye Valdemor!" Rinig ko ang maawtoridad na tinig ng math teacher ko.

Bulong bagal akong tumayo habang pasimpleng tinatanggal ang likidong sumasakop sa mukha ko. Matapos niyon, walang emosyon na hinarap ko ang guro ko. Base sa anyo niya, masyadong itong seryoso. Wala akong mabasa doon.

"The result of your entrance test..."

I know I pass. Kalkyulado ko ang resulta.

"What entrance exam result?" Dinig kong tanong ni Tristan.

Bahagyang tinapunan ng tingin ni ma'am si Tristan. Tumagal ang mga mata niya sa taling nakasabit sa leeg ng lalaking nasa likuran ko.

"Follow me Miss Valdemor, Madam principal is waiting for you." Aniya, matapos akong balingan tinalikuran niya na ako kaagad.

Hindi pa ako nakakalayo hinuli ni Tristan ang braso ko. "Hey!"

Nanghihinang tinapunan ko siya ng tingin. I feel so numb.

"I... I..." Matagal niya akong tinitigan. Nang wala kong marinig mula sa kanya ako na mismo ang humila sa braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Ikinuyom ko ang mga palad pagkaalala ko sa mga sinabi niyang panghahamak sa mga magulang ko kanina. Wala akong pakialam sa hari ng class S. Sa ngayon, isa lang ang tumatatak sa isipan ko. Ilalampaso ko ang lalaking ito.

You will regret insulting me and my parents Tristan!
***END OF KAYE POV***

AN:/// Yehey! Naka-UD din.Sorry po. Nawala kasi ang mga drafts ko. Hirap akong alalahanin lahat. Sorry kung ngayon lang.

Continue Reading

You'll Also Like

904K 36.8K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
14.3K 833 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...