No Strings Attached

By Coutpotaytou

41.6K 1.1K 163

GxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021 More

No Strings Attached
Note
NSA: 1
NSA: 2
NSA: 3
NSA: 4
NSA: 5
NSA: 6
NSA: 7
NSA: 8
NSA: 9
NSA: 10
NSA: 11
NSA: 12
NSA: 13
NSA: 14
NSA: 15
NSA: 16
NSA: 17
NSA: 18
NSA: 19
NSA: 20
NSA: 21
NSA: 22
NSA: 23
NSA: 24
NSA: 25
NSA: 26
NSA: 27
NSA: 28
NSA: 29
NSA: 30
NSA: 31
NSA: 32
NSA: 33
NSA: 34
NSA: 35
Epilogue
Note

NSA: 36

798 22 0
By Coutpotaytou

Mabilis ko namang nakita si Lilith dahil kaunti lang ang tao sa loob ng McDo. Wala siyang nabanggit na kasama niya si Percy pero mabuti na rin 'yon para isang kitaan na lang. I want to end our friendship properly.

Masayang tumayo naman ang dalawa para batiin ako nang makita nila ako pero tinignan ko lang sila at umupo sa katapat nilang upuan. Halata ang kaba sa mga mukha nila nang umupo ulit sila, para bang nahuli sila ng mga magulang nila na may ginagawang kababalaghan.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ito na sana ang huling beses na magkaroon tayo ng interaction kaya sabihin niyo na ang lahat ng gusto niyong sabihin." Paninimula ko dahil parang wala silang balak magsalita.

Never akong humingi ng explanation sa kanila kung bakit nila ginawa ang ginawa nila because I thought I'm alive to be punished and not to be happy. I thought I deserve to be treated this way.

"I... Lilith was my childhood sweetheart but because their family migrated to Canada we've lost contact over the past few years." Percy paused and look at Lilith. Lilith holds her hand to encourage her to speak. "After we graduated from college, we crossed paths again because of some family gathering. After that encounter, she started to bring me my favorite coffee every morning and wait for me at the end of the day to eat dinner with me. She courted me after confessing her love for me three years ago. We've been together for a year but then I couldn't be completely happy when you're ruining your life."

"Sinasabi mo bang kasalanan ko pa na niloko niyo 'ko?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"H-Hindi naman sa gano'n, Iniko. Please, listen to me first." Malungkot na sabi niya.

"Fine, I won't interrupt anymore." Pagsuko ko dahil huling beses na lang naman 'to.

"You're someone who didn't hesitate to be my friend even though girls and guys at our school don't like me. You always save me whenever I'm in trouble. I... I wanted to help you and I thought I did. I can't sleep at night knowing that I'm helping you to ruin your life." Guilt is written all over her face after saying that. She looks at me and all I can see is sadness and longingness in her eyes. "So I asked Lilith a favor to make my mistake right."


It's been a week since the day Lilith and Percy talked to me.

She wanted me to fall in love with Lilith so I could stop seeing other guys na naging successful naman. Kaya lang, Lilith is in love with her and she's in love with Lilith. Kung hindi pa ako pumunta sa bahay ni Lilith noong araw na 'yon, I'm sure hindi ko sila mahuhuli. Who knows, baka hanggang ngayon ay pinagmumukha pa rin nila akong tanga pero kanino nga bang kasalanan 'to?

Kasalanan ko ba dahil hindi ko pinansin ang mga tinginan nila noong pinakilala ko si Lilith sa kaniya? Kasalanan ko ba kasi mahina ako at lahat na lang ng tao sa paligid ko, gusto akong iligtas at protektahan?

The first time I've been cheated on, I blamed myself for what happened even though it's obvious that he's the one who ruined everything, that he's the one at fault. I couldn't sleep at night without thinking and crying about it.

May mali ba sa katawan ko? Mukha ba akong tanga at madaling lokohin? Maganda naman ako, iniintindi ko siya, hindi ko hinahayaan na mag-away kami ng matagal, naging maayos akong karelasyon, binibigay ko ang gusto niya, binigay ko ang lahat-lahat ko sa kaniya, I even broke my promise to my twin sister that I won't let any man touch me but heck it wasn't enough for him. I was never enough, just like before. I'm fucking useless so I accepted it.

He never said sorry and I thought that's how the relationship works. That I'm not worthy of his time and effort; not even his apologies.

I'm just plain mad, hurt, and disgusted.

Nag-sorry silang dalawa sa'kin, siguro dahil na rin nailabas ko na lahat ng hinanakit na pilit kong itinago ng ilang taon ay mas naintindihan at mas madali para sa'kin na tanggapin ang nangyari sa'min ni Lilith.

But I called them manipulative and bitch first before telling them that they're forgiven.

I hugged them then I come home happy and feeling fresh that night.

Siguro nga minsan mas nakakabuti na magpatawad kaysa magtanim ng galit. Para bang ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Kami naman ni Cat ay may bagong improvement. Hinahayaan na niya akong ipagluto siya ng breakfast at nagsasabay na rin kaming pumasok saka umuwi pero sinusungitan niya pa rin ako kapag kinakausap ko siya. Kilig na kilig pa nga ako dahil noong pangatlong araw ng kalayaan niya mula sa'kin ay pinuntahan ako ni Rin at ibinalitang pinagalitan siya ni Cat dahil kinukunsinti niya raw ako. Nalaman kasi nito na sa'kin galing ang coffee na binibigay ni Rin.

Akala ko ay magagalit siya sa'kin pagkauwi ko sa apartment namin pero sinabihan niya lang ako na kung gusto ko siyang bigyan ng kape ay ako mismo ang magbigay, hindi 'yong ibang tao ang pinapagawa ko ng bagay na 'yon. Huwag daw akong tamad.

Iyon na ang pinaka mahaba niyang sinabi sa'kin magmula nang umuwi kami galing sa luma naming bahay kaya naman kahit ang sungit ng pagkakasabi niya no'n ay masayang tumango-tango lang ako sa kaniya.

Apat na araw ko na siyang kasabay kumain at pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko'y ang bless-bless ko dahil unti-unti na kaming nagiging okay.

Sa t'wing gabi naman ay nakikipagkita ako kay Lilith dahil nagpapatulong siya sa'kin sa proposal na gagawin niya para kay Percy.

Gusto nitong mag-propose somewhere in the middle of the forest. Para kapag hindi raw pumayag si Percy, hindi na siya makakatakas sa kaniya.

Sus, kung hindi ko pa alam. Percy is a simp for a forest, she loves being lost to its breathtaking beauty. She loves its earthy smell and the noises it makes. She even wanted to live in the middle of the forest someday. Taong gubat talaga ang babaitang iyon.

Dalawang araw bago mag-propose si Lilith kay Percy ay nagkita kami sa isang park para mag-practice ulit kung paano siya mag-pro-propose.

"Can I change your surname with mine?" Madamdaming tanong nito habang nakaluhod ang isang tuhod at may hawak na singsing.

"Medyo corny pero yes!" Medyo natatawang sagot ko. Nakasimangot na tumayo naman siya. "Iniko naman e'! Umayos na kasi, lalo mo 'kong pinapakaba." Nakasimangot pa ring reklamo niya. "Seryoso na kasi Iniko, stop playing."

Gusto ko man siyang tawanan ay hindi ko na lang tinuloy dahil kawawa naman. Kailangan ko ring maging supportive na kaibigan paminsan-minsan.

"Sorry na... I'll be serious now." Sabi ko at pilit nang nagseryoso. "Just a little tip, medyo mag-relax ka naman d'yan. Mukha kang constipated, baka 'yan pa maging dahilan kung bakit hindi pumayag si Percy na magpakasal sa'yo." Natatawang payo ko.

Tumango naman siya at tumalon-talon pa para pakalmahin ang sarili.

Napangiti naman ako sa isiping seryoso talaga siya kay Percy at palagay ang loob kong hindi niya basta iiwan ang makulit kong kaibigan na iyon.

"Game!" Sabi niya at lumuhod ulit.

"Persephone, would you spend the rest of your life with me?" Seryosong tanong niya.

"Yes!" I exclaimed habang dramatic na tinakpan ko pa ng isang kamay ang bibig ko habang isinusuot niya sa ring finger ko ang singsing ko na binigay niya kanina, ito kasi ang sinabi kong kapalit ng paggamit niya sa'kin bilang proxy ni Percy. Tumayo naman siya pagkatapos at niyakap ako.

"Paano kapag hindi siya pumayag?" Kinakabahang tanong niya habang magkayakap kami.

"Sabihin mo, buwan-buwan kayong magkikita, hindi ka kamo titigil sa pag-pro-propose hangga't hindi siya pumapayag." Sabi ko at naghiwalay na kami sa yakapan namin. Medyo natawa naman siya at mas naging relax na rin ang itsura niya.

"Hoy, huwag kang tumawa-tawa d'yan. Seryoso ako sa sinabi ko, kapag hindi siya pumayag gan'yan ang gagawin mo. Don't you dare give up on her." I said while looking at her in the eyes. Napangiti naman siya. "Sinong nagsabing susuko ako? Persephone is mine." Mayabang na sabi niya.

"Iyan! Ganiyan dapat! Hindi kita hinayaang tsansingan ako ngayon para lang sumuko ka, 'no!" Sabi ko at tinapik siya sa balikat.

"If I know, ikaw ang tsansing d'yan. Patay na patay ka pa naman sa'kin." Sabi niya at tinakpan pa kunwari ang katawan niya na akala mong pagsasamantalahan ko siya.

"Ang kapal, ha!"

**

Pagkatapos naming mag-practice ni Lilith ay umuwi na ako sa apartment namin ni Hecate.

"Hi, Cat!" Masayang bati ko kay Hecate nang maabutan ko siya sa sala. Hindi naman niya ako pinansin at dire-diretso lang na naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko naman siya doon.

"Alam kong hindi pa rin tayo okay at alam kong hindi mo gusto si Lilith." Sabi ko at huminga ng malalim. Nakakakaba naman kasi kausapin si Cat. May hawak kasi itong kutsilyo at parang galit na naghihiwa ng sibuyas.

Tumigil ito at tumingin ng masama sa'kin nang banggitin ko ang pangalan ni Lilith.

"I know, you're mad but I'm here to invite you on Saturday--."

"You don't have to say anything, Iniko. I already knew." She said then starts cutting the onions furiously.

"Wait, what? You knew?" Naguguluhang tanong ko. Kailan pa sila naging close ni Lilith?

"Yeah, congratulations but I'm sorry. I won't come." Galit na sabi niya. And for the first time in history, nahiwa siya ng kutsilyo.

Nagmamadali naman akong lumapit sa kaniya para gamutin ang daliri niya pero tinabig niya lang ang kamay ko.

"Don't touch me, kaya ko ang sarili ko." Galit pa ring sabi niya.

Hindi na ako nagpumilit pa at hinayaan na lang siyang gamutin ang sarili niya.

"Bakit ka ba nagagalit, Cat? At saka pa'no mo nalaman? Kailan pa kayo naging close ni Lilith?" Naguguluhang tanong ko.

"I'm not mad." Medyo kalmado nang sabi niya. Hindi raw galit pero sinigawan ako kanina.

"Bakit sa'kin ka nag-co-congrats?" Tanong ko pa.

"I saw Lilith proposed at you in the park." Malungkot na sabi niya. "I thought we already had our little understanding, Iniko. Hindi mo na sana ako binigyan ng false hope. Stop hurting me."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. "Akala ko kung ano na!" Bulalas ko.

"You hurt me and you're relieved because I knew about it? God, I'm so stupid!" She said angrily.

Aalis na sana siya pero hinatak ko siya palapit sa'kin at hinalikan siya sa lips. Noong una'y nagulat pa siya pero nang ma-realize na niya ang nangyari ay tinulak niya ako at sinampal.

"Stop playing with my feelings!" Sigaw niya sa'kin habang may tumulong luha sa mga mata niya.

"I'm not playing with your feelings, let me explain." Mahinahong sabi ko kahit gusto ko nang sampalin ang sarili ko dahil napaiyak ko na naman siya.

"No need. I'm leaving." She said and immediately entered her room. Kinuha ko naman ang spare key ng kwarto niya at pumasok sa loob.

Galit na pinagbabato naman niya sa'kin ang mga damit niya at ilang hanger. May isang solid na tumama sa noo ko na sa tingin ko ay charger iyon pero hindi ko na pinansin at pilit siyang nilapitan saka siya niyakap ng mahigpit.

"I'm not engaged yet okay?" Pag-a-assure ko sa kaniya. Pagkasabi ko no'n ay saka lang siya tumigil sa pagpipiglas.

"Liar! Nakita kong sinuotan ka niya ng singsing." Mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"But it's not me whose she's proposing at. Tinutulungan ko lang siyang mag-practice, Cat." I said while gently stroking her back. "Mag-pro-propose siya kay Percy the day after tomorrow at sabi ni Lilith, i-invite raw kita. Bati na ulit kaming tatlo."

Humiwalay naman siya nang pagkakayakap sa'kin. "R-Really?" Kahit hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa dilim sa kwarto niya ay marahan kong hinaplos ang pisngi niya.

"Yeah. We're practicing at the park when you saw us. Sinabihan ako ni Lilith na isama ka sa Saturday, gusto niyang maging witness ka rin kung paano siya tatanggihan ni Percy." Natatawang sabi ko.

Hinampas naman niya ako bigla. "Ano ka ba! Papayag si Percy." Positive na sabi niya.

"Fine, mukhang napikot na nga talaga si Percy ni Lilith. Kawawang Percy." Kunwaring malungkot na sabi ko.

"Grabe ka naman kay Lilith. Mabait din naman siya." Sabi niya. Hinatak ko naman siya palapit sa'kin saka siya niyakap.

"Joke lang naman, alam ko namang mahal nila ang isa't isa. Masyado lang akong nagbulag-bulagan. Ako ang kontrabida sa kwento nila pero ayos lang kung hindi dahil sa kanila, hindi ko ma-re-realize na nasa harap ko na pala ang leading lady ko." Sabi ko at niyakap siya ng mas mahigpit. "Salamat dahil hinintay mo 'ko. Salamat dahil kahit ilang beses kitang iniwan tinanggap at binigyan mo pa rin ako ng pagkakataon na patunayan sa'yo na deserve kita."

"I'm not worth it but I'm working on it. Gagawin ko ang lahat para never sasagi sa isip mo kung tama ba ang desisyon mong mahalin ako. I love you, Cat. Thank you for everything." Madamdaming sabi ko.

Naramdaman ko namang medyo nababasa na ang parte ng balikat ko kung saan siya nasubsob tapos ay mas yumakap pa siya sa'kin.

"Hindi ko akalain na darating ang araw na mamahalin mo rin ako. Mga bata palang tayo ay alam ko nang malabong mahalin mo 'ko pabalik. All these years, I've always dreamt about you loving me. Even when you got your first boyfriend, I never stopped loving you. When you starts ruining your body with alcohol, when you starts punishing yourself for something that's out of your control and for every night you're crying alone, I've always love you. Whenever you're pushing me away, I keep on waiting for you and loving you more." Lumayo siya sa'kin at pilit inaninag ang mga mata ko gamit ang liwanag na nagmumula sa buwan na tumatagos sa bintana ng kwarto niya.

"Bata palang tayo alam ko nang wala na akong ibang mamahalin kung hindi ikaw. Cheesy pero wala akong magagawa, tinamaan ako sa'yo e'. May gayuma yata ang mga snickers na binibigay mo sa'kin noong mga bata pa tayo." Natatawang sabi niya.

"Noong nagpasya akong pakawalan ka na, I was ready to move on. I was ready to let you go because I was too tired, too hurt but then again you showed up in this apartment. Maybe my mind wants to give you up but my heart doesn't let me, maybe that's why even though I had all the time to leave, I never did. I planned to but never succeed. I'm thankful because if I did, I'll never be this happy... You're worth it, Iniko. Every pain was worth it because now I have you. Dreams really do come true." She said with full of love.

Tears come streaming down our faces but we're smiling. We're happy and for the first time after all these years, I felt the peace and contentment that I never thought I'll ever feel again. I felt wanted, loved, respected, and valued.

Unti-unti ko namang inilapit ang mukha ko sa kaniya habang nakatingin sa labi niya, when I felt her lips onto mine I closed my eyes to savor the moment. We shared a long passionate kiss, it was so gentle as if we're afraid that we'll hurt each other.

"I love you." I said after our breathtaking kiss.

"I love you, too, Iniko. I always have, I always will." She said then give me a peck on the lips.

"Ang drama na natin saka ikaw, ha! Parang kanina lang , pinapamigay mo 'ko kay Lilith" Sabi ko pagkatapos ko siyang yakapin ulit. Naramdaman ko namang tinabig niya ang tiyan ko.

"Aray naman, Ling." Reklamo ko at napalayo sa kaniya para hawakan ang nasaktang t'yan ko.

"Ayan napapala mo! Ang panira mo talaga ng moment, hay nako!" Stress na sabi niya at iniwan na ako sa kwarto niya. Agad ko naman siyang sinundan.

"Sorry na, Ling." Panunuyo ko sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.

Nang lumingon siya sa'kin ay halata ang pagkainis sa mukha niya pero nawala rin iyon at napalitan ng pag-aalala.

Hinatak naman niya ako papuntang couch namin. "Umupo ka lang d'yan at huwag kang kikilos." Utos niya sa'kin. Sinunod ko naman siya at hindi na nagprotesta. Mahirap na at baka magalit na naman.

Pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit. "Bakit may sugat iyang noo mo?" Nag-aalalang tanong niya at sinimulan nang gamutin ang sugat ko raw.

"Hindi ko rin alam." Maikling sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na baka dahil sa naibato niyang charger sa'kin kanina ang sugat ko. Maliit na bagay kumpara sa nagawa ko sa kaniya.

Nakita ko namang nalungkot bigla ang mga mata niya.

"Dahil siguro sa mga nabato ko kanina 'yan, 'no?" Malungkot na tanong niya.

"Don't be silly, mga damit lang ang binato mo sa'kin kanina. Nauntog ako talaga noong papasok ako sa loob ng kotse ko. Don't be sad na." Sabi ko at nginitian siya. "Smile ka na rin, mas maganda ang nurse ko kapag naka-smile." Sabi ko sa kaniya. Hindi naman niya ako binigo at ngumiti siya.

Pagkatapos ay biglang nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkaasar, nasundan naman iyon ng pagdiin niya sa sugat ko ng bulak na may alcohol.

"D-Dahan-dahan lang, Cat. Masakit." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Ang hapdi, Mimi! Huhu.

"Sino ang Ling na sinasabi mo kanina, ha?! Dalawang beses mo pa talaga akong tinawag ng gano'n. Hindi pa tayo pero may ibang babae ka nang binabanggit. Ano 'yon? Ling? Short for Lilith?" Galit na sunud-sunod niyang tanong. Medyo lumayo naman ako sa kaniya dahil baka diinan na naman niya ng sugat ko.

"Cat, ikaw si Ling. Ayaw mo ba ng endearment ko para sa'yo? Darling iyon, Ling for short." Natatawang paliwanag ko. Hindi ko alam na selosa pala ang Cathy ko.

Kitang-kita ko naman kung pa'no namula ang mukha niya, pati ang leeg at mga tainga niya.

"Tomato Cat-chup has appeared," I said teasingly.

"Tse! Hindi mo naman kasi ako ini-inform. Halika na nga rito, hindi pa ako tapos gamutin ka." Masungit na sabi niya at pilit pinagtatakpan ang pagkapahiya.

"Wala ka naman nang dapat ipagselos, Ling. Walang dahilan para maghanap ako ng iba, ikaw lang ang kailangan ko." Sabi ko pagkalapit ko sa kaniya. Ninakawan ko pa siya ng halik kaya naman namula na naman siya.

"Sus, bola!" Masungit na sabi niya.

"May tanong pala ako, Cat." Seryosong sabi ko.

"Hmm?" Sabi niya habang nakatingin sa noo ko.

"Did it hurt?"

"Hurt?" Tanong niya.

"Yeah, hurt." Tumingin naman siya sa'kin ng nagtataka. "Did it hurt when you fell from heaven?"

Inirapan naman niya ako. "Mamaya mo na nga ako landiin, gagamutin muna kita." Masungit na utos niya habang busy sa paggamot ng sugat ko.

Nag-behave naman ako dahil baka bawiin niya pa ang sinabi niya.


Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 126 28
Isang babaeng nahulog ang loob sa taong naging kompetensya. Straight siya ngunit hinde inaasahan na mahuhulog ang loob sa isang babae. Hinde napigila...
51.9K 2.1K 32
Link writes FanFictions about him and Rhett being together. Rhett writes FanFictions about him and Link being together. What happens when they take a...
20.4K 913 44
I love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako m...
38M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...